You are on page 1of 17

ANG TALONG

Ang talong ay malinamnam at masarap

Unang subo mo pa lamang pakiramdam mo’y ika’y nasa ulap.

Ito ay may iba’t ibang katangian

May kulay puti, lila at luntian.

May maiksi at mahaba

May payat at mataba

May masarap at mapakla

Ngunit hindi inaayawan ng madla

Ito’y nagbibigay ng sustansya

At hindi ito nakakasawa

Hindi inaayawan ng karamihan

Palagi itong pinag-aagawan

Kapag ikaw ay bibili,

Iwasan ang may uod at maging maingat sa pagpili,

Huwag na huwag itong pisilin

Dahil ang nag mamay-ari nito ay maari kang kuyugin


Kapag ito’y nakahanda na sa harapan mo

Huwag mag dadalawang isip na kainin ito

Masustansya at ito ay masarap

Siguradong lagi mo itong hanap-hanap.


ANG PATUTUNGUHAN

Nag-iisa, nag-iisip kung ano ang maaring gawin

Mga bagay, pangarap na kay hirap abutin

Maraming problemang ang kailangan kayanin

Mga pagsubok ay dapat nating harapin

Dalawang daana ng kailangang pagpilian

Tuwid at makipot na daan

Tuwid na mayroong bangin sa dulu-dulohan

Makipot ma’y sa tamang landas naman

Ngunit ako’y nalilito kung saan ako patungo

Sa tuwid na daan ba o sa makipot na ito

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko

Bahala na kung ano ang gusto ko

Aking mga paa’s napapagod na’t nanginginig pa

Buong katawan ko ri’y mababagsak na

Ngunit ayaw pang sumuko ng aking mga mata

Na kahit madilim ma’y lakad parin at pilit na kinakaya

Nagpapasalamat ako sa patutunguhan ko

Bagaman alam ko na kung ano ang haharapin ko


Lakas ng loob para sa kinabukasan ko

Patutunguhan ko’y malayang pook sa sinilangan ko.

PALAISIPAN

1. Si Juan ay ipinanganak sa Espanya. Ang kanyang ama ay Amerikano,


atbang kanyang ina ay isang Pilipino. Bininyagan siya sa bansang Tsina,
nang lumaki ay nakapag-asawa ng Haponesa at doonnanirahan sa Hong
Kong. Sa oras ng kamatayan siya ay inabot sa Saudi.

Tanong: Ano ang tawag kay Juan?

Sagot: BANGKAY

2. Ano ang meron sa aso na maeron din sa pusa, na wala sa ibon, ngunit
meron sa manok, na dalawa sa buwaya at kabayo na tatlo sa palaka?

Sagot: Letter A.
TUGMANG DE GULONG

“Ang hindi magbayad sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan. Ang di


magbayad ay walang problema, sa karma palang ay bayad kana”

“Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang tao na uupo sa tabi mo”.

“Ganyan ang senaryo sa dyep. Ganyan din sap ag-ibig, lalong di mo kontrolado kung saan siya
bababa.”
Ang Mag-aaral

Noong una’y banayad ang panahon at walang kumikilos. Umaawit ang mga martines, at sa mga
kalapit na latian, may kung anong nabubuhay ang maririnig na lumilikha ng nakahahabag na
taghoy tulad ng hanging iniihip sa isang basyong bote. Isang kanduro ang lumipad, at may kung
sinong umasinta rito, at isang putok ang buong sigla at galak na umalingawngaw sa hangin ng
tagsibol. Ngunit nang nilulukob na ng dilim ang kakahuyan, di-inaasahang bumangon mula sa
silangan ang malamig at nanunuot na hangin, at tumahimik ang lahat. Lumalatag sa mga danaw
ang matutulis na yelo; at naging mapanglaw ang kagubatan, malayo at malungkot. Amoy taglamig.
Pauwi mula sa pangangaso si Ivan Velikopolsky, mag-aaral sa isang seminaryo at anak ng isang
sakristan, yapak na binabaybay ang landas ng basang-basang parang. Namamanhid ang kanyang
mga daliri, at sunog sa hangin ang mukha. Tila para sa kanya’y winasak ng biglang pagsalakay ng
lamig ang kaayusan at pagkakatugma ng mga bagay-bagay, at nagdurusa at hindi mapalagay
maging ang daigdig, at iyan ang dahilan kung bakit higit na mabilis lumatag ang karimlan kaysa
sa nakagawian. Pawang kapabayaan at kapanglawan ang nasa kanyang paligid. Ang tanging
liwanag ay nagmumula sa hardin ng mga balo na malapit sa ilog; sa kung saan, doon sa malayo at
malapit sa kanya, nakalublob ang lahat sa ulop ng malamig na gabi, at nakakubli rin sa ulop ang
pamayanang may tatlong milya ang layo. Naalala ng mag-aaral na nang lisanin niya ang tahanan,
nakaupo sa sahig sa

may pintuan ang kanyang ina at naglilinis ng samovar* samantalang nakahigang umuubo sa may
kalanan ang kanyang ama, at dahil noon ay Biyernes Santo, walang iniluluto sa bahay at gutom na
gutom siya. Sukol ng ginaw, sumagi sa kanyang isip na ganitong hangin din ang umihip sa panahon
ni Rurik at noong namamayagpag pa sina Juan ang Kilabot at Pedro ang Dakila, at nagdurusa ang
mga tao nang mga panahong iyon sa gayon ding karukhaan at gutom, mayroon din silang
naaatipang bubong na tadtad ng mga butas; may gayon ding kasawian, kamangmangan at
kapanglawan saanman, gayon ding karimlan, gayon ding pakiramdam ng pagkaapi—umiral ang
mga nakasisindak na bagay na ito, umiiral, at patuloy na iiral, at hindi bubuti ang buhay sa loob
ng isang libong taon. Ayaw na niyang umuwi. Tinatawag iyong hardin ng mga balo dahil nasa
pangangalaga ng mag-inang balo. May lumalagitik at naglalagablab na siga doon, naghahagis ng
malaking bilog ng liwanag sa nabungkal na lupa. Nakasuot ng abrigong panglalaki ang biyudang
si Vasilissa, isang malaki, mataba, matandang babae. Nangangarap wari, nakatayo itong nakatitig
sa apoy samantalang nakaupo sa lupa ang kanyang anak na si Lukerya, isang babaeng tadtad ng
uka ang mukhang nagpapakita ng kahangalan, at naghuhugas ng takure at ilang kutsara. Tila
katatapos lamang nilang maghapunan. May naririnig na boses ng kalalakihan; sila’y mga
manggagawang bukid na pinaiinom sa ilog ang kanilang mga kabayo. “Taglamig na namang
muli,” sabi ng mag-aaral habang papalapit sa siga. “Magandang gabi sa inyo!” Nagulat si Visilissa,
ngunit namukhaan niya ang dumating at malugod na ngumiti. “Hindi kita agad namukhaan,” sabi
nito. “Pagpalain ka ng Diyos! Yayaman ka balang araw.

Patuloy silang nag-usap. Marami nang karanasan si Vasilissa; nakapaglingkod na siya sa


maririwasa, una’y bilang tagapagpasuso sa mga sanggol at pagkaraa’y bilang tagapag-alaga ng
mga bata, at maayos niyang naipahahayag ang sarili. Hindi nawawala sa kanyang mga labi ang
maringal at mabining ngiti. Nagpako lamang ng tingin sa mag-aaral at nanatiling tahimik ang
kanyang anak na si Lukerya, isang magbubukid na ang buhay ay malaon nang dinurog ng asawa.
Kakatwa ang kanyang tila bingi at piping tabas ng mukha. “Sa ganitong apoy rin nagpainit si San
Pedro isang malamig na gabi,” saad ng mag-aaral, habang ibinubuka ang mga kamay sa ibabaw
ng apoy. “Sadya ngang pagkalamig-lamig marahil noon! Gabi nga bang napakahirap? Oo,
napakahaba at napakalungkot na gabi iyon!” Pagkawika’y tumitig ito sa madilim na paligid,
mariing umiling-iling at nagpatuloy: “Ipinalalagay ko pong nakadalo na kayo sa isang pagbasa ng
Labingdalawang Ebanghelyo” “Oo, nakadalo na,” sagot ni Vasilissa. “Naaalala pa po ninyo, kung
gayon, na sa Huling Hapunan, sinabi ni Pedro kay Hesus: ‘Nakatalaga po akong sumama sa Inyo
sa karimlan at kamatayan,’ at sumagot ang Panginoon: ‘Sinasabi ko sa iyo, Pedro, na hindi titilaok
ang tandang sa madaling araw na ito hanggang sa ikaila mong makaikatlo na ako’y iyong
nakikilala.’ Pagkaraan ng hapunan, nagdanas ng hapis sa hardin si Hesus at nanalangin, ngunit
mahina at pagal ang diwa ng kawawang si Pedro, at namimigat ang talukap ng kanyang mga mata,
at hindi na niya nalabanan ang antok. Kaya’t siya’y nakatulog. At tulad ng alam na ninyo, dumating
si Hudas nang gabi ring iyon at hinalikan si Hesus at ipinagkanulo sa mga kaaway nito. Iginapos
at dinala si Hesus sa matataas na saserdote at pinahirapan, samantalang sumunod sa kanya si Pedro,
na inupod ng takot at pagkabalisa, ganap ang pagkapagod, inyong nauunawaan, hindi pa ganap na
gising, at nahihiwatigang may kahambal-hambal na magaganap
sa lupa. Sapagkat minamahal niya si Hesus nang marubdob at ng kanyang buong kaluluwa, at
nasaksihan niya mula sa malayo kung paano nila pinahihirapan si Hesus…” Binitawan ni Lukerya
ang mga kutsara at ipinako ang tingin sa mag-aaral. “Nagtungo sila sa tahanan ng punong
saserdote,” pagpapatuloy ng mag-aaral, “at nagsimulang usigin ng mga ito si Hesus, samantalang
gumawa ng siga sa patyo ang mga taong naghahanapbuhay dahil napakalamig, at pinainitan ang
kanilang katawan sa paligid ng apoy, at tumayo si Pedro at lumapit sa apoy at nagpainit din, tulad
ng ginagawa ko ngayon. Namukhaan siya ng isang babae at nagsabi: ‘Kasama rin ni Hesus ang
taong ito,’ ibig sabihi’y dapat din siyang dakpin at usigin. At mapagsiyasat at may pagdududang
tiningnan siya marahil ng mga manggagawang nakapaligid sa apoy, dahil nabahala si Pedro at
sinabing: ‘Hindi ko siya kilala.’ Pagkaraan, may nakakilalang isa siya sa mga disipulo ni Hesus at
nagsabi: ‘Isa ka sa kanila.’ At ipinagkailang muli ito ni Pedro. At sa ikatlong pagkakataon, may
isang humarap sa kanya at nagsabing: ‘Hindi ba’t nakita kitang kasama niya sa hardin?’ At
ipinagkaila itong muli ni Pedro, at sa saglit na iyon, tumilaok ang tandang, at si Pedrong tinatanaw
si Hesus mula sa malayo ay naalala ang mga salitang sinabi sa kanya nang gabing iyon… Naaalala
niya at nanumbalik bigla ang kanyang malay at lumabas siya mula sa patyo at mapait na tumangis.
Sinabi ng mga Ebanghelyo: ‘Lumabas siya at mapait na tumangis.’ Kaya’t nailalarawan ko sa
isip—napakatahimik at napakadilim na hardin, at nagmula sa katahimikan ang pigil na
paghikbi…” Humugot ng buntong-hininga ang mag-aaral at malalim na nag-isip. Bagama’t buo
pa rin ang ngiti sa mga labi, biglang humagulgol si Vasilissa, at dumaloy sa kanyang mga pisngi
ang mabibigat na luha, at itinago niya ang mukha sa manggas ng kanyang damit na tila ikinahihiya
ang mga luha, samantalang pinamulahan ng mukha si Lukerya, na nakatitig pa ring walang

katinag-tinag sa mag-aaral, at nabatak at bumigat ang kanyang kaanyuan na tila ba dumaranas siya
ng napakatinding sakit. Pabalik na mula sa ilog ang mga manggagawang bukid, at umalon sa
mukha ng pinakamalapit sa mga nakasakay sa kabayo ang liwanag na nagmumula sa apoy.
Nagpaalam ang mag-aaral sa mga balo at lumisan. Muli’y pumaligid sa kanya ang karimlan at
namanhid sa lamig ang kanyang mga kamay. Umiihip ang malupit na hangin, ganap na ang
taglamig, at mahirap paniwalaang sa makalawa na ang Pasko ng Pagkabuhay. Si Vasilissa ang
naiisip ngayon ng mag-aaral. Napagtanto niyang dahil sa pagtangis ng balo, tiyak na may
natatanging kahulugan para rito ang lahat ng naganap kay Pedro sa gabi ng Huling Hapunan.
Tumingin siya sa paligid. Nakikita niya ang nag-iisang apoy sa payapang banaag nito sa dilim,
ngunit wala nang sinumang malapit doon. Naisip muli ng mag-aaral na kung napatangis si
Vasilissa at natinag ang anak nito ng kanyang mga salita, malinaw kung gayon na ang kuwentong
kanyang isinasaysay sa kanila, bagama’t naganap labingsiyam na siglo na ang nakararaan, ay
nagtataglay pa rin ng kahulugan para sa kasalukuyan—para sa dalawang babaeng ito, sa
mapanglaw na pamayanan, sa kanya, at sa lahat ng tao. Tumangis ang matandang babae hindi dahil
sa kanyang makabagbag-damdaming pagsasalaysay, kundi dahil malapit si Pedro rito at dahil
malalim na nasaling ang pagkatao ng balo ng naganap sa kaluluwa ni Pedro. At biglang-biglang
natigib ng galak ang kaluluwa ng magaaral, at kinailangan niyang saglit na huminto upang habulin
ang hininga. “Ang lumipas” naisip niya, “ay ikinakawing sa kasalukuyan ng walang patid na
tanikala ng mga pangyayaring dumadaloy sa dulo’t dulo nito.” At sa wari niya’y kanya nang nakita
ang magkabilang dulo ng tanikala, at nang kanyang hipuin ang isang dulo’y nanginig ang kabila.

Nang maitawid na siya ng balsa sa ilog at nang umaakyat na sa burol at lumilingon sa tinutungo
ng kanyang nilakhang bayan at sa daang pakanluran, kung saan isang manipis na guhit lamang ng
liwanag ang malamig at mapulang paglubog ng araw, napagtanto niya na yaon ding katotohanan
at yaon ding kagandahang naghari sa sangkatauhan sa hardin at sa patyo ng punong saserdote ang
walang maliw na nagaganap hanggang sa kasalukuyan, at lagi nang ang mga ito ang
pinakamahalagang kapangyarihang kumikilos sa buhay ng tao at sa lahat ng bagay sa daigdig; at
ang pakiramdam ng kamurahan, kalusugan, at sigla–dalawamput’t dalawang taon lamang siya—
at unti-unting umaaangkin sa kanya ang di-maipahayag na matamis na kaligayahang inaasahan,
ng hindi batid at lihim na kaligayahan, at biglang-bigla, tila kabigha-bighani, kagila-gilalas at hitik
sa malalim na kahulugan ang buhay para sa kanya.
ALAMAT NG KAWAYAN

Noong unang panahon ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabang ito at taas-
noo. Ipinagmamalaki nito ang kanyang makinis na katawan. Berdeng-berde ang kabuuan ng
Kawayan. Sariwang sariwa ang kulay nito lalo na kapag nasisikatan ng araw. Pero mainggitin ang
Kawayan. Lagi at laging naiinis Pero mainggitin ang Kawayan. Lagi at laging naiinis siya kung
hindi pinahahalagahan. Kapag nalallulan siya ng ibang puno at halaman ay nagtatanim siya ng
galit. Masama siyang mapahiya pagka't tumatawag siya ng kaibigang handang maghiganti upang
maiangat lang ang narumihan niyang pangalan. May isang pagkakataong naparaan ang ilang
kabataan sa kagubatan. Nagpalingalinga sila. Nang makitang wala man lang bunga ang kawayan,
nilayuan nila ito.

Nilapitan nila ang puno ng Bayabas, at Santol. Tuwang-tuwa sila sa pamimitas ng mga
bunga. Inilpag nila sa damuhan ang dilaw na dilaw na bunga ng Santol at berdeng-berdeng Durian.
Nilapitan din nila ang mga puno ng Makopa at Atis. Namitas sila ng bunga. matatamis at pulang-
pula ang Makopa.

Tuwang-tuwa ang mga kabataan habang ang prutas ay pinagsasaluhan. Inggit na inggit
naman si Kawayan. Wala kasi siyang bunga na ipamimigay. Wala siyang silbi kung prutas ang
pag-uusapan. S Sa galit ng Kawayan ay tinawag niya ang kaibigang Hangin. Pinakamalakas na
ihip ang higanti ni Hangin. Nagbagsakan ang lahat ng bunga ng Santol,Durian, Atis, at Makopa.
Tuwangtuwa si Kawayan.

Minsan may nagawing magkasintahan sa kagubatan. Nagpalinga-linga ang binata. Nang


makitang walang bulaklak na mapupurol sa puno ng Kawayan ay nilayuan nila ito. Natuwa sila ng
maulinigan ang mga halamang Rosal at Sampaguita. Dali-daling namupol ng bulaklak ang binata.
Ang halimuyak ng Rosal at Sampaguita ay handog na napakaligaya sa dalaga. Dahilan sa mga
bulaklak ang magkasintahan ay lalong nag-ibigan.

Inis na inis naman si Kawayan. Wala siya kahit isaman na bulaklak na maiaalay. Sa
pagkapahiya sa sarili tinawag niya ang kaibigang si Ulan. Sunud-sunuran si Ulan. Upang
maipaghiganti ang Kawayan, pinalakas ng Ulan ang kanyan mga patak. Nasira ang mga
magagandang tangkay nila Rosal at Sampaguita
Lingid sa kaalaman ni Kawayan, nakarating sa Reyna ng Kalikasan ang pagiging
maingitinat mapagmataas nito. Biglang parusa, ang laging nakatikalang Kawayan ay pinayuyuko
kapag hinihipan ng malakas na hangin. Ang pagyuko ni Kawayan ay pagbibigay halaga sa
anumang biyayang handog ng Reyna ay dapat pahalagahan. Na ang inggit ay hindi dapat
mamugad sa puso nino man
.

Ang tula ay isang uri ng panitikan na


masining na pagpapahayag ng saloobin at
damdamin ng isang makata. Ito ay
naglalayong maipahayag ang damdamin sa
malayang pagsulat. Binubuo ito ng saknong
at taludtod.
Ito ay isang suliranin o uri ng bugtong
na sinusubok ang katalinuhan ng lumalutas
nito.
Ito ay mga paalala na maaaring
makita sa mga pampublikong sasakyan
tulad ngdyip, traysikel at bus.
Ito ay isang masining na uri ng
panitikan na naglalaman ng maiksing
salaysay tungkol sa isang mahalagang
pangyayari na kinabibilangan ng ilang
tauhan.
Ito ay isang uri ng kwentong bayan
at panitikan na nagsasalaysay ng mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig o sa paligid.

You might also like