You are on page 1of 3

STO.

DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija

JUNIOR HIGH SCHOOL FILIPINO


Filipino 7
MALA-DETALYADONG BANGHAY ARALIN:
Antas ng Wika
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan ngg Kabisayaan.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay naisusulat ang sariling awiting - bayan gamit ang wika ng
kabataan.

I.LAYUNIN

Pagkatapos ng talakayan at aktibidad, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. nakikilala ang mga antas ng wikang ginagamit sa pormal at impormal na
pakikipag-usap sa kapwa.
2. nasusuri ang antas ng wika bilang dinamiko o nagbabago alinsabay ng
makabagaong panahon dulot ng media.
3. nagagamit ang mga antas ng wika sa pakikipagtalastasan sa kapwa sa iba’t
ibang klase ng sitwasyon.

PAKSANG ARALIN
A. Paksa : Antas ng Wika Ang guro ay gumamit ng
B. Pamamaraan : Integrative Learning, Differentiated Powerpoint presentation upang
mas maunawaan ng mga mag-
Learning, Group Activity
aaral ang tatalakaying paksa. Sa
C. Kagamitan : Powerpoint presentation, TV, yeso at pamamagitan nito ay magiging
pisara. maayos ang daloy ng paksang
D. Sanggunian : Modyul sa Filipino 7 tatalakayin.

I.PAMAMARAAN NG PAGTUTURO

A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pagbati
2. Paglilinis ng silid-aralan
3. Paglista sa mga mag-aaral na lumiban
4. Pagtingin sa mga mag-aaral na hindi nakasuot ng tamang
uniporme.

A. Pagbabalik Aral
Ang guro ay magbabalik-aral sa mga katangian ng isang Awiting Bayan. Sa bahaging ito ng banghay
Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral sa mga sumusunod na katanungan: aralin ay mahahasa ang
1. Ano-anong katangian ang kinakailangang laman ng isang awiting kaisipan ng mga mag-aaral sa
bayan? malalimang pang-unawa, hindi
2. Ano ang kahalagahan ng awiting bayan sa mga kabataan sa
lamang sa mga bagay na
kasalukuyang panahon? itinuturo sa paaralan gayundin
sa pang-araw-araw nilang
B. Pagganyak pamumuhay gamit ang kanilang
LIGHTS CAMERA! VIDEO IROLYO! naksanayang wika sa impormal
na komunikasyon.
Mechanics:
Ang guro ay magpapanoon ng isang maikling video presentation ukol sa
mga salitang katha nating mga Pilipino na karaniwang naririnig natin sa kalye o
napakikinggan sa ating mga kaibigan. Batay sa pinanood na video, tatanungin
ng guro ang mga mag-aaral batay sa kanilang mga napansin sa napanood.

C. Paglinang ng Aralin
ANTAS NG WIKA
ANTAS NG WIKA

Ang pagkakaroon ng antas ng wika ay isa sa pang mahalagang


katangian nito. Tulad ng tao, ang wika ay nahahati rin sa iba’t-ibang
kategorya ayon sa kaantasan nito. Kung tutuusin, ang antas ng wikang
madalas na ginagamit ng isang tao ay mabisang palatandaan kung anong
uri ng tao tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya nabibilang.
Mahalagang maunawaan ng lahat ng tao ang mga antas ng wikang ito
nang sa gayo’y maibabagay niya ito sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng
panahon at pook at maging sa okasyong dinadaluhan.

MGA ANTAS NG WIKA

A. Pormal – mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng


higit na nakakarami lalo nan g nakapag-aral ng wika.

1. Pambansa – mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat


pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan
2. Pampanitikan – mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga
akdang pampanitikan, mga salitang karaniwang matatayog, malalalim,
makulay at masining

A. Impormal – mga salitang karaniwan, palasak at pang araw-araw na madalas


natin gamitin sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at kakilala

1. Lalawiganin – mga bokabularyong pandayalekto na ginagamit sa


mga partikular na pook o lalawigan na kadalasa’y makikita rin ito sa
pagkakaroon ng kakaibang tono
2. Kolokyal – mga pang araw-araw na salita na ginagamit sa
pagkakataong impormal at maaaring may kagaspangan nang kaunti
ang mga salitang ito ngunit maaari rin itong maging repinado ayon sa
kung sino ang nagsasalita nito. Ang mga pagpapaikli ng isa, dalawa
o mahigit pang salita ay mauuri rin sa antas n ito. Halimbawa: nasa’n
(nasaan), pa’no (paano), sa’kin (sa akin), sa’yo (sa iyo), kelan
(kalian), meron (mayroon)
Ang mga sumusunod na
3. Balbal – tinatawag sa ingles na slang, sa mga pangkat-pangkat
katanungan ay naglalaman ng
nagmumula ang mga ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng kalawakan ng isipan upang
sariling codes mapunan ng mahusay ang
kasagutan sa bawat tanong.
A. Paglalahat Inaasahang ang kanilang sagot
Ang guro ay magtatanong ng mga sumusunod na katanungan: ay kapanipaniwala at bukas
pusong mga pahayag.
1. Ano kaya ang naiisip mong dahilan bakit natutunan o
nalaman nating mga Pilipino ang mga impormal sa
salita?
2. Ano ang mga negatibo at positibong epekto kapag
nakasanayan ng isang batang katulad mo ang paggamit Ang pangkatang gawain na ito
ng mga impormal na salita sa pakikipag-usap? ay makatutulong sa mga mag-
aaral na masanay na humarap
3. Ano ang naitutulong ng antas ng wika sa paraan ng ating
sa maraming tao lalo’t ang
pakikisalamuha sa bawat tao? pagpapahayag ng kanilang mga
damdamin sa paraang
mauunawaan na makatutulong
A. Paglalapat upang kapulutan ng
impormasyon.
Ang mga mag-aaral ay ipapangkat sa (6) anim na grupo. Bawat pangkat
ay may itinakdang mga kinatawan upang magsagawa ng mga nakalaan na
senaryo sa iba’t ibang lugar na kung saan ay kanilang gagamitin o maipakikita
ang 5 antas ng wika sa pagpapahayag ng kanilang saloobin o damdamin sa
pamamagitan ng pakikipag-usap.

I.PAGTATAYA
Panuto: Suriin ang mga salita sa bawat pangungusap kung saang uri ito
ng Antas ng Wika. Piliin ang TITIK ng tamang sagot.
A. BALBAL B. KOLOKYAL C. LALAWIGANIN D. PAMBANSA E.
PAMPANITIKAN
_________1.”Bes saan ba tayo kakain mamayang uwian?”
_________2.Ang ina ay tinatawag na ilaw ng tahanan.
_________3. Ang magkaibigan ay bukas palad sa pakikipagtulungan sa isa’t
isa.
_________4. “Pumunta na ngarud tayo sa silid-aklatan upang makagawa ng
takdang aralin.”
_________5. Mahirap talaga ang buhay ng walang datung, hindi mo mabili ang
gusto mo.
_________6. Ang ama ang haligi ng tahanan.
_________7. “Bat napakaraming tao ang gumagawa ng krimen at lumalabag
sa batas?”
_________8.“Magkano po ang lelot balatong?
_________9. Hindi natin alam kung san tayo idadala ng ating kapalaran.
_________10. Ang EDSA ay mala usad-pagong sa sobrang haba ng traffic.

II.TAKDANG ARALIN
Magsaliksik ukol sa mga salitang ginagamit sa paglalarawan.

Inihanda ni:

MARIA CAMILLE L. VILLANUEVA


Teacher I
Date of Demonstration: September 25, 2019

Sinuri ni:

REDELYN M. SANTOS HAYON


Head, Filipino-English Departemet

Pinagtibay ni:

CECILLE M. OCSAN Ed. D.


Vocational School Administrator I

You might also like