You are on page 1of 3

Banghay Aralin Para sa ika-apat na baitang

I. Layunin

Sa loob ng 60 minuto ang mga mag aaral ay inaasahang:

a. Ang mga mag-aaral ay inaasahang matutukoy ang mga elemento ng


pabula.
b. Ang mga mag-aaral ay inaasahang Nakasasagot sa mga tanong tungkol
sa kwentong napakinggan
c. naibibigay ng malinaw ang mahalagang detalyeng ipinahihiwatig ng
kwento
II. Paksang Aralin: Mga Elemento ng Pabula

“Ang Kuneho at ang Pagong ” author at pahina

Kagamitan: Cartolina, Clipboard, Mga Larawan ng hayop, malaking libro


Pagpapahalaga: Ang pagsisikap ay ginagantimpalaan at ang pabaya ay
pinarurusahan
Estratehiya: Masining na pagkukwento
III. Pamamaraan
a. Panimulang gawain
- Pambungad na panalangin
-Pagtukoy sa liban sa klase
-pag sasaayos sa klase

b. Pagganyak
i. May bagay na ipapasa-pasa kasabay sa saliw ng musika, at kapag
ito’y huminto, ang estudyanteng may hawak ng bagay na iyon ay
tatanungin patungkol nakaraang leksyon.
ii. Itanong sa Klase kung anong hayop ang nakikita/naririnig nila.
iii. Sino-sino ang mahilig sa hayop
iv. Sino- sino ang mahilig makinig ng kwento
v. Itanong kung alam nila ang Pabula
vi. Ipakita ang malaking libro habang nagkukwento kasabay ang mga
boses ng tauhan.
vii. Magtanong ng mga bagay tungkol sa kwentong narinig.
C. Paglalahad
Koneksyon ng pagganyak sa paksa

D. Pagtalakay sa paksa

Pabula - Ang karaniwang pabula ay kuwento kung saan mga hayop ang gumaganap
at ang mga hayop na ito ay kumikilos at nagsasalita na tulad ng tao. 

Madalas na inilalarawan ng pabula ang dalawang hayop na may magkaibang ugali


at nagwawakas ang kuwento na nagwawagi ang may mabuting ugali. Nag-iiwan ito
ng aral sa mambabasa. 

Ang pabula ay tumutukoy sa pang-araw-araw na buhay sa daigdig (maliban sa


pagsasalita ng mga hayop). Sa pabula, ang mga suliranin ay nilulutas hindi ng mga
kababalaghan, na tulad ng mga kuwentong engkantada, kundi sa pamamagitan ng
mapanusong paraan, paghahanda, o sa pamamagitan ng matalinong gawa na
katulad ng tao sa kanilang paglutas ng suliranin. 

Sa pabulang “Ang Kuneho at Pagong”,  naunahan ng pagong ang kuneho dahil sa


kanyang matiyaga at patuloy na paglalakad. 

Ipaliwanag ang mga iba’t-ibang element ng Pabula.

i. Pamagat -tumutukoy sa pamagat ng kwento


ii. Tauhan - ay mga hayop o mga bagay na walang buhay na
gumaganap sa kwento. 
iii. Tagpuan - ito ay lugar kung saan nagtatagpo ang mga tauhan. 
iv. Banghay – sunod-sunod na pangyayari ng kwento
v. Aral ng kwento - ito ay ang mga magandang aral na ating
mapupulot sa pagbabasa ng mga pabula.

E. Paglalagom/Paglalahat- feedback
c. Ano ang Pabula
d. Ano ang mga gumaganap sa isang Pabula
e. Anu-ano ang mga elemento ng Pabula

F. Pagtataya

Itapat o idikit ang mga mabubunot na salita batay sa kung anong uri ng elemeto
ng pabula sila na aangkop.

Pamagat Tauhan Tagpuan

Banghay Aral ng kwento

IV. Takdang Aralin- date ofdealine, author, book and page.

Magbasa ng isang uri ng pabulang gusting gusto mo. Suriin ang mga
elemento ng pabula at ipaliwanag ang aral ng kwntong nabasa.

You might also like