You are on page 1of 3

Filipinolohiya at PambansangKaunlaran

Takdang Gawain 2

Bigyang-pagpapakahulugan ang mga sumusunod na kaisipan:

1. Pilipinolohiya
Ipinakilala ni Prospero R. Covar na tinaguriang Ama ng Pilipinolohiya.
Si Covar ay nakapagtapos ng doktorado sa Antropolohiya sa University of
Arizona. Pinagtuunan ng pansin ni Covar ang mayaman, malawak at malapit
na ugnayan ng mga tao sa pag-aaral ng lipunan sa kontekstong Pilipino.
Nilinang ni Covar ang dalumat ng pagka-Pilipino kaugnay ng pakikipagkapwa
at kanyang tinukoy ang iba’t ibang dimension nito; labas, loob, at lalim na ang
nagpapagalaw sa mga ito ay ang ating budhi at kaluluwa. Ito ay hango sa
kanyang metapora ng banga at pagkatao ng Pilipino. Ang Pilipinolohiya ay
nangangahulugang sistematikong pag-aaral sa larangan ng Pilipinong
kaisipan, kultura at lipunan. Layon umano nitong magpalitaw ng pagka-
Pilipino sa pamamagitan ng bawat larangan. Ayon kay Covar, ang
Pilipinolohiya ay masusing pag-aaral sa gawi at pag-iisip ng mga Pilipino at
pagiging Pilipino natin mula sa ating kaisipan, kultura at lipunan na pinag-
ugatan ng pagkatao ng mga Pilipino. Ang Pilipinolohiya ay pinahahalagahan
ang wika na naghuhulma at bumubuhay sa pagkatao at kultura ng mga
Pilipino. Ito ay naghahain ng pagpapa-unlad ng isang kamalayang
nagmumula sa loob bilang isang paraan ng pagtingin at pag-unawa sa mga
kaalaman sa Pilipinas.

2. Pantayong Pananaw
Ito ay pagsusulong ng makabayang sistema ng edukasyon na
nakapokus sa kasaysayan. Bumuo ng pang-eskwelang kaisipan na
nanggaling sa Pilipino at kinukwento sa Pilipino si Dr. Salazar at gumawa siya
ng salitang aangkop rito, ang Pantayong Pananaw. Ang Pantayong Pananaw
ay tumutukoy sa panloob na ugnayan at katangian ng isang buong kultura na
pinapahayag sa wikang Filipino, partikular na nakabase sa wikang tagalong.
Tinatawag na punto-de-bista o pagsusulat sa kultura at kasaysayan ng mga
Pilipino gamit ang wikang kanilang naiintindihan. Tinutukoy rin nito ang ibang
pananaw na naglalahad ng kaibahan nito sa pananaw na pangkami
(tumutukoy kina rizal o sa mga nakapag-aral noong panahon ng kastila na
ang hangarin ay pagiging nasyonalista ngunit sumusulat sa wikang banyaga,
tanging sila lamang na nakapag-aral ang nakakaintindi sa kanilang mga
isinulat), pansila (mga Espanyol na inaral ang pagkatao, kultura, atbp. ng
mga Pilipino ngunit naglimbag ng mga sulatin at ipinabasa sa mga kapwa
Espanyol), at pangkayo (ang mga isinulat ng mga Espanyol ay ipinabasa rin
sa mga indiyo). Makikita ang kaibahan at kagandahan ng Pantayong
Pananaw kumpara sa mga nabanggit na pananaw dahil sinasakop nito ang
lahat ng Pilipino upang mas higit nilang maunawaan ang mga konsepto,
kultura, at ugali sa kanilang lipunan. Ang konsepto ng Pantayong Pananaw
ay ang pagbibigay-halaga sa ating wika, wikang Filipino, upang ipahayag ang
ating katangian, halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-
aasal at karanasan na tayong mga Pilipino lamang ang nakararanas at
nakaiintindi.

3. Sikolohiyang Pilipino
Si Dr. Virgilio Enriquez, Ph. D. ang tinaguriang Ama ng Sikolohiyang
Pilipino. Pinagtibay niya ang sikolohiyang Pilipino matapos ang doktorado sa
Social Psychology sa Northwestern University. Nais nyang patunayan na
mayroong sariling sikolohiya at pag-iisip ang mga Pilipino. Bunsod nito ang
kanyang pagtatatag ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino
noong 1975. Ayon kay Dr. Enriquez, ang sikolohiya ay nangangahulugan na
ang kapwa ay ang loob na kaisipan ng tao at ang labas o ang pakikitungo
niya sa lipunan. Sa gitna ng loob at labas ng pagkatao natin ay ang core
value ng sikolohiya na tinatawag na kapwa. Ibig sabihin nito ay nakikita natin
ang ating mga sarili sa iba o ang sarili natin ay iisa o kasama ng mga taong
nakapaligid sa atin. Pinahahalagahan rin ng core value ng sikolohiyang
Pilipino ang pakiramdam at kagandahang –loob. Naipapakita rin ang core
value na kapwa sa ating sikolohiya sa pamamagitan ng ating pananaliksik,
ang katutubong pananaliksik. Ang kapwa ay nakapaloob sa apat na prinsipyo
ng pananaliksik sa sikolohiyang Pilipino. Una ay ang mananaliksik at ang
manlalahok ay pantay ang pagtuturingan. Dahil dito ay nabubuo ang maayos
na koneksyon sa pagitan ng mananaliksik at manlalahok upang maging
komportable ang manlalahok sa pagbibigay ng mahalaga at malalim na
impormasyon. Ikalawa ay pinahahalagan ang kapakanan ng manlalahok.
Maaari itong magpahinga at humindi sa mga katanungang hindi sya
komportableng sagutin. Ikatlo ay hindi kinakailangan na marangya o masatos
ang pananaliksik. Hangga’t maari ay gagamitin ang simpleng pamamaraan
ng pananaliksik hangga’t ito’y angkop. At ang paghuli ay gumagamit ng
lenggwahe na komportable para sa manlalahok bilang respeto na rin sa
kanyang kinalakhan. Ang ilan sa mga pamamaraan na ginagagamit sa pag-
aaral ng sikolohiya ay pakapa-kapa, patingin-tingin, pagdalaw-dalaw at iba
pang mga katutubong metodolohiya sa SP na nakabatay sa pakiramdam.
Mapapakita na sa sikolohiyang Pilipino ay kapwa ang pinakamahalaga at
pinakasentro ng ating pagkatao.
4. Filipinolohiya
Ayon kay Apigo, M.V (2001), ang Filipinolohiya ay disiplina ng
karunungan na nakasalig samaka-agham na pag-aaral sa pinagmulan,
kalikasan at ugnayan ng wika, panitikan, kultura, lipunan,kasaysayan,
komunikasyon at iba pang batis ng karunungang Pilipino. Ang perspektibang
Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya at Pantayong Pananaw ay nakapaloob sa
disiplinang Filipinolohiya dahil ang kaisipan, kultura at kasaysayan ay
nakapaloob sa mga tinatalakay sa disiplinang ito.

You might also like