You are on page 1of 5

MGA MUNGKAHING GAWAIN

Magtala ng limang mga salita na hindi pa istandardisado o kasalukuyang ginagamit


lamang ng mga tao sa kanto at bigyang pagpapaliwanag kung bakit ito dapat na itanghal bilang
salita ng taon batay sa kung papaano ito lumalaganap at ginagamit sa pakikipagkomunikasyon.

Utol- ay ang islang na salita para sa kapatid (kapatid na babae o lalaki), na nagmula sa
salitang KAPUTOL (pinutol mula sa parehong sangay o pinagmulan). Madalas natin ito
maririnig sa mga lalaki na ang turing sa atin ay kadugo o kapatid. Dapat itong itanghal bilang
salita ng taon dahil marami nang tao ang gumagamit sa salitang ito.

Spongklong- ito'y isang bagong wikaan na nangangahulugan isang estupidong tao.


(Halimabawa: Spongklong ka pala e!). Nararapat lamang na itanghal ito bilang salita ng taon
dahil kung ito ay bibigkasin, hindi masyadong masasaktan ang taong iyong pagsasabihan.

Tom Jones- ito'y isang bagong wika na nangangahulugang nagugutom o gutom na ang
isang tao. Dapat itong itanghal bilang bagong salita ng taon sapagkat mas binibigyang sigla nito
ang kahulugan ng salita.

Jologs- ito'y bagong salita na ang ibig sabihin ay baduy o tumutukoy sa makalumang
istilo ng pormahan. Dapat lamang na itanghal ito bilang bagong salita ng taon sapagkat marami
nang tao maging ang bagong henerasyon ay ginaagamit na ang salitang ito.

Dehins- ito'y bagong salita na nag simula sa binaliktad na salitang HINDE. Nararapat
itong itanghal na bagong salita ng taon dahil kung ito'y babanggitin sa usapan ay magdaragdag
ito ng sigla sa mga kasamang salita.

PANGWAKAS NG PAGTATAYA

Panuto: Panuorin ang epikseryeng AMAYA na binagbidahan ni Marian Rivera Dantes sa


episodyo 1 hanggang 5 at isagawa ang mga sumusunod na gawain:

1. Magtala ng dalawampu (20) na katutubong salita na ginamit sa mga dayalogo sa loob ng


epikserye.
Sagot:
-Bae o Bai -Baba
-Banwa -Ginoo
-Bukot -Kalis / Kris
-Binukot -Kunggit
-Oripon -Batuk
-Tagna -Bankaw
-Himalad -Diwata
-Babaylan -Hayohay / Uripon

-Bana -Umalagad
-Iloy -Tuhay

2. Bigyang kahulugan at ilahag ang katumbas na tagalong na salita ng mga datutubong


salita na iyong itinala batay sa konteksto ng tagpo kung saan ito ginamit sa loob ng
epikseryeng Amaya.
Sagot:
-Bae o Bai – ang tawag sa anak na babae ng isang may katungkulan sa isang “banwa”.
Kung ang pangalan ng “bae” ay Marikit, kung kausapin siya ng mga “uripon” ay “Bae
Marikit”. Ang katulad siguro nito sa ngayon ay “Miss”, itinatawag sa isang babae na may
kasamang respeto. Ngunit sa panahon noon, ito ay itinatawag lamang sa mga may
dugong mahal, o may katungkulan.
-Banwa – hindi ko masyadong natandaan ang iksaktong kahulugan, ngunit ayon sa
paggamit ng mga karakter, waring ito ay isang komunidad o pamayanan na nasasakupan
ng isang datu o rajah.
-Bukot – ang bahay na tinitirahan ng mga “bae”. Ang mga “bae” ay hindi basta
lumalabas dito kaya sila ay nakaduyan o kinakarga upang huwag sumayad ang paa sa
lupa.
-Binukot – ito naman ang tawag sa mga anak na babae ng datu. Kumbaga, parang sila ay
mga prinsesa. (Salamat sa isang nagmagandang-loob na itinuwid ang maling nailagay
rito. Mabuhay ka! Sana ay patuloy kang sumubaybay rito.)
-Oripon – alipin ang kahulugan nito. Sila ang mga nagtatrabaho para sa kanilang mga
amo o nagmamay-ari sa kanila.
-tagna – hula.
-himalad – panghuhula sa pamamagitan ng pagbasa ng mga palad.
-babaylan – manghuhula, manggagamot at marami pang kahulugan, batay sa kung ano
ang kanilang “expertise”.
-Bana – na ang kahulugan ay asawa. Naalaala ko noong araw, may kaibigan akong
manunulat at makata, Liwanag ang kanyang pangalan, nagkukuwento siya sa akin nang
nabanggit niya ang salitang “ang aking bana”. Tinanong ko siya kung ano iyong “bana”.
Asawa, ang aking asawa, ang sagot niya. At iyon ang unang pagkakataong narinig ko ang
salitang “bana”. Sa “Amaya” ko lamang muling narinig ito.
-Iloy – na ang kahulugan ay ina o nanay. Iloy. Masarap ring bigkasin. May indayog at
may lambing. Parang Inay. Parang Inang. Parang Ima. Mama? Mommy?
-Baba – na ang kahulugan ay ama o tatay. Sa unang pagbigkas, parang walang lambing,
ngunit nang sinasambit ito ni Marian Rivera habang nananangis siya sa pagkapaslang sa
kanyang ama, ay madarama ng nanonood ang damdamin ng pagmamahal ng anak sa
kanyang ama o Baba. Lalo pa't masasabing ulila siya sa ina.
-Ginoo – ang tawag na may paggalang sa anak na lalake ng isang maharlika o may
kapangyarihang Rajah. Ang “Ginoo” ay “Mister” sa katawagan ngayon. Bagama't
masyado nang palasak ang pagtawag ng “mister”, ngunit sa simula, ito ay tawag na may
respeto.
-Kalis / Kris- tabak
-Kunggit - sungka
-Batuk - tattoo
-Bankaw - sibat
-Diwata - mga diyosa
-Sandil- ikalawang asawa
-Umalagad- mga espiritu ng ninuno
-Hara- asawa ng raja

3. Gamitin sa pangungusap ang mga katutubong salita na iyong nailahad mula sa episodyo
ng Amaya na iyong pinanuod.
Sagot:
1. Tagna- Tila nagkatotoo ang mga tinurang tagna ng mga babaylan.
2. Baba- Napaslang ang baba ni Amaya matapos nitong makipaglaban kay raja mangubat.
3. Binukot- Si Amaya ay naging binukot dahil siya ay may kakambal na ahas na
nangangahulugang buukod tanging nilalang.
4. Oripun- Si raja mangubat ay mayroong mga tapat na oripun.
5. Babaylan- Bago maganap ang labanan nanghingi muna ng pahintulot ang Datu sa
babaylan upang maging matagumpay ito.
6. Banwa- Sa lahat ng mamamayan si Amaya ang pinaka bukod tangi sa kanilang banwa.
7. Bai- Bata pa lamang sila Amaya ay nagseselos nasi Bai marikit sa mga atensyon na
nakukuha ni Amaya mula sa kanyang baba.
8. Bukot- Kasama ni Amaya ang kanyang mga kapatid sa kanilang bukot na kagaya niya
ay mga binukoy din.
9. Himalad- Nagsagawa ng himalad ang ilang babaylan kay Amaya upang mahulaan o
malaman ang kinabukasan ni Amaya.
10. Bana- Nagawang pagtaksilan o ipagkalulo ni lamitan ang kaniyang bana na si datu
Bugna dahil sa kagustuhan nitong mawala si Amaya.
11. Iloy- Si lamitan ang ikalawang Iloy ni Amaya ay tinangkang idispatsa si Amaya
noong sanggol pa lamang ito.
12. Ginoo- Umalis sa kanilang binukot si Amaya at nagkatagpo sila ng isang Ginoo na
kaagad napamahal sa kaniya.
13. Kalis- Pinaslang ni Raja Mangubat si Datu Bugna sa harap ni Amaya gamit ang
matalas na kalis.
14. Kunggit- Bawal lumabas ng binukot si Amaya kung kaya’t naglalaro na lamang siya
ng kunggit upang malibang ang sarili.
15. Batuk- Natural lamang sa mga Datu maging sa mga mamayan ang pagkakaroon ng
batuk sa kanilang katawan.
16. Bankaw- Ginagamit ng ilang mamamayan ang bankaw upang makahuli ng mga
mababangis na hayop at ginagamit din nila ito bilang sandata laban sa mga kalaban.
17. Diwata- Sa bawat hakbang na sinasagawa ni Amaya ay mayroon siyang gabay mula
sa mga Diwata.
18. Sandil- Hindi makapaniwala si Datu Bugna na ipinagkalulo siya ng kaniyang sandil
dahil may galit ito sa kaniyang anak.
19. Umalagad- Ang mga umalagad ni Amaya ay kadalasang nagpapakita sa kaniya upang
bigyan ng mga babala o gabayan si Amiya.
20. Hara- Si Amaya ang pinaka naging makapang yarihang hara sa kanilang puod.

4. Gumawa ng maikling pagpapaliwanag sa pinagmulang pangunahing wika sa Pilipinas


nabibilang ang mga katutubong wika na iyong inilahad
Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban
sa pambansang wikang Filipino, kasama nang mahigit sa sandaang katutubong wika.
Sinasalita rin ang mga wikang banyaga tulad ng Ingles, Mandarin, Fookien, Cantonese,
Kastila, at Arabe.
Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung
tawagin ay mga wikang Austronesyo. Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika na
ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malay hanggang sa mga watak-watak na pulo
ng teritoryong Polynesia sa Karagatang Pasipiko. Tinatayang ito ang may
pinakamalaking pamilya ng mga wika sa buong daigdig. Datapwat mas maraming wika
ang kasapi ng pamilyang ito kumpara sa ibang pamilya ng mga wika, maliliit lamang ang
bilang na pangkalahatan ng mga taong gumagamit nito.
Sa mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ang mga sumusunod ang pinakamalaki
at malimit gamitin bilang pangunahing wika sa kaniya-kaniyang rehiyon sa bansa:
Tagalog: Wikang batayan ng Filipino. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa
katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ng 24% ng kabuuang bilang ng mga Pilipino sa
buong kapuluan. Taal na gamit sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Bataan, Batangas,
Rizal, Quezon (kilala rin sa tawag na CALABARZON). Ginagamit rin ito sa mga
lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan (kilala rin sa tawag na
MIMAROPA). Ito rin ang pangunahing wika ng Pambansang Punong Rehiyon na siyang
kabisera ng bansa.
Ilokano: Kilala rin sa tawag na "Iloko." Pangunahing wika ng mga naninirahan sa
Hilagang Luzon lalo na sa kabuuan ng Rehiyon I at Rehiyon II, at ilang bahagi ng
Rehiyon III.
Cebuano: Ang pinakakilala at pinakamalawig na wikang "Bisaya." Pangunahing wika ng
lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol, Leyte, Timog Leyte, at malaking bahagi ng
Mindanao. Tinatayang sinasalita ng 27% ng kabuuang populasyon ng bansa.
Hiligaynon: Isang wikang Bisaya na tinatawag ding Ilonggo batay sa pinakakilalang
diyalekto nito mula sa Lungsod ng Iloilo. Pangunahing wika ng Kanlurang Visayas lalo
na sa Iloilo, Capiz, Guimaras, kabuuan ng Negros Occidental, at sa timog-silangang
Mindanao tulad ng Lungsod ng Koronadal.
Waray: Isang wikang Bisaya na tinatawag ding Waray-Waray. Pangunahing wika ng
Silangang Visayas partikular sa buong pulo ng Samar, hilagang-silangang Leyte, at ilang
bahagi ng Biliran. Sinasalita sa Lungsod ng Tacloban.
Kapampangan: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang Luzon partikular na sa
Pampanga, timog Tarlac, at iilang bahagi ng Bulacan at Bataan.
Bikol: Pangunahing wika (lingua franca) ng mga naninirahan sa Tangway ng Bicol sa
timog-silangang Luzon. Sinasalita sa mga lungsod ng Naga at Legazpi.
Pangasinan: Malimit ding tawagin sa maling pangalan na Panggalatok. Isa sa mga
pangunahing wika ng Lalawigan ng Pangasinan.
Meranao: Isa sa mga pinakamalaking wika ng mga Moro. Pangunahing sinasalita sa
Lungsod ng Marawi at buong Lanao del Sur, at ilang bahagi ng Lanao del Norte.
Maguindanao: Isang pangunahing wika ng mga Moro at ng Autonomous Region of
Muslim Mindanao. Sinasalita sa Lungsod ng Cotabato.
Kinaray-a: Isang wikang Bisaya. Pangunahing sinasalita sa pulo ng Panay partikular sa
Antique at ilang bahagi ng Lalawigan ng Capiz at Iloilo tulad ng Lungsod ng Passi.

You might also like