You are on page 1of 7

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN

Sa BAITANG 4

l. Layunin :
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) Matukoy ang pagkakaiba ng Kulturang materyal sa kulturang di materyal.
b) Naipagpapatuloy ang kawilihan sa pakikinig at pagbabasa ng mga kulturang
material at di materyal.
c) Nakapagiipon ng mga bagay o dokumento na halimbawa ng kulturang material
at di materyal.

ll. Paksang aralin


A. Paksa: Kultura, Materyal at Di-materyal na kultura
B. Sanggunian: Deped module for KTO12,
C. Kagamitan : Laptop, Projector, Mga larawan, manila paper.

lll. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang Umaga mga bata! *Magandang Umaga din po ma’am

2. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa ating panalangin.
*Sa ngalan ng Ama, Anak at espirito santo,
*Sa ngalan ng Ama, Anak at espirito santo, Amen.
Amen.
3. Awit
Ating awitin ang kantang :

May tatlong bibe akong nakita Mataba May tatlong bibe akong nakita Mataba
mapayat mga bibe. Ngunit ang may pakpak mapayat mga bibe. Ngunit ang may pakpak
Sa likod na iisa Sa likod na iisa

Siya ang lider na nagsabi ng Siya ang lider na nagsabi ng


Kwak, kwak Kwak, kwak

Kwak, kwak, kwak (2x) Kwak, kwak, kwak (2x)


Siya ang lider na nagsabi ng Siya ang lider na nagsabi ng
Kwak, kwak Kwak, kwak
4. Pagtala ng nagliban
Mga bata mayroon bang nagliban sainyo? *wala po ma’am

5. Pagwasto ng takdang aralin


Bago tayo mag simula , Nagawa niyo ba an
gating takdang-aralin?

Paki pasa sa harap ang inyong mga ginawang


takdang-aralin.

6. Balik-aral
Bago ang lahat ,ano nga mga bata ang ating *ang ating aralin po ay tungkol sa probinsya
nakaraang aralin? at kung saang relihiyon ito makikita.

Tama! Magaling mga bata.

Ngayon na tapos na nating suriin ang ating


nakaraang aralin, magpapatuloy na tayo sa
ating bagong paksa.

B. Panlinang na Gawain
1. Pag ganyak
Ngayon mga bata may ipapakita akong mga
larawan at sabihin niyo kung ano ito.

Sa unang larawan ano kaya ang ginagawa ng bata? *Ang bata po ay nag mamano sa lola.
Sa Pangalawang larawan ano kaya ang ginagawa *Ang mga tao po ay nag tutulong tulong sa
ng mga tao? madaling salita nag babayanihan.

Sa huling larawan ano kaya ang gingawa ng lalaki? *Naghaharana po ma’am

Tama mga bata!

2. Paglalahad
Ngayon mga bata may ipapakita akong mga letra
at isipin kung ano ang pwedeng mabuong salita
mula ditto.

U T R A
*KULTURA po ma’am

L K U

L A Y R
*Materyal po ma’am
E T A M
L Y E A D *Di-Materyal po ma’am

A R T I M

Tama! Magaling mga bata.

Dumako na tayo sa ating aralin.

3. Pagtatalakay
Ang ating aralin sa araw na ito ay tungkol sa
Kultura at ang dalawang uri nito.

Ano nga ba ang kultura? *Nagsisilbing pagkakakilamnlan ng isang


lugar.
Ang kultura ay ang kabuuan ng pinagsama-samang
pananaw ng mga tao sa kanilang lipunan.

Ang kultura ay nagsisilbi ring pagkakakilanlan ng


isang lugar. Nabubuo ang kultura upang tugunan
ang mga pangangailangan ng mga indibidwal sa
isang partikular na lugar.

MAY DALAWANG URI ANG KULTURA ITO AY ANG


MATERYAL AT DI-MATERYAL NA KULTURA.

Ang MATERYAL NA KULTURA


- ay mga bagay na makikita mo sa iyong paligid. Ito
ay mga bagay na nilikha at iyong nahahawakan.

Halimbawa nito ay mga gusali o arkitektura, mga


likhang sining, mga kasuotan, kagamitan, at iba
pa.

Ang DI-MATERYAL NA KULTURA naman ay


- bagay na hindi nahahawakan ngunit maaring
maramdaman o iyong maobserbahan sa iyong
paligid. Kabilang dito ang mga ideya, paniniwala,
batas, mga kaugalian, at norms ng isang lupon ng
mga tao.
Halimbawa sa di-materyal na kultura ay ang
paniniwala ng isang tribo sa mga anito o
sinasabing diyos-diyosan, awit, sayaw, sining at
panitikan, mga tradisyon, kaugalian, paniniwala,
saloobin, edukasyon, pagpapahalaga,
pamahalaan at iba pa.

Na intindihan ba mga bata? *Opo ma’am

4. Paglalapat
Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain. Hahatiin ko kayo sa tatlong
pangkat .

Bawat pangkat ay bibigyan ko nga mga larawan at


tutukuyin ninyo kung ito ba ay material o di-
materyal na kultura.

Bago tayo magsagawa n gating pangkatang


Gawain ano-ano nga ang mga kailangan nating
tandaan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain? *tumulong sa pangkat

Ano pa mga bata? *Huwag aalis sa pangkat habang


nagsasagawa ng gawain.

Tama! Ngayon pumili kayo ng inyong liderat


umpisahan na natin an gating Gawain.

5. Paglalahat
Ngayon ay balikan muli natin an gating aralin.

Ano nga ulit ang ibig sabihin ng kultura? * Ang kultura ay ang kabuuan ng pinagsama-
samang pananaw ng mga tao sa kanilang
lipunan po ma’am.
Tama, magaling mga bata!

Ano naman ang material na kultura? * ay mga bagay na makikita mo sa iyong


paligid. Ito ay mga bagay na nilikha at iyong
nahahawakan po ma’am.

Tama at ano ano ang mga halimbawa nito? * mga gusali o arkitektura, mga likhang
sining, mga kasuotan, kagamitan, at iba pa.
Magaling, tama po mga bata.

Ano naman ang Di-Materyal na kultura? * bagay na hindi nahahawakan ngunit


maaring maramdaman o iyong
maobserbahan sa iyong paligid po ma’am.

Tama mga bata!

Ano ano naman ang halimbawa ng di material na * paniniwala ng isang tribo sa mga anito o
kultura? sinasabing diyos-diyosan, awit , sayaw

Magaling! Tama po mga bata!

IV. Pagtataya
Ang mga mag aaral ay magkakaroon ng aktibidad na
pagtukoy ng mga kagamitan sa loob ng paaralan.

Ang mga mag-aaral ay sasagutan ang mga katanungan mula


sa worksheet naibibigay sa kanilang kanila ng guro.

Pangalan:____________________
Petsa_______________
Baitang at Pangkat:____________

Direksyon: Basahin ng mabuti ang mga katanungan, at


bilogan ang tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng kulturang materyal


maliban sa isa. Alin ito?

a. Aparador
b. Baul
c. Lamesa
d. Sayaw

2.Ito ay isang uri ng kultura na maaari mong hawakan at


makita.

a. Kulturang Materyal
b. Kulturang di materyal
c. Kultura
3. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng kulturang di
materyal.

a. Sayaw
b. Baul
c. Aparador
d. Lamesa

4. Ito ay tumutukoy sa kabuuan ng pinagsama-samang


pananaw ng mga tao sa kanilang lipunan..

a. Kultura
b. Kulturang materyal
c. Kulturang di materyal

5. Ilan ang uri ng kultura?


Mga Sagot:
a. 1 1. A.
b. 2 2. A.
c. 3 3. A.
d. 4 4. A.
5. B.

V.Gawaing Bahay

Humanap ng mga litratong maaaring halimbawa ng


kulturang materyal at di materyal. Gupitin ito at ilagay
sa malinis na papel.

Inihanda ni:
Jocelyn Ll. Miranda
BEED II BLOCK 3

You might also like