You are on page 1of 2

Dominique Capinding

BSA III
PANITIKANG FILIPINO

Magsulat ng isang sanaysay tungkol sa pagkakaiba, pagkakatulad at kahalahagan ng mas malalim


na kaalaman tungkol sa iba’t-ibang uri ng panitikan sa Luzon.

Ang ating bansa ay mayaman sa iba’t ibang panitikan na sumasalamin sa kultura, tradisyon at
kasaysayan ng ating buhay. Pinapakita din nito ang karanasan ng parte sa Luzon. Ang mga panitikan sa
Luzon ay puno ng iba’t ibang kayaman na nagpapamalas ng kanilang galing sa panitikan. Ang panitikan
nila ay nagkakaparehas sa pamamagitan ng pagbuo ng kasyasayan ng kanilang mga lugar. Pinapakita nila
ang pamumuhay ng mga sinaunang tao o ang kanilang mga ninuno. Sinasalamin nila ang mayamang
kultura at tradisyon na kanilang pinagyaman sa nagdaang panahon. Sila ay mayaman sa pagbuo ng epiko,
awiting bayan, mito, alamat, kwentong bayan, salawikain, bugtong at iba pang uri ng panitikan. Ang mga
ito ang kanilang instrumento upang maipahayag ang kanilang damdamin. Ang kanilang panitikan ay may
kaunting halo na impuwensya mula sa dayuhan.

Ang bawat panitikan ay maroon ding malaking pagkakaiba. Sila ay nagkakaiba sa lenggwahe na
ginagamit nila sapagkat may iba iba silang diyalekto na ginagamit.Ang panitikan ng Cordillera ay
nagkaiba sa paraan na mayroon silang pagpaparangal sa ispiritu ng kanilang mga ninuno.Sa kabilang
parte naman ng Ilokos, ang isa sa kakaiba sa kanilang panitikan ay ang Dung-aw na may kinalaman sa
ritwal sa mga namatay at ang isa sa kakaiba sa kanila ay ang Doctrina Christiana na may kinalaman ang
impkuwensya ng mga banayaga.Ang tawag sa panitikan ng mga Ilocano ay Kurditan. Isa naman sa
kakaiba sa panitikan ng Pangasinan ay ang kanilang sulatin ay may kinalaman sa usapin patungkol sa
kanilang kapakanan. Mayroon ding kakaiba sa panitikan ng gitnang Luzon, mayaman sila sa usapin
patungkol sa relihiyon at may impluwesya mula sa Kastila.Ang panitikan naman ng Bicol ay nakapokus
sa pagkahumaling sa napakagandang paligid o ang kanilang kalikasan.

Ang ating bansa ay ang ating tahanan. Mas makikilala natin ang bawat lugar sa Luzon kung
magkakaroon tayo ng kaalaman sa kanilang panitikan na nailimbag. Ito ay sariling atin kung kaya’t dapat
nating tangkilikin. Isa rin itong mahalagang instrumento upang higit na mabuksan ang isipan natin tungo
sa paglingap sa sariling wika.Bagamat may ibat ibang uri ng panitikan sa ating bansa,nagkakaisa naman
ito sa iisang puso at diwa. Sa panahon ngayon, mas madami pang alam ang iba na panitikan na
pangbanyaga kung kaya’t nawawalan ng kaluluwa ang kanilang sariling pagkilala sa kanilang sariling
panitikan. Ang pagalam ng panitikan sa Luzon ( at maging sa ibang parte ng Pilipinas) ay makakatulong
upang makilala ang ating sarili bilang Pilipino at mas mahasa ang ating pinagyamang isip at ang angking
talion ng ating pinanggalingang lahi. Makikilala natina ang pagkatao ng ating mga ninuno at ang mga
bagay na pwedeng pagugatan ng kanilang mga ginawa sa panahon nila, Isa itong bagay na kailangan
nating maipasa na kaugalian sa ibang mga Pilipino upang tularan nila tayo. Isa itong hakbang para
mapanatili natin ang buhay ng pagkakakilanlan sa panitikang ito. At tulad din ng ibang lahi, dapat nating
mapabatid na tayo’y may dakila at marangal na tradisyong na ating ginawang sandigan ng pagkakabuo ng
ibang kulturang nakarating sa ating bansa. Mababaid ng bawat isa ang mga Pilipinong pumanday sa
matatayog at mararangal na simulain ng ating pinagmulan na nagging puhunan sa pagbuo ng ating
lipunan. Isa din sa mga kahalagan ng pagalam nito ay makakatulong sa atin sa paggawa ng sarili nating
gawang panitkikan sa ating lugar. Tutulungan tayo nitong mapagtanto ang ating kakulangan sa pagsulat
ng panitikan at mapagsanay na ito’y maituwid at masaayos. Mas makikilala natin ang kaluluwa ng ating
panitikan at magagamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat. Isa tayo sa dapat na tagapagtaguyod
na mapaunlad at malinang ang mga ganitong bagay sa ating bansa. Tayo ang isa sa magbibigay kulay at
buhay sa mga panitikang ito. Makakatulong tayo sa pagaalam na ito sa pamamagitan ng pagsasalin ng
ating kaalaman sa ibang mga tao. Sino ang magbabahagi nito sa mga susund na henerasyon? Walang iba
kundi tayong mga nakakaalam. Kailangang mabigayan natin ng tuloy tuloy na buhay sa panahong dadaan.
Ang ating sariling atin ang dapat angkinin natin. Bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura
ay kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating sariling panitkan.Matuto tayong magbigay ng
pagpapahalaga sa ating bayan at maging sa sarili nating pinagmulan.

You might also like