You are on page 1of 1

View full document

1. Pilipinolohiya ni Prospero R. Covar

Ang pilipinolohiya ay kumakatawan sa dalawang salita, ito ay ang Pilipino, na ang


kahulugan ay mamamayan at lohiya(logos), na ang kahulugan ay pag aaral. Ito ay
"sistematikong pag-aaral ng Pilipinong kaisipan, Pilipinong kultura, at Pilipinong lipunan
upang palitawin ang pagka Pilipino. Ang mga ugat na basehan ng pagkatao ay ang
kaisipan, kultura at lipunan dahil lahat ng tao ay mayroon nito. Ito ang mga basehan ng
homonisasyon o pagkatao. Maaaring ang mga ito ay hawig sa iba pang lahi, ngunit ang
Pilipino, bilang isang pang-uri ng iba't ibang sangkap ay may sariling hekusyon,
estetika, at kaayusan - ang mga ito ang nagging pananda ng pagiging makabansa at
isang lahi. Ang relihiyon, wika, at sambahayan ay ilan lamang sa halimbawa ng bawat
larangan na meron ang mga Pilipino. Ang kahalagahan ng pilipinolohiya ay upang
palitawin ang pagka Pilipino ng bawat larangan.

Ayon kay Prospero Covar (1981), ang Pilipinolohiya ay ang pag-aaral sa mundo ng
mga Pilipino, sa Pagkapilipino, at sa iba’t ibang paraan ng pagiging Pilipino. Ang
pagsasakatuparan ng bisyong ito ay nakaangkla sa paggamit ng wikang naghuhulma at
bumubuhay sa kulturang Pilipino. Naniniwala ang larangang ito sa pag-aaral sa
pagkatao, kultura, at lipunang Pilipino na nakabatay sa mga panloob na kaparaanan at
kaisipang likas sa mga Pilipino, sa ganyan, naisasabuhay ang diwa ng pagsasakatubo.
Bagaman nagbubukas din sa mga panlabas at kanluraning teorya, higit na kritikal ang
kontekstuwalisasyon nito.

2. Pantayong Pananaw ni Zeus Salazar

Ayon kay Zeus Salazar (2000), ang buod ng pantayong pananaw ay nasa panloob
na pagkakaugnay-ugnay at pag uugnay-ugnay ng mga katangian, halagahin, kaalaman,

karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang

You might also like