You are on page 1of 2

Explore (Task/Activities)

A. Pagkilatis sa Ilang Publikasyon Bilang Sangunian

Pumili ng isang napapanahong isyung panlipunan sa inyong komunidad. Maaaring


piliin ang isa sa mga isyung nakalista sa unang bahagi ng aralin na hindi ginawan ng
pananalita. Maghanap ng isang artikulo mula sa journal, isang kabanata mula sa
libro, at isang artikulo mula sa diyaryo o magasin na tumatalakay sa isyung napili. Sa
kabuuan, dapat na makahanap kayo ng tatlong uri ng publikasyon: journal, libro at
diyaryo o magasin. Basahin at suriin ang mga sanggunian.

Tukuyin ang mga sumusunod: limang kalakasan at limang kahinaan ng bawat uri ng
publikasyon. Maaaring tumukoy na higit sa lima. Bawat kalakasan at kahinaan ay
dapat ipaliwanag sa isa hanggang dalawang pangungusap. Gawing gabay ang
sumusunod na katanungan.
1. Anong klase ng mga impormasyon ang ibinibigay ng bawat uri ng publikasyon?
2. Ano ang hindi nito naibibigay?
3. Gaano ito katiwa-tiwala? Bakit?
4. Paano ito nakakaambag sa pagbuo ng mga kaalaman hinggil sa isang isyung
panlipunan? Ano-ano naman ang mga limitasyon nito?
Paano ito nakakatulong sa paghugis ng diskursong panlipunan?
Sumulat din ng maikling repleksyon hinggil sa iyong napagtanto sa pagbabasa at
pagsusuri ng mga publikasyon na nagtatampok sa isyung iyong napili. Magpokus sa
papel at kahalagahan ng iba’t ibang uri ng publikasyon sa pagbuo ng kaalamang
maipapahayag sa isang gawaing pangkomunikayon. Limitahan sa 10-15
pangungusap ang repleksyon.

Mainam na magpunta sa aklatan para maghanap ng nakaimprentang kopya ng mga


sanggunian. Gamitin din ang internet para naman sa elektronikong kopya. Ilagay
ang sagot sa MS Word at ipasa sa LMS.

Rubrik para sa Pagkilatis ng ilang uri ng Publikasyon

Di-gaanong
Napakahusay Mahusay
Pamantayan Mahusay Marka
(10-8) (7-5)
(4-0)
Natutukoy ang Natutukoy ng lima o Natutukoy ng apat Natutukoy ng tatlo
kalakasan higit pang hanggang lima na hanggang apat na
(30%) kalakasan ng mga kalakasan ng mga kalakasan ng mga
publikasyon bilang publikasyon bilang publikasyon
Multipier: 3 sanggunian. sanggunian. bilang
Malinaw ang Malinaw ang sanggunian.
paliwanang sa lahat paliwanang sa Hindi gaanong
na mga kalakasang karamihan sa mga malinaw ang
ito. kalakasang ito. paliwanang sa
karamihan sa
mga kalakasang
natukoy.
Natutukoy ang Natutukoy ng lima o Natutukoy ng apat Natutukoy ng tatlo
kahinaan higit pang kahinaan hanggang lima na hanggang apat na
(30%) ng mga publikasyon kahinaan ng mga kahinaan ng mga
bilang sanggunian. publikasyon bilang publikasyon
Multipier: 3 Malinaw ang sanggunian. bilang
paliwanang sa lahat Malinaw ang sanggunian.
na mga kahinaang paliwanang sa Hindi gaanong
ito. karamihan sa mga malinaw ang
kahinaang ito. paliwanang sa
karamihan sa
mga kahinaang
natukoy.
Repleksyon Malalim, Malalim at Hindi gaanong
(30%) makabuluhan, at malinaw ang mga malaman at
malinaw ang mga napagtanto. malinaw ang mga
Multipier: 3 napagtanto. napagtanto.
Konstruksyon Walang mali sa May ilang mali sa Maraming mali sa
at gramatika konstruksyon ng konstruksyon ng konstruksyon ng
(10%) mga parirala at mga parirala at mga parirala at
pangungusap; at sa pangungusap; at pangungusap; at
Multipier: 1 gramatika. sa gramatika. sa gramatika.

You might also like