You are on page 1of 3

Ang komiks ay isang babasahing isinalarawan at maaaring nagsasaad ng kuwento, buhay ng tao o

pangyayari. Ang salitang komiks ay hango sa salitang ingles na "comics" at isinulat lamang na may titik

"k" alinsunod sa baybayin ng wikang Filipino. Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, naglipana ang komiks

at naging popular ito sa buong bansa, dahilan upang maging isa angPilipinas sa mga pinakamalalaking

tagalimbag ng komiks sa buong mundo. Pero sa mga nagdaang dekada, bumababa ang popularidad ng

komiks dahil sa iba't ibang salik, kabilang na rito ang iba pang anyo ng mass-media tulad ng telebisyon

at Internet.

Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang Filipino na gumawa ng komiks. Noong 1884 ay inilathala

sa magasing "Trubner's Record" sa Europa ang komiks strip niya na "Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng bayani

mula sa isang popular na pabula sa Asya.

Mula 1896 hanggang 1898, habang ang Pilipinas ay dumadaan sa yugto ng rebolusyon, ilang magasinang lumabas

sa Maynila na may nakaimprentang cartoons. Dalawa sa mga ito ay ang "Miao" at "Te Con Leche". Nang matalo

ang Pilipinas sa digmaan, maraming Pilipino na kontra sa pamamahala ng Amerikano ang lumipat sa malayang

pamamahayag. Ang mga nasyonalista ay binitawan ang kanilang rebolusyonaryong pamamaraan upang maglathala

ng ilang babasahing satiriko na naglalayong batikusin ang mga kolonyalista. Karamihan sa mga magasing ito ay

nakalathala lamang sa Tagalog atEspanyol, ang dalawang wikang hindi naiintidihan ng mga Amerikano. Noong

1907, inilathala ang "Lipang Kalabaw", isang magasin na nasa ilalim ng pangangasiwa ni Lope K. Santos. Ang

magasin na ito ay nasa wikang Tagalog, at nagtataglay ng mga satirikong cartoons na patungkol sa mga

Amerikanong opisyal. Ang paglalathala ng magasin na ito ay natigil din noong 1909.

Ang mga unang serye ng Filipino komiks ay lumabas sa simula ng 1920 bilang page filler sa mga magasing Tagalog.

Dalawa sa mga magasing ito ay ang "Telembang" at ang muling binuhay na "Lipang Kalabaw", na nagtataglay ng

mga satirikong cartoons laban sa mga Amerikano at mga pederalista. Ang dalawang komiks na ito ay maaaring

ituring na nagpasimula sa mga komiks saPilipinas.

Dalawang komiks sa mga magasin na ito ang naging popular sa mga Pilipino noong mga panahong iyon: ang "Kiko

at Angge" sa Telembang, at ang "Ganito Pala sa Maynila" sa bagong Lipang Kalabaw.

Noong 1923, isinilang ang Tagalog magasin na Liwayway. Sa simula ay hindi pa ito nagtataglay ng mga serye ng

komiks, ngunit pagdating ng 1929, inilathala kasama ng magasin ang "Album ng Mga Kabalbalan ni Kenkoy" bilang

isang filler sa entertainment section nito. Ang karakter na si Kenkoy ang bida sa seryeng ito, isang nakatutuwang

batang Pilipino na naging representasyon ng mga kabataang may kolonyal na kaisipan noong 1930s.
Noong 1946, lumabas ang unang regular na nailalathalang magasin ng komiks, ang Halakhak Komiks. Tumagal

lamang ang Halakhak ng sampung edisyon dahil sa kakulangan ng maayos na distribusyon. Hindi tuluyang namatay

ang industriya ng komiks dahil noong 1947, lumabas ang Pilipino Komiks, sa ilalim ng pamamahala ni Tony

Velasquez. Ito ay nagbukas ng daan para sa iba pang magasin ng komiks na mailathala.

Pagkatapos nito ay sunod-sunod na lumabas ang mga naging sikat na komiks tulad ng Tagalog Klasiks noong 1949,

at Silangan Komiks noong 1950. Ang unang komiks ng Silangan ay lumabas noong March 15, 1950 sa ilalim ng

pamamahala ng editor na si Ben Cabailo, Jr.. Ipinagmalaki nito ang mga pinakabata at magagaling na dibuhista ng

panahong iyon: Nestor Redondo, Alfredo Alcala,Nolasco "Noly" Panaligan, Elpidio Torres, at Antonio de Zuniga. Isa

sa mga sumikat na kuwento mula sa Silangan ay ang "Prinsipe Ahmad, Anak ni Aladdin", na likha ni Alfredo P.

Alcala.

Ilang linggo matapos ilabas ang unang komiks ng Silangan, inilathala ang Aksiyon Komiks ng Arcade Publications.

Naging editor nito si Eriberto Tablan, at sina Alfredo Alcala at Virgilio Redondo ang mga punong ilustrador. Sumunod

sa mga ito ang Bituin Komiks (April 1950), Bulaklak Komiks (August 1950), Pantastik Komiks (October 1950) Hiwaga

Komiks (1950), Espesyal Komiks (1952), Manila Klasiks (1952), at Extra Komiks (1953). Dito nagsimula ang isa sa

pinakamalaking industriya ng komiks sa buong mundo, kaya noong kalgitnaan ng 1950s, hindi man opisyal ay

itinuring ang komiks bilang pambansang libro ng mga Pilipino. Mayroong dalawampu o mahigit pang titulo ng komiks

sa mga tindahan ang mabibili.

Lumawak pa ang mga ginamit na anyo sa paggawa ng komiks. Noong 1950s, kumuha ng inspirasyon ang komiks

mula sa ibang anyo ng literatura tulad ng komedya, alamat, mga paniniwala at maging sa mitolohiyang Pilipino. Ang

mga naunang komiks na Tagalog ay mayaman sa mga kwentong patungkol sa aswang, kapre, nuno sa

punso, tikbalang at iba pang mga karakter na mga sinaunang paniniwala ng mga Pilipino.

Ang ilang komiks ay hinango ang mga ideya ng karakter sa mga komiks ng Amerika, tulad

ng Kulafuat Og (Tarzan), Darna (Wonder Woman o Superman), at D.I. Trece (Dick Tracy).

Sa panahon ng Martial Law, ipinatanggal ang ilan sa mga nilalaman ng komiks. Ipinag-utos din ang paggamit ng

murang papel para sa komiks. Naapektuhan nito ang itsura at kalidad ng komiks, kaya naman bumaba ang benta ng

mga ito sa pagpasok ng dekada 80's.

Nagresulta ito sa pag-alis ng mga ilustrador ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa parehong industriya sa

Amerika. Kabilang dito sinaAlfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Niño, Tony de Zuniga, Rudy Nebres, at Nestor

Redondo.

Pagkatapos ng Martial law, muling namuhunan ang industriya ng komiks sa mga makabagong mambabasa. Drama

ang naging usong tema sa komiks, sa pagpapasikat ng mga manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron,

at Nerissa Cabral.
Ang pagbabalik ng interes sa komiks ay tumagal lamang hanggang sa simula ng 1990s kung kailan nagsimula nang

mahumaling ang mga Filipino sa ibang anyo ng paglilibang tulad ng video games, karaoke, 'pocket book novels',

'cellphones', at sa bandang huli - Internet at text messaging.

Maraming gumagawa ng komiks ang nagtipid sa produksyon, binawasan ang sweldo ng mga manunulat at dibuhista,

gumamit ng murang papel, at dinamihan ang mga pahinang nakatuon sa showbiz kaysa sa komiks. Dahil sa baba ng

sweldo, ang mga manggagawa sa industriya ng komiks ay nawalan na ng gana sa paggawa ng mga bagong istorya.

Ang mga manunulat ay napilitang ulitin na lamang ang mga lumang kwento, at ang guhit ng mga ilustrador ay

pangkaraniwan na lamang. Samakatuwid, hindi na nito nasasalamin ang mayamang tradisyon ng komiks na

nasimulan noon.

Ang mga salik na ito ang nagtulak upang bumaba ang konsumo ng komiks kahit maging ng mga tagahanga nito.

Patuloy pang nanghina ang industriya hanggang sa napilitan na ang mga gumagawa ng komiks na magsara at

kanselahin ang kanilang titulo.

Sa taong 2005, wala ng kahit anong kumpanya o malaking tagalimbag ng komiks sa Pilipinas. Ang mga naiwan ay

ang mga maliliit na lamang na naglalathala ng sariling titulo ng komiks.

You might also like