You are on page 1of 5

The Flor Contemplacion Story

Taon 1995
Oras 120
Produksiyon Viva Films
Direksyon Joel Lamangan
Panulat
Ricardo Lee
Bonifacio Ilagan
Sinematograpiya
Romeo Vitug
Disenyo
Manny Morfe
Editing
Edgardo Vinarao
Joyce Bernal
Nagsiganap
Nora Aunor Vina Morales Ara Mina Frank Rivera
Amy Austria Ian de Leon Tony Mabesa Gloria Sevilla
Rita Avila Jacklyn Jose Caridad Sanchez
Julio Diaz Kristine Garcia Ronaldo Valdez

Buod
Tulad ng maraming mga taong mahihirap, naisip ni Flor (Nora Aunor) na sa pamamagitan ng
pagtatrabaho sa ibang bansa ay maibibigay niya ang kanyang pamilya ng isang mas magandang
buhay kahit na nangangahulugan ito ng pagsasakripisyo ng kanyang sariling kaligayahan.
Nagpasya siyang magtrabaho bilang domestic helper sa Singapore na nag-iisip na maaaring ito
ang sagot sa kanyang mga problema. Hindi tulad ng maraming iba pang mga tagapaglingkod, si
Flor ay mahusay na ginagamot ng kanyang mga tagapag-empleyo.
Gayunpaman, noong 1995, siya ay naaresto at inakusahan ng pagpatay sa kanyang kapwa
Pilipino, si Delia Maga at ang maliit na batang lalaki na inaalagaan niya. Sa kasamaang palad,
ang lahat ng katibayan ay tumutukoy kay Flors ina inosente. Matapos ang isang mabilis na
paglilitis, natagpuan ng gobyerno ng Singapore na may kasalanan si Flor at pinarusahan siya ng
kamatayan.
Ang kanyang suliranin ay nagdudulot ng pagbuhos ng simpatiya mula sa mga Pilipino, na
tumangging maniwala sa kanyang pagkakasala. Nagkaroon din ng isang pambansang apela para
sa pagpupumilit at isang muling pagsisiyasat upang magawa. Kahit na ang opisina ng Pangulo ay
nag-apela sa Pamahalaan ng Singapore. Gayunpaman, ang Pamahalaan ng Singapore ay
nanatiling matatag sa kanilang desisyon.

1. Magbubukas ang pelikula sa eksenang kinakaladkad si Flor Contemplacion (Nora Aunor)


papasok sa bilangguan sa Singapore. Simula ito ng paroo’t parito ng naratibo sa alaala ng
mga tauhan sa pamamagitan ng maraming flashback
2. Pebrero 1995 nang mabalitaan sa San Pablo, Laguna ang hatol sa bitay kay Flor sa
Singapore sa bintantang na pagpatay noong 1991 sa isang pang DH na si Delia Maga at
sa alaga nitong bata. Babalik sa alaala ni Efren, si Neneng. Ididiin din ni Flor ang dahilan
ng kaniyang pangingibang-bayan ang mabago ang takbo ng kanilang buhay.
3. Sa Singapore, 1 Marso 1995, dadalaw ang mga anaki ni Flor sa kulungan. Magkikita ang
mag-iina ngunit hindi nila mayapos ang isa’t isa dahil sa nakapagitang salamin. Ibinalita
ni Sandrex, isa sa mga anak, na maraming tumutulong para pigilin ang pagbitay. Ididiin
ni Flor sa mga anak na wala siyang kasalanan.
4. Sa Maynila, kumilos ang mga cause-oriented group, at sa tulong ni Atty. Capulong
tinangkang pabuksang-muli ang paglilitis. Magpoprotesta ang mga cause-oriented group
sa Embahada ng Singapore kasama si Aling Luring, ina ni Efren, na kasamang DH dati ni
flor sa Singapore, at si Neneng
5. Papauwi sa San Pablo, ikinuwento ni Neneng sa isang kasama ang tunay na relasyon nila
ni Efren. Nang ligawan daw siya ni Efren ay hindi niya ala mang tungkol sa kanila ni Flor.
Naitakwil na siya ng kainiyang mga magulang nang sumama siya kay Efren. Sa isang
pagkakatapon, nag-usap sina Efren at Neneng. Ipinahayag ni Efren na pareho niyang
mahal ang dalawang babae sa buhay niya. Daratnan sila ni Flor, batid nap ala ang
pagtataksil ng asawa, na nagbantang magdedemanda kapag hindi tumigil si Efren at
Neneng.
6. Sumunod, isinalaysay ang mahahalagang pangyayari bago ang araw ng pagbitay kay Flor
na inilahad na parang dokumentaryo:
 12 Marso 1995, ininterbyu si Lydia Montilla, dating DH sa Singapore at nagpahayag na
frame up ang nangyari kay Flor.
 13 Marso 1995, nagtungo si Atty. Capulong sa Changi Prison sa Singapore para
makausap si Flor ngunit nabigo ito;
 14 Marso 1995, ibinalita ng mga guwardiya kay Flor ang petsa ng pagbitay.
 15 Marso 1995, ibinalita ni Atty. Capulong na ginawa na niya ang lahat, at sumulat na rin
ang Pangulo ngunit hindi na mapipigil ang pagbitay kay Flor; sa kalye patuloy ang kilos
protesta para sa kaso ni Flor; at
 16 Marso 1995, muling makikita ng mga anak ang ina sa bilangguan; magpapaalam sila
sa isa’t isa.
7. Sa Singapore pa rin, dumating si Evangeline Paral, isa ring DH na nakasama dati ni Flor sa
Changi Prison. Ikinuwento ni Vangie ang pagpapahirap kay Flor sa kulungan. Isinalaysay
rin niya ang kuwento ni Flor sa kaniya tungkol sa tunay na nangyari kay Delia.
Nagkakilala sila ni Delia sa Singapore. Mabait ito at laging tumutulong. Minsan,
Dumalaw si Flor kay Delia sa bahay ng am nito para ihatid ang mga padala sa Pilipinas.
Nakatakdang umuwi si Delia. Habang nagkukuwntuhan ang dalawa, nalunod nap ala sa
dram ng tubig ang inaalagaang batang may epilepsy. Tatawag sana ng doctor si Flor
ngunit pinaalis na lamang siya ni Delia sa takot na mas magalit ang kaniyang amo kapag
nalaman na naroon si Flor. Hindi na alam ni Flor kung ano ang nangyari kay delia at sa
alaga. May suspesta si Flor na sa sobrang galit ng amo ni Delia ay napatay nito ang
katulong
8. Isang araw na lang bago ang pagbitay. Nagsalit-salit ang eksena ng mga pagkilos ng tao
para mapigil ang pagbitay at ang mga eksenang nagpapakita ng kalagayan ni Flor sa
kulungan. Tuluyan nang binitay si Flor.
9. Kasunod, inuwi ang bangkay ni Flor. Dumagsa ang mga tao para makiramay. Sa
talumpati, itinampok ni Atty. Capulong ang kabayanihan ni Flor at ang malungkot na
kalagayn ng mga Filipino na kailangan pang mangibang-bayan para maghanapbuhay at
mabuhay. Habang nagtatalumpati ay makikita ang mga eksena sa lamay hanggang sa
huling hantungan ni Flor.
10. Natapos ang pelikula sa imahen ni Flor na nakabitay. Sa background ay ang boses ni Flor
na nagbibilin-na yakapin siya ng mga nagmamahal sa kniya at ang pasasalamat sa mga
taong tumulong sa kanilang pamilya.
11. Isang halimbawa ng true-to-life story ang pelikula, namumuhunan iato ng ideya na ang
masasaksihan ng mga manonood sa iskrin ay hindi likhang-isip lamang kundi talagang
nangyari sa totoong buhay. Ang pagkamakatotohanan ang laging ipinaalaala ng mga
lumikha ng pelikula sa mga manonood. Kaya kinuha ng prodyuser ang istorya ni Flor sa
taong pinakamalapit sa kaniya, kay Efren, ang kaniyang asawa. Kinumbinsi rin nilang
paartehin ang tunay na mga anak na kambal ni Flor.
12. Bukod sa The Flor Contemplacion Story, dalawa pang pelikula ang ginawa tungkol sa
buhay ni Flor, mga tekstong nakikipagdiyalogo sa mas naunang palikula. Sa OCW’s
Bagong-Bayani, ginamit ng director na si Tikoy Aguiluz ang pamamaraang dokumentaryo
na nagpakita ng mga aktuwal na interbiyu, larawan, footage sa videocam. Bukod sa
ganitong pamamaraan, sentral na pagkakaiba nito sa pelikula ni Lamangan ay ang
pagsasadula sa dalawang bersiyon ng kaso: si Flor bilang criminal at si Flor bilang
biktima.
13. Ang isa pang pelikula ay ang Victim No. 1: Delia Maga, Jesus, Pray for Us! A Messenge in
Singapore, ni Carlo J. Caparas. Sa pamagat pa lamang ay hayag nang nakatuon ang
pelikula kay Delia Maga na itinatampok na mas naunang biktima kaysa kay Flor. Ipinakita
ng pelikula na una, namatay muna si Delia bago kay Flor; ikalawa, biktima si Delia ng
kahirapang nagtulak sa kaniya na maging katulong sa Singapore; ikatlo, biktima si Delia
ng sobrang atensiyong ibinibigay sa kaso ni Flor gayong pareho lamang sila ng malagim
na kinasapitan; at ikaapat, posibleng biktima rin siya ni Flor mismo. Tulad ng Pelikula ni
Aguiluz, itinampok ang dalawang bersiyon ng pangyayari: ang batay sa ulat ng Singapore
na si Flor nga ang pumatay, at ang batay sa nabubuong teorya ng Gancayco Commission
(grupong binuo para imbestigahan ang kaso) na lalaki ang pumatay kay Delia.
14. Ang kangyarihan ng Pelikulang The Flor Contemplacion Story ay higit na mapapatampok
kapag sinipat ang obra sa konteksto ng dalawang pelikulang nabanggit. Sumalok sa
iisang bukal ng datos ang kasaysayan ang mga gumawa ng pelikula ngunit magkakaiba
ang nalikhang bersiyon ng kasaysayan. Ipinamamalas nito na ang kasaysayan ay hindi
lamang paghahanay ng malalamig at walang buhay na mga datos na ito. Sa ganitong
pagtingin sa kasaysayan, hindi ibig sabihin na ang mga tao, lugar, pangyayari, o ang
realidad ay hindi totoong umiral. Sinasabi lamang na ang pagdanas at pagkamalay natin
sa realidad ay pinamamagitanan ng ideolohiya-ng mga pansariling pananaw, karanasan,
pagkiling na karaniwan ay inihuhugis ng mga pansariling pananaw, karanasan, pagkiling
na karaniwan ay inihuhugis ng ating uri, kasarian, lahi. Hindi nag-iimbento ng bagong
impormasyon at kaalaman tungkol sa nakalipas ang diskursong pangkasaysayan kundi
humuhugis ng sariling interpretasyon tungkol sa nakaraan. Kung gayon, ang tanong ay
hindi kung ano ang totoong nangyari. Ang tanong ay ano ang gusting palabasin na
totoong nangyari. Ano ang interpretasyon sa kasaysayan? Para kanino ang kasaysayang
ito?
15. Ano nga kaya ang katotohanang ipinatatanggap sa atin ng pelikula ni Lamangan?
Maituturing na bersiyon ni Lamangan ang pinakamapangahas sa tatlong pelikula. Hindi
na nito ipinakita ang dalawang bersiyon sa kaso ni Flor. Matapang itong pumanig kay
Flor. Pinanindigan nito ang teorya na pinatay ng kaniyang amo si Delia, at inosente at
biktima si Flor.
16. Para higit na maipaunawa at mapatanggap ang posisyong ito sa manonood, inilugar ng
pelikula ang trahedya ni flor sa mas malawa na konteskto ng biktimasyon ng mga
manggagawang Filipino sa ibang bansa. Kasabay ng paglalarawan sa mapait na
karanasan ni Flor sa Changi Prison, isiniwalat din ang pagpapabaya ng pamahalaang
Filipino sa lugaming kalagayan ng maraming migranteng manggagawa. Tila sinasabi ng
pelikula, biktima sina Flor at Delia dahil biktima rin ang maraming manggagawang
Filipino.
17. Bukod sa mapangahas na hatol na ginawa ng pelikula sa kaso ni Flor, may dalawang
positibong katangian pa ang pelikula.
18. Una, sinuri nito ang personal na buhay ni Flor, at sa pamamagitan nito, naipaunawa ang
panlipunang sanhi at bunga ng pagtatrabaho ng mga manggagawang Filipino sa ibang
bansa. Umalis ng Pilipinas si Flor upang isalba ang buhay ng kaniyang mga-anak sa
kahirapan. Ngunit sa pag-alis niyang iyon, umibig sa ibang babae si Efren. Sinumbatan
din siya ng kaniyang anak na si Sandrex dahil sa pag-iwan sa kanila ng ina. Ipinakikita
naman ditto ng pelikula ang mga pinsalang panlipunan ng pandarayuhan ng maglung
para magtrabaho. Isang ironiya at trahedyang maituturing na ang pamilya na siyang
dahilan ng paglisan ay lalong nawawasak dahil sa pangingibang bayan.
19. Ikalawa, inilugar ang karanasan ni Flor sa mas malawak na konteksto ng kalagayan ng
mga migranteng manggagawang Filipino. Pinatingkad ng pelikula ang aktibong
pakikisangkot ng kulisang bayan tulad ng Gabriela, Migrante, at Bayan para tumulong sa
pgapapalaya kay Flor. Sa mga pagkilos na itom lumitaw rin ang mga manggagawa sa iba
pang bansa. Umangkas sa kuwento ni Flor ang kuwento ng iba pang migranteng
manggagawa sa iba’t ibang panig ng Mundo.
20. Si Nora Aunor bilang Flor Contemplacion, ay hindi lamang mahusay na gumanap sa
buhay ni Flor kundi nagging isa ring makapangyarihang talunghaga na nakapagpalusog
sa teksto ng pelikula. Matalinong naisadula ni Nora ang madalamhating larawan ng
babaeng pinagtaksilan ng kaniyang kabiyak at napabayaan ng kaniyang bayan. Ngunit
higit pa marahil ditto, sumisigla pang lalo ang kaniyang pagganap kapag binasa ang
buhay ni Flor kaalinsabay ng buhay ni Nora. Ang buhay ng artistang si Nora ay bukas sa
maraming Filipino na biktima rin ng maraming trahedya sa industriya at asa buhay.
Ngunit si Flor ay si Nora rin, na sa pagkalugmok ay bumabangon para itanghal na bayani-
ng bayan at ng sining.
21. Gayumpaman, sa isang pagbasa, ang pagdidiin sa imahen ng manggagawa bilang bayani
ay nagpapatingkad sa mga kontradiksyon ng pelikula. Sa ibang salita, ang pelikula ay
kapuwa nagtataguyod ng kagalingan at kapahamakan ng mga migranteng
manggagawang Filipino. Mauunawaan ito kapag inilugar ang pelikula sa mas malawag
na konteksto ng kondisyon sa paggawa sa Filipinas.
22. Simula noong dekada 1970, nagging sistematiko at malawakan ang paglalakbay ng mga
Filipino para magtrabaho sa ibang bansa. Sinamtala ni Marcos ang umuunlad na
konstruksiyon sa Gitnang Silangan na bunga ng tumataas na demand sa langis. Ang
sitwasyong ito ay nakatugon sa dalawang pangunahing problema ng bansa: kawalan ng
trabaho at papalaking utang panlabas.
23. Ang pagluluwas ng lakas-paggawa ay parehong tumutugon sa pangangailangan ng mga
nagluluwas at tumatanggap ng bansa. Sa konteksto ng mauunlad na bansa, kailangan
nila ng mga migranteng manggagawa dahil sa pagliit ng domestikong lakas-paggawa nila
bunga ng mababang birth rate (ayaw ng mag-asawa na magkaroon ng maraming anak)
at pagtanda ng kabuuang pambansang populasyon. Idagdag pa rito ang pagkakaakit ng
nakababatang populasyon sa mga trabahong non-labor-intensive.
24. Sa konteksto naman ng mahihirap sa bansa, tinutugunan ng pagluluwas ng lakas-
paggawa ang suliraning pinansiyal ng bansa. Noong 1995, halimbawa, taon ng paglabas
ng pelikula ni Flor, 4.7 bilyong dolyar naman ang kontrbusyon ng migranteng
manggagawa. Ang halagang ito ay iyon lamang pumapasok sa pamamagitan ng
remittances na dumaraan sa mga bangko. Kung isasama sa kuwenta ang iba pang
dumaraan sa impormal na tsanel, aabot sa 10 bilyong dolyar ang kontribusyon ng
migranteng manggagawa sa ekonomiya noong panahong iyon.
25. Samakatwid, ang migrasyon ng manggagawang Filipino ay tugon kapuwa sa
pangangailangan ng pinupuntahan at nililisang bansa-ng Pilipinas at ng maraming
bansang mayroong migranteng manggagawang Filipino. Sa ganitong konteksto
nakapagtatakang magpalabas ng isang pelikulang komersiyal na posibleng manakot o
magpawalang-gana sa manggagawang Filipino na mangibang-bansa
26. Ngunit kung susuriing mabuti, walang dapat ipagtaka. Totoong napatampok sa pelikula
ang kapabayaan ng mga opisyales sa Embahada ng Pilipinas sa Singapore hindi
nakapgbibigay ng mahusay na abogado kay Flor at hindi rin sinubaybayan ang kaso.
Inilarawan din ang di-makataong sistemang legal sa militaristikong estado ng Singapore.
Pabaya ang gobyernong Filipino at mabangis ang pamahalaang Singapore. Kaya nang
tuluyang bitayin si Flor, tinanggal sa puwesto ang mga opisyales ng embahada at
pansamantalang itinigil ang pagpapadala ng OCW’s sa Singapore. Samantala, sa ibang
bansa, na episyente ang opisyales ng embahada at mas makatao ang batas, tuloy lang
ang pagpapadala ng mga manggagawang Filipino.
27. Totoong nailalarawan ng pelikula ang malungkot na kondisyon ng mga migranteng
manggagawa at tinulisa nito ang labor export policy ng manahalaan. Nguni tang
nalakhan ng pelikula ay nakapokus lamang kay Flor at sa karanasan niya sa Singapore.
Ang trahedya ay nangyari lamang kay Flor at siya lamang ang biktima. Kaya sa huling
pagsusuri, hindi talagasalungat ang pelikula sa pag-udyok sa iba pang manggagawang
Filipino na magtrabaho sa ibang bansa.
28. May isa pang estratehiya ang pelikula upang udyukan pa ring mangibang-bayan ang mga
mganggagawang Filipino. Ito ang pagtatampok kay Flor bilang bayani tulad ng taguring
”bagong bayani” sa libo-lubong migrante manggagawa. Bilang ina, nagpakasakit siya pra
bigyan ng magandang buhay ang pamilya; bilang migrante manggagawa, binigyan niya
ng mukha ang kaapihan ng maraming manggagawang Filipino sa iba’t-bang panig ng
mundo. Para sa estado, si Flor ay perkpektong halibawa ng bagong bayani na handing
tiisin ang kaapihan at pasakit para sa pamilya at sa bayan.
29. Inaakit ang mga migranteng manggagawa na ipagbili ang kanilang lakas paggawa sa
pamamagitan ng titulong bayani at ritwal ang pagpapakabayani. Naging mabisang
midyum ang pelikula upang likhain ang kabayanihan ni Flor. Itinampok nito ang
madudulang bahagi sa buhay ni Flor: ang pagluha ng inang nawalay sa asawa’t mga
anak, ang pagkagapi sa matigas na selda ng bilangguan, pagsasalikop ng mga kamay
habang humihingi ng awa sa Maykapal, ang muling pagluha sa huling pakikipagkita sa
kaniyang mga anak. Isiniwalat din sa pelikula ang pagiging biktima niya sa piling ng
kaniyang asawang may kalaguyo. Tinutupad ng pelikula ang mga kumbensiyon ng
melodrama-ang isang anyo ng pelikula na nakatuon sa mga personal na ligalig at
pakikitunggali ng tauhan at pangunahing layunin ang paiyakin ang manonood. Umaakit
ang pelikula ng simpatya para kay Flor na dinuhagi sa loob at labas ng kaniyang bayan,
biktima ng mga dayuhan, ng kapuwa Filipino, at kahit ng mahal niya sa buhay.
30. Hindi lamang ang kumbensiyon ng melodrama ang kinakasangkapan sa pelikula upang
maging bayani si Flor kundi maging iba pang aspekto ng paklikha ng pelikula. Tututok
ang kamera sa mga kamay na nakalahad sa salaaming humahadlang na madama ni flor
ang haplos ng kaniyang mga anak, at madampian ng kaniyang mga anak ang luhang
dumadaloy sa kaniyang mata. Dadagundong ang mabibigat na tunog ng tarangkahan sa
piitan, aalingawngaw ang tagulaylay ng musikang nagtatahi-tahi sa malungkot na
eksena. Paglalaruan din ang ilaw para itampok ang mabangis na pagtortyur kay Flor ng
military at kalunos-lunos na buhay niya sa bilangguan.
31. Sa kabuuan, iaangkin ng pelikulang The Flor Contemplacion Story ang kapangyarihan
nitong lumikha ng sariling bersiyon ng katotohanan mula sa masalimuot na material ng
realidad. Sa ganitong proseso nailalantad ang isang piraso ng realidad upang mapanood,
masuri, at mabigyang –kahulugan. Sa kabilang banda, hindi rin nkaalpas ang pelikula sa
diskursong tangka nitong isiwalat, punahin at tuligsahin. (Galileo S Zapra)

You might also like