You are on page 1of 5

TAMBALANG SALITA

- Mga salitang kapag pinagsama ay nagkakaroon ng bagong


kahulugan na iba sa dating kahulogan.
HALIMBAWA:
bahay+ kubo = bahay-kubi
kapit + tuko = kapit-tuko
takip + silim = takip-silim
kapit + bahay = kapitbahay
balik + bayan = balikbayan
Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng tambalang salita sa
Hanay A. Isulat ang letra sa bakante linya bago ang numero.
A B
_______1. kapit-tuko a. Taong galing sa ibang bansa
_______2. bahay-kubo b. Taong kalapit ang bahay
_______3. takip-silim c. Papalubog na ang araw
_______4. kapitbahay d. Bahay na yari sa kubo
_______5. Balik-bayan e. Mahigpit ang pagkakakapit
Takdang Aralin: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng
tambalang salita sa Hanay A. Isulat ang letra sa bakante
linya bago ang numero.
A B
d
_______1. nakaw-tingin a. madaling makakuha ng pansin
c
_______2. patay-gutom o atensiyon
e
_______3. hating-gabi b. Sintonado o wala sa tono
a
_______4. agaw-pansin c. Palaging gutom o matakaw
b
_______5. boses-palaka d. Pagsulyap sa isang tao na hindi
niya nalalaman
e. Pagitan ng gabi at madaling araw
Pagsasanay: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng
tambalang salita sa Hanay A. Isulat ang letra sa bakante
linya bago ang numero.
A B
_______1. palo-sebo a. Pinuno ng mga guro sa paaralan
_______2. dalagang bukid b. babaeng laki sa bukid
_______3. silid-aralan c. pook na pinag-aaralan
_______4. punong guro d. utusan
_______5. alilang kanin e. isang larong pinoy
Bilogan ang tambalang salita sa bawat pangungusap.
Halimbawa: Ang mag kapit-bahay ay kapit-bisig na
nagtutulungan sa komunidad.
1. Ang Nanay ni Susan ay isang balik-bayan mula Saudi.
2. Si Tatay Roman ay hating-gabi na nang umuwi.
3. Magaling sumayaw si Lisa ngunit boses-palaka siya
kapag umaawit.
4. Nahuli ko si Anton na nakaw-tingin sa ate kong si Tina.
5. Mahilig bumili ng isdang matang-baka si Nanay lalo na
kapag ito ay sariwa.

You might also like