Professional Documents
Culture Documents
Sa maikling salita, Ang sikolohiya sa Pilipinas ay "bisita sa bahay", Sikolohiya ng mga Pilipino ay "tao sa
bahay, at Sikolohiyang Pilipino ay "ang maybahay"
• Ang Katutubong konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa mga salitang galing at ginagamit sa
Pilipinas. Ang kahulugan din nito ay kinuha mula sa mga Pilipino.
• Ang Pagtatakda ng Kahulugan. Dito naman, ang salitang ginagamit ay galing sa Pilipinas, habang ang
kahulugan nito ay banyaga. Mga halimbawa nito ay ang pagsasalin ng mga salitang alaala at gunitain sa
mga salitang “memory” at “recall” upang mas mabuting maintindihan ng mga mambabasa ang ibig
sabihin ng mananaliksik. Kasali rin dito ang lahat ng mga Pilipinong salita na binigyan ng kahulugan sa
Ingles upang hindi maguluhan ang mga tao sa saliksik.
• Ang Pag-aandukha ay ang pagkukuha ng salitang dayuhan at baguhin ang kanyang anyo hangga’t
magkaroon siyang Pilipinong kahulugan.
• Pagbibinyag - ang paglalagay ng mga dayuhan ng kanilang mga sariling kahulugan sa mga salitang
Pilipino.
• Paimbabaw na Asimilasyon - pinag-uusapan ang mga salitang banyaga na ginagamit sa Pilipinas ngunit
mahirap isalin sapagkat iiba ang kahulugan nito.
• Ligaw/Banyaga na mga salita - tumutukoy ito sa mga salita o konsepto na hindi ginagamit sa Pilipinas,
kaya’t walang Pilipinong katapat ito.
Ayon sa akdang “Nationalism” (2009) ni Anthony Smith, dating propesor sa London School of
Economics, ang mga kahulugan ng nasyonalismo ay maaaring nagmula sa pagkakaroon ng
nasyon. Ayon kay Smith, dalawang uri ang kinabibilangan ng mga kahulugan ng nasyon—ang
objective factors at ang subjective factors. Ang objective factors ay mga kahulugang nakatuon sa
wika, relihiyon, asal, teritoryo, at institusyon. Ang sinaunang kahulugan ng nasyonalismo na
nakabatay sa geographical notion o pagsasama-sama ng mga tao sa iisang teritoryo ay isa sa
mga halimbawa ng objective factors mula sa akda ni Smith. Idinagdag ni Lopez, propesor ng
Literature sa Faculty of Arts and Letters ng UST, na ang mga naninirahan sa iisang teritoryo ang
bumubuo ng nasyon at ang pananatili nila sa bansa ang nagiging sukatan ng
nasyonalismo.Samantala, ang subjective factors naman ay tumutukoy sa mga kahulugang
nakasentro sa mga saloobin, pang-unawa, at sentimyento ng mga mamamayan.
Sa perspektiba ng politika at sosyolohiya, mayroong tatlong paradigm upang maunawaan ang
pinagmulan at batayan ng nasyonalismo: primordialism (perrenialism); ethnosymbolism; at
modernism (Smith, 2012).
Isinulat ni Emilio Jacinto ang akdang Ningning at Liwanag upang maipahay ang kanyang
nasyonalistang damdamin.
Ang teoryang marksismo ay nakatuon sa mga paksa at datos na nakatuon sa mga uri ng lipunan
(mayaman, mahirap, etc.)
Dulog etic at emic . Sa mga disiplina na katulad ng antropolohiya at agham panlipunan, ang emic
at etic ay tumutukoy sa dalawang sangay ng pananaliksik batay sa pananaw; ang emic ay
tinitingnan mula sa pangkat ng lipunan (social group) mula sa perspektiba ng paksa o subject,
samantalang ang etic naman ay tinitingnan mula sa labas o sa perspektiba ng mga tagamasid.
Pinahahalagahan ng dulog na emic ang pamamaraan kung paano nag-isip ang tao o lipunan.
Ipinaliwana g naman sa isa pang modyul (Torraco, 1997) ang apat na tiyak na paraan kung paano
mapatitibay ng batayang teoretikal ang pananaliksik:
1. tinutulungan nito ang mambabasa na suriing mabuti ang pananaliksik na kaniyang binabasa;
2. iniuugnay nito ang mananaliksik sa mga umiiral na kaalaman at pananaliksik na bahagi ng
pagbabatayan ng mga paliwanag at pagsusuri sa tinitipong datos, at sa mga sagot sa mga
tanong ng pananaliksik;
3. tinutulungan nito ang mananaliksik na malinaw at hakbang-hakbang na sagutin ang mga
tanong ng pananaliksik sa pamamagitan ng swabeng transisyon mula sa simpleng
paglalarawan ng penomenon at mga obserbasyon tungo sa pagbubuo ng mga kaisipan at/o
teorya na may mas malawak na aplikasyon at magagamit sa pagsusuri ng iba pang kaugnay
na penomenon, sitwasyon, at iba pa,
4. nililinaw rin nito ang saklaw at limitasyon ng pagsusuri sa datos at/o pagbubuo ng mga
kaisipan at/o teorya na isasagawa ng mananaliksik. Pokus ng araling ito ang paglinang sa
batayang kaalaman sa mga teorya sa pananaliksik na akma o buhat sa lipunang Pilipino.
Binigyang diin ni Rolando Tolentino sa kanyang artikulo na pinamagatang “Ang mga Gamit ng
Teorya ng Media at Lipunan, o Teorya ng Kritikal na Buhay at Lipunan” Ang momopolyo ng
midya at ng nilalaman o direksyon mismo ng midya