Professional Documents
Culture Documents
I. PANIMULA
II. KOMPETENSI BLG. 6. Natatalakay ang iba’t ibang genre ng panitikan bilang simulain ng
pagsusuri nito.
LAYUNIN:
TALASALITAAN
Pinagmulan:
Nang mga sumunod na mga taon, para makaakit ng mga manonood, ay ginamit ang Lumiere para
gawing tagakuha ng mga magagandang mga eksena mula sa mga lokal na tanawin sa Pilipinas na
isang dokomentaryo tulad ng Panorama de Manila o ang lupain ng maynila, Fiesta de Quiapo o
Pista ng Quiapo puente de Espanya o ang tulay ng Espanya at La Ecsenas de la Callejeras o ang
Sayawan sa kalye. Bukod kay Ramos ay marami ding mga Dayuhanng taga gawang pelikula ang
ang pumunta sa pilipinas tulad ni Burton Holmes na ama ng Travelogue, na kumuha ng ilang mga
dokumentaryong mga pelikula sa pilipinas tulad ng Battle of Baliwag si Kimwood Peters din ay
kumuha ng ilang mga tanawin sa Banaue Rice terraces at si Raymond Ackeman ng American
Biography at ang Mutoscope ay nag Cock Fight na ipinapakita ang pagkakahilig ng mga pilipino
sa Sabong.
Panahon ng Amerikano
Noong 1900 Ang isang Ingles na nag ngangalang Walgrah ang nag palabas ng ilang mga Pelikula
sa Pilipinas nag bukas siya ng sineha na nagngangalang Cine Walgrah sa No.60.calle Santa Rosa
sa Intramuros. Ang ikalawang sinehan ay itinayo ng isang Kastilang negosyante na
nagngangalang Samuel Rebarber, Tinawag naman itong Gran Cinematografo Parisen, na nasa
No.80 calle Crespo sa Quiapo Noong 1903, Ang isa ng Pilipinong nagngangalang Jose Jimenez
ay nag tayo ng isang sinehang Gran Cinematograpo Rizal sa Calle Azcaraga (na ngayon
ay Abenida C.M. Recto) sa tapat ng Estasyon ng tren sa Tutuban Noong magkaparehas na taon
ang pelikula ay popular na sa pilipinas gumawa sila ng pelikula na tungkol sa Kolonisasyon. na
sinasaluhan ng tunog ng Piano at mga mangaawit sa Manila gran Opera House.
Noong 1905 si Herbert Wynham ay kumuha ng ilang mga eksena sa Manila fire Department,
siAlbert Yearslyay kumuha ng eksena sa selebrasyon ng Rizal day sa Luneta noong 1909; noong
1910, Ang Manila Carnival noong 1911, Ang ilang mga kuha mula sa pag putok ng Bulkang
Mayon;Ang kuha mula sa unang labang pang himpapawid sa look ng Maynila niBud Mars At ang
mga kuha sa Malaking sunog sa Tondo, Pandacan at sa Paco; pati ang kuha mula sa pag alis ng
mga Igorot papunta sa Barcelona at ang pananalasa ng bagyo sa Cebu ngunit ang mga
Pangunahing pelikulang ito ay hindi naging popular sa ating mga Pilipino dahil sa ito para
lamang sa kaalaman ng mga dayuhan,
Ang Komisyon ng Pilipinas ay malaki ang pag papahalaga sa pelikula dahil ito ay isang
magandang gamit sa pag hahatid ng Komunikasyon,impormasyon at Pang aliw, kaya noong
1909, ang Kagawaran ng Siyensiya at Teknolohya ay gumawa ng isang Laboratoryo ng Pelikula
sa Tulong ng Pathe, at ng isang Photgraper na si Charles Martin, sa Pransiya at siyay nag sanay
ng ilang mga Pilipino sa paggawa ng Pelikula, ng Matapos mag sanay ang mga tinuturuan, ay nag
simula na silang gumawa ng pelikula,
At noong 1910, ang unang pelikula na may tunog ay nakarating sa Manila sa kagamitan na
Chronophone ang mga Briton na kumukuha ng pelikula ay pumunta sa Pilipinas at kumuha ng
Magagagandang tanawin sa Pilipinas, tulad sa talon ng Pagsanjan noong 1911 ng Kinemakolor,
At noongv 1912, ang isang kumpanysa sa Hollywood ay gumawa ng isa ng Pelikula na ang
pamagat ay La Vida de Rizal na tungkol sa buhay ng ating Pambansang Bayani, at dito nag
simula ang Pagkakapanganak sa Pelikulang Pilipino.
Noong 1929, ang Syncopation,na isang kaunaunahang pelikulang may tunog ay ipinalabas sa
Radio Theater sa Maynila sa Plaza Sta.Cruz ay gumawa ng Talkie o pelikulang may lapat na
tunog sa mga lokal na produser ng pelikula at noong disyembre 8, 1932 ay ginawa ang unang
tagalog na Pelikula na Pinamagatang Ang Aswang, na isa ng Pelikula na may tema ng
katatakutan base sa mga Alamat, ngunt sa mga ilang nakakatanda sa pelikulang ito ay hind talaga
ito purong may tunog, ay ang Punyal na Ginto na ipinalabas noong marso 9,1933 sa Lyric
Theater,
Noong 1930s, ang ilang mga artista at mga produser ay tumululog s pag papaunlad pa ng
industriya ng pelikula ang mga Tao ay namangha sa mga magagaling na pagganap at sa pag pili
ng tema ng pelikula, karamihan dito ay tungkol sa mga pinagdaanan ng mga pilipino sa mga
mananakop, tulad ng Patria Amore;Mutya ng Katipunan ni Julian Manansala na mayroong
elemento ng propagandang Anti-spanish .
Si Carmen Concha,Ang unang babaeng derektor sa Pilipinas ay gumawa din ng mga ilang
Pelikula tulad ng Magkaisang Landas at ang Yaman ng Mahirap noong 1939,sa ilalim ng
Parlatone Hispano-Filipino at ang Pangarap noong 1940 sa ilalim ng LVN Pictures.
Brian Soria
Fernando Royo
Ben Rubio
Rolando LIwanag
Exequel Segovia
Ben Perez
Teddy Benavides
Manuel Barbeyto
Ernesto la Guardia
Jaime G. Castellvi
Alfonso Caravajal
Jose Troni
Nardo Vercudia
Andres Centenera
Fermin Barva
Fernando Poe Sr.
Nati Rubi
Etang Discher
Monang Caravajal
Naty Bernardo
Noong kasagsagan ng digmaaan, ang karamihan sa mga Artista ay nakadipende sa entablado lalo
sa maynila Ang mga sinehan noon ay bibihira dahil sa mga kaguluhan.
SAQ #1 (5 Puntos)
Itala ang mga pagbabagong natunghayan sa pag-unlad ng Pelikulang Pilipino
Dekada 50
Pagkatapos ng digmaan, ay sumikat ang mga pelikulang ukol sa digmaan, ang mga tao ay
gustunggusto na makapanood ng mga iyon, na ang karamihang tema ay propaganda, tulad ng
Garison 13,(1946) Dugo ng Bayan, (1946) Walang Kamatayan at Gerilya na isang uri ng
naratibong salaysay tukol sa mga kabayanihan ng ng mga sundalo noong panahon ng digmaan.
Dito din nag simula ang Realismo sa Pelikula ng Pilipinas. base sa mga buhay ng pilipino tulad
ng tungkol sa mga napapanahong mga usapin sa lipunang kinagagalawan ng mga Pilipino, sa
panahong ito ay naging popular rin ang komedya at drama.
SAQ #2 (5 Puntos)
Gumawa ng timeline at ilista ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng pag-unlad ng
Pelikulang Pilipino
Komedya (Comedy) – pelikula kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan
o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig. Ang komedya ay
maaari ding walang salita na nauso noong panahon ng Silent Movies na makikita di sa pagsalita
ng bibig kundi sa pagkilos ng katawan.
Musikal (Musical) – pelikula kung saan ang mga bidang lalaki at babae ay nagsisipag-
awitan. Ang isang musikal na pelikula ay matatawag din kung ang mga bida ay
nagsisipagsayawan sa maka-klasikong kaugalian man o makabagong panahon sa tunog at indak
ng musika.
Aksyon (Action) – pelikula kung saan ang isa o mas marami pang bida ay inilagak sa sunud-
sunod na mga pagsubok o hamon na nangangailangan ng pisikal na pakikipatunggali at mga
masasalimuot na paglalabanan.
Krimen (Crime) – pelikula kung saan nakapokus sa buhay ng mga kriminal na umiinog
mula sa tunay na buhay ng mga kriminal hanggang sa mga nilikhang karakter na may
napakasamang katauhan.
Drama – pelikula kung saan nakadepende sa mas malalim na pagbuo ng mga realistikong
karakter na tumatalakay sa mga temang emosyonal gaya ng pagkalango sa alak, pagtataksil,
diskriminasyon, sekswalidad, kahirapan, karahasan o korapsyon.
Tayo ay isang bayan na ang nakaraan ay hinubog ng edukasyong kolonyal; kung saan ang mga
puwersa ng globalisasyon ang siyang nagpapatakbo ng ating kasalukuyan; at kung saan hindi
malayong maulit ang mga pagkakamali ng nakaraan. Kailangan lumingon tayo sa ating
produksyong kultural at gamitin ito bilang sandata sa pagkikipagtunggali sa imperialismo at
kolonyalismo. Ito ang dahilan kung bakit kailangang magkaroon ng isang makabuluhang
pelikulang alternatibo na siyang gagamitin ng makabayang filmmaker upang labanan ang
kanluraning gahum.
Ihahain ko ang tatlong katangiang ng isang pelikula na para sa akin ay tunay na alternatibo.
Maaari itong magsilbing gabay sa makabayang filmmaker sa pagbubuo ng identidad ng
pelikulang Pilipino:
Ang mga katangiang ito ang magbibigay daan upang kilalaning tunay na alternatibong cinema ang
maka-banyagang indie film; isang cinema na ginawa upang pagsilbihan ang masang Pilipino,
isang cinema kung saan ang masa ang paksa ng bawat kuwento. Kung ating babalikan si Martin-
Barbero, sinabi niya na “cinema can transform the political idea of nationhood into the daily
experience of nationhood” (51). Sa madaling salita, naniniwala ako sa kakayahan ng alternatibong
pelikula sa paglalayag ng nasyonalista at makabayang damdamin.
Maaari ring suriin ng filmmaker ang ating kasaysayan sa nakalipas na 40 taon, mula sa kilusang
makabayan laban sa diktadurya ni Ferdinand Marcos noong dekada ‘60 at ‘70 hanggang sa
pagbabalik natin sa pyudalismo at oligarkiya noong panahon ni Corazon Aquino.
Hindi mabilang ang mga kuwentong naghihintay na maisapelikula mula sa daan-daang biktima ng
batas militar, ng ating mga kapatid na Muslim na patuloy na naisasantabi dahil sa giyera sa
Mindanao, ng mga mamamahayag na napaslang sa ilalim ng gobyerno ni Gloria Macapagal-
Arroyo, at marami pang iba. Mula sa mga ito ay makabubuo ang filmmaker ng mga kuwentong
magpapakita ng patuloy na pakikibaka ng masa laban sa puwersa ng kolonyalismo, mga tiwaling
opisyal ng pamahalaan, mga panginoong maylupa at mga dayuhang kapitalista.
Balikan naman natin ang sinabi ni Lumbera tungkol sa pagbibigay ng bagong nilalaman sa mga
nakagisnang uri ng aliw. Sa halip na pag-aksayahan ng panahon ng filmmaker ang paggamit ng
mga maka -burgis na eksperimental at “avant-garde” na estilo at teknik ay muli niyang babalikan
ang mga uri ng kuwento (genre) na pamilyar na sa masa (hal.: katatawanan, pagh-ibig,
katatakutan, kababalaghan, at iba pa). Gagamitin niya itong “pretext” upang maipakita ang epekto
ng globalisasyon, imperialismo at kolonyalismo. Kung nangangailangan naman ng kilalang aktor
o aktres ang filmmaker, hindi nauubusan ang industriya ng mahuhusay at sikat na artistang
handang tumulong kapalit ng pagkakataong makasali sa isang kakaiba at makabuluhang pelikula.
Ang paggamit ng mga kilalang artista ay isang paraan upang mahimok ang masa na panoorin ang
pelikula. Samakatuwid, habang binabago ng filmmaker ang genre ay hindi naman ito nalalayo sa
nakasanayang estilo. Kabaliktaran ito ng mga eksperimental o avant-garde na indie film na tila
ang tanging layunin ay maging iba sila sa mainstream. Ang pinagtutuunan ng pansin ay ang
filmmaker at hindi ang pelikula. Ang ganitong kayabangan, ayon kay John Howard Lawson, “is
one of the main means by which the artist is kept chained to the ideology of capitalism; as long as
the artist adheres to the ruling class view that creative activity is metaphysical, subjective and
unrelated to class interests, he is permitted to cherish the pretense of ‘freedom’ to compensate for
his impotence” (117). Samakatuwid, ang layunin ng alternatibong pelikula ay hindi lamang
magbigay ng aliw o baguhin ang nakagisnan kundi isulong ang Pilipinismo.
Isang magandang halimbawa ang Endo ni Jade Castro na lumahok sa Cinemalaya noong 2007 at
nanalong Best Screenplay sa Gawad Urian. Sa unang tingin ay isa lamang ito simple at
nakatutuwang kuwento ng pag-ibig, ngunit kung susuriing mabuti ay ipinakikita rin ng pelikula
ang epekto ng globalisasyon sa paghahanap ng trabaho. Ang mundong ginagalawan ng Endo (na
ang ibig sabihin ay end-of-contract) ay ang mundo ng mga contractual worker na nagtatagal
lamang ng anim na buwan. Madalas itong ginagawa ng malalaking kompanya gaya ng mga
faktori, shopping mall, grocery at fast food chain upang hindi sila obligadong magbigay ng
kumpletong benepisyo sa kanilang mga empleyado. Ang Endo na kinatatampukan ng sikat na
aktor sa telebisyon na si Jason Abalos, ay isang halimbawa kung paanong ang isang independent
filmmaker, sa tulong ng isang kilalang artista, ay gumagamit ng popular na genre upang
magsilbing daan para maipakita ang mababang pagpapahalaga ng malalaking kapitalista sa mga
manggagawa at empleyado nito.
Ngunit magiging matagumpay lamang ang alternatibong pelikula kung makahahanap ang
filmmaker ng epektibong paraan para maabot ang masa. Bagamat hindi ko naman sinasabing
huwag nang magpalabas sa malalaking sinehan sa loob ng shopping mall, malinaw naman na
kakaunti lamang ang makukuhang suporta mula sa mga ito kung kaya’t dapat lamang na gumamit
rin ng “grassroots approach” ang filmmaker sa pagpapakalat ng kanyang pelikula. Maaari siyang
magpalabas at magbenta ng kopya sa mga paaralan at unibersidad kung saan may pagkakataon pa
siyang talakayin ang kanyang pelikula sa mga estudyanteng manonood. Maaari ring magdala ng
DVD player, multimedia projector at simpleng sound system ang filmmaker sa mga barangay hall
o basketball court. Gamit ang Internet, puwede siyang gumawa ng sarili niyang websayt o gamitin
ang You Tube o ibang kahalintulad na websayt upang maipalabas ang trailer ng pelikula. Dahil sa
makabagong teknolohiya, napakarami nang paraan na magagamit ang filmmaker para maabot ang
masa.
Ito ang mga isyu, luma man sa panahon ng globalisasyon, na dapat nating harapin bago tayo
makilahok sa global at transnational na diskurso. Habang patuloy na nananamlay ang industriya
ng pelikula, dumarami naman ang mga filmmaker na gumagawa ng pelikula sa labas ng
industriya. Huwag sana nating sayangin ang panibagong siglang ito. Nawa’y ang mga batayang
inilahad ko sa sanaysay na ito ay makatulong sa filmmaker na makagawa ng makabuluhang
pelikula na makakasama sa pakikibaka laban sa komersyalismo at gahum ng Hollywood. Nawa’y
magsilbi itong daan tungo sa pagbubuo ng isang tunay na pambansang cinema.
SAQ #3 (5 Puntos)
Magbanggit ng tatlong uri ng Pelikula at magbigay ng halimbawa sa bawat isa. Bigyan ng
paliwanag.
III. LAGOM
IV. SANGGUNIAN
Mga Genre ng Pelikula-Maayos na sinalansan ni G. Danilo V. Rogayan Jr., Guro sa Filipino ng
St. Thomas Academy, Bacoor City.
https://www.wikiwand.com/tlPelikulangPilipino
Valerio, Elvin Amerigo “Ang Pelikulang Bukod na Bukod:Ang Pelikulang Alternatibo bilang
Mapagpalayang Sining” DALUMAT JOURNAL De La Salle University – Manila.2010
San Juan, Gloria P Et.al. “Panunuring Pampanitikan” Booklore Publishing Corporation Santa
Cruz Manila. 2005
V- EBALWASYON
SHEPHERDVILLE COLLEGE
(Formerly JESUS THE LOVING SHEPHERD CHRISTIAN COLLEGE)
Talojongon, Tigaon, Camarines Sur, Philippines
Tel. No. (054) 884-95-36
“EXCELLING IN TRUTH IN THE SERVICE OF GOD AND COUNTRY”
COLLEGE OF EDUCATION
FIRST SEMESTER A/Y 2020-2021
Petsa:_____________________
SAQ #1 (5 Puntos)
Itala ang mga pagbabagong natunghayan sa pag-unlad ng Pelikulang Pilipino
SAQ #2 (5 Puntos)
Gumawa ng timeline at ilista ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng pag-unlad ng
Pelikulang Pilipino
SAQ #3 (5 Puntos)
Magbanggit ng tatlong uri ng Pelikula at magbigay ng halimbawa sa bawat isa. Bigyan ng
paliwanag.
Pamagat
Genre/Uri
Paliwanag
Maikling Pagsusulit (5 Puntos)
___________________________________________
______________________________________________________________________________