You are on page 1of 1

Belleza, Ed Mark Angel C. Prof.

Liza Regala-Llorando
1BSA- 2 MW- 4:00- 5:30PM

DROGA: KANSER NG LIPUNAN

Druga, kilala bilang isa sa pinakamatinding suliranin sa bansa. Minsan ako'y


napapaisip. Sa ilang taong umupong maging lider ng bansa, bakit druga'y hindi
mawala wala? Ano nga ba ang dahilan kung bakit ito'y naging mistulang kanser na ng
lipunan?
Hindi natin maitatanggi na laganap ang kahirapan dito sa ating bayan. Dahil
dito'y maraming Pilipino ang pinipiling kumapit sa patalim kaysa magutom at
maghirap. Ang pagbebenta o pagiging tulak ng druga ang isa sa mga pinagkukunan
ng ipangkakain o naging kagawiang hanapbuhay na ngayon ng ilang Pilipino. Dahil
sa marami ang naghihirap sa bansa, dumadami rin at patuloy na lumalaki ang
transaksyon ng mga ipinagbabawal na gamot katulad ng shabu, marijuana, cocaine
at iba pa.
Sa pagkakataong ito, hayaan nyo akong ilahad ang aking opinyon at damdamin
sa napapanahong isyung ito. Maraming dahilan kung bakit ang tao'y nagkakaroon ng
koneksyon sa druga. Ang iba'y nagbebenta upang makawala sa kahirapan at iyong
mga gumagamit mismo nito na di umano'y gusto lang nila makawala pansamantala
sa pait ng realidad ng buhay. Aking nagpatanto na paano nalang kaya kung walang
kahirapan na bumabalot sa bansa? Mawawala ba ang lason ng druga na unti unting
dumudurog sa bawat Pilipinong naiimpluwensiyahan nito? Mababawasan na ba ang
mga patayan patungkol sa sa mga taong dawit sa drugas?
Yan ang mga tanong na pilit na pumapasok sa aking isipan ngunit malabong
mabigyan ng kasagutan. Subalit Maaring ngang hindi ito kayang sugpuin sa ngayon
pero ako'y naniniwala na sa pamamagitan ng pag iwas nitoy mababawasan ang
kanser sa ating lupinan.
Kaya't hinihikayat ko ang lahat na makibahagi at gawing nararapat ang
pagiging mamamayang Pilipino.
. Sa pagkakataong ito'y hinihiling ko ang lahat ng mga kabataang nakikinig sa
akin na tumayo at itaas ang kanilang kanang kamay na sumisimbolo sa pangangako
at sundin ang aking sasabihin "Ako'y nangangakong magiging isang mabuting anak,
kaibigan at kabataan ng bayan at druga'y kailanmay hindi ko susubukan".

You might also like