You are on page 1of 2

Kabanata II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang mga sumusunod na pag-aaral ay nagpapahayag ng kahalagahan ng panitikan sa

kulturang Pilipino upang higit na maunawaan ang pananaliksik na ito.

Lokal

Ayon kay Estelita C. Apuntan, “Ang pag-aaral ng ating sariling panitikan ay

napakahalaga. Sa pamamagitan nito ay malalaman, madarama at masumpungan natin kung

paano nag-ugat at namuhay ang ating mga ninuno.” Sa pag-aaral ng sariling panitikan ay mas

mapapalawak ang kaalaman ng bawat Pilipino tungkol sa mga kulturang meron ang bansa. Dito

ay mababatid din kung paano pinaunlad ng mga mamamayang Pilipino noon ang bansang

Pilipinas sa pamamagitan ng paglinang ng kanilang sariling panitikan. Ayon din sa kanya, sa

pamamagitan ng panitikan nagagawang harapin ng isang tao ang kasalukuyan ng may lakas at

talino sapagkat ito ang nag-uugnay ng kasalukuyan sa nakaraan.

Ayon kina Teresita Perez-Semorlan, Adrian Perez Semorlan, Felina Cañet e-Mariño,

Edena Cabaron-Fernandez, “Maaaring makabuo ng iba't ibang pananaw sa larangan ng

panitikan. Ang pagkakaiba ng ganitong paghahaka ay nakabatay sa pinag-aralan at kakayahan

lalo na sa karanasan sa buhay ng tao. Kawangis nito ang bahagharing may angking sari-saring

kulay.” Kaya katulad ng bahaghari na may iba’t ibang kulay, ganyan din ang buhay na tao. May

iba’t ibang karanasan, bigat at gaan ng problemang dinadala. Ngunit nagagawang lampasan ng

tao ano man kanyang pinagdaan dahil tumutulong ang panitikan sa pag-unlad ng kanilang

pagkatao at mas nagkaroon sila ng mas malawak na pag-unawa at pagpapahalaga sa kapwa at

maging sa lipunang kanilang kinabibilangan.


Sa kultura nakasalalay ang kalinangan ng lahi ng bawat etnikong grupo sa loob ng

Pilipinas. Ito rin ang nagsisilbing tanda ng kanilang pagkakakilanlan sa lipunan. Nahahati ang

kultura sa dalawang komponent, ang materyal at di-materyal na kultura. Ang materyal na kultura

ay tumutukoy sa mga tradisyunal na kagamitan. Ito ang mga bagay na nililikha at ginagamit ng

bawat etnikong grupo na nagiging tanda ng kanilang kultura na wala sa ibang grupo. Binubuo

naman ng norm, valyu, paniniwala at wika ang di-materyal na kultura. Ito ang kulturang hindi

nahahawakan ngunit nakikita sa pamamagitan ng pagsasagawa nito. Yun nga lang, ang material

na kultura ay mas madaling nagbago sa paglipas ng panahon dulot ng makabagong teknolohiya.

Gayon pa man, nagpasalin-salin pa rin ito sa mga sumunod na henerasyon.

You might also like