You are on page 1of 2

Marawi: Ang Pagbangon

(JeanieMea Pitor)

Patay dito, patay doon. Bomba dito, bomba doon at susundan pa ng iyak dito,
iyak doon. Maraming buhay ang nawala. Maraming buhay ang nawalan ng
opurtunidad na makapagpatuloy sa pamumuhay na kanilamg kinagisnan. Ang
dating Marawi na puno ng kagalakan at pag-asa ay tila lugmok sa kahirapan ng
dahil sa mga hindi kanais-nais na mga pangyayari. Alam niyo ba na mga Maute-
ISIS ang may kagagawan nito? Dahil sa kapangahasan, nagdeklara ng Martial
Law si Pangulong Rodrigo Duterte. Ipinasa ng pangulo ang awtoridad sa militar
sa buong Mindanao. Naging marahas ang Maute-ISIS sa ating kapwa Pilipino.
Ang gutom na kanilang tinatamasa at uhaw na nadadama ay isang malaking
kalbaryo sa kanila.

Kung tayo ang nasa kanilang sitwasyon, ano kaya ang ating magagawa? Ano
kaya ang ating magiging reaksiyon sa mga pangyayari? Mananatili kaya tayong
matatag sa kabila ng mga kaguluhang ito? Oo, kailangan. Kailangan nating
maging matatag para sa ating pamilya. May mga kapatid tayong Pilipino na
lumalaban at nagpakatatag upang makapagpatuloy sa buhay.

Hindi naging madali ang problema sa Marawi. Kung makikita mo malaki ang
naging kaibahan ng Marawi noonat ang Marawi sa kasalukuyan. Tila lahat ng
lugar sa Marawi ay nasakop na ng mga Maute-ISIS. Napagkutahan ng mga
Maute-ISIS ang ibang gusali sa Marawi. Binobomba nila ang panig ng gobyerno.
Naging matindi ang sagupaan ng Maute-ISIS at ang grupo ng militar. Maraming
imprastraktura ang nawasak dahil sa labanan ng mga terorista.

Marami ang namatay sa panig ng Maute-ISIS kabilang na ang lider nito. Sa


panig din ng militar marami ang nasawi. Maraming pamilyang naulilasa ating
mga mahal na sundalo. Ang hirap na kanilang dinanas at tiniis upang mapalaya
ang Marawi sa karahasan ng mga terorista.
Kaya pa bang bumangon ng Marawi? Oo! Kaya pa. Sabi pa nila, "Habang may
buhay may pag-asa." Dahil sa pinsala ng bakabakan na ito, wala ng
mababalikang bahay ang mga naninirahan sa Marawi dahil nasira na ito kung
kaya't sa kabutihan mg puso ng mga Pilipino, nagtulong-tulong para sa
pagpapabangon ng Marawi.

Makikita natin kung gaano ka busilak ang puso ng mga Pilipino. Sa maraming
paraan sila naghanap ng makatutulong sa Marawi. Nanghingi mg tulong sa
pamamagitan ng pag broadcast sa telebisyon, radyo, social media at dyaryo.
Marami namang nag-abot ng kamay sa mga nasawi. Nagtulong-tulong upang
mapunan ang pangangailangan lalo na ang kanilang bahay na matitirhan. Sobra
itong ikinatuwa ng ating kapwa Pilipino sa Marawi. May mga tao pa rin na may
mabuting puso upang tulungan sila.

Sa ating mahal na sundalo, malaki ang pasasalamat natin sa kanila dahil sa


kabayanihannilang ginawa at pagsakripisyo ng kanilang mga sarili para sa
Marawi. Bilang parangal, maraming tv networks ang nag imbita sa kanila sa
kanilang mga shows at bibigyan ng konting tulong bilang pasasalamat. Hangga't
may mga taong mabuti, babangon at babangon ang marawi.

You might also like