You are on page 1of 7

University of Luzon

College of Accountancy

Heneral Luna
(Movie Review)

Ipinasa nina:
Versoza, Jia Jesusa
Urbano, Jannelle Grace L.
Heneral Luna
(Movie Review)

I. Teoryang Pinagbasehan
Ang istorya ay tungkol sa kagitingan ng isang heneral at ng iba pang kontrobersyal na
bahagi ng kasaysayan na lumaban para sa kalayaan ng ating bansa, ito ay bibihirang paksa sa mga
pelikulang Pilipino. Ang Heneral Luna ay may teoryang base sa realismo dahil nagpapakita ito ng
makatotohanang pangyayari noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano matapos ang
mahigit na tatlong daang taon na pananakop ng mga kastila sa ating mahal na bayan.

II. Panimula
Ang “Heneral Luna” ay isang matagumpay na pelikulang ipinalabas noong 2015 na handog
ng Artikulo Uno Productions na pinangunahan ng isang batikang director na si Jerrold Viacrucis
Tarog. Ang pelikulang ito ay ginawaran ng Gawad Urian Award for Best Cinematography, Best
Direction, Best Editing, at Best Sound.

III. Tema
Ito ay may temang historikal na hinango sa mga totoong nangyari sa pananakop ng mga
amerikano sa ating bansa. Binabalikan ng pelikulang “Heneral Luna” ang mga mahahalang
pangyayari at tao sa ating kasaysayan na malaki ang impluwensiya sa kung sino at ano tayo
ngayon. Binigyang linaw rin ng pelikula ang mga pangyayari sa ating kasaysayan.
IV. Buod
Si Heneral Luna na pinagbibidahan ni John Arcilla bilang si Antonio Luna ay kumander
ng rebolusyonaryong hukbong sandatahan laban sa pamamahala ng mga Amerikano. Si Heneral
Luna ay nais lamang ipaglaban ang kalayaan ng pilipinas na ayon rin sa kanya, ay siya ring pilit
na ipinaglalaban ng mga Amerikano. Nagtalo-talo ang mga miyembro ng gabinete, pinagtatalunan
nila ang digmaan kontra Amerikano dahil unti unti nilang nasasakop ang pilipinas. Habang nasa
pagtitipon, nagsalita ng pagalit si Heneral Luna dahil sap ag pupumilit nina Pedro Paterno at Felipe
Buencamino na magpasakop na lang sa mga Amerikano para na rin sa ekonomiya ng bansa, di pa
man natatapos ang pagtitipon, nalaman nilang kumikilos na pailalim ang mga Amerikano at
nagpahiwatig ito ng posibleng digmaan. Nagsagawa si Heneral ng plano upang puksain ang mga
Amerikano ngunit nagkulang ito ng mga sundalo kung kaya’t dito ginamit ni Heneral Luna ang
Artikulo Uno kung saan nakapaloob na ang hindi sumunod sa punong heneral ng digmaan ay
siyang tatanggalan ng ranggo at papatayin ng walang paglilitis sa mga sundalo at kapitan na
sinabing susunod lamang itong mga to kung manggagaling ang utos kay pangulong Emilio
Aguinaldo na ginaganapan ni Mon Confiado. Nakalikom ng apat na libong tao si Heneral Luna
sa kabila ng mga sundalo at kapitang hindi lumahok at nakipag bayanihan upang iligtas an gating
inang bayan. Nagpatuloy ang digmaan at dumadami na ang namamatay dahilan upang magkaroon
ulit ng panibagong pagtitipon kung saan nagsusulong si Paterno at Buencamino na magpabor na
lang sa mga Amerikano na kalauna’y hindi nagustuhan ni Heneral Luna at ipinakulong ang mga
ito. Kinalaunan, mas lalong tumindi ang digmaan kaya’t humingi itong muli ng karagdagang
sundalo ngunit hindi ito sinunod ng isang kapitan na si Gen. Tomas Mascardo na ginagampanan
ni Lorenz Martinez dahil tanging ang pangulong Aguinaldo lamang ang kanyang gusting sundin,
ditto nagkaroon ng alitan ang dalawa dahilan upang personalan at sapilitan siyang arestuhin ni
Heneral Luna sa kaniyang sariling bayan. Sinamantala naman ng mga Amerikano ang
pagkakataong ito upang lusubin ang kanilang kuta. Dahil sa nangyaring ito, nagpahayag ng
pagbibitiw si Heneral Luna kay Pangulong Aguinaldo ngunit hindi ito tinanggap ng pangulo dahil
sa kadahilanang wala nang pag-asa kung hindi susundin ang kaniyang mga plano. Pinalaya na ni
Aguinaldo si Buencamino at Paterno at dito na siniraan ng dalawa kasama si Gen. Tomas Mascardo
si Heneral Luna. Kinalaunan, nakatanggap ng sulat si Henaral Luna galing kay pangulong
Aguinaldo na nagsasabing magkakroon ng pagtitipon sa isang lugar dahil papalitan raw ang mga
miyembro ng gabinete ngunit pagkarating ni Heneral Luna ay hindi si pangulong Aguinaldo at
mga gabinete ang kanyang naabutan kundi ang traydor na si Felipe Buencamino kung saan bigla
na lamang siyang pinagbabaril at pinagsasaksak ng marami. Sa huli, itinanggi ni Aguinaldo,
Paterno, at Buencamino ang mga paratang na may kinalaman sila sa pagpatay kay Heneral Luna.

Sa katunayan, ang Heneral Luna ay batay sa isang script na isinulat halos dalawang dekada
na ang nakalilipas. Inaasahang ipapalabas ito bilang isang TV series na ilalabas para sa
sentensyong pagdiriwang ng kalayaan ng pilipinas. Tulad ng iba pang mga pelikulang tagumpay,
ang paggawa ng Heneral Luna ay hindi naging madali. Sa kabutihang palad, Si Rocha, co-writter
ng orihinal na script, ay malapit na kaibigan kay Fernando Ortigas, isang negosyante at isang bigo
na artista na may mapagkukunan ng pinansiyal upang maisulong ang proyekto. Sa sandaling
natanggap ni Ortigas ang binagong script, pumayag siya na tustusan ang pelikula.

V. Tauhan

John Arcilla – Heneral Luna (Antonio Luna)

Dahil sa kanyang mahigpit na pag-uugali kilala si Luna sa kanyang tanyag


na pagdidisiplina sa kanyang mga kapwa sundalo.
Mon Confiado – Pangulong Emilio Aguinaldo

Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas at General-in-Chief ng


Revolutionary Army na nanguna sa mga Pilipino noong digmaang Pilipino-
Amerikano noong 1899 at isa sa mga suspek sa pagpatay kay Luna.

Epy Quizon – Apolinario Mabini

Dating Punong Ministro ng Unang Republika ng Pilipinas na nagsilbing


tagapayo ni Panulong Emilio Aguinaldo. Sa kabila ng kanyang kawalan ng
kakayahan dahil sa polio, inalok niya ang Pangulo ng legal at propesyonal na payo
na itinatag sa kanyang talino sa larangan ng batas.

Joem Bascon – Paco Roman at Archie Alemania – Eduardo Rusca

Mga kaalyado ni Heneral Luna at sumuporta sa kanya hanggang sa


kaniyang huling pakikipaglaban.

Nonie Buencamino – Felipe Buencamino at Leo Martinez – Pedro Paterno

Mga gabineteng maka-Amerikano at nanirang puri kay Heneral Luna kay


Pangulong Aguinaldo.

Mylene Dizon – Isabel

Ang babaeng kasintahan ni Heneral Luna

Arron Villaflor – Joven Hernandez

Isang batang mamamahayag para sa La Independencia, ang unang


pahayagan sa Republika ng Pilipinas.

Ketchup Eusenio – Kapitan Janolino at Lorenz Martinez – Heneral Tomas Mascardo

Ang mga sundalong may galit at inggit kay Heneral Luna.


Sa pelikula, malaki ang tulong ang inimbentong
karakter na si Joven Hernando na ginaganapan ni Arron
Villaflor dahil parang nagsilbi itong tagapagsalaysay
(narrator) sa pelikula dahilan upang mas madaling
maintindihan ng mga manonood ang pelikula. Napabilib
rin kami sa mga artista na nagging bahagi ng pelikulang
ito dahil nagampanan nila ng maigi ang kanilang mga
karakter.

VI. Pagkakaedit ng Pelikula/ Sinematograpiya


Ang Sinematograpiya ng pelikula ay talaga namang
kamangha mangha at naaayon sa napiling tema.
Masasabi naming tiyak at masining ang bawat
anggulong kinunan sa pelikula, ang bawat galaw,
layo o lapit na naanis na makamit ng director at kung
gaano kaliwanag at kadilim ang pag-iilaw sa set.
Pagdating naman sa pagkaka-edit ng pelikula

VII. Paglalapat ng Musika’t Tunog


Nakatulong na rito ang musika o tunog na ginamit na naaayon sa temang historical dahilan
para mas mailahad ang bawat emosyon, at eksena ng pelikula, naging malinaw rin ang dating ng
mga dayalogo sa pelikula.

VIII. Paglalapat ng Dulog Pampanitikan


Marxismo
Ang pelikulang Heneral Luna ay nagpapakita ng ugnayan at hidwaan ng Amerikano
at Pilipino kung saan ipinaglalaban ng mga Pilipino ang kanilang Kalayaan sa mga
Amerikano.
Historikal
Napakita ang teoryang historical sa pamamagitan ng kanilang kasuotan at sa mga
gamit pandigmaan ng mga sundalong pilit na pinaglalaban ang ating bayan noon (1899-
1902).
Realismo
Matagumpay na naipakita ng pelikula ang mga totoong pangyayari sa ating lipunan
na nagbigay linaw kung ano ba talaga ang nangyari noong digmaan ng mga Pilipino at
Amerikano bagaman, hindi naipakita kung sino talaga ang tunay na pumatay kay Heneral
Luna.

IX. Konklusyon at Rekomendasyon


Sa kabila ng tema (historikal), nagawa ng director na mas kawili-wili ang pelikula upang
gawin itong mas patok di lamang sa mga matatanda kundi narin sa mga kabataan. Mas nakatulong
ito sa aming mga kabataan na pahalagahan ang mga ganitong uri ng pelikula.
Sa huli, pinakitang pinatay si Heneral Luna bagama’t kung kami ang masusunod ay mas
gusto naming mabigyan ng pagkakataon lumaban si Heneral Luna at malaman kung sino talaga
ang may balak kumitil sa kaniyang buhay.

You might also like