You are on page 1of 3

Nakakatakot, mahirap at nakakapanlumo ang nararamdaman ng bawat isa sa panahon ngayon.

Isang
pandemya na nagpahirap sa pamumuhay ng bawat indibidwal. Maraming nagsakripisyo, maraming
nawalan ng buhay at marami pa ring nagpapatuloy sa buhay. Pulis, sundalo, doktor, nars, gobyerno, at
iba pang frontliners ang patuloy na nagsasagawa ng aksyon sa panahon ngayon. Sila ang isa sa mga
nagsasakripisyo ng buhay para sa bayan. Sila ang nangunguna sa paggamot sa mga nagpositibo at
pagbantay sa kapiligiran sa gitna ng krisis na ito.

Para sa akin, ang isang bayani ay ang nagsasakripisyo, nagbibigay ng tulong sa kapwa at may ginagawa
para sa lipunan. Maituturing kong mga bayani ang mga pulis, sundalo, nars at doktor sa pahanon ng
pandemyang ating nararanasan ngayon. Naging mas matapang sila at nagsasakripisyo ng buhay para sa
bayan. Akin ding napuna na mas pinipili nilang magtrabaho at nagsasakripisyo ng oras na dapat ay
kasama nila ang pamilya nila. Ngunit lingid naman sa ating kaalaman na kulang ang mga tao ngayon at
sila ay kailangan ng lipunan kung kaya’t sila ay bihirang magpahinga. Lahat tayo ay nasa panganib,
ngunit mas nasa panganib ang buhay nila.

Bilang isang mag-aaral, ako ay sumasaludo at nagbibigay ng napakalaking respeto sa bawat isa sa kanila
sa pagiging nasa unahan ng laban at nagbubuwis ng buhay para sa mga tao at sa bayan. Tunay nga na isa
sila sa mga bayani lalo na sa pahanon ng pandemyang ito.
PANDEMYA

Pandemyang nagdulot ng takot, sakit at paghihinagpis

Sakit na kung kumitil ng buhay ng tao ay labis labis

Pandemyang nagpabagsak sa libo libong kompanya

Dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya

Kasabay nito ang pagkawala ng trabaho

Pagkawala ng trabaho ng milyon-milyong mga Pilipino

Pilipinong kumakayod upang mabuhay ang pamilya

Mga taong naghahanap buhay upang may maisubo sa bunganga

Ayudang inaasahan ngunit bakit tila nakukurakot pa

Ilang libong piso na dapat ay makatutulong sa pamumuhay nila

Naging isa, dalawa, tatlong delata

Ayuda? Pantay nga ba?

Hindi ko nilalahat pero may mga nasa gobyerno na kurap

Isa sa mga dahilan kung bakit mas lalong nagiging mahirap

Mga nakapagtapos, oo nakapagtapos nga ng edukasyon ngunit wala namang sariling dedikasyon

Kung kaya’t ang kaban ng bayan ay nagiging kaban ng mga taong namumuno sa bayan

Kung sino pa ang may kakayahang tumulong

Siya pa ang nagdadamot ng tulong

Sa mga taong tumulong


Upang siya ay maluklok sa posisyon

Tapos tayo ang sisisihing nagkamali?

Teka? Saan nga ba tayo nagkamali?

Nagkamali tayo sa pagpili ng mali

Ngunit ang pagbangon sa pagkakadapa ay nagdudulot ng pagkatuto

Pagkatuto sa pagpili ng tama

Huwag magbulag-bulagan, gumising tayo ay magkaisa

MAY PAG-ASA PA!

You might also like