You are on page 1of 3

Malamasusing Banghay-Aralin sa Grade 11- ABM 1

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturangp Pilipino

I. Mga Layunin

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


A. Nabibigyang kahulugan ang limang natalang salita na napapabilang
sa sosyolek sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap.
B. Nakapaglalahad ng isang presentasyon (talkshow, pagsasadula,
usapan) na kapapalooban ng hindi bababa sa tatlong salita na
napapabilang sa isang barayti ng wika sa loob ng hindi kukulang sa
isang minuto at hindi hihigit sa tatlong minutong presentasyon;
C. Nakabibigay ng isang eksena ng hindi pagkakaunawaan sa
komunikasyon na kasasangkutan ng isa o dalawang barayti ng wika

II. Paksang-Aralin
Paksa: Barayti ng Wika
Sanggunian: Angelina L. Santos, et. al. 2016. Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.. Potrero, Malabon City:
Mutya Publsihing.
Mga Kagamitan: Laptop, Projector, Cellphone

III. Pamamaraan

1. Mga Kagawiang Pansilid-aralan


a. Panalangin
Tatawag ang guro ng isang mag-aaral na mangunguna sa
panalangin.
b. Pagtatala
Susuriin ng guro ang mga mag-aaral na lumiban sa klase at itatala
ang pangalan ng mga ito.
c. Pagsasaayos
Ipapaayos ng guro ang mga upuan at papupulutin ang mga mag-
aaral ng mga kalat kung mayroon man.

2. Pagganyak
Kukumustahin ng guro ang mga mag-aaral. Pagkatapos ng kumustahan
ay magkakaroon ng gawain.
Ipapangkat ng guro ang mga mag-aaral sa lima. Isusulat ng bawat
pangkat ang pangalan ng bawat miyembro ng kanilang pangkat sa
sangkapat na papel. Pipili ng dalawang kinatawan ang bawat pangkat na
siyang maglalaro. Gamit ang larong Pinoy Henyo na hango sa noontime
show na Eat Bulaga, huhulaan ng mga napiling kinatawan ang salitang
pahuhulaan ng guro. Ang mga salitang ito ay maaaring pasok sa
kategoryang tao, bagay, hayop, lugar, pagkain.. Isa sa dalawang
kinatawang ito ang tagatanong at ang isa naman ay tagasagot ng “oo” o
“hindi.” Ang pamantayan ng puntos ay nakadepende sa napili nilang
bilang. Ang lalabag sa alituntunin ay papatawan ng bawas puntos na 3.
Bibigyan ang bawat pangkat ng isang minuto para hulaan ang salita.
Pagkatapos ng laro ay iuugnay ito ng guro sa talakayang gagawin.

IV. Paglalahad ng Paksa

3. Mga Gawain
Ipapabasa ng guro ang isang tula na pinamagatang “Maila” na isinulat ni
Paul del Rosario. Itatala ng bawat pangkat ang mga salitang para sa
kanila’y kakaiba o hindi pamilyar at isusulat din nila ang maaaring
kahulugan nito. Pagkatapos ay magkakaroon ng pagwawasto sa kanilang
naisulat.

4. Pagsusuri
Tatanungin ng guro kung tungkol saan ang mga salitang natala nila.
Pagkatapos, ilalahad ng mag-aaral ang sa tingin nila ay kahulugan ng
bawat salitang kanilang natala. Sa yugtong ito ay dadako na ang guro sa
pagtalakay sa paksa.

Barayti ng Wika
1. Dayalek- ginagamit ng tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan
na tinitirhan
a) Halimbawa:
Tagalog- “Mahal Kita.”
Hiligaynon- “Langga ta gid ka”
2. Idyolek- personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal
a) Halimbawa:
“Magandang gabi bayan”- Noli de Castro
“Di umano’y”- Jessica Soho
3. Sosyolek- wikang ginagamit ng bawat partikular na grupo ng tao sa
isang lipunan
a) Halimbawa:
“fafa” o “jowa”- kasintahan
“repapips” - pare
4. Ekolek- kadalasang ginagamit sa loob ng tahanan
a) Halimbawa:
Pappy- tatay/ama
5. Register/Rehistro- espesyalisadong ginagamit ng isang partikular
na domeyn
a) Ito ay may tatlongdimensyon:
i. Field o larangan- naayon sa larangan ng mga taong nag-
uusap
ii. Mode - paraan kung paano isinasagawa ang uri ng
komunikasyon
iii. Tenor- naaayon sa relasyon ng nag-uusap
b) Halimbawa:
Operasyon, iniksyon, istetoskop, termometer, reseta-
Nars/Doktor
Nota, melodiya, bokalisasyon, octava, tyempo, kanta- Musika

5. Paglalapat
6. Magtatawag ang guro ng dalawang mag-aaral. Bawat isa sa kanila ay
magbibigay ng isang halimbawa ng pangungusap na naglalaman ng
isang barayti ng wika.

7. Paglalahat
Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral na magbabahagi ng eksena na
kadalasang nangyayari sa lipunan na nagpapakita ng hindi
pagkakaunawaan nang dahil sa baryasyong nagaganap sa wika at
ilalahad din niya ang maaaring maging mungkahi upang maiwasan ang
ganitong pangyayari.

V. Pagtataya
Ipapangkat ng guro ang klase sa lima. Bawat pangkat ay maaatasan sa
isang barayti ng wika, Sila ay maglalahad ng isang presentasyon sa
naatas na barayti sa kanila at dapat na ito ay kapapalooban ng hindi
bababa sa tatlong (3) salita na nabibilang sa barayti ng wikang mayroon
sa kanila .Bibigyan ang bawat pangkat ng limang minuto sa pag-uusap
at pagbuo ng konsepto. Matapos niyan ay ilalahad na ang presentasyon
sa hudyat ng guro. Bibigyan lamang ng isa hanggang tatlong minuto ang
bawat pangkat sa paglalahad. Ang pangkat na kukulanganin o sosobra
sa oras ng paglalahad ay babawasan ng puntos. 1 puntos na bawas sa
bawat limang segundong sobra o kulang. Ang maingay na pangkat ay
babawasan ng 5 puntos. Ang ibang pangkat ang magbibigay puntos sa
ilalaahd ng bawat pangkat. Ganito ang paraan ng pagkakalahad:

Pangkat 1 Dayalek- Pag-uusap sa pagitan ng ina at anak na bumagsak


Pangkat 2 Idyolek- Isang maikling talk show
Pangkat 3 Sosyolek- Usapan ng mga teenager
Pangkat 4 Ekolek- Pagsasadula sa usapan ng isang pamilya
Pangkat 5 Rehistro- Usapan ng mga manggagawa

Rating scale:
Pamantayan Puntos
Nilalaman ay may 10- Lubos na naisakatuparan
kaugnayan sa paksa 8- Naisakatuparan
Organisado ang 5- Hindi masyadong
pagkalahad naisakatuparan
Pagkamalikhain 3- Hindi naisakatuparan
Pagkakaisa
Kahandaan
Kabuuan

VI. Takdang-Aralin

Basahin ang Leksyon 4- Domeynat Repertwang Pangwika: Linggwistik na


Kaalaman at Kasanayan at sagutan ang mga katanungan sa pahina 31.
I-encode ito sa Microsoft Word at ipasa sa Google Classroom sa code na
wxuv78

Inihanda ni:
Lyneth M. Carbonero
MA-Fil 1

You might also like