You are on page 1of 2

Alamat ng Mindoro

Ang pangalang Mindoro ay nagmula sa salitang kastila na “Mina de Oro” o mina ng ginto. Tinawag din
itong “Mai” ng mga sinaunang mangangalakal na intsik. Ang kahalagahan ng Mindoro ay nagmula pa
nong bago dumating ang mga Kastila. Ang kanais-nais na kahalagahan nito ay dahil sa heograpikong
kinalalagyan, nagsilbi itong sentro ng kalakalan ng mga kalakal ng intsik. Mas maaga pa mula noong 872
A.D., ang Mindoro ay nakikipag kalakal sa mga Kanton dahil sa lapit nito sa isa’t-isa. Ang ulat noong
1225 A.D. ng mga intsik ang nagbigay ng unang dokomentadong katibayan ukol sa isla ng Mindoro.
Sunod sa umiiral na ruta ng mga sinaunang panahon, ang mga barko ay naglalayag mula sa hilaga
haggang sa kanlurang bahagi ng baybayin sa Mindoro, na kung saan mayroong maraming naninirahan sa
sentro ng bayan. Para sa mga produktong beeswax, perlas, bakya at talukab ng pagong, ipinapalit
naman ng mga intsik ang mga porselana, sutla at tsaa.

Noong ika labing apat na siglo, ang eperyo ng Madjapahit ang namamahala sa pagpapalawig mula sa
Borneo hanggang Mindoro. Noong Mayo 8, 1570, si kapitan Martin de Goite kasama ni Juan Salcedo ay
ginalugad ang kanlurang bahagi ng Mindoro. Noong 1591, ng hinati ng mga Kastilang “conquistadores”
ang Pilipinas sa labing-isang probinsya, ang Mindoro ay isinama sa pangkat ng Calilaya, Lubang,
Batangas, pulutong ng Calamianes at Marinduque. Itinatag sa Calavite ang ikatlong distritong
Eklesiastikong kapuluan ng Pilipinas ng mga rekolektong prayle noong ika 18 ng Hunyo, 1677. Ang
Mindoro ay naging bahagi ng probinsya ng Batangas ng ang huli ay ginawang hiwalay na probinsyang
tinawag na Bonbon. Sa simula ng ika-17 siglo, ang isla ay ihiniwalay mula sa Batangas at binuo na isang
“Corrigimento” kasama ng Puerto Galera bilang kabisera, at napa-ilalim sa nasasaklawan ng
Marinduque.

Nang masakop ng mga Amerikano ang Mindoro noong 1889, nagtayo sila ng pamahalaang military sa
isla hanggang sa magumpisa ang pamahalaang sibil noong Hulyo 4, 1901. Nagkaroon din ng
makasaysayang bahagi ang probinsya noong ikalawang digmaang pandigdig. Ang nakakatindig
balahibong kagitingan ng mga bayaning lumaban kasama ng mga sundalong Amerikano laban sa
pananakop ng mga Hapones. Mula sa Leyte, isinagawa ng pwersa ni Douglas McArthur ang ikalawang
paglapag “second landing” sa timog na bahagi ng probinsya noong Desyembre 15, 1945 patungo sa
pagpapalaya ng bansa mula sa pananakop ng mga Hapones.

Noong ika-15 ng Nobyembre, 1950, ang Mindoro ay hinati sa dalawang probinsya: ang Oriental Mindoro
at Occidental Mindoro. Ang San Jose ay ginawang kabisera ng Occidental na sa kalaunan ay inilipat sa
Mamburao noong Enero 1, 1961, At Calapan naman ang kabisera ng Oriental na sa kasalukuyan ay isa
ng siyudad.
Alamat ng Marinduque
Ayon sa alamat, ang Marinduque ay nabuo mula sa kinahinatnan ng isang trahedya ng pag-iibigan sa
pagitan ng dalawang tao: Mariin at Gatduke. Ang tatay ni Mariin ay isang pinuno, na ayaw pumayag sa
pagmamahalan ng dalawa at nag-utos na pugutan ng ulo si Gadduke. Subalit bago ito naganap, ang
magkasintahan ay naglayag sa dagat at nagpakalunod, ang mga diwata ay naawa sa kanila kaya nagiwan
ito ng isang tanda na hugis puso sa lugar, kung saan sila ay nalunod. At ang islang iyon ay tinawag na
Marinduque, ang magkasamang pangalan ng dalawang magkasintahan.

Noong panahon ng mga Kastila at unang pananakop ng mga Amerikano, ang Marinduque ay bahagi ng
probinsya ng Balayan (Batangas) noong ika-16 na siglo, ng Mindoro noong ika-17 na siglo, at nagkaroon
ng maikling panahon ng hiwalay na lalawigan noong 1901, ang dumating ang mga Amerikano.

Noong panahon ng digmaang Pilipino at Amerikano, ang Marinduque ang unang isla na mayroong
kampo ng mga Amerikano, Ang Marinduque ang lugar na pinangyarihan ng “labanan sa Pulang-lupa”, na
kung saan ang 250 sundalong Pilipino sa ilalim ng pamumuno ni Koronel Maximo Abad, ay nagapi ang
maliit na bilang na 54 na mga sundalong Amerikano. Si koronel Abad ay sumuko noong 1901

Makalipas ang apat na buwan, ang probinsya ang naging bahagi ng lalawigan ng Tayabas (Quezon).

Noong ika-21 ng Febero, 1920, ang batas bilang 2280 na ipinasa ng batasang pambasa ng Pilipinas, ay
ibinalik ang pagsasarili ng lalawigan ng Marinduque.

Noong 1942, ang sundalong imperial ng hapon ay lumapag sa Marinduque.

At noong 1945, ang pinagsamang hukbong Amerikano at ng republika ng Pilipinas ay sumalakay sa mga
sundalong hapones at napalaya ang Marinduque noong ikalawang digmaang pandaigdig.

You might also like