You are on page 1of 2

Danica V.

Esponilla

BSA 1-17

 ANO ANG MGA NATATANGING KAISIPAN O HIGHLIGHT NG


P/FILIPINOLOHIYA NI PROSPERO R. COVAR AT PANTAYONG PANANAW
BILANG DISKURSONG PANANAW NI ZEUS A. SALAZAR?

Lahat ng tao ay may kaisipan, kultura, at lipunan: mga ugat na basihan ng pagkatao. Ang
P/Filipinolohiya ay isang sistematikong pag-aaral ng Pilipinong kaisipan, Pilipinong kultura, at
Pilipinong lipunan upang palitawin ang ating pagkaPilipino. Isa sa natatanging kaisipan sa artikulo
na ito ay ang sa larangan ng kaisipan, sinasabi sa artikulo ni Covar na ang ating pagkatao o pagiging
isang Pilipino ay maihahalintulad bilang isang luwad na pwedeng mag-iba’t ibang hugis o anyo
kagaya ng isang banga. Payak man ang bagay na ito ngunit tila ito ay nagnanais na ipaliwanag ang
isang malalim na aspeto hinggil sa hugis at anyo ng tinatawag na "pagkataong Pilipino”, isang banga
na may labas, loob at lalim.

Ang labas, loob at lalim ang istraktura ng pagkataong Pilipino kung saan ang labas ang
mukha, dibdib, tiyan at sikmura. Ang mukha ang sumasalamin sa iba’t ibang karanasan at damdamin
na nililok ng kulturang karanasan at kagaya ng mukha, may kakanyahan din ang wika. Ang loob
naman ay ang isipan, puso, bituka at atay na maiuugnay sa iba-ibang konsepto kagayang sa
intelektwal, emosyonal, etikal at iba. Ang loob rin ang nilalagyan at nag-iipon ng laman kagaya ng
ating kalooban. Ang lalim naman ang kaluluwa at budhi, na kung Sa mga Pilipino, ang tanda ng
pagkamatay ay paghihiwalay ng kaluluwa sa katawan; sa mga Amerikano naman ang ”brain dead”
ang tanda ng pagkamatay. Ayon din sa metapora ni Covar, ito ay isang "pook na di maipook" na
wala sa loob at wala rin sa labas. Ang isa pang kaisipan na nakapaloob sa artikulo ni Covar ay ang
larangan ng kultura, halimbawa na ang Wika, sinasabing kung may imbentaryo ng mga tunog ng
isang wika, ito ay ayon sa tambalan ng mga tunog, at ang bawat tunog na ito ay may iba’t iba ring
kalidad. Masasalamin din ang larangan ng lipunan sa artikulo na ito ni Covar kagaya ng konsepto ng
sambahayang Pilipino, kung saan may tawag tayo sa lahat ng tao, panimula na sa ating mga kamag-
anak; magbalae, magbiyenan, magbayaw, maghipag, apo sa tuhod at iba pa.

Ang Pantayong Pananaw bilang Diskursong Pangkabihasnan naman ni Zeus A. Salazar ay


ipinapalagay na an gating kasaysayan sa pantayong pananaw ay nakatali sa mga taga-Kanluranin,
simula sa pinamulan at pag-unlad ay nakaangkla sa mga taga-Kanluranin, partikular na ang mga
Kastila at mga Amerikano. Ilan sa mga natatanging kaisipan dito ay ang pamamaraan sa pag-aaral ng
kasaysan, kultura, kabihasnang Pilipino at kamalayan o diwa ng ating pagka-Pilipino na nagresulta
ng pagkakahati ng ating lipunan sa dalawang magkaibang kultura – ang mga artikuladong grupo o
“elit” na tangan ang impluwensiya ng kulturang baniyaga, yakap naman ng bayan ang taal na
kalinangan. Ito ang lumikha ng “Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan sa Pilipinas” na
naging dahilan kung bakit nananatiling hati ang Kapilipinuhan sa Kulturang Nasyonal at
Kalinangang Bayan.

Ang usapin at paggamit sa ating wika ay isa sa natatanging kaisipan sa artikulo na ito ni
Salazar, kung saan ang mga elit ay ginamit ang wikang banyaga sa kanilang pakikipagtalastasan,
partikular sa pagsulat ng mga akdang naglalaman ng kanilang mithiing pagbuklurin ang bansa sa
ilalim ng isang pambansang pagkakakilanlan, kapansin-pansin ang “pagsusulat sa wikang Pilipino
ngunit ang pag-iisip ay nananatiling banyaga”.

Isa pang kaisipan na makikita rito ay ang aspeto ng kultura natin, kung saan ang tingin ng
mga banyaga at elit ang kanilang panglalait sa panlasang ”bakya” o ang pagiging ”popular cultured”
ng masa, na ito raw ay iginaya lamang sa kanila at inihahambing nila sa kanilang ”cultured” o
”mataas na uring” panlasa na hiram lamang naman sa mga baniyaga. Mahihinuha na ang
Kalinangang Bayan ng masa at Kulturang Nasyonal ng mga elit ay magkaharap sa kasalukuyang
problema ng pantayong pananaw na sasaklaw sa lipunang Pilipino at sa Kabihasnang Pambansa na
magiging ekspresyon nito.

 ANO ANG KAUGNAYAN SA FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN NG


P/FILIPINOLOHIYA NI PROSPERO R. COVAR AT PANTAYONG PANANAW BILANG
DISKURSONG PANANAW NI ZEUS A. SALAZAR?

Sa pagtalakay sa dalawang artikulo tunay na maraming mga kaisipan na may kauganayan sa


Filipinolohiya

You might also like