You are on page 1of 7

Name: Dhave A.

Albarico
Schedule: GE ELEC 3 (2:30-4:00pm)
Teacher: Mr. Joas Belando

KABANATA 1

SANLIGAN NG PAG-AARAL

1. Ano ang kayarian ng salitang “panitikan” ?

Ang panitikan ay nagsasabi o naghahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, karanasan,


hangarin at diwa ng mga tao. Ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsusulat ng
tuwiran o tuluyan at patula.

2. Ipaliwag ang dalawang anyo ng panitikan. Sabihin ang mga karaniwang akda sa ilalim
ng bawat isa.

Dalawang anyo ng panitikan:

1. Tuluyan o prosa- maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito


ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag. Ang mga akda sa ilalim
nito ay alamat, anekdota, nobela o kathambuhay, pabula, parabula, maikling kwento, dula,
sanaysay, talambuhay, talumpati, at kwentong bayan.

2. Patula o panulaan- pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na


pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang
mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong. Ang mga
akda sa ilalim nito ay awit, korido, epiko, balada, salawikain, bugtong at tanaga.

3. Anu-ano ang mga impluwensiya ng panitikan sa buhay, kaisipan at ugaliin ng tao?

Ang panitikan ay may dalawang mahahalagang impluwensya sa buhay, kaisipan at ugali ng tao
at ito ay may dalawang kalagayan:

1. Ito ay nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan


ng panitikan.

2. Dahil sa panitikan, ang mga tao sa sandaigdigan ay nagkakalapit ang mga damdamin at
kaisipan, nagkakaunawaan at nagkakatulungan.
4. Magbigay ng sampung akdang pampanitikang nagdala ng malaking impluwensiya sa
buong daigdig at ipakilala ang impluwensiyang dala, pati ang mga bansang
pinanggalingan.

1. Banal na kasulatan- naging batayan ng pananampalatayang Kristiyano.

2. Koran- bibliya ng mga Muslim.

3. Iliad at Odyssey- siyang kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya.

4. Maha-Bharatas- kasaysayan ng pananampalataya

5. Divina Comedia- nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya, at pag uugali ng mga


Italyano.

6. Aklat ng mga Araw- naging batayan ng kalinangan at pananampalataya ng mga Insik.

7. Aklat ng mga Patay- kinapapalooban ng mitolohiya at teolohiya ng mga taga ehipto.

8. Counterburry Tales- naglalarawan ng mga ugaling Ingles at kanilang pananampalataya.

9. El Cid Campeador- nagpapahayag ng kanilang mga alamat, pag- uugali at kasaysayan.

10. Uncle Tom's Cabin- si Harriet Beecher Stowe ng estados unidos na nagbukas ng mata ng
mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing Itim at ang simula ng paglaganap ng demokrasya
sa daigdig.

5. Ano ang tinatawag na Panitikang Filipino? Gawing masaklaw ngunit maikli ang
paliwanag.

Ang panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino tungkol sa
pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika at pananampalatayang
niyakap ng mga Pilipino.

6. Ano ang pumalit sa katutubong panitikan ng ating mga ninuno? Bakit?

Modernong Panitikan ang pumalit sa Katutubong panitikan. Ang panitikan sa panahon ngayon
ay kakikitaan ng pagsibol o pagsulputan ng mga makabagong salita. Ito marahil ay dala na ng
kalayaan ng ating bansa. Malaya na tayong nakapaghahayag ng ating mga saloobin. Ang
paraan ng paglathala ng panitikan ngayon ay maaring sa website/blog. Ang bawat may akda sa
panahon ngayon ay naipapahayag ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng malikhaing
pagpapahayag gamit ang mga makabagong teknolohiya.
Mahalagang makilala ang bawat panitikan na sumibol sa bawat panahon. Sapagkat ang
panitikan ay larawan o mukha ng isang bansa. Ito ang naglalarawan sa kultura at pamumuhay
ng mga tao sa panahong nailathala ang panitikan.
7. Bakit isa sa pinakamalaganap, kundi man pinakamalaganap, sa mga katutubong
panitikan natin ang Panitikang Tagalog?

Ang paglitaw ng mga akdang mapanghimagsik sa Panitikang Tagalog ay dahil sa


pagkakagarote ng tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto
Zamora. Umunlad ang panitikang Tagalog dahil sa maraming pahayagan at magasin na
naglathala ng mga akdang pampanitikan.

8. Bakit dapat nating pag-aralan ang Panitikang Filipino? Ano pang ibang dahilan ang
maaaring idagdag?

Dapat Pag-aralan ang Panitikang Pilipino upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman
ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinuhan ng lahing ating pinagmulan. At
matalos natin na tayo ay may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga
impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggagaling sa ibang mga bansa. Higit pa, para
mabatid natin ang mga kapintasan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang
mga ito. Atmalaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti
at mapaunlad. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura
ay dapat nating pag-aralan ang ating panitikan sapagkat tayo higit kanino man ang dapat
magpahalaga sa sariling atin.

9. Anu-ano ang mga panahong pinagdaanan ng ating panitikan, ayon sa wastong


pagkakasunud-sunod?

1. Panahong Katutubo(bago mag 1521)

2. Panahon ng kolonyalismong Espanyol(1521-1860s)

3. Panahon ng pagbabagong diwa/ pagbabagong isip(1960s-1892)

4. Panahon ng Himagsikan(1892/1899)

5. Panahon ng kolonyalismong Amerikano(1900s-1942)

6. Panahon ng pananakop ng Hapon(1942-1944)

7. Panahon ng malayang Republika(1946-1960)

8. Panahon ng Aktibismo (1960s-1970)

9. Panahon ng batas militar


10. Ipaliwanag ang mga katangiang taglay ng bawat panahon ng Panitikang Filipino.
Pangatuwiranan at ibatay ang katuwiran sa pambansang kasaysayan na kapanahon at
sanhi ng katangian.

1. Panahong Katutubo(bago mag 1521)- ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang


pasalindila. Tumatalakay sa pamumuhay ng ating mga ninuno.

2. Panahon ng kolonyalismong Espanyol(1521-1860s)- ang panitikan sa panahong ito ay


karaniwang pasulat. Tumatalakay sa paksang panrelihiyon.

3. Panahon ng pagbabagong diwa/ pagbabagong isip(1960s-1892)- ang panitikan sa panahong


ito ay karaniwang tumutuligsa sa pang-aabuso ng gobyernong kolonyal.

4. Panahon ng Himagsikan(1892/1899)- ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang


nananawagan ng himagsikan.

5. Panahon ng kolonyalismong Amerikano(1900s-1942)- ang panitikan sa panahong ito ay


karaniwang nagpapakita ng dalawang pwersang nagtutulungan.

6. Panahon ng pananakop ng Hapon(1942-1944)- ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang


nakasulat sa wikang katutubo gaya ng tagalog. Tumatalakay sa buhay lalawigan, paghahangad
ng kalayaan at pagkamakabayan.

7. Panahon ng malayang Republika(1946-1960)- ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang


tumatalakay sa masamang karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Hapon.

8. Panahon ng Aktibismo(1960s-1970)- ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang aktibista.


Tumatalakay sa suliraning panlipunan.

9. Panahon ng batas militar- ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang tumatalakay parin sa
suliraning panlipunan. Matimpi at pailalim ang pagbatikos sa kawalan ng kalayaan.

KABANATA 2

KATUTUBONG PANITIKAN BAGO PUMASOK ANG IMPLUWENSIYA NG KANLURAN

1. Anu-ano ang dalawang bahagi ng panahon ng Matandang Panitikang Filipino?

1. Kapanahunanan ng mga Alamat - ang panahon ng mga alamat ay sumasakop mula sa


panahon ng pagdating ng ikalawang pangkat ng malay.
2. Kapanahunanan ng mga Epiko- nagsimula sa palipalibot ng mga taong 1300 A.D at nagtapos
sa panahong pananakop ni Legazpi noong taong 1565.

2. Ano ang kaugnayan ng kaligirang pangkasaysayan sa pagsususri ng nga panahon ng


panitikan ng isang bansa?

Ang mga panitikan na ito ay naglalaman ng parehong masaganang at masalimuot na


kasaysayan ng ating bansa.

Isang paraan ang mga akdang pampanitikan upang malaman ng mga kabataan ang sakripisyo
at kabayanihan na ginawa ng kanilang mga ninuno upang magkaroon ng kalayaan na
tinatamasa ngayon.

3. Sino ang unang nanirahan dito? Saan galing? Kailan at papaano sila nakarating dito?
Anu-ano ang kanilang mga katangian?

Ang mga Negrito. Sa “migration theory”, ang unang dumating na mga tao sa Pilipinas ay ang
mga Negrito. Tinatawag din silang Atis o Actas. Naglakbay sila sa mga lupaing tulay mula sa
kalupaang Asya nang may 25,000 taon na ang nakalilipas. Noong panahog iyon, ang ating
bansa ay nakakabit sa Asya sa pamamagitan ng mga tulay na lupain na sa kalaunan ay
lumubog sa ilalim ng karagatan. Ang mga Negrito ay maliliit na mga tao. Kulang ang taas nila sa
limang talampakan. Tinagurian silang "negritos" dahil sa kanilang maiitim na balat, maikli at
kulot na kulot na mga buhok, makapal na mga labi at pangong ilong. Halos wala silang damit.
Wala silang pamahalaan, walang kasulatan, at walang permanenteng tahanan. Naglilibot sila sa
kagubatan at nabubuhay sa pamamagitan ng pangangaso gamit ang pana, pangingisda, at
pagkuha ng mga ligaw na mga halaman at mga prutas.

4. Sino ang mga Indonesyo? Ilang sapit ng pandarayuhan o lakbayan ang kanilang
ginawa, kalian , at papaano? Ano ang kanilang mga katangian?

Sa “migration theory”, ang mga Indonesian ay ang mga unang dayuhang dumating sa Pilipinas
sa pamamagitan ng dagat. Dumating sila ng may mga 5,000 taon na ang nakalipas. Sila’y
naglayag sa mga bangka mula sa Timog Asya. Napaalis ang mga Negrito tungo sa mga bundok
at ang mga Indonesian ang nanirahan sa kapatagan. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng
pangangaso, pangingisda, at maliit na sakahan. Pinipinturahan nila ang kanilang katawan ng
mga makukulay na larawan.

May dalawang uri ng mga Indonesian. Ang unang uri ay matataas, maputi ang balat, malapad
ang noo, matatangos ang ilong at manipis ang labi. Bandang huli na ng dumating ang
pangalawang uri. Higit na pandak at maiitim sila, malalaki ang ilong, makapal ang labi at malaki
ang panga.
5. Sino ang mga “manggugusi?” Saan galing at saan dito sila nagsipanirahan?

Ang manggugusi ay ang mga Intsik na galing Tsina. Nanirahan sila sa pulo nga Batangas at
Babuyanes, sa hilagang tabing dagat ng luson, sa Tayabas Sorsogon.

6. Ano ang matandang pangalan ng Mindoro? Papaano natin ito nalaman?

Ma-i o Mait ang matandang pangalan ng Mindoro. Ang pagkakaroon at pagkakakilala nito ay
nabanggit sa mga lumang salaysay ng Tsino 775 A.D. at higit na mas detalyado noong 1225.

7. Anong uri ng mga Arabe at Persa ang nandayuhan sa atin, at bakit sila nandayuhan?
Kailan at saan sila nanirahan?

Dumating ang Arabe sa Pilipinas noon 890 A.D. hanggang ika- 12 siglo, ngunit ang nagdala ng
pananampalatayang Muslim ay ang tinatawag na Handramaut Sayyid mga misyonerong Arabe
na nanggaling sa Malaysia at dumating sa Pilipinas noong ika- 16 siglo, kasama nila ang
maraming mangangalakal na Arabe at Persiyano.

8. Anu-ano ang mga katangian ng panitikan natin noong Kapanahunan ng mga Alamat?

Ang kanilang panitikan ay pasalita lamang at binubuo ng mitolohiya, alamat, kwentong bayan,
mahiya, at seremonya sa pananampalataya.

9. Anu-ano ang mga anyo ng panitikan noong Kapanahunan ng mga Alamat?

Ang mga anyo na panitikan noon Kapanahunan ng mga alamat ay alamat, bulong, mga
kwentong bayan, mga karunungang bayan, bugtong, epiko, mga awiting bayan, salawikain,
sawikain, kasabihan, palaisipan, mga unang dulang Pilipino.

10. Ano ang kahulugan ng “bulong na pangmahiya?” Magbigay ng mga halimbawa.


Maghanap ng mga ibang maihahalimbawa sa mga “bulong” na natitira pa sa kaugaliang
panlalawigan ngayon.

Ang bulong ay isang uri ng tradisyonal na dula na ito ay labis pinapaniwalaan ng mga
sinaunang Pilipino. Isa pang bulong ay paghingi ng pahintulot sa pinaniwalaan nilang nuno sa
punso.
Ibang pang halimbawa ng bulong na natitira pa sa kaugaliang panlalawigan ngayon ay mano
po, ingat po kayo sa byahe, pakabait ka, pagpalain ka nawa, paabot po, paalam.

You might also like