You are on page 1of 2

Ang Myanmar, o ang Repulika ng Unyon ng Myanmar (internasyunal: Republic of the Union of

Myanmar), dating Kaisahan ng Burma, ay ang pinakamalaking bansa (sa sakop pang-heograpiya)
sa lupaing nasa loob ng kontinente ng Timog-silangang Asya. Napapaligiran ng Tsina sa
hilaga, Laos sa silangan, Taylandiya sa timog-silangan, Banglades sa kanluran, at Indiya sa
hilaga-kanluran, kasama ang Dagat Andaman sa timog, at ang Look ng Bengal sa timog-kanluran
(sa kabuuang mahigit sa 2,000 kilometrong baybaying-dagat).

KASAYSAYAN

Ang Burma ay naging tirahan ng iba’t-ibang lahi.Ang kapatagan ng ilog ng Irrawaddy at Salween
ay panirahan ng mga dayuhang nagmula sa Tibet, Tsina, at India. Ang naghalong lahi ng mga
pangkat na ito ang naging ninuno ng mga kasalukuyang Birmano. Pinaniniwalaang ang
kahariang Pagan ang naglatag ng pundasyon ng kahariang Burma.

Si Anawratha ang kinikilalang unang hari ng kahariang Burma. Naging malugod ang pagtanggap
ni Anawratha sa relihiyong Buddhism. Kaya’t lumganap ang sining at panitikang Budismo sa
lipunang Birmano.

Nang namatay si Anawratha, ang mga sumunod na hari ng Burma ay sadyang naging mahina. Sa
loob ng dalawang siglo ang imperyo ay naging pugad ng nag-aaway na kaharian. Si Buyin Naung
ang muling nakapagbalik ng pagkakaisa sa imperyo at itinatag niya ang kabisera ng Burma sa
Pegu hanggang sa kanyang kamatayan noong 1581.

Panitikang Burmes[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa kasaysayan, ang panitikan ng Burma (o Myanmar) ay naimpluwensiya ng mga


kalinangang Indiyano at Thai, na makikita sa mga maraming gawa, katulad ng Ramayana.
Ang wikang Burmes, na di tulad ng ibang wika sa Timog-silangang Asya (e.g. Thai, Khmer), ay
hiniram ang mga salita mula sa Pāli imbis sa Sanskrit. Sa karagdagan, sinasalamin ng panitikang
Burmes ang lokal na alamat at kalinangan.
Kultura ng Myanmar

Ang pangunahing kultura ng Myanmar ay ang Buddhist at Bamar. Ang Bamar ay


naimpluwensyahan ng kultura ng mga karatig bansa ng Myanmar. Ang kanilang pambansang
epiko, ang Yama Zatdaw, ay naggaling sa Ramakien ngIndia. Monasteryo ang sentro ng kultural
na buhay nila. Mataas ang pagtingin ng mga tao samga monghe nila.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/15078#readmore

You might also like