You are on page 1of 20

Technological College of San Felipe Inc.

Fuentecilla Street Brgy. Amagna, San Felipe Zambales

COLLEGE LEARNING MODULE

Dalumat sa Filipino
Module No. 1
Week Coverage: 1 - 4

Joselito De Guzman
Instructor

Unang Lingo
___________________________________________________________________________
I. Paksang Aralin: “Pagdadalumat” at konsepto ng mga salitang
itinanghal na salita ng taon.
II. Layunin:

 nabibigyang linaw ang mga lebel sa pagproseso ng pagdadalumat


nasumasasaklaw sa mga makrong pangkasanayan.
 nasusuri ang mga katangian ng salita ayon sa konseptong ginamit.

 nakakapagbibigay ng ibang mga halimbawa salita/sawikaan.


III. Aralin:
Kahulugan ng salitang “Pagdadalumat” at konsepto ng mga salitang
itinanghal na salita ng taon.
Ang paksa at mga gawaing inilahad sa modyul na ito ay magsisilbing susi
upang iyong ganap na mabigyang kahalagahan at kahulugan ang salitang
“Pagdadalumat” at kaunayan nito sa proseso ng pag-iisip at pag-urirat sa mga
salitang nakaugnay sa salita o paksang dinadalumat. Ito ang gagabay sa iyo
upang lubos pang mapayabong ang iyong talasalitaan na dulot ng katangian
ng wika na buhay at nagbabago ay nagbubunga ito ng mga bagong salita na
ganap na itinanghal at kinilala bilang salita ng taon.
Kahulugan at Katuturan
Ang PAGDADALUMAT ay isang maagwat na prosesong nagpapalawak at
nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at
pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng
kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga
mamamayang Pilipino.
Ang pag-aaral na ito ay may pagtatangkal dalumatin ang salitang
“dulansangan”. Gagamitin ang tatlong lebel ng pagdadalumat ng salita na
tumutukoy sa lexical, simbolikal, at diskursibo. Ang prosesong ito ay batay sa
Utopian natin, sa pagdadalumat ng isang salita.

Ang Usaping Simbolikal sa Salitang Dula


Ayon kay Salazar (1968) ang dula ay isang larawan ng buhay na
sinasangkapan ng wika, damdamin at sining. Hinahabi ito upang itanghal,
makaaliw, umantig ng damdamin, at makapaghatid ng isa o higit pang
mensahe.
Ayon naman kay Atienza (2001), karaniwan nang ikinakabit sa salitang dula
ang mga konseptong tulad ng teatro, artista, iskrip, pag-arte, stage, costume
make-up, set, props, rihersal, director at palakpak.
Usaping Dikurso sa Salitang Dula
Ayon kay Mendoza (2011), hindi na mabilang sa daliri ang napakaraming
kahulugan ng dula. Mula sa konsepto ng mimesis ni Aristotle hanggang sa
pagkilala sa iba’t ibang `katangiang taglay nito.

Sawikaan – samahan
- Nag simula noong 2004
- Subaybayan ang pag unald ng wikang Filipino batay sa umiiral na gamit
ng mga salita sa diskurso ng lipunan
Salita ng Taon – Mga itinanghal na salita ng taon, mula sa iba’t ibang taon.
FIT – Filipinas Institute of Translation, Inc.
- Nag simula ito noong taong 2004

Mga Pamantayan sa Pagpili ng Salita ng taon


1. Mga salitang naimbento
2. Mga salitang hiram mula sa katutubo o banyagang wika
3. Lumang salita ngunit bagong kahulugan o patay na salitang muling
nabuhay

Mga Isinasaalang-alang sa Pagpili ng Salita ng Taon


1. Ang kabuluhan ng mga salita sa buhay ng mga Pilipino
2. Ang pagsasalamin nito sa kalagayan ng lipunan
3. Ang lalim ng saliksik ukol sa ipinasang salita
4. Ang paraan ng pag prepresenta nito sa madla

A. Konsepto ng mga salitang itinanghal na salita ng taon :


a. “Canvass” (2004)
- bago nagkaroon ng automated elections, ang resulta ng halalan ay dumaan
sa mano manong ‘canvassing’ o pag tally ng election returns.
- Prof. Randy David – ang nag nomina ng salitang ‘Canvass’
b. “Huweteng” (2005)
- may malaking impluwensya nag popular na sugal na huweteng sa
mga koneksyon sa politika sa pag control ng galaw ng mga nasa
kapangyarihan.
c. “Lobat” (2006)
- ito ang itinuturing na unang pag paparamdam ng epekto sa
wikang Filipino ng umunlad na mobile technology.
d. “Miskol” (2007)
- kadalasang sinasabi upang mnai save ang number ng kausap,
mahanap ang nawawalang cellphone o ipagmayabang ang bagong
ring tone
e. “Jejemon” (2010)
kapag ganyan kang mag-text, isa kang “jejemon” at kalaban mo ang mga
“jejebuster” at “grammar Nazi”

DALUMAT-SALITA: Mga Salita ng Taon/ Sawikaan (Selfie, Fotobam at


Tokhang)
Sawikaan 2014: Selfie.
Itinanghal ang “selfie” bilang salita ng taon matapos makakuha ng
pinakamataas na boto mula sa mga kalahok ng “Pambansang Kumperensiya
sa Pagpapayaman ng Wikang Filipino at Sawikaan 2014: Pagpili ng Salita ng
Taon.”
Ayon sa isa sa mga nag nomina ng salitang ito na si Direktor Jose Javier Reyes
at publicist na si Noel Ferrer nakikita sapag kahilig ng mga Pilipino sa ‘selfie’ at
pagka humaling sa social media ng pagka makasarili at konsumerismo

Sawikaan 2016: Fotobam


Hango sa salitang Ingles na “photobomb,” ginamit ni Michael Charleston Chua
ang salitang “fotobam” (upang maihiwalay sa orihinal nitong Ingles, bukod sa
ito rin ang ginamit sa isang dokumentaryo ng kaniyang mga estudyante noong
2014) upang ilarawan ang isyu ng pagsira ng isang gaya ng Torre de Manila sa
isang pambansang simbolo. Mula sa mababaw na pagsingit lang sa retrato ng
ibang tao, hinubdan nito ang realidad na hindi nakikita sa isang retrato— ang
realidad kung paanong ang mga awtoridad mismo ay mas minamahalaga ang
negosyo kaysa ang mga pamanang pangkultura ng bansa.

Sawikaan 2016: Tokhang


Hinirang ang “tokhang” bilang salita ng taon sa sawikaan 2018 na ginanap sa
Institute of Biology sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman noong ika-26 ng
Oktubre.Inilahok ng mamamahayag na si Mark Angeles ang salitang ito na
hango sa salitang Cebuano na “toktok” o katok at “hangyo” o pakiusap.

Pagtataya 1.1: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na Dalumat-


Salita.
A.
1. Canvass
2. Huweteng
3. Lobat
4. Miskol
5. Selfie
6. Fotobam
7. Tokhang

Pagtataya 1.2: Self-check


Panuto: Isulat sa patlang ang T kung ang pahayag ay may tamang ideya at M
kung ito ay mali.
1. Unang kinilala ang selfie sa wikang Ingles at sa katunayan ay
itinanghal ding Word of the Year noong 2015 ng Oxford Dictionaries.
2. Nangangahulugan ang “selfie” ng pagkuha ng sariling larawan gamit
ang smart phone o webcam at agarang pagpapaskil sa social media.
3. Magiging ambag ang bagong baybay na “Fotobam” sa pagpapayaman
ng Wikang Filipino hindi lamang bilang wika ng diskursong pang-akademiko,
kundi bilang wika ng pang-araw-araw na buhay.
4. Kailangang unawain at angkinin ang salita upang magkaroon ng
kritikal na pagkamalay (critical awareness) ang mga Filipino sa hatid na
panganib at pangako, pinsala at posibilidad ng salitang ito.
5. Naging madalas ang paggamit ng “tokhang” mula nang ilunsad ng
Philippine National Police ang “oplan tokhang” noong 2014.
6. Naging parte na ng buhay ng lahat ang pagkuha ng retrato ng iba lalo
na ng sarili para manatiling konektado sa mundong ito.
7. Ang tokhang ay hango sa salitang Ilocano na “toktok” o katok at
“hangyo” o pakiusap.
8. Kung may mga kailangang salitang isa-Filipino, kailangan munang
tumingin kung mayroon itong katumbas sa mga wika sa Ingles, kung wala ay
kung mayroon itong katumbas sa Wikang Espanyol.
9. Ang salitang “Fotobam” ay isa lamang usong salita dahil sa hilig nang
pagreretrato ng mga millennials.
10. Ang selfie ang nagbukas sa isyu sa madla na umabot hanggang sa
Kataas-taasang Hukuman upang mapag-usapan ang mga isyu kasaysayan,
kultura, at pamana na madalas umanong hindi napag- uusapan.

Ikalawang Linggo
___________________________________________________________________________
I. Paksang Aralin: PAGSIPAT SA MGA AWITIN BILANG PANIMULANG
PAGDADALUMAT

II. Layunin:
 nasususuri ang mga elemento ng musika at kaligiran nito.

 napapahalagahan ang mga musikang Filipino.

 nasusuri ang mga Awiting Pilipino sa pamamagitan ng pagsasaliksik ng


mga halimbawa nito.

III. Aralin:

PAGSIPAT SA MGA AWITIN BILANG PANIMULANG PAGDADALUMAT


Musika
Ang musika ay isang uri ng sining na mas kilala bilang tugtugin o tunog.
Ayon kay Mangusad (2009), ito ay repleksyon ng ating kultura at ng ating
pagkatao. Ayon naman kay Straubhaar, ang isang awitin ay higit na magiging
kaaya-aya at makabuluhan kung ito ay tumatalakay sa mga problemang
kinakaharap ng bansa.
Bahagi ng sining ang musika at sa pagiging bahagi nito bilang sining ay
karaniwang naglalarawan ito sa pag-aaral ng mga saklaw ng diseminasyong
estitika ng musika. Mas kumplikado at mas naiiba ito sa ibang sining sapagkat
meron itong katangian na makapag-indayog ng mga tagapakinig,
nakapagbibigay ng ibang sensasyon sa pakiramdam ng tagapakinig,
nakakapagpagaan ng loob ng isang tao at may magandang epekto sa isipan. Sa
sining, ang musika ay maaaring mauri sa iba’t-ibang genre na maaaring
maitanghal, awditoryo at fine arts.
Ang Elemento ng Musika
1. Pitch - ay ang mababa at mataas na tono na sumasabay sa
harmoniya at melodiya. Ang pagkabuo ng pitch ay naglilikha ng mga
scales na may ayos: major o minor, chromatic, pentatonic at gapped.
2. Daynamiks - ay ang paglakas at paghina o pagbaba ng himig, ito ay
ang komposisyom na malakas at mahina ay may malawakang
daynamiks at ang pagbabago ng paunti- unti at pabigla-bigla;
crescendo, decrescendo.
3. Timbre - ay ang kalidad ng tunog.
4. Melodiya – ay nagiging tema ng isang komposisyon, ito ang
kombinasyong ng mga ritmo at tono. Ito rin ay kumbinasyon ng tono
at ritmo na may kaugnayan sa metro, tempo at artilulasyon.
5. Ritmo – ay may kaugnayan sa metro, tempo at artilulasyon.

Ang mga salik sa pagbuo ng musika o himig ay isang saklaw upang may
makabuluhang maidudulot sa pisikal at intelektwal ng tao. Ito ay may
mahalagang bahagi sa buhay ng isang tao katulad ng mga Sinanunang Griyego
at Indiyanong mga Pilosopo ay mas nakatuon sa musika na pahalang ang
melodiya at harmonica ay patayo.
Ang musika ay maaaring nabuo sa pamamagitan ng paghalo ng iba’t- ibang
istilo o paraan. Ito ay kumplikado at hindi maipakahulugan ng malinaw ng
lubusan sa iba’t-ibang pananaw ng tao. Pwedeng ang musika sa isang tao ay
walang katuturan sa isang tao. Bagama’t ang musika ay may malaking
naiambag sa mga puso at isipan ng isang tao. Ayon nga sa kasabihan, “Ang
musika ay pag-aari ng lahat”. Ito ay ang himig ng bawat puso.
Bilang panimulang pagdadalumat, ang awiting “Loob” ni Jess Santiago
(2008), isang musikero at kompositor ng mga awiting may kamalayang
panlipunan, ay isang magandang halimbawa ng matalinong pagdalumat sa
salitang “loob” na maituturing na mahalaga sa kulturang Pilipino. Nagsimula
ang awitin sa pangungusap na “wika nati’y simpleng-simple/Pero ubod ng
lalim/Para sa hindi Pinoy/Napakahirap sisirin.”
Mga salita at pariralang may kaugnayan sa “loob”:
 Sulok ng pook (looban), magnanakaw(nanloloob), alinlangan (dalawang-
loob), hinanakit (sama ng loob), pagsisisi (pagbabalik-loob),
kapalagayang-loob (kabarkada)
 Kaibigan (katapatang loob), kulo ay nasa loob (nagtitimpi), niloloob (isip
at damdamin), masamang-loob (mandurugas), lakas ng loob
(katapangan), mahina ang loob (natatakot)
Mga Halimbawa ng awitin na may konseptong nais iparating:
a. “Tuldok” ng Asin – pilisopikal na pagdalumat sa puno’t dulo ng buhay at
pag-iral o existence, gamit ang konseptong tuldok.
b. “Batingaw” ng Asin – pagdadalumat sa konsepto ng karapatang pantao
sa kontekstong Pilipino.
c. “Laging Ikaw” ni Jess Santiago – pagdadalumat sa mga
salita/konseptong Pilipino na magkakaugnay, magkakapares, at
magkaksalungat.
d. “Pananagutan” ni Eduardo Pardo Hontiveros – pagdadalumat sa
konsepto ng panlipunang pananagutan o responsibilidad ng tao sa
kanyang kapwa at bansa.
e. “Tayo’y mga Pinoy” ni Herber Bartolome – pagdalumat sa kolonyal na
mentalidad ng mga Pilipino.
f. “Holdap” ni Gary Granada – pagdalumat sa konsepto ng krimen,
malalaki at dambuhalang krimen.
g. “Mamamayan” ni Gary Granada – pagdalumat sa konsepto ng
pagtutulungan, bayanihan ng mamamayan para sa pag-unlad ng
pamayanan, bilang manipestasyon ng People Power o kapangyarihan ng
mga mamamayan.
h. “Mabuting Pilipino” ni Noel Cabangon – pagdadalumat sa mas malalim
na kahulugan ng nasyonalismo.
i. “Kayod-Kabayo, Kayod-Barya” ni Noel Cabangon – pagdalumat sa pang
araw-araw na buhay ng isang ordinaryong Pilipino.
j. “Pitong Gatang” ni Fred Panopio – pagdalumat sa kultura ng umpukan
at tsismis sa Pilipinas.
k. “Karaniwang Tao” ni Joey Ayala – pagdalumat sa ugnayan ng mga
suliraning ekonomiko ng mga ordinaryong tao at pagkawasak ng
kalikasan.
l. “Pinggan” ni Pol Galang – pagdalumat sa konsepto ng pagkakaibigan o
relasyon ng mga bansa at soberanya.
m. “Kapayapaan Hatid ng Katarungan” ng Sinaglahi – pagdalumat sa iba’t
ibang konsepto ng katarungan at kapayapaan
Pagsasanay 1.1:
Panuto: Pumili ng isang awit mula sa mga awit na nakatala sa itaas. Suriin ito
gamit ang balangkas ng pagsusuri na nasa ibaba.
I. Panimula
II. Pagsusuri
a. Pyesa
b. Elemento
c. Liriko
III. Nilalaman
IV. Teoryang Pampanitikan
V. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip
b. Bisa sa Damdamin
c. Bisa sa Kaasalan
Pagsasanay 1.2: Self-check
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang
tamang sagot.
1. Ang awiting “Pitong Gatang” ni Fred Panopio ay pagdalumat sa
______________________________________sa Pilipinas.
2. _______________________ ay may kaugnayan sa metro, tempo at
artilulasyon.
3. Ang ______________________ ay ang mababa at mataas na tono na
sumasabay sa harmoniya at melodiya.
4. Ang awiting “Mabuting Pilipino” ni _______________________ ay
pagdadalumat sa mas malalim na kahulugan ng nasyonalismo.
5. Ang dalumat ng salitang mahina ang loob ay ___________________.
6. Ang awiting “Tayo’y mga Pinoy” ni Herber Bartolome ay pagdalumat sa
_____________________________ng mga Pilipino.
7. Ang _____________________ ay isang uri ng sining na mas kilala bilang
tugtugin o tunog.
8. Ang awiting “Holdap” ni Gary Granada ay pagdalumat sa konsepto ng
______________________.
9. Ang _______________________ ay nagiging tema ng isang komposisyon at
ito ang kombinasyon ng mga ritmo at tono.
10. Ang awiting _________________________________ni Joey Ayala ay
pagdalumat sa ugnayan ng mga suliraning ekonomiko ng mga ordinaryong
tao at pagkawasak ng kalikasan.

Ikatlong Linggo
___________________________________________________________________________
I. Paksang Aralin: Pagkakaiba ng Morpolohiya at Pagdalumat-salita

II. Layunin:
 natatalakay ang mga uri ng teoryang pampanitikan.

 nasusuri ang pagkakaiba ng Morpolohiya at Pagdadalumat na salita.

 nakapaglalapat ng angkop na interpretasyon gamit ang iang uri ng


teoryang pampanitikan.
III. Aralin:

Pagkakaiba ng Morpolohiya at Pagdalumat-salita


Ang pag-unawa sa salita sa morpolohikal na istruktura ay linggwistikong
nakabatay sa kumbensyonal na pamantayan. Ibig sabihin higit nang alam ng
nakararami ang salita at kahulugan nito.
Samantala, ang isang katangian ng dalumat-salita ay hindi ito matatagpuan sa
anumang diksyunaryo, dahil nga sa bagong mga salita - konsepto ito at dahil
arbitraryo itong nilikha ayon sa pangangailangang teoretikal.

Morpolohiya Pagdadalumat-Salita

 Tipo/ Linggwistik - ay ang Metalinggwistik - mas malalim


kinabibilangang pang-agham na pag- pa sa kahulugan, sinusuri ang
pag-aaral aaral ng wika, wika at ang ugnayan nito sa
kahulugan ng wika kilos at kultura ng isang lipunan
at wika bilang
konteksto.

 Tipo ng palabuuan denotatibo at konotatibo at


ng salita konkreto - abstrakto/teoretikal -
tumutukoy ito sa Pagpapakahulugang nakabatay
kahulugan ng salita sa kung paano ginamit ang
na matatagpuan sa salita sa pangungusap.
diksyunaryo.

 Uri ng pag-unawa Linggwistiko Pilosopikal

 Pagpapakahulugan Gramatikal Diskursibo

MGA TEORYA ng PAGDALUMAT


Ang teoryang ito ay maaaring historikal na sumisiyasat sa pinagmulan ng
isang sinaunang panitikan o teksto, sosyolohikal na nagbibigay ng
pangunahing halaga sa tao, formalism na ang layunin ay iparating sa
mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.

A. PAKAHULUGAN AT KATUTURAN

HISTORIKAL
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), na pinamagatang DalumatFil, ang
historikal na pananaw ay isang uri ng kritisismong pampanitikan na
sumisiyasat sa pinagmulan ng isang sinaunang panitikan o teksto para
maunawaan ang “daigdig sa likod” ng tekstong ito.

SOSYOLOHIKAL
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), na pinamagatang DalumatFil ang
sosyolohikal na pananaw ay tumitingin sa pangkalahatang pattern sa pag-
uugali ng mga indibidwal na kasapi sa lipunan.

FORMALISMO
Ayon sa aklat ni Villafuerte (2000), ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa
anumang anyo ng akda ang siyang layunin ng teoryang ito at ang pisikal na
katangian ng akda ang pinakabuod ng pagdulog na ang minamahalaga ay ang:
(1) nilalaman,
(2) kaanyuan o kayarian,
(3) paraan ng pagkakasulat.

MARXISTANG PANANAW
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), na pinamagatang DalumatFil ito ay
nakabatay sa mga naisulat ng mga pilosopo, ekonomista na sina Karl Marx at
Freidrich Engels. Marxismo na isang pandaigdigang pananaw at nakasentro sa
ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan.
SIKOLOHIKAL
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), na pinamagatang DalumatFil ang
layunin ng panitikan ay ipakita at ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita
ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala,
pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda.
POST-ISTRUKTURALISMO
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), na pinamagatang DalumatFil, para
sa maraming iskolar ang Post-istrukturalismo ay nagmula sa teoryang
istrukturalismo na katatagpuan ng mga katangian na siyang magbibigay-hugis
sa Post-istrukturalismo.

FEMINISMO
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), pinagtuunan ng pananaw Feminismo
ang kalagayan o representasyon ng kababaihan sa isang akda.
KULTURAL
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), ang kultura ay salamin ng lipunan
at mabilis itong sumasabay sa pagbabago dahil sa globalisasyon. Nagsulputan
ang mga gawaing may makabagong dulog at napalitan ang dating
nakasanayan. Nakapaloob sa kulturang ito ang musika, panoorin, kasuotan,
inumin, at gadgets.

Pagsasanay 1.1:
Panuto: Gamit ang teoryang Feminismo, bigyang interpretasyon ang
kalagayan ng kababaihan sa loob ng tula. Basahin ang sumusunod na tula
gamit ang mga link sa ibaba.
Tula 1: Medusa ni Benilda S. Santos
Link: http://kulturaatkasarian.blogspot.com/2011/09/medusa-ni-benilda-s-
santos.html?m=0
Tula 2: PAghabol sa Dyip
Link: https://babalikan.wordpress.com/2017/08/21/paghabol-ng-dyip-ruth-
elynia-mabanglo/
Tula 3: Haranang Walang Buwan ni Virgilio Almario
Link: https://www.youtube.com/watch?app=desktop&v=OVE2C5E6ePM

Pagpupuntos sa gawain:
Pamantayan Puntos
Nabigyang interpretasyon ang bawat tula 40

Maayos ang pagpapaliwanag 30


Maayos ang baybay ng mga salita sa 30
loob ng pangungusap
Kabuuan 100

Pagsasanay 1.2:
Panuto: Basahin at unawain ang isinasaad ng mga pangungusap. Isulat sa
patlang ang tamang sagot bago ang bilang.
___________________ 1. Ito ay ang pang-agham na pag-aaral ng wika, kahulugan
ng wika at wika bilang konteksto.
___________________ 2. Ito ay sumasalamin sa mga pangyayari sa buhay ng tao
na inilalapat sa mga akda at lathalaing makabuluhan.
___________________ 3. __________________ ang kalagayan o representasyon ng
kababaihan sa isang akda.
___________________ 4. Ang ____________________ ay salamin ng lipunan at
mabilis itong sumasabay sa pagbabago dahil sa globalisasyon.
___________________ 5. Ang denotatibo at konkreto tumutukoy ito sa kahulugan
ng salita na matatagpuan sa________________________.
___________________ 6. Ang ___________________________ ay tumitingin sa
pangkalahatang pattern sa pag- uugali ng mga indibidwal na kasapi sa
lipunan.
___________________ 7. Ang _____________________________ ay nagmula sa
teoryang istrukturalismo.
___________________ 8. Siya ang sumulat ng akalt na Dalumat – Filipino.
___________________ 9. Ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anumang anyo ng
akda ang siyang layunin ng teoryang ito.
___________________ 10. Ang ___________________ ay isang pandaigdigang
pananaw at nakasentro sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan.
Ika-apat Linggo
___________________________________________________________________________
I. Paksang Aralin: Mga Teorya para sa Epektibong Pagdalumat

II. Layunin:

 Nuunawaan ang teorya para sa epektibong pagdalumat.


 Naisasagawa ang paraan at proseso ng epektibong pagdalumat.
 Naisasagawa ang aplikasyon ng sa araling Filipino.

III. Aralin:
MGA TEORYA PARA SA EPEKTIBONG PAGDALUMAT
Ang panitikan ay sumasalamin sa mga pangyayari sa buhay ng tao na
inilalapat sa mga akda at lathalaing makabuluhan. ‘Di lingid sa ating
kaalaman na nakatutulong ito upang maipahayag ang ating saloobin at
damdamin, maibahagi ang mga komposisyon mula sa ating malawak na
imahinasyon at maaaring karanasan na mapulot sa iba’t ibang sitwasyon.
Lubusang pinapalawak ng panitikan ang ating kaisipan, dito’y nahahasa ang
gamit natin sa mga salita, naibubulalas ang pagiging makata at naipapakita
ang pagiging malikhain.
May iba’t ibang teorya na bumubuo sa panitikan. Mga teorya na maaaring
makita sa mga akda, ito ay tumutukoy sa layuning iparating ng awtor,
kanyang saloobin at maging kanyang mga imahinasyon. Sa iba’t ibang akda,
maaari tayong makakalap ng impormasyon at mamulat ang ating isip sa mga
kaganapan sa ating paligid.
MGA TEORYA SA PANUNURING PAMPANITIKAN
1. TEORYANG KLASISMO/KLASISISMO ¡ Ang layunin ng panitikan ay
maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa
buhay ng dalawang nagiibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari,
matipid at pilingpili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang
may kaayusan.
2. TEORYANG HUMANISMO ¡ Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang
tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at
mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
3. TEORYANG IMAHISMO ¡ Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga
imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya,
saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling
maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na
paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad
ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
4. TEORYANG REALISMO ¡ Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga
karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan.
Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan
at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
5. TEORYANG EKSISTENSYALISMO ¡ Ang layunin ng panitikan ay ipakita
na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang
sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human
existence).
6. TEORYANG ROMANTISISMO ¡ Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas
ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng
kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita
rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang lahat upang
maipaalam lamang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
7. TEORYANG MORALISTIKO ¡ Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t
ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang
pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o
proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali
ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang
moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.

A. PARAAN AT PROSESO
Teorya ng Pagtanggap/Pagbasa
Isang makabagong teorya na lubhang impluwensyal sa Kanluran ang
kalipunan ng mga kaisipan at kategorya na nagtutuon ng pansin sa
mambabasa bilang mahalagang elemento sa paglikha ng kahulugan. Walang
kabuluhan ang isang akda kung walang reaksyon galing sa mambabasa. Ito
ang nagsisilbing tulay para makabuo ng koneksyon at maihayag ang nais
iparating ng isang manunulat.

B. APLIKASYON NG TEORYA SA ARALING FILIPINO


Balik-tanaw: Ang mga kanonisadong perspektibo na nagmula sa bagong
Formalismo
Ang Formalismo, nagbibigay-diin sa “anyo” o “porma” ng teksto at hindi sa
nilalaman nito. Malinaw na ang pag-alis ng kahalagahan ng mambabasa, na
nagbigay-daan sa isang uri ng pagsasaisantabi, na para bagang walang
kinalaman ang mambabasa sa pagbibigay ng kahulugan sa teksto.
Affective Fallacy
Ang Formalismo sa Rusya at Depamilyarisasyon Ang Depamilyarisasyon
Kasaysayang Pampanitikan (Literary History)
Ayon kay Tynianov, ang pagpapalit o pagbabago ng mga sistemang
pampanitikan ay dapat na makita bilang pamamayani ng isang dominanteng
kalakaran sa iba pang mga kalakaran.
Ang Kontribusyon ng Instrukturalismo
Nagmula sa Intrukturalismo ang konsepto ng relasyon bilang isang sentral na
konsepto ng teorya ng pagtanggap lalo sa Europa. Bilang isang paraan ng pag-
iisip, hindi mailalarawan o maipapaliwanag ang isang phenomenon kung hindi
ito iuugnay sa isang sistema ng relasyon na siyang kinapapalooban nito.
Papel ng akda para kay Mukarovsky
1. Bilang isang sagisag ng komunikasyon.
2. Bilang isang istrukturang may kasarinlan
Ang Impluwensiya ng Penomenolohiya
Isang kalakaran na pilosopiya na nagbibigay diin sa mahalagang papel ng tao
sa pagbibigay ng kahulugan. Ayon kay Edmund Husserl, sinusuri nito ang
nilalaman ng ating kamalayan. Inaangkin ng penomenolohiya ang
kapangyarihan upang imulat ang tao sa kalikasan ng kamalayang pantao at ng
mga phenomena.
Ang Impluwensiya ni Gadamer at Hermeneyutika
Ayon kay Gadamer, ang hermeneyutika ay isang pag-aaral o isang teorya ng
interpretasyon, ang pagbibigay ng kahulugan. Ang pang-unawa ay palagiang
nagmumula sa punto de bista ng isang taong umuunawa.
Ang Sosyolohiya ng Panitikan ayon kay Leo Lowenthal
Mahalaga ang akda kung ito ay nararanasan. Subalit, ang karanasang pantao
ay kalimitang nakakondisyon ng maraming puwersa kung kayat mahalagang
pag- aralan ang mga proseso ng buhay sa lipunan.

Wolfgang Iser
Isang kritikong Aleman subalit pinag-aralan din niya ang panitikan ng Ingles.
Ang aklat niyang The Act of Reading ay katatagpuan ng kanyang mga
paniniwala tungkol sa teorya ng pagbasa.
Tatlong larangang masusuri sa akdang-pampanitikan
 Unang larangan: ito ay tumitingin sa teksto bilang isang potensyal na
makapagbibigay- daan sa paglikha ng kahulugan; ang mambabasa ang
siyang gagawa ng aktwalisasyon ng mga posibleng kahulugan.
 Ikalawang larangan: ito ang prosesong dinaraanan sa pagbasa o
penomenolohiya ng pagbasa. Mahalaga ang konsepto ng punto de
bistang naglalagalag (wandering viewpoint).

 Ikatlong larangan: tumutukoy sa istrukturang pangkomunikasyon na


siyang nagbibigay-daan sa interaksiyon ng teksto at mambabasa.
Hans Robert Jauss
Isang kritikong Aleman subalit kakaiba ang diin ng kaniyang teorya sapagkat
nakaugat ito sa isang historikal na pananaw, sa partikular, ang ugnayan ng
panitikan at kasaysayan. Ang nais ni Jauss ay isang historiograpiya na
aktibong gaganap sa papel bilang tagapamagitan sa nakaraan at kasalukuyan.

Pagtataya 1.1:
Panuto: Gamit ang teorya ng pagtanggap, ibigay ang iyong interpretasyon
batay sa iyong nakikita sa larawan. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Interpretasyon:_

dontkillmekah.blogspot.com

Interpretasyon:

dontkillmekah.blogspot.com

Interpretasyon:

dontkillmekah.blogspot.com
Pagpupuntos sa gawain:

Pamantayan Puntos

Wasto ang interpretasyong nailahad sa bawat larawan bawat 60


isa
Maayos ang baybay ng mga salita sa bawat pangungusap 40
Kabuuan 100
Pagtataya 1.2: Self-check

Panuto: Isulat sa patalang ang T kung tama ang inihahayag ng pangungusap


at M kung mali.
______ 1. Walang kabuluhan ang isang akda kung walang reaksyon galing sa
mambabasa.
______ 2. Ang panitikan ay sumasalamin sa mga pangyayari sa buhay ng tao.
______ 3. Ayon kay Tynianov, ang pagpapalit o pagbabago ng mga sistemang
pampanitikan ay hindi dapat na makita bilang pamamayani ng isang
dominanteng kalakaran.
______ 4. Ang nais ni Jauss ay isang historiograpiya na aktibong gaganap sa
papel bilang tagapamagitan sa nakaraan at kasalukuyan.
______ 5. Ang pagbabasa ay tumitingin sa teksto bilang isang potensyal na
makapagbibigay- daan sa paglikha ng kahulugan.
______ 6. Ang pagbasa ay tumutukoy sa istrukturang pangkomunikasyon na
siyang nagbibigay-daan sa interaksiyon ng teksto at hindi sa mga mambabasa.
______ 7. Ayon kay Jauss nakaugat sa historikal na pananaw, sa partikular,
ang ugnayan ng panitikan at kasaysayan.
______ 8. Ang patanggap at pagbasa ang nagsisilbing tulay para makabuo ng
koneksyon at maihayag ang nais iparating ng isang manunulat.
______ 9. Ayon kay Leo Lowenthal hindi mahalaga ang akda kung ito ay
nararanasan.
______ 10. Ang Formalismo, nagbibigay-diin sa anyo o porma ng teksto at hindi
sa nilalaman nito.

You might also like