You are on page 1of 5

Mala-masusing Banghay Aralin sa Antas ng Wika

I.Layunin

Pagkatapos ng talakayan ang mag-aaral ay inaasahang:

a. Nailalahad ang antas ng wika


b. nababatid ang kahalagahan ng antas ng wika; at
c. nakagagawa ng mga eksena na ginagamitan ng mga ibat-ibang antas ng wika.

II. Paksang Aralin

a. Paksa: Antas ng wika

b. Kagamitan: Cartolina, Pentel pen at Bond paper

c. Sanggunian: Panitikang Pilipino

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro

A.Panimulang Gawain

a.1 Panalangin

Tatawag ang guro ng isang mag-aaral upang mamuno sa panalangin.

Marco, maari mo bang pangunahan ang panalangin?

a.2 Pagbati

Magandang Araw sa inyong lahat!


a.3 Pagtala ng lumiban sa klase

Sino ang lumiban sa klase ngayon?

a.4 Pagbibigay ng alituntunin sa klase

Bilang isang mag-aaral ano ang dapat ninyong gawin kapag nagsasalita ang
guro?

a.5 Pagpasa ng takdang aralin

Sasabihin ng guro na ipasa ang takdang aralin sa harapan na walang ingay.

B.Panlinang na Gawain

b.1 Pagganyak

Hahatiin ng guro sa apat na grupo ang klase at ang bawat grupo ay


magpapagalingan sa paggawa ng larawan na sasabihin ng guro o samadaling salita
tinatawag ito na “Paint me a picture”.

Ang pangkat na may magandang larawan o paggaya ay siyang panalo.

b.2 Paglalahad

Magtatanong ang guro kung ano ang napagtanto ng mag-aaral tungkol sa


aktibidades na kanilang ginawa.

Maria, ano ang iyong naisip na maaaring maging topiko natin sa hapong ito? Magaling!

b.3 Pagtatalakay

Bago ilahad ng guro ang kahulugan ng Antas ng Wika ay magtatanong muna ito
sa mag-aaral kung ano ang mga ideya ng mga ito tungkol sa paksang tatalakayin.

Julie, sa iyong sariling pag unawa ano ang Broadcast media?


Magaling! May iba pa bang kasagutan?

Antas ng wika- Ito ay ang sari-saring uri ng wika, Wika na daan sa pagkakaisa,
pakikisalamuha, pakikipagtalastasan at higit sa lahat paglinang ng katalinuhan ng
buong sangkatauhan.

Dalawang uri ng wika

- Impormal na wika: Ang wikang Impormal ay ang kinabibilangan ng mga salita


na karaniwang ginagamit na pang araw-araw. Mga wikang kadalasan nating naririnig at
ginagamit sa loob ng tahanan.

Lalawiganin- Salitang ginagamit sa isang particular na lugar. May punto o


accent.

Halimbawa: Mga Ilonggo. Iba ang tono ng pananalita ng mga Ilonggo kaysa sa
mga Bisaya.

Balbal- Ang wikang ito ay ang mga salitang kanto o beking salita.

Halimabawa: Utol, Parekoy, Bro, Ermats, Erpats

Kolokyal- Salitang pinapaikli o binabaliktad.

Halimbawa: Idol na naging Lodi, Kamusta na naging Musta.

-Pormal na wika: Ang wikang ito ay ginagamit at kinikilala sa ating atla


sosyiodad. Ito ay ginagamit sa loob ng paaralan, sa opisina at halos sa lahat ng bahagi
at ahensiya ng ating lipunan. Maging sa paglilimbag ng mga aklat.

Pambansa- Ito ay ang sirkulasyong ginagamit sa paaralan at pamahalaan.

Halimbawa: Dangal, Ina, Ama at Republika

Pampanitikan– Kadalasang ginagamit ng mga manunulat sa paggawa ng


kanilang mga akda. Mayaman ito sa tayutay at idyoma.

Halimbawa: Mama- Ilaw ng tahanan at Ama- Haligi ng tahanan.


b.4 Paglalapat

Hahatiin ng guro sa apat na pangkat ang klase, ang bawat pangkat ay


gagawa ng dula-dulaan na nilalapatan ng mga ibat ibang antas ng mga wika.

PAMANTAYAN

Kooperasyon ng grupo- 20%


Kaugnayan sa paksa- 35%
Kagandahan ng presentasyon- 25%
Gamit na salita - 20%
Kabuuan- 100%

b.5 Pagpapahalaga

Magtatanong ang guro sa mag-aaral kung ano ang kahalagahan ng Antas


ng wika sa pang araw-araw ng buhay.

Sino sa inyo ang may kasagutan?

Magaling!

IV. Pagtataya

Sa isang kapat na papel, sagutan ang mga sumusunod:

Panuto: Tukuyin kung saang antas ng wika ito napabibilang, kung ito ba ay
KOLOKYAL, BALBAL, LALAWIGANIN, PAMBANSA O PAMPANITIKAN.

1. Hindi
2. Lodi
3. Ama
4. Dangal
5. Republika
6. Ilaw ng tahanan
7. Utol
8. Pare
9. Musta?
10. Bkt

V. Takdang Aralin

Panuto: Sa kalahating papel, magsaliksik ng mga pahayag o dialog na may mga


antas ng wika at gagawan ng bagong pangungusap.

Inihanda ni: Ivy Kaye Cordova, LPT

You might also like