You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino 8

Araw ng Panuruan: Pebrero 10, 2017


I-Layunin: Pagkatapos ng limampung minutong talakayan, 85% ng mga estudyante ay inaasahang:
 Nabibigkas nang madamdamin ang isinulat na monologo tungkol sa iba’t ibang damdamin.
 Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin tungkol sa: Pagkapoot, pagkatakot, at iba
pang damdamin.
 Natutukoy ang mga paraan ng paggawa o pagsulat ng iskrip ng monologo.
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa damdamin ng iba
II. Paksang-Aralin:
Aralin 20: Florante at Laura - Monologo
Sanggunian:
 Infantado R. (2015) Baybayin 8 : Paglalayag sa Wika at Panitikan; Rex Book Store
 Giumarie A.M.(2015) Kalinangan 8: Wika at Panitikan; Rex Bookstore
 Garcia F.C. et.al (2015) Pintig ng Lahing Pilipino 8; Sibs Publishing House
 www.slideshare.net/JhaymieRRDagohoy/presentation1-36409576
 https://www.google.com.ph/amp/s/www.watta

Kagamitan: laptop, aklat, yeso, DLP

III. Pamamaraan
Panimulang Gawain: (KOPA)
*Kalinisan ng klasrum, Organisado ng mga upuan, Panalangin at Atendans
A. Introduksyon
Balik-aral: Ano ang natalakay natin noong nakaraang araw?
APK: Pagpapakita ng isang video clip tungkol sa karanasan ni Florante nung siya’y iginapos sa puno.

Gabay na tanong: (3A’s Question Strategy)


 Ano ang tungkol sa mga sinasabi ng karakter sa video?
 Anu-anong damdamin ang nangingibabaw sa video na napanood?
 Ano ang tawag sa paraan ng pagsasadula ang ginamit ng nasa video? (Babalikan ito ng guro)

*Paglalahad ng Layunin at Paksa

B. Interaksyon
1. Mag-aaral sa Guro
*Gawain: Sa tulong ng WEB CHART, tatalakayin ng guro ang tungkol sa “MONOLOGO”.

MONOLOGO

*Gabay na tanong:
 Paano isinasadula ang paraang monologo?
 Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa o pagsulat ng iskrip ng monologo?

*Pagpapakita ng halimbawa ng Monologo


Ang Nakagapos na Kabutihan
“Aaaaahhhh..(nasasaktan si Florante habang nakagapos sa puno)
O aking Ama, nasaan ang iyong awa? Ako’y nanaghoy, nakikiusap, humihingi ng tulong sa inyo na
pakawalan niyo ako sa masukal na gubat na ito…….Patawarin niyo po ako….dahil hindi nagawang
ipagtanggol ang aking kaharian laban sa walang awing Konde Adolfo.
(Sobrang nalulungkot at napagtanto ang sarili)….Tila wala na atang nagmamahal sa akin. Napakapait
ang aking buhay.
O, aking Diyos Ama! (nanawagan)…Tila yata, hindi mo dinidinig ang aking mga panalangin sa’yo. ‘Di
ko tuloy maalis sa aking isip na ayaw mo akong tulungan… (Mas lalong nalulungkot at tila nawalan na
ng pag-asa). Kung gayon, Paano na ako? (Kinausap ang Diyos). Sino na ang lalapitan at makakapitan?
Kung Diyos mismo ay ayaw niya na akong tulungan. Paalam na Albanya….aking sinilangan, patawarin
mo na lang ako dahil ‘di kita naipagtanggol. Paalam na bayan ko…Paalam na rin sayo Adolfong
malupit…Laurang taksil…..paalam na rin sa’yo! (galit)”

2. Mag-aaral sa Materyal
(Pangkatang Gawain: Apat na pangkat)
Gawain: Pagsulat ng isang iskrip ng monologo ayon sa sumusunod na damdamin:
*Pagkalungkot *Pagkapoot * Pagkamaligaya *Pagkatakot

3. Mag-aaral sa Mag-aaral
Pangkatang Gawain: (Parehong pangkat)
 Pipili ng isang representante ang bawat grupo na magsasadula sa kanilang ginawang monologo.
 Ang mga miyembro ng magsasadula ay maging tagapagpaliwanag sa damdaming ipinakita sa kanyang
pagsasadula.

Krayterya:
Malikhain at Masining na Pagtatanghal
(Kilos, tindig, at tiwala sa sarili) -------------5 puntos
Kaangkupan ng Bigkas at Pagganap ng Karakter
(Lakas at hina ng boses, Ekspresyon ng iba’t ibang damdamib) ----10 puntos
Pagpapaliwanag/Props ------------------------------- 10 puntos
Panghikayat sa Manonood (interaksyon ng mata at kilos)------ 5 puntos
Kabuuan: 30 puntos

C. Integrasyon
1. Pagsusuri ng Pagkatuto
Gawain: Bigkasin nang madamdamin ang isang halimbawa ng monologo, magdedepende nalang kung anong
damdamin ang ipagagawa ng guro para magiging malikhain ang pagpapakita. (Maaaring volunteer lang dito).

2. Pag-uugnay sa Dati at Bagong Kaalaman


Note: Babalikan ng guro ang tanong sa APK.
Tanong: “Kadalasan nagagamit ng tao ang paraan ng monologo kapag ito’y nag-iisa. Maaaring layon ng tao
ang mapag-isa upang mauunawaan ang mga bagay-bagay na kanyang kinakaharap. Ikaw, bilang
tao, anong bagay ang lagi mong binibigyang-diin kapag ika’y nag—iisa?”

3. Pag-uugnay sa Ibang Asignatura: English


“Anu-ano ang mga bagay na dapat mong isaalang-alang sa pagtatanghal ng isang diyalogo?”
4. Pagpapahalaga
“Anu-anong mga paraan ang iyong ginagawa upang mapahalagahan mo o maaaring makaiwas na hindi
makasakit ng damdamin ng iba?”

IV. Pagtataya
Gawain: Sumulat ng sariling monologo ayon sa damdaming nais mong gamitin. Isulat sa dyornal. (10 puntos)
 Kailangang ipaliwanag ang damdaming nangingibabaw sa ibaba ng iyong binuong monologo.

V. Takdang-Aralin:
> Basahin ang teksto sa pahina 314- 319 sa inyong aklat. Maghanda para sa gagawing paglalahad ng
nauunawaan.

You might also like