You are on page 1of 3

 

5/19/2018 Ang Le on a t Ang Da ga (Isa ng Pa bula ) - slide pdf.c om

Ang Leon at ang Daga


(Isang Pabula)
May isang Leyong mahimbing na natutulog sa ilalim ng puno nang may lumapit ditong isang Daga.
Inakala ng Daga na tuyong damo ang buhok ng leyon kaya kinutkut-kutkot niya ito. Nagising ang

Hari ng kagubatan at mabilis na umiktad at dumamba-damba na ikinahulog ng pobreng Daga. Dali-


daling sinakmal ng matutulis na kuko ng Leyon ang gumambala sa kaniyang pagtulog.

"Pa... patawarin ninyo ako,


mahal na Hari. Hindi ko
sinasadya ang paggambala
sa inyong pagtulog. Marami
po ang mga anak ko na
dapat pakainin. ung

mapapalaya ninyo ako ay


tatanawin ko itong
malaking pagkakautang.
Makakabayad din po ako sa
inyo sa hinaharap."

"Hindi man lang ako


mabubusog kung kakainin
kita. !ige, makalalaya ka na"

Isang araw ay makikitang paikut-ikot sa gubat ang Leyon. Naghahanap siya ng pagkain sa
pananghalian. Nang matanawan ang nakabiting inihaw na tapa ng #sa sa isang puno ng akasya ay
dali-dali itong nagtatakbo. !a kasamaang palad, bitag pala iyon ng mga mangangaso.

Nakulong sa makakapal na lubid ang Hari ng kagubatan. Hindi siya makawala sa bitag. Pinilit
niyang magdadamba pero napatali pati mga paa niya. $alang nagawa ang lakas ng Hari.

Nagkataong nagdaraan ng tanghaling iyon ang Daga kasama ang kaniyang mga anak. Naisip ng
Inang Daga ito ang oras na kailangang bayaran niya ang pinagkakautangan ng buhay.

Dali-daling lumapit ang Daga at pinagngangatngat ang makapal na lubid sa paa ng Leyon. Inutusan
niya ang mga anak na ngatngatin naman ng mga ito ang makakapal na lubid sa ulunan ng Hari. !a
tulung-tulong na pagkagat sa mga lubid ay napalaya ng mga Daga ang Leyon.

"Dati-rati ay minaliit ko ang katauhan mo," pagpapakumbaba ng Leyon.

"%otoo nga pala na kung may malalaking nakakatulong sa maliliit ay makatutulong din ang maliliit
sa isang higanteng katulad ko."

Naging matalik na magkaibigan ang Daga at ang Leyon magmula noon.

&ral' May maliit na nakapupuwing.

http://slide pdf.c om/re a de r/full/a ng-le on-a t-a ng-da ga -isa ng-pa bula 1/3
 

5/19/2018 Ang Le on a t Ang Da ga (Isa ng Pa bula ) - slide pdf.c om

Ang Madaldal na Pagong (Isang Pabula) 


Isang umagang maganda ang panahon ay nagkita-kita ang magkakaibigan sa
sapa, !ina Inang gansa, &mang gansa at Madaldal na pagong. !ila*y
nagkwentuhan ng kung anu-anong bagay hanggang sa magpaalam ang dalawang
gansa na sila*y uuwi na.

Naisipan ng Pagong na nais niyang


sumama sa tahanan ng mga gansa. +akit
hindi ninyo ako isama sa inyong tahanan
Nais kong sumama
+Ngunit wala kang pakpak Pagong. Paano

ka makakalipad papunta sa aming


tahanan sabi ni Inang /ansa.
Nag-isip ang tatlo ng paraan kung paano
makakasama si Madaldal na Pagong.
+&lam ko na sabi ni &mang Pagong.
+ukuha tayo ng kahoy na maari nating kagating tatlo. akagatin namin ni
Inang gansa ang magkabilang dulo at ikaw ay kakagat sa bandang gitna at
sabay kaming lilipad. !a ganoong paraan ay makapupunta ka sa aming tahanan.
Ngunit lagi mong tatandaan, huwag na huwag kang magsasalita kundi ika*y
mahuhulog sa lupa.
+Pangako, tatandaan ko anang Pagong.
Napangiti si Pagong sa ideya at dali-daling humanap ng kahoy. Maya-maya pa
ay lumipad na ang dalawang gansa bitbit ang madaldal na Pagong.
Labis na natuwa ang Pagong dahil sa bagong tanawin na kanyang nakikita..
Maya-maya ay nagtumpukan ang mga bata sa ibaba at sinisigaw ang kanilang
pagkamangha sa nakikita.
+&ng galing ng Pagong !iya*y lumilipad &ng galing sigaw ng mga bata.
Labis na natuwa ang Pagong at naisipan niyang magyabang sa mga bata.

+&ko ang Dakilang Pago0+

Hindi na naituloy ng pagong ang kanyang sasabihin dahil nahulog siya mula sa
pagkakakagat sa kahoy. Lumagpak siya sa lupa at sising-sisi,dahil sa
pagmamayabang ay nahulog siya at di nakasama sa mag-asawang gansa.
&ral' &ng Pangako ay dapat tinutupad. ahit na anong tagumpay mo, kung
paiiralin mo ang kayabangan ay wala kang mararating.

http://slide pdf.c om/re a de r/full/a ng-le on-a t-a ng-da ga -isa ng-pa bula 2/3
5/19/2018 Ang Le on a t Ang Da ga (Isa ng Pa bula ) - slide pdf.c om

http://slide pdf.c om/re a de r/full/a ng-le on-a t-a ng-da ga -isa ng-pa bula 3/3

You might also like