You are on page 1of 4

Understanding Directed Assessment

Pangalan : Salazar, Angelica R.


Petsa: November 11, 2022
Kurso at Taon: II-B FILIPINO
Iskor: _______________

I. Pagtataya para sa Modyul 2, mula sa ikaanim hanggang


ikawalong linggo. Mangyaring talakayin nang buong husay ang
mga impormasyong hinihingi sa ibaba.

1. Ngayong batid mo na ang kultura at tradisyon ng bawat rehiyon


na inilalarawan ng kanilang panitikan, tukuyin ang mahahalagang
panitikan sa bawat rehiyon na sa palagay mo ay tumatak at
nagpaunlad sa panitikang Pilipino. (70 puntos)

A. Rehiyon III _ Gitnang Luzon

Sinasabing, binubuo ang rehiyon ng anim na lalawigan: ang Bataan,


Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales. Ito ang tanging
rehiyon sa Pilipinas na nakapagbigay o pinagmulan ng apat na pangulo
ng Republika ng Pilipinas. Si Diosdado Macapagal, Ramon Magsaysay,
Corazon Aquino, at Gloria M. Arroyo. Ang panitikan ng Gitnang Luzon na
tumatak ay ang mga awiting bayan tulad ng “Atin Cu Pung SIng Sing”.
Pulosa, ito ay isa sa mga awiting-bayan sa Pampanga at Tarlac. Ang
pag-awit ng pulosa ay impromptu na sinasaliwan ng gitara. Kadalasan
itong inaawit sa simpleng pagtitipon tulad ng binyag, kasal, burol at iba
pang okasyon sa isang baryo o bayan doon. At kagaya rin ng iba’t ibang
bayan ay mayroong mga pamahiin at aniniwala ang mga taga rito.
Kagaya na lamang nang napkaraming kwentong bayan na tumatak sa
isipan ng lahat at ito ay ang mga Alamat ni Marian Sinukuan, Alamat ng
Bulkang Pinatubo at ang Alamat ng Concepcion sa Tarlac. Sadya ngang
napakadaming mga bagay ang maaring magpakilala sa isang lugar o
bayan ngunit mayroong mas hihigit at mangingibabaw sa lahat,
B. National Capital Region (NCR)

Sa aking pagkakatanda, Ang Pambansang Punong Rehiyon o


NCR ay kinabibilangan ng mga lunsod at munisipalidad na
bumubuo sa tinatatwag na Metro Manila o Kalakhang Maynila. Ang
NCR ay mayroong iba’t ibang bugtong. Pamahiin, at salawikain.
Maging sa kasal, patay, panliligaw, pananampalatay at paglilihi ay
mayroong iba’t ibang paniniwala sa lugar na ito. At pagdating
naman sa larangang ng aspektong kultural ay naalala ko ang mass
media kung saan nasakop nito ang pahayagan, radyo, telebisyon,
komiks o magasin, at ang mga iba’t ibang pelikula. At mas tumatak
pa sa larangan ng Panitikan ang tula na “Katapusang Hikbi Ng
Pilipinas: ni Andres Bonifacio”, “Kung Tuyo Na Ang Luha Mo
Bayan ko: ni Amado Hernandez” at “Inang Wika: ni Amado V.
Hernandez”.

C. Rehiyon IV (CALABARZON at MIMAROPA)

Kinagisnan at nakagawian ng mga Tagalog ang iba’t ibang palabas at


pagdiriwang . Taunang ipinagdiriwang ng bawat lalawigan ang panrelihiyong
pagdaraos ng panuluyan, Senakulo, Tibag, at Flores de Mayo o Santakrusan,
bagaman may pagkakaiba sa gawi ng pagsasagawa. Kilala rin ang ibang
lalawigan nito sa naiibang pagdiriwang. Binubuo ang Rehiyon IV ng
CALABARZON at MIMAROPA. Binabagtas ng Tagaytay Mountain Range ang
Cavite, Batangas at Laguna. Sa Mindoro na katatagpuan ng tatlong
bulubunduking bahagi na nagsisimula sa Mt. Halcon. Sa paanan ng mga
kabundukang ito, dumadaloy ang maraming ilog at lawa. Mahihinuha sa
topograpiya ng rehiyon ang maraming likas na yaman mula sa lupa at tubig.
Mapagtataniman at mapagkukuhanan ng mga produktong agrikultura tulad ng
bigas, gulay at prutas ang mga kapatagan sa pagitan ng mga bundok.
Mailalarawan ang mga kabundukan gayundin sa mga kapatagan ang
topograpiya ng Rehiyon IV. Matatagpuan ang mga nagtataasang bulubundukin
sa Quezon, kung saan nagsimula ang Sierra Madre o ang Pacific Coast
Range. Ang lugar na ito ay mayroon ding kanya-kanyang paniniwala, bugtong,
salawikain at marami pang iba.
2. Tukuyin ang mga Manunulat (pangalan, taguri at sagisag
panulat, kung mayroon) na nakapag-ambag nang malaki sa
pag-unlad ng Panitikan ng Pilipinas. (30 puntos)

 Francisco Balagtas Baltazar


Kilala sa kanyang palayaw na Kikong Balagtas. Kinilalang
pinakamagaling na Pilipino sa Panulaan at Balagtasan noong
panahon ng Kastila. Ang kanyang akdang awit na Florante at Laura
ang pinakadakilang awit sa Bulacan na kinilala maging sa buong
bansa.

 Juan Crisostomo Soto


Tubong Santa Ines, Bacolor Pampanga. Tinaguriang “Ama ng
Panitikang Kapampangan. Pambihira ang kanyang kahusayan sa
pagtatalong patula sa wikang Kapampangan. Isa siya
manunulat-makata, mandudula, at editor sa wikang Kapampangan.
Nagsulat siya ng Moro-moro at Sarsuela. Gumamit siya ng
sagisag-panulat tulad ng Crisot, Rubi, Natis Belen at Vitaliano sa
kanyang mga tula. Julio Septiembre at Lacan Batbat sa kanyang
mga artikulo.

 Severino Reyes
Gumamit ng sagisag na Lola Basyang. May akda ngn Walang
Sugatn at Mga Kuwento ni Lola Basyang.

 Jose Corazon DE Jesus


May sagisag sa panulat na Huseng Batute, Pusong Hapis, at Luksang
Paruparo. Umakda ng Bernardo Carpio, Doce Pares de Francia Adela at
Florante, Komedyang Hernandez at Galisandra at Principe Valdovino.
 Nestor V.M. Gonzales
Nagmula sa Romblon, batikang manunulat sa wikang Ingles sa
larangan ng tula, maikling kuwento at nobela. Bagamat nasanay
sa pagsulat ng mga akdang Ingles, pinag-aralan din niya ang
paggamit ng Tagalog nang mapabilang siya sa Kalipunan ng mga
Manunulat sa Wikang Pilipino pagkatapos maging opisyal o
pambansang wika ang Tagalong noong panahon ng Hapon. Ilan sa
kanyang mga Tula, Notations (1938), Sob of A City Dweller, Who
Spoke of Courage In His Sleep at My Island.

 Amado V. Hernandez
Gumamit ng sagisag-panulat na : Amante Ernani, Herninia dela
Riva, Julio Abril. May akda ng Mga Ibong Mandaragit, Isang Dipang
Langit, Bayang Malaya, Luha ng Buwaya at Magkabilang Mukha ng
Isang Bagol.

 Andres Bonifacio
Kinilala rin si Bonifacio sa kanyang salin sa Tagalog ng Mi Ultimo
Adios ni Dr. Jose Rizal at ng Kartilyang sinulat niya sa Katipunan.
Gumamit ng sagisag panulat na: Agapito Bagumbayan,
Maypagasa, at Magdiwang. May akda ng Ang Dapat Mabatid ng
mga Tagalog, Pag-ibig sa Tinubuang Lupa at Katapusang Hibik ng
Pilipinas.

 Emilio Jacinto
Gumamit si Jacinto ng sagisag sa panulat na Pingkian at
Dimas-ilaw. May akda ng Liwanag at Dilim, A La Patria, A Mi Madre
at Katipunan.

 Liwayway Arceo
May akda ng, Maling Pook, Maling Panahon…Dito,
Ngayon(1998), Ina, Maybahay, Anak at iba pa (1998), Mga
Kuwento ng Pag-ibig (1997), Mga Maria, Mga Eva (1995), Titser
(1995), Mga Piling Katha ni Liwayway Arceo (1992), Ang Mag-anak
na Cruz, Canal de la Reina (1985) at Uhaw ang Tigang na Lupa at
iba pang katha (1968).

You might also like