You are on page 1of 8

Ang wika ng Sillag Festival Bilang Daluyan ng Kultura at Identidad ng mga Ilokano

Isang makapangyarihang puwersa ng sining, wika at kultura ang festival na kinasasangkutan ng


nagkakaisang lipunan upang ipakilala ang kanilang identidad sa mga paniniwala, gawi, at pagpapahalaga.
Siniyasat sa papel na ito ang pagwiwika ng Sillag festival bilang daluyan ng kultura at identidad ng mga
Ilokano. Mula sa mga dokumentaryong video at larawan; pakikinayam sa mga tagapamahala, mga
kalahok, at mga manonood ng festival; at aktuwal na panonood ng mga mananaliksik, sinuri sa
pamamagitan ng transripsiyon at coding ang mga pahayag at larawang nagpapahiwatig ng kultura at
identidad ng mga Ilokano. Lumabas sa resulta ang tatlong temang nagpapahiwatig ng kultura at
identidad ng mga Ilokano. Ang wika ng produkto, wika ng kasuotan/ kagamitan, at wika ng sayaw na
umaayon sa malinaw ng sinag ng buwan. Nagsisilbing lunduyan ng pagkakakilanlan ng isang Ilokano na
maaaring ipagmalaki sa buong mundo ang pagiging mapagtangi, malikhain at mapagpasalamat na siyang
ipinapakahulugan ng mga temang lumabas sa pagpapakahulugan ng mahahalagang impormasyon bilang
daluyan ng kultura at identidad ng anumang wika, lahi at kultura.

"Epekto ng paglalaro ng computer games"

Sa pagdaan ng panahon mas umuunlad at nagkakaroon ng iba't-ibang paglago ay pagbabago sa


paggamit ng mga Electeonic Devices na nagiging dahilan upang mas mapadali para sa atin n gawin sa
mabilis, maayos at mabisang paraan ang ating mga pang araw-araw na gawain. Ang compute ay
masasabing isang pinakamagandang nilikha ng tao para sa kaniyang sarili. Isa itong aparato na
gumagawa ng trabaho ng tao sa mabilis at mabisang paraan. Ang abacus ay maituturing na computer
noong unang panahon, sapagkat ang layunin nito ay mapadali ang kalkulasyon ng mga mangangalakal.
Kung susuriin hindi na maituturing na computer ang abacus dahil sa pagusbong ng mga makabagong
teknolohiya. Sa panahon natin ngayon maraming mga labas na teknolohiya ngunit masasabing ang
computer ang mas kilala at mabisa. Sapagkat sa paggamit nito, napapadali na maayos ang ating mga
gawain. Nagiging daan din ito ipang matugunan ang pangangailangan ng mga tao. Sa pamanahon papel,
nagtataglay ng mga impormasyon at mungkahi na naglalayong matugunan ang negatibong paggamit ng
computer lalo na sa mga kabataan. Sa pamamagitan ng paggamit ng serbey at interview nagtatalaga ang
isang researcher ng mga katanungan na sinasagutan naman ng mga mag aaral, magulang, institusyon,
designer ng mga computer at iba pa. Iminumungkahi ng pananaliksik na ito na nararapat na gamitin ang
computer sa maayos at tamang paraan sapagkat lumalabas na resulta ng serbey na mas maraming
kabataan ang naaadik at nawawala sa tamang landas dahil sa sobrang paggamit nito sa maling paraan.
Nakasaad din na ang computer games ang isa sa mga mataas na dahilan kung bakit ang mga estudyante
ay bumababa ng marka at di makasunod sa mga takdanf aralin dahil sa sobrang pagkadistrak nila dito. Sa
aking palagay malaki ang naitutulong ng paggamit ng computer lalo na sa mga kabataan sa pagkat
nagiging daan ito upang matulungan sila sa mga gawaing paaralan. Nararapat lamang na gamitin ito sa
tamang proseso at mag limita sa sarili upang maiwasan ang sobrang pagkaadik dito.
Masasamang Epekto na Naidudulot ng Polusyon ng Ingay: Isang Pagsusuri.

Sa pag-aaral na ito inilahad ang mga impormasyon tungkol sa polusyon ng ingay bilang isang uri ng
polusyon na nakapagduduloy ng panganib sa tao o hayop. Ito ay maaaring magmula sa mga bahagi ng
lipunan na may kapasidad na gumawa ng malakas na ingay tulad ng tao, hayop, industriya at
transportasyon. Ang pananaliksk na ito ay isinagawa dahil ang polusyon ng ingay ay kadalasang
binabalewala bagamat may mga masamang epekto itong idinudulot kung saan lingid ito sa kaalaman ng
nakararami. Layunin nito na mailahad ang masasamang epekto ng polusyon ng ingay sa mga tao at
hayop. Kabilang samga masasamang epekto nito sa tao ay ang sakit sa puso, pagkabingi, problema sa
pagtulog, kawalan ng konsentrasyon at ang kalusugan ng bata sa sinapupunan. Kabilang naman sa
masasamang epekto nito sa hayop ang pagkasria ng pandinig ng mga ito, masking, non-auditory
physiological effect, at ang behavioral effect.Inilahad din sa pananaliksik na ito ang mga hakbang na
dapat gawin upang mabigyang-solusyon ang polusyon ng ingay. Sa kasalukuyan, kakaunti palamang ang
maaaring solusyon upang mabawasan ang polusyong ito kagaya na lamang ng paglalagay ng insulator,
pag-iwas sa maiingay na lugar at pakikinig sa maiingay na tugtog.

SINTESIS:

Ang depresyon ay isang uri ng seryosong sakit na nakaaapekto kung paano mag-isip at kumilos ang isang
tao. Ito ay maaaring magbunga hindi lamang ng pisikal na mga problema kung hindi pati na rin sa
emosyonal at sosyal na aspeto. Ayon sa American Psychiatric Association, ang mga sintomas na gaya ng
nabanggit sa itaas ay maituturing na depresyon kung ito ay tumagal ng hindi bababa sa dalawang linggo.

Ayon sa World Health Organization, 300 milyong tao sa buong mundo ang nagdaranas ng depresyon. Ang
mga edad na nasa pagitan ng 18 hanggang 25 taong gulang ang itinuturing na may pinakamalaking
potensyal na magkaroon nito. Dahil dito, mataas na porsyento ng mga tao ang nagpapakamatay at ito ay
ika-sampu sa pinakamataas na sanhi ng pagkamatay ng tao.

Ang depresyon ay mayroong iba’t ibang uri. Isa na rito ang tinatawag na “seasonal depression”. Ang
depresyon na ito ay mayroong “seasonal pattern”. Sa madaling salita, nararanasan ito ng isang tao
kasabay ng pagbabago ng panahon. Karaniwang nakararanas nito ang mga taong nasa malalamig na
lugar. Ayon sa istatistika, apat sa limang nakararanas nito ay mga kababaihan. Ang isa pang uri ng
depresyon ay tinatawag na “postpartum depression”. Ito ay karaniwan sa mga kababaihan na nagdaan sa
kalungkutan, o sobrang kapaguran sa kanilang panganganak na nagbubunga ng hindi maayos na pag-
aalaga sa kanilang mga sanggol o sa kanilang sarili. Isa sa pitong kababaihan ang nagdaranas nito.

Ang paggamot sa depresyon ay isang suliranin na dapat pagtuunan ng pansin. Ito ay lubos na
nakaaapekto sa buhay ng tao at nangangailangan ng labis na atensyon sapagkat buhay na ang
nakasalalay dito.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1166304#readmore

Op bilang tatlo: Sintesis #1(Kronolohikal)

Enero 21, 2018

"Titser Annie"

Ang nakapaloob sa aking napanood ay tungkol sa isang guro na nagngangalang titser Annie at titser
Cristel. Sila ay nailagay o naidestino sa sitio labo upang magturo sa isang pribadong paaaralan kung
kaya't malaki ang pagbabago niyang ginawa sapagkat malayong malayo ang buhay na nakagisangan nila
sa buhay ng kabihasnan sa buhay kabundukan. Anim na pu't-isang ilog at bundok na tarik at putim ang
tinatawid ni titser annie upang makapunta sa Labo Elementary School. Walang takot niya itong
sinusuong upang maturuan ang mga mamamayan sa sitio labo. Sa gitna ng aking napanood ay may isa g
dalaga ang nakapukaw ng atensyob ng miyembro nila Kara David. Ito ay si Dina. Siya ay dalawangpo na
taong gulang. Siya ay anak ni Vilma na buto't-balat at may sakit na dahil sa katandaan ay di na rin
makalakad. Tatlong araw sa isang linggo lamang kung pumasok si Dina sapagkat siya ang tumatayong ina
at ama sa kaniyang mga kapatid. Sinusuong niya ang liblib at tarik na daan upang makakuha ng saging.
Sapagkat dahil sa yaman sa tubig, mayaman ang sitio labo sa saganang puno ng saging. Sa dalawang oras
na pagkukuha ng saging ang dalaga ay nakakuha ng maraming saging at naibenta ito sa kapilig ng
tumataginting na isang daan at apat na put apat na pesos. Sa pang wakas, kahit na malayo ang pharmacy
at botika sapagkat nasa paanan pa ito ng bundom, walang pag aalinlangan niyang sinuong ito upang
makabili ng mga gamot sa kaniyang ina. Sa kasamaang palad ay dalawang antibacterial at antibiotics
lamang ang nagkasya sa kaniyang salapi at pinagpalit niya ito ng bigas at ulam upang magkaroon ng
maiinom na gmot ang kaniyang ina. Habang Nag alok ang Deped ng mas maayos na trabaho sa
kabihasnan para kay titser Annie ngunit sa bandang huli ay mas pinili pa din ng butihing guro na
maglingkod sa sitio labo upang mas maturuan pa ang mga mangyan ng tamang edukasyon katulad ni
Dina.
Sintesis: “Prinsipyo ng Lipunang Pilipno”

Ang alamat ng gubat ay sumasailalim sa pagkatao ng bawat Pilipino. Ang bawat karakter sa alamat ng
gubat ay merong sariling prinsipyo at pangmataasan ng ugali. Ang alamat ay hindi lang ordinaryong
kwento pinapakita din ito ng pagkakaugnay ng tao. Ang bawat Pilipino ay gagawin ang lahat para lang sa
pamilya ganyan din si tong na ginagawa ang lahat para sa ama na may sakit. Ang alamat ay hindi lang
ordinaryong kwento pinapakita din ito ng pagkakaugnay ng tao. Ang bawat karakter sa alamat ng gubat
ay nagpapakita ng pangmataasang ugali sa bawat isa, Isa na dito ang mga hayop at insekto na inaawayan
kung sino ang maghari. Sa paglalakbay ni tong sapaghahanap ng puso ng saging marami pang nadaanan
bago makarating sa puso ng saging. Mahahalintulad ito sa Pilipino na maraming dadaanan na problema
at pagsubok na tatalakayin bago makuha ang inaasam. Ang alamat ng gubat ay hindi lang pambata na
kwento ito ay sumasalamin at ordinaryong pangyayari sa mga tao sa lipunan na ang ibang tao gustong
makuha kung ano ang gusto.

Mula sa mambabasa makakakuha ito ng magandang halimbawa ng mga tao dahil sa kasalukuyan ngayon
ang mga tao ay unti-unti nang nawalan ng prinsipyo sa sarili. Sa panahon ngayon ganyan ang nanyayari sa
ating bansa na ang taong gusto maging lider ay gusto lang para umangat ang sariling kapakanan hindi sa
lahat. Sa alamat ng gubat ni bab ong ay kailangan mong may disciplina at prinsipyo sa sarili dahil ito
nakapagbigay ng magandang halimbawa ng mga tao. Ang pagiging isang Pilipino ay merong mapangapi
at may inaapi. Ang panahon natin ngayon ay imbis na umunlad tayo, nag hilaan pababa ang mga tao sa
tingin na nauuna ang iba. Ang paghahanap sa puso ng saging ang halimbawa nito dahil sa kagustuhan ng
bawat isa na magkaroon ng kakaibang kapangyarihan pag napasa ang puso ng saging. Ang isa pa ay ang
dayaan at suhulan na nangyayari din sa ating pamahalaan ay makikita rin ito sa eleksyon noon na sihulan
ang mga tao. Mababatid natin ang suhulan ng kuneho sa mga langaw na kung saan pinipili ang kuneho
para itong maging hari ng gubat.

Sa kabuuan ng kwento matutunan ng mambabasa ang kwento ng gubat na sa huli ay nagsasalita si


matsing “Handa ba bang magtanim ng batas sa gubat, talangka? Kaya mo bang ipag-utos sa mga hayop
ang respeto? Desidido ka bang damitan sila ng dangal at prinsipyo? Determinado ka bang sugpuin ang
kabangisan? Nais mo bang magturo ng malasakit sa kapwa at pagkakaisa? Kakayanin mo bang
magpadikta sa bulong ng konsensya?” Lumundag si Matsing sa harapan ni Tong para sa huling hamon:
“Gusto mo ba talagang makialam sa natural na takbo ng buhay—sa gubat”Ang mga salitang iyan ay mas
bubuo sa pagkatao ng pagka Pilipino sa ating bayan, bilang isang kabataan ito ang kaharap na pagsubok
natin ngayon na naging apektado ang lahat ng Pilipino ngayon sa paguugali kung paano ito dadalhin.
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/381936#readmore

BIONOTE:

ZIA CZARINA A. GARCIA. Ipinanganak sa bayan ng Maria Aurora, Aurora noong ika-labing lima ng Abril
taong 1999. Siya ay nag aral ng kanyang Primarya sa Maria Aurora Central School ngunit kalaunan ay
lumipat sa Sagana Elementary School sa Nueva Ecija at doon tinapos ang kanyang Primarya. Siya ay
nagtapos ng kanyang sekondarya bilang junior high sa Angelcare Science Academy sa Baler, Aurora at
siya ay kasalukuyang nag- aaral sa Aurora National Science High School bilang isang Senior High School
Student.

Marami din siyang sinalihang patimpalak noong siya ay nasa Primarya tulad ng MTAP, History Quiz Bee at
DSPC, naging President din siya ng SPG o Supreme Pupils Government noong siya ay nasa elementarya,
at nagtapos bilang Valedictorian sa kanyang klase. Sa sekondarya ay patuloy pa din siyang nakikilahok sa
iba’t ibang kompetisyon at siya ay nagtapos na may ikalawang karangalan. Ngayong siya ay nasa Senior
High siya ay nangangarap na makapag-aral sa University of Baguio at makapagtapos bilang isang
Dentista.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/719325#readmore

JOHNSON, JONAS – Isinilang sa lungsod ng Derry sa bansang Ireland at diyan siya nakapagtapos ng
hayskul sa Coleraine. Ninais niyang maging isang fighter pilot ngunit hindi siya kwalipikado. Ngunit kahit
hindi niya makamit ang pagiging piloto ay may nalalaman na siya sa mga makina. Sa kasalukauyan ay
nagtatrabaho siya sa isang pamilihan ng machine parts bilang isang drayber ng delivery truck. Isa rin
siyang miyembro ng isang pangkat na pawang mga taong hindi angkop sa lipunan na tinatawag na
pinamumunuan ng isa ring misfit na si Franz Piero.

Bionote ni Ascension Salvani

Si Ascension Salvani, o kilala bilang si Siony, ay naging isang guro sa isang pampublikong paaralan sa
Lungsod ng Pasay. Siya ay ipinanganak at lumaki sa lalawigan ng Bohol, at doon nakapagtapos ng kursong
Edukasyon sa University of Bohol noong 1965. Naging aktibo rin si Siony sa Physical Education, kung saan
nakapagturo siya ng mga estudyanteng may hilig sa volleyball.
Nang makapagturo ng ilang taon, nagpasiya siyang kumuha ng Masteral Degree sa Philippine Normal
University sa Maynila. At sa Maynila na niya itinuloy ang kanyang pagtuturo, at nanilbihan ng ilang taon
bilang guro ng isang pampublikong paaralan. Dahil sa kanyang dedikasyon sa pagturo, nakakuha rin siya
ng gantimpalang ‘Teacher of the Year’ ng ilang beses sa loob ng apatnapung taon sa serbisyo.

MEMORANDUM:

MEMORANDUM

Para sa/kay: G. Martin Juan

Mula sa/kay: Mara Cruz

Petsa: July 7, 2019

Paksa : Pagpapatawag ng meeting para sa aktibidad na team building

Ipinababatid ng aking opisina na tayo po ay magkakaroon ng pagpupulong bukas July 8, 2019, alas 8:00
ng umaga para sa ating darating na team building na gaganapin sa July 10, 2019 sa ganap ng 10:00 ng
umaga. Tayo po ay matutulog sa lugar na ating mapapagkasunduan upang manumbalik po ating
pagkakaisa at mabuo ulit ang aming samahan.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1119449#readmore


Paaralan ng Dona Aurora Elementary School

Ika 28 ng Hunyo 2019

Ikalawang Memurandon

Para sa:

Pagpapatayo ng karagdagang palikuran sa eskwelahan

Para sa:

Mga guro ng Paaralan at Meyembro ng PTA Officers

Magandang araw! bilang isang Pangulo ng PTA Officers ay naisipan kung maging proyekto sa paaralang
ang pagtatayo ng karagdagang palikuran ng mga mag-aaral, dahil napansin na ang palikuran ng mga
babae at lalaki ay iisa lamang nais ko sanang imungkahi na magpatayo ng isa pang palikuran ng sa gayon
ay mapagbukod ang palikuran ng babae at lalaki para sa kanilang kaligtasan at gayon narin sa kalinisan.
Ang pundo po natin ay magmumula sa nalikom nating pera mula sa mabuting loob na nag donate sa
ating paaralan.

Inaasahan ko po ang inyong pagtugon sa proyektong ito. Maraming salamat po.

Hana Tores
Pangulo ng PTA

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1113291#readmore

You might also like