You are on page 1of 15

St.

Peter’s College of Misamis Oriental


15th de Septiembre, Poblacion 2, Balingasag, Misamis Oriental
S.Y 2022-2023

COLLEGE DEPARTMENT
2nd Semester

PAGTUTURO SA FILIPINO SA
ELEMENTARYA (II)
PANITIKAN SA PILIPINAS
(EED 16)
SUMMARY OUTLINE

Kristine Joy B. Janog


Student’s Name

JOENARD EDDIE ‘JOY’ A. TALIAN, MAEED


Instructor
Introduction
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (II)-Panitikan ng Pilipinas

Ang Panitikan ay pagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, karanasan,


hangarin at diwa ng mga tao. Ito ay sumasalamin sa isang lahi at isa sa basehan at
identidad ng isang bansa. Ito’y pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan
at pagpapahayag sa paraang nagpaparanas sa bumabasa ng kaisipan at damdamin
ng manunulat, at sa paraang abot-kaya ng mangangatha o manunulat. Sa panitikan
nakakatalamitan ng isipan ng mambabasa ang isipan ng manunulat ng iba’t ibang
panahon ng iba’t ibang bansa
Sa pagbasa ng panitikan, maaangkin ng mag-aaral ang isang kamala an para sa
katutubong tradisyon, na magiging gabay sa pagbasa at pagpapahalaga sa panitik, sa
anumang wika nasusulat ito, sa pananaw ng isang Pilipino. Sa gayo’y napatitibay
ang mga pagpapahalaga sa sariling kultura’t kabihasnan. Masasabi Inyang mayroon
siyang sariling tradisyong maihahambing sa ibang tradisyon ng ibang pook sa
daigdig. Makikintal din sa kanyang isipan na nararapat na pagyamanin ang
magagandang kinagisnan at higit na pagbutihin ang kasalukuyan at hinaharap.
Mahalaga ang panitikan Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at
matalos natin ang atingpinagyaman ng isip at ang angking talino ng ating
pinanggalingang lahi. Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo'y
may dakila at marangal natradisyonng siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo
ng ibang kulturang nakarating saating bansa. Upang matanto natin ang ating mga
kakulangan sa pagsulat ng panitikan atmakapagsanay na ito'y matuwid at maayos.
Upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap
naito'y malinang at mapaunlad. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa
sariling kultura ay kailangangmaipamalas ang pamamalasakit sa ating sariling
panitikan. Ang pag-aaral ng sariling panitikan ay kasinghalaga sa isang bansa ng
pagsusuri ng isang tao sa kanyang sarili. Malalaman ng mga tao ang kanilang sariling
kalinangan at kasaysayan, Makikita nila ang kanilang sarili, ang kakalasan o kahinaan
ng kanilang paniniwala at pag-uugali, Matutuhan nilang ipagmalaki ang mga bagay na
kanila at magiging matibay at matatag ang kanilang pagkakilala sa kanilang pagkalahi,
Malalaman nila ang kahalagahan ng kanilang sariling wika sa paglalarawan ng kanilang
mahahalagang karanasan, mga pangarap, paniniwala at mga gawaing pang-araw-araw.
Dahil sa panitikan nagkakalapit ang damdamin ng mga tao sa sandaigdigan.
Nagkakahiraman sila ng ugali at palakad at nang kakatulungan. Marami ring mga
akdang pampanitikan ang nagdala ng impluwensiya sa buong daigdig.
Layunin:
Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahan na magagawa mo ang mga sumusunod:
 Natutukoy ang tungkulin ng pagtuturo ng Filipino at Panitikan sa Elementarya
 Napaliliwanag ang mga panahon ng panitikan bago pumasok ang impluwensiya
ng kanluran hanggang sa kasaluyang panahon.
 Nasasabi ang kahalagahan ng pagtuturo at pagkilala ng ating Panitikang Filipino.
Lesson 1
Panitikang Pilipino
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin,
mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na
paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

Kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas sa Iba’t Ibang Panahon ng Panitikang


Pilipino. Sinaunang Panahon, May sarili nang panitikan ang ating mga ninuno
sapanahong ito, Alibata ang kadalasang ginagamit, Gumagamit din sila ng mga biyas
ng kawayan, talukap ng bunga o niyog at dahon at balat ng punungkahoy bilang sulatan
at matutulis na bagay naman bilang panula.
Pananakop ng Kastila. Mga Impluwensya ng Kastila sa ating Panitikan:
Nahalinan ng Alpabetong Romano ang Alibata, Naituro ang Doctrina Cristiana, Naging
Bahagi ng Wikang Filipino ang maraming salita sa Kastila Nadala ang ilang akdang
pampanitikan ng Europa at tradisyong Europeo na naging bahagi ng ating panitikan
gaya ng awit, corido, moro-moro at iba pa, Nasinop at nasalin ang makalumang
panitikan sa Tagalog sa ibang wikain, Nailathala ang iba’t ibang aklat pambalarila sa
wikang Filipino tulad ng Tagalog, Ilokano at Bisaya, Nagkaroon ng makarelihiyong himig
ang mga akda.
Panahon ng Hapon; Natigil ang panitikan sa Ingles kasabay ng pagpatigil ng
lahat ng pahayagan, Gintong Panahon para sa mga manunulat sa wikang tagalog,
Ipinagbawal din ng mga Hapon ang paggamit ng wikang Ingles, Ang paksa ay
natutungkol sa buhay lalawigan, Napasara ang mga sinehan at ginawa na lamang
tanghalan, Nagkaroon ng krisis ng papel kaya hindi masyadong marami ang akdang
naisulat.
Panahon ng Amerikano; Maalab ang diwang makabayan na hindi na magawang
igupo ng mga Amerikano, Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang iba’t ibang
larangan ng panitikan tulad ng tula, kwento, dula, sanaysay, nobela atbp, Pag-ibig sa
bayan at pagnanais ng kalayaan ang tema ng mga isinusulat, Namayani sa panahong
ito ang mga akda sa wikang Kastila, Tagalog at wikang Ingles, Pinatigil ang mga dulang
may temang Makabayan, Sa panahong ito nailathala ang babasahing Liwayway.
Bagong Kalayaan 1945 – 1972. Sumigla muli ang panitik sa Pilipinas, Naging
paksain ang kabayanihan ng mga gerilya, kalupitan ng mga Hapon, Kahirapan ng
pamumuhay noon atbp, Nabuksang muli ang mga palimbagang naipasara dahil sa
giyera, Naitatag ang Palanca Memorial Award in Pilipino and English Literature noong
1950, Nagkaroon din ng Republic Cultural Award, Gawad ni Balagtas at Taunang
Gawad ng Surian ng Wikang Pambansa, Sumigla rin ang pagkakaroon ng pahayagan
sa mga paaralang pangkolehiyo, Nagbukas rin ang palimbagan ng lingguhang
babasahin: Liwayway, Bulaklak, Tagumpay, Ilang-ilang atb.
Batas Militar 1972 – 1986. 1972 idiniklara ang Batas Militar sa Pilipinas sa
pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Paksa ang paghingi ng pagbabago sa
pamahalaan at lipunan, Pagsisimula ng programang Bagong Lipunan noong Setyembre
21, 1972, Pinahinto ang mga pampahayagan at maging samahang pampaaralan,
Pagpapatatag ng “Ministri ng Kabatirang, Pangmadla” (sumubaybay sa mga
pahayagan, aklat at mga iba pang babasahing panlipunan). Sa Kasalukuyang Panahon.
Isa pang makulay na kabanata ng panitikang Pilipino, Namumulat ang mamayang
Pilipino sa kahalagahan ng pambansang wika, Marami na ang sumusubok na sumulat
gamit ang kanilang sariling vernakyular, Mas mayaman ang pinagkukunan ng paksang
isusulat.
Lesson 2
Katutubong Panitikan bago pumasok ang Impliwensiya ng Kanluran
Kapanahunan ng mga alamat. Sumakop mula sa panahon ng pagdating ng ikalawang
pangkat ng Malay. Ang kanilang panitikan ay pasalita lamang (mitolohiya, alamat, kwentong,
bayan, mahika, seremonya. Sumasamba sila sa punong kahoy, sa araw, at mga anito.
Naniniwala rin sila sa pamahiin.
Kapanauhan ng mga epiko. Nagsimula sa pali-palibot ng mga taong 1300 A.D. at
nagtapos sa panahon ng pananakop ni Legazpi noong taong 1565. Ang mga Ita (Ayta, Agta,
Baluga) Unang nanirahan sila sa ating mga pulo; walang pamahalaan, panulat, sining, at
siyensiya. Sanay sa gamit ng busog (bow) at pana. Awitin at pamahiin ang alam nila na
panitikan. Ang mga Indonesyo. Mayroon silang alamat, epiko, pamahiin, at mga bulong
pangmahika. Nakarating sila may 8,000 taon na. May malalaking pangangatawan, maitim na
balat, makapal na labi, malaking ilong, at pangahan. Mas marunong sila sa mga Negrito.
Ang mga Bumbay/Hindu, Ika-12 siglo nang sila ay dumating. Sila'y nanggaling sa
Borneo at nagdala ng pananampalatayang Budismo, epiko, at mahika. Sila ay may
pananampalatayang Beda at sumasamba sa kalikasan at sa araw. Ang mga Bumbay/Hindu
(Ika-13). Ito ang ikalawang sapit nila na may pananampalatayang Bramin at nagdaan sa Java at
Burneo sa panahon ng kahatian ni Madyapahit. Dinala: panitikang epiko, awiting-bayan, at
liriko. Salitang Bumbay o Hindu Bahagi ito ng Wikang Filipino (guro, bansa, mukha, atb.)
Arabe at Persia. Dumating noong 890 AD ika-12 siglo. Ang mga misyonerong Arabe at
Persyang kabilang sa pangkat ng mga Hadramaut Sayyid ang nagpakalat ng Mohame
Famismo sa Malaysia at Filipinas noong ika-15 dantaon. Nanirahan sa Mindanao at Cebu at
nagdala ng mga epiko, kwentong bayan, dula, at alamat.
Mga Katangian ng Kapanahunan ng mga Alamat. Ang mga nakatira sa kapuluang ito
noong kapanahunan ng mga Alamat, bagama't hindi talagang gala, ay walang panatilihang
tahanan (permanent home). Kung nasa isang pook ay pangkat-pangkat at sila ay may sariling
pamahalaang kasundo o kaaway ng mga kalapit-pangkat. Ang panitikan noon ay salindila o
lipat-dila, na ang nagpapahayag ay ang mga apo, na karaniwang puno ng barangay o
pinakapari ng kanilang relihiyon. Ang relihiyon noon ay ang pagsamba sa araw, punong-kahoy
o anomang kalagayan ng kalikasan at ang lahat ng mga kababalaghan ay gawa ng mga
mabubuting hilagyo na tinatawag nilang "anito". Binubuo ang panitikan ng mga bulong na
pangmahiya, kwentong-bayan, at alamat. Ang karanihan ay salig sa pananampalataya ay
pamahiin.
Ang mga Malay (Mahometanong Malay). Dumating noong 1300 at 1500 taon.
Nanggaling sa Malaysia at nanirahan sa Mindanao at Sulu. Nagdala sila ng epiko, alamat,
kwentong bayan, ay pananampalataya.
Ang mga Impluwensya ng Madyapahit/Kambodya. Ang Imperyo ng Madyapahit na ang
pinakasentro ng Java sa Indonesya ay naging napakamakapangyarihan na maraming mga
kalapit bansa ang nasakop. Kabilang dito ay Indo-Tsina, Cambodia, Siam, Anam, Tonikin, at
Filipinas. Ang mga Impluwensya ng Madyapahit/Kambodya. Kaya't ang Filipinas ay nagkaroon
ng impluwensiya ng mga bansang nakabanggit lalo na sa panitikan. Ang mga kuwentong bayan
ng Cebu, Panay, Negros, at Palawan ay katulad ng mga kuwentong bayan ng mga nabanggit
na mga bansa.
Intsik, Nakarating sa Filipinas sa pagitan ng ika-3 - ika-8 siglo. May kaugaliang sosyal ay
galing din sa kanila. Ang Filipinas ay nasakop ng mga Intsik noong taong 1405 - 1417 noong
panahon ni Yonglo. Salitang Luzon galing sa Intsik na lu-song na nangangahulugang South of
the Storm Belt. Salitang mula sa mga Intsik, Gusi, susi, mangkok, talyasi, kawali, kawa, bakya,
tingi, Ingkong, Impo, bayaw, inso, kuya, diko, sangko, atb.
Ang kaharian ng Malacca, Sa pagbagsak ng Imperyo ng Madyapahit ay ang Imperyo
naman ng Malacca ang naging makapangyarihan sa silangan.
Nagtatag sila ng pamahalaang pinamunuan ng mga Sultan o Rajah. Tumagal ang
kapangyarihan ng Malacca ng 20 taon mula noong 1430 hanggang 1450. Sinasabing ang
karaniwang pahayag na "Alla-eh" sa Batangas ay impluwensiya ng Imperyo ng Malacca.

Lesson 3
Panahon ng Kastila
Ang panitikang Filipino nang panahon ng Kastila ay nagsimula lamang nang
opisyal namaitatag ni Legaspi ang kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas noong 1565.
Kumulang humigitsa 44 na taon muna ang nakaraan simula nung makarating si
Magallanes sa Pilipinas noong 1521 bago opisyal na nasakop ang Pilipinas ng Espanya
May tatlong ekspedisyon ang naipadala ng Espanya sa Pilipinas bago ang kay Legaspi
ngunit ang tatlong ekspidisyong yaong pinamumunuan nina Laoisa (1521),
Saavedra (1527), at Villalobos (1542) ay walang nangyari at hindi nakarating sa
Pilipinas sapagkat sila’y sinalakay ng mga Olandes na noon ay nasa Indonesya. Mahigit
sa 3 daang taong namalagi at lumaganap ang Panitikang Filipino sa Kastila. Ang
pangunahing dahilan ay ang pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyanismo
oKatolisismo.2. Ang ikalawang dahilan ay pagpapayaman. Ito rin ang dahilan kung bakit
ang mga ibang bansasa kanluran ay nananalakay ng mga bansa sa Asya at sa
Aprika.3. Ang ikatlong dahilan ay pagpapalakas ng kapangyarihan. Ang Espanya ay
nagingmayaman at makapangyarihang bansa noong ika-15 at ika-16 na daang taon.
Sapagkat ang pangunahing layunin ng mga Kastila’y magpalaganap ng
pananampalatayang katolisismo ay ang edukasyong ibinigay sa mga Pilipino’y balot ng
mga araling panrelihiyon. Unti-unti nilang pinalitan ang dating pananampalatayang
pagano. Angdating Alibata ay hinalinhan nito ng Alpabetong Romano. Ang mga dating
paksa ng panitikan ay nahalinhan ng tungkol sa pananampalatayang Katolisismo.
Upang ang mga Pilipino’y madaling matuto nga bagong Abakadang Romano, ang mga
misyonero na ang nagsipag-aral ng iba’t-ibang wikain sa Pilipinas. Kaya’t masasabing
ang mga unang misyonero sa Pilipinas ay tapat sa kanilang tungkuling maka-
Diyos.Gayon din naman ang kanilang panitikang dinala sa Pilipinas. Karamihan ay
panrelihiyon, pangkagandahang asal at pangwika. Ang mga ito’y nagtataglay ng iba’t
ibanganyo. Ang mga paksa’y huwad sa paksang Kastila. Ang mga uri ng panitikang
lumaganap ay mga awit, corrido, duplo, karagatan, comedia, moro-moro, cenakulo, at
sarsuwela. Ang mgatuluyang dinala nila ay mga talambuhay ng mga santo, nobela,
dasal at misteryo. Upang ang mga Filipino’y maturuan ng dasal, ang mga misyonero ay
nagsisulat ng mga aklat na pangwika gaya ng mga bokabularyo, balarila, misteryo at
mga talambuhay ng mgasanto. Malaki ang kanilang naiambag sa pagpapaunlad ng
Panitikang Filipino.
Mga Akdang Panrelihiyon: Doctrina Cristiana (1593)- kauna-unahang aklat na
panrelihiyon na nalimbag sa pamamagitan ng silograpiya sa Pilipinas. Ito ay sinulat
ninaJuan de Plasencia at P.Domingo de Nieva. Nuestra Senora del Rosario (1602)-
ikalawang aklat na nailimbag sa Pilipinas. Ito aysinulat at inilimbag ng sariling kamay ni
Padre Blancas de San Jose sa Limbagan ngPamantasan ng Santo Tomas. Barlaan at
Josaphat (1708)- Ito’ay isang salaysay sa Bibliya na isinalin sa Tagalog ni Padre
Antonio de Borja mula sa Griyego. Ito ang kauna-unahang nobelang Tagalogkahit
saling-wika lamang. Pasyon. Dalit kay Maria- Si Padre Mariano Sevilla, isang paring
Pilipino ang sumalat nito noong 1865.Humalaw siya sa mga awt ni Muzzarelli na “Mese
de Maggio” o Buwan ng Mayo. Inaalayan ng bulaklak ang Mahal na Birhen habang
umaawit ng dalit.
Mga Akdang Pangwika: Arte Y Reglas de la Lengua Tagala (1610)- sinulat ni
Padre Blanca de SanJose at inilimbag ni Tomas Pinpin ang kauna-unahang
manlilimbag naPilipino. Vocabulario de la Lengua Tagala (1754)- sinulat nina Padre
Juan de Nocedaat Padre Pedro Sanlucar na bokubularyong pinakatanyag.

Lesson 4
Panahong ng Pagbabagong-isip
Panitikan sa Panahon ng Pagbabagong Isip Ang panahong ito ay nahahati sa
dalawa - Panahon ng Propaganda (1872 - 1896) - Panahon ng Tahasang
Paghihimagsik (1872 - 1896) Panahon ng Propaganda Kaligirang Kasaysayan -
Pagkatapos ng higit sa tatlong daang taong pagkakahimlay ay nagising ang mga
natutulog na damdamin ng mga Pilipino nang isangkot sa digmaan sa Kabite ang
tatlong paring sina Gomez, Burgos, Zamora. Sila ay pinatay noong ika - 17 mg Pebrero
1872 sa pamamagitan ng Garote kahit na walang matibay na katibayan ng kanilang
pagkakasala. - Kasabay nito ay lalong tumindi ang diwang liberalismo dahil sa
pagkakabukas ng Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan at ang pagdating ng liberal na
lider na tulad ni Gob. Carlos Maria dela Torre. - Dahil sa mga pangyayaring ito ay hindi
nagawang pigilin ng mga Kastila ang nabuong mapanlabang damdamin ng mga
Pilipino. Kaya naman ang diwang makarelihiyon ay naging makabayan na humihingi ng
pagbabago sa pamamalakad ng simbahan at pamahalaan.
Ang Kilusang Propaganda - Ito ay binubuo ng pangkat ng mga intelektwal sa
gitnang uri. Ang layunin ng kilusang ito ay ang pagkakaroon ng reporma o pagbabago
na maaaring makamit kung maisasagawa ang mga sumusunod: Magkaroon ng pantay -
pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas. Gawing lalawigan ng
Espanya ang Pilipinas. Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa
Kortes ng Espanya. Gawing mga Pilipino ang mga Kura Paroko. Ibigay ang kalayaan ng
mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon o pagpupulong, at pagpapahayag
ng kanilang mga karaingan. Ang mga Bumubuo sa Kilusan.
Panahon ng Tahasang Paghihimagsik Kaligirang Kasaysayan - Sa kabila ng mga
magagandang hangarin ng Kilusang Propagandista para sa inang bayan ay siya
namang pagiging bingi ng pamahalaan. Nagpatuloy pa din ang pang-aapi at
pagsasamantala ng pamahalaan at simbahan sa mga Pilipino. - Dahil dito ay ilang
mamamayang Pilipino ang nagpasya na ang tanging natitirang lunas ay ang
maghimagsik laban sa pamahalaan at simbahan. - Ang naging sentro at laman ng
panitikan ay pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan, kasama na din dito ang
pagbibigay payo sa mga Pilipino upang magkaisa at maghanda nang matamo ang
inaasam na kalayaan. Ang mga Kasapi sa Paghihimagsik.
Mga Taluktok ng Propaganda - Ang tatlong pinaka taluktok o lider ng kilusan ay
sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar at Graciano Lopez Jana. Jose Rizal o Jose
Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda, ipinanganak noong ika-19 ng Hunyo, 1861
sa Calamba Laguna, pinatay sa Bagumbayan noong ika-30 ng Disyembre, 1896. Ang
kanyang mga akda: Sa aking mga Kababata, A La Juventud Filipina, Noli Me Tangere,
El Filibusterismo, at Mi Ultimo Adios. Marcelo H. Del Pilar, pinanganak noong ika-30 ng
Agosto, 1850 sa Cupang, San Nicolas, Bulacan, namatay noong ika-4 ng Hunyo, 1896
sa Barcelona, Espanya. Ang kanyang mga akda: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, Dasalan
Tocsohan, at Caiingat Cayo. Graciano Lopez Jaena, pinanganak noong ika-18 ng
Disyembre, 1856 sa Jaro, Iloilo, namatay noong Enero 20, 1896 sa Barcelona, Espanya
dahil sa sakit na tuberculosis. Ang kanyang mga akda: Fray Botod, El Bandolerismo en
Pilipinas, at Sa mga Pilipino.
Lesson 5
Mga Manunulat sa Panahon ng Himagsikan at ang Kanilang mga Akda.

Kaligirang Kasaysayan Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging


pagbabago ng mga Propagandista. Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang
pang-aapi at pagsasamantala, at naging mahigpit pa sa mga Pilipino ang pamahalaan
at simbahan. Ang mga mabuting balakin sana ng Inang Espanya sa Pilipinas ay
nasasalungat pa rin ng mga prayleng nangaghari rito.
Hindi naging mabisa noong panahon ng Himagsikan ang mga katha. Ang mga
sanaysay at pahayagan ang naging behikulo sa pagpapabatid sa mga tao ng mga
tunay na nangyayari sa kapaligiran. Ito ang naging mabisang tagaakay sa mga tao
upang tahakin ang landas tungo sa pagkakaroon ng kalayaan
Ang pagkakatapon kay Rizal sa Dapitan noong 1892 ang naging babala ng
pagtatagumpay ng mga propagandista. Gayunman, hindi naman nanlupaypay ang mga
ibang masigasig sa paghingi ng reporma. Ang iba’t hindi naniniwalang reporma ang
kailangan, naniniwala silang kailangan na ng marahas na pagbabago. Nagbago ang
takbo ng panahon sa pagkakatatag ng Katipunan noong gabi mismo nang mabalitaang
ipinatapon si Rizal sa Dapitan. Si Andres Bonifacio kasama nina Velentin Diaz, Teodoro
Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano at ilan pang may diwang makabayan ay lihim na
nagpulong noong ika-7 ng Hulyo, 1892 sa isang bahay sa Azcarraga. Itinatag nila
ang Kataastaasang Kagalang-galangan na Katipunan nang manga Anak nang
Bayan (K.K.K.) o Katipunan. Nagsanduguan sila at inilagda sa pamamagitan ng kani-
kaniyang mga dugo ang kanilang pangalan bilang kasapi ng samahan. Ang mga
manunulat na natampok sa panahong ito’y sina Andres Bonifacio (Ama ng Katipunan)
at Emilio Jacinto (Utak ng Katipunan).
Nilalaman Ng Panitikan Sa Panahon Ng Tahasang Paghihimagsik: == pawang
pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan == pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang
magkaisa at maghanda nang matamo ang inaasam na kalayaan. Andres Bonifacio,
kilalang-kilala bilang “Ama Ng Demokrasyang Pilipino” At “Ama Ng Katipunan” • hamak
ang pinanggalingang kalagayan sa buhay, kaya’t sinasabing ang kanyang mga
natutuhan ay pawang galing sa “paaralan ng karanasan” • umanib o lumahok sa
kilusang itinatag ni Jose Rizal-ang La Liga Filipina • lalong kilala sa pagiging dakilang
mandirigma kaysa manunulat. Emilio Jacinto -isinilang sa mahirap na angkan sa Trozo,
Maynila noong Disyembre 15,1875 -gumamit ng sagisag-panulat na “DIMASILAW” -
Kinikilala bilang “Utak Ng Katipunan” -Siya ang tumatayong punong-sanggunian ni
Andres Bonifacio -Katulong ni A. Bonifacio sa pagtatatag ng kilusang Katipunan -
Naging patnugot ng pahayagan ng Katipunanang Kalayaan. Apolinario Mabini =
nagmula sa maralitang angkan = isinilang noong Hulyo 22, 1864 sa Tanauan,
Batangas, nagtapos ng pagka-manananggol = tinaguriang “Utak Ng Himagsikan” =
ipinatapon sa Guam ng mga Amerikano sapagkat ayaw niyang manumpa sa bandilang
Amerikano = namatay sa sariling bayan sa sakit na kolera. Jose Palma, isinilang noong
ika-6 ng Hunyo1876 sa Tondo = nag-aral sa Ateneo de Manila = lumikha ng tulang liriko
at ito ay tinipon sa isang aklat na pinamagatang “Melancolicas” (Mga Panimdim) =
pinakadakilang ambag ay ang pagkakalapat ng titik sa tugtuging pambansa na
pinamagatang “FILIPINAS”
Lesson 6
Panahon ng Amerikano
Nang panahong iyon ay hindi gaanong naging mahalaga sa mga manunulat na
Pilipino kung hindi pa rin sila ganap na malayang makasulat ng talagang nais nilang
isulat. Katulad ng isang maliit na ibong matagal na nakulong, nang bigyan ng laying
lumipad ay nasiyahan na muna sa palipad- lipad sa labas sa labas ng hawla at hindi
makapangahas lumipad sa malayo. Para sa mga manunulat na Pilipino, ang
pinakamahalagang naganap ay nakakawala sila sa galamay ng kaisa-isang paksang
maari nilang talakayin sa panahon ng Kastila at ito ay ang pagpuri’t pagbibigay-
karangalan sa kanilang relihiyong Kristiyanismo. Kahit na nga sila’y ginapusan ng
bagong panginoon ng mahigpit na tanikala ng batas ng sedisyon. Makakasulat sila ng
tungkol sa kahit na ano, lao na ang tungkol sa pang-aabuso’t pananampalasan ng
kanilang mga dating panginoon, ang mga Kastila. Sa ilalim ng batas sedisyon ay hindi
sila maaaring magsulat nang lantaran ni sa paraang pahiwatig ng kahit na angong
makapagpapaalab sa damdaming makabayan laban sa mga Amerikano. Hindi sila
maaaring magsulat ng laban sa mga Amerikano, laban sa kanilang mga pagmamalabis
laban sa kanilang mga layunin na hindi naman pawang sa kapakanang Pilipino.
Mahahati ang panahong 1901 -1942 sa tatlo: (a) Panahon ng Paghahangad ng
Kalayaan; (b) Panahon ng Romantisismo sa Panitikan (c) Panahon ng Malasariling
Pamahalaan. Sang-ayon kay Lope K. Santos, ang maikling kathang Tagalog ay
matutuntong na nagsupling sa anyo ng panitikang tinatawag na Pasingaw. Ito’y
kadalasang tungkol sa mga dalagang hinahangaan, nililigawan, sinasamba nang lihim o
pinaparunggitan dahil sa nais tawagan ng pansin ang kapintasan sap ag-uugali o sa
hitsura. Kaya ang kadalasang nagsusulat nit ay mga lalaking manunulat na nagkukubli
sa ilalim ng mga sagisag dahil na rin sa “kaselanan” ng mga paksang tinatalakay. Ang
pasingaw ay naging dagli. Sa tiyakang pagbibigay ng kahulugan , ang dagli ay isang
maikling salaysay na nangangaral, namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa.
Ang mga Manunulat ng Panahon: Jose Corazon de Jesus- ang “Makata ng
Puso” ang siyang higit sa kaninoman ay nkamana ng korona’t setro, ng pinsel at papel
ni Francisco Baltazar. Hindi kailanman magiging ganap ang anomang pagsusuri ng
tulang Pilipino sa kahit anong panahon kung hindi babanggitin ang pangalan ni Huseng
Batute, ang “Makata ng Puso”. Lope K. Santos ang “Makata ng Buhay” sa kaniyang
mga tula, mababakas ang pagkamakata sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga bagay-
bagay sa buhay, lalong- lao na iyong nauukol sa pangkalahatang bagay sa paligid.
Dalubhasa ang panulat ni Lope K. Santo sa paglalarawan ng kahit na itinuturing na
walang kuwenta at fi pansing mga bagay. Hindi rin lumihis si Lope sa kalakaran ng
pangangaral. Katunayan, may kalipunan siya ng mga kuwentong tula na hango sa mga
katutubng salawikain Pedro Gatmaitan- nagpakita ng pag-unawa sa kalagayang
panlipunan ng kaniyang paligid. Taong 1913 nang kanyang paksain ang tungkol sa
maselan na temang nauukol sa lipuang feudal. Sumulat din siya ng mga nauukol sa
pagmamahal sa bayan. Iñigo Ed Regalado (1855- 1896 ) siya ay isa ring kuwentista,
nobelista at mamahayag ngunit ang buong linamnam at tamis ng kaniyang pagkamulat
ay sa kaniyang mga tula malalasap. Tinalakay niya sa kaniyang mga tula ang buhay sa
daigdig, ang mga bagay- bagay sa kapaligiran at ang mga di mapapasubaliang
katotohan ng buhay. Florentino Collantes (1896- 1951)- kapanahon ni Jose Corazon de
Jesus at mahigpit niyang nakaagaw sa titulong Hari ng Balagtasan. Julian Cruz
Balmaceda (1885- 1947) kilalang mandudula, mananalaysay, nobelista, mananaliksik
wika at makata. Siya ay naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa hanggang sa
mamatay sa taong 1947.
Lesson 7
Panahon ng Hapon
Ang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon sa kasaysayan ng
Pilipinas mula 1942 hanggang 1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung
kalian nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim
ng kapangyarihan ng Estados Unidos.Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga sundalong Hapones ang Pilipinas noong
Disyembre 8, 1941. Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga Hapones
ang Pearl Harbour sa Hawaii. Pagkaraaan ng mga lingo, umatras sina Heneral Douglas
McArthur na kasama ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan
bilang Pangulo ng Pilipinas. Pinasok ng military ng Hapon ang Maynila noong Enero 2,
1942.Sa pagdating ng mga Hapones sa ating bansa, dala nila ang
kanilangpropaganda na ang mga hapon ay dumating sa Pilipinas bilang kapatid na
siyangmagpapalaya sa mga Pilipino. Ngunit taliwas ang propagandang
kanilangpinangangalandakan sapagkat laganap noon ang pagmamaltratong inabot ng
mgaPilipino sa kamay ng mga hapon. Pinatunayan ito ng mga salaysay
ng mgadumanas ng karahasan--- pagmamaltrato, pambubugbog, pagpatay ng mga
kaanakat panggagahasa.
Namahingang tuluyan ang Panitikang Filipino at Kastila sa Panahon ng Hapon.
Sa kabila nito, nagpatuloy ang pagsulat sa mga wikang Tagalog at ingles nataglay ang
diwang makabansa, bagama’t hindi nakararating lahat sa mga mambabasang Pilipino.
Masasabing iilang akda lamang sa loob ng mahigit na taltlong taon ang naisulat mula
1945 hanggang 1944. Tahasang ipinagamit ang Filipino sa mga paaralan bilang Wikang
Pambansa, at ang Ingles na wikang panturo sa mga batang nag-aaral. Ngunit
nagkaroon ng kautusan na bawal ang pagturo ng mga bagay na may kinalaman sa
Demokrasya at Estados Unidos. Upang maiwasan ang hinggil dito ay pinilas o tinakpan
ang mga aklat pampaaralanna kababasahan ng mga bahaging ipinagbabawal ng mga
Hapones.
Naging maunlad ang maikling kuwento sa panahon ng Hapon.Hindi
makapagmalaki ang mga mambabasa na di bibili ng magasin sapagkatiilan lamang ang
ganitong uri ng babasahin. Sa tula ay namalasak ang Haiku,isang tulang binubuo ng 17
pantig na nahahati sa tatlong taludtud. Ang una ay may limang pantig, ang ikalawa ay
may pitong pantig, at ang ikatlo ay may limang pantig. Maikling-maikli ang Haiku, ngunit
nagtataglay ng malawak na kahulugan, kagandahan at damdamin. Isa pang uri ng
tulang namalasak sa Panahaon ng Hapon ay ang Tanaga. Binubuo ito ng apat na
taludtod na bawat isa ay may pitong pantig. Ito ay maikli ngunit may sukat at tugma sa
hulihang pantig. Ang Singkian naman ay binubuo ng isang pangalan o pangngalan sa
unang taludtod; dalawang pang-uri sa ikalawa; tatlong pandiwa sa ikatlo; isang parirala
saikaapat; at isang pangalan o pangngalan sa ikalimang taludtod. Hindi umunlad ang
nobela sa panahong ito. Dahilan marahil sa kakapusan ng papel kaya walang gaanong
naisulat na nobela sa panahong nabanggit. Ang mganobelang napalathala sa Liwayway
ay ginamitan ng maliit na tipo upang habaan ang mailalathala sa bawat
labas.Naisapelikula ang nobelang Tatlong Maria ni Jose Esperanza Cruz; Sa Lundo ng
Pangarap ni Gervasio Santiago; Pamela ni Adriano Laudico at Lumubogang Bituin ni
Isidra Castillo. Ipinaturo ng Hapones ang wikang Filipino sa lahat ng antas ng pag-aaral
ngunit hidi rin napawi ang wikang Ingles, na ginamit pa ring wikang panturo sa
panahong nabanggit.Ang mga pahayagang pinahintulutang lumabas ay ang The
Tribune, Philippine Review, Pillars, Free Philippines at Filipiniana.
Lesson 8
Panahon Mula ng Matamo ang Kalayaan Hanggang sa Kasalukuyan
Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan
mula sa kamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang
kalayaang pampanitikan ng bansa. Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino
sa iba’t ibang uri sa panahong ito ay ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na
katipunan ng mga aklat: Mga Piling Katha at Mga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla,
Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo, Ako’y Isang Tinig ni Genoveva
Edroza-Matute at marami pang iba.
Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong
nagsisimula ang dekada ’80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio
Almario (na may sulat-panulat na Rio Alma) at Quintin Perez. Pinakamasigla rin ang
mga panitikang namayagpag sa media gaya ng sa radyo, telebisyon at sinehan.
Nagsilang ang panahong ito ng mga musikerong Imelda Papin at Victor Wood, ng
Hotdog, Sampaguita, Asin, Ryan Cayabyab, Levi Celerio, Pepe Smith at Freddie
Aguilar na naging laman ng mga jukebox. Mga lagaristang gaya nina Ricardo “Ricky”
Lee (may-akda/Himala at Oro, Plata, Mata), Lino Brocka (tagadirehe/Maynila sa Mga
Kuko ng Liwanag) at Ishmael Bernal (tagadirehe/Himala) at Marilou Diaz-Abaya
(tagadirehe/Oro, Plata, Mata). Nagsilabasan rin ang mga karikaturang (komiks) na
Darna, Liwayway at Zuma ni Mars Ravelo at ang pinakatanyag na Pugad Baboy.
Nag-uumpisa pa lang ang ikadalawampung siglo, higit na sumigla ang panitikang
Filipino dahil sa trend o pinauso na dulot ng media. Kinilala ang Eraserheads (isang
bandang binubuo ng mga mag-aaral ng UP) sa pagpapasigla muli sa OPM. Nagbukas
ng daan sa marami pang musikero ang Eheads gaya ng sa Yano, Siakol, Green
Department, the Teeth, Rivermaya at Parokya ni Edgar. Nagbigay ng bagong hihip sa
kulturang Pilipino ang mga bandang ito na nagpakilala ng iba pang genre ng musika sa
lahi. Kinilalang The Beatles of the Philippines ang Eheads dahil sa init na taglay ng
bawat pagtanghal at bagong awitin. Ilan sa mga awiting kinilalang imortal sa panahong
ito ay ang Huling El Bimbo, Iskin, Banal na Aso Santong Kabayo, Himala, Silvertoes,
Alapaap, Overdrive, Peksman, Prinsesa, Pare Ko at Miss sa Loob ng Jeepney. Maliban
sa mga banda, kinilala rin ang mga musika ni Jolina Magdangal, Jeremiah, Rossel
Nava at Carol Banawa na mga supling ng makabagong melo-musika ng bansa.
Sumigla rin ang mga dulang pantelebisyong pambata lalung-lalo na ang Batibot,
Ang TV at 5 and up. At mga dulang panradyo ay kinagigiliwan naman ng mga
nakatatanda. Puspusan din ang produksyong pampelikula na nagsalin ng mga maikling-
kwento at nobela sa pelikula at ginawang inspirasyon ang mga awit, tula, sanaysay at
kasaysayan sa pagbuo ng marami pang dulang pampelikula. Naipanganak din ang
maraming genre ng pelikula gaya ng independent flims at cinema veritae film. Sa
kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan, magazine
at aklat, hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y programang
panradyo; kundi sa pamamagitan din ng hi-technology – ang Internet. Dahil sa internet
nagkaroon ng blogging, video clipping at audio airing na patuloy na bumubuhay sa
panitikan hindi lang ng Filipino kundi ng ibang lahi mandin. Patuloy na dumarami ang
mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang iba’t ibang
media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga universidad at kolehiyo at
pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga
mamamayan. Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan
lamang ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat; kailangan din ang
pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa pagtaguyod
ng panitikan ng lahi.
Lesson 9
Ang Pamaraang Pinag-ugnay Integrasyon sa Sining, Musika at Edukasyong
Pangkatawan
Inihanda ang seryeng ito para maunawaan ng mga mag-aaral ang kahalagahan
ng musika, sining, at edukasyong pangkatawan bilang bahagi ng kanilang paglago sa
pag-iisip, pangangatawan, at pagiging malikhain. Binibigyang-diin nito ang paghuhubog
ng pagtitiwala ng mga mag-aaral sa kanilang kakayahan sa pamamagitan ng mga
gawaing pangmag-aaral sa sining, musika, at edukasyong pangkatawan.
Edukasyon Sining ay upang taasan ang kamalayan at pag-unawa sa damdamin
ng kagandahan, ang paglilinang ng masining na expression at pagkamalikhain.
Edukasyon Sining ay dapat magsagawa ng mga kinakailangang teknikal na
pagsasanay, hindi maaaring manatili sa galos lamang pagsasabog ng kaalaman,
karanasan ng musika, pagpapahalaga ng musika, ngunit kailangan mong master ang
ilang mga kasanayan. Sa kontemporaryong lipunan, "art edukasyon" ay may dalawang
magkaibang kahulugan at nilalaman. Makitid nagsasalita, "art edukasyon" nauunawaan
bilang isang iba't ibang mga manilay-nilay at praktikal na edukasyon upang sanayin
artist o propesyonal na artist gumanap, tulad ng iba't-ibang mga institusyon propesyonal
na sining ang kaso, Theater Academy upang sanayin ang mga manunulat, direktor at
aktor, musika Paaralan magsaka kompositor, kumanta at iba pang mga mang-aawit at
naging kasangkapan.
Ang edukasyong pangmusika ay isang larangan ng pag-aaral na may kaugnayan
sa pagtuturo at pagkatuto ng musika. Hinahawakan nito ang lahat ng mga nasasakupan
ng pagkatuto, kasama na ang dominyong sikomotor (ang pag-unlad ng mga
kasanayan), ang dominyong kognitibo (ang pagkakamit ng kaalaman), at, sa mga
paraang partikular at mahalaga, ang dominyong apektibo, kabilang na
ang apresyasyon o pagpapahalaga sa musika at sensitibidad. Ang inkorporasyon
(pagsasama sa katawan ng pagtuturo at pagkatuto) ng pagsasanay na pangmusika
mula sa mga edukasyong preschool hanggang sa postsekundaryo ay karaniwan sa
karamihan ng mga bansa dahil ang pagiging kasangkot sa musika ay itinuturing na
isang pundamental na bahagi ng kultura at ugali ng tao. Katulad ng wika, ang musika ay
isang paggawa at katuparan na nagbubukod sa atin bilang mga tao.
Ang edukasyong pangkatawan[1] o edukasyong pisikal[2], sa payak na kahulugan,
ay ang mga ehersisyong pisikal na paksa sa paaralan. Kasama rito
ang himnastiks, atletiks, isports na may pangkat, at iba pang mga uri ng ehersisyong
pangkatawan na itinuturo sa mga bata kapag nasa paaralan. [3] Ito ang instruksiyon para
sa pagpapaunlad at pangangalaga ng katawan na kinabibilangan ng mga payak na
ehersisyong kalisteniko at isang kursong pinag-aaralan na nagbibigay ng pagsasanay
sa palalusugan o kaalaman hinggil sa kalusugan at pag-iwas sa sakit, himnastiks, at
pagsasagawa at pangangasiwa ng mga palarong atletiko. [4] Ito
ang edukasyon ibinibigay para sa pangangalaga at pagpapaunlad ng katawan ng tao,
na may pagtutuon o pagbibigay diin sa atletiks, na kasama ang kalinisan ng katawan.
Maaari itong anumang palatuntunan o programa ng mga gawaing pangkalamnan o
pangmasel na nakatutulong sa mga tao upang magkaroon sila ng pag-unlad at kontrol o
pagtaban sa kanilang mga katawan. Isa itong prosesong nakasasanhi ng kaaya-ayang
pagkasanay at pagkatuto – kasama ang organiko, neuromuskular, intelektuwal,
panlipunan, pangkalinangan, pangdamdamin, at estetiko – dahil sa at humantong din
sa karampatan o katamtamang gawaing masigla. Binibigyang kahulugan din ito bilang
isang pormal na lugar sa mga gawaing pang-edukasyon na pangunahing nakatuon sa
mga gawaing pangkatawan na isinasakatuparan sa isang pook na nasa loob ng isang
gusali, establisamiyento, o institusyong pang-edukasyon. Isa itong isinaayos na
pagtuturo sa mga gawaing pangkatawan na nakapag-aambag sa paglaki ng
pangangatawan, kalusugan, at hitsura o wangis ng katawan ng tao.[5]
Lesson 10
Ang Pilipino sa Pagsulat
Ang pagsulat ay isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na tagapamagitan sa
pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag (kilala bilang
sistema ng pagsulat). Iniiba ito sa larawang-guhit, katulad ng mga larawang-guhit sa
yungib at pinta, at ang pagtatala ng wika sa pamamagitan ng hindi-tekstuwal na
tagapamagitan katulad ng magnetikong teyp na awdyo. Ang pagsusulat ay maaaring
nagsimula bilang isang kinahinatnan ng pagpapalaganap na pampolitika ng sinaunang
mga kultura, na nangailangan ng maaasahang pamamaraan ng pagpapakalat ng
kabatiran o impormasyon, pagpapanatili ng mga kuwentang pampananalapi,
pagpapanatili ng mga pangkasaysayang mga pagtatala, at kahalintulad na mga gawain.
Noong bandang ika-4 na milenyo BK, ang kasalimuotan ng kalakalan at pangangasiwa
sa Mesopotamia ay humigit pa at lumampas sa memorya o alaala ng tao, at ang
pagsusulat ay naging isang mas maaasahan o masasalalayang paraan ng pagtatala o
pagrerekord at paghaharap ng mga transaksiyon na nasa isang anyong permanente o
pamalagian.
Mga Uri ng Liham: Liham Pagbati, Pinadadalhan ng liham pagbati ang sinumang
nagkamit ng tagumpay, karangalan, o bagay na kasiya-siya. Ganito ring uri ng liham
ang ipinadadala sa isang nakagawa ng anumang kapuri-puri o kahanga-hangang bagay
sa tanggapan. Liham Paanyaya, Taglay ng liham na ito ang paanyaya sa pagdalo sa
isang pagdiriwang, maging tagapanayam, o gumanap ng mahalagang papel sa isang
partikular na okasyon. Liham Tagubilin, Nagrerekomenda o nagmumungkahi ang isang
indibidwal o tanggapan kung may gawaing nararapat isangguni sa bawat nagpapakilos
ng gawain upang magkatulungan ang mga kinauukulan sa katuparan ng nilalayon nito.
Liham Pasasalamat, Pagpapahayag ng pasasalamat sa mga naihandog na tulong,
kasiya-siyang paglilingkod, pagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon, ideya at
opinyon, at tinanggap na mga bagay. Liham Kahilingan, Liham na inihahanda kapag
nangangailangan, o humihiling ng isang bagay, paglilingkod, pagpapatupad, at
pagpapatibay ng anumang nilalaman ng korespondensiya tungo sa pagsasakatuparan
ng inaasahang bunga, transaksiyonal man o opisyal. Liham Pagsang-ayon, Liham na
sumasang-ayon at nagpapatibay sa isang kahilingan o panukala na makabubuti sa
operasyon ng isang tanggapan. Maaaring samahan ng kondisyon ang pagsang-ayon
kung kinakailangan. Liham Pagtanggi, Nagpapahayag ito ng dahilan ng pagtanggi, di
pagpapaunlak, di pagsang-ayon sa paanyaya, kahilingan, panukala, at iba pa hinggil sa
pangangailangang opisyal at transaksiyonal. Kailangang mahusay na maipahayag ang
dahilan ng pagtanggi ng inaanyayahan upang hindi makapagbigay-alinlangan sa
sumulat. Nasasalamin sa ganitong uri ng liham ang pagkatao o personalidad ng
tumatanggi sa liham. Dapat tandaan na kapag ang inaanyayahan ay tumanggi o di
makadadalo sa paanyaya, kailangang magpadala ng isang kinatawang gaganap ng
kanyang tungkulin. Kung di gustong ipaganap ang tungkulin, sagutin ng
nakakukumbinsing pananalita sa liham ang nag-aanyaya.
Pero, dahil sa teknolohiya, ang liham na dati’y makakarating pa matapos ang
ilang araw ay magagawa na ngayon sa isang iglap lamang. Ngunit, atin pa ring dapat
pagbigyan ng pansin at halaga ang liham. Ito’y dahil malaking parte ng ating
kasaysayan at kultura ang mga liham.
Conclusion
Ang panitikan ng isang bansa ay sumasalamin sa mga paniniwala, kultura at
tradisyon nito. Sapanitikan ibinubuhos ng mga tao ang kanilang mga
saloobin, nararamdaman at nakikita sakanilang katayuan kaya repleksyon
ang panitikan ng kung ano ang pamumuhay sa isang bansa.Ang panitikan
ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan,
pamahalaan,pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng
damdaming tulad ng pag-ibig,kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot,
paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-
aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan sabuong mundMalaki ang
kontribusiyon ng Panitikan sa Kasaysayan sapagkat dito natin makikitakung ano ang
buhay ng mga tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, Nobela, Kantahin,
otalumpati nalalaman kung ano ang obserbasiyon ng mga may-akda sa kanilang paligid
at sakanilang mga buhay. Isang tradisiyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at
pagpapaliwanag angmga tekstong pampanitikan. Isa itong metodong
nagpapakita ng mga bagay, karanasan, atpuwersang pangkasaysayan na
nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat,paghubog, at pag-unlad
ng panitikan.
At sa aming Guro sa asignaturang ito nagpapasalamat ako dahil sa kabutihang
loob at pagbibigay sa amin ng kaalaman. Ikaw ang nag silbing gabay naming mag-aaral
na matapos ang subject na ito.

You might also like