You are on page 1of 6

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

BATSILYER NG ELEMENTARYANG EDUKASYON


(BEED – III)

SHARON M. GARDOCE
(GURO SA FILIPINO)

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

GALORIO, DIVINE GRACE VILLANUEVA


BEEd-III

Modyul 3

PAUNANG PAGSUSULIT
Ibuod kung paano nagkaiba ang panitikan noong bago dumating ang mga dayuhan sa
Pilipinas sa panahon ng iba’t ibang pananakop? Tukuyin sa paliwanag ang impluwensya at
pag-unlad nito.
- Pagkakaiba ng panitikan noong Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas,
mayroon nang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga
panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong,
epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at
mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang
pinakaunang anyo ng dula sa bansa. Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila.
May mga panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at
makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo
(archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle
nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo. Ang
panahon ng mga alamat ay sumasakop mula sa panahon ng pagdating ng ikalawang
pangkat ng Malay. Ang kanilang panitikan ay pasalita lamang na binubuo ng mga
mitolohiya, alamat, kwentong bayan, mahiya, seremonya sa pananampalataya
sumasambala sila sa punongkahoy, sa araw at sa iba pang mga anito. Naniniwala rin
sila sa pamahiin
- Mga uri ng panitikang sumibol at sumikat sa sinaunang panahon:
ALAMAT
KWENTONG BAYAN
EPIKO
a. Bidasari – Moro
b. Biag ni Lam-ang – Iloko
c. Maragtas – Bisaya
d. Haraya – Bisaya
e. Lagda – Bisaya
f. Kumintang – Tagalog
g. Hari sa Bukid – Bisaya
MGA AWITING BAYAN
KARUNUNGAN BAYAN
a. Salawikain – nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga
ninuno.
hal. Aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo.
b. Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan
hal. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
c. Bugtong – maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang
pahuhulaan.
hal. Isang tabo , laman ay pako.
- Mga Impluwensya ng Kastila sa ating Panitikan:
1. Nahalinan ng Alpabetong Romano ang Alibata
2. Naituro ang Doctrina Cristiana

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

3. Naging Bahagi ng Wikang Filipino ang maraming salita sa Kastila


4. Nadala ang ilang akdang pampanitikan ng Europa at tradisyong Europeo na naging
bahagi ng ating panitikan gaya ng awit, corido, moro-moro at iba pa.
5. Nasinop at nasalin ang makalumang panitikan sa Tagalog sa ibang wikain
6. Nailathala ang iba’t ibang aklat pambalarila sa wikang Filipino tulad ng Tagalog,
Ilokano at Bisaya
7. Nagkaroon ng makarelihiyong himig ang mga akda
- Mga Unang Aklat:
a. Ang Doctrina Cristiana (1593) – Padre Juan de Placencia at Padre Dominga Nieva
b. Nuestra Senora del Rosario (1602) – Padre Blancas de San Jose
c. Ang Barlaan at Josaphat (nobelang Tagalog) – Padre Antonio de Borja
d. Ang Pasyon – iba’t ibang bersyon sa Tagalog (Mariano Pilapil, Gaspar Aquino de
Belen, Anecito de la Merced at Luis de Guia)
e. Ang Urbana at Felisa – Modesto de Castro (Ama ng klasikang tuluyan sa Tagalog)
- Mga Akdang Pangwika:
a. Arte Y Reglas de la Lengua Tagala
b. Compendio de la lengua Tagala
c. Vocabulario de la Lengua Tagala
d. Vocabulario de la Lengua Pampango
e. Vocabulario de la Lengua Bisaya
f. Arte de la Lengua Bicolana
g. Arte de la Lengua Iloka

Panahon ng Pagbabagong-isip (Propaganda)

– Ang diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at humihingi ng pagbabago sa sistema


ng pamamalakad sa pamahalaan at simbahan
– Pagpasok ng diwang liberalismo

Mga Propagandista:
a. Dr. Jose Rizal/ Laong Laan at Dimasalang (“Noli at El Fili)
b. Marcelo H. Del Pilar (Palridel, Piping Dilat at Dolores Manapat) – Pag-ibig sa Tinubuang
Lupa, Kaiigat Kayo at Tocsohan
c. Graciano Lopez Jaena (Fray Botod, Sa Mga Pilipino atbp)
d. Antonio Luna (Noche Buena, Por Madrid atbp)

Panahon ng Amerikano

1. Maalab ang diwang makabayan na hindi na magawang igupo ng mga Amerikano


2. Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang iba’t ibang larangan ng panitikan tulad ng
tula, kwento, dula, sanaysay, nobela atbp.
3. Pag-ibig sa bayan at pagnanais ng kalayaan ang tema ng mga isinusulat
4. Namayani sa panahong ito ang mga akda sa wikang Kastila, Tagalog at wikang Ingles
5. Pinatigil ang mga dulang may temang makabayan
6. Sa panahong ito nailathala ang babasahing Liwayway
7. Pinauso rin ang balagtasan katumbas ng debate
8. Nagkaroon/Nagsimula ang pelikula sa Pilipinas

Mga Pahayagan:
1. El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) ni Sergio Osmena (1900)
2. El Grito del Pueblo (Ang Sigaw ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete (1900)
3. El Renacimiento (Muling Pagsilang) – itinatag ni Rafael Palma (1900)

Mga Dulang Pinatigil:


1. Kahapon Ngayon at Bukas – Aurelio Tolentino

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

2. Tanikalang Ginto – Juan Abad


3. Walang Sugat – Severino Reyes

Ilang kilalang manunulat sa Kastila na sumikat:


1. Cecelio Apostol
2. Fernando Ma. Guerrero
3. Jesus Balmori
4. Manuel Bernabe Manalang
5. Claro M. Recto

Panahon ng Hapon

1. Natigil ang panitikan sa Ingles kasabay ng pagpatigil ng lahat ng pahayagan


2. Gintong Panahon para sa mga manunulat sa wikang tagalog
3. Ipinagbawal din ng mga Hapon ang paggamit ng wikang Ingles
4. Ang paksa ay natutungkol sa buhay lalawigan
5. Napasara ang mga sinehan at ginawa na lamang tanghalan
6. Nagkaroon ng krisis ng papel kaya hindi masyadong marami ang akdang naisulat

- Tatlong Uri ng Tula na sumikat sa panahon ng Hapon


1. Haiku
2. Tanaga
3. Karaniwang Anyo

Bagong Kalayaan 1945 – 1972

– Sumigla muli ang panitik sa Pilipinas


– Naging paksain ang kabayanihan ng mga gerilya, kalupitan ng mga Hapon, Kahirapan ng
pamumuhay noon atbp
– Nabuksang muli ang mga palimbagang naipasara dahil sa giyera
– Naitatag ang Palanca Memorial Award in Pilipino and English Literature noong 1950
– Nagkaroon din ng Republic Cultural Award, Gawad ni Balagtas at Taunang Gawad ng
Surian ng Wikang Pambansa
– Sumigla rin ang pagkakaroon ng pahayagan sa mga paaralang pangkolehiyo
– Nagbukas rin ang palimbagan ng lingguhang babasahin: Liwayway, Bulaklak, Tagumpay,
Ilang-ilang atbp

Batas Militar 1972 – 1986

– 1972 idiniklara ang Batas Militar sa Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand


Marcos
– Paksa ang paghingi ng pagbabago sa pamahalaan at lipunan
– Pagsisimula ng programang Bagong Lipunan noong Setyembre 21, 1972
– Pinahinto ang mga pampahayagan at maging samahang pampaaralan
– Pagpapatatag ng “Ministri ng Kabatirang Pangmadla” (sumubaybay sa mga pahayagan,
aklat at mga iba pang babasahing panlipunan)

Kasalukuyang Panahon

– Isa pang makulay na kabanata ng panitikang Pilipino


– Namumulat ang mamayang Pilipino sa kahalagahan ng pambansang wika
– Marami na ang sumusubok na sumulat gamit ang kanilang sariling vernakyular

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

– Mas mayaman ang pinagkukunan ng paksang isusulat


– Malaki ang impluwensiya ng teknolohiya at agham
– Malayo na rin ang naaabot ng media
– Kahit sa mga telebisyon nagbabago na rin ang wikang ginagamit
– Hindi lamang pamapanitikan ang uri ng salitang ginagamit ngunit mapapansin na may
mga akda na gumagamit na rin ng pabalbal, kolokyal at lalawiganin

GAWAING PAGKATUTO
1. Saliksikn ang epikong Biag ni Lam-ang. Saliksikin at ilahad rin ang kontrobersya
sa likod ng epikong ito.

Buod ng Epikong Biag ni Lam-ang.

Ipinanganak si Lam-ang sa Nalbuan sa Mag-asawang Juan at Namongan


Panganiban. Isinilang si Lam-ang na hindi nakikita ang kanyang ama dahil ito ay
nabihag at napatay ng mga Igorot.

Isinilang si Lam-ang na mayroon nang ngipin at sa edad na siyam na buwan (9


months) ay siya na ang pumili kung ano ang ipapangalan sa kanya. Sa Edad ding
iyon ay nagawa niyang lakbayin ang ang kabundukan at ipaghiganti ang
pagkamatay ng kanyang ama sa kamay ng mga Igorot.

Umibig siya kay Ines Kannoyan na kanya namang napaibig sa tulong ng kakaibang
husay na ipinakita ng kanyang aso at tandang. Napatumba ng aso ang bahay sa
pamamagitan ng pagtahol nito, samantalang napatayo naman ito ng tandang sa
pamamagitan ng patilaok. Hinandogan niya si Ines ng isang kaskong ginto.
Nagpakasal si Ines at Lam-ang.

Bilang pagtupad sa isang tradisyon, sumisid si Lam-ang sa dagat upang manghuli


nang isdang Rarang. Nakain siya ng isdang berkakan sa kanyang pagsisid.
Pinasisid ni Ines ang kanyang buto at mulin binuhay si Lam-ang sa tulong ng taglay
na galing ng kanyang alagang aso at tandang.

Namuhay na masaya, masagana at mapayapa ang magasawa mula noon.

- Ang kontrobersya sa epikong Biag ni lam ang ay mapapansin natin na sa


pagkakasilang palang ni Lam ang ay nakakapagsalita na ito,nakakapili na ng
kanyang panglan at talas na din ng kaisipan at kaalaman na hindi naman
naagkop sa kanyang gulang maging ang kanyang pangangatawan.

2. Gawan ng sariling komik strip ang epiko ng pakikipagsapalaran ni Lam-ang.


Maaaring sariling guhit o sa tulong ng pormat na galing sa internet.
- Bukod na papel

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

PAGTATASA

1. 1.Anong kantang pampatulog ang inaawit sa inyo noong bata pa? Ilahad ito.

- Ang kantang inaawit sakin noong bata pa ako ay lalalala… sa aking


natatandaan para ako ay maka tulog, inaawitan ako ng aking nanay ng
lalalalala tono lang walang lyrics. Hindi ko na matandaan ang iba.

2. Sumulat ng makabagong salawikain at gawan ito ng maikling repleksyon.

- Ang masasakit na salita


Pag ito ay sa tao tumama
Magsisilbi itong malaking pasa

Ibig sabihin ng salawikain na ito, hinay hinay tayo sa pagsasabi ng


masasakit na salita sa kapwa natin , kasi hindi natin alam kung anong
mararamdaman nila sa mga nasabi nating masasakit, ito man ay sinasadya
o hindi sinasadya. Kasi once na masabihan natin sila ng masasakit hindi
natin alam kung ano bang magiging impact sa kanila nito, dadamdamin nila
yun masasaktan sila at worst pa nga ehh hindi na nila ito makalimutan at
lumayo ang loob nila sa atin. Kaya mag inggat tayo sa sasabihin natin sa
ibang tao at pag sila at natamaan o nasaktan ditto, mag sisilbi sa kanila itong
pasa.

3. Magbigay ng kasabihan na naging patnubay mo sa pakikipagsapalaran sa


buhay. Bakit ito ang iyong napili?

- Ang kasabihan na naging patnubay ko sa aking pakikipagsapalaran sa


buhay ay, “ Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa taas ka, minsan
nama’y nasa baba” ito ang napili ko dahil masasabi kong hindi naman sa
lahat ng pagkakataon  ay nasa magandang sitwasyon ng buhay natin
minsan may mga mabibigat na mga problemang dadating sa atin. Nandiyan
ang mga lubak na dadaanan natin pag nasa baba tayo ng ating buhay at
andyan naman ang patag na dadaanan natin. Kung nasa pinakang baba
man tayo ng ating buhay ngayon, maaring baka bukas o sa maka lawa
nandoon naman tayo sa taas , sa kaginhawaan ng ating buhay. Kaya ito ang
napili ko kasi tulad ng pinag dadaanan kong problema ngayon, kahit
nahihirapan na ako, tuloy parin ang pag ikot ng buhay ko kasi iniisip ko
nalang nasa baba ako ngayon tiis lang at baka bukas ako naman ang nasa
taas.

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111

You might also like