You are on page 1of 40

Sosyo-Kultural Dimensyon ng Nomophobia:

Epekto ng Mobilephone Adiksyon

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Senior High School


Tomas Cabili National High School
Tomas Cabili, Iligan City

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Asignaturang


Filipino 2: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto tungo sa Pananaliksik

Alferez, Michelle R.
Abdulmalik, Ameloden G.
Dipantar, Shaina Akimah M.
Pundaodaya, Zafra C.
Ramos, Zea Charlette A.

March 2019

1
Kabanata I
Suliranin at Kaligiran Nito

Introduksyon

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pag-aaral tungkol sa nomophobia

dahil sa mabilisang pag-unlad ng mga teknolohiya. Ngayon na ang mga gadget

tulad ng mga selpon, ang mga tao, lalong-lalo na ang mga kabataan ay naging

mang-aabuso sa paggamit nito. Ang abusong paggamit ng selpon ay

nagreresulta ng adiksyon sa manggagamit at maaaring magdahilan ng

tinatawag na nomophobia, kung saan nagreresulta sa mga pagbabagong

sosyo-kultural. Ang mga mananaliksik ay nakakita na ang pagbabagong sosyo-

kultural ay nakakaapekto sa araw-araw na pamumuhay ng mga manggagamit.

Ang mga selpon ay mas nagiging kapakipakinabang at nakakatulong sa

mga tao, mas naging interesado itong gamitin kaya mas maraming tao ang

mayroong mga selpon. Ang mga tao ay ginagamit ang mga selpon nang hindi

alam na nakakapagbago ito ng paraan kung paano sila namumuhay.

Nomophobia ay abrebasyon ng "No - mobile phone phobia" ay ang

irasyonal na pagiging takot na wala ang selpon o ang pagiging takot na hindi

makagamit ng selpon sa kahit anong kadahilanan kagaya ng pagkawala ng

signal o pagkaubos ng minute sa baterya. Ang nomophobia ang pinakamalaking

phobia sa mundo (Indian Times). Sa mga estudyanteng high school, nasa punto

ito ng pagtaas. Ang pagtaas ng bilang sa mga estudyanteng high school ay ang

pagtaas din ng bilang ng mga estudyanteng may selpon. Mas pipiliin pa ng mga

kabataan ang maputulon ng daliri kaysa mawalan ng selpon. Ang paglaki ng

porsyento ng mga text o tweet kesa makipag-usap sa iba (Elmore, 2014).

2
Kadalasan sa mga estudyante ay nagmamay-ari ng mga selpon para sa mga

hindi inaasahang pangyayari o mga importanteng bagay ngunit hindi natin

makakaila ang katotohanan na hindi lamang ito ang nais nang mga gumagamit.

Para makasabay sa uso sa loob ng social media gamit ang internet.Ito ay

nakakaadik at nagbibigay ng mahirap na sitwasyon sa mga gumagamit na

mabuhay na hindi ito kasama.

Ang mga selpon ay ginawa para maging mas madali at mabilis ang mga

bagay-bagay ngunit ang mga kabataan ay ginagamit ito para maglibang at mga

hindi importanteng bagay. Ayon kay (Lee, Chang, Lin & Cheng, 2014; Matusik

& Mickel 2011) “smartphones can be addictive”. Malaki ang nagging epekto

ng selpon kung saan apektado ang ugali at pang-araw-araw na buhay ng isang

tao. Kagaya nang pagpunta sa banyo, ugali ng pagkain, gawaing bahay,

paggawa ng mga takdang-aralin, pagpunta sa silid-aralan at pati na rin ang

pagtulog, nasa tabi palagi ang selpon. (Shambare, Rugimbana & Zhowa 2012)

binigyang halaga na ang mga selpon ay “possibly the biggest non-drug

addiction of the 21st century”.

Ang sobrang paggamit ng selpon ay gumagawa rin ng pagbabago sa ating

kultura. Nakikita ng mga tao na kinakailangan nila ito palagi para maging

konektado sa mga kaibigan, pamilya at negosyo.Sa mga panahon ngayon ay

nangyayari na ang komunikasyon sa selpon. Dahil mas madali ang

komunikasyon sa mga selpon, nagiging dahilan ito upang bumaba ang oras ng

mga taong makipag-usap at sumali sa mga aktibidadis ng komunidad. Kung

3
kaya’t palagi nalang sila sa loob ng bahay at nag-iiskrol sa kanilang mga selpon

at natatakot na mapalayo ito sa kanila kahit sandali lang. (Nidhin, 2014).

Ayon kay (Bianchi and Philips 2005) mayroong psychological factors ang

sobra-sobrang paggamit ng selpon. Ang mga psychological factors ay tulad ng

depressive disorders, anxiety and obsessive compulsive disorder. Ang mga

factors ay makakabuo ng bagong kultura na tinatawag na “always on” culture.

Ayon kay Dr. Christine Grant ng Coventry University, “The negative of this

‘always on’ culture is that your mind is never resting, you’re not giving yourself

a time to recover, so you’re always stressed”. Sa kahit anong sandal ng araw,

maaaring mag-buzz ang iyong selpon dahil sa mga walang kwentang bagay

gaya ng advertising or spam mail, magiging masama ito lalo na kung gusto mo

nang matuog o kaya sinusubukan mong i-enjoy ang sandal. Kahit maalam na

sa problemang ito, nagiging dahilan pa rin ito upang maging stress at

problemado ang mga tao sa puntong ang buhay ay hindi na nakakatuwa, kung

saan nagiging masama na ito (Lock, 2015). Kaysa makipagkapwa-tao, nang

dahil sa Nomophobia, isinasara natin ang ating sarili sa loob ng kwarto at

nakikipag-usap nalang tayo gamit ang ating mga selpon. Ang ugaling ito ang

nagpapalayo sa atin sa realidad.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman kung paano ang adiksyon

sa selpon bilang isang factor ng nomophobia, nakakapagpabago ng ugali,

katangian at kilos sa isang partikular na grupo sa Mataas na Paaralan ng Tomas

Cabili at kung paano bumuo ng isang makabagong kultura ukol sa factors.

4
Upang maisakatuparan ang layunin ng pag-aaral, humahanap ang pag-

aaral na ito ng mga kasagutan sa mga sumusunod na suliranin:

1. Gaano kadalas ang paggamit ng selpon sa mga mag-aaral sa

ikasampung baitang?

1.1 Edad ng respondente ng nagkaroon sila ng selpon

1.2 Oras na inilaan ng respondente sa paggamit ng kanilang selpon

1.3 Oras na inilaan ng respondente sa pagtsek ng kanilang selpon

1.4 Ilang beses tsinitsek ng respondente ang kanilang selpon

tuwing lektiyur

2. Ano-anong mga sosyal na pag-uugali ang nababago sa mga mag-

aaral dulot ng nomophobia?

3. Ano- anong mga bagong kultura ang bunga ng nomophobia?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin kung ano ang mga pagbabago

sa sosyal at kulturang pag-uugali na naganap nang dumating ang problema na

Nomophobia sa mga estudyante. Samakatuwid, ang mga kahinatnan ng pag-

aaral na ito ay may pakinabang sa mga sumusunod.

Mga guro. Ang mga resulta ng pag-aaral na ito ay magbibigay-daan sa kanila

upang malaman na ang Nomophobia ay isang isyu. Ito ay makakatulong sa

pagbibigay gabay sa kanilang mga mag-aaral ukol sa responsableng paggamit

ng mga selpon.

5
Mga mag-aaral. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga estudyante upang

mapagtanto nila na ang epekto ng paggamit ng selpon na hindi kailangang

bubuo ng isang napakalaking pagbabago sa kanilang buhay, kaalaman, at pag-

aaral.

Mga magulang. Ito ay makakatulong upang magabayan nila ang kanilang mga

anak upang maiwasan ang pagkaroon ng Nomophobia.

Sa mga hinaharap na mananaliksik. Ito ay magsisilbing gabay o basehan sa

mga hinaharap na mananaliksik na gustong ipagpatuloy ang pag-aaral na may

kinalaman sa isyung Nomophobia.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay kung paano nakakaapekto ang

Nomophobia sa aspeto ng sosyal at kultura sa mga mag-aaral sa isang lipunan.

Ang mga piniling respondente ng mga mananaliksik na kasali sa pag-aaral

na ito ay sa mga sumusunod na seksyon sa Grade 10; Acacia, Molave,

Mahogany, Narra, Yacal, Lawaan, at Gmelina sapagkat sila ay lubos na

makatutulong at makatutugon sa mga suliranin ng pag-aaral. Ang pananaliksik

na ito ay isasagawa sa Mataas na Paaralan ng Tomas Cabili. Ito ay nililimitahan

lamang sa limangpu (50) piling mag-aaral na nasa ika-sampung baiting at sila

ay pinili base sa kani-kanilang mga pinag-aariang selpon.

6
Depinisyon ng mga Terminolohiya

Para sa mga detalye at pag-uuri, ang mga sumusunod na termino ay

tinukoy habang ang mga ito ay ginagamit sa pag-aaral.

Anxiety disorder. Ito ay nangangahulugang isang grupo ng karamdamang

pangkaisipan (mental disorder) kung saan ang tao ay nakakaramdam ng

pagkabalisa, kaba o nerbiyos (nervousness) sa mga bagay na maaring nakikita

o nararanasan sa totoong buhay o mga bagay na paulit-ulit nilang naiisip.

Depressive disorder. Ito ay inilarwan bilang patuloy na pagkaramdam ng

kalungkutan, kawalang-halaga at kakulangan ng pagnanais na makisali sa mga

nakagagaling na gaawain.

Internet. Ito ay nangangahulugang isang pandaigdigang sistema ng mga

computer network. Ang ang network na ito ay nakapagbibigay access sa mga

gumagamit ng computer, kung may pahintulot, na kumuha ng mga

impormasyon at datos sa iba pang gumagamit ng computer.

Kultura. Ito ay tumutukoy sa mga kaugaliang ipinapahalagaan ng karamihan

ng mga Pilipino. Itong sistema ng kaugalian ay may katangi-tanging katipunan

ng mga ideolohiya, moralidad, kabutihang asal, wastong kagawian, at

kahalagahang personal at kultural na itinatakda ng lipunan.

Nomophobia. Ito ay nangangahulugan bilang irasyonal na pagiging takot na

wala ang selpon o ang pagiging takot na hindi makagamit ng selpon sa kahit

anong kadahilanan kagaya ng pagkawala ng signal o pagkaubos ng minute sa

baterya.

7
Obsessive compulsive disorder. Ito ay nangangahulugan bilang isang

karamdamang pangkaisipan (mental disorder) na madalas itong

mapagkamalan bilang isang simpleng habit lamang ng pagiging sobrang malinis

at maayos ngunit ito ay takot na magkamali, mapahiya, mag-isip nang hindi

tama, makasakit, at madapuan ng dumi.

Sikolohikal. Ito ay isang pang-uri na tumutukoy sa paraan ng pag-iisip ng isang

indibidwal at kung paano ito nakakaapekto sa pagkilos ng isang tao.

Smartphones. Ito ay isang pangalan sa cellphone na may kakayahan sa ilang

uri ng paggamit na magagawa sa isang computer, tulad ng panonood ng video,

pag-browse o pagbasa ng web page.

Social media. Ito ay ang pakikihalubilo sa lipunan ng mga tao sa buong mundo

sa pamamagitan ng mga elektronikong cellphone, tablet at iba pa na pwedeng

ibahagi ang iyong mga ginagawa, mga larawan, musika, mga aktibidad at mga

video.

Sosyal. Ito ay ang pakikipagkapwa-tao o pakikipag-ugnayan sa ibang tao na

may koneksyon at interaksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang tao.

Sosyo-kultural. Ito ay isang perspektibo na kung saan nakasalalay sa kung

anong lipunan at kung anong kilos ng mga tao sa isang grupo ang magiging

kilos ng isang tao.

Spam mail. Ito ay ang mga post na off-topic o wala nang kinalaman sa layunin

ng thread, ang mga post na naglalaman rin ng emoticons lamang o tawa tulad

ng “hahaha” ay maituturig rin na spam.

8
Text. Ito ay anumang bagay na maaaring “basahin” kung ang bagay na ito ay

isang gawa ng panitikan at maiuugnay na isang hanay ng mga palatandaan na

nagpapadala ng ilang uri ng impormason na mensahe.

Tweet. Ito ay isang entry na naii-post sa isang serbisyong microblogging

Twitter na maaaring maging post o status update.

9
KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL, BATAYANG
TEORITIKAL AT BATAYANG KONSEPTWAL

Ang bahagi ng pag-aaral na ito ay naglalaman ng mga iba’t-ibang literatura

at pag-aaral mula sa lokal at internasyunal na may kaugnayan sa paksa ng

pananaliksik.

Kaugnay na literatura

Sa ngayon, habang ang nga mobile phones ay nagiging mas sopistikado at

multifunctional, ang mga kabataan ay agiging mas naksalalay o “gumon” sa

teknolohiyang ito, hindi lamang para sa interpersonal na komunikasyon sa

pamamagitan ng voice o text( hal.short message service-SMS) kundi pati na rin

bilang isang instrumento para sa paghahangad ng kasiyahan, paghahanap ng

imporasyon, libangan, pagpapahinga, pagkuha ng larawan at video,

pagpapahayag ng katayuan , pagkakakilanlan , pati na rin ang mga

kasalukuyang hndi natuklusang mga application( Charlton, Panting, &

Hannan,2002; Leung & Wei, 2000). Dahil sa mga pagbabago na dala ng

teknolohiya, partikular na ang mga mobile phone; ang lipunan ay hindi rin

maaaring makatulong ngunit halawin at tanggapin ang paggamit ng mga

mobile phone sa kani-kanilang kultura.

Ang mga indibidwal ay may posibilidad na bumuo ng mga personal na

pakikipag-ugnayan sa mga mobile phone, sa pamamagitan ng pagpasok ng

karaniwang tinatawag na pag-save ng mga numero, pag-download ng mga

musika, at pag-install ng mga application na gusto at ikakasaya nila. Ang mga

selpon ay mas kahuma-humaling sa mga gumagamit na sila ay mas

10
nakakaramdam bilang ito ay konektado na sa ating katawan, sa virtual sense

sa halip na ito ay pisikal (Townsend, 2000). Sa katunayan, maraming mga tao

na karaniwang nagdadala ng mga cellphone sa lahat ng oras ay nag-ulat na

sila ay nakakaramdam ng “pagkawala” o “nawala” o “walang takip sa katawan”

sa kabila ng hindi sinasadyang pag-iawan ng kani-kanilang mga selpon

(Alexander, Ward & Braun, 2007).

Ang sobrang paggamit ng teknolohiya ay ipinaliwanag sa pamamagitan ng

pinagdugtong teorya (Ainsworth and Bell, 1970), na kung saan nagpahayag na

ang mga indibidwal ay maaring bumuti sa paggamit ng smartphone at balisang

pagkaramdam o pagkabahala ng isang tao kapag hindi kapiling ang kanilang

selpon (Seol, 2016). Gayunpaman, iginiit nila na ang mobile phone ay sikat sa

mga estudyante sa hayskul dahil pinalaki nila ang kanilang social

communications at pinalawak ang kanilang mga pagkakataon sa pagtatag ng

kanilang panlipunang relasyon. Ang paggamit ng smartphone ay naging

mahalaga rin sa mga mag-aaral dahil ginagamit nila ang mga ito para sa ilang

mga layunin na nagbibigay ng karaniwang paggamit ng Internet, na may mga

magagamit na mga application na nagbibigay ng panibagong paandar para sa

mga gumagamit (Al-Barashdi, Bouazza, & Jabur, 2015).

Ang nomophobia ay nalinang bilang isang karamdaman na dulot ng

madaliang komunikasyon, pagbibigay-kasiyahan ng mga smartphone, at hindi

mapigilang pag-uugali, sa pagdami ng mga tao na gumagamit ng mga selpon,

ito ay naging pangunahing instrumento sa isang komunikasyon sa pagitan ng

kaibigan at pamilya. Ito ay maaaring maiugnay sa smartphone na itinuturing

11
bilang isang kinakailangang kagamitan sa pag-unlad ng isang bansa dahil sa

malawak na kakayahan sa paggamit ng smartphones, gayong bilang ang mga

gumagamit ay mas mapapaunlad nila ang paglawig ng kanilang mga sarili sa

pamamagitan ng kanilang mga selpon na kung saan, kung tatanggalin,

maaaring maging sanhi ng pagkabalisaa at hindi mabuting samahan (Clayton,

Leshner, & Almond, 2014).

Ang isang tipikal na Nomophobe ay maaaring makilala sa pamamagitan ng

ilang mga katangian tulad ng hindi kailanman io-off ang telepono, sobra-sobra

ang pagsuri ng mga di napansing tawag at text, gumagamit ng selpon sa hindi

karapat-dapat na oras, at pagkawala ng pagkakataon para sa harap-harapang

pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan habang mas ginusto nila na selpon lang

ang gamit. Sa ilang mga malubhang kaso, ang mga tao ay maaari ring harapin

ang mga pisikal na epekto tulad ng panic attacks, hindi tamang paghinga,

panginginig, pagpapawis, pagbilis ng tibok ng puso, pagsakit sa kasukasuan,

sakit sa likod at leeg at marami pang iba kapag ang kanilang selpon ay lowbat

o kung hindi man ay hindi magamit o nasira. Ang mga smartphone ay may

kakayahang ma-access ang internet na nagdulot ng internet addiction disorder

at ang mga comorbidities nito ay maaaring masama sa adiksyon sa

smartphones (Aparna Kanmani S, Bhavani U, Maragatham R S, 2017).

Middleton and Cukier (2007) ay nagpatawag ng isang malapitang diskusyon

para sa nomophobia bilang hindi lamang isang medikal na kondisyon, kundi

pati na rin ang isang sosyal na pang-akit na nakatuon sa mga alalahanin ng

negosyo, mga empleyado, at iba pa kung kanino sila nakikipag-ugnayan.

12
Kaugnay na Pag-aaral

Sa naunang pag-aaral nina Srite at Karahanna (2006); Chau et al. (2002),

isinalin sa Filipino ang pananaliksik na Cultural Differences in Consume’s

Online Behavior ay nagmungkahi na ang mga oryentasyong pangkultura ay

may mahalagang papel sa mga pag-uugaling kaugnay sa teknolohiya. Habang

nagkakaroon tayo ng higit na pagdepende sa mga teknolohiya na ginagamit,

ang ating mga kakayahang makayanan ang mga ito kahit na ito ay lumiit ng

lumiit. Ayon sa isang pagsusuri ng SecurEnvoy na nakasaad sa pag-aaral nina

Yildrim at Correia (2015) na isinalin sa Filipino ang The Effect of Cellphones

on Attention and Learning: The Influences of Time, Distraction, at

Nomophobia, pitumpu’t pitong porsyento na mga kabataaan ay nagkaroon

ng pagkabalisa sa halos pagkalipas ng ilang oras na wala ang kanilang selpon.

Sa kabilang banda, ang nomophobia ay ang antas ng pagkabalisa ng isang

indibidwal sa pagkawala ng koneksyon sa isang grupo.

Nalaman sa isang pag-aaral nina Miller-Ott, Kelly at Duran (2014) na isinalin

sa Filipino ang Cellphone Usage Expectations, Closeness and

Relationship Satisfaction Between Parents and Their Emerging Adults

in College na ang mga nakababatang henerasyon na nagmamay-ari ng isang

selpon ay pinaniniwalaan na kinakailangan ito upang iyon ay masuportahan ang

isang kataga na “We are a culture distracted”. Nagbigay sila ng mga halimbawa

tulad ng mga tao sa pampublikong daanan na nakikipag-ugnyan pa rin sila sa

mga magulang at kaibigan at kung wala sila ay maaaring maging sanhi ng

pagkabalisa.

13
Nasabi din sa isa pang pag-aaral na nagmula sa Florida State University

(FSU) na isinalin sa wikang Filipino ang The Effects of Mobile Technology

on Our Society, na sa pagbibigay-alam gamit ang selpon ay maaaring

makasira sa ating konsentrasyon, kahit na sa pagkakaroon ng maikling

panahon ay magdudulot ng sapat na pagkalito na nakakaapekto sa ating

kakayahan sa pagpokus sa binigay na gawain o nakapagpapababa ng ating

kakayahan sa pagkilos. Ito ay maaaring maging delikado sa iilang mga

sitwasyon, katulad na lamang ng pamamaneho, ang isang simpleng notification

ay maaaring magdulot ng isang malubhang aksidente at maaaring maging

sanhi ng pagbuwis ng buhay.

Nagpahayag sina Oksman & Rautianen (2003); Ling & Yttri (2006); Ling

(2009); Clark (2013) sa kanilang pag-aaral na isinalin sa Filipino ang The

Impact of Mobile Use on Teenagers’ Socialization na ang komunikasyon

sa mga kabataan gamit ang kanilang mga mobile phone ay nakagawa ng isang

malaking pagkakataon para sa pakikipag-ugnayan sa mga kakilala at

nakakapagpaunlad ng kalayaan sa pagiging bantay sarado sa ating mga

magulang. Nagmungkahi rin sina Bragazzi and Del Puente (2014) sa kanilang

pag-aaral na isinalin din sa Filipino ang Nomophobia: Impact of Cellphone

Use Inteferring with Symptoms and Emotions Of Individuals with

Panic Disorder Compared with a Control Group na ang paggamit sa ating

selpon ay nakakapagbatid na ito ay makapagbabago sa ating pang araw-araw

na persipsyon sa realidad na buhay na kung saan ay maaaring magdulot ng

negatibong komento, kagaya ng nakakasirang sosyal na interaksyyon,

pagbubuklod-buklod sa lipunan, at pangkaramdamang pangkaisipan pati na rin

14
ang pangkabahala, depresyon at stress. Ayon sa isang pahayag, ang mga

kabataan na nagmamay-ari ng mga mobile phone ay maaaring makaranas ng

pagsasarili pero maaaring ihiwalay nila ang kanilang mga sarili sa kanya-

kanyang mga silid-tulugan na kung saan magreresulta sa isang di-

pangkaraniwang karamdaman at karamdamang pangkalusugan ng dahil sa

Nomophobia.

Sinigurado sa isang pag-aaral nina Jines (2015) na isinalin sa Filipino ang

Excessive Use of Smartphones and Social Networks and Its Impact on

Health na ang mobile phones ay mayroong malaking epekto sa ating mga

pang-sosyal na buhay, ang mga tao ay mas nagiging mangmang sa tunay na

hangarin ditto sa mundo, mas inuuna ang paggamit ng selpon kaysa pakikipag-

ugnayan, madalas na nating nakikita ang mga taong nakikipag-usap sa isa’t isa

sa isang pampublikong lugar, mas binibigyang oras nila ang paggamit ng selpon,

pag-check sa mga notifications, pagpapadala ng mga mensahe o pagshare sa

isang bagong video. Ito ay maihahalintulad sa adiksyon na para bang ang isang

ordinaryong tao ay nagiging zombie.

Nagpahayag din si Dale Archer (2013) rin sa isang pag-aaral na isinalin sa

wikang Filipino ang Mobile Phone Addiction is Not a Joke na ang selpon,

computer, tablet at iba pang mga teknolohiya ay hindi lamang isang bagay

kundi kaibigan ng lahat. Maraming nakakaranas ng pagkabahala kung sa isang

iglap ay nawala ang kanilang mga selpon, kahit ito ay nawala lamang sa isang

konting minute. Tayo ay nakadepende sa mga makabagong teknolohiya para

lang makapagsabi ng “Mahal kita” na nagtatapos sa paghihiwalay, para lang

15
makapagcheck sa mga balance sa banko para sa mga investing, para lang

makapagshare ng isang litrato, at pagtetext from sharing photos of the

grandchild to sexting. “We can carry out a plethora of daily tasks, right from

the palm of our hand”.

Ayon sa isang saliksik ni Versapak (2013) na isinalin sa Filipino ang

Nomophobia: Fear of Being Withour Your Smartphone Affects 40% of

the Population, apatnapu’t isang porsyentong Britons ay nakaramdam ng

pagkabahala at pagkawala ng control sa pag-uugali kung hindi nila hawak-

hawak ang selpon o tablet at limangpu’t isang porsyento ay aminado na

nakararamdam sila ng “extreme tech anxiety". Nagpahayag si Leon Edwards

(2013) sa kanyang pag-aaral na sa pagiging di konektado sa kanyang selpon

ay inaasahang makakaramdam ng pagkabahala. Kung minsan ay

nakakaramdam sila ng pagkawala na nagdulot ng pagkabalisa.

Sa isang saliksik ni Davies (2015) na isinalin sa Filipino ang Crtical

Analysis of Nomophobia and Smartphone Separation Anxiety ay

nakadiskubrehan niya na ang bahagyang baryante sa kasarian sa isang pag-

aaral, na nagpapakita na ang mga kababaihan ay “3.6 times likelier than men

to exhibit nomophobic symptoms”.

Ayon sa isang pag-aaral ni Wu (2012) na isinalin sa Filipino ang

Encyclopedia of Mobile Phone Behavior, maraming mga tao ang mas

aktibo sa pakikipag-ugnayan gamit ang kani-kanilang mga teknolohiya pero

hindi nila gusto ang pakikipag-usap sa harap-harapan sa isang lokal na

komunidad. Nagpahiwatig si Kashfia (2015) sa kanyang pag-aaral na isinalin sa

16
Filipino ang Smartphone Usage and Increased Risk of Mobile Phone

Addiction: A Concurrent Study na kung walang selpon ay nakakastress sa

dahilang ang may-ari ng isang selpon ay hindi masyadong makapagpokus sa

kung ano ang kanyang ginagawa dahil sa kawalan ng kanyang selpon.

Binigyang pansin ni Pinchot, Paullet & Rota (2010) sa kanyang pag-aaral

na isinalin sa wikang Filipino ang Journal of Information Systems Applied

Research na lima hanggang sampung taong gulang lamang ang maaaring

magsagot ng tawag sa selpon tuwing tanghalian at hapunan kasama ang mga

kaibigan. Sa ngayon, kung ang selpon natin ay tutunog o tumunog, ito ay

inaasahan na sasagutin ang text o tawag. Sa karagdang impormasyon ni Blank

(2009) ipinahayag nya sa nasabing kaparehang pag-aaral na isinalin sa Filipino

na ang mga kabataan ay sa bawat oras ay selpon ang hawak sa halip na

magbasa ng magasin o kahit man ito ay mabigyan ng kahit ilang oras, o ang

mga empleyado ay gumagamit ng selpon sa pagtext at tumatanggap ng tawag

kahit man ito ay nagtatrabaho o mas nakapokus sa pakikipag-usap sa selpon

kahit ito ay nagmamaneho. “Mobile phone ad diction which can lead to

nomophobia is indeed reshaping the socio-cultural dimensions of the society.”

17
Batayang Konseptwal

Ang konseptwal na balangkas na ginamit sa pag-aaral na ito ay ginamitan ng

isang input-output model. Isinasaad sa modelong ito kung paano nakakaapekto

ang Nomophobia sa aspetong sosyal at kultura.

Sosyo-Kultural

Dimensyon ng Sosyal
Nomophobia:

Epekto ng

Mobilephone

Adiksyon Kultura
Figure 1.

Batayang Teoritikal

Ayon sa pag-aaral nina King (2014) na isinalin sa wikang Filipino na

“Nomophobia”: Impact of Cell Phone Use Interfering with Symptoms

and Emotions of Individuals with Panic Disorder Compared with a

Control Group na ang kanilang teorya ay nagsasabing ang mga bagong

teknolohiya ay maaring makagawa ng pagbabago sa pagkilos at makaaapekto

sa mga emosyon. Maaaring nakakaadik ang mga teknolohiya dahil ito ay

‘psychoactive’, nababago nila ang pakiramdam at minsan ay nagbibigay ng

nakalilibang na pakiramdam.

Nagpahayag din sina Wei at Lo (2006) na isinalin sa wikang Filipino na

Staying connected while on the move: Cell Phone Use and Social

18
Connectedness, nagbahagi sila ng kanilang teorya na ang mga tao ay

tinitignan palagi ang mga selpon at doon nangyayari ang nomophobia dahil sa

takot na mawala sa iba na kung sa wikang Ingles ay Fear of Missing Out

(FOMO). Ito ay maaring maging argument na tulad ng mga social anxiety. Ang

mga pag-aaral ay nagpapakita na maraming mga kabataan ay naniniwala na

ang mga selpon ay nagpapatibay ng relasyon sa iba dahil nagkakausap sila ng

mga kaibigan palagi. Ang mga social networks ay maaring maging bahay-

komunidad.

Ayon rin kina Walsh (2009) sa kanilang pag-aaral na isinalin sa wikang

Filipino na The Phone Connection: A Qualitative Exploration of How

Belongingness and Social Identificaion Elate to Mobile Phone Use

Amongst Australian Youth na isinasaad sa kanilang teorya na ang ibang

gumagamit ng mga selpon ay nag-ulat na nakakaramdam ng pagmamahal at

pagpapahalaga kapag nakakatanggap sila ng notipikasyon sa kanilang mga

selpon.

Ayon pa rin kina Walsh (2009) sa parehong pag-aaral na isinalin sa wikang

Filipino na nagbahagi pa ng isang teorya na kapag nakakatanggap ng mga ‘likes’

sa Facebook, Twitter o sa Instagram ay nakakagawa ng magandang

pakiramdam, kasama na dito ang pagpapahalaga sa sarili. Ngunit, ang mga tao

ay nagiging sobrang nababahala na baka may maliban na oportunidad para sa

mga sosyal interaksyon, mga bagong karanasan o iba pang magagandang

pangyayari kapag tinitignan palagi ang kanilang mga selpon. Palagi nila itong

tinitignan dahil sa takot na mapag-iwanan.

19
KABANATA III
DESINYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang tsapter na ito nagpapahiwatig sa mga metodolohiya at prosidyur na

ginamit ng mga manaliksik sa paglikom at pag-analisa sa mga datos ng pag-

aaral. Kabilang ditto ang disenyo ng riserts, riserts lokal, repondente ng pag-

aaral, instrumentong ginamit, sampling procedure, proseidyur sa paglikom ng

datoss, at statistical tools used.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodo sa kwantitatibong

uri sa pangangalap ng datos dahil naglalayon ito na maipakita kung paano ang

Nomophobia ay nakapagbabago sa ating paraan sa buhay at kung paano ang

ating kultura ay nabago. Bumisita rin naman ang mananaliksik sa mga iba’t

ibang mapagkakatiwalaang websayt sa internet upang makapangalap ng mga

mahahalagang impormasyon na may kaugnay sa pag-aaral.

Riserts Lokal

Dr. Pedro Orata, ama sa barangay hayskul, sa pangkalahatan, ang ideya

nya sa pagtayo ng nasabing paaralan ay upang mabigyan ang mga residente

ng saktong pangkaalaman at edukasyon. Ang kanyang ideya ay pinagtibay nan

kung saan ay nagresulta sa pagsilang ng mga iilang barangay hayskul sa iba’t

ibang bansa o lugar.

Sa pagtupad ng kautusan sa Kagawaran ng Edukasyon, ang

Tagapangasiwa na si Hilarion Sevesesay inatasan si G. Robinson D. Dayao,

isang guro sa elementarya at isang residente sa Barangay Tominobo, para

20
magtatag ng isang klase sa hayskul. Determinado siya na sundin ang iniatas sa

kanya upang hindi mabigo ang tagapangasiwa sa kanya, pumunta sya para

kampanyahin ang mga mag-aaral. Dalawang klase ay pormal na nabuksan

noong 1971 pagkatapos na maipasa ang lahat ng kinakailangan. Ang klase ay

pansamantalang inilagay sa isang bakanteng silid sa barangay council hall.

Sa pagsaalang-alang sa mabilis na pag-unlad ng paaralan, ang

pamamahala ay ipinagkatiwala sa mga sumsunuod na mga principal: Gng.

Felisa Echavez, G. Santiago Ababa, Gng. Carolina Jariol, G. Robinson D. Dayao

at sa kasalukuyan, Gng. Carmelita D. Rosal.

Sa panahon ng termino ni G. Robinson D. Dayao, isang panukala ang

inilabas na baguhin ang Tominobo Barangay High School sa Tomas Cabili High

School ay nilagdaan ng Parent-Teacher Association at naipasa kay Mayor

Camilo P. Cabili na isang mayor pa sa panahong iyon. Ito ay iniutos sa City

Council para sa deliberasyon. Isang tanong lamang ang itinanong kay G.

Robinson D. Dayao at isang simpleng sagot, “We went to change Tominobo

Barangay High School to Tomas Cabili High School because we like to

perpetuate the name of the late Senator Tomas Lluisma Cabili, the father of

Mayor Camilo P. Cabili. Namatay siya sa isang plane crash na kasama si

Presidente Ramos Magsaysay at tinagurian bilang isang Lanao hero”.

Ayon sa bisa ng Resolution No. 179 series of 1982, Tominobo Barangay

High School ay opisyal na pinalitan na TOMAS CABILI HIGH SCHOOL noong

Agosto 25, 1982.

21
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa paaralan ng Tomas Cabili National

High School na matatagpuan sa Barangay Tomas Cabili (Tominobo Proper),

Iligan City, Lanao del Norte (Region X) na may dalawang departamento, Junior

at Senior High School. Ang nasabing lokasyon ay napiling lugar ng mananaliksik

dahil sa aksesibilidad at sa dali na makapagsagawa ng sarbey.

Figure 2. Mapa ng Tomas Cabili National High School


(https://www.google.com/maps/place/Tomas+Cabili+National+High+School/
@8.2083405,124.1613578,12z/data=!4m5!3m4!1s0x0:0xf9557d1c536e657!8
m2!3d8.209188!4d124.2220412)

Respondente

Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay ang piling limangpu (50) na

mag-aaral sa ika-sampung Baitang ng Tomas Cabili National High School.

Instrumentong Ginamit

Bukas na talatanungan ang ginamit ng mananaliksik bilang instrument ng

pag-aaral sa pagkuha ng mga datos para malaman ang mga epekto ng

nomophobia sa mga mag-aaral. Ang nasabing talatanungan ay naglalaman ng

tatlong (3) mahahalagang parte: naroroon ang propayl ng mga responente,

22
oras na inalalaan para sa mga aktibidad at sa huling parte ay naroon ang

assessment of socio-cultural behavior kaugnay sa pagiging adik sa selpon na

ibabahagi sa limangpu (50) na mag-aara na nasa ika-sampung baiting sa

Tomas Cabili National High School (TCNHS) sa Tomas Cabili, Iligan City.

Sampling Procedure

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng convenience sampling technique.

Ang mga respondente ay pinili dahil sila ay medaling makakaintindi at

makapagbibigay halaga sa ginagawang pag-aaral ng mananaliksik.

Pagsasaayos o Hakbang sa Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng liham tungo sa tagapagpayo ng mga

mananaliksik para humingi ng permiso sa pagbibigay ng mga talatanungan.

Pagkatapos malagdaan ang permiso, ang mga talatanungan ay ibibigay sa mga

mag-aaral ng baitang 10, kung saan pumili ng sampung (10) respondent sa

kada seksyon para maging tuwid ito na maging limangpu (50). Ang

talatanungan ay naglalaman ng personal na mga impormasyon ng repondente

kagaya nang kanyang pangalan, seksyon, edad at kasarian. Kabilang na rin dito

ang mga tanong tungkol sa socio-cultural behavior tungo sa paggamit ng

selpon.

Istatistikong Ginamit sa Pag-aaral

Ang pormulang ito ang siyang ginamit sa pagkuha ng bahagdan ng mga

tugon na respondente mula sa mga datos na nalikom na inalisa at ininterpret

23
gamit ang mga istatistikong instrument. Ang mga sumusunod na istatistikong

instrument ang gagamitin sa pag-aaral:

Porsyento. Ginamit sa pagtukoy sa porsyento o bahagdan ng mga nakalap na

datos na makakatulong sa mananaliksik para maidentify ang resulta sa pag-

aaral.

Frikwensi. Ginamit para matukoy ang bilang ng mga sumagot.

N. Ginamit para matukoy ang kabuuang bilang ng mga respondente.

24
Kabanata IV

Presentasyon, Analisis, at Interpretasyon ng Datos

Ang bahagi ng pag-aaral na ito ay naglalaman ng resulta ng mga

impormasyong nakalap mula sa isinagawang sarbey ukol sa mga epekto ng

Nomophobia sa mga mag-aaral at ang interpretasyon ng mga datos ayon sa

pagsusuri.

Suliranin 1. Gaano kadalas ang paggamit ng selpon sa mga mag-

aaral sa ikasampung baitang?

Sab-Suliranin 1

Talahanayan Bilang 1.1

Edad Dami Porsiyento


10 taong gulang pababa 5 10%
10-12 taong gulang 5 10%
pababa
13-14 taong gulang 9 18%
15 taong gulang pataas 31 62%
Total 50 100%
Edad ng Respondente ng Nagkaroon sila ng Selpon

Makikita sa Talahanayan 1.1 na nangingibabaw ang edad na labinlimang

(15) taong gulang pataas na may 31 na respondente o animnapu’t dalawa (62)

na bahagdan Ito ay nagpapakita na sa edad na labinlimang (15) taong gulang

pataas ay binigyan na sila ng kanilang mga magulang ng selpon. Ito ay

25
sinuportahan sa pag-aaral na isinagawa ng Australian Psychological Society

(2014), naglalahad na ang mga magulang ay nakakaramdam na kailangan

nilang magbigay ng mobile phones sa mga kabataan para madali nila itong

makausap sa malayo ang kanilang mga pamilya na sinundan naman ng mga

kaibigan. Ang abilidad ng paggamit ng mobile phone ay nakakapadali para

makontak nila ang mga magulang at kabaliktaran ay importante sa mga

kabataan, bilang nakakaramdam sila ng proteksiyon at palaging nakakonek sa

mga mahahalagang tao sa kanilang buhay. At saka, ito ay labis na nakakatulong

tuwing may emerhensya. Sinundan naman ito ng “13-14 taong gulang” na may

18% o siyam (9) na respondente, 10% o limang (5) respondente na may

kaparehong tugon na “10 taong gulang pababa” at 10-12 taong gulang pababa.

Sab-Suliranin 2

Talahanayan Bilang 1.2

Oras Dami Porsiyento


1-2 oras 9 18%
2-3 oras 14 28%
4 oras pataas 27 54%
Total 50 100%
Oras na Inilaan ng Respondente sa Paggamit ng kanilang Selpon

Talahanayan 1.2 Ito ay nagpapahiwatig na ang mga respondente ay


gumagamit ng selpon ng apat (4) na oras pataas.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni James and Drennan (2005), ang


paggamit ng selpon na higit sa tatlong oras kada araw ay maaaring magkaroon
ng negatibong kahihinatnan.

Ang mga kahihinatnan na ito ay:

Pinansiyal na Gastusin at Bayarin. Ang mga mobile phone ay may

mamahaling gastusin at maaaring humantong sa mga gumagamit na

26
bumigay o sumuko sa iba pang mga kakailanganing bagay para lamang

mabayaran ang mga bayarin.

Sikolohikal na Epekto. Ang palaging pagbibigay atensyon sa selpon

ay nakakaramdam na parang sigarilyo o isang bagay na hindi karapat-dapat

na bagay na kailangang na palagi lamang nasa tabi ng mga gumagamit

para makaramdam sila na sila ay ligtas.

Social Relations. Ang ilang mga gumagamit ay lumulutas ng mga

salungatan sa pamamagitan ng pagmemensahe lamang sa selpon na

nagpapadali lamang para sa kanila, at marahil ito ay mas madaling mas

magbibigay linaw kung ito ay aayusin ng harap-harapan o sa personal.

Occupational Issues. Dahil sa palaging paggamit ng selpon at

pagmemensahe bilang isang instrument ngayon sa pakikipag-

komunikasyon, ang ilang mga gumagamit ay maaaring magdulot ng mali-

maling pagbaybay sa iilang mga salita at paggamit ng pagpapaikli ng mga

salita sa paaralan o trabahuan.

Pisikal na Kahihinatnan. Ang ilang mga gumagamit ay

nakakaramdam ng pagkabala tulad na lamang kung tuwing sila ay

naghihintay ng mga susunod na mensahe.

Sab-Suliranin 3

Talahanayan Bilang 1.3

Oras na Inilaan Dami Porsiyento


Pinakunang dapat gawin 32 64%
Sa loob ng 30 minuto 8 16%

27
Sa loob ng isang oras 10 20%
pataas
Total 50 100%
Oras na Inilaan ng Respondente sa Pagtsek ng kanilang Selpon

Makikita sa Talahanayan 1.3 na ang pagtsitsek ng selpon ay ang

pinakaunang ginagawa ay nagpakita na may 64% o 32 na respondente. Ito ay

sinuportahan ng isang pag-aaral na isinagawa ng Deloitte Global Mobile

Consumer Survey (2016); natuklasan ng ilang mananaliksik na 61% katao ay

tsinitsek ang kanilang selpon ng limang minuto pagkagising.

Ayon kay Neeraj Jain na kasama sa Deloitte Touche Tohmatsu India,

“Naipakita na ang paggamit ng smartphone ay masyadong tumaas. Ito ay

nakilala bilang isang tao o bagay na pumipigil sa pang-araw-araw na gawain

ng karamihan. Ito ay nagsasaad na ang paraan sa paggamit ng selpon ay

nanghihimasok sa buhay ng isang tao.

Sub-Suliranin 4

Talahanayan Bilang 1.4

Beses Dami Porsiyento


5 beses 30 60%
10 beses 10 20%
15 beses 2 4%
Sa lahat ng oras 8 16%
Total 50 100%
Ilabeses tsinitsek ng respondente ang kanilang selpon tuwing

lektiyur

Makikita sa Talahanayan 1.4 na 60% na respondente ay gumagamit ng

kanilang selpon tuwing may lektiyur. Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng

28
University of Nebraska, ang isang dahilan na rason kung bakit ang mga mag-

aaral ay palaging tsinitskek ang kanilang mga selpon ay para patuloy na

nakonekta pa rin sa mga taong gusto nilang makausap sa malayo at malabanan

ang kanilang kainipan, nasa 55% naman ang nagsasabi ay para sa mga

importanteng bagay sa silid-aralan.

Suliranin 2. Ano-anong mga sosyal na pag-uugali ang nababago?

Mga Tanong Oo Hindi


Dami(%) Dami(%)
1. Naiisip mo ba ang paggamit ng iyong 41(82%) 9(18%)
mobile phone sa buong araw?
2. Ginagamit mo ba ang iyong selpon para 42(84%) 8(16%)
mapawi ang iyong galit o stress?
3. Nakakaramdam ka ba ng pagkabahala 30(60%) 20(40%)
kapag hindi ka makagamit ng selpon?
4. Nakakaramdam ka ba ng galit kapag hindi 15(30%) 35(70%)
ka makagamit ng selpon?
5. Ginagamit mo ba ang iyong selpon para 35(70%) 15(30%)
maging maayos ang iyong pakiramdam?
6. Ang iyong oras ba sa paggamit ng selpon 42(84%) 8(16%)
ay maaaring maging sanhi ng kakulangan sa
pagtulog?
7. Hindi mo na ba mabitawan ang iyong 30(60%) 20(40%)
selpon kapag ito na ay iyong sinimulan?
8. Napagalitan ka na ba ng iyong magulang 43(86%) 7(14%)
dahil sa labis na paggamit ng selpon?
9. Ginagamit mo ba ang iyong selpon para 37(74%) 13(26%)
lang makalimutan moa ng iyong mga
problema?
10. Ginugugol mo ba ang iyong bakanteng 43(86%) 7(14%)
oras sa paggamit ng selpon?
11. Masama ba ng iyong pakiramdam kung 20(40%) 30(60%)
hindi ka nakakagamit ng selpon?
12. Ginagamit mo ba ang iyong selpon sa loob 27(54%) 23(46%)
ng banyo (CR)?
13. Ginagamit mo ba ang iyong selpon ng 35(70%) 15(30%)
pangmatagalan kaysa sa tamang oras ng
paggamit?

29
14. Binalewala mo ba ang ibang tao (hal. 20(40%) 30(60%)
pamilya, kaibigan) dahil sa paggamit mo ng
selpon?
15. Binalewala mo ba ang iyong mga 23(46%) 27(54%)
mahahalagang aktibidad (hal. paaralan,
trabaho) dahil sa paggamit mo ng selpon?
16. Kung may natanggap ka na mensahe o 35(70%) 15(30%)
tawag na galling sa iyong selpon habang
nakikipag-usap ka sa iyong mga kaibigan o
magulang, sinasagot mo ba ito kaagad?

Base sa resulta na makikita sa itaas, halos 70% na respondete ay umamin

na ang paggamit ng kanilang selpon ay nakakatulong para maging maayos ang

kanilang pakiramdam. Halos lahat ng respondente ay nagsasabi na iniisip nila

ang kanilang paggamit ng kanilang selpon buong araw (82%). At saka,

ginagamit ng mga respondente ang kanilang selpon bilang isang paraan para

mapawi ang stress at galit (84%). Mayroong 46% na respondente naman ang

hindi gumagamit ng kanilang selpon sa loob ng banyo (CR).

Ayon kay Hyman (2014), ang mobile phones ay maaaring nagbabago kung

paano nakikipag-ugnayan ang mga tao sa isa’t isa at binabago ang kanilang

ekspektasyon sa pakikipag-kapwa. Iba ang paraan ng paggamit ng selpon ng

mga kabataan sa kung paano ginagamit ng mga matanda ang kanila.

Pinaniniwalaan na ang mga kabataan ay patuloy na ginagamit ang kanilang

mga selpon – pagmemensahe, pagtsetsek sa social media, paghahanap ng mga

mimpormasyon lalo na sa kanilang mga takdang-aralin, pagpipiktsur at iba pa.

Parang, ang mga atatanda ay gumagamit lamang paminsan-minsa. Ang

isang pag-aaral naman na isinagawa nina Igarashi, Motoyoki, Takai, and

30
Yoshida (2007), nagsasabi na ang nakasanayang pagdepende sa paggamit ng

selpon ay matinding nakakaapekto sa sikolohikal at pang-asal na aspeto. Inulat

sa isang pag-aaral na ang mabigat na problema sa paggamit ng mobile phone

o labis na paggamit ng mga ito ay nauugnay sa pagkakaroon ng pakiramdam

na pagkapagod, pagkabalisa o pagkabahala, nahihirapan sa pagtulog,

depresyon, sikolohikal na karamdaman at isang hindi malusog na pamumuhay.

Gayunpaman, ang mga posibleng positibong epekto ng paggamit ng mobile

phone sa pangkaisipan na kalusugan ay maaari ding maging hypothesized o

pagbibigay ng isang posibleng pangyayari ngunit hindi pa napapatunayan ang

isang katwiran sa isang bagay, halimbawa na lamang sa isang sitwasyon na

gusto mong mangyari ang madaliang pakikipag-ugnayan upang makipag-usap

sa kinakailangang tao, nangangahulugan na ito ay magiging daan sa isang

panlipunang pakikipag-ugnayan. Ang isang panlipunang pakikipag-ugnayan ay

isang paraan sa mga positibong epekto ng stress, habang kung mababa ang

iyong kakayahan sa pakikipag-ugnayan sa isang komunidad ay magdudulot ng

isang mapanganib na kadahilanan na nauugnay sa sakit sa kalusugang

pangkaisipan (Thomee, Harenstam & Hagberg, 2011).

Suliranin 3. Ano- anong mga bagong kultura ang bunga ng

nomophobia?

Mga Tanong Oo Hindi


Dami(%) Dami(%)
1. Naiisip mo ba ang paggamit ng iyong 41(82%) 9(18%)
mobile phone sa buong araw?

31
2. Ginagamit mo ba ang iyong selpon para 42(84%) 8(16%)
mapawi ang iyong galit o stress?
3. Nakakaramdam ka ba ng pagkabahala 30(60%) 20(40%)
kapag hindi ka makagamit ng selpon?
4. Nakakaramdam ka ba ng galit kapag hindi 15(30%) 35(70%)
ka makagamit ng selpon?
5. Ginagamit mo ba ang iyong selpon ng 35(70%) 15(30%)
pangmatagalan kaysa sa tamang oras ng
paggamit?

6. Ginagamit mo ba ang iyong selpon para 42(84%) 8(16%)


maging maayos ang iyong pakiramdam?
7. Ang iyong oras ba sa paggamit ng selpon 30(60%) 20(40%)
ay maging sanhi ng kakulangan sa pagtulog?
8. Binalewala mo ba ang ibang tao (hal. 43(86%) 7(14%)
pamilya, kaibigan) dahil sa paggamit mo ng
selpon?
9. Binalewala mo ba ang iyong mga 37(74%) 13(26%)
mahahalagang aktibidad (hal. paaralan,
trabaho) dahil sa paggamit ng selpon?
10. Hindi mo na ba mabitawan ang iyong 43(86%) 7(14%)
selpon kapag ito na ay iyong sinimulan?
11. Napagalitan ka na ba ng iyong magulang 20(40%) 30(60%)
dahil sa labis na paggamit ng selpon?
12. Ginagamit mo ba ang iyong selpon para 27(54%) 23(46%)
lang makalimutan mo ang iyong mga
problema?
13. Ginugugol mo baa ng iyong bakanteng 35(70%) 15(30%)
oras sa paggamit ng selpon?
14. Masama ba ang iyong pakiramdam kung 20(40%) 30(60%)
hindi ka nakakagamit ng selpon?
15. Ginagamit mo ba ang iyong selpon sa loob 23(46%) 27(54%)
ng banyo (CR)?
16. Kung may natanggap ka na mensahe o 35(70%) 15(30%)
tawag na galing sa iyong selpon habang
nakikipag-usap ka sa iyong mga kaibigan o
magulang, sinasagot mo ba ito kaagad?

32
Dahil sa pangmatagalang paggamit ng mobile phone, ang ilang mga

respondente ay nagsimulang dinibelop ang mga negatibong epekto mapasosyal,

mental, emosyonal at pisikal na aspeto. Halos lahat ng respondente ay aminado

na ito ay magiging sanhi sa pagbabalewala nila sa mga mahahalagang gawain,

pangyayari, at mga aktibidad sa paaralan ay para magugol nila ang kanilang

bakanteng oras sa paggamit ng kanilang selpon.

Ayon kay Brujin (2009), nagging bahagi na sa ating kapaligiran, wika, at

pangaraw-araw na pamumuhay, sa puntong ito, ito ay maaaring humantong

bilang “mobile phone culture”. Binago ng mobile phone ang mga tularan sa

panlipunang pakikipag-ugnayan na maaaring magsimula na lamang sa

pakikipag-usap sa telepono sa gitna ng isang pulong o harap-harapang

pakikipag-usap. Tulad na lamang sa pangkaraniwang pakikipag-usap sa

pagitan ng magkasintahan, mag-asawa o kamag-anak, o sa pagitan ng

pampubliko o pampribadong pakikipag-usap. Sa patuloy na pagtaas ng

katanyagan ng mobile phone, ang mga nasa taas na antas ay hindi na

kailangang magpakita ng kanilang mga selpon at ito ay naging isang

mahalagang bahagi lamang ng kanilang buhay, kultura, at kahit na ang

kanilang katawan. Palagi nilang dala-dala ang kanilang telepono at, na hindi

isinaalang-alang ang pera, ginagamit nila ang mga modelo na nagbibigay sa

kanila ng daan sa lahat ng mga serbisyo na maaaring kailangan nila kailanman.

Gayunpaman, ang “mobile phone culture” ay hindi lamang nagdudulot ng

positibong epekto sa sosyo-kultural na dimension. Nagdala din ito ng mga

33
negatibong epekto na nakakaapekto sa pangkalahatang panlipunan. Ang

malawak na paggamit ng teknolohiya ay maaaring humantong sa pagkagumon.

Ayon kay Dr. Leung (2009), mayroong apat na kadahilanan na tumutukoy sa

pagkaadik o pagkagumon sa mobile phone sa mga kabataan katulad na lamang

ng; “kawalan ng kakayahang kontrolin ang pagnanasa”, “pagkabalisa at

pagkawala sa sarili”, at “pagkawala ng pagiging produktibo”. Bukod dito, ang

mga palatandaan at sintomas ay maaaring humantong sa nomophobia.

Ang mga ito ay nagpapakita na ang pinakauna, ikatlo, at ikaapat na

kadahilanan na tumutukoy sa pagkagumon sa mobile phone ay binigyang

ebidensya sa isinagawang pag-aaral sa baiting 10 sa Tomas Cabili National High

School. Ang mga resultang ito ay nagdudulot ng isang mapanganib na epekto

ng nomophobia na maaaring makagambala sa sosyo-kultural na dimension sa

isang masamang paraan.

34
Kabanata V

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang huling kabanata ng pag-aaral na ito ay naglalahad ng mga natuklasan

at konklusyon mula sa sinuring datos sa isinagawang sarbey at ang

rekomendasyon na mula naman sa kabuuang pag-aaral ng pananaliksik.

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Sosyo-Kultural Dimensyon ng

Nomophobia: Epekto ng Mobilephone Adiksyon” ay naglalayong matuklasan

ang mga kasagutan sa mga sumusunod na suliranin: (1) Gaano kadalas ang

paggamit ng selpon sa mga mag-aaral sa ikasampung baitang?; (2) Ano-anong

mga sosyal na pag-uugali ang nababago sa mga mag-aaral dulot ng

nomophobia?; at (3) Ano-anong mga bagong kultura ang bunga ng

nomophobia?

Buod

Ang mga mobile phone ay nagdala sa atin ng maraming pakinabang.

Nagbibigay pahintulot sa atin na gawin ang isang bagay sa madalian at mas

mabilis na paraan. Kaya, nagdala din ito ng maraming problema at hindi kanais-

nais na mga pangyayari. Bilang reaksyon sa pagtaas ng pag-unlad ng

teknolohiya lalo na ang mga mobile phone, ang ilang mga mag-aaral ay inabuso

ang paggamit ng teknolohiya. Sa pag-usisa namin sa mga mag-aaral sa ika-

sampung baiting ng Tomas Cabili National High School, na may piling 50 na

respondente, nalaman namin na ang mga mag-aaral ay lumilikha ng

Nomophobia dahil sa labis na paggamit ng mga mobile phone. Samakatuwid,

35
nakakaapekto sa pangaraw-araw na buhay na nagiging sanhi ng problema sa

kanilang mga personal na relasyon at pag-uugali.

Binawasan ng Nomophobia ang kakayahan ng mga mag-aaral sa

pagsasapanlipunan dahil mas nakatuon sila sa kanilang mga selpon. Kung mas

matagal ang paggamit nila sa kanilang mga selpon ay higit na ikakasama nila

na humahantong sa pagbabago ng kanilang mga paraan sa pagkaya ng mga

ugali ng ibang tao.

Walang mga ideya ang mga kabataan na ang mga pagbabagong

panlipunan at kultural na ito ay naganap dahil sila ay ginulo sa kung paano ang

mundo ng mobile phone ay namuno sa kanila. Kinulang sila sa kakayahan

upang mabuhay sa tunay na mundo dahil mas pinili nilang gawing sariling

mundo ang kanilang mga mobile phone.

Konklusyon

Walang mahalagang kaugnayan sa pagitan ng propayl ng mga respondente

at ang kanilang mga adiksyon sa mobile phone na nagdudulot ng Nomophobia.

Ang seksyon ng mga respondente ay walang mahalagang koneksyon sa

kanilang pagkagumon sa mobile phone. Gayunpaman, sa ilalim ng propayl ng

mga respondente, ang mga resulta ay nagpakita na ang edad ng mga

respondente ay nakakaapekto sa panahon ng paglahok sa mobile phone sa

mga mag-aaral sa ika-sampung baiting. Nakakaapekto rin sa kanilang

pangaraw-araw na pagkilos. Natuklasan din namin na ang mas naunang bata

na binigyan ng selpon ay may mas malaking posibilidad na maaari silang bumuo

36
ng Nomophobia dahil hindi nasusubaybayan ng mga magulang ang mga ito sa

paggamit kanilang mga telepono.

Nalaman namin na ang Nomophobia ay maaaring bumuo ng kultura ng

katamaran (culture of laziness). Sa gayon, nakakalikha ito ng malaking

problema sa panlipunang relasyon ng isang tao.

Rekomendasyon

Mga guro. Dapat malaman ng mga guro ang mga epekto ng phobia na ito

upang mapangasiwaan nila ang kanilang mga mag-aaralat maipabatid nang

mas maaga habang may oras pa.

Mga mag-aaral. Dapat malaman ng mga mag-aaral na mayroong isang

bagong natuklasang phobia na tinatawag na Nomophobia.

Mga tagapangasiwa ng paaralan. Dapat silang makipag-ayos at

babalaan ang bawat mag-aaral sa lugar na kung saaan upang maiwasan ang

pagtaas ng populasyon ng mga biktima ng Nomophobia.

Mga mananaliksik sa hinaharap. Sa mga darating na mananaliksik

dapat magsagawa rin kayo ng isang pag-aaral at pagsisiyasat tungkol sa

Nomophobia. Dapat silang mangolekta ng higit pang mga pag-aaral tungkol sa

phobia na ito.

37
BIBLIOGRAPIYA

Internet Sources

Al-Barashdi, Hafidha S. et. al. (2015). Journal of Scientific Research and


Reports. West Bengal, India: Science Domain International, Inc.
Ipinanumbalik mula sa https://www.sciencedomain.org/page/privacy-
policy
Kanmani, Aparna S. et. al. (2017). The International Journal of Indian
Psychology. Gujarat, India: REDSHINE Publication. Ipinanumbalik
mula sa
http://ijip.in/component/search/?searchword=Maragatham+R+S...ALL
Cable News Network. (2015). Rise of ‘Nomophobia’: More People Fear Loss of
Mobile Contact. Turner Broadcasting System, Inc. Ipinanumbalik mula
sa https://edition.cnn.com/2012/03/06/tech/mobile/nomophobia-
mobile-addiction/index.html
Archer, Dale. (2013). Psychology Today. Sussex Publishers, LLC.
Ipinanumbalik mula sa
https://www.psychologytoday.com/blog.reading...the.../201307/smartc
phone-addiction
Dr. Grant, Christine. School of Psychological, Social, and Behavioural Sciences.
Conventry University: Pure, Scopus, & Elsevier Fingerprint Engine.
Ipinanumbalik mula sa
https://pureprortal.coventry.ac.uk/en/persons/christine-grant
Elmore, Tim. (2014). Psychology Today. Sussex Publishers, LLC.
Ipinanumbalik mula sa
https://www.psychologytoday.com/blog.reading...the.../201307/smartc
phone-addiction
Florida State University (FSU). Even Teens Think They Use Their Phones Too
Much. California: CBS Broadcasting, Inc. Ipinanumbalik mula sa
https://gooddaysacramento.cbslocal.com/tag/smartphones/
Lock, Vicky K. (2012). Rise of ‘Nomophobia’: More People Fear Loss of Mobile
Contact. CNN Business: Turner Broadcasting System, Inc.
Ipinanumbalik mula sa
https://edition.cnn.com/2012/03/06/tech/mobile/nomophobia-mobile-
addiction/index.html
Aklat

Ainsworth, Mary D. at Bell, Silvia M. (1970). Attachment, exploration, and


separation: Illustrated by the behavior of one-year olds in a strange
situation. 6023 Innovation Way, Carlsbad, California, United State:
Ezoic Inc
Pastukhov, Alexander et. al. (2007). Obsessive Compulsive Tendencies as
Predictors of Dangerous Mobile Phone Usage. New York: Elsevier, Inc.
Australian Psychological Society. (2014). The Australian Psychological Society
Limited. 257 Collins Street, Melbourne. Inaccess sa

38
https://www.psychology.org.au/Assets/Files/2014-NPW-Key-findings-
survey.pdf
Philips, James G. at Bianchi, Adriana. (2005). Psychological Predictors of
Problem Mobile Phone Use. 8600 Rockville Pike, Bethesda MD, 20894
USA: National Center for Biotechnology Information. Inaccess sa
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/15738692
Bragazzi, Nicola L. at Del Puente, Giovanni. (2014). A Proposal for Including
Nomophobia in the New DSM-V, 7, 155-160. Inaccess sa
https://www.dovepress.com/a-proposal-for-including-nomophobia-in-
the-new-dsm-v-peer-reviewed-article-PRBM
Charlton, Tony et. al. (2002). ACM Digital Library. ACM, Inc. Inaccess sa
dl.acm.org/citation.cfm?id=1039825
Chau, Gerald K. et. al. (2002). Cultural Differences in Consumers’ Online
Behavior. Research Gate, Inc. Inaccess sa
https://www.researchgate.net/publication/220424415-Cultural-
diffrences-in-consumers’-online-behavior
Clark, Andy. (2013). Whatever next? Predictive Brains, Situated Agents, and
the Future of Cognitive Science. Scotland, United Kingdom: University of
Edinburgh. Inaccess sa
http://www.fil.ion.ucl.ac.uk/~karl/Whatever%20next.pdf
Dr. Leung. (2009). Prevalence of Mobile Phone Dependence in Secondary
School Adolescents. 8600 Rockville Pike, Bethesda MD, 20894 USA: U.S
National Library of Medicine. Inaccess sa
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4668509/
Glenn, Cheryl. (2004:133). Culture and Nomophobia: The Role of Vertical
Versus Horizontal Collectivism in Predicting Nomophobia. Berlin,
Germany: Research Gate, Inc. Inaccess sa
https://www.researchgate.net/publication/319492164-Culture-and-
Nomophobia-The-role-of-vertical-versus-horizontal-collectivism-in-
predicting-nomophobia
Hong, Fu-Yuan et. al. (2012). Cellphone Addiction and Academic Stress
among University Students in Thailand. Berlin, Germany: Research
Gate, Inc. Inaccess sa
https://www.researchgate.net/publication/313451160-Cellphone-
Addiction-and-Academic-Stress-among-University-Students-in-Thailand
Igarashi, Tasuku et. al. (2007). Gender Differences in Social Network
Development Via Mobilephone Text Messages: A Longitudinal Study. 1
Oliver’s Yard, 55 City Road, London: SAGE Publication Ltd. Inaccess sa
https://journals.sageoub.com/doi/abs/10.1177/0265407505056492
James, Diana, at Drennan, Judy. (2005). Exploring Addictive Consumption of
Mobile Phone Technology. Berlin, Germany: Research Gate, Inc.
Inaccess sa https://www.researchgate.net/publication/27482385-
Exploring-Addictive-Consumption-of-Mobile-Phone-Technology
Jones, Ian. (2015). Excessive Use of Smartphones and Social Networks and
Its Impact on Health. Berlin, Germany: Research Gate, Inc/ Inaccess
sa https://www.researchgate.net/publication/313532313-Excessive-
use-of-smart-phones-and-social-networks-and-its-impact-on-health

39
Kashfia, Sharmeen. (2015). Smartphone Usage and Increased Risk of Mobile
Phone Addiction: A Concurrent Study. 8600 Rockville Pike, Bethesda
MD, 20894 USA: U.S National Library of Medicine. Inaccess sa
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5680647/
Lee, Yu-Kang et. al. (2014). The Dark Side of Smartphone
Usage:Psychological Traits, Compulsive Behavior and Technostress .
Berlin, Germany: Research Gate, Inc. Inaccess sa
https://journals.uncc.edu/ujop/article/download/319/404
Leung, Louis at Wei, Ran. (2000). More Than Just Talk on the Move: Uses and
Gratifications of the Cellular Phone. 1 Oliver’s Yard, 55 City Road,
London: SAGE Publication Ltd. Inaccess sa
https://journals.sagepub.com/doi/abs/10.1177/107769900007700206
Ling, Rich at Yttri, Brigitte. (2006). Mobile Phone to Youngsters Necessity or
Addiction. Berlin, Germany: Research Gate, Inc. Inaccess sa
https://www.researchgate.net/publication/313532313/Excessive-use-
of-smart-phones-and-social-networks-and-its-impact-on-health
Magasin

Indian Times. (2014). The Economic Times. Gurgaon Haryana, India: Bennett,
Coleman & Co. Ltd. Inaccess sa https://economictimes.indiatimes.com

40

You might also like