You are on page 1of 5

Ang Dalawang Anghel

(Buod)

Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang anghel na naglalakbay at


nag balat-kayo bilang tao. Bagama’t ay ginabi na sila sa paglalakbay, ay
naghanap sila ng matutuluyan .Sa paglalakad ay nakakita sila ng bahay at
kumatok, pinagbuksan naman sila ng isang matandang sa wangis pa lamang
ay mapaghahalataan na itong mayaman. Ang dalawang anghel ay naki-usap
kung maaari ba silang tumuloy, tiningnan sila ng matanda ng may pag-
aalinlangan at pinapasok na lamang silang dalawa, ngunit hindi na nag abala
ang matanda na bigyan sila ng pagkain, sa halip ay itinuro niya ang mga ito
sa maliit at masikip na kwarto na siyang magiging tulugan nila. Nang
matutulog na ang dalawang anghel ay may napansing butas sa dingding ang
nakakatandang anghel, kaya tinakpan nya ito.
Kinabukasan , sila ay umalis at nagpasalamat sa matanda. Naglakbay
ulit ang dalawang anghel at napadpad sila sa bukid. Dahil sa mahaba narin
ang paglalakbay nila, dumaing ang nakakabatang anghel na gutom na siya.
Kaya naman ay naghanap sila ng malapit na kubo na pwede nilang hingian
ng pagkain at nakita nila ang matandang mag-asawa na wangis pa lamang
nito ay makikita at mapaghahalatan talaga ang kahirapan ng buhay nila.
Naki-usap ang nakakabatang anghel kung pwede bang humingi ng pagkain
sa kanila dahil gutom na siya. Mahirap man ang mag-asawa, ay hindi sila nag
atubli na bigyan ng pagkain an gang dalawang anghel, kahit pa ito ay para
lamang sa kanila at pinatuloy pa nila ito sa kanilang tahanang kubo sa
kadahilanang gabi na at para makapagpahinga naman silang dalawa. At sa
higaan din nilang mag-asawa pinatulog ang dalawang anghel at sila ng mag
asawa ay sa sahig na lamang na tulog. Kinaumagahan, naalimpungatan ang
nakakabatang anghel dahil sa malakas na pag iyak. Lumabas siya at
tiningnan ito, nakita niya ang dalawang matanda na umiiyak dahil patay na
ang kanilang baka na tanging yaman lamang nilang dalawa. Bumalik sa loob
ang batang anghel nang may galit at sinabi sa nakakatandang anghel …

“ bakit mo iyon ginawa?, iyong matandang matapobre na hindi tayo


inasikaso at pinakain, ay inayos mo pa ang dingding ng bahay nila,
samantala, itong mga matatandang halos lahat ng mayroon sila ay ibinigay
sa atin ngunit hinayaan mo pang mamatay ang bakang tanging yaman
lamang nila”.
Sinagot namn ito ng nakakatandang anghel,…
“naiintindihan ko ang ngitngit mo munting anghel.. Pero nung nandoon
tayo sa mansion ng matandang matapobre, nakita ko na may kayamanan sa
butas ng dingding. Hindi pa nya iyon nakikita, at dahil sa masama ang
kanyang ugali, tinakpan ko iyon. Kagabi naman, dumating ang Anghel ng
Kamatayan, kinukuha ang matandang babae pero dahil sa mabuti at
maganda ang kanilang ugali… ang kanilang baka na lang ang aking binigay”.
Sa ating buhay, maraming ganitong kwento, kadalasan nauuna an
gating panghuhusga. Ngunit ating nakikita ay maaaring hindi tulad ng ating
inaakala. Tayo ay binibiyayaan sa paraang madalas ay hindi natin alam.
Kagaya ng kwentong ito. Hindi masama ang makatulong sa kapwa, basta
ginagawa lang ito ng tama. Huwag din kwestyunin at husgahan ang
kapalaran na inilathala ng bathala. Sa buhay ng tao, di natin alam ang takbo
ng mundo, tanging bathala lang makakapagsabi nito.
Ang Dalawang Anghel

May Dalawang Anghel na naglalakbay. Sa kanilang paglalakbay sila ay ginabi at


naghanap ng matutuluyan. May nakita silang malaking bahay. "Doon tayo! Makiusap tayo
baka tayo ay patuluyin nila!!!" sabi ng nakababatang anghel

. "tok.. tok.. tok.."

Bumukas ang pinto at isang matandang lalaki ang nagbukas ng pinto. Ang leeg niya ay
nakakasilaw dahil sa gintong kuwintas na kanyang suot.

"Kami po ay ginabi sa paglalakbay, maaari po ba kaming makituloy...." sabi ng nakatatandang


anghel.

Hindi agad nakasagot ang matanda at tinitigan sila. Nag-aalinlangan ang matanda
sapagkat sila'y nakabalatkayo at hindi alam na sila ay mga anghel. Ngunit dahil sa pakiusap ng
mga anghel na nagbalatkaong tao sila rin ay pinatuloy. Sila ay pinatulog sa isang masikip na
kuwarto na may maatigas na higaan. Hindi sila inalok ng makakain kahit na alam ng
matandang mayaman na sila ay nangangatog na sa gutom. Nung sila ay matutulog na, nakita
ng nakatatandang anghel na may butas ang dingding ng kuwarto. Inayos niya iyon at isinarado
ang butas. Nakatingin amang ang nakababatang anghel sa mga nangyari.

Kinabukasan, sila ay nagpasalamat at umalis na. Naglakbay nanaman sila at napunta sa


isang bukid. "Gutom na talaga ako!" sabi ng nakababatang anghel.

"O sige teka lang... sa banda roon ay may maliit na kubo... tingnan natin at tayo ay magtanong
sa kanila.."

Nung sila ay malapit na sa kubo nakita nila ang magasawang matanda. Makikita sa
kanilang tindig ang hirap ng buhay.

"Magandang hapon sa inyo, kayo ba ay naligaw?" sabi ng matandang lalaki.

"Ginabi na po kami at kami po ay nagugutom... Nakakahiya po ngunit manghihingi kami ng


pabor na kung may konti kayong tinapay ay manghihingi po kami para kami ay makaraos sa
gabing ito.." Sabi ng nakatatandang anghel...

"Oo meron kami dito at gabi na rin masyado para kayo ay maglakbay, kaya dto na kayo
magpalipas ng gabi!" sabi ng matandang babae.

Gutom man hindi pa rin masyadong nakakain ang nakababatang anghel sapagkat
napansin niyang ang ibinigay sa kanila ay ang tanging pagkain ng mag-asawa. Inalok niya
subalit ipinilit ng mga matatanda na sila ay kumain sapagkat sila ay malayo apa ang alakbayin
kinabukasan. Maliban doon, pinatulog sila ng mag-asawa sa kanilang higaan, at ang mga
matanda ay natulog sa sahig. Kinabukasan, nagising ang nakababatang anghel sa isang malakas
na iyak. Lumabas siya at nakita ang matandang babae na umiiyak habang tinitignan ang
asawang inaasikaso ang namatay na baka na tangi nilang kayamanan.

Bumalik sa loob ng kubo ang nakababatang anghel na may galit. Hinarap ang isang
anghel at sinabing……

"bakit mo ito ginawa? iyong mayamang matapobre hindi tayo inasikaso pero inayos mo
pa ang dingding ng bahay niya. Pero itong mga matatandang halos lahat ng mayroon sila ay
inalay sa atin.. hinayaan mo pang mamatay ang baka nila... Bakit???"

"Naiintindihan ko ang ngitngit mo, munting anghel... Pero nung nandun tayo sa
mansyon ng matndang matapobre na sinasabi mo..... nakita ko na may kayamanan sa butas ng
dingding.. Hindi pa niya iyon nakikita.. At dahil sa masama ang ugali niya tinakpan ko iyon....
Kagabi naman, dumating ang anghel ng kamatayan.... kinukuha ang matandang babae... pero
dahil mabait sila sa atin.. ang kanilang baka ang aking ibinigay...."

"Sa ating buhay, maraming ganitong kwento... Kadalasan nauuna ang ating
panghuhusga... Pero ang ating nakikita ay maaaring hindi tulad ng ating inaakala.. Tayo ay
binibiyayaan sa paraang madalas ay hindi natin alam...."
Anim na Sabado ng Beyblade
Ferdinand Pisigan Jarin

Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin naniyang magdiwang ng kaarawan kahit
hindi pa araw.Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling ‘wagkalimutan ang regalo
at pagbati ng “Happy Birthday,Rebo!”. Kailangang di niya malimutan ang araw na ito.Dapat
pinakamasaya ang Sabadong ito sa lahat ngSabado. Maraming-maraming laruan. Stuffed Toys,
Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote ControlledCars, at higit sa lahat, ang
Beyblade. Ang paborito niyang Beyblade. Maraming-maraming Beyblade. Tinanggap niya ang
lahat ng ito at marami pang iba sa kaniyang kaarawan. Sa kaniyang pagtuntong sa limang
taon.Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.

Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglarong beyblade


kasama ang mga pinsan.

Tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko siyang dinalaw. Unti-
unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang
beyblade bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob ng kaniyangkamay o di kaya’y bulsa.

Ang nakapagngangalit, unti-unti na namang nalalagas angkaniyang buhok. Subalit


pinipilit pa rin niyang maging malakas bagamat talagang dina kaya ng kaniyang paang tumayo
ng kahit ilang sandali man lang. Nakadudukot na rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo sa
loob ng kaniyang gilagid. Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat nang
tanunginniya ako ng;

“Tay, may peya a?” (Tay, may pera ka?)

Dali-dali kong hinugot atbinuksan ang aking pitaka at ipinakitang mayroon itong
laman. Agad akong nagtanong kung ano ang nais niya na sinagot naman niya ng agarang
pagturo saisang kalapit na tindahan. Kung mabilis man akong nakabili ng mga kending
kaniyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa tindahan at nakangiting bumalik sa
aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nang kami’y pumasok na sa loob ng bahay,
naiwang nilalanggam na ang nakabukas ngunit di nagalaw namga kendi sa aming kinaupuan.

Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di na kusangnalagas


ang mga buhok. Sa kaniyang muling pagkairita, sinabunutan niya angkanyang sarili upang
tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon,kinumbida ng isa kong kasama sa
trabaho ang isang mascot upang bigyan ngpribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad.
Matapos ang pagtatanghal,bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa
kaniyang mata angkasiyahan.

Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala. Di na maikakaila ang mabilis na


pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit ng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang
ipasok ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang
pagsasalita. Kaya kahitnang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang
sakyan. Angmga maliliit na helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay
nabakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot nangingitian.
Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang umuwi. At pagkauwi’y humiganang humiga at
paulit-ulit na tumingin sa kawalan.

Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan.Kasabay ng


pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandal matapos ang sabay na
paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng mata,ibinuga niya ang kaniyang huling
hininga. Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig.

Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa


dahilpagpasok ko pa lang ng pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng
matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino. “Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal
ka namin. Paalam.” Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital.

Huling Sabado namasisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang
may-ari nito.Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa
lugarna walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro
nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pagaaralang tanggapin ang
kirot ng pagkalungkot.

You might also like