You are on page 1of 7

Ang Tatlong Maliliit na Baboy

May tatlong biik na nagdesisyong maglakbay upang hanapin ang kanilang


kapalaran. Napag-usapan ng mga biik na kapag nakakita sila ng maayos na
lugar para sa kanila ay sisimulan na nilang magtayo ng bahay.

May pagkatamad ang unang biik kung kaya't nagtayo siya ng sarili niyang bahay
na gawa sa mga dayami. Isang araw dumating ang isang malaking lobo, sa
isang malakas na pag-ihip lamang ay napatumba nito ang bahay na ginawa ng
unang biik.

Sa takot na makain ng lobo ang unang biik ay nagtatakbo siya patungo sa


ikalawang biik.

Wais naman si pangalawang biik kaya nagtayo siya ng kanyang bahay na gawa
sa kahoy at pawid, ngunit nang dumating nanaman ang malaking lobo, natulad
lamang ang kanyang bahay sa naunang biik. Sa takot ng dalawang biik ay
nagtatakbo naman sila patungo sa bahay ng ikatlong biik.

Ang ikatlong biik ay masipag at matalino. Nagtayo siya ng bahay na gawa sa


bato.

At hindi nga nagtagal ay dumating na ang malaking lobo. Hinipan nito ng paulit-
ulit ang bahay ng ikatlong biik, ngunit hindi siya nagtagumpay. Naiisip ng lobo na
magdaan sa chimineya upang makapasok sa loob.

Dahil sa nangyari sa naunang dalawang bahay ng mga biik. Naglagay sila ng


apoy at nagsalang doon ng mainit na tubig upang sa gano'n ay mapaso at
masunog ang lobo kung sakali mang dumaan ito sa chimineya. At ganoon nga
ang nangyari, nagdaan sa chimineya ang lobo at doon tuluyang napaso.
Nagtatakbo ang lobo sa sakit at hindi na muling nagbalik.
Ang Lobo at ang Kambing

Gutum na gutom na ang Lobo. Sa paghahanap ng hayop na mapapananghalian


ay napatingala siya nang matanawan sa mataas na batuhan ang nanginginaing
Kambing. Inisip ng Lobo kung paano niya mapapababa ang bibiktimahin.

"Kaibigang Kambing! Kaibigang Kambing! Napakaganda mo lalo't tinatamaan ng


sikat ng araw ang balahibo mo."

"Talaga? Salamat." Sandaling yumuko lang ang Kambing na nagpatuloy sa


panginginain.

"Kaibigang Kambing! Kaibigang Kambing! Nag-aalala ako sa kapakanan mo.


Baka madulas ka sa gilid ng batong tinutuntungan mo!"

"Kaya ko ito. Salamat sa pag-aalala mo," nagpatuloy sa panginginain at di man


lamang tumingin ang sumibangot na Kambing.

"Kaibigang Kambing! Kaibigang Kambing! Di ka dapat sobrang magkakain. Ang


anumang sobrang pagkain ay makasasama sa kalusugan natin."

Sa pakikialam ng makulit na Lobo ay galit na galit na umingos ang Kambing na


nagpatuloy sa masarap na panginginain.

Nang inaakalang ayaw ng Kambing sa mga pananalitang naglalambing ay


malakas na tinawag ito ng naglalaway na sa gutom na Lobo.

"Hoy, Kambing. Bakit nagtitiis ka sa kaunting damo sa ituktok ng batuhan.


Bumaba ka at napakaraming damo kang makakain para sa iyong pananghalian!"

"Hoy, Lobo," galit na sigaw ng Kambing. "huwag mong akalaing napakabobo ko.
Alam kong pananghalian mo at hindi pananghalian ko ang puntirya mo kaya
pinabababa mo ako."

Sa pagkapahiya ng Lobo ay lumayo na ito.


Alamat ng Pilipinas
Noong unang panahon ay wala pang tinatawag na bansang Pilipinas. Mayroon
lamang maliliit na mga pulo. Noong hindi pa rin ito bahagi ng mundo ay may
nakatira ditong isang higante.
Ang kweba nya ay nasa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko. Kasama niyang naninirahan
ang kanyang tatlong anak na babae na sina Minda, Lus at Bisaya.
Isang araw kinakailangang umalis ng amang higante upang mangaso sa kabilang
pulo. Kailangang maiwan ang tatlong magkakapatid kaya pinag sabihan niya ang
tatlo.
“Huwag kayong lumabas ng ating kweba,” ang bilin ng ama. “Dyan lamang kayo sa
loob dahil may mga panganib sa labas. Hintayin ninyo ako sa loob ng kweba.”
Nang makaalis na ang amang higante, naglinis ng kweba ang magkakapatid.
Inayos nila itong mabuti para masiyahan ang kanilang ama.
Subalit hindi nila katulong sa paggawa si Minda. Hindi ito masunurin sa ama.
Lumabas pala si Minda at namasyal sa may dagat. Hindi man lamang nagsabi sa
mga kapatid.
Tuwang-tuwa si Minda na naglalaro ng mga along nanggagaling sa dagat.
Namasyal sya at hindi nya napansin na malayo na pala sya sa tabi ng dagat.
Habang sya ay naglalakad, isang napakalaking alon na masasabing dambuhala ang
lumamon kay Minda. Nagsisigaw sya habang tinatangay ng malaking alon sa gitna
dagat.
“Tulungan ninyo ako!” sigaw ni Minda. Narinig nina Lus at Bisaya ang sigaw ni
Minda. Abot ang sigaw sa loob ng kweba kaya tumigil sa paggawa ang dalawa.
“Si Minda humihingi ng tulong!” sabi ni Lus na nanlalaki ang mga mata sa
pagkagulat.
“Oo nga! Halika na!” yaya ni Bisaya. “Bakit kaya?”
Mabilis silang tumakbo sa may dagat. Tingin dito, tingin doon. Nakita nila
sisinghap-singhap sa tubig ang kapatid.

“Hayon sa malayo!” sigaw sabay turo ni Lus.


“Hindi marunong lumangoy si Minda ah!” sabi ni Bisaya at tumakbo na naman ang
dalawa. Sabay iyak ni Lus.
Mabilis nilang nilusong si Minda, malalim pala doon. Inabot nila ang kamay nila sa
kapatid. Pati sila ay nadala ng dambuhalang alon. Kawag, sipa, taas ng kamay, iyak
sigaw at walang tigil na kawag. Sa kasamaang palad ang tatlong dalagang higante
ay hindi na nakaahon.
Nang dumating ang amang higante nagtataka siya bakit walang sumalubong sa
kanya. Dati-rati ay nakasigaw na sa tuwa ang tatlo nyang anak kung dumating sya.
Wala ang tatlo sa kweba, ni isa ay wala roon.
“Saan kaya nagtungo ang tatlo kong anak?” Tanong nya sa sarili. “Saan kayo Lus,
Minda, Bisaya!”
Walang sumasagot, hinanap niya sila sa paligid ngunit wala sila roon. Pinuntahan
niya ang ilang malapit na pulo, ni anino ay wala.
“Baka may pumuntang tao at dinala silang pilit,” sabi ng higante sa sarili.
Biglang umalon ulit at dumagundong, napalingon ang ama at naisip niya na baka
nalunod ang tatlo. Dumako pa sya sa malayo at hindi nagkamali ang higante.
Nakita niya ang labi ng ilang pirasong damit na nakasabit sa bato. Para tuloy
niyang nakita ang tatlong kamay na nakataas at humihingi ng saklolo.
Naalala niya bigla na hindi niya pinayagang lumabas ang mga ito. Tumalon sa
dagat ang higante. Sa isip lamang pala niya ang larawan ng tatlong kamay na
nakataas, nawalan siya ng lakas.
“Mga anak! Ano pa? Wala na” himutok ng ama. Nawalan na siya ng ganang
kumain. Tumayo, umupo, tumingin sa malayo.
Isa-isang hinagod ng tingin ang bawat munting bato at kahoy sa malayo. At sa
pagod at hapis napahilig sa isang bato at tuluyang natulog. Mahabang pagkatulog
ang nagawa ng kawawang higante.
Nang magising ang higante, kinusot niya ang kanyang mga mata. May nakita
siyang wala doon dati. Tumayo bigla at tiningnan mabuti.
“Ano ito? Saan galing ang tatlong pulong ito? Sila kaya ang tatlong ito?” Tanong sa
sarili, lalong lungkot ang naramdaman ng amang ulila.
“Ang tatlong pulong ito! Sina Lus, Minda at Bisaya ito!” ang sabi niyang malakas.
At buhat noon tinawag na Luson, Bisaya at Mindanaw ang tatlong pulo. Dito
nagmula ang bansang Pilipinas. Nasa gawing timog ng Asya. Bahagi ito ng Pilipinas
sa katimugang bahagi ng Asya.
Aral:
Ang pagiging matigas ang ulo ay nagdudulot ng kapahamakan sa tao.
Pagkaminsan pa nga ay kapahamakan din ang dulot nito sa iba.
Ang pagsunod sa magulang ay hindi isang parusa. Bagkus ito ay nagpapakita ng
paggalang natin sa knila.
Sumunod sa utos ng magulang upang makaiwas sa kapahamakan.
Alamat ng Ampalaya
Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may
kanya-kanyang kagandahang taglay.
Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis,
si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang
balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay,
si Sibuyas na may manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.
Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na
may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di
maipaliwanag.
Araw-araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyang itsura
at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa
niyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian
ng mga gulay at kanyang isinuot.
Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay
pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon-tipon ang
mga gulay na kanyang ninakawan.
Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat
nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay.
Nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.
Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain.
Isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang
diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.
Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa
ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag-iba ang
kanyang anyo.
Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis
ay nag-away sa loob ng kanyang katawan.
Maging ang mga ibat-ibang lasang gulay ay naghatid ng hindi magandang panlasa
sa kanya kung kaya’t pait ang idinulot nito. Ang kanyang kulay ay naging madilim
na luntian.
Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto
sa kaniya dahil sa pait na kanyang lasa.
Aral:
Walang mabuting naidudulot ang inggit.
Nilikha tayo ng Diyos ng may iba’t-ibang katangian kaya maging kuntento tayo at
iwasang ikumpara ang sarili sa iba.

You might also like