You are on page 1of 1

HANNAH A.

SAMBAS
Activity No.2
1. Sa kasalukuyan, sa kabila ng patuloy na pag-usbong ng makabagong teknolohiya na
nagbibigay ng kasiyahan at kagaanan ng buhay sa mga mamayanan, mahalagang ituro at
ipaunawa sa mga kabataan ang kahalagahan at yaman ng panitikan. Hindi lang dapat siyensya at
teknolohiya ang pagtuunan ng pansin sa paghubog sa mga kabataan kundi lalong higit sanang
iukit sa kanilang puso ang isa sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino, ang panitikan.
Masasalamin nila sa panitikan ang yaman ng ating kasaysayan at ang talino at galing ng mga
dakilang manunulat sa iba’t ibang panahon. Sa ganitong paraan, magniningas ang kanilang
pusong makabayan at mapapaigting ang diwang nasyonalismo. Saan man sila magpunta, hindi
sila magiging dayuhan sa sarili nilang panitikan. Dagdag pa rito, mabibigyang halaga ang mga
akdang pampanitikang isinulat ng mga manunulat at mapapanatili itong buhay sa puso ng mga
Pilipino hanggang sa susunod na mga henerasyon.
2. Napakalaki ng bahagi ng panitikan sa identidad ng bawat lahi. Sinasabing ang panitikan ay
kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan dahil ang panitikan at kasaysayan ay magkapatid.
Kung ano ang nilalaman ng kasaysayan ay iyon rin naman ang laman ng panitikan ngunit
nagkakaiba lamang sila sa paraan ng paglalahad. Pasulat man o pasalita, pinananatili ng
panitikan ang kultura ng mga mamamayan simula noong unang panahon hanggang sa
kasalukuyan. Itinatala nito ang kwento ng bayan at binibigyang daan nito na ilahahad ang mga
pangyayari mabuti man o masama. Di tulad ng kasaysayan na hubad ang paglalahad, ang
panitikan ay napapalamutian ng magagarang kasuotan. Ito ay makulay at malikhain ang
paglalahad sa pamamagitan ng paggamit ng metaporikal na pahayag at matatalinghagang salita.
Ginagamitan din ito ng iba’t ibang estilo ayon sa panlasa ng manunulat.

You might also like