You are on page 1of 1

LAHING KAYUMANGGI

Ako, ikaw at saka siya


Kami, kayo at maging sila,
Lahat tayo ay magkakasama
Dugong taglay natin ay maharlika.

Magkakaiba man ang mga sayaw at awit natin,


Kanya-kanya man tayo ng istilo sa sining,
At ang lahat ay may ibat ibang salitang angkin,
Tayo ay pinagbubuklod ng iisang adhikain

Magkakaiba man tayo ng tinitirhang isla,


Bayang minamahal ay iisa;
Magkakaiba man tayo ng kultura,
Pagiging makabayan natin ay di nawawala.

Mabilis mang lumipas ang panahon,


Relihiyon at Sining sa puso natin laging naroon,
Tayo ay nananatiling nananalig sa Poon;
Sa anumang pagsubok laging handang bumangon.

You might also like