You are on page 1of 21

Binasa sa Ambagan 2011 ng Komisyon ng Wikang Filipino, Filipinas Translation Institute, at University

of the Philippines-Diliman, Sept.14-16, 2011, UP-Diliman, Quezon City

Ang Bug-at kang Lamigas kag Bugas1


(Ang Bigat ng Lamigas at Bigas)
Genevieve L. Asenjo, PhD.
Dept. ng Literatura
De La Salle University-Manila
http://balaysugidanun.com

“Lupa kag dagat sa pinggan,” ito ang paglalarawan sa Antique ng makata nitong si
Milagros Geremia-Lachica. Pokus ng ambag mula sa Kinaray-a ang 20 na salitang
pang-agrikultura. Maliban sa pagbibigay ng kahulugan at pagsasalaysay sa/ng
kultural na aspeto ng salita, tatangkain din ang pagma-mapa ng pagkakatulad at
pagkakaugnay -ugnay sa iba pang malalapit na wika sa Visayas, partikular sa
Hiligaynon at Cebuano. Isa itong panimulang paghahanda para sa binabalak na
Diksyunaryong Kultural sa Agrikultura sa Kinaray-a.
no ang kaugnayan ng pagkawala ng wika at kulturang pang-agrikultura sa

A pagtaas ng presyo ng bilihin? Kung ang kakulangan sa pagkain, at kung gayon


gutom, ay isang pambansa at global na isyu, ano ang kaugnayan, kahulugan,
kabuluhan ng pag-aaral ng/sa wika at kulturang pang-agrikultura sa pagtatanong
tungkol sa gahum? Hal. Sa relasyon ng sentro at gilid, ng historikal at kontemporar-
yo, ng teknolohiyang pang-agrikultural at industriyal, ng pagsasadula ng isang
ritwal sa pagtatanim o pag-aani at pag-upload nito sa social networking site tulad ng

Facebook at YouTube?

Ilan ito sa mga tanong na dumating sa akin, at patuloy kong binubuno, nang napag-
pasyahan kong balikan ang lupa, partikular ang pagsasaka, bilang sabdyek ng
pagkukuwento. Higit kaysa nostalgia, isa itong sikolohikal at emosyonal na pagma-
mapa ng isang espasyong konseptwal na hitik sa metaporikal na ekstensyon na
maaaring maging sangkap sa posibilidad halimbawa ng pagsulpot-buo ng bagong

pantao-panlipunang organisasyon, o kultural na komunidad, o pangyayari. 2

Nag-aambag ang papel ng 20 salita sa Kinaray-a na nakapalibot sa lupa at


pagsasaka. Gayunman, wala akong ilusyon na ang pag-aambag na ito ay
makasalba sa atin sa pagkalimot at pagpabaya sa lupa at pagsasaka, at kung
gayon, makasalba rin sa atin sa napipintong gutom at lalo pang paghihirap.

Galing ang mga salitang ito sa barangay na aking kinalakhan. Ang Barasanan sa bayan

1
ng Dao, ngayo’y Tobias Fornier, na klasipikado sa ika-‐4 na uri (ibig sabihin: mahirap,
mahina ang income) ng munisipalidad sa probinsya ng Antique sa rehiyong
Kanlurang Visayas. Pitong kilometro ang layo ng Barasanan sa bayan. Nasa
bulubundukin itong bahagi, malapit sa kabundukan ng Iloilo, saan may high-‐way na
tinatahak ng mga sasakyan patungong Antique, patungong Caticlan (hal.ng mga bus
patungong Manila) palibot sa buong isla ng Panay. Nasa Sur na bahagi ng probinsya
ang Tobias Fornier, pangalawa sa dulong bayan, ang Anini-‐y. Sa 2008 Agricultural
Commodity Profile ng probinsya3, may 2974 na hektarya ang Tobias Fornier. 516 dito
ang may irigasyon at 2458 ang pagsasaka na umaasa sa ulan.

Maliban sa palay, nagpoprodyus din ang probinsya ng mais, saging, manga, tubo, at

kape.

Binubuo ang Antique ng 18 na munisipalidad. Kaharap ng probinsya ang Palawan,

ang Mindoro, ang Manila. Binabaybay ng mga bayan nito ang dalampasigan mula

2
Norte hanggang Sur. Sa kabila ng kabundukan nito, ang ilang bahagi ng Iloilo, ang
buong Capiz, gayundin ang Aklan. Kaya inilalarawan ang Antique ng makata
nitong si Milagros Geremia-Lachica na lugar saan “…sa pinggan ni Nonoy/liwan
magakitaay/ang lupa kag baybay.”(“…sa pinggan ni Nonoy/muling
4
magtatagpo/ang lupa at dagat.).

Sinasabi na kabilang sa wikang Austronesian/Malayo-Polynesian ang Kinaray-a. Sa


pag-aaral ni Alex De Los Santos na “Mga panuytoy sa pagsulat kang Kinaray-a,” 5
naitala niya ang apat na banyagang iskolar na nag-aral ng Kinaray-a. Aniya, may
papel na “Kinaray-a Pronouns” at “Resumptive pronouns and topicality in Kinaray-a”
ang isang Julia Bernd para sa kanyang masters sa lingwistiks sa Standford
University. Nakapagsulat naman ng maiksing balangkas ng gramatika sa Kinaray-a
si Ishiyama Nobuo ng University of Tokyo ayon sa sugidanun o kuwento na “Amo
kag Bao” (Ang Matsing at Pawikan). Habang si Amy Leuchtman-Sexton naman ng
Rice University nakapagbigay ng kolokyum na “Negation in Kinaray-a” gayundin si
Xiuhong Zhang sa kanyang “The Causative in Kinaray.a” Nabanggit din ni de los
Santos si Jason Lobel, na nakapaglimbag ng aklat sa Bikol at noong 1996 nakipag-
ugnayan sa kanya sa pamamagitan ng email tungkol sa pag-aaral nito sa mga wika
sa Gitnang Bisayas. Ani pa ni De los Santos, naniniwala si Lobel na magkapamilya
ang mga wikang Kinaray-a, Hiligaynon, Cebuano, Romblonanon, Masbateño at
Waray-Waray.

Nito namang Pebrero, nakipag-ugnayan sa akin, sa amin, si Mariane Medina Umali,


isang Bikolana na postgraduate student sa Discipline of Media, School of
Humanities & Social Sciences sa University of Adelaide sa Australia. Pinapag-aralan
niya papaano ang internet at iba pang kaugnay na medya ginagamit para sa kultural
produksyon ng mga rehiyunal na grupo. Isinama niya ang Kinaray-a dahil nakalagay
ito sa listahan ng National Commission for Culture and the Arts at National Statistics
Office (NSO) bilang isang pangkat-etnolingwistiko.

Bago maging politically-correct na termino ang Kinaray-a bilang pantukoy sa wika sa


probinsya ng Antique at sa maraming probinsya sa Iloilo, kilala rin ito sa Karay-a, na
pantukoy rin, una sa lahat, sa tao o sa tagapagsalita. Tinawag rin ito ng isa sa mga
manunulat ng rehiyon, si Santiago Mulato, na “Hiniraya.” Ani Mulato, mula ito sa
salitang “iraya” na tumutukoy sa mataas na lugar na pinanggagalingan ng tubig. 6

3
Ito ang kabundukan ng Panay na humahati sa mga probinsya ng Antique, Aklan,
Capiz, at Iloilo saan naroon ang Bundok Madya-as at Baloy, saan naroon ang
grupo ng katutubong pinangangalanan ng mga antropologo na Panay-Bukidnon o
Sulodnon na pinanggalingan ng epikong Hinilawod. Para naman kay Leoncio
P.Deriada, ang tinuturing na Ama ng Kontemporaryong Panitikan sa Kanlurang
Visayas, ang Kinaray-a ang inang-wika ng Hiligaynon, ang lengua franca ng Panay
at Negros Occidental.

Kung pagbabasehan ang lapit ng tunog at mga salita sa Kinaray-a sa salita ng mga
Ati o Ita ng Panay, partikular ng Antique, maituturing nga na isang matandang wika
ang Kinaray-a, dahil tinuturing din natin na isa ang mga Ati sa ating mga katutubo.
At may engrandeng naratibo ang Antique kaugnay sa/ang mga Ati. Ito ang kuwento
ng pagdaong ng sampung datu ng Borneo sa Panay, partikular sa Malandog,
Hamtic, sa Antique, at ang pakipagpalit dito ng pinuno ng Ati na si Marikudo sa
bulawan na salakot at nakasangyad sa lupa na kuwintas para sa kanyang asawa na
si Maniwantiwan. Mababasa ito, naibantala sa mga akda nina R. Morales Maza sa
kanyang libro na The Augustinians in Panay (1987), sa Maragtas (1907) ni Pedro
Monteclaro, at Barter in Panay (1961, 1984) ni Ricaredo Demetillo. Patuloy ang
reproduks-yon ng naratibong ito sa spectacle ng mga taunang festival tulad ng Ati-
Atihan ng Kalibo, Dinagyang ng Iloilo, at Binirayan ng Antique. Kahit pa marginal na
presensya, kung hindi man talagang invisible, ang mga Ati sa mga okasyong ito, na
alam nating nananatiling illiterate ang karamihan at lalo pang na-e-etsa-puwera sa
panahon ng globalisasyon.

Malinaw na isang mahalagang faktor sa kahirapan ng Antique ang geyograpikal na


lokasyon at posisyon nito sa mapa ng rehiyon, kaugnay sa iba pang probinsya.
Kaya kahit na may engrandeng naratibo ito, may “inferiority complex,” may “victim
mentality” ang Kinaray-a dahil sa kasaysayan nito ng persekusyon at opresyon
katulad ng mga katutubo nitong Ati. Sa kasaysayan halimbawa ng rehiyon nitong
ika-20 na siglo, sa pag-unlad ng Iloilo bunga ng pagkaroon nito ng daungan at
hacienda, at ng kalaunan ng Negros Occidental, nakilala ang Karay-a o Kinaray-a
bilang lengguwahe ng mga sacada, ang mga trabahador sa hacienda. Kaya
kaakibat ng kasaysayan ng kahirapan ng Antique ang kasaysayan ng pagkasagigilid
ng Karay-a o Kinaray-a.

4
Mahihirap ang Kinaray-a kaya nakipagsapalaran din noong 60s-70s sa Mindanao, ang
Lupang Pangako, kaya ang teorya na isa ito sa mga pangyayari sa kasayaysan ng
bansa na nagpapaliwanag din ng pagkakalapit ng Kinaray-a, Hiligaynon, at Cebuano
lalo na sa mga bahaging Butuan, Cagayan de Oro, Davao at Cotabato; maliban sa
geyograpikal na lapit ng mga ito. Mahihirap ang Kinaray-a kaya ang
pakikipagsapalaran din nito sa iba’t ibang sulok ng mundo. Kaya global din ang
Kinaray-a, lumalampas sa kabundukan at karagatan ng rehiyon. Isang patunay rito
ang pamamayagpag ng OKM (Original Kinaray-a Music) sa www.kinaray-a.com.

Sa papel ko noong 2005 na “Antique, Banwa nga Hamili: Ang Antique sa Diskurso
ng mga Musikerong Antiqueño,” 7naimapa ko na rin ang artikulasyon-manipestas-
yon-salin ng lupa at kahirapan, lupa=kahirapan mula sa mga tradisyonal na anyo ng
panitikan ng rehiyon tulad ng komposo at banggianay (balagtasan) hanggang sa
mga kontemporaryong antolohiya sa Kinaray-a na Ani (1991), Mantala (1997), Dag-
on (1995), at Salatan (1998). Hanggang sa OKM na ito. Kaya ang hamon din ng
papel na iyon sa pagbubukas ng mga bagong espasyo at pagdidiskurso ng/ sa lupa
at kahirapan lalo na kung isa itong pagpapatuloy/pagtatanghal ng pagiging bayang
hamili o minamahal/pinakakatangi/nakahihigit nito – ang romantisasyon -dahil sa
maragtas nito ng pagdaong ng sampung datu mula Borneo at lugar ng unang
Malayan settlement sa Panay.

Mabilis ang pagsalita sa Kinaray-a. Sagana ito sa r, na nagiging l sa Hiligaynon.


Hal. ang wara nagiging wala. Sa museo sa Ilocos, naintindihan ko ang mga salitang
nakadikit sa mga artifacts ng mga gamit sa pagsasaka at pangingisda. Nang maka-
pakinig ako sa misa sa Bikol, naintindihan ko ito, gayundin ang maraming salita sa
mga aklat-panitikan sa wikang ito. Gayundin ang karanasan ko sa Bisaya o
Cebuano, sa Cebu man o sa Davao, o sa pagbasa nito sa papel at internet, at sa
pisikal na pakikipag-ugnayan sa mga tagapagsalita nito sa iba’t iba ring variety.

Kaya ang proposisyon ko sa mga nagnanais mag-aral ng iba pang wikang Filipino,
na kung mayroon mang wika sa Visayas na kailangang matutunan, ito ay ang
Kinaray-a. Dahil kapag natuto ka ng Kinaray-a, makakaintindi ka na rin ng Hiligaynon
at Cebuano; katulad ko, katulad ng marami sa amin na Kinaray-a. At kung isang
ebidensya ng pagkilala sa kakayahan at gahum ng Kinaray-a bilang wika ang
presensya ko sa kumperensyang ito, sa narating ng kontemporaryong panulatan

5
sa Kinaray-a, at ng mga manunulat nito, sa pagturing rito ng mga ahensya ng
gobyerno bilang isa sa mga pangunahing na wika sa bansa na maaaring
maisakatuparan din sa inisyatibong Mother Tongue-Based Multilingual Education
(MLE)8, masasabi ko na nakaahon na sa panahon ng “inferiority complex” ang
Kinaray-a. May pamagat halimbawa ang huling antolohiya na iniedit ni Delos Santos
na The Rise of Kinaray-a: History and Anthology of Contemporary Literature in
Antique (2003). Lumalakad ito sa kasalukuyang panahon, kahit pa ba hinay-hinay,
na may kamalayan sa kanyang maragtas, mulat sa kanyang konteksto, at nakikisali
– sumusugal– sa mga posibilidad ng “pag-aakda ng bansa” sa pamamagitan ng
pagtatayo ng sarili nitong pampanitikan-wika-kultural na infrastraktura.

Bago pa ang ambagang ito, naglilista na kami ng aking ina ng mga salita at konsep-
tong pang-agrikultura. Mula sa aming tala at sa dagdag na naipadala ng pamilya via
email para sa kumperensyang ito, komunsulta ako sa anim na diksyunaryo: 1) UP
Diksyunaryong Filipino na patnugot ang Pambansang Alagad sa Sining Virgilio
Almario, 2) Dictionary of Visayan Arts ni Dr. Erlinda Alburo, 3) A Five-Language
Dictionary (Panay Island) ni Roman de la Cruz, 4) Hiligaynon-English/English-
Hiligaynon ni Eliza Yap-Uy Griño, 5) A Dictionary of Cebuano-Visayan ni John Wolff,
at ang 6) Hiligaynon Dictionary ni Dr. Ruby Alcantara.

Pinaboran ko ang maraming salita na katutubo at wala pa sa anumang diksyunaryo,

gayundin piniling isama ang iilan na may pareho at/o bago at/o ibang kahulugan:

Salitang UP 5-Language Dictionary of Hiligaynon A Hiligaynon


Kinaray-a Diksiyonary Dictionary Bisayan Arts Hiligaynon- English, Dictionary Dictionary
ong Filipino (R.de la Cruz) (E. Alburo) English-Hiligaynon of (Alcantara)
(Eliza Yap Uy-Griño) Cebuano-
(V. Almario) Visayan
(J. Wolff)

1.Bāngág png [Seb]. wala


butas var wala wala adj. cracked, said v. make
lungag. of soil dried out a hole,
by drought. (p. have a
pnr Kol. 37) hole in
may it. (p.
naiibang 104)
pakiramda
m bunga
ng
narkotiko.
(p. 133)
6
Salitang UP 5-Language Dictionary of Hiligaynon A Hiligaynon
Kinaray-a Diksiyonary Dictionary Bisayan Arts Hiligaynon- English, Dictionary Dictionary
English-Hiligaynon of (Alcantara)
ong Filipino (R.de la Cruz) (E. Alburo)
(Eliza Yap Uy-Griño) Cebuano-
(V. Almario) Visayan
(J. Wolff)

wala wala wala wala wala wala


2. Balískad

3. Bìnátí wala wala wala wala wala wala

4.Bināngto wala wala wala wala


wala wala

5.Búngkag wala wala wala vt. to break; to wala


open up; to pull wala
apart. (p. 61)

6.Hāmòd wala wala


wala wala wala wala

7.Hànālón wala wala wala wala


wala wala

8.Inúpong wala wala


wala wala wala
wala

9.Lámígàs Png. L[Seb wala wala wala wala wala


Esp
hormigas]la
nggam. p.
669

10.Límbûk wala wala wala wala wala wala

11.Línás wala wala wala wala wala wala

12.Líkyad png. wala wala wala v. curl wala


manipis na up at the
hiwa gaya edges. (p
ng hiwa sa 610)
kamote,
saging at
iba pa (p.
699)

7
Salitang UP 5-Language Dictionary of Hiligaynon A Hiligaynon
Kinaray-a Diksiyonary Dictionary Bisayan Arts Hiligaynon- English, Dictionary Dictionary
English-Hiligaynon of (Alcantara)
ong Filipino (R.de la Cruz) (E. Alburo)
(Eliza Yap Uy-Griño) Cebuano-
(V. Almario) Visayan
(J. Wolff)

13. Linapwaan wala wala wala wala


Linápwàhàn png [Seb]. wala
Bulanglang.
(p. 702)

14. wala wala wala wala wala wala


Marínhût

15.Pànggás png 1. [ST] wala practice of vt. to sow seed. wala wala
almirulan putting rice, (p.339)
ang bulak medical herbs,
upang a wooden
habihin ito. comb, and a
2. palm fruit in a
paghagod o basket to
paghimas, insure an
gaya sa abundant
pagpangga harvest
s ng manok
o
pagpangga
s ng damit.
(p. 920)

16.Pásí Png {Kap]: wala wala wala wala

trumpo wala

Png 1:Zoo
[War} biik
2: Bot [Seb} palay p. 944

17. wala wala wala wala wala wala


Panûdlak

18. wala wala wala wala wala wala


Pìnàlìnpín

19.Süká wala wala wala wala wala


wala

wala wala
20.Wáyáng wala wala n. treeless plain, Waya.
open field. (p.447) Wala.
(p.1127)

Sa 20 salita na pinili, 12 ang wala pang entri sa kahit isa sa anim na diksyunaryo. Ito
ang balískad, binaté, binàngto, hàmód, hanálòn, inúpóng, límbûk, linás, màrinhút,
panûdlàk, pinálínpìn, súkà. 6 ang may entri sa UP Diksyunaryong Filipino ngunit iba ang
kahulugan. Ito ang bangag, lamígàs, líkyàd, linápwáhàn, pánggàs, pásî. 2 ang may

8
malapit, kung hindi man kaparehong kahulugan sa Cebuano, ang bangag at pánggàs.
4 ang may katulad na kahulugan sa Hiligaynon: bangag, bûngkág, pánggàs, at wáyáng.

Halikayo sa wáyáng!

Wá. yáng. Png., Pnr: bukas at malawak na lupain, katulad ng paglalarawan-


pagpapakahulugan sa Hiligaynon-English na diksyunaryo ni Eliza Yap-Uy Griño
bilang “treeless plain, open field.” Katumbas ito ng parang ng/sa Tagalog. Mahalaga
ito na maisama dahil iba ito sa Kinaray-a-Hiligaynon na bukid, na ang ibig sabihin
ay bundok, ngunit sa Tagalog ay palayan, na siya namang uma sa Kinaray-a at
Hiligaynon.

Sa madaling sabi, ang wáyáng ay isang lugar; isang bahagi ng uma o ng bukid
na bukas dahil hindi pinagtataniman o walang tanim, at may sapat na lawak
upang makapaglaro tulad ng pagpapalipad ng saranggola tuwing tag-araw,
makapag-piknik, o makapagpastol ng hayop.

Kaya hindi lamang ito nag-aangkin ng espasyo at identidad bilang pangalan, kundi
bilang isa ring pang-uri. Ginagamit rin ito sa paglalarawan bilang kasalungat ng
masikip. Hal. Wáyáng ang sala, wáyáng ang saya. Kaya gustong-gusto ko ang
salitang ito dahil sa dala nitong imahen ng galaw, kilos – kalayaan! Nang-aanyaya
ang wáyáng ng pagsusuyuan.

Sa ganang akin, noong bata, sa wáyáng ako nagpapahinga: humihinto sa pagbitbit


ng naigib na tubig sa galon mula sa poso o di kaya’y sa balon sa ilog. Sa gitna ng
wáyáng na iyon, sa ilalim ng bukas na langit, nagkamalay ako na napapalibutan ako
ng bundok at sa kabila n’yon ay ang dagat. Ninais kong makita ang dagat, matawid
ito, at ang marami pang espasyo sa pagitan ng langit at lupa. Kapag naiisip ko ang
wáyáng, naiisip ko ang alingawngaw na hindi lamang bumabalik dahil nabangga-
tumambol ito sa kabundukan, kundi iyong lumalagpas, nakakalagpas.

Nagamit ko ito sa binalaybay o tula ko na “Ang Kasubu kang Dila.” Ito ang naging
inspirasyon, naging pamagat ng una kong nobela. Ito ang Lumbay ng Dila. Narito
ang gamit ko:
Nangin wá yá ng ang supermarket kang ginsug-‐alaw ako kang sangka putos
nga samlague.Sweet & Spicy Thai, 69.75. Liwan ko nakilala ang kaaslum kag katam-‐is.

9
Naging paráng ang supermarket nang sinalubong ako ng isang supot ng sampalok.
Sweet & Spicy Thai, 69.75. Muli kong nakilala ang asim at tamis.

Ngayong narito na tayo sa wáyáng, ipapakilala ko naman ang mga salitang

tumutukoy sa uri ng lupa na kinukonsidera ng magsasaka:

Hā.ńa.lòn. Png., Pnr: napakaitim na lupa. Kung gayon, masustansya at


mainam pagtaniman.
Hā.mòd.Png., Pnr: Lupa na mabato, iyong kung tawagin ay dalipe. Kung
gayon, hindi masustansya; hindi mainam pagtaniman.
Bā.ngág. Png. Pnr: Lupa na nagkabitak-bitak bunga ng matinding tag-init o

tagtuyot.

Ganito ang metaporikal na gamit ni Goldelino Chan sa binalaybay o tula niyang

“Dyang Gugma Nasiruman”9 (Salin 1: “Itong Pag-ibig Naabutan ng Dapithapon”,


Salin 2: “Pag-ibig sa Dapithapon”, Salin 3: “Napag-iwanang Pag-ibig”):

Dyang gugma nasiruman, madungan Itong pag-ibig sa dapithapon, sasabay


Rud lang sa pisngo kang bāngág Na lamang sa hikbi ng bāngág
Nga ginbayaan kang init nga nasuptan Na nilisan ng init na naipon
Kang adlawun. Ng tanghaling-tapat.
“Tigang na lupa” marahil ang pinakamalapit na katumbas ng bāngág sa Tagalog. Hindi
rin malayo ang kahulugan nito sa konteksto ng kasalukuyang kahulugan sa UP
Diksyunaryong Filipino na naglalarawan ng isang tao na may kakaibang pakiramdam
bunga ng narkotiko: ang bàngág. Kaya kailangang madagdag ang bago at iba ngunit
magkaug-nay na kahulugang ito mula sa Kinaray-a. Dinadala tayo ng bāngág sa
usapin ng global warming, ng pesticide, ng kakulangan sa irigasyon, ng kakulangan ng
kapital ng magsasaka para mapadami ang ani. Lamentasyon ng magsasaka ang
bāngág: ang masamang kondisyon ng lupa – hānalón man o hāmód - na nagdudulot
din, nagbabanta ng masamang kondisyon para sa kanya.

Kaya ang magsasaka ng Barasanan, hindi agad-agad sumusuong sa pagtatanim.


Tulad ng bagani ng ating mga epiko, pinapag-aralan nito ang kondisyon ng lupa at
galaw ng hangin. Nag-aalay rin ito ng ritwal para maseguro ang masaganang ani.
Naghahanda ito ng mga sangkap. Ito ang panûdlak.

10
Pa.nûd.lak. Png. Pnd: Ritwal bago ang pagbubungkal ng lupa at pagtatanim. Hal. 1)
Bago magtanim, maghanap ng kahoy na may tatlong sanga. Sabitan ito ng tatlong
botelya at ibaon sa unang idas o hanay ng nabungkal na lupa. Hal.2) Ibalot sa itim
na tela ang nabungi na ngipin ng kalabaw [na madalang kung mangyari, at kung
gayon, suwerte ka]. Ilagay ito sa tabig10 na may lamang binhi at itago sa labas ng
bahay, halimbawa, sa kamalig11. Hal.3) Sa pagsisimula ng pagtatanim, humarap sa
Silangan. Hal. 4) Kung may puno malapit sa bahay, hal.kawayan, magwalis sa
hapon bago ang pagtatanim. Sakaling marami ang nalagas na dahon
kinaumagahan, at kailangan uling magwalis, senyales ito na huwag ipagpatuloy ang
pagtatanim sa araw na iyon. Hal.5) Maghanda ng isang pumpon ng bignay at isang
puno ng tanglad. Isama rito ang suklay at krus na nabalot sa itim na tela at isabit ito
sa tagakan 12habang nagsasab-og o nagtatanim. Hal.6) Sa pag-aani, maglagay sa
tagakan ng konting ani at ilagay ito malapit sa krus at huwag na huwag mong kunin
hanggat hindi pa tapos ang pag-aani. Hal.7) Sa pagsubay13 ng palay, itumpok bago
linasin. Bago sumukob, itumpok ang lahat ng palay, maglagay ng krus at itak sa
magkabilang dulo ng amakan14, at lumuhod sa pagsukob ng palay at dahan-dahan
itong gawin.

Bilang isang kultural na paniniwala at gawain, dinadala tayo ng panûdlak sa isang


simbayotikong pakikipagrelasyon sa kapaligiran. Ang pagkalagas ng maraming
dahon tanda na huwag ipagpatuloy ang pagtatanim dahil nagbabadya ang galaw ng
hangin ng paparating na unos. Patunay rin ang panûdlak ng pagtatagpo ng
sinaunang paniniwala at ng relihiyong Katoliko: ang pagsanib sa/ng kanilang
puwersa para pagsilbihan ang nanampalataya, ang naniniwala – na mailayo ito sa
masamang espiritu at sa halip, magdala ng kasaganaan.

At ngayong naka-panûdlak na tayo, kailangan nang ihanda ang lupang

pagtaniman.

Búng.kag. Png., Pnd., Pnr: Unang proseso ng/sa pag-aararo para mabaklas ang
tigang na lupa. Hiligaynon din ito, tulad ng paglalarawan ni Uy-Griño. Imahen ito
ng paghiwa-hiwalay. Nabúbúngkág ang anumang nakatali, nakakapit, nakabung-
kos. Hal. buhok, pumpong ng mais, ng palay. Ang pagbúngkág ng lupa ay
pagbungkal upang mapatag ito at malinis. Ang pagbúngkág ng bagay na
nakabungkos ay paggamit nito. Malapit ito sa pagbaklas.

11
Ba.lís.kad. Png. Pnd. Pnr: Pangalawang pag-aararo para mapino ang nabúngkág
na tigang na lupa. Dito sinusuyod ng tao at kalabaw at araro ang mga ligaw na
damo. Dito nagkakalukso-lukso, nagkakabaliktad-liktad ang lupa at laman nito:
nadudurog hanggang sa lumitaw ang pino at kinis na bahagi at anyo.

Páng.gàs. Pnd: Ang pagsab-og ng binhi ng palay sa tigang na naararong lupa o


palayan. Sa kaso ng mais, ng mani, ng munggo at ng iba pang buto, ito ay ang
paglagay, paghasik isa-isa sa inidas o hanay na gawa ng pag-aararo, sa tulong ng
panungkod15, at pagtakip dito sa pamamagitan ng paa. Ang pagpánggàs ay
pagtanim na sumusuyod sa inidas. Ganito ka pisikal; ganito ka lapit ang tao at lupa
at sa kanilang pagitan, sa dulo ng mga daliri, ang binhi.

Ito rin ang kahulugan sa Hiligaynon, tulad ng nabanggit ni Uy-Griño at sa Cebuano,


tulad ng definisyon ni Alburo. Png: Tawag o tukoy din ito mismo sa binhi na itinanim,
na ngayon maaaring tumutubo na. Hal. “Kamusta ang pánggàs mo na
mais/palay/munggo?”

Lík.yad. Png. Mababaw na pag-araro matapos makapagpánggàs sa tuyong lupa o

palayan. Pnd. Líkyadun. Pnr. Nalíkyad. Iba ito sa kasalukuyang entri sa UP

Diksyunaryo, gayundin sa nahanap ni John Wolff sa A Dictionary of Cebuano-Visayan.

Bì.ná.tí. Png: Ito ang palayan na naararo na at napatubigan; handa na para taniman
ng palay. Dito, ang palay na tinutukoy ay iyong tumubo na – pánggàs – at nagabot na
o nabunot at ngayon, itatanim na, uli, sa bìnátíng ito. Pnr: Maputik, malapot.
Parang tsokolate na kulay itim, o abuhin. Dito na lumulusong para magtanim: ang

pamilyar na imahen ng “Ang Magtanim ay Di Biro.”

Ma.rín.hût. Png.Pnr: Palay na tumubong maliliit, madalang ang tubo o sibol at

arikutoy o malnourished.

Lí.nás. Png. Pnd: Proseso ng pag-aalis, paghihiwalay ng lamigas sa uhay nito sa


pamamagitan ng pagkiskis dito ng mga paa. Sayaw ng paa sa palay upang
magkahiwa-hiwalay ang mga butil nito. Naabutan ko ito noong bata. Tumulong kami
sa paglilinas. Masaya sa una ngunit kapag tumagal, isa itong mahirap na gawain –
parusa. Kaya kapag sinabi mong línasûn, may kaakibat itong bayolente na

12
imahen at kahulugan, lalo na kapag hindi na lamang palay ang linilinas kundi tao o

hayop.

Kapag nagmumura o galit o nagnanais maghiganti, gusto mong “línasûn” ang


mukha o ang buong katawan ng iyong kagalit, kalaban. Pwede rin itong pansigaw,
pangkantyaw sa mga laro tulad ng sabong, o dumog o wrestling: “Línasá!” Ibig
sabihin, talunin mo siya sa pagdudurog-durog dito lalo na sa paggamit ng paa,
tulad na naihiwalay ang mga butil ng palay sa tangkay nito’t sanga.

Inú.pòng. Png: Bugkos ng mga naani; komunidad ng mga inaning palay, partikular
sa kontesktong ito. Gayundin, dinadala tayo sa mga katulad na konsepto: angkan,
lipi, sanga, tangkay, kumpol, bugkos.

Lá.mí.gàs. Png: Butil ng palay, partikular ang malulusog o mabubuting uri. Ito rin

ang tawag sa mga butil ng legyumas.

Pì.nà.lín.pín. Png.Pnr: Ang palay na walang laman o maupa.

Süká. Png: Ang unang ani.

Lím.bûk. Png: Bigas na sinangag mula sa bagong ani na palay. Tradisyon

ang paglímbûk, kapag bagong ani, tanda ng pasasalamat.

“May linímbûk ka/kayo?” Ito ang karaniwan na pangangamusta. Isa rin itong
pagsubok, pagtikim sa kalidad ng bagong ani na palay. Higit sa límbûk, nariyan ang
paboritong kakanin na hìmúgó saan paglilímbûk ang unang proseso. Matapos ang
pagsangag ng bagong ani na palay, ang pagbayo nito (ngayon makina na) at ang
paghalo ng kalamay o asukal hanggang sa makuha ang tamang timpla at lasa. Ito
ang hìmúgó: espesyal na kakanin, may lagkit at nanam ng bagong ani na palay, lalo
na kapag bigas-malagkit.

Pásî. Png: Hindi nabalatan na bigas sa proseso ng pagbayo o pagpagaling.


Maituturing na ligaw na butil ng bigas kaya inihihiwalay o inaalis bago magsaing.
Pínàsí: pira-piraso, butil na hungkag o payat. Pnr: mababa o masamang kalidad ng
bigas.

13
Bināng.to. Png. Pnr: Sinangag na mais. Maaaring may mantika at asin. Maaaring
wala. Low-class o home-made na pop corn. Imahen ng gutom at kahirapan. Kaya
isa rin itong pang-uri.

Tanong: “Ano ang pagkain/ulam n’yo?” Sagot: “Bināngto.” Dahil walang pambili ng
ulam. Dahil kulang ang bigas; dahil kulang ang ani dahil ang ilang sako ng palay ay
kailangang ibayad sa nautangan ng kapital para sa binhi, abono at pagpagawa o
pagpatrabaho, o kailangang ibenta para pambayad sa tuition ng anak na nagkoko-
lehiyo. Kulang ang ani dahil hindi naman pagmamay-ari ng magsasaka ang
kanyang lupa, o kung pagmamay-ari man niya maliit lamang ito. Maaaring hindi pa
sa kanya, trabahador lamang siya, maliit pa. Bināngto ang pantawid sa pagitan ng
panahon sa pag-aani ng palay at mais. Bināngto: kanin na, ulam pa. Hanggat kaya
ng ngipin, ng bunganga na ngumuya.

Kaya hayaan n’yong magtapos ako sa linápwàhàn.

Lináp.wà.hàn. Png. Pnr: Tinola mula sa iba’t ibang gulay na karaniwang nakikita sa
likod-bahay o napipitas sa bukid: talbos ng kamote, sayote, malunggay,
alugbate, bulaklak ng katuray. Sa mga bulubunduking barangay ng Antique, isa
rin itong matingkad na imahen ng kahirapan. “Linápwàhàn lang.” Maaaring may
isda o hipon. Maaaring wala.

“Linápwàhàn gid (talaga).” Libre – nariyan lang ang mga gulay, at madaling lutuin.
Ngunit sa paglipas ng panahon, mula sa “linápwàhàn lang,” naging “may
linápwàhàn” na ang kadalasang maririnig sa mga kapitbahay. “May linápwàhàn:”
mayroong gulay, nariyan pa sa likod-bahay at/o sa bukid; maaaring libre pa o
mabibili na, ngunit sa mas mababang presyo sa palengke sa bayan.

“May linápwàhàn” – salamat! Muli itong paghigop ng lutong-bahay; paglasap ng


tubig na may asin at bagoong; pagnguya ng mga gulay para sa mabuting
kalusugan, sexy na pangangatawan, at paghaba ng buhay.

Kapansin-pansin na karamihan sa mga salitang napakilala ay mga pangngalan,


gayundin, pang-uri. Hindi magkaiba ang gamit nila bilang pangngalan at pang-uri, o
nag-o-overlap, kaya ang demand nito sa kaalaman sa konteksto, sa punto-de-bista

14
ng taga-loob. Makikita ito sa kaso ng bināngto, ng linàpwáhàn, ng marínhût, ng

hamòd, at iba pa. Ang pagiging pangngalan mismo nito ang naglalarawan sa uri nito at

kondisyon. Matingkad ang imaheng biswal: ang materyal at organikong buhay.

Ilan lamang ito sa mga salitang Kinaray-a na nakaugat sa proseso at pamumuhay


sa pagsasaka. Mahalaga silang maisama sa korpus ng wikang pambansa dahil:
1) Nariyan pa bilang mga buhay na salita, gawain, paniniwala na ginagamit ng iilan
na lamang, at yaon na lamang mga matatanda. Ang pagsinop at paggamit sa mga
salitang ito ay pagtanghal sa “kaluluwa ng lugar” na maaaring makapagbigay sa atin
ng gabay at direksyon para sa mga inisyatibong alternatibo at transisyonal sa usapin
ng pagbuo, muli at muli, ng mga komunidad.
2) Malapit ang pagkakatulad ng mga salitang naipakilala, kung hindi man talagang
katumbas ng mismo ring mga salita, sa Hiligaynon at Cebuano. Kung gayon, ang
identidad at integridad ng mga ito bilang mga salitang Bisaya. Mauunawaan ang
mga ito sa maraming probinsya sa kapuluan. Makakatulong din sa pagmamapa ng
inter-rehiyunal na pagkakaugnay-ugnay ng wika at pagkakatulad ng kultura. Baka pa
lang matugunan ang isang aspeto ng rehiyunalismo na naghihiwalay-walay sa atin,
at madagdagan ang paggatong sa pagiging pambansa ng tinataguyod nating
“pambansa” na wika, kultura, at identidad na Filipino.
3) Mapapayaman nito ang kasalukuyang kahulugan sa Tagalog, hal. sa kaso ng
bāngág.
4) Madadagdagan ang mga salitang pang-agrikultura sa diksyunaryo at maibalik
tayo, hindi sa romantisismo tungkol sa lupa at pagsasaka na kung susuyurin ang
kasaysayan, pinamumugaran ng naratibo ng pang-aagaw at pang-aalipin, kundi sa
reyalidad na nananatiling agrikultural ang malaking bahagi ng ating bansa, kahit pa
nagsusulputan ang mga mall at housing subdivisyon sa mga syudad sa labas ng
Manila. Kaalinsabay nito, ang pagpapaigting ng kamalayan, at kung maaari
pakikilahok sa mga isyu at kilos tungo sa pagkakaroon ng sariling lupa ng mga
magsasaka, pagdagdag ng pondo sa agrikultura at tamang paggamit nito, pagpigil
sa talamak na conversyon ng mga lupang sakahan para maging golf course at
distrito ng negosyo, at sa marami pang anyo ng komersyalisasyon na lalo lamang
nagpapahirap sa atin, dahil wala na tayong kontrol sa ating mga produkto.

15
“Pagapangumahon Mo Pa Bala ang Taramnanan, Totong? 16” “Sasakahin Mo Pa
Ba ang Palayan, Totong?” Nalimbag sa Ani noong 1991 ang binalaybay na ito ni
Jose Edison Tondares. Isang ama ang tagapagsalita, diretsang kinakausap ang
anak na lalaki:
dali, Totong halika, Totong
kantahi ako awitan mo ako
kantahi ako kang awitan mo ako ng
pagpamurukpok kang kalumbuyan pamumulaklak ng mga duhat
kang paghinuni kang mga at huni ng mga
maya kag tagwati. maya at tagwati.
nagaparamulak pa bala namumukadkad pa ba
ang mga marapait sa banglid? ang mga marapait sa burol?

Tinatanong ko muli ito ngayon, pagkalipas ng dalawang dekada. “Mabagal ang pera
sa lupa,” nailagay ko sa mga labi ng isa kong tauhan sa nobela kong Lumbay ng
Dila (C & E, 2010). “Pagapangumahon mo pa bala ang taramnanan, Toto/Nonoy/
Nene/Inday/Pangga?” Nagtapos ang binalaybay ni Tondares sa ganito: “pero sige
lang/indi ako pagsabta./sige kantahi ako/ang imong limug/mangin tarug kang tanan
nga kasabtanan./mal-am run ako, Totong/lantawa, sa indi magbuhay /magaharuk
run ang suksuk sa lupa./(pero sige lang/huwag mo akong sagutin./sige awitan mo
ako/ang iyong tinig/maging daluyan ng lahat ng kasagutan./matanda na ako,
Totong/tingnan mo, mamaya-maya lang/hahalik na ang butiki sa lupa.).

Ayaw kong ring magsalita para sa kabataan. Alam nating karamihan sa kanila
nagnanais at marahil nag-aaral na para maging nars, kahit pa resesyon na naman
sa Amerika at Europa at patuloy ang giyera sa mga bansang Muslim at sinasabi na
papatungong Silangang Asya na ngayon ang gahum. Matagal na ring nangawala
ang mga dalagang bukid, ayon sa batikang nobelista na si Amang Jun Cruz Reyes
sa kanyang Ang Huling Dalagang Bukid at ang Authobiography na Mali (Anvil,
2011). Isama na rin d’yan ang mga binatang bukid na tulad ng mga dalagang bukid,
mga mangagawa ngayon ng mundo – ang ating OFW.

Hayaan n’yong sagutin ko ito ng personal, at oo, bagaman at wala pa akong lupa na
titulado. Tulad ng nabanggit ko sa panimula, hindi bilang nostalgia, lalo pa at
nananatili ang equation: ang lupa=kahirapan, at ito ang kabalintunaan, nananatiling

16
lupa pa rin ang mababalikan natin, puwera na lamang sa mga bahaging nagbaba-
gong-anyo na ito dulot ng pagbabago sa global na klima at panahon. Hindi tulad ng
tubig, ng hangin, ng apoy, nariyan ang lupa na mahahakop ng mga palad at sa mga
dulo ng mga daliri, makakapagpunla ng mga bagong binhi. Pagkain.

Buhay.
Ito lamang sa ngayon ang aking maaalay, mga kaibigan. Wala pa akong sapat na
kasagutan sa mga naihain kong tanong sa panimula. Kailangan pang mai-ugat ang
meditasyon sa panahon at lunan. Kung mayroon mang sulpot, tubo, binhi, lalong hindi
ako sigurado sa gahum nito para maisalin sa isang praktikal na solusyon sa bāngág,
sa binángto, sa línàpwàhàn, sa hāmòd, sa pasí. Ito lamang: itong inùpóng, itong
lamígàs ng mga salita na sinusubukang ipànggàs sa hānàlón na wáyáng ng
pambansang wika at panulatan: itong pag-aambag, itong pagda-dagyaw. Heto ang
pagbùngkág, pagbalískad, paglíkyad, pagbatì, paglínàs para sa süká at paglím-
bük! Heto ang panüdlàk, mga kaibigan! Nawa ay ilayo tayo sa mga pìnàlinpín at
marínhût.

Duro gid nga salamat!

MGA TALA

1 Nasulat ang papel sa tulong ng mga sumusunod: Stephanie Joey Chua at Marian
Rios, mga research assistant; Faith L.Asenjo-Laurio, ang aking nakakatandang kapatid na
nag-email sa akin ng mga salita at sa aming tiyo na naging informant, si G.Orlando Nones,
at kay G.Junlee Saylo ng Public Information Office ng Antique sa San Jose. May maliit na
pondo mula sa College Research Fund ng College of Liberal Arts, De La Salle University-
Manila. Septyembre 2011.
2
Tinutukoy ko rito ang posibilidad ng social entrepreneurship, creative entrepreneurship,
micro-finance, maging ang mga pahina at grupo na nabubuo online, tulad sa Facebook.
Maaari ring tingnan ang binubuo kong espasyo online, ang http://balaysugidanun.com.
3
Opisyal na statistics mula sa Province of Antique Provincial Information Office. Na-email
noong Agosto 3, 2011 sa pamamagitan ni G.Junlee M.Saylo, Admin Officer IV, Provincial
Information Office <pio_antique@yahoo.com>.
4
“Lupa kag Baybay sa Pinggan,” ang pagsulat…bayi (Iloilo City: University of San Agustin
Press, 2006) 38.
5
Alex Delos Santos, ed. Maaram: Studies in Kinaray-a. (Iloilo City: Libro Agustino/
Paranubliun-Antique, 2003) 68-91.
6
“Ang Hiligaynon,” Ani 10, Leoncio P.Deriada, ed. (Manila: Sentrong Pangkultura ng
Pilipinas, 1989) 11.

17
7 Bulawan 2. 2001: 94-99.
8 DepEd Order No. 74, “Institutionalizing Mother Tongue-Based Multilingual Education
(MLE), Hulyo 14, 2009.
9
Edison Tondares, ed. Dag-on (San Jose, Antique: Paranubliun-Antique/Antique
Integrated Area Development Foundation, 1995) 48.
10
Panglagyan ng palay gawa sa kawayan.
11
Maliit na bahay-kubo, may iisang kuwarto. Halos lahat ng magsasaka may kamalig sa
bukid para pahingahan at imbakan ng karaniwang gamit sa pagsasaka, gayundin silong
kapag may malakas na ulan.
12
Isang uri ng imbakan gawa sa kawayan.
13
Ani na palay na nakalagay na sa sako (sack of rice). Binibilang ang ani sa kung ilang
sako. 14 Gawa sa kawayan saan binibilad ang bagong ani na palay.
15
Sanga ng kahoy o kawayan na gamit bilang gabay sa paghasik ng binhi o
16
buto. Leoncio P.Deriada, ed. Ani 1991:177.

MGA SANGGUNIAN

Alcantara, Ruby G. Diksyunaryong Hiligaynon-Filipino. Quezon City: UP Press,


1997.
Almario, Virgilio S. UP Diskyonaryong Filipino. Quezon City: Anvil Publishing Inc,
2001.
Alburo, Erlinda K. Dictionary of Bisayan Arts. Manila: NCCA, 2009.

de la Cruz, Roman. A Five-Language Dictionary (Panay Island): English, Tagalog,


Hiligaynon, Kinaray-a, Aklanon. Kalibo: Rock Publishing, 2003.
Uy-Griño, Elizabeth Yap. Diksyonaryo-Dictionary: Hiligaynon-English, English-
Hiligaynon. Iloilo City: Panorama Printing, Inc., 2005.
Wolff, John A. A Dictionary of Cebuano Visayan. Cornell University:
Philippine Journal of Linguistics, 1972.

18

You might also like