You are on page 1of 14

MGA TEORYANG ANGKOP SA MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK

PAGBAKLAS AT PAGBATAS, PANTAYONG PANANAW, AT

SIKOLOHIYANG PILIPINO

nina:

NOEMI LOVENARIA
STEVE CARL MADAYAG
LUXURY MAGNO
MARINELLE SYRAH MAGSANOC
GESONN TRINIDAD
BSED 1-4

Isang Pasulat na Ulat na Ipinasa kay:

G. JACKSON A. PARCHAMENTO
Assistant Professor I

Bilang Bahagi ng mga Pangangailangan sa Asignaturang FilDis 1105-


Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina Departamento ng Filipino,
Kolehiyo ng mga Sining at Agham
Central Luzon State University
A. PAGTATAMPOK SA ARALIN

Sikolohiyang Pilipino

Ang sikolohiya ay ginagamit upang maunawaan ng isang tao ang kanyang sarili
batay sa kanyang karanasan, kaisipan at orentasyon ng Pilipino sa pamamagitan ng
paggamit ng wika at kulturang Pilipino. Sa pamamagitan nito, naipaliliwanag ang pag-
iisip, pagkilos at damdaming Pilipino na may malaking kaibahan sa mga pananaw ng
iba pang-anyo ng sikolohiya ng Pilipinas.

Ang sikolohiya ay nagmula sa mga Griyegong Pilosopo ito ay lumago ng lumago


dumami at hanggang sa nabuo ang sikolohiya bilang agham. Pagdating ng mga
Amerikano sa Pilipinas, ibinahagi nila ang edukasyon upang maka-agapay sa hinihingi
ng sibilisasyon. Nakuha ng mga Pilipino ang pagkahumaling ng mga Amerikano sa mga
agham kabilang na ang Sikolohiya. Noong 1960s pa lamang ay tinuturo na ang
sikolohiya sa mga paaralan na may bahid ng Kanluranin. Sinabi ni Dr. Rogelia Pe-Pua
na kahit ang mga ilustrados na pinagpalang mag-aral ng sikolohiya noong nasa ilalim
pa ng mga Kastila, gaya ng ating mga pambansang bayaning sina Dr. Jose Rizal at
Apolinario Mabini, ay nagpahayag ng pagkadismaya sa paraan ng pagkakaturo nito.
Nakita noon ng tagapangulo noon ng Departamento ng Sikolohiya na si Dr. Virgilio
Enriquez na may kailangang baguhin para mas madaling maunawaan ito ng mga
Pilipino.

B. PAGPAPALALIM SA ARALIN

Bakit kailangan ang Sikolohiyang Pilipino?

Ayon kay Cruz (2016), kailangang pag-aralan ang sikolohiyang Pilipino dahil
hindi angkop sa mga karanasan at kultura natin ang ating napag-aaralan ukol sa
sikolohiya. Mahalaga ito ayon sa kanya dahil kadalasan ang mga kaalamang ito ay ang
siyang ginagamit upang unawain natin ang isa’t-isa. Nabanggit din niya na nagdudulot
ng hindi pagkakaunawaan dahil sa pagkakaiba ng orentasyon.

Sa panahon ngayon mas nakabase sa kanluraning perspektibo ang pagtuturo ng


sikolohiya sa teorya at maging sa metodo. Sa perspektibo ng teorya, pinaniniwalaan na
ito ay unibersal, ibig sabihin ito ay para sa lahat ng tao sa mundo. Sa perspektibo
naman ng metodo kailangan nating pumili ng angkop na metodo na siyang nakabase sa
ating kultura at karanasan.

Ang Sikolohiya ay isa na ring matatag na disiplina sa Pilipinas

 Psychological Association of the Philippines


 Pambansang Samahan ng Sikolohiyang Pilipino

Dalawang Disiplina ng Sikolohiyang Pilipino

 Ayon kay Cronbach (1975) mahahati ang sikolohiya sa dalawang disiplina at ang
mga disiplinang ito ay alinsunod sa kung alin ang binibigyang diin:
 Ang metodong eksperimental
 Ang metodong korelasyonal

Ano ang binibigyang diin ng metodong eksperimental?

 Nometikong pananaw ay tumutukoy sa pagpapahalaga sa unibersal na


katotohanan bilang layunin ng sikolohiya.

Ano ang binibigyang diin ng metodong korelasyonal?

 Ideograpikong pananaw, nagbibigay halaga sa pag-aaral ng kaso. Ang indibidwal


at ang partikular ang inuunawa.

Ayon kay Watson (1968), ang nagpahayag na ang mga ito ay “preskripsyon” sa
sikolohiya ngunit ayon kay Virgilio Enriquez, ito raw ay isang isyu. May mga tapat na
sikolohista na ang sikolohiya ay isang unibersal kaya naman may mga nag-iisip na ang
SP ay isang anti- unibersal.

Anim na Mungkahi ng Kategorya sa Pag-aaral ng Sikolohiyang Pilipino

 Kamalayan, tumutukoy sa damdami’t kaalamang nararanasan


 Ulirat, tumutukoy sa pakiramdam sa paligid
 Isip, tumutukoy sa kaalaman at pag-unawa
 Diwa, tumutukoy sa ugali, kilos os asal
 Kalooban, tumutukoy sa damdamin
 Kaluluwa, daan upang mapag-aralan ang tungkol sa budhi ng tao.

Mga Anyo ng Sikolohiya sa Kontekstong Pilipino

Sikolohiya sa Pilipinas

 Pinakamalaki o ang kabuuang anyo sa Pilipinas. Ito ay bunga ng sunud-sunod


na kaalamang may kinalaman sa sikolohiya sa bansang Pilipinas.

Sikolohiya ng mga Pilipino

Lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga konsepto sa siklohiya na may


kinalaman sa mga Pilipino.

Sikolohiyang Pilipino

Nilalayong anyo ng sikolohiya sa Pilipinas. Sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan,


at oryentasyong Pilipino.

Isang Analohiya upang Maunawaan ang Tatlong Anyo:

 Taong- bahay, maaaring maihalintulad sa sikolohiya ng mga Pilipino na kahit ang


mga bisita ay maituturing na taong bahay kung kanilang nanaising mamalagi sa
bahay.
 Tao sa bahay, madalas na ating ginagawa dahil ito ay hindi na kailangang
kusian, pag-isipan o sadyain. Ang mga taong napapdaan o bisita ay maari rin
nating matawag na tao sa bahay.
 Taumbahay, higit na malalim ito kumpara sa mga nauna. Ito ang mga taong
talagang nakatira sa loob ng bahay.

Ang Kabuuang Anyo ng Sikolohiya sa Kontekstong Pilipino: Ang Sikolohiya


sa Pilipinas

Makikita ang kabuuang anyo ng ating Sikolohiya sa pag-aaral ng ating


kasaysayan. Sina Bailen (1976), Demetrio (1975), at Jocano (1975) ay pinag-aralan
ang tungkol sa mga Babaylan at Katalonan dahil ditto makikita an gating sikolohiya.
Ito ba ay ating pag-uugali?

 Manana Habit
 Ningas Kugon
 Filipino Time

Ang Palasak na ano ng Sikolohiya sa Kontekstong Pilipino: Ang Sikolohiya ng


Pilipino

 Sikolohiya ng Pilipino ay yaong mga inaakalang katangian ng mga Pilipino at ng


mga etnikong grupo sa Pilipinas, na para bang hanggang sap ag-aaral ng mga
katangian na lamang ang pagtaya sa sikolohiya ng mga Pilipino.
 Makikita ang Konseptong panlalahat sa literature at social studies
 Ang “ningas-kuon”, pakikisama, hiya, utang na loob, amor propyo, bahala na,
“Filipino Time”, “SIR”, at “manana habit” ay ilan sa mga katangian na
pinangangalandakang katangian o ugali sa pakikipagkapwa Pilipino.

Mga Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino

Kinikilala ng maraming sikolohista sa akademiya na mayroong pangangailangang


upang isalin ang ibang mga salita sa Filipino upang mas maigi silang talakayin. Ang
anim na konsepto ng ng Sikolohiyang Pilipino ay ang mga sumusuonod:

 Ang Katutubong konsepto ng Sikolohoiyang Pilipino ay tumutukoy sa mga


salitang galling at ginagamit sa Pilipinas. Ang kahulugan din nito ay kinuha mula
sa mga Pilipino.
 Ang sumunod sa lebel sa mga konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang
Pagtatakda ng Kahulugan. Dito naman, ang salitang ginagamit ay galling sa
Pilipinas, habang ang kahulugan nito ay banyaga. Mga halimbawa nito ay
pagsasalin ng mga salitang alaala at gunitain sa mga salitang “memory” at
“recall” upang mas mabuting maintindihan ng mga mambabasa ang ibig sabihin
ng mananaliksik. Kasali rin dito ang lahat ng ng mga Pilipinong salita na binigyan
ngkahulugan sa Ingles upang hindi maguluhan ang mga tao sa saliksik.
 Ang Pagaandukha na konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang pagkukuha ng
salitang dayuhan at baguhin ang kanyang anyo hangga’t magkaroon siya ng
Pilipinong kahulugan. Isang halimbawa nito ay ang tambay na nanggaling sa
salitang “standby”. Ang ibig sabihin ng standby sa Ingles ay paghihintay ngunit
dahil sap ag-iiba ng anyo at kahulugan nito sa Pilipino nagging tambay ang salita
kung saan ag ibig sabihin nito ay walang ginagawa at mayroong negatibong
konteksto.
 Ang konsepto ng Pagbibinyag sa Sikolohiyang Pilipino ay madali lang intindihin
sapagkat ang ibig sabihin nito ay ang paglalagay ng mga dayuhan ng kanilang
mga sariling kahulugan sa mga salitang Pilipino. Tingnan ang salitang hiya kung
sa Pilipino ay napaka-lalim ang kahulugan habnag sa Ingles ay ibig sabihin lang
ay shame. Gayunman, alam ng bawat Pilipino na hindi lamang shame ang ibig
sabihin ng hiya.
 Ang panglawa sa huling konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang Paimbabaw
na Asimilasyon. Sa Paimbabaw na Asimilasyon, pinag-uusapan ang mga
salitang banyaga na ginagamit sa Pilipinas ngunit mahirap isalin sapagkat iiba
ang kahuligan nito.
 Ang pinakahuling konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang Ligaw/ Banyaga na
mga salita. Tumutukoy ito sa mga salita o konsepto na hindi ginagamit sa
Pilipinas, kaya’t walang Pilipinong katapat ito. Isang halimbawa nito ay ang
konsepto ng “home for the aged” na walang katumbas na Pilipinong salita dahil
hindi naman uso, o katanggap-tanggap na iiwanan lamang ang mga magulang
sa isang home for the aged sa kulturang Pilipino.

Apat na Piliyasyon ng Sikolohiyang Pilipino

Ayon kay Zeus Salazar, mayroong apat na piliyasyon, o filiation sa Ingles ang
Sikolohiyang Pilipino:

 Sikolohiyang Akademiko- Pilosopikal: Nagsimula ito sa panahon ng mga


Amerikano sa Unibersidad ng Pilipinas, ngunit Malaki rin ang papel ng
Unibersidad ng Santo Tomas at Unibersidad ng San Carlos sap ag-aaral ng
ganitong klaseng sikolohiya. Madalas ay pilosopikal at teolohikal ang pilisasyon
na ito.
 Sikolohiyang Akademiko- Siyentipiko: Nagsimula rin ito sa UP at hinikayat ng
pilisasyong ito ang mga akademiko na ituring ang pananaliksik bilang importante
sa sikolohiya. Dito rin nagging uso ang pagnanais ng mga sikolohista na
magkaroon ng mga resulta na empirical.
 Sikolohiyang Katutubo: Ang sikolohiyang katutubo ay hindi nagsimula sa isang
unibersidad katulad ng nauunang dalawa dahil dati pa itong pinapraktis ng mga
katutubong Pilipino. Nahahati ito sa daalwa; ang katutubong Sikolohiya at
Kinagisnang Sikolohiya. Tinutukoy ng katutubong sikolohiya ang mga paniniwala
at karanasan ng mga katutubong Pilipino, habang sakop naman ng kinagisnang
sikolohiya ang wika, kultura, at sining ng mga Pilipino.
 Sistemang Sikodemikal at Relihiyon: Nagsimula ito mula sa medikong
relihiyosong gawa ng mga nanunang babaylan at katalonan. Tinatalakay rito ang
iba’t-ibang Sistema ng paniniwala.

Ang indirektang komunikasyon ng mga Pilipino ay isang mahalagang parte ng


kanilang personalidda. Ayon kay Enriquez, an gating kakayahan mabasa o mapansin
ang mga di-sinasalitang mga hudyat tulad ng kilos ng ating katawan. Binibigyang
importansiya ng mga Pilipino kung anong nararamdaman ng kaniyang kapwa, kung
kaya ang Pilipino ay madaling makiramdam. Hindi mapakali o mabigat sa kalooban ng
Pilipino kung mayroong itinatagong hinaing sa sarili o sa kapwa. Ayaw ng Pilipino ang
ganitong pakiramdam sa kanilang persepsiyong pakikiisa. Upang maiwasan ang
anumang away (sa sarili o ibang tao), maingat ang mga Pilipino sa kanilang mga
binibitawang salita kung kaya nabuo ang konseptong indirektang pakikipag-usap.

Ibang-iba ito sa mga taga-Kanlurran kung saan sila ay direktang ipinapahiwatig


ang kanilang mga ideya’t saloobin, na kadalasa’y mali ang dating sa mga Pilipino.
Madalas na ang dating ay pambabastos. Halos lagi ay nakararanas ang Pilipino ng
indirektang komunikasyon, at hindi mahirap sa kanilang basahin ito.

C. PAGPAPAYAMAN SA KAALAMAN
Sikolohiyang Pilipino - Virgilio Enriquez

A. PAGTATAMPOK SA ARALIN

PAG-AKLAS, PAGBAKLAS AT PAGBAGTAS

Ang akdang "Pag-aklas, Pagbaklas, at Pagbagtas: Politikal na Kritisismong


Pampanitikan (2009)" ay isang librong lathala ni Rolando Tolentino na may politikal na
asinta lalo na sa mga pang kritisismong sulatin.

Si Rolando B. Tolentino ang Dekano ng College of Mass Communication (CMC)


sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Siya rin ay nagtuturo at kabilang sa mga guro ng
UP Film Institute. Kamakailan lamang, isa sa mga nanomina para tumakbong
Chanselor ng UP Diliman. Siya ay nakapagtapos sa kursong Economics at
nakapagtapos din ng masteral sa De La Salle University. Nag-aral siya ng Film Studies
sa University of Southern California.

Siya ay isang tanyag manunulat at kabilang siya sa Katha at Manunuri ng


Pelikulang Pilipino. Kabilang sa mga nasulat niya ay ang: Sakit ng Kalingkingan: 100
Dagli sa Edad ng Krisis (2005), Kuwentong Syudad (co-editor, 2002), Sapinsaping Pag-
ibig at Pagtangis: Tatlong Novella ng Pagsinta’t Paghinagpis (1999); Fastfood,
Megamall at iba pang kwento sa pagsasara ng ikalawang milenyum (1999); Relasyon:
Mga Kwuwento ng Paglusong at Pag-ahon (co-editor, 1999); Ali*bang+Bang atpb.
Kwento (1994); Habilin: Antolohiya ng Katha Para sa Pambansang Kasarinlan (co-
editor, 1991); Engkwentro: Kalipunan ng mga Akda ng Kabataang Manunulat (co-editor,
1990).

Siya ay nanalo din sa iba’t ibang klase ng patimpalak dito sa Pilipinas pati na din
sa ibang bansa. Ang ilan dito ay ang Best Arts Book, Gintong Aklat, (2002), Writer’s
Prize, National Commission for Culture and the Arts (2001), Manila Critics Circle Award
for Best Film Criticism Book (2001); Gawad Chancellor for Best Literary Work (2002).

Ayon kay Terry Eagleton ng Department of Literature in Higher Education,


sinasabi dito na higit pa sa pag-aaral ng panitikan at malikhaing pagsulat ngayon ang
kailangan para maging guro, kritiko at manunulat. Ang nagsisilbing aparatong daluyan
ng ating bansa ngayon para sa abogasya na pumapaloob sa diskurso ng legalismo ng
estado, call center at transcription center ay English, Comparative Literature at Creative
Writing.

B. PAGPAPALALIM SA ARALIN

Pag-aklas bilang impetus (motibasyon) sa panunuring historical at panlipunan na


susing kawing (may koneksyon ang panitikan).

Ang pagbagtas ay paghahanap ng alternatibo at kakaibang daang maaring


tahakin tungo sa pagbuo ng rebolusyong pananaw, ang pananaw na makapag-
arogante at proseso ay makakapagbalikwas sa namamayaning kaayusan. Ito ang
transpormasyon ng namayani tungo sa demokratiko, makatarungan at mapagpalayang
hinahanap. Ang pagsusuri at kritisismong panlipunan at historical. Binabagtas ng reb
rebolusyong pananaw ang marahas at di makatarungang kasalukuyan at ang inaasam
na mapagpalayang hinaharap.

Pagbagtas bilang mapagpalayang pagdalumat sa panitikang pangunahing


pagsasaalang-alang ng makauring panunuri.

C. PAGPAPAYAMAN SA KAALAM

Pagbaklas

Bilang pagbawas sa naunang formalistiko at maka-sentrkng sining na panunuring


pampanitikan.

Halimbawa na Artikulo:

VARAYTI NG WIKA SA PINOY INDIE: ISANG MUNGKAHING BALANGKAS SA


PEDAGOHIYA KRITIKAL TUNGO SA PAGSASABANSA NG AKADEMYA AT SINING

JONATHAN VERGARA GERONIMO


A. PAGTATAMPOK SA ARALIN

PANTAYONG PANANAW

Ayon kay Chua (2018), sinabi niya na ang pantayong pananaw ay upang
maisakatuparan ang pagnanais na bigyan ng saysay ang sariling kasaysayan,kailangan
muna nating lutasin ang isang problema.Marami sa mga nakasulat ukol sa kasaysayan
ng Pilipinas ay nasa wikang hindi naiintindihan ng karamihan.Mula rito maaaring ito ang
naging malaking pagsubok sa ating kasaysayan dahil karamihan lamang ng
nakapagsusulat at nakapagbabasa noon ay ang mga elite na mamamayan ng bansa
kayat naging mahirap pala sa iba ang maintindihan ang ibang wika.

Kaya mula pa noong 1920 kinailangan niyang paunlarin ang isang iskuwelang
pangkaisipan: isang ideyang tinatawag niyang “pantayong pananaw”.Ang pantayong
pananaw ay ang pag-aaral ng kasaysayan natin sa ating sariling perspektiba gamit ang
mga konsepto o dalumat at isang wikang naiintindihan ng lahat.Ito ay ang paggamit ng
ating wika ng sa gayon ay mas maintindihan natin ang ating kasaysayan.

Pagdadagdag pa dito, lalong napaigting ang paniniwala niya noong


1984,nilapitan siya noong siya ay nasa Alemanya ng kanyang estudyanteng si Nilo
S.Ocampo sapagkat walang gustong maglimbag sa Pilipinas ng kanyang tesis na
katutubo,muslim,kristiyano:Palawan,1621-1901 dahil ito ay nakasulat sa wikang Filipino
na nararapat raw ay ingles na pagkakasulat.itinatag ni Salazar ang bahay saliksikan ng
kasaysayan at ang akda ni Ocampo ang una sa maraming publikasyon na nailimbag sa
wikang Filipino.

Ayon kay Bernardo (2011), ang pantayong pananaw ay isang teoryang ginagamit
sa kasaysayan na nagpapanukala na ang ugat at kahalagahan ng Pilipinas at mga
Filipino ang dapat pag-aralan alinsunod sa punto debiska o pananaw ng Filipino at sa
sariling diskursong taglay nito.Higit pa rito ang lipunan at kultura natin ay may
pantayong pananaw lang kung tayong lahat ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na
alam nating lahat ang kahulugan,pati ang relasyon ng mga kahulugang ito sa isa’t-
isa.Ayon pa rito ito ay nangyayari lamang kung iisa ang “code” ibig sabihin may isang
pangkabuuang pag-uugnay ng mga kahulugan,kaisipan, at ugali .Ito ay ang
pagkakaroon ng iisang wika,ito rin ay ang pagkakaroon ng iisang pananaw at konsepto
sa paggamit ng wikang filipino.

B. PAGPAPALALIM SA ARALIN

Ayon sa pag-aaral ni Zeus A. Salazar noong 2015, isinasaad na ang pantayong


pananaw ay tumuukoy pagkakaugnay-ugnay at paguugnay ng mga katangian,
halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pagaasal at karanasan ng
isang kabuuang pangkalinangan — kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa
pamamagitan ng isang wika.

Isinasaad ni Salazar sa artikulo ang pagkakaroon ng isang matibay na


pagkakakilanlan at paggamit ng iisang konsepto upang magkaintindihan ang bawat isa.
Inihalimbawa niya nga ang pagkakaroon ng iisang wika na kung saan kapag iisa ang
mga ito, talagang maiintindihan ng bawat isa ang kanilang sinasabi sapagkat iisa
lamang din ang ibig nitong sabihin. Tinawag niya ito bilang saradong sistema o closed
circuit.

Mula sa kaniyang artikulo, sinasabing malaki ang pagbabago sa pananaw ng


mga Pilipino dahil sa kolonyalismo. Nabago nito ang kaisipang Pilipino mula sa iisa
hangga’t naging kalat-kalat at nawalan ng sariling pagkakakilanlan. Nabura nito ang
sambit na ”magkahiwa-hiwalay sila sa isa’t isa, bagamat nananatiling magkakamag-
anak at magkakaugnay.”

Binanggit naman ni Prospero Covar mula sa pag-aaral ni Michael Charleston B.


Chua na ang kasaysayang may pantayong pananaw ay karanasan ng mga Pilipino na
ipinapaliwanag sa Pilipino, sa sariling wika, para sa sariling kapakinabangan. Ibig
sabihin, sa pagpapaliwanag ng kasaysayan, ang wikang dapat ginagamit ay
naiintindihan ng pangkalahatan. Sa ganitong paraan, marami ang mamumulat sa
katotohanan hinggil sa kasaysayan sapagkat hindi na lamang kakaunti ang
makauunawa nito.

Ayon naman sa Abante: Una sa Balita (2019) kung ang nagkukuwento ay


Pilipino at ang kinukuwentuhan ay Pilipino, dapat ito ay nasa wika na naiintindihan ng
bansa. Ang layunin, bago humarap sa mundo, mag-usap-sap ang mga Pilipino upang
makilala nila ang kanilang sarili. Isinaad din dito na kailangan may iisang wika mula sa
atin na magkakaintindihan ang lahat.

Bawat pag-aaral na nakalap ay nagsasabing ang Pantayong Pananaw ay isang


konsepto o kaisipan na nagmula sa iisa – isang wika, kultura at kasaysayan. Binanggit
nga ni Zeus A. Salazar na ang mga Pilipino ay parang isda na nakatira sa iisang
karagatan. Nagmula man tayo sa iba’t-ibang lahi ngunit iisa lamang ang ating
pagkakakilanlan.

C. PAGPAPAYAMAN SA KAALAMAN
Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan* Zeus A. Salazar
SANGGUNIAN

Geronimo, Jonathan. (2013). VARAYTI NG WIKA SA PINOY INDIE: ISANG


MUNGKAHING BALANGKAS SA PEDAGOHIYA KRITIKAL TUNGO SA
PAGSASABANSA NG AKADEMYA AT SINING. Retrieved from
https://www.academia.edu/10449073/Varayti_ng_Wika_sa_Pinoy_Indie_Isang_Mungka
hing_Balangkas_sa_Pedagohiyang_Kritikal_Tungo_sa_Pagsasabansa_ng_Akademya_
at_Sining

https://www.abante.com.ph/mga-maling-akala-ukol-sa-pantayong-pananaw.htm

http://books.google.com.ph/books?
id=qtVMkDvpbe8C&pg=PT16&source=gbs_tocr&cad=3#v=onepage&q&f=false

https://ejournals.ph/article.php?id=5479

https://journals.upd.edu.ph/index.ph/djwf/article/view/4a4a

https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/4949

https://xiaochua.net/tag/pantayong-pananaw

https://xiaochua.net/2012/11/13/bathala-si-szeus-salazar-bilang-dalumat-mismo-ikaw-75-taon-
isang -pagpapahalaga-2009/

http://jesusabernardo.blogspot.com

https://www.slideshare.net/MartinVinceCruz/sikolohiyang-pilipino-review1

http://www.slideshare.net/mobile/agnesrizaltechnological/sikolohiyang-pilipino

https://www.slideshare.net/mobile/jeaneleicarolino/sikolohiyang-pilipino
http://www.slideshare.net/mobile/maryanneportuguez/sikolohiyang-pilipino

Soriano, Ken, (2020). Fili-102_Yunit3, Retrieved from


https://www.scribd.com/presentation/405276491/Fili-101-Yunit3

You might also like