Professional Documents
Culture Documents
Filipinolohiya:
Pagpapahalaga sa Sitwasyong
Pangkultura, Pampulitika,
at Pang-ekonomiya
1
Pangatlong Talakay
2
Isang paraan ng pag-aaral ng sikolohiyang nakaugat at kumikilala sa karanasang
pambansa, isang kamalayang naglalayong dumiskurso mula sa pagka-Filipino at para sa mga
Filipino - ang pagbalangkas na ito at paghakbang sa pagkakaroon ng diskursong nagmumula sa
pag-unawa ng sariling wika, kultura, lipunan at kaisipan ay higit pang pinagtibay ng ambag ng
Pantayong Pananaw (PP) ni Dr. Zeus Salazar.
Hindi rin nalalayo rito ang esensya ng Filipinolohiya, kung bibigyan ng pagpapakahulugan,
ito ay isang disiplina ng karunungan na nakasalig sa maka-agham na pag-aaral sa pinagmulan,
kalikasan at ugnayan ng wika, panitikan, kultura, lipunan, kasaysayan, komunikasyon at iba pang
batis ng karunungang Pilipino, gayundin ay nililinang nito ang mga karunungang ambag ng mga
Pilipino sa daigdig ng mga karunungan (nasa tesis ni MV Apigo-2001 batay sa panayam kay
Prop. Gandhi G. Cardenas). Ayon sa papel ni Abadilla na pinamagatang Wisyo ng Konseptong
Filipinolohiya, mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na kaisipan sa pagpoproseso ng mga
karanasang bayan upang ito ay maging talinng bayan. Ang talinong mapapaunlad ang magiging
gabay sa paglikha ng mga pangangailangan sa lipunan. Sa isang panayam naman kay Prop.
Marvin G. Lai (kasalukuyang tagapangulo ng Kagawaran ng Filipinolohiya), ang Filipinolohiya ay
nagtataglay ng makamasa, siyentipiko at makabayang edukasyon.
Pang-apat na Talakay
3
malakas ang pagsusulong ng pag-unawang panloob at may pagtatatwa sa impluwensyang
panlabas, hindi naman ito nangangahulugan ng ganap na pagsasara. Kung ang maidudulot ay
totoong pag-unlad, ang pag-unawa sa mga banyaga at panlabas konsepto ay binibigyan ng
espasyo ngunit sa isang proseso ng indihenisasyon at maayos na paglalapat nito sa
pangangailangan bansa.
Gawain 3:
Bigyan ng maayos pagpapakahulugan ang mga sumusunod na kaisipan:
1. Pilipinohiya
2. Pantayong Pananaw
3. Sikolohiyang Pilipino
4. Filipinolohiya
4
Gawain 4:
Basahin ang papel na Wisyo ng Konseptong Filipinolohiya ni Bayani Abadilla:
Bayani S. Abadilla
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
PANIMULA
Sa buhay tandisang nagaganap ang hidwaan ng mga bayan. Hatid ito ng inter-aktibong
sibilisasyon. Sa epistemolohiya, ang kabatiran sa sigalot ng mga bayan ay heopulitika. Sa
sigalutan—kalayaan at kasarinlan/soberanya—ang usapin/isyu na nasa hapag ng
konsiderasyong hinaharap ng mga lider at/o ng buong bayan.
5
REALIDAD NG LIPUNANG PILIPINO
Malupit sa mga Indiyo ang gobyernong Praylokrasya. Sapagkat hindi mamamayan ang
mga Indiyo: Alipin. Walang karapatan ang alipin. Hindi siya tao sa turing ng mga namamanginoon
sa pamumuhay. Taong pisikal lamang ang mga alipin. Dugo o lahing awtranesyano ang mga
katutubo o indiyo.
(Nasa mga aklat ng kasaysayan ang mga datos hinggil sa mapanakop na pakana ng
Amerika sa Pilipinas. Pangunahing datos ang tratado ng Paris...)
6
Samantalang nilupig ng kolonyalismong Espanyol ang bait sa isip ng mga katutubo sa
pamamagitan ng relihiyon, edukasyon naman ang bumitag sa katinuan ng sambayanang Pilipino
sa iskema ng pananakop ng Amerika sa Pilipinas.
Diwang kolonyal ang naipunla at nalinang ng edukasyong mga kano ang titser sa
maagang yugto na nang lumaon ay mga gurong Pilipino na. Ingles ang midyum ng pagtuturo sa
edukasyong itinataguyod ng Amerika sa
Pilipinas. Bunga nito, naging pamantayan ng karunungan ang kabihasaan sa pagsasalita sa
wikang Ingles. Edukado o marunong ang turing ng lipunan sa mga Pilipinong bihasa mag-Ingles.
Sa pamantayang Ingles, ang katalinuhan ay tahasang natiwalag sa kamalayang panlipunan
kaipala ding tumitipon sa pambayan at pambansang katuturan.
Sa umiiral na gobyernong papet (inutil ang konstitusyon at walang silbi ang kalayaan)
malaya’t walang habas na nakakamkam ng malalaking dayuhang imbestor/kapitalista ang
masaganang likas na yaman ng bansa. Nakikinabang nang mabuti ang mga dayuhang kapitalista
sa murang halaga ng lakas paggawa ng lipunang Pilipino.
Higit pa rito, kasangkapan o kakutsaba ng mga dayuhan ang mga taong umuugit sa
gobyerno sa pandarayukdok sa mga produktibong elemento ng lipunan. Dahil sa mahigpit na
dayuhang kontrol sa kabuhayang bansa, nanatiling atrasado ang ekonomiya: lumalaon bumubuti
na sumasama pa sa dati. May lukemya ang ekonomiya. Habang nalulubog naman sa utang
panlabas ang buong bayan sa kagagawan ng mga namamahala sa kapakanan ng lipunan o
bayan.
Ang diwang materyal o kaisipang pera-pera ay nakasigid o malalim ang baon sa kultura ng
bayan. Kaipala, salapi ang mahalaga sa kapamuhayang sosyal. Unti-unti hanggang maglaho ang
diwang damayan at bayanihan na naisalin ng sinaunang sibilisasyon sa kasalukuyang
pamumuhay ng mga Pilipino. Dulot ito ng henosidyo sa kultura na kinasasangkutan ng mga
institusyong sosyal na lumulumpo sa katinuan ng bayan.
7
Habang naduduhagi ang pagkatao sa kulturang materyalista, sumibol at bumulas sa
kamalayang panlipunan ang diwang anarkistang mapanganib sa katinuan. Sanhi ng
kanyakanyang pag-atupag sa tawag ng pangangailangan, nalikha ng lipunan yaong “angkan ng
Diyos” sa ekonomiya, pulitika at kultura.
Sinasalabusab ng mga “angkan ng Diyos” ang yamang sosyal habang iginugumon ang
bait ng bayan sa mga kapalaluan at kabulastugan. Bunga nito, nagkawindang-windang sa kultura
ang pagpapahalagang pantao, pambayan, pambansa at panlipunan.
Habang napipilas ang mga taon sa kasaysayan, parawal nang parawal ang pamumuhay
sa lipunan, palagim nang palagim ang kaayusang nagpapalakas sa pagkahayop na nasa mga
tao o mamamayang Pilipino.
Ang pagkatao ng mga nilalang sa lipunang Pilipino ay may dalawang sangkap: katauhang
bayalohikal at katauhang kutural. Sa una, pagkain ang nagpapanatili sa pisikal na anyo ng tao. Sa
ikalawa, talino ang sumusustento sa kalikasang tao (rasyonal) -ang talino ay may hibo ng mga
kauring kamalayan o class consciousness.
Sa diskurso ni Amilcar Cabral “The role of culture in the liberation struggle,” inilahad:
“culture is the dynamic synthesis, at the level of individual or community consciousness, of the
material and spiritual historical reality of a society or a human group, with the relations existing
between man and nature as well as among men, and among social classes and sectors.”
8
lumilikha at tumutugon sa mga kahingian ng lipunan sa antas-antas na pagsulong ng
sibilisasyong Pilipino.
Sa sosyolohiya, may kasabihan: walang taong isang pulo. Samantala sa wisyo ng bayan
isinasaad naman na ang sakit ng kalingkingan ay iniinda ng buong katawan. Ang dalawang
pilosopiyang sosyolohikal ay maganda sa teorya (larangan ng mga ideya) ngunit paandap-andap
na liwanag na lamang, kung baga sa ilaw, kapag iniugnay sa buhay ng lipunan g Pilipino sa
kasalukuyan. Dulot ito ng kaisipang makasarili na nakabaon sa kamalayang panlipunang
nakukulapulan ng oryentasyon at simulaing kapitalismo at pyudalismo. Bago iba ako muna. Ito
ang nangingibabaw na diwa sa kamalayang panlipunan. Ang nabanggit na diwa ay sinusuhayan
pa ng paano naman ako?.
Namumuni ang mga angkan ng Diyos sa kulturang pera-pera. Ang serbisyo sa lipunan ay
pay. Wika nga, mukhang pera ang mga tao sa lipunan.
9
Tanging sa wisyo ng bayang malaya, sa kilatis na maka-agham, makalipunan at
mapagpaunlad, masusumpungan ng lipunang Pilipino ang pagkawala ng pagkahayop sa
pagkatao. Tatalas ang sensibilidad ng bayan na lumilikha sa kanyang kapalaran.
Produkto o bunga ng karunungan ang talino. Wisyo ang pinong anyo ng talino. Gumagana
ang wisyo sa hamon ng mga pangangailangan sa pamumuhay ng lipunan. Diyalektikal ang
kalikasan ng talino: likha ng karunungan at nababago ng karunungan: umuunlad ang karunungan
sa tumatalas na talino.
Sa antropolohiyang pag-aaral hinggil sa tao, malinaw ang kabatirang naging tao ang
bakulaw sa pamamagitan ng paggawa. Naghunos ang hayop sa pagiging tao. Tinatayang
250,000 hanggang 500,00 taon, sumaklaw sa panahong Paleolitiko, ang nilakaran sa kasaysayan
sa antas-antas na pag-unlad o pagbabago sa anyo’t katangian ng Homo Erectus Pilipinensis.
Ninuno ng lahing kayumanggi na namuhay sa Islas Maniolas, sinauna o orihinal na pangalan o
tatak sa heograpiya ng kapuluan sa sinauang mapa ng mundo o globo. Si Claudio Ptolemy,
griyegong topograpista o gumagawa ng mapa ang naglapat sa pangalan ng bansa sa sinaunang
mapa ng mundo.
10
Sa lalawigan ng Kagayan natagpuan ang ilang labi ng sinaunang kagamitan sa
pamumuhay ng mga Pilipino. Kasangkapan iyon ng Homo Erectus Pilipinensis, ayon sa mga
arkiyologo.
PAGGAWA
Sa pawis ng dugo
Isip ang narahuyo
Umiglap ang talino
Sa paggawa natuto
Nakamit ang gusto
Sa pagpapakatao
Isip na lumilikha
Totoo ang pita
Ginto ang totoo
Kagandahan sa tao
11
proletaryo sa mga abstrakto o kongkretong mga bagay pawang historikal--diyalektikal—
historikal—materyalismo ang pilosopiyang nakatanglaw sa katalinuhan.
Ang tunggalian ng mga uri ng mga pagkatao, sa antas ng diwa o interes sa pamumuhay,
ay tahasang nakukulapulan ng mga motibo at intensyon. Ito ang reyalidad ng sikolohiya. Sa
sikososyolohikal na dimensyon umiinog ang makauring kamalayang ibinubugso ng makauring
disposisyong tumutugon sa makauring kapakanan o kagalingan.
12
Ang kontradiksyon, sa pamumuhay, ng mga uri ng mga tao sa lipunan ay may katangiang
antagonistiko at di-antagonistiko. Sa prebilihiyadong pedestal/ kinaroroonan ng iilang angkan ng
Diyos (10% ng 85 milyong populasyon) at marawal na pamumuhay ng masa (katawagan sa lahat
ng uri sa lipunan na api at napagsasamantalahan) tahasang antagonistiko ang mga suliraning
kinasasangkutan ng magkahidwang mga uri. Sa hanay ng masa di-antagonistiko (madaling
ayusin ang karaniwang hinampuhan o di-pagkakaunawaan) ang mga suliranin.
Lingid sa kaalaman ng mga karaniwang tao sa lipunang Pilipino na ang kanilang asal ,
ugali, gusto, hilig, pananaw sa buhay, paninindigan ay pawang hinuhutok ng mga aparatong
ideolohikal: pamilya, paaralan, simbahan, gobyerno at mas midya. Ang mga aparato ng
ideolohiya ay pawang mga institusyong panlipunang nagdidirehe sa mga kagawian o aktitud
(kusang reaksyon ng isip sa mga bagay-bagay na may buhay o wala.)
Ang mga kagawian ay likas na nasasaniban ng motibo at intensiyon. Sabihin pa, mga
aparato ng ideolohiya ang obhetibong lunsaran, daluyan at buweltahan ng umiiral na talino sa
antas ng kultura ng bayan. Mayroong tagapaghatid at may tagatanggap sa mga produktong
pangkultura (mga ideya, batas, aliwan...) na pinaiinog ng mga isip sa dinamismo ng kultura.
13
Taliwas sa nabanggit ang katotohanang umiiral sa sistema ng edukasyon. Marurunong
ang produkto ng umiiral na sistema ng edukasyon.
14
Totoo, mabuti at maganda sa pambansang praxis (aksiyon at repleksyon) na sinisihop sa
agham at sining na sasalamin sa kabutihan ng lipunan ang tungkulin ng akademya na
Filipinolohiya ang oryentasyon.
Masakit ilahad ngunit ito ang totoo: sa mapanuring pagkukuro, mistulang punerarya ng
utak ang akademya at ang mga guro ay embalsamador ng talino.
TALASANGGUNIAN
1. Richard Pierre Claude, Eduating For Human Rights, “The Philippines and Beyond,”
University of the Philippines Press, Quezon City, 1996
3. Hans Magnus Enzenberger, The Consciousness Industry, Seabury Press, New York 1976
6. David Ingram, Critical Theory and Philosophy, (Paragon House, New York, 1990)
7. Renato Constantino, Insight and Foresight, (Foundation for nationalist Studies, Quezon
City 1896)
9. Paulo Freire, The Politics of Education, Bergin and Garvey Publishers, Inc.,
Massachusettes, 1985
10. Mina M. Ramirez, Reflection on Culture, (Monograph, Asian Social Institute, 1993)
11. Jaime B. Veneracion, Phd. , Agos ng Dugong Kayumanggi, (Education Forum, 1987)
15
12. Stephen Frosh, The Politics of Psychoanalysis, (Macmillan Education)
13. George Luckas, History and Class Consciousness, MIT Press Combridge,
Masachussettes, 1971)’
14. John V. Pavlik, Everette E. Dennis, Demystifying Media technology, Mayfield Publishing
Company, London, 1993
Panglimang Talakay
Sa bahaging ito ay tatalakayin ang pinaka esensya ng nilalaman ng Wisyo ng Konseptong
Filipinolohiya ni Abadilla at kung papaanong ang Filipinolohiya ay nakatutugon at makatutulong
sa pagkamit ng totoong pambansang pag-unlad. Mahahati ang talaga sa tatlong bahagi, una ay
ang pagbubuod sa papel ni Abadilla hinggil sa konseptong Filipinolohiya, pangalawa ay ang kung
papaano magagamit ang Filipinolohiya bilang isang kaisipang lapat sa pambansang pag-unlad at
ang huli ay ang pagbibigay ng mga halimbawa ng pagpapaunlad gamit ang konseptong
Filipinolohiya.
16
Dahil sa kaisipang inihahaiin ng huli, isang kaisipang hindi talaga nakatuon sa kapakanan ng higit
na nakararami kundi ng sarili, hindi makamit ang totoong pambansang kaunlaran. Sapagkat, ang
konsiderasyon sa pulitikal na aspeto ay nagsisilbi pa rin sa ganansya ng iilan na impluwensyado
ng banyagang patakaran. Sa ganitong kaso ay mahihirapan talagang maibalik sa bayan ang
sentro ng pagpapahalaga ng mga Filipino. Sa madaling salita, malakas ang wikang Ingles sa
bansa hindi dahil superyor ang wikang ito sa Filipino, kundi dahil ang mga popular o mga
hanapbuhay na mataas ang sweldo na nililikha para sa mga Filipino ay kailan gan ang wikang
Ingles - ito ang isa sa mga halimbawa sa ekonomikal na aspeto. Handa naman ang mga Filipino
na pahalagahan ang kanyang sariling kalingan. Ngunit kailangan niyang kumain at magbigay ng
pantustos sa kanyang pamilya kung kaya’t higit siyang nakatuon dito. Kung makakamtan ang
ekonomikal na pag-unlad ng hindi isinasantabi ang taglay na sariling kalinangang bayan,
makakamit ang totoong pambansang kaunlaran.
Makikita ang mga halimbawang ito sa mga tagumpay ng ibang bansa. Halimba ang
bansang Korea, nagagamit nila ang kanilang wika hanggang sa mataas na diskursong
pampamantasan. Hindi lamang ito natatali sa mga talakayan sa agham palipunan ngunit sa lahat
ng larangan at industriya. Ganito rin ang kalagayan ng iba pang mga bansa sa daigdig katulad
ng bansang Tsina, Hapon, at iba pang bansa sa labas ng Asya katulad ng bansang Pransa at iba
pa. Bagamat wika pa lamang ang aspetong nabanggit, malaking indikasyon ito na magkaagapay
na umuunlad ang aspetong kultural, ekonomikal at pulitikal ng bansa at hindi pamantayan ng
talino o kamangmangan kung nakapagsasalita ng wikang Ingles ang isang indibiduwal.
Sa isang simpleng dayagram sa ibaba ay ipapakita ang mga talakay na nabanggit sa itaas
mula sa mga karanasang bayan tungo sa pagpoproseso nito gamit ang oryentasyong
Filipinolohiya upang maging talinong bayan at maging karunungang gagabay sa paglikha ng
mga pangangailangan sa lipunan para sa pambansang kaunlaran.
17
Filipinolohiya tungo sa Pambansang Kaunlaran
(interpretasyong padayagram ni Leomar P. Requejo, nasa papel na “Pahabing Pag-unawa sa mga Batayang Perspektibong Nakapaloob sa Pag-aaral ng Philippine Studies sa Pilipinas”)
18
Halimbawa ng Pagpapaunlad gamit ang Filipinolohiya
Kailangan lamang ituon sa punto ng pagtingin sa mga kalinangang bayan upang madaling
maunawaan kung papaano ito pauunlarin. Mula sa nakagawiang pagkamangha sa mga
tagumpay at kakayanan ng mga dayuhan ay ilipat ito sa pagtingin sa mga kalakasan ng bansa.
Ang Filipinolohiya ay hindi nangangahulugan ng pagsasara sa talinong ambag ng ibang lahi sa
mga Filipino, ngunit sa prosesong ginagabayan ng oryentasyong ito - higit na nakatuon sa
solusyong nanggagaling sa loob ng bansa. Mula sa sariling kultura, kasaysayan, kalinangan,
talino, yaman, lipunan ay babalangkas ng mga programang pagpapaunlad. Sa kabilang banda,
titingnan kung papaano pinagtatagumpayan ng ibang bayan o bansa ang kanila ng mga
programa, ngunit hindi ito gagayahin o tahasang ilalapat sa kalagayan ng sariling bansa. Pag-
aaralan kung papaano ito makatutulong sa pagpapa-unlad ng higit na lapat at naaayon sa
kalagayang kultural, ekonomikal at pulitikal ng bansa.
Maraming mga karanasang bayan ang hindi tuluyang nagiging talino dahil sa oryentasyon
kolonyal. Halimbawa, maraming halamang gamot ang tumutubo sa Pilipinas. Sa kaso ng
medisina, nuon pa man ay ginagamit na ito ng mga Filipino sa panggagamot ng ilang mga
karamandaman. Ganito rin ang kalagayan ng ibang bansa, ngunit kaiba sa atin, ang paggamit ng
mga halamang gamot ay hindi iminumungkahit ng Kagawaran ng Kalusugan dahil sa isang
popular na dahilan, hindi pa ito napapatunayan ng siyensya. Ang siyentipikong prosesong ito ay
pumapaloob sa pagsisinop na prosesong nabanggit sa itaas, kailangan ito upang maitawid mula
sa isang primitibong gawi tungo sa isang siyentipikal na proseso katulad na lamang ng nangyari
sa dahoon ng Tawa-tawa na kamakailan lamang ay naiproseso na bilang isang gamot para sa
sakit na dengue. Sa isang aritukulo mula sa Philippine Council for Health Research and
Development - Department of Science and Technology na pinamagatang Tawa-tawa Contains
Active Ingredients that may help Dengue Hemorrhagic Fever (DHF) patients - study, sinabi na;
“Tawa-tawa (Euphorbia hirta), also known as “gatas-gatas,” is a hairy herb grown in open
grasslands, roadsides and pathways. This indigenous plant is considered as one of the most popular
folkloric treatment for dengue in the Philippines”
19
taho, higit na pagdami ng sangkap ng halo-halo at iba pa. Ang hamon ng pagpapaunlad ng mga
mga delikasiya na mayroon sa Pilipinas at pagsisikap na ihanay ito o ihigit pa sa mga popular na
pagkaing banyaga na higit na tinatangkilik sa bansa ay posibleng mapagtagumapayan. Kailangan
lamang itong mapagyaman at mapaglaanan ng panahon.
Makatutulong naman ang malalim na pag-aaral ng kasaysayan at kultura sa pagbuo ng
mga polisiya ang programang pambansa. Halimbawa, ang malalim na pag-aaral ng sa mga
pamamaraan ng pamamalakad ng mga katutubo sa kanilang mga komunidad ay maaaring
gawing batayan sa pagbuo ng mga pamamaraan ng pamamalakad sa kasalukuyan. Dahil sa
sistemang higit na nakabalangkas sa kulturang banyaga, may mga bahaging hindi nakalapat sa
kalagayan ng bawat lipunan kung kaya’t mainam din na tingnan ang kultura at kasaysayan.
Sa bahagi naman ng agrikultura, ang isang uri ng pagsasaka na hindi naka depende sa
abono o pataba sa lupa (organic farming) ay magdudulot ng higit na magandang epekto sa mga
magsasaka. Marami ng sakahan sa bansa ang nakadepende sa paggamit ng kemikal pataba na
nagdudulot ng pagkamatay sa lupa sa matagal na panahon ng paggamit nito. Dagdag pa rito ay
ang mahal na presyo ng pataba na nagbabaon sa mga magsasaka sa utang lalo na kapag
binagyo o hindi naging maganda ang ani. Kung babalikan ang prosesong Filipinolohiya, maaaring
pag-aralan ang proseso ng mga katutubo sa pagtatanim dahil wala pa naming sistema ng
paggamit ng kemikal na pataba noon. Bukod dito, maaari din na sumangguni sa kasalukuyang
pananaliksik hinggil sa organic farming upang higit na maging epektibo ang mga pamamaraan.
Sa pamamagitan nito, maaaring makalaya ang mga magsasaka sa paggamit ng kemikal na
pataba na nagdudulot ng pinsala sa lupa, nagbabaon sa kanila sa utang ngunit higit sa lahat,
dahil walang kemikal at higit na may sustansya ang kanilang palay na maaaani.
Ilan lamang ito sa mga posibilidad at kalinangang maaaring paunlarin. Sa tulong ng
kasalukuyang antas ng edukasyon sa bansa ay hindi na imposible ang pagkamit ng ganitong uri
ng tagumpay. Ngunit upang ganap itong maisakatuparan, kailangan higit na mabatid ang
oryentasyong may pagpapahalaga sa kabuuang karanasan ng bansa - katulad ng Filipinolohiya
upang makalikha ng mga programang nakabatay sa siyensya at may katuturan sa mga
mamamayan ng Pilipinas.
20
Panggitnang Pagsusulit
I. Bigyan ng pagpapakahulugan ang mga sumusunod na konsepto (hindi lalagpas sa
limang pangungusap sa bawat pagpapakahulugan):
a. Filipinolohiya
b. Kalinangang Bayan
c. Talinong Bayan
d. Sikolohiyang Pilipino
e. Pilipinolohiya
f. Pantayong Pananaw
g. Pambansang Kaunlaran
II. Punan ang dayagram ng Filipinolohiya at Pambasang Kaunlaran at bigyan ng
maikling paliwanag (hindi lalagpas ng 15 pangungusap).
III. Mula sa talakay, tumukoy ng iba pang karanasang bayan at isaad paano mo ito ipo-
proseso upang maging talinong bayan. Magbigay ng limang halimbawa.
Halimbawa:
21