You are on page 1of 8

MALABANIAS INTEGRATED SCHOOL

Tamarind St., Clarkview Subd., Malabanias, Angeles City 2009


S.Y. 2022-2023

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

Pangalan: ___________________________ Petsa: ____________ Iskor: __/50


Baitang/Seksyon:_________________ Guro: ________________ _______________________
Parent/Guardian’s Signature
over printed name

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakasaad sa bawat bilang. BILUGAN ang titik
ng inyong napiling sagot.

Para sa bilang 1-5: Pag-aralan ang talata sa ibaba. Piliin ang naaangkop na salitang
makikita sa loob ng kahon upang mapunan ang mga patlang.

tuparin damdamin nais

makasakit pangako natupad

Masaya at magaan sa pakiramdam kapag ang 1. _______ na ating binitawan ay ating


2._______. Iwasang magbitiw ng mga pangakong hindi mo naman kayang 3. _______.
Sa ganitong paraan maiiwasan mong 4. _________ sa 5. ________ ng iba.

6. Ito ay tanda ng pagkamapanagutan dahil ang taong responsable ay ginagawa ang


kanyang sinasabi at may iisang salita. Malaki ang bahaging ginagampanan nito sa
paghubog ng mabuting pagkatao.

a. pagsunod sa batas pambansa


b. pagiging masipag na mag-aaral
c. pagtupad sa pangako o pinagkasunduan
d. pagkakaroon ng utang na loob

7. Si Jenna ang ginawang bantay sa tindahan ng kanyang tiyahin, nangako naman si


Jenna na babantayan ng mabuti ang mga paninda. Pag-uwi ng kanyang tiya ay masaya
itong malaman na nakarami ito ng benta at sakto ang pera na nakwenta nila sa buong
araw. Anong mabuting pag-uugali ang ipinakita ni Jenna?

a. Mapagmalasakit sa kapwa
b. Mapagkakatiwalaan sa paggawa ng nakatakdang gawain
c. Masinop sa gamit at pera
d. Magaling sa matematika

8. Ang pagtupad sa pangako at pinagkasunduan ay tanda ng pagiging:


a. matipid na bata c. masipag na mag-aaral

b. responsable at maaasahan na tao d. magalang at masunurin sa nakakatanda


9. Ipinangako ng ate mo na ibibili ka niya ng bagong sapatos bilang regalo sa iyong
darating na kaarawan. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang inyong bunso kung kaya’t ang
naipong pera ng iyong ate na pambili ng iyong sapatos ay nagastos nyo sa pagpapagamot
ng inyong bunso. Ano ang magiging reaksiyon mo?

a. Magagalit ka sa iyong ate.


b. Magpasalamat ka pa rin sa iyong ate kahit di man nabili ang pangakong
sapatos nito para sa iyo ay naipagamot naman at gumaling ang inyong bunso.
c. Kamuhian si bunso.
d. Maghihintay ng susunod na sahod ng ate para mabili niya ang ipinangakong
sapatos s aiyo

10. Napagkasunduan ninyong magkakaibigan na maglalaro kayo ng volleyball sa court ng


inyong barangay. Nakatakda kayong magkita-kita sa tapat ng bakery sa may kanto ika-3
ng hapon para sabay-sabay kayo na magtungo sa court. Matagal kang naghintay pero
hindi dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mo na lang na nauna na pala sila sa
volleyball court. Ano ang magiging reaksiyon mo?

a. Kausapin mo sila tungkol sa nangyari at ipahayag mo ang tunay mong


damdamin.
b. Balewalain na lang ang nangyari dahil napatunayan mo naman ang tunay
nilang ugali.
c. Huwag na silang kausapin kailanman.
d. Pag-usapan na sa susunod na laro ay ang oras at lugar na nais mo naman ang
dapat na sundin
11. Tukuyin kung anong salita ang nagpamali sa pahayag na ito: “Ang isang pangako ay
dapat napapako, ito ay dapat tinutupad sa itinakdang oras o lugar.”

a. napapako c. tinutupad
b. itinakdang d. dapat
12. Anong salita ang dapat ipalit sa nakasalungguhit sa pangungusap: “Ang bawat
pangako ay may kaakibat na tungkulin at pananagutan. Ito ay mabilis sabihin ngunit
mahirap tuparin. Huwag kang magbitiw ng isang pangakong hindi mo naman kayang
panindigan o labas sa kakayahan mong gampanan.

a. magaan c. mabagal
b. maiging d. madaling
13. Sa paanong paraan mo maipapamalas ang kahalagahan ng pagiging responsable sa
kapwa sa pamamagitan ng pagtupad sa pangako o pinagkasunduan, piliin sa ibaba ang
pinaka-wastong sagot:

a. Pagsipot sa okasyon ng pamilya kahit huli na at wala nang bisita sa kabila ng


pangako mo na darating sa takdang oras
b. Isauli ang hiniram na pera kapag kailangan na ng pinagkakautangan mo
c. Pagsisikapang matupad lahat ng mga bagay at mga salitang ipinangako mo sa
abot ng iyong makakaya upang hindi makasakit ng kapwa
d. Pagbutihan ang pag-aaral ayon na rin sa kasunduan ninyo ng iyong magulang
sapagkat ito ay may kapalit
14. Ano ang kahulugan ng kasabihang, "NO MAN IS AN ISLAND".
a. Kailangan natin ng kaibigan at karamay sa panahong walang pera.
b. Tayo ay nabubuhay para sa ating sarili lamang.
c. Kailangan natin sa buhay ang kaibigan at karamay.
d. Mahalin ang sarili, mahalin din ang kapwa tao.
15. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tunay na pagkakaibigan?
a. Nang-iiwan sa panahon ng kagipitan
b. Sinasabi ang ginagawa mong mali para magbago ka
c. Naiinggit ito sa panahon na magtagumpay ang kaibigan
d. Mabilis magtampo kung may hindi pagkakaunawaan

Para sa bilang 16-20: Isulat ang salitang DAPAT kung sa tingin mo ang pahayag ay tama
at DI DAPAT kung ito ay mali.

16._____________Niyaya ka ng iyong kaklase na lumiban sa online class dahil maglalaro


kayo ng computer games.

17._____________Naglunsad ng isang proyekto ang inyong sinamahang club para tulungan


ang mga nasalanta ng bagyo.

18._____________Iniiwasan mo munang bumisita sa iyong kaibigan dahil wala ka pang


bakuna.

19._____________Maging maunawain sa kakaibang ugali ng iyong kaklase.

20._____________Sinasagutan ko ang modyul ng aking kapatid.

21. Nakita mong sumasama na sa masamang impluwensiya ang iyong matalik na kaibigan.
Ano ang iyong gagawin?

a. Pagsabihan ang barkada ng iyong kaibigan na huwag gagawa ng bagay na


pagsisisihan nila.
b. Pababayaan na lamang siya para matuto sa kanyang maling gawain.
c. Huwag na lamang siyang pakialaman at baka madamay pa sa kanila.
d. Awayin ang bagong barkada ng kaibigan mo.
22. Napunit mo ang hiniram mong aklat sa iyong kaibigan. Alam mong mahalaga ito sa
kaniya. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi na lamang siya papansinin.
b. Hindi sasabihing napunit mo ang kaniyang aklat.
c. Manghihiram ng ibang aklat para ibalik sa kaniya.
d. Sabihin sa kaniya ang totoo at hihingi ng paumanhin sa nagawa.
23. Alin sa ibaba ang pinakamalapit na ibig sabihin ng "Ang matapat na kaibigan, tunay na
maaasahan Lalo na sa oras ng kagipitan"?
a. Isang kaibigan na handang tumulong sa anumang oras.
b. Tumutulong lamang kapag may kapalit.
c. Kaibigang nasa tabi mo kung mayroong kailangan sa iyo.
d. Isang kaibigan na kasama mo palagi sa kasiyahan at nawawala sa oras ng problema.
24. Magsimula pa Grade 1 ay magkaibigan na sina Janny at Wes. Isang araw, nahuli ni
Wes si Janny na kumokopya sa kanyang notebook habang may pagsusulit. Paano
maipapakita ni Wes ang pagiging matapat at responsableng kaibigan sa sitwasyong ito?
a. Sasabihin ito sa guro ng pabulong at hindi na kailanman kakausapin si Janny
b. Pagsasabihan ang kaibigan at parehong kakausapin ang guro para humingi ng
tawad at isa pang pagkakataon para kay Janny
c. Tutularan ang kaibigan para parehong makapasa at makakuha ng mataas na
marka
d. Magkukunwari na lang na walang Nakita para di masira ang pagkakaibigan
25. Ano ang pinakamalapit na kahulugan ng kasabihang “Honesty is the best policy” sa
ibaba?
a. Ang pagiging tapat ay may kapalit na pera
b. Ang pagsasabi ng tapat ay may kaakibat na parusa
c. Ang pagsasabi ng totoo ay mas mabuti kaysa sa pagsisinungaling
d. Ang pagsasabi ng totoo ay mabuti kung may pabuya ito

26. Sa tuwing nagsisinungaling si Pinocchio, ano ang parte ng kanyang katawan ang
humahaba?
a. buhok c. kamay
b. ilong d. dila
27. Piliin sa ibaba kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang: Ang pagiging matapat ay
pagsasama ng maluwat.”
a. Upang magtagal sa isang relasyon, dapat ang bawat isa ay maging tapat lagi sa
isa’t isa
b. Ang pagsasabi ng tapat sa kapwa ay paniguradong may magandang kalalabasan
sa katagalan
c. Pag tapat sa bawat isa, lahat ay mabubuhay ng maginhawa
d. Ang pagiging matapat ay may siguradong kapalit na pabuya sa huli
Para sa bilang 28-32: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung ito
ay hindi wasto
28. ________Itinatanggi ang kasalanang nagawa sa kapwa.

29. ________Isinasauli ni Remy ang sobrang sukli sa tindera sa palengke.

30. ________Nasira mo ang laptop ng iyong ate naisip mong hindi na lang sabihin sa kanya
ang totoo upang hindi siya magalit sa iyo.

31. ________Ang pagsasabi ng katotohanan ay nagdudulot ng bigat ng kalooban.

32. ________Sinasagutan ko ang aking modyul ng mag-isa at humihingi lamang ako ng


tulong kapag mayroon akong hindi maintindihan.

33. Ikaw ay may proyekto na dapat gawin sa Math na nakatakdang ipasa sa susunod na
linggo. Ano ang dapat mong gawin upang maipakita mo ang iyong katapatan sa nanay mo?
a. Hihingi ako ng perang pambili at ibabalik ang sukli kung hahanapin ito ni nanay
b. Sosobrahan ko ang presyo ng mga materyales sa proyekto para may ekstra akong
pera
c. Ipapabili ko kay nanay ang mga materyales para sa proyekto at hihingi pa ng
karagdagang pera dahil baka kulangin ang gagamitin ko sa paggawa
d. Agad ko itong sasabihin sa nanay pati ang eksaktong halaga ng naturang proyekto
34. Nalimutan mong gawin ang iyong takdang-aralin sa Filipino. Biglang nagwasto ng
kuwaderno ang guro ninyo. Anong matapat na gawain ang dapat gawin sa ganitong
sitwasyon?
a. Makikiusap na lang ako na bigyan ako ng ibang gawain upang makabawi ako
b. Sasabihin ko ang totoo na nakalimutan kong gawin ang takdang-aralin at hihingi
ng paumanhin sa aking guro
c. Magdadahilan akong naiwan ko ang aking takdang-aralin dahil nagmamadali ang
serbis ko
d. Magsasabi ako na nahihirapan akong gawin ang takdang-aralin dahil hindi
mo ito maintindihan
35. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga napatunayang dahilan kung bakit may white lies o
napipilitang magsinungaling ang isang tao, MALIBAN sa isa:
a. Upang makaagaw ng atensiyon o pansin
b. Upang makaiwas sa personal na pananagutan
c. Upang maraming taong magtiwala sa iyo
d. Upang pagtakpan ang isang suliranin na sa kanilang palagay ay seryoso o
mahalaga
36. Ang katapatan, na tinatawag ding katapatang-loob, pagkamatapat na loob, o
pagkamatapat ay ang pagkakaroon ng debosyon at pananalig sa isang tao, bansa, pangkat,
o layunin. Alin sa mga sumusunod na pahayag sa ibaba ang may pinaka-kongkretong
pagpapaliwanag ng salitang KATAPATAN.
a. Piliing huwag magsinungaling, mandaya o manlinlang sa anumang paraan. Kapag
tayo ay tapat, pinalalakas natin ang ating pagkatao at dahil dito tayo ay magkaroon ng
kapayapaan sa isipan at paggalang sa sarili
b. Pilitin nating maging mabuting tao sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo lalo na
kung reputasyon mo ang nakataya dahil mahirap nang magkamali
c. Ang pagiging matapat sa lahat ng bagay ay paniguradong may aanihing kapalit sa
pabuyasa huli, kaya pagsikapang magsabi ng totoo sa lahat ng pagkakataon
d. Paglikha ng mabuting imahe ang pinakamahalagang bagay na ating dapat bigyang
importansya dahil nakasalalay dito ang ating buhay

37. Sa First Quarter, nabigyan ang iyong matalik na kaibigan na si Luzviminda ng pagkilala
bilang isa sa pinaka-matapat na mag-aaral sa buong ika-anim na baitang, ngunit naging
usap-usapan sa buong Grade 6 na si Luzviminda ay nangopya sa pagsusulit sa Math 6-
2nd Quarter Exam. Kung ikaw si Luzviminda, paano mo ito haharapin?
a. Upang mapanindigan ko ang pagiging matapat na mag-aaral ay magsasabi ako ng
totoo at tatanggapin ang karampatang parusa na ibibigay sa akin
b. Itatanggi ko ang nangyari lalo na kung wala naming ebidensya
c. Pagsisikapan ko na linisin ang reputasyon ko at sasabihan ang aking mga kamag-
aral na huwag maniniwala sa sabi-sabi
d. Aamin na lang ako at mangangako na hindi na uulitin ang nangyari sapagkat ako
ay tao lamang nagkakamali din
38. Maipapakita natin ang paggalang sa ideya o suhestiyon ng iba sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng bukas na __________.
a. aklat c. pinto
b. kaisipan d. palad
39. Ang lahat ng mga salita sa ibaba ay katangian ng isang taong may paggalang sa ideya o
suhestiyon ng iba, MALIBAN sa isa:
a. matipid c. maunawain
b. mahinahon d. magalang
40. Ito ay isa sa pinakamahalagang pag-uugali na itinuturo sa atin ng ating mga magulang
at guro. Ang sabi ng mga nakakatanda, “Ang batang ____________ ay kayamanan ng
kanyang mga magulang.”
a. maawain c. maasikaso
b. magalang d. Makabayan
41. Mga kapakinabangan o pribilehiyo na tinatamasa ng bawat isa sa atin na kasapi sa
lipunan, ito ay nararapat lamang na igalang.
a. pangalan c. pagiging bukas ang isipan
b. edad d. karapatan
Para sa bilang 42-44: Gumuhit ng 😊 kung sa tingin mo ang pahayag sa ibaba ay
nagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng iba at ☹ kung hindi.

42. ____ Iwasang magbigay ng mga ideya o suhestiyon na makakasakit sa damdamin ng


ating kapuwa.

43. ____ Tanggapin ang ideya o suhestiyon ng lahat pagkatapos ang sarili mong desisyon
pa rin ang masusunod sa bandang huli.

44. ____ Huwag pairalin ang pride, hindi masama ang humingi ng tulong o opinyon sa iba,
lalo na at higit na makakatulong ito sa iyong pagdedesisyon.

45. Kayo ay nagkaroon ng pangkatang Gawain sa ESP 6, nagkataong nakasama mo sa


grupo ang iyong nakatampuhang kaibigan. Nagbigay ka ng opinion mo para sa gagawin
ninyong proyekto, ngunit Nakita mo na biglang sumimangot at tumaas ang kilay ng
kaibigan mo. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?
a. Hayaan na lamang siya at unahin ang gawain, pagkatapos ay dun ko siya aawayin
b. Aabangan ko siya sa recess time at pagsasabihan ko na baguhin ang ugali niya
kung ayaw niya ng away o gulo
c. Hindi ko na lamang siya papansinin upang hindi na lumaki pa ang gulo
d. Sisigawan ko siya sa harap ng aming guro at mga kamag-aral para mapahiya siya
46. May ginawang proyekto si Arthur para sa Arts class, ibinalik ito ng guro dahil
kailangan niya pa itong ayusin ng mabuti upang magkaroon ng mas mataas na marka.
Kung ikaw si Arthur, ano ang magiging reaksiyon mo?
a. Hindi ko na ito babaguhin at ipapasa ko na lang uli kung ano ang nauna kong
nagawa
b. Dadagdagan ko o babawasan kung ano ang mayroon sa aking proyekto, dahil
hindi
na ito maaalala ng guro sa dami ng mga nagpasa
c. Sasabihan ko ang aking guro na ito lamang ang nakayanan kong gawin at
tatanggapin ko na lang kung mababa ang marking makukuha ko
d. Pakikinggan ko ang payo ng aking guro at mas lalo pang pagbubutihan ang
susunod na ipapasa para matuwa naman ang aking guro

47. Mayroon kang tinatapos na proyekto hanggang hatinggabi. Upang hindi ka antukin ay
nilakasan mo ang radyo. Lumabas sa kuwarto ninyo ang bunso mong kapatid at nakiusap
na hinaan mo ito dahil hindi siya makatulog. Ngunit ang malakas na tunog lang ang nag-
aalis ng antok mo. Alin sa mga solusyon sa ibaba ang pinaka-mainam na gawin?
a. Hindi papansinin ang kapatid dahil wala naman siyang magagawa sa gusto mong
gawin.
b. Papatayin ang radyo. Maghahanap na lamang ng ibang paraan upang hindi
antukin.
c. Ihihinto ang ginagawang proyekto at matutulog na lang din. Kinabukasan ay
isusumbong na lang sa nanay na naistorbo siya kaya hindi natapos ang gawain.
d. Pagagalitan ang kapatid dahil nakikialam siya.
48. Pinagalitan ka ng iyong guro dahil sa isang pagkakamali na hindi naman ikaw ang
gumawa. Napahiya ka sa buong klase. Napag-alaman mo na isa pala sa kamag-aral mo ang
nakagawa ng mali at ikaw ang kaniyang naituro nang tanungin siya ng inyong guro.
Humingi siya ng tawad sa iyo at nangakong sasabihin sa guro ang totoo. Alin sa mga
reaksiyon sa ibaba ang sa tingin mo ay tamang gawin?

a. Aawayin siya nang husto dahil siya ang dahilan kung bakit ka napahiya sa klase
b. Sasabihin sa kaniyang huwag nang mag-abala dahil nasira ka na sa inyong guro
c. Pakikinggan ang kanyang paliwanag at tatanggapin ang kaniyang suhestiyon
d. Maghihiganti sa ginawang masama sa iyo ng iyong kaklase

Para sa bilang 49-50: Sa iyong sariling salita, paano mo maipapakita ang paggalang sa
ideya o suhestyon ng kapwa mo? (Maaaring magbigay ng sariling karanasan kung paano
mo ito naipakita o naisagawa)
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Prepared by: Checked by:

MYKA ANDREA P. GARCIA BLESILDA T. BASILIO


Teacher II Master Teacher II
ANSWER KEY (ESP 6 Q2)
1. pangako 18. Dapat 35. C
2. natupad 19. Dapat 36. A
3. tuparin 20. Di Dapat 37. A
4. makasakit 21. A 38. B
5. damdamin 22. D 39. A
6. C 23. A 40. B
7. B 24. B 41. D
8. B 25. C 42. 😊
9. B 26. B 43. ☹
10. A 27. A 44. 😊
11. A 28. Mali 45. C
12. D 29. Tama 46. D
13. C 30. Mali 47. B
14. C 31. Mali 48. C
15. B 32. Tama 49. maaaring
mag-iba-iba
16. Di Dapat 33. D 50. ang mga sagot

17. Dapat 34. B

You might also like