You are on page 1of 26

Batayang Kaalaman sa

Metodolohiya
(Pagtitipon, Pagpoproseso at
Pagsusuri ng Datos) sa
Pananaliksik-Panlipunan
Introduksiyon:
Maisasakatuparan ang pananaliksik sa
pamamagitan ng angkop na proseso ng
pagsasagawa nito. Nagiging suliranin ang hindi
angkop na pagpili ng paraan upang maisagawa
ang gawaing pananaliksik. Nagbibigay-daan
lamang ito sa kawalan ng direksiyon o tiyak na
layunin. Dagdag pa ang kawalan ng
makabuluhang ambag ng saliksik sa tunguhing
pagbabago.
Pagtalakay
 

❖Pagmamapa ng Kultural
 
▪ Nilinaw ni Crawhall (2009) na kasama sa pagmamapang ito
ang representasyon ng landscape sa dalawa o tatlong
dimensiyon mula perspektibo ng mga katutubo at lokal na tao.
▪ Malaking tulong ang metodong ito para sa mga estado upang
makalikha ng plataporma para sa mga interkular na diyalogo at
mapalakas ang kamalayan sa pangkulturang pagkakaiba-iba
bilang batis ng pagbuo ng kapayapaan, mabuting pamamahala,
paglabas sa kahirapan, adaptasyon sa pagbabago sa klima, at
pagpapanatili sa sustainable management at paggamit ng likas
na yaman.
• Tinukoy naman ni Duxbury
(2015) ang cultural mapping
bilang isang sistematikong
kagamitang kinakasangkapan
upang isama ang pamayanan sa
identipikasyon at pagtatala ng
mga lokal na kultural na asset na
may implikasyon ang kaisipang
ito ay magagamit upang
makapaglahad ng kolektibong
istratehiya, proseso ng
pagpaplano at iba pang
inisyatibo.
• Binigyang-pansin ng pag-aaral nina Pillai (2013) at
Rashid (2015) ang kultural na pagmamapa bilang isang
sistematikong dulog sa pagtukoy, pagrekord, pag-uri, at
pagsusuring kultural na batis ng isang pamayanang
(cultural assets, gaya ng naunang binanggit ni Duxbury
(2015) nakakapagbakas ng historikal, ekonomikal, sosyal
at heyograpikal na kahalagahan sa site.
• Nagpanukala si Pillai (2013) ng hakbang sa Kultural
na Pagmamapa. Binanggit niyang nahahati sa Tatlo:
Framing ng pag-eensayo sa pagmamapa, proseso sa
pagmamapa, at ebalwasyon.
Saklaw ng Framing ang mga sumusunod:
Nahahawakang elemento:
1. Tao;
2. Produkto;
3. Mga dokumento at mga tala;
4. Natural na kapaligiran; at
5. Elementong gawa ng tao.
Hindi nahahawakang elemento:
1. Mga Pilosopiya;
2. Mga Proseso at Hakbang;
3. Karunungan;
4. Mga Pagkakakilanlan; at
5. Mga Kasaysayan at Alaala.
Mga Proseso:
1. Ang pagtamo ng buod ng pagmamapa;
2. Pag-i-inspect at pagpo-profile sa site;
3. Pakikiisa sa mga stakeholder; at
4. Paglalatag ng layon at tunguhin, na tumutulay sa:
a. Pagtukoy ng eskala at saklaw ng mapa,
b. Pagtukoy sa dulog, mga kagamitan, at teknik,
c. Pagtukoy sa pamamahala ng datos at pagsisintesis,
d. Pagtukoy sa eskala, timeframe, gastusin, at
awtput.
 
Ebalwasyon:

1. Pagtataya sa kultural na karakter at


kahalagahan (mga historikal, siyentipiko,
ekonimiko, sosyal, espirituwal at estetikong
halagahin), at
2. Panunuring SWOT at rekomendasyon sa
estratehiya sa pagpaplano.
Mga Uri ng Pagmamapang Kultural (Coghlan, 2009)
1. Resource Mapping (Tangibles) - Kasapi sa prosesong ito
ang mga datos ukol sa mga tangible resources ng isang
lipunan, mga aspetong maaring sukatin (quantitative).
Kadalasang nakikita at nailalarawan sa pamamagitan ng
obserbasyon sa paligid at maari ring sa mga tala o iba pang
nasusulat. Kabilang dito ang mga impormasyon ukol sa:
∙Pasilidad at imprastraktura
∙Industriya at kabuhayan
∙Mga organisasyong panlipunan, at
∙Mga Pamana ng Kultura
∙Mga Pagdidiriwang at Pista
2. Identity Mapping (Intangibles) – Tinutukoy sa
prosesong ito ang mga hindi nabibilang na datos na
sumasalamin sa pagkakakilanlan ng isang lipunan at ng
mga tao rito. Kinokolekta ito sa pamamagitan ng mga
salaysay mula sa mga taong nagsasapamuhay ng
nasabing kultura. Ipinapaliwanag rito ang identidad ng
kultura, kung paanong naiiba ito sa iba pang mga
kultura. Ilang halimbawa nito ang mga sumusunod:
∙Mga Salaysay at kuwento
∙Kalidad at pamamaraan ng pamumuhay
∙Mga lugar at larawan
❖Content Analysis
Ayon sa pag-aaral ni Berelson (1952), ang content
analysis ay isang teknik sa pananaliksik para sa
obhetibo, sistematiko, at kwalitatibong deskripsiyong
ng isang lantad na nilalaman ng komunikasyon.
Tatlong pangunahing layunin:
1. Upang mailarawan ang katangian ng nilalaman;
2. Upang makabuo ng hinuha hinggil sa sanhi ng
nilalaman; at
3. Upang makalikha ng hinuha hinggil sa epekto ng
nilalaman.
.
❖Content Analysis
Sa unang layon, sinasagot nito ang nga suliraning
pampananaliksik:
1. Upang mailarawan ang mga trend sa nilalaman ng
komunikasyon, maiugnay ang mga kilalang katangian ng
batis sa mga mensahing nililikha nito;
2. Upang masuri ang teknik ng panghihikayat at estilo; at
3. Upang mailapit ang mga kilalang katangian ng awdyens
sa mensahing nililikha para sa kanila at mailarawan ang
mga padron ng komunikasyon.
❖Rebyu ng Literatura
▪ Ang anumang anyo ng pananaliksik ay
nagsisimula sa paghahanap ng makabuluhang
batayan ng pag-iral ng mga suliranin.
▪ Ang paghahanap sa lahat ng sulok-ay paggalugad
sa mahahalagang impormasyon mula sa iba’t-
ibang babasahin/reperensiya. 
Gampanin ng iba’t-ibang Literatura: 
1. Makatitisod ka ng mahahalagang patunay ng pag-iral ng
suliraning inihahanap mo ng solusyon.
2. Mabibigyan ng paglilinaw at pagtitiyak ang paksang
nais saliksikin.
3. Magdadala ang gawaing rebyu sa angkop na direksiyon
n pananaliksik.
4. Ituturo ng pagbasa ng mga reperensiya ang tamang
pagpaplano ng pamaraang gagamitin sa pananaliksik.
 
Gampanin ng iba’t-ibang Literatura: 
5. Matutuklasan din ang kaibahan ng gagawing saliksik sa iba
pang naisagawa na.
6. Tutulong din ang gagawing rebyu sa gagamiting instrument.
7. Makapg-aambag ang mga nakuha mula sa rebyu sa
interpretasyon at pagsususri ng mga datos.
8. Ibibigay rin ng rebyu ang mga pananda ng implikasyon ng
gagawing pananaliksik.
9. Ipapasilip nito sa mananaliksik ang mga nauna nang
pagtalakay sa mga natuklasang talino sa saliksik.
10. Ituturo ng gawaing rebyu ang paglimita ng paksa.
❖Etnograpiya
▪ Angkop na gamitin ang etnograpiya upang
ipaliwanag ang kalikasan ng tao. Binanggit sa aklat
nina Nunan at Bailey (2009), na ito ay pag-aaral sa
kaugalian ng tao na natural na umiiiral at nakatuon
sa kultural na interpretasyon.
▪ Layunin nito na ilarawan at suriin ang ginagawa ng
mga tao sa isang sitwasyon/konteksto, ang bunga ng
mga interaksyon at ang paraan ng kanilang pag-
unawa sa kanilang ginagawa.
Makikilala pang lalo ang prosesong ito sa mga
sumusunod na katangian:
1. Isinasagawa sa mahabang panahon (longitudinal).
Kinakalap ang mga datos sa maingat na pagmamasid sa
matagal na panahon.
2. Komprehensibo. Lahat ng aspekto ng lipunan na
namamasid ay kailangang naitatala. Mula wika hanggang
komunikasyon, ugnayan ng kaanak, mula ritwal at mga
pagtitipon.
3. Ipinaliliwanag sa kontekstong kultural. Ang mga
kalakaran at norm ay inilalarawan at ginagamit upang
mapalutang ang kaugaliang inaaral.
4. Nakatuon sa pangkat. Inaaral dito ang tiyak na mga
pangkat ng tao.
5. Madalas Qualitative, karaniwang Quantitative.
Isinasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagtatala
mula sa mga namasid sa field, mga datos na makukuha
sa panayam, mga dokumento, at kasaysayan ng buhay.
6. Holistiko. Pangkabuoan ang tingin sa tiyak na
paksa.
7. Nagsisimula sa Teyoretikal na Batayan. Nagbibigay-
daan na makilala ng mananaliksik ang iba’t-ibang aspekto
ng sitwasyon o tiyak na mga suliranin sa pananaliksik.
8. May Paghahambing. Sa layong ipaliwanag ang paksa,
may paghahambing (pagkakatulad at pagkakaiba) sa iba’t-
ibang kultura at iba-iba ring kalakarang nakuhaan ng datos
sa pananaliksik.
Tatlong Yugto ng Pananaliksik na Etnograpiya
1. Yugtong Komprehensibo
2. Yugtong nakatuon sa Paksa
3. Yugtong nakatuon sa Hipotesis
❖SWOT Analysis
▪ Maisasakatuparan ang anumang plano o programa
sa pamamagitan ng output ng SWOT analysis.
▪ Ang pagsusuri ay isinasagawa upang mailahad nang
may batayan ang mga naplanong Gawain.
▪ Inaaral ang mga pansariling pagtataya sa sariling
kalakasan at kahinaan at oportunidad at panganib na
maaaring makaapekto sa isang
organisasyon/institusyon.
https://www.scribd.com/document/413731328/Swot-Analysis-Modyul-1
Internal (panloob) na elemento:
 
1. Strenghts/Kalakasan. Tinataya at itinatala upang
isaalang-alang ang mga kalakasan ng Institusyon na
bentahe upang maisakatuparan ang plano o proyekto.
 
2. Weaknesses/Kahinaan. Isinasaalang-alang din
ang kahinaan ng Institusyon upang Makita ang mga
suliranin na makaaapekto sa implementasyon ng
plano o proyekto.
 
 
Eksternal (panlabas) na elemento:
 
3. Opportunity. Iniisa-isa upang suriin ang
mahahalagang pagkakataong ito na maaaring
makapagdulot ng pagbabago o tuling sa isang
institusyon upang maisakatuparan ang plano o proyekto.
 
4. Threat/Panganib. Itinatala rin ang panganib na
makapagdudulot ng suliraninsa institusyon upang
maisakatuparan ang mga pagpaplano.
 
Itutuloy ang talakayan ………

Gawain
Panuto: Gumawa ng SWOT Analysis gamit
ang sariling paksa. (40 puntos)

You might also like