You are on page 1of 11

MYANMAR

ANG KASAYSAYAN NG MYANMAR


Hindi gayon kaliwanag ang pinakamaagang
kasaysayan ng Myanmar, ngunit tila ilang
tribo ang nandayuhan doon mula sa katabing
mga lupain. Ang Mon ang malamang na
nagbigay sa lupain ng pangalang
Suvannabhumi na nangangahulugang
‘’Ginintuang Lupain.’’
Ang mga Tibeto-Burman ay nagmula sa
silangang Himalayas, at ang Tai ay nanggaling
naman sa lugar na ngayon ay timog-kanlurang
Tsina. Ang baku-bakong kalupaan ng Myanmar
ang nagpapanatili sa mga tribo na magkakabukod
na siyang dahilan ng pagkakaroon ng maraming
tribo at wika.
Noong unang mga taon ng ika-19 na siglo,
nagsimulang dumating ang mga Britano mula sa
kakasakop sa India. Nanirahan muna sila sa
katimugang rehiyon at nang dakong huli, sinakop
ang buong bansa. Pagsapit ng 1886, ang Burma,
na tawag noon sa Myanmar, ay naging bahagi ng
Britanong India.
Noong Digmaang Pandaigdig II, ang
lupaing ito ay naging sentro ng malulupit na
alitan, at sa ilang buwan lamang noong
1942, napalayas ng mga hukbong Hapon
ang mga Britano. Kasunod nito, itinayo ang
kasuklam-suklam na ‘’Riles ng
Kamatayan.’’
Ang 400-kilometrong riles na ito na
bumabagtas sa di kaayaayang kalupaan ng
mga kagubatan at mga bundok ang
nagdurugtong sa:
• Thanbyuzayat, sa Burma, at sa
•Nong Pladuk, sa Thailand.
Dahil sa kakapusan sa metal, ang karamihan
sa linya ng tren ay nagmula sa mga riles na
kinuha sa gitnang Malaya (Malaysia
ngayon.) Isang maliit na bahagi ng proyekto-
pagpapatayo ng isang tulay sa River Kwai.
Ng maglaon ay naging basehan ng isang
tanyag na pelikula.
LAGANAP ANG
IMPLUWENSIYA NG
RELIHIYON
Mga 85 porsiyento ng mga mamamayan sa
Myanmar ay Budista; ang natitirang bahagi
ay pangunahin nang nag-aangking Muslim at
Kristyano. Kagaya ng kalakhan ng Timog-
silangang Asia, ang relihiyon ay gumaganap
ng pangunahing papel sa buhay ng
karamihan ng mga mamamayan sa Myanmar.
Gayunman, ilang relihiyosong kaugalian
ang di-pamilyar sa maraming panauhin.

You might also like