You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Nueva Ecija
GUIMBA EAST DISTRICT
Guimba, Nueva Ecija

SULONG!

(HIMNO NG SILANGANG GUIMBA)


Jennifer F. Marquez, Ph.D.
Teacher III
Consuelo Elementary School

1
Sa Iyong palad ay hinuhubog
Nililinang at pinupuspos
Kaalaman at kakayahan
Ng Kabataang Guimbanian.

2
Taglay Mo ang karunungang
Ibinabahagi kanino man
Hangad mo ay kaunlaran
Edukasyon para sa sambayanan.

1ST CHORUS
Silangang Distrito ng Guimba
Gabay ka namin sa tuwina
Isinusulong at itinatanyag
Ang Iyong adhikain na wagas at matapat.

Silangang Distrito ng Guimba


Layunin Mo ay dalisay
Nagniningning kadakilaan
Sa pagtatag ng bayang marangal at maka Diyos.

3
Kasiglahan ay tinataglay
Mga pinuno, guro, magulang
At kabataang puno ng pag-asa
Ay sama-samang nagkakaisa.

2ND CHORUS
Silangang Distrito ng Guimba
Gabay ka namin sa tuwina
Isinusulong at itinatanyag
Ang Iyong adhikain na wagas at matapat.

Silangang Distrito ng Guimba


Ikaw ang aming pag-asa
Sa aming puso ay mananatili Ka
Dangal ka ng bawat isa

CODA
Silangang Distrito ng Guimba!

You might also like