Professional Documents
Culture Documents
Halimbawa:
Isang araw ay naisipan niyang kumimpal ng lupa upang gawing mga tao, sa
gayon ay malulunasan ang kanyang mga kalungkutan. Iniluto niya sa hurno ang
lupang kanyang ginawa. Sa hindi malamang sanhi ay nakalingatan niya ito,
kaya’t nang kanyang buksan ay maitim at sunog. Ang lumabas na sunog ay
naging nuno ng mga Negro at Ita. Hindi nasiyahan si Bathala sa una niyang
pagsubok. Kumuha uli siya ng lupa at hinubog na anyong tao at isinilid sa hurno.
Sa takot niyang ito’y masunog tulad ng una, hinango agad sa kalan. Ang
lumabas ngayon ay hilaw at maputi. Muling humubog si Bathala ng lupa at iniluto
sa hurno. Palibhasa’y ikatlo na niyang pagsubok ito, hindi napaaga ni napahuli
ang pagkakahango niya sa pugon. Hustong-husto ang pagkakaluto ngayon at
katamtaman ang kulay. Ito ang pinagmulan ng lahing kayumanggi na
kinabibilangan natin.
Pinigilan ng prinsesa ang mga kamay ng prinsipe. Hindi niya mabatang lisanin
siya ng kanyang minamahal. Sa kanilang paghahatakan, biglang nawala ang
prinsipe at naiwan sa mga palad ng dalaga ang dalawa niyang kamay. Natakot
ang prinsesa, kaya patakbong nagtungo sa isang dako ng kanyang halamanan
at ibinaon ang mga kamay.
Alamat ng Macopa
Noong mga unang taon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sinasabing
tahimik at maligayang namumuhay ang mga tao sa isang nayon sa Kailokohan.
Madaling naihasik ng mga Kastila ang Kritiyanismo sa nayong yaon sapagkat
ang mga mamamayan at mababait at masunurin. Kilala rin sila sa kasipagan at
pagkamadasalin.
Ganyan na lamang ang pagmamahal at pag-iingat ng mga tao roon sa gintong
kampana sapagkat nananalig silang sa kampanang yaon nakasalalay ang takbo
ng kanilang pamumuhay. Nagsisilbi yaong inspirasyon nila sa buhay. Lalo silang
nagsisikap na mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Ang kampanang ginto ay naging sagrado at napakahalaga sa mga mamamayan,
naging laging usap-usapan hanggang mabalitaan ng masasamang loob sa isang
malayong pook. Nais din nila ang kasaganaan, kaya’t hinangad nilang
mapasakanila ang kampana. Lihim silang bumalangkas ng kaparaanan.
Nalaman nilang sa itaas ng simbahan nakalagay ang kampana. Isang gabing
madilim ay nagsipaghanda sila at sandatahang tinungo ang pook ng simbahan.
Mangyari na ang mangyari, pilit nilang kukunin ang kampana.
Sa kabutihang-palad, may nakapagbalita naman sa mga pari sa napipintong
panloloob sa simbahan. Nalaman nilang ang kampana ay nanakawin kaya’t
buong ingat nila iton ibinaba at lihim na ibinaon. Ipagsasanggalang nila ito
anuman ang kanilang sapitin!
Nang dumating ang masasamang loob ay hindi na nila nakita ang kampanang
ginto. Laking galit nila! Dahil sa pagkabigo, pinagpapatay nilang lahat ang nasa
simbahan sapagkat ayaw magtapat sa kinaroroonan ng kampana.
Anong lungkot sa taong bayan kinabukasan! Patay lahat ang mga tao sa
simbahan – ang mga pari, sakristan at ilang mga tauhan ! Wala ang kampana at
walang nakakaalam kung saan ito naroroon.
Inasikaso ng taong bayan ang mga bangkay ng nasawi at inilibing ang mga iyon
nang buong dangal.
Mula noon, ang tagingting ng kampana ay hindi na narinig sa nayong naturan.
Nalungkot na ang mga tao at nawalan na sila ng sigla at pag-asa. Tinamad na rin
sila at natuyo ang kanilang pananim. Umunti na ng umunti ang kanilang ani at
mga alagang hayop.
Lumipas ang maraming taon at ang tungkol sa kampana ay nalimot na ng mga
tao. Nangamatay na ang matatandang nakakaalam sa kasaysayan ng
kampanang ginto at ang mga kabataan nama’y wala nang nalalaman tungkol
doon.
Sa loob ng bakuran ng simbahan ay may tumubong isang punong di pa kilala ng
mga tao. Ito’y nagbunga ng hugis kampana, makikislap na pula ang labas at
maputing parang bulak ang laman. Sapagkat nasa bakuran ng simbahan, ang
mga bunga’y sa gintong kopa sa simbahan naihambing ng mga tao.
“Parang kopa!” ang sabi ng ilan.
“Maraming kopa!” ang bulalas naman ng marami.
Simula noon, kung tawagin ng mga tao ang pook simbahan ay sinasabing, :Doon
sa maraming kopa, doon sa makopa.”
Nang matagalan, ang puno ay nakilala na sa tawag na makopa.
Ang Alamat ng Pinya
Si Pinya ay magandang batang babae. Lumaki sa laya si Pinya dahil kaikaisang
anak siya. Isang araw, ang ina ni Pinya ay may sakit. Hiniling niya kay Pinya na
magluto ng lugaw para sa kanya. Hindi makita ng batang laki sa layaw ang
sandok. Nagalit ang kanyang ina dahil ang kanyang anak ay tamad at hindi
gumagamit ng mga mata niya. Sabi niya, “Umaasa ako na magkaroon ka ng
isang libong mata!” Naging tahimik ang bahay. Noong mas magaling na siya,
bumaba siya. Wala si Pinya. Isang araw, naglilinis siya ng bakuran at nakakita
siya ng hindi kilalang prutas na dilaw. Mayroon isang libong mata ang prutas.
Sinumpa niya ang kanyang anak. Ngayon, ang prutas na may isang libong mata
ay tinatawag na Pinya.