You are on page 1of 3

Buod ng Way Back Home

Mga bata pa ang tatlong anak ng mag-asawang Santiago sina Jess, Jessicaat ang
bunsong si Joanna. Nagbabakasyon silang pamilya sa Pawikan Cove Beach Resort
sa Batangas nang biglang sumama ang pakiramdam ng panganaynilang anak na
lalaki na si Jess. Nagsusuka ito kaya naman umalis atnaghanap ng doctor ang
kanilang ama na si Ariel. Habang si Amy naman aybinabantayan ang may sakit na
anak. Habang si Jessica naman ang binilinan ngkanyang magulang sa pagbantay sa
nakababatang kapatid na si Joanna.Sinabihan na sila na huwag na lumayo at
hintayin ang kanilang ama ngunitdahil sa gusto nilang makita ang mga pawikan na
papunta sa dagat, umalis atnagpunta sa mga pawikan ang magkapatid kasama ang
iba pang mga bata. Sa sobrang pagkaaliw ni Jessica sa pawikan hindi na niya
namalayan na hindi napala niya kasama si Joanna. Doon na nagsimula ang
problema ng pamilyaSantiago. Nawala ang bunsong anak na si Joanna.Si Joanna
ay napunta sa ibang pamilya. Siya ay magalang at mabait naanak na kinupkop ni
Lerma. Ana ang tawag nito sa kanyang anak. Kinamulatanna din ni Ana ang
kinikilala niyang pamilya. Nakatira sila sa tabing dagat, kungsaan nagbebenta siya
ng daing at ang kanyang ina naman ay ume-extra satrabaho para pandag-dag ng
gastos sa kanila araw-araw. Patay na angkinikilalang ama ni Ana, mayroon siyang
dalawang kapatid, si Junior at si Buboy na ubod ng taba. Si Ana ay mahusay na
swimmer sa kanilang paaralan,hindi mahalaga ang mga bagay sa kanya ang
mahalaga sa kanya ay angpamilya. Mayroong matalik na kaibigan si Ana, ito ay si
Michael. Bata pa lamang sila ay magkaibigan na sila. Si Michael ay may lihim na
pagtingin kay Ana. Hindi naman ito napansin agad ni Ana dahil matalik na
magkaibiganlamang sila. Malayong malayo ang buhay ni Ana/Joanna sa kapatid na
siJessica. Si Jessica ay nakatira sa malaking bahay, nakakakain ng masasarap
napagkain, pumapasok sa maganda at mamahaling paaralan na kung saan sikatna
sikat si Jessica sa kanilang paaralan. Pumapangalawa siya sa pagiging top sa
kanilang batch, at isa din siyang magaling na swimmer. Maliban sa mgababaeng
kaibigan ni Jessica, siya ay may kababatang kaibigan na kaklase dinniya. Siya ay si
Aj, dating nagtapat ng pag-ibig sa kanyang ngunit binaliwala niya dahil narin sa
problema pinagdadaanan niya. Sa kabila ng tinatamasa ng kaginhawaan sa buhay
ng dalagang si Jessica, ang atensyon at pagmamahal ngkanyang ina ang hindi niya
makuha simula ng mawala si Joanna sa kanilang pamilya. Iniisip niya siya ang
sinisisi ng kanyang ina na si Amy sa pagkawalang kanyang kapatid.Halos labing
dalawang taon na nakalipas ng mawala si Joanna sa kanilangpamilya. Hindi parin
makalimutan ni Amy ang kanyang bunsong anak, kayanaman naapektohan din ang
pagsasama ng pamilya Santiago sa loob ngkanilang tahanan.Dumating ang araw ng
swimming competition na kung saan naglaban-laban ang iba’t-ibang school. Isa sa
mga kalahok ay si Ana, hindi inaasahang makakatunggali niya ang kanya kapatid
na si Jessica. Sa sobrang kaba nanararamdaman ni Ana sa kompetisyon, bago
nagsimula ang laban nag paalam muna itong pumunta sa banyo. Sa hindi
inaasahang pangyayari ay nagtagpoang landas nila ng tunay niyang ina na si Amy
na kasalukuyan ding nasa loobng banyo. Nang marinig ni Amy ang kantang
kanyang itinuro sa anak,naramdaman niya ang lukso ng dugo ng isang ina sa
kanyang anak. Nagsimulana ang paligsahan at nanalo si Ana, nalungkot naman si
Jessica sa pagkataloniya dahil pumangalawa lamang siya kay Ana. Habang nasa
labas sila Ariel, Amy at Jess para salubungin si Jessica si Amy naman ay
inaabangan ang palabas ni Ana. Hindi na matandaan ni Joanna ang tunay niyang
pamilya at hindi niya alam na hindi siya tunay na anak ng kinikilala niyang nanay.
Ngunit dumating ang tamang panahon at bumalik din si Joanna sa tunay niyang
pamilya. Sa kanyang pagbalik, mas tumindi ang galit ni Jessica at sinisi si Joanna
sa lahat ng nangyari. Mas lumayo ang loob ng nanay nila kay Jessica. Nagpatuloy
ito hanggang sa retreat nila kung saan may masamang nangyari kung saan nalaman
ng nanay nila na sa kakahanap niya kay Joanna ay nalimutan na niya si Jessica. Si
Jessica ang tunay na nawala. Hindi niya naramdaman ang pagmamahal ng isang
ina sa 12 na taong nakalipas. Bumalik si Joanna sa kumupkop sa kanya at
sinabihan ang tunay niyang nanay na ayusin muna ang relasyon nilang mag ina ni
Jessica. Makatapos ng lahat, pinuntahan nila si Joanna muli at nagsama sama na
silang lahat.
Suliranin at Paghahanap ng Solusyon
 Itinatampok sa pelikula ang mga pakikibaka at hamon na kanilang hinarap
habang sinubukan nilang muling kumonekta sa isa’t isa at sa kanilang mga
pamilya.Isa sa mga pangunahing tema ng pelikula ay ang kahalagahan ng
pamilya. Ipinapakita nito kung paano malalampasan ng pagmamahal,
pagpapatawad, at pag-unawa kahit ang pinakamahihirap na sitwasyon.
Itinampok din ng mga tauhan sa pelikula ang malupit na katotohanang
kinakaharap ng maraming Pilipino tulad ng kahirapan, kawalan ng
edukasyon, at limitadong pagkakataon. Ang pelikula ay nagpapakita ng
ilang mga problema na nangangailangan ng mga solusyon tulad ng pag-
abandona ng bata,at sirang pamilya. Ang mga isyung ito ay laganap sa
lipunang Pilipino at nangangailangan ng sama-samang pagsisikap upang
matugunan ang mga ito. Ang “Way Back Home” ay nagsisilbing paalala na
ang pamilya ang lahat at gaano man kalayo ang pagitan natin sa ating mga
mahal sa buhay, laging may pag-asa para sa pagkakasundo. Nanawagan din
ito ng aksyon tungo sa paghahanap ng mga solusyon sa mga suliraning
panlipunan na nakakaapekto sa maraming pamilyang Pilipino ngayon.

You might also like