You are on page 1of 6

Abstrak

EPEKTO NG PAMBUBULLY
Papel Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay napapatungkol sa CYBERBULLYING or mas kilala


sa tawag na bully/bullying. Malalaman natin kung ano ang magiging epekto ng
bullying sa isang tao.
Ang layunin ng pananaliksik na ito na pag-aaralan ang masamang maidudulot
ng pagbubully sa isang tao. Layunin din nito na malaman ang magiging sanhi at
epekto ng pagbubully sa tao.
Ito'y sumasaklaw sa pagsasaliksik ng pagbully na karaniwang nararanasan ng
isang tao. Ayon sa aking napag aralan o kaalaman sa kahulugan pa lamang nito ay
masasabi nating ito ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa ibang tao, lalo
na sa mga kabataan ngayon.
Ang pamamaraan na ginamit ng mga mananaliksik upang mabuo ito ay
ginamit nila ang mga nakalap nilang impormasyon at bumisita rin sila sa mga website
sa internet.
Napag-alaman ng mga mananaliksik ang Cyberbullying ay tunay na
nakakasama sa kapwa lalo na sa mga kabataan. Maaring maging hindi magandang
halimbawa ito sa mga mas nakakababang edad na kabataan. Nawa'y sana ay ito ay
unti unting mawala upang mabawasan ang biktima ng Cyberbullying.
Inimumungkahi ng mananaliksik ang taong gumawa ng Cyberbullying ay
kasama mo sa paaralan, isumbong ito sa inyong guro o Guidance Counselor. Kung
ang taong ito ay pinagbantaan ang iyong buhay, magsumbong agad sa inyong mga
magulang at pulis upang maprotektahan ang iyong buhay.

-SAMANODEN, NORAINIE M.
ABSRACT

ANG SEPULTURERO

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa pampamilyang aspekto ng mga sepulturero.


Ang sepulturero ay nagiging mahigpit sa seguridad ng kanilang pamilya. Mahalaga ito
upang mas maunawan ng bawat magulang ang mga proseso sa paglago ng kanilang
mga anak sa pangkalahatang aspektong maaaring magdulot ng positibo at negatibong
epekto sa mga bata.
Ang layunin na ito ay naglalayong palawakin ang kaalaman tungkol sa pag-aaral
ng Araling panlipunan at Pampamilyang sikolohiya. Ito ay naglalayon din na
maipakita ang kaugnayan ng Araling Panlipunan at Pampamilyang sikolohiya sa pag-
aanalisa ng pampamilyang apekto ng mga sepulturero. Ang saklaw ng pananaliksik na
ito ang pampamilyang pakikipag-ugnayan ng mga sepulturero at kung paano nila
pinangangalagaan ang kanilang pamilya. Sa loyola Memorial park sa marikina,
Manila North Cemetery at manila green park nagpunta ang mga mananaliksik upang
magsagawa ng pakikipanayam dahil ito ang pinakamadaling puntahan. Ang mga
mananaliksik ay gumamit ng paraan na pakikipanayam at sa tulong na makabago
teknolohiya (internet) upang makapangalap ng sapat na datos para sa pananaliksik na
ito.
Ang pagiging sepulturero ay naapekto niya ang buhay ng isang tao. Ilan sa mga
ito ay sarili, pamilya at mismo trabaho ang isang sepulturero ay nagtatrabaho para sa
kanyang sarili pagtago at syimpre para sa ikakabuhay ng kanyang pamilya.
Napagtanto ng mananaliksik ang mga sepulturero ay mga ordinaryong magulang man
ang makaisip kung ano ang makakabuti ang kanilang mga anak. Kailangan maging
bukas ang isipan ng mga magulang para mas maintindihan nila ang mga pangyayaring
sa paligid.
BIONOTE

Ang ating panauhin ay ipinanganak noong ika-16 ng Hulyo sa taong 1993


sa Curahab, Malabang Lanao Del Sur. Kasalukuyang nasa 25 na edad at pangalawa
siya sa dalawang magkakapatid. Anak ng isang guro na si Bansa P. Amerol at ang
kanyang tatay ay patay na kaya ayaw niya sabihin kung sino ang kanyang ama. Siya
ay nakapagtapos ng Elementary sa MRoxas Elementary School ng Davao, Secondary
sa Sta. Ana National High School of Davao at at ang kanyang Kolehiyo ay sa Holy
Cross of Davao.Siya ay napangasawa ni Alifahad H. Saripsa ngayon wala pa silang
anak, Siya ay naging AB bachelor of Arts at BSED major in Filipino. Ang ating
panauhin ngayon ay walang iba kundi si Rahma Mustapha.
POSISYONG PAPEL

THE CHINESE PRODUCT

Ang larawang nasa editorial cartoon na ito ay napapatungkol sa isang produkto na


galing sa chinese. Ipinapakita dito kung gaano kagaling o kaganda ang produkto ng
chinese. Ang tanong ng lahat nakakaapekto ba o nakakabuti ba ang produkto ng
chinese. Sinasabi dito sa laarawan na ito ay ipinapakita kung mayroon sa produkto ng
chinese. Ipinapahiwatig dito ay chinese ay isa sa magagandang produkto na galing sa
kanila mismo gawa. Kaya naipagmalaki nila kung ano produkto na mayroon sa kanila.
Nais ng chinese ay ipakita sa ibang bansa kung gaano kaimaportante ang kanilang
produkto. Kaya nakita ng ibang bansa ang kanilang produkto kaya isa din sa pilipinas
nagustuhan ng mga pilipino ang kanilang produkto. Tanong lahat karapat dapat na
tanggapin ng mga pilipino ang kanilang produkto. Para sa akin sang ayon ako na
maganda ang produkto nila. Karamihan sa mga tao ay minsa hindi nila basta basta
tinatanggap ang isang produkto na galing sa ibang bansa dahil naisip nila na baka
nakakaapekto ito sa mga tao o di kaya hindi maganda na basta ka lang tumatanggap
ng isang produkto na hindi natin alam kung paano ginawa. Sabi nila kailangan natin
alamin ang produkto kung anong klase syang ginawa bago nating tanggapin.Minsan
hinusgahan ng mga tao ang isang produkto ng hindi naman masama. PAra saakin,
bago ka manghusga ng isang bagay ay dapat alamin muna bago ka manghusga nang
isant bagay. Marami ding mga produktong ng chinese na maging produkto nang
Pilipinas katulad ng siopaw at siomai at iba pa kaya kailangan nating tanggapin ang
mga produkto chinese dahil mapagkatiwalaan natin sila dahil bago dumating ang mg
espanyol ay dumating din ang mga chinese sa pilipinas.
Ang masasabi ng lahat ay hindi masama tumanggap ng produkto ng galing ibang
bansa. Kailangan nating makibahagi o makisalimuha sa kanila dahil isa yan mahalaga
sa atin na marunong tayo tumanggap ng isang bagay. Kailangan din natin makipag
ugnay sa ibang bansa sa pamamagitan ng produkto.
TALUMPATI
ANO BA ANG MAYROON SA PILIPINAS

Pilipinas isang bansa may mga mamamayang gumagamit ng magkakaibabang


mga wika at wikain. Ang pamumuhay ng mga pilipino ay may sariling paraan ng
mabuhay katulad ng magsasaka, mangingisda, mangangalakal, pagmimina at iba pa.
Lahat ginagawa nila upang mabuhay ang kanilang pamilya. Sa pilipinas isang
kahanga-hanga ng bansa dahil mayaman ito sa kalikasan katulad ng anyo-lupa at
anyo-tubig.
Sa anyong tubig sa pilipinas ay maraming turista tumatangkiling dahil ito ay
napakaganda, napakalinis tingnan at higit sa lahat ay sariwa ang hangin. Katulad dn
ang anyong lupa sa pilipinas isa ito kahanga-hanga dahil marami din sa turista kung
bakit sila palagi bumabalik sa pilipinas dahil napakaganda tingnan ang mga uri ng
anyong-lupa sa pilipinas. May mga tinatawag nilang Maria Christina Falls kung saan
marami din tao ang pumupunta roon.maraming klase at uri ng bundok at bulkan kung
saan ito ay nakatulong at naiipagmalaki na ito ng pilipinas. Ang pamumuhay ng mga
pilipino ay paraan na ginagamit ng mga lalaki noon ay sa tuwing sila ay nanliligaw ay
harana ang tawag nila don kapag kinakanta nila ang isang babae upang ito ay
mapasagot. Noong sinaunang tao ay paraan nila gumawa ng bahay ay gawa sa kahoy.
May ibat ibang talento may roon sa pilipinas, mga tao hindi basta basta mawalan ng
pag-asa at maytiwala sa diyos. Sa tuwing mayroon sila gagawin ay nasasabi nila sa
kanilang mga sarili ay kapit lang sa diyos dahil naniniwala sila ang diyos lamang ang
makakatulong sa kanila. Mga talento na tulad ng sayaw, laro, kanta at iba pa kung
saan kinagigiliwan ng mga tao.
May kanya kanyang talento sa pananalita at panunulat katulad ni Jose Rizal kung
saan naging inspirasyon ng mga tao kung saan nabigay siya ng pahiwatig sa
pamamagitan sa kanyang panunulat. Dahil dito ay nupakaw ang puso ng mga pilipino
kung saan ipinaglaban nila ang sariling bansa sa mga espanyol. Marami din bayani sa
pilipinas kung ipinalaban nila ang ating bansa upang makamit ang kalayaan. Ang
paniniwala ng mga pilipino ang tanging espada nila ay pag-ibig kung saan doon nila
nakukuha ang lakas ng loob upang maiwasan lahat ng problema dumadating
TALUMPATI
Tulay ng Pagmamahal

Naniniwala kaba sa Love at first sight? Para sa iyo totoo ba ang katagang
The more you hate, the more you love? Naniniwala ba kayo sa Forever?
Sabi nila The more you hate, The more you love ay isang pag-ibig na
hindi inaasahan. Para sa akin totoo yon kasi minsan nahuhulog ka sa taong kinaiinisan
mo kahit gaano kapangit ang taong yon, mahuhulog at mahuhulog ka pa rin, Love is
blind nga diba.Naniniwala rin ako sa love at first sight dahil minsan unang kita mo pa
lang sa isang tao ay humahanga kana sa kanya. May mga tao talaga na nagmamahal
pero hindi nasusuklian ang pagmamahal na inaalay nila. Imbes na pagmamahal ang
isukli sa kanila, sakit ang bumalik. Pag nagmahal ka wag mong ipusta ang lahat
magtira ka sa sarili mo dahil ikaw lang ang masasaktan. Hindi naman masamang
magmahal ang masama ay umasa ka sa taong hindi ka kayang mahalin. Sabi nila wag
kang umasa sa isang tao na hindi ka kayang saluhin. Totoo naman kasi ikaw lang ang
masasaktan sa huli.Minsan nagiging inspirasyon ang taong ating napupusuan lalong
lalo na kung kasama mo siya sa silid aralan. Siya ang nagiging dahilan kung bakit ka
masaya at siya rin ang dahilan kung bakit mataas ang grado mo. Pero siya rin ang
nagiging dahilan kung bakit ka nasasaktan, nasasaktan ka kahit na walang kayo, nag
seselos ka kahit walang kayo. Sabi nila mas tanga daw ang minamahal kaysa
nagmamahal. Totoo naman kasi minamahal na nga siya naghahanap pa siya ng iba.
Para sa akin wala talagang forever dahil darating din sa punto na kailangan niyong
maghiwalay. Buhay nga ng tao may katapusan, pag-ibig pa kaya. Darating din ang
panahon na mapapagod ka at susuko ka.
Ang pag-ibig ay isa sa mga nararamdaman ng mga tao na kung saan hindi
napipigilan. May tatlong uri ang pag-ibig, Pag-ibig sa Pamilya, Pag-ibig sa kaibigan,
at ang pangatlo ay pag-ibig sa isang espesyal na tao na kung saan sa kanya lang
bumibilis ang tibok ng puso mo.

SAMANODEN, NORAINIE M.

You might also like