You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino 7

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakakikilala sa komunikasyonng berbal,
b. Nakagagawa ng isang presentasyon gamit ang komunikasyong berbal,
c. Nakapapaliwanag sa kahalagahan ng komunikasyon.
II. Paksang Aralin: Komunikasyong Berbal
Teksbuk: Diwa ng Wika at Panitikan 7
III. Kagamitan: kagamitang biswal, cellphone
IV. Pamaraan: paglalahad

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Paghahanda

Magandang hapon, grade 7! Magandang hapon din po, Bb.


Jay Ann!

Handa na ba kayo sa bagong paksa na ating tatalakayin? Opo!

Kung ganoon, ipakita ninny sa akin na kayo’y handa na. ayusin ninyo (Gagawin ng mga mag-aaral)
ang inyong mga upuan at pulutin ang mga kalat sa sahig.

Bago ang lahat klas ay nais kong ipakilala ang aking mga alituntunin.
1. Making ng Mabuti.
2. Iwasan ang makipagdaldalan sa katabi.
3. Marunong rumespeto.

Maliwanag ba klas? Opo!

1. Pagbabalik-aral

Klas, noong nakaraang tagpo ay tinalakay natin ang bugtong. Ano nga Ang bugtong po ay gumagamit
ulit ang bugtong? ng talinghaga, o mga metapora
sa pagsasalarawan ng isang
particular na bagay.

Tama!
Ngayon, upang matukoy ko kung talagang naunawaan ninyo nga ang
ating tinalakay noong nakaraan, may inihanda akong Gawain para sa
inyo.

(Ipakikita ng Guro)
Panuto: Tukuyin ang sagot ng bawat bilang. Mga Posibleng Sagot:
1. Kung kalian ko pinatay, humaba ang buhay. 1. Kandila
2. Hindi linggo, hindi pista, nakaladlad ang bandera. 2. Sampayan
3. Tumakbo si Tarzan, bumuka ang daan. 3. Zipper
4. Dalawang bulang itim, malayo ang nararating. 4. Mga mata
5. Maliit na bahay, puno ng mga patay. 5. Posporo

(Tumawag ang guro ng ilang estudyante para sagutin ang (sinimulan ng sagutin ng mga
katanungan) estudyante ang katanungan)

Okay klas, sa inyong ginawang Gawain, kayo ay nakakuha ng limang


puntos.

2. Pagganyak

May ipapakita ako rito klas.

(Ipapakita ng guro)
Ano ba ang hawak ko klas? Ang hawak niyo po ay isang
cellphone.
Tumpak!
Ano ba ang gamit ng cellphone? Ang cellphone ay ginagamit sa
pangkomunikasyon.

Ano ba ang komunikasyon para sa inyo? Ang komunikasyon ay isang


paraan upang magkaunawaan
ang dalawang tao.

Magaling!
Alam niyo ba klas na may uri ng komunikasyon? Hindi po!

Gusto niyo bang malaman ang isa sa mga uri nito? Opo!

Mabuti naman.

3. Paglalahad ng Bagong Aralin

Ngayong hapong ito ay tatalakayin natin ang Komunikasyong Berbal.

Nais kong makinig kayo nang mabuti dahil pagkatapos talakayan kayo
ay inaasahang:

a. Nakakilala sa sa komunikasyong berbal,


b. Nakagagawa ng isang presentasyon gamit ang komunikasyong berbal,
at
c. Nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng komunikayon.

Maliwanag ba klas? Opo ma’am!


B. Pagtatalakay

Araw-araw ba sa ating buhay ay gumagamit tayo ng wika sa Opo naman ma’am!


pangkomunikasyon?

Kung ganoon, ano ba para sa inyo ang komunikasyon? Ang komunikasyon ay paraan ng
paghahatid ng mensahe sa
bawat tao.

Mahusay!
Kalian ba natin masasabi na may komunikasyon? May komunikasyon kapag may
isang bagay na nagpapalitan ng
impormasyon o mensahe sa
bawat tao.

Magaling!
Ano ba ang instrumentong, gagamitin natin sa komunikasyon? Ang instrumentong gagamitin ay
ang wika.

Tumpak!
Klas, upang lubusan niyong maunawaan ang tungkol sa
komunikasyon, narito ang kahulugan nito.

Komunikasyon

a. Paraan ng paghahatid ng impormasyon


b. Pagbabahagi ng kaisipan
c. Pagbibigay ng saloobin buhat sa isang tao patungo sa iba pang tao.

Basahin sabay-sabay (Babasahin)


Ngayon naman, matapos nating bigyang kahulugan ang Ang komunikasyong berbal ay
komunikasyon, paano niyo naman mabibigyang kahulugan ang ang pagpapalitan at pakikipag-
komunikasyong berbal? usap, pasalita man o pasulat.

Tumpak! May ideya kayo, klas.

Ngayon, para maintindihan niyo talaga ito, may kahulugan akong


ipakikita sa inyo.

Komunikasyong Berbal

- Ang pagpapalitan at pakikipag-usap sa pamamagitan ng


pagsasalita at pasulat na pagpapahayag.
Maaari bang basahin sabay-sabay. (Babasahin)

Naunawaan ba? Opo!

May mga katanungan pa ba kayo? Wala na po.

C. Paglalapat

Pasikatan

Mekaniks:

1. Ang klase ay ipapangkat sa lima.


2. Bawat pangkat ay magkakaroon ng presentasyon ukol sa temang
pagbibigyan at pagpapatawad.
3. Bubunot ng isang gawaing paghahandaan.
4. May limang minute ara sap ag-eensayo at tatlong minute para sa
presentasyon.

Rubrics:

Batayan Napakahusay Mahusay Di gaanong


(5 puntos) (3 puntos) mahusay
(2 puntos)

1. Nilalaman Naipaliwanag at Naipakita ang Di gaanong


naipakita ang lahat lahhat na dapat naipakita ang
ng dapat tunguhin lamanin ng dapat lamanin
ng proyekto. proyekto ngunit ng pryekto at
kulang sa dapat na
paliwanag. ipaliwanag.

2. Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di gaanong nag


pangkat nagpamalas ng kaisahan ang pamalas ng
kaisahan ang bawat miyembro kaisahan ang
bawat miyembro sa pangkat. bawat
sa pangkat. miyembro sa
pangkat.

3. Naging maayos, Maayos ang Di gaanong


Presentasyon maliwanag at presentasyon maayos ang
mahalaga ang subalit kulang sa presentasyon
kabuuang mahahalagang at kulang ang
presentasyon. datos. mga datos.
4. Kaangkupan Malinaw at angkop Malinaw ang mga Di gaanong
ng sa paksa ang impormasyon malinaw ang
impormasyon presentasyon. subalit kulang sa mga
kaangkupan. impormasyon
na nais
ipahiwatig.

D. Pagpapahalaga

Klas, may pagkakataon ba sa inyong buhay na kung saan wala kayong


komunikasyon sa isang tao? Opo!

Ano ba ang nangyari?


Nawalan kami ng komunikasyon
dahil nagpalit po ng numero ang
kaibigan ko kaya hindi ko na siya
na kontak.

Naiparating mo ba sa kanya ang nais mong ipahayag? Hindi po!

Ano ang nangyari sa inyong relasyon? Naputol po ang aming


komunikasyon kaya hanggang
ngayon wla na kaming balita sa
isa’t isa.

Kung ganoon, mahalaga ba para sa inyo ang komunikasyon? Opo ma’am!

Bakit, klas? Mahalaga po ito upang


magkaunawaan ang bawat tao.

Napakahusay!

V. Takdang Aralin

Panuto: sa isang short bondpaper, sumulat ng isang liham para sa inyong mga magulang upang
iparating ang inyong pasasalamat at pagmamahal. Siguraduhing mababasa ito ng inyong mga
magulang at palagdaan ito.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

JAY ANN H. PERAL GINA P. ARROSAS

Teacher 1 Head Teacher III

You might also like