You are on page 1of 63

MODYUL SA FILIPINOLOHIYA AT

PAMBANSANG KAUNLARAN
Kagawaran ng Filipinolohiya

Inihanda ni:

Leomar P. Requejo, MAF


Dalubguro, Kagawaran ng Filipinolohiya
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

1
No part of this publication may be reproduced or copied by recording or other
electronic/mechanical methods, without the prior written permission of the publisher/compiler via
lprequejo@pup.edu.ph. Faculty members whose names are printed on the cover are only
compilers who collected materials from different authors. This is not for sale and the compilers
have no intention to profit from this.

Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring kopyahin sa paraang elektroniko/ mekanikal
ng walang nakasulat na pahintulot mula sa nagsagawa ng publikasyon o nagtipon sa
pamamagitan ng lprequejo@pup.edu.ph. Ang pangalan ng/ ng mga dalubguro na makikita sa
pabalat ng kagamitang panturo ay tanging nagtipon lamang ng materyales mula sa iba’t ibang
awtor. Tinitiyak ng mga naghanda ng kagamitang panturo / nagsagawa ng publikasyon na
tanging layuning akademiko ang ginawang pagsipi at hindi gagamitin bilang rekurso.

2
FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN
GABAY SA KURSO

DESKRIPSYON NG KURSO:

Tinutugunan ng kurso ang pangangailangan ng isang lapat na kamalayang


gagabay sa pagkakaroon ng pagpapahalaga sa pambansang kaunlaran gayundin ang
pagsusuri sa iba’t ibang salik na nakakaapekto sa pag-unlad nito.
Tatalakayin ang Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran bilang isang
kaisipan/prinsipyo at tunguhin na nakalapat sa talino at karunungang Filipino.
Pahahalagahan ang Filipino bilang wika ng pagkatuto na pundasyon sa paglikha sa
kamalayang makabansa tungo sa hangaring pahalagahan at pauunlarin ang mga
industriya ng bansa. Lilinangin ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagsusuri at
pagsasapraktika ng mga kaisipan sa Filipinolohiya sa pamamagitan ng dokumentasyon
at pananaliksik na nakatuon sa tiyak ng larang/disiplina
Nahahati ang kurso sa tatlong bahagi: Una ang pag-unawa sa Filipinolohiya bilang
isang kaisipan na nagpapabatid sa kahalagahan ng isang industriyang makabansa.
Pangalawa ay ang pagsusuri ng kalagayan ng halagahan ng wika, kultura at lipunan
batay sa kaisipang Filipinolohiya na may kasamang sa pagsipat sa kalagayan at
tagumpay ng ibang bansa sa ugnayang ng programang pangwika at pang-industriya. At
pangatlo ay ang tuluyang paglalapat at pagsasapraktika ng mga kaisipan sa
pamamagitan ng aktuwal na interaksiyon o emersyon sa mga tiyak na industriya ng/sa
bansa bilang bahagi na proseso ng dokumentasyon at pananaliksik na mapag-uugnay
ang gampanin ng ng mga batayang kaalamang nakabatay sa danas. Sa dulo ng kurso
ay makabubuo ang mga mag-aaral ng isang panimulang papel/pananaliksik na
naglalaman ng Filipinolohiya sa industriya ng/sa bansa.

INAASAHANG KALALABASAN:

1. Naipaliliwanag nang may husay ang kahulugan at kalikasan ng Filipinolohiya na


nakaugnay sa Wikang Filipino, nasyunalismo, siyensya at mamamayan.
2. Nakapaglalahad ng kalagayan at halaga ng Filipinolohiya sa pamamagitan ng
paglalatag ng sitwasyong pangkultura, pangwika at panlipunan sa bansa at ibang
bansa.
3. Natutukoy ang kronolohikal na kasaysayan ng Industriya sa/ng Bansa.
4. Nakapag-aanalisa ng kalagayan ng Pambansang Industriya sa Pilipinas at sa
ibang Bansa

3
5. Nakapagtatamo ng kaalaman at kasanayan sa Industriyal na Pananaliksik (critical
research paper) pananaliksik Kritika sa industriya/larang (critical paper on
industry).
6. Nakapagbubuo ng artikulong Pananaliksik.

AWTLAYN NG KURSO:

Kabanata 1: Filipinolohiya: Kahulugan, Kalikasan at Kasaysayan ng Kamalayang Bayan


(Diskursong Makabayan, Mamayan at Agham Bayan)
a. Ilang Kabatiran sa Kamalayan at Kulturang Filipino
b. Araling Pilipino, Philippine Studies at Filipinolohiya bilang Programang
Akademiko

Kabanata 2: Filipinolohiya: Pagpapahalaga sa Sitwasyong Pangkultura, Pampulitika, at


Pang-ekonomiya
a. Ang Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya, Pantayong Pananaw at
Filipinolohiya
b. Paghahabi ng mga Pagkakatulad at Pagkakaiba
c. Wisyo ng Konseptong Filipino

Kabanata 3: Filipinolohiya at/sa Pambansang Kaunlaran


a. Ang Pambansang Industriya
b. Filipinolohiya tungo sa Pambansang Kaunlaran

Kabanata 4: Pagsulat ng Pinal na Kahingian

MGA MATERYALES NA GAGAMITIN:

• Abadilla, B. S. (2002). Wisyo ng Konseptong Filipinolohiya. FILIPINOLOHIYA


• Abadilla, B. S. (2002). Epistemolohiyang Filipino sa Karungang Filipino. FILIPINOLOHIYA:
Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng Filipinolohiya
• AGHAM - Advocates of Science and Technology for the People. (2016). PRAYMER sa
Pambansang Industriyalisasyon. Quezon City, Philippines.
• Apigo, M.V. (2002). Paghahabi ng Landas: Tugon sa hamon ng Ganap na Pag-unawa sa
Filipinolohiya.
• Zalazar, Z. A. (2000). Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan.
• Bautista, V.V. at Pe-pua, R. (1991). Pilipinolohiya: Kasaysayan, Pilosopiya at Pananaliksik
• IBON. (2015, Nobyembre). PRAYMER: APEC at ang Opensiba ng Globalisasyon. Quezon
City, Philippines

4
PLANO NG KURSO

WEEK KABANATA/PAKSA
1-5 Filipinolohiya: Kahulugan, Kalikasan at Kasaysayan ng Kamalayang
Bayan (Diskursong Makabayan, Mamayan at Agham Bayan)
a. Ilang Kabatiran sa Kamalayan at Kulturang Filipino
b. Araling Pilipino, Philippine Studies at Filipinolohiya bilang Programang
Akademiko
6-7 Filipinolohiya: Pagpapahalaga sa Sitwasyong Pangkultura, Pampulitika,
at Pang-ekonomiya
a. Ang Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya, Pantayong Pananaw at
Filipinolohiya
b. Paghahabi ng mga Pagkakatulad at Pagkakaiba
c. Wisyo ng Konseptong Filipino

8-11 Kabanata 3: Filipinolohiya at/sa Pambansang Kaunlaran


a. Ang Pambansang Industriya
b. Filipinolohiya tungo sa Pambansang Kaunlaran

12-16 Pagsulat ng Pinal na Kahingian

5
KABANATA 1
Filipinolohiya: Kahulugan, Kalikasan at
Kasaysayan ng Kamalayang Bayan
(Diskursong Makabayan, Mamayan at
Agham Bayan)

6
Panimulang Gawain
Batay sa iyong mga dating napag-aralan, magbigay ng mga halimbawa ng impluwensya ng mga
dayuhan sa Kulturang Filipino. Magbigay rin ng isang maikling paliwanag hinggil sa nakikita mong
pangkalahatang epekto nito.

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Unang Talakay

Ilang Kabatiran sa Kamalayan at Kulturang Filipino


Hindi na bago sa kaalaman ng bawat Filipino ang kasaysayan ng mahabang pananakop
sa Pilipinas. Ang mga taong ginugol ng mga dayuhan ay hindi lamang nagdulot ng epekto sa
materyal na kalagayan ng mga Filipino at ng bansa bagkus maging sa kamalayan nito. Makikita
ito sa namamayaning pagpapahalaga ng mga Filipino sa aspetong Kultural, Ekonomikal at
Pulitikal. Halimbawa sa aspetong kultural, higit na namamayani ang pagkilala at paggamit sa
wikang banyaga katulad ng Ingles sa larangan ng diskursong pang-akademiko. Dito,
nasasagkaan ang kabuuan at ganap na pag-unlad ng pambansang wika at iba pang mga wika
ng Pilipinas. Ang pagkabansot ng potensyal ng sariling wika at mayroong malaking epekto sa
kabuuang kultura ng bansa kung kaya’t lumalabnaw rin ang pagkakaunawa ng isang Filipino sa
kanyang sariling pagkakakilanlan at ang kaugnayan niya sa kanyang sariling bayan.
Sa isang bahagi ng papel ni Leomar P. Requejo na pinamagatang “Labas at Loob:
Pagbasa sa Iba’t ibang Perspektibong Nakatuon sa Pagkakakilanlan ng mga Filipino” binanggit
niya ang prosesong ito ng pagbago ng kultura na partikular sa panahon ng mga Kastila:
“Matapos nilang masaksihan at mapag-aralan ang kultura at pamumuhay ng mga Filipino,
sumunod na rito ang mga hakbang upang tuluyan itong baguhin o kung hindi man ay mai-proseso
sa isang kamalayang hiwalay sa totoong kahulugan nito sa kulturang Filipino. Mula sa pisikal na
kaanyuan, pagkain, mga kostumbre, tradisyon, relihiyon at iba pang salik ng kultura – naganap
ang isang proseso ng unawa’t salakay sa mga Filipino. Totoong mabisa na mula sa pag-unawa
ay higit na magiging madali ang pagsasakatuparan ng iba pang mga layunin ng mga dayuhan sa

7
Pilipinas. Ang kanilang mga isinagawang pagtatala o dokumentasyon at pagsasakaysayan sa
kulturang dinatnan sa Pilipinas ay masasabing bahagi ng higit pang malaking hakbang ng
pagsalakay.”
Makikita sa pahayag sa itaas ang ideya ng unawa’t salakay na ginawa ng mga Kastila sa
mga Filipino. Ang kanilang ginawang pag-aaral sa mga gawi at paraan ng pamumuhay ng mga
Filipino ang higit na nagpadali sa kanilang mga layunin. Walang pambansang wika ang Pilipinas
ng mga panahong ito, wala rin ang mismong konsepto ng bansa. Nakasentro sa iba’t ibang
pangkat at lipunan ang pamumuhay ng mga Filipino na naninirahan sa Pilipinas. Sa madaling
salita, iba’t iba ang kultura maging ang mga wikang ginagamit ng bawat rehiyon. Ang mga wikang
ito ay inaral ng mga dayuhang Kastila upang higit na maging madali ang kanilang pagpasok at
pagsasakatuparan ng kanilang mga layunin sa Pilipinas. Sinimulan rin nila ang pagpapalaganap
ng Kristyanismo sa bansa na isang pagpapakilala ng bagong kamalayan sa mga Filipino. Mula
dito unti-unting nagbago ang pagtingin ng Filipino sa kanyang sarili at sa kayang lipunang
ginagalawan.
Dahil nauunawaan ng mga Kastila ang kahalagan ng pag-aaral at dokumentasyon,
masasabing isa sila sa mga unang nag-aral sa Pilipinas at sa mga naninirahan dito. Malinaw na
ginamit nila ang proseso ng pagsasakaysayan sa paghubog ng kamalayan at kabuuang imahe
ng mga Filipino sa loob ng Pilipinas at higit sa lahat sa iba pang bansa sa mundo. Higit na naging
superyor ang imahe ng mga mananakop mula sa identidad hanggang sa paraan ng pamumuhay
kaysa mga Pilipino. Sa kanila nakasentro ang pagdakila at pagtataas ng sarili habang ang mga
Pilipino ang nagmumukang kawawa, kontrabida at iba pang uri ng panliiit. Isa sa kongkretong
halimbawa nito ay ang bahagi ng sanaysay na History of the Inarticulate mula sa aklat ni William
Henry Scott na Cracks in the Parchment Curtain kung saan tinukoy niya na hindi ang pagkiling
ng mga Kastila sa kanilang pagsasakasaysayan ang pangunahing problema sa pag-unawa ng
kasaysayan ng mga Filipino, kundi ang atuwal na hindi pagsama ng mga Kastila sa mga Filipino
sa kasaysayan. Higit nilang pinagtuunan ng pansin ang pagsusulat ng kasaysayan sa mga
ginawa nila sa Pilipinas at kung papaano nila ito ginawa. Mayroon lamang maliit na espasyo para
sa mga Filipino katulad ng mga naganap na rebolusyon sa Pampanga hanggang Ilocos Norte
noong 1660-1661 na ayon kay Scott ay maaaring humigit kumulang lamang sa 150 pahina sa
kabuuan ang naging tala ng mga Kastila. At sa mga pahinang ito tanging isa lamang ang nakitang
detalye na maaaring magtukoy na naging bida ang isang Filipino sa kasaysayan.
Ang matinding galit ng isang Pedro Almazan sa mga Kastila na kanilang inilarawan sa
pamamagitan ng pagkakaroon niya ng mga kadena sa kaniyang bahay na nakalaan sa bawat
Kastila sa kanilang probinsya. Sinabi ni Scott na nakalusot ang napakagandang detalyeng ito sa
pagsasakaysayan ng mga Kastila sa kadahilanang nais nilang ipakita ang imahe ni Almazan
bilang isang negatibong paksa sa kasaysayan – ngunit sa kabilang banda ay maaaring unawain
ang mga tala tungkol kay Almazan bilang pagpapabatid ng kabayaninan ng isang Filipino. Ang
maagang kasaysayan ng bansa ay hindi maikakailang nakaugnay sa mga aktibidad ng mga
Kastila sa Pilipinas ngunit hindi ito nangangahuluhan na walang kasaysayan ang mga Filipino
bago pa sila dumating. Maaring tingnan na nakita ng mga Kastila na ang mga Filipino ay isang
lahing madaling manipulahin, sakupin o paayunin sa kanilang mga polisiya at pamamaraan,
ngunit sa mga malalapit na pag-aaral sa mga polisiyang ito, makikita na naimpluwensyahan din
ng mga Filipino ang mga Kastila sa kanilang mga polisiya. Isang malinaw na manipestasyon ng
matibay na kultura ng mga Filipino na noong naunawaan ng mga Kastila ay kanilang tinugunan
at pinamahalaan batay sa kanilang mga layunin.

8
Sa pamamagitan ng mga polisiyang inilatag ng mga Kastila na maaaring tugon sa kung
anong pamumuhay mayroon ang mga Filipino, nabago o naapektuhan ang takbo ng pamumuhay
o pagtingin ng mga Filipino sa kanyang sarili. Nagkaroon ng ibang pamantayan sa kung ano ang
mabuti at masama mula sa mga aral na dala ng Kristyanismo sa bansa – itunuring na mga
kampon ni Satanas ang mga Babaylan at ipinagbawal ang pagsamba sa mga anito at mga dyos
ng kalikasan. Nagbago rin ang pamantayan maganda at pangit mula sa kulay ng balat, itsura,
kisig ng pangangatawan, kasuotan at kabuuang anyo. Pinilit bihisan ang mga Filipino sa isang
paraang hindi akma sa klima o panahon na mayroon sa Pilipinas. Ang pamantayan ng mga
Kastila ang masusunod sa kung ano ang dapat at hindi at may kauukulang kaparusahan sa hindi
pagtugon na lahat ay pumapabor sa interes ng mga Kastila. Pinababa ang katayuan ng mga
babae sa lipunan, iniba ang unawa sa mga pinaniniwalaang kaugalian at tradisyon – lahat ay
upang maisentro sa mga Kastila ang kapakinabangan.
Ganito rin halos ang sinapit ng mga Filipino sa mga Amerikanong mananakop. Ngunit
kaiba sa mga Kastila na relihiyon ang naging pangunahing armas sa pananakop ng kamalayan
– edukasyon naman ang ginamit ng mga Amerikano. Masasabing isang napakabisang ideolohikal
na aparato ang edukasyon dahil dito hinuhubog ang talino at kamalayan ng isang indibiduwal.
Ang talinong mabubuo ay siyang magiging gabay niya sa paglikha ng mga pangagailangan niya
at ng lipunang kanyang ginagalawan. Ito rin ang kanyang magiging pamantayan at batayan sa
pagtingin sa iba’t ibang sitwasyon at mga lilikhaing desisyon. Katulad ng mga Kastila – nakita rin
ito ng mga Amerikano. Nabatid nilang hindi sasapat ang kanilang militarisasyon at pisikal na
opresyon sa mga Filipino upang umayon ito sa kanilang mga layunin. Sa kadahilanang handang
ipagtanggol ng mga Filipino ang kanyang bansa hanggang kamatayan sa mga mananakop ay
higit na minabuti ng mga Amerikanong sakupin ang kanilang rebolusyunaryong kamalayan sa
pamamagitan ng pagpapalabnaw nito. Ang sistema ng edukasyong na ipinasok ng mga
Amerikano sa mga Filipino ay nagdulot ng ilang malinaw na epekto sa kulturang una ng binago
ng mga Kastila. Bukod sa mga kustumbre, tradisyon at paniniwala, ang isa sa higit na
naapektuhan ay ang wika – nabansot ang sariling wika.

Gawain 1:
Basahin ang Lisyang Edukasyon ng Pilipino ni Renato Constantino at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.
1. Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga Filipino?
2. Magbigay ng halimbawa ng epekto ng nabanggit na sitemang pang-edukasyon mula sa
kasalukuyang panahon at ipaliwanag.
3. Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang nakikita mong solusyon sa lisyang edukasyon
ng mga Filipino?

9
ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO 1
Renato Constantino
(Malayang salin ni Luis Maria Martinez)

Ang edukasyon ay isang mahalagang sandata ng isang bansang nagpupunyaging magtamo ng


kalayaang pangkabuhayan at pampulitika at nagnanais na muling madalisay ang sariling kultura. Tayong
mga Pilipino ay isang gayong bansa. Dahil dito, ang ating edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong
may pag-unawa sa saligang suliranin ng bayan at sa mga lunas sa mga suliraning ito. Dapat itong lumikha
ng mga Pilipinong may sapat na malasakit sa bayan at may sapat na lakas ng loob na kumilos at
magpakasakit para sa katubusan ng Inang Bayan.

Makabayang Pagkilos sa Edukasyon

Ilang taon na ang nakalipas sapul nang umalingawngaw ang mga makabayang kahilingan sa iba’t
ibang sektor ng lipunan. Ang mga makabayang kahilingang ito ay binigyang-linaw at ipinalaganap ng
yumaong Claro M. Recto. Marubdob na isinulong ang mga kahilingang kilalanin ang kapangyarihan ng
Pilipinas sa mga base-militar ng Estados Unidos sa ating bansa. Iginiit ang pagtutuwid ng mga tiwaling
ugnayang pangkabuhayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Minsa’y nahamig ang suporta ng mga
mangangalakal na Pilipino sa patakarang Pilipino Muna, at maraming iskolar at ekonomista ang
nagmungkahing gawing kagyat na kahilingan ng bansa ang paglaya ng ating ekonomya. Nakita sa
larangan ng sining ang mga palatandaan ng bagong pagpapahalaga sa ating kultura. Anubaga’t niririndi
ng sanlaksang makabayang pagkilos ang iba’t ibang larangan ng gawain. Ngunit wala pa tayong naririnig
na organisadong pagkilos ng mga pinuno ng pamantasan para maging makabayan ang ating edukasyon.

Bagaman marami sa ating mga lider sa edukasyon ang abala sa pagtatalakay at pagtatalo tungkol
sa mas mabuting paraan at mga kasangkapan ng mahusay na pagtuturo, wala ni isa man sa kanila ang
nanguna sa pagtataguyod ng tunay na makabayang edukasyon. Totoong may ilang dalubhasa ang
sumulat na ng mga akda tungkol sa iba’t ibang aspeto ng nasyonalismo sa edukasyon. Subalit wala pa
ring nagagawang isang buong programang pang-edukasyon na maihahambing sa mga programa para sa
pagpapalaya ng pulitika at ekonomya ng bansa. Ito’y isang kalagayang lubhang nakalulungkot. Sapagkat
nangangahulugan ito na sa simula pa lamang ay lumpo na kaagad ang kilusang makabayan dahil ang
mamamayan ay walang muwang sa mga saligang suliranin ng bayan at walang pakialam sa kapakanan ng
ating bansa.

Mga Bagong Pag-unawa


Ang pananaw sa ugnayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos ng ilan nating lider pampulitika at
pangekonomya ay nagkaroon ng pagbabago bunga ng muling pagsusuri sa ugnayan ng dalawang bansa
sapul noong pagpalo ng ika-20 siglo. Ang kanilang pagkilos na naging isang anyo ng nasyonalismong
pangkabuhayan at pampulitika ay isang pagtatangkang baguhin ang mga kamaliang nagawa ng mga lider
na nauna sa kanila, gayundin upang tapusin ang pagkilos na pinasimulan noong 1896 ng ating mga
rebolusyonaryong lider. Subalit patuloy pa ring binabakas ng nakararami sa ating mga lider sa edukasyon
ang kanilang ugat sa mga sundalong Amerikanong naging unang mga guro at bahagi ng hukbong sumakop
sa ating bayan. Waring hindi nila alam na ang namanang sistemang pangedukasyon at pilosopiya sa likod
nito ay angkop lamang sa panahon ng kolonyalismong Amerikano. Ang sistemang pang-edukasyong
pinairal ng mga Amerikano ay kinailangang umakma at sadyang iniakma sa pangangailangang pampulitika
at pang-ekonomya ng kolonyalismong Amerikano.

1
The Miseducation of the Filipino—Unang nalathala sa Weekly Graphic, Hunyo 8, 1966.

10
Ang Pagbihag sa Kaisipan
Ang pinakamabisang paraan ng paglupig sa isang bansa ay ang pagbihag sa kaisipan nito. Ang
tagumpay militar ay hindi nangangahulugan ng paggapi sa bansa. Hindi masiseguro ng sinumang
konkistador ang pananaig nito sa sinakop na bansa hanggang nananatiling nag-aalab ang diwang
mapanghimagsik ng mga mamamayan. Mahusay itong pinamalas nang sakupin ng mga Hapones ang
Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi nasindak ang mamamayang Pilipino sa malagim
na paghahari ng rehimeng Hapones. Ang mga malupit nitong pamamalakad na lalong tumindi dahil sa
matatag na paglaban ng mga Pilipino ay nagtulak lamang sa mga Pilipino na kasuklaman ang mga Hapon.
Gayunman, nakita ng mga propagandistang Hapones at ng kanilang mga eksperto sa digmaang sikolohikal
ang kahalagahang makuha ang kaisipan ng tao. Kung nagtagal pa sa Pilipinas ang mga Hapones, ang
mga batang kanilang pinag-aaral ay malamang na naging matibay na haligi ng kanilang planong ipailalim
ang buong Silangang Asya sa kanilang kapangyarihan. Ang isip ng mga batang ito’y maaaring mahubog
na sunud-sunuran sa mga patakaran ng imperyalistang Hapones.

Ang pagkahubog ng kaisipan ang pinakamabisang paraan ng pananakop. Kaya, ang edukasyon
ay nagsilbing sandata sa mga digmaan para sa pagsakop ng mga bansa. Ang hindi maitatatwang
katotohanang ito ay batid ng pinunong Amerikano sa Pilipinas noong panahon ng digmaang
PilipinoAmerikano. Sang-ayon sa Sensus noong 1903:

Iginiit at itinaguyod ni Heneral Otis ang muling pagbubukas ng mga paaralan at siya mismo
ang pumili at nagpabili ng mga aklat-pampaaralan. Natalagang superintendent ng mga
paaralan ang mga opisyal na Amerikanong karamihan ay paring militar at maraming
karaniwang sundalo ng hukbong sandatahan ang naging guro.

Ang mga opisyal ng hukbong Amerikano ay naatasang gumanap ng isang espesyal na tungkulin.
Kinailangan nilang gumamit ng lahat ng paraan upang payapain ang kalooban ng mga taong ang
inaasahang paglaya ay binigo ng pagpasok ng bagong mananakop.

Ang pangunahing dahilan ng malawakang paglulunsad ng Amerikanong sistema ng paaralang


publiko sa Pilipinas ay ang paniniwala ng mga pinunong militar na walang ibang hakbang ang gayon
kadaling makapagpapalaganap ng kapayapaan sa buong kapuluan gaya ng edukasyon. Sa
pagmumungkahi ng malaking pondo para sa edukasyon ay sinabi ni Heneral Arthur MacArthur:

Ang iminumungkahing pondong ito ay bahagi ng operasyong militar na tinatayang


magpapakalma sa mamamayan nang sa gayon ay matamo at mapabilis ang
panunumbalik ng katahimikan sa buong kapuluan.

Ang mga Ugat ng Edukasyong Kolonyal

Samakatuwid, sa simula pa lamang ay kasangkapan na ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas


upang lupigin ang mamamayang ipinagtatanggol ang bagong kamit na kalayaan laban sa mananakop na
nagpapanggap na kapanalig. Ang edukasyon ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyalismong Amerikano ay
isang kasangkapan ng patakarang kolonyal. Kinailangang turuan ang mga Pilipino na maging sunud-
sunuran sa patakarang ito. Kailangang hubugin ang mga murang isipan ayon sa mga kaisipang Amerikano.
Unti-unting inalis ang mga likas na mithiin ng mga Pilipino upang mabura ang lahat ng palatandaan ng
pagtutol. Ginamit ang edukasyon para maakit ang mamamayan sa mga bagong panginoon, kasabay nito’y
ang pagpapalabnaw sa kanilang diwang makabayan na katatapos pa lamang magtagumpay laban sa
dayuhang kapangyarihan. Ang pagpapakilala ng Amerikanong sistema ng edukasyon ay isang pailalim na
hakbang upang lupigin ang matagumpay na nasyonalismo. Gaya ng sinabi ni Ginoong Charles Burke Elliot
sa kanyang librong The Philippines:

11
Para sa maraming Amerikano, waring kakatuwa ang imungkahi ang paggamit ng alinmang
wika maliban sa Ingles sa mga paaralang wumawagayway ang kanilang bandila. Ngunit
sa paaralan ng India at sa iba pang bansang nasa ilalim ng pagkakandili ng Kalakhang
Britanya at sa lahat halos ng kolonyang bansa ay pinanatili ang paggamit ng wikang
katutubo sa paaralang elementarya. Dahil dito’y napulaan ang Estados Unidos na sapilitan
nitong ipinagagamit ang kanyang wika sa mamamayang walang kakayahang tumutol.

Siyempre, ang gayong sistema ng edukasyon na mga Amerikano ang nagplano ay


magtatagumpay lamang sa ilalim ng pangangasiwa ng mga gurong Amerikano yayamang
ang mga gurong Pilipinong sinanay sa mga pamamaraan ng Kastila ay hindi maalam ng
wikang Ingles.

Madaling isinaayos sa Estados Unidos ang pagpapatala ng mga gurong sundalo. Sa


simula ay kompa-kompanya ang pagpapatala ng mga guro, ngunit nang lumaon ay bata-
batalyon na. Ang barkong Thomas ay iniakma para pagkargahan sa kanila at noong
Hulyo, 1901 ay naglayag ito mula San Francisco na may lulang anim na raang guro—ang
ikalawang hukbong panalakay—na talagang ang pinakapambihirang kargamentong dinala
sa isang kolonyang bansa sa Silangan.

Ang Amerikanong Bise-Gobernador


Hindi kailanman minaliit ng mga Amerikano ang kahalagahan ng edukasyon bilang isang
kasangkapan ng pananakop. Malinaw itong makikita sa mga pagtatadhana ng Jones Act na nagkaloob ng
mas malawak na pangangasiwa ng mga Pilipino sa gobyerno (autonomy). Pero, kahit isinaPilipino ang
mga paglilingkod ng gobyerno sa madla, bagaman inihahanda ang mga Pilipino para sa pangangasiwa nila
sa kanilang gobyerno, hindi kailanman ipinagkatiwala ang kagawaran ng edukasyon sa kahit sinong
Pilipino. Ang bagay na ito’y tiniyak ng Jones Act na nagtatadhana na:

Ang pangulo ng Estados Unidos, alinsunod sa payo at pagsang-ayon ng Senado, ay


hihirang ng isang bise-gobernador ng Kapuluan ng Pilipinas na magtataglay ng lahat ng
kapangyarihan ng Gobernador-Heneral sakaling maging bakante ang gayong puwesto,
pansamantalang matanggal, magbitiw o maimbalido, o sakaling pansamantalang lumiban
ang Gobernador-Heneral; at ang naturang bise-gobernador ang siyang magiging
tagapangulo ng kagawarang tagapagpaganap na kilala sa taguring Kagawaran ng
Pagtuturong Pangmadla, na kabibilangan ng kawanihan ng edukasyon at kawanihang
pangkalusugan, at maaari siyang bigyan ng GobernadorHeneral ng iba pang gawaing
pampangasiwaan na gusto nitong ipagkaloob sa kanya.

Anupa’t hanggang noong 1935 ay Amerikano ang nangasiwa sa kagawarang ito. At nang
sumakamay ito ng Pilipino sa panahon ng Commonwealth ay nalikha na ang isang bagong henerasyon ng
mga “Pilipinong-Amerikano.” Hindi na kailangan ang mga tagamasid na Amerikano sa larangang ito
sapagkat nahubog na ang isang bihag na henerasyon na nag-iisip at kumikilos na mandi’y mga
Amerikanong kayumanggi ang balat.

Pero hindi naman ito nangangahulugan na walang saysay ang lahat ng turo ng mga Amerikano.
Kahit paano’y natuto tayong bumasa at sumulat sa Ingles. Nagkaroon tayo ng mga lalake at babaing
marunong bumasa at sumulat. Natuto tayong makipagtalastasan sa ibang bansa, lalo na sa bansang
Estados Unidos. Ang isang edukasyong pangmasa gaya ng gustong pairalin ng Amerikano ay talagang
mabuti kung hindi lang sana nila ginamit ang kanilang programang pang-edukasyon na pangunahing
kasangkapan ng kanilang patakarang kolonyal. Sa kasamaang palad, ang tagumpay ng edukasyon bilang
kasangkapan ng kolonyalismo ay naging ganap at nadarama ang epekto nito sa habang panahon. Ibinigay

12
natin ang ating kaluluwa kapalit ng kaunting kaalaman sa Ingles. Ang mga kuwento nina George
Washington at Abraham Lincoln ay nakapagpalimot sa atin ng ating sariling kabansaan. Dahil sa ating
Amerikanong pagtingin sa ating kasaysayan ay naging tulisan ang ating mga bayani sa ating pagtingin, at
nalisya ang ating paningin sa hinaharap. Bale-wala ang pagsuko ng mga Katipunero kung ihahambing sa
ganap na pagsukong ito na nangahulugan ng pagkagapi ng ating kahulihulihang depensa. Ganito
inilarawan ni Dr. Chester Hunt ang pagsukong ito:

Ang programang gawing Kanluranin ang kulturang Pilipino kasabay ng pagpapabilis ng


paglilipat sa mga katutubo ng pangangasiwa ng kanilang gobyerno ay nagbunga ng
pagtanggap ng masa sa kulturang Amerikano na siyang mithiin ng lipunang Pilipino at hindi
maiisawang ibunga nito na maging kapitapitagan ang bawat Amerikano sa tingin ng mga
Pilipino.

Sa madaling sabi, ito ang mabubuting bunga ng maagang sistemang pang-edukasyon sapagkat sa loob
ng balangkas ng kolonyalismong Amerikano, kailanman magsalungat ang mga layunin at interes ng
Amerikano at Pilipino, nagiging gabay ng mga Pilipino ang mga paaralan sa pagkilos at pag-iisip na
makapagsusulong sa interes ng Amerikano.

Ang mga Layunin ng Edukasyong Amerikano


Ang sistemang pang-edukasyon ay hindi itinatag ng mga Amerikano para sagipin sa
kamangmangan ang mga Pilipino. Iniakma ito sa mga masaklaw na layunin ng kanilang pagsakop sa
bansa gaya ng mga layuning pangkabuhayan at pampulitika. Ito’y para sanayin ang mga Pilipino na maging
mamamayan ng isang bansang sakop ng Estados Unidos. Lumitaw ang tunay na layunin ng mga
mananakop na Amerikano sa Benevolent Assimilation Proclamation ni Pangulong McKinley na ipinalabas
niya noong Disyembre 21, 1891, noong ang buong bansa, bukod tangi lamang ang Maynila, ay kontrolado
na ng mga puwersang Pilipino. Sa kanyang librong The American Occupation of the Philippines ay tama
ang sinabi ni Judge Blount:

Nakikita ng mga Pilipino na talagang determinado ang Estados Unidos na “iligtas sila sa
mga panganib ng maagang pagsasarili,” at kung kailangang gumamit ito ng dahas para
maisakatuparan ang banal na layuning ito ay handa itong gumamit ng dahas.

Sa kabila ng pagpapahayag ng mga opisyal na Amerikano na sinakop nila ang Pilipinas dahil sa
mga dakilang layuning ipagtanggol at gabayan ito, nagdudumilat ang katotohanang ang sambayanang
Pilipino ay isang bansang sakop nila na ang kalakarang pambansa ay kailangan nilang iakma sa kalakaran
ng kanilang pananakop. Ang sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas ay hinubog ng mahigpit na
pangangailangang panatilihin at palawakin ang kontrol ng Estados Unidos sa bansa. Para matamo ito ay
sinupil ang lahat ng kilusang naglalayon ng kalayaan. Pinalabas na subersibo ang ganitong mga kilusan.
Dahil sa pagkakaroon ng edukasyon ng masaklaw na papel sa pagsakop ng isang bansa, hindi nito
naiwasang maging kasangkapan sa paglikha ng mga pag-uugaling angkop sa mga layunin ng
kolonyalismong Amerikano.

Isang Bayang Inihiwalay sa Kanyang Kahapon


Ang una at marahil pinakatusong hakbang ng planong gamitin ang edukasyon bilang isang
kasangkapan at patakarang kolonyal ay ang pasiyang gamitin ang Ingles bilang wikang panturo. Ang
wikang Ingles ay nagsilbing isang makapal na pader na naghiwalay sa mga Pilipino sa kanilang nakaraan
at nang lumaon ay naghiwalay sa ilustrado at sa masa. Ang mga Pilipino ay dinala ng wikang Ingles sa
isang naiiba at bagong daigdig. Sa pamamagitan ng librong Amerikano, hindi lamang natuto ng bagong
wika ang mga Pilipino. Natutuhan din nila ang isang bagong sistema ng pamumuhay. Isang sistema ng

13
pamumuhayna ibang-iba sa kanilang nakamihasaan ngunit isa lamang katawa-tawang bersiyon ng
kanilang pinagtularan. Ito ang simula ng kanilang pagkatuto. Kasabay nito, naging simula rin ito ng
kanilang lisyang edukasyon. Sapagkat ang kanilang pagkatuto’y hindi na bilang mga Pilipino kundi bilang
mamamayan ng isang bansang sakop ng dayuhang kapangyarihan. Kinailangan alisin sa kanila ang
kanilang mga makabayang mithiin sapagkat dapat silang maging mabuting mamamayan ng isang
kolonyang bayan. Ang isang ulirang kolonyal ay tunay na kopya ng kanyang kolonyalista. Siya ay masugid
na tagasunod ng bagong kalakaran. Kailangan niyang kalimutan ang kanyang nakaraan at itakwil ang mga
makabayang adhikain upang mabuhay nang matiwasay kundi man maginhawa sa ilalim ng kaayusang
kolonyal. Natutuhan ng bagong henerasyon ng mga Pilipino ang buhay ng mga bayaning Amerikano, ang
pag-awit ng mga awiting Amerikano at naging pangitain nila ang pag-ulan ng yelo at si Santa Claus. Ang
mga bayani ng naghihimagsik laban sa kolonyalismong Amerikano tulad ni Macario Sakay ay itinuring
nilang tulisan at salarin. Itinuro nga ang buhay ng mga bayaning Pilipino pero hindi naman itinuro ang
kanilang mga makabayang akda. Ang Espanya’y pinalabas na kontrabida. Ang Estados Unidos,
tagapagligtas. Hanggang ngayon, pinagtatakpan ng ating mga aklat pangkasaysayan ang mga
kahayupang ginawa sa atin ng mananalakay na hukbong Amerikano gaya ng water cure at reconcentration
camps. Talagang hindi maaaring balakin ang isang tunay na edukasyon para sa mga Pilipino sa loob ng
bagong kaayusan. Sapagkat ang pagsangguni sa mga katutubong kaalaman at paghalukay sa ating
kaugalian ay mauuwi sa pagkahubog ng isang pambansang pagkakakilanlan na salungat ang mga interes
sa interes ng nananaig na kapangyarihan.

Ito ang dahilan kung kaya ang nakaraan ng mga Pilipino na halos ganap nang natabunan ng tatlong daang
taong pagmamalupit ng mga Kastila ay hindi napanariwa sa ilalim ng kolonyalismong Amerikano.
Kabaligtaran nito, itinuturing natin ang kasaysayan ng ating mga ninuno na para bang mga banyaga silang
napadpad sa ating dalampasigan na wala halos kaugnayan sa atin. Binabasa natin ang kasaysayan ng
ating mga ninuno na para tayong mga turista sa isang dayuhang lupa.

Mga Pangkabuhayang Pananaw


Ang kontrol ng sistemang pangkabuhayan ng sakop na bansa ang batayan ng kapangyarihan ng
mananakop. Malupit ang mga paraang ginagamit ng ibang imperyalistang bansa sa pagsasagawa nito di
tulad ng Estados Unidos na pino at namumukod-tangi ang pamamaraan. Halimbawa, pinairal nito ang
malayang kalakalan bilang patunay ng kabutihang-loob at pagkakawanggawa ng mga Amerikano.
Sumasaliw naman ang suporta ng sistemang pang-edukasyon sa pananaw na ito at napapalambot ang
mga epekto ng unti-unting pagsakal sa mga Pilipino. Hindi kailanman inamin ng mga Amerikano sa mga
Pilipino ang kanilang mga motibo sa pagtungo sa Pilipinas. Sa katunayan, sapul pa ng panahon ng mga
Thomasites ay inilalarawan na ng ating mga aklat-pangkasaysayan ang bansang Amerika bilang isang
mapagkawanggawang bansa na pumunta dito para lamang sagipin tayo sa Espanya at bahaginan ng
biyaya ng kalayaan at demokrasya. Ang halos kawalan natin ngayon ng pag-unawa sa mga motibong
pangkabuhayan ng Estados Unidos at sa pananatili ng mga interes nito sa ating bayan ang pinakamalinaw
na katibayan ng tagumpay ng kolonyal na edukasyong ipinagkaloob sa atin. Anuanong kaisipang
pangkabuhayan ang isinaksak sa ating isipan ng edukasyong Amerikano?

Mahalagang makita na nang magtangka ang mga paaralan na magtanim sa isip ng mga mag-aaral
ng mga bagay na Pilipino, ang larawan ng Pilipinas na kanilang ipinakita ay isang larawan ng buhay sa
kabukiran. Isang Pilipinas na kasing ganda ng kathang isip na larawang iginuhit ni Amorsolo na may isang
nakangiting magsasakang matipuno ang katawan at isang magandang dalagang nayon na lalong nagiging
kaakit-akit sa suot niyang patadyong. Kasama sa larawan ang isang kalabaw at magandang bahay kubo.
Ito ang larawan ng Pilipino na itinatanim ng ating edukasyon sa isip ng ating kabataan na pumipinsala sa
ating bayan sa dalawang paraan.

14
Una, pinatitibay nito ang paniniwalang ang Pilipinas ay para talaga sa agrikultura na hindi natin
mababago at hindi dapat baguhin. (Makikita natin ang mahigpit na pagkapit sa paniniwalang ito ng ating
mga lola at lolo pati ng mga nanay at tatay ng ilan sa atin.) nagbubunga ang paniniwalang ito ng
pagwawalang-bahala sa industriyalisasyon. Hindi kasi ito itinuturo sa paaralan. Higit pa rito, nagbubunga
ito ng takot na baka hindi mabuti sa atin ang industriyalisasyon, na baka hindi angkop ang katangian ng
ating bansa sa isang ekonomiyang industriyal, at baka magdulot lamang ito ng mga katiwaliang panlipunan
na sisira sa katiwasayan ng kabukiran.

Pangalawa, hindi ipinapakita ng ulirang larawang ito ng buhay sa kabukiran ang kahirapan, ang
mga karamdaman, ang kahungkagan ng kultura, ang nakababagot na buhay nayon, ang mapamahiin at
mangmang na buhay sa mga atrasadong pamayanan. Para sa mga edukado, ang kabukiran ay isang
lugar na maganda lamang bakasyunan. Lumaki sila sa malalaking kabisera at lunsod at wala silang interes
na paunlarin ang kabukiran dahil sila’y walang muwang sa mga suliraning pangkabuhayan nito. Para sa
kanila’y sapat nang pag-unlad ng nayon ang pagkakaroon ng mga poso artisyano at ilang maliit na
negosyong gawang-kamay. Ang mga kasalukuyang pagsisikap na mapaunlad ang mga kalagayan sa
buhay ng mga mamamayan sa lalawigan ay nakatuon sa maliliit na problema at hindi sinasaklaw ng mga
pagpupunyaging ito ang mahigpit na pangangailangang magkaroon ng reporma sa lupa.

Sa pamamagitan ng edukasyong Amerikano, ang mga Pilipino ay hindi lamang natuto ng bagong
wika; hindi lamang nila nakalimutan ang sarili nilang wika; sila’y naging mga bagong klaseng Amerikano.
Unti-unting lumukob sa kanila ang buhay-Amerikano. Ang ating pagpili ng mga bagay na binibili ay hinubog
ng mga kalakal na gawa ng Amerikano na malayang pumapasok sa ating bayan nang walang buwis.
Dinakila ang ekonomiyang agrikultural sapagkat umaayon ito sa kolonyal na ekonomiyang kanilang
pinatatatag. Ang mga bansang Kanluranin ay inilalarawan sa ating mga aklat bilang mga bansang
pinaninirahan ng mga taong higit ang kakayahan kaysa atin sapagkat nakagagawa sila ng mga bagay na
hindi man lamang sumagi sa ating isipan na kaya nating gawin. Kontento na tayo na ang mga hilaw na
sangkap na ating iniluluwas ay naipambabayad natin sa mga produktong ating inaangkat. Ngayon ay hirati
na tayo sa mga produktong ito. At ang pagkahirati nating ito ay hindi basta mababago. Nakapipinsala sa
ating ekonomya ang pagkahirati natin sa mga produktong Amerikano. Hindi natin naisip kailanman na
puwede rin tayong maging industriyalisado sapagkat itinuro sa atin sa paaralan na pang-agrikultural lamang
ang ating bansa dahil ganito ang lupalop ng mundo na ating kinalalagyan, at dahil ganito lamang ang likas
na kakayahan ng ating mamamayan. Tulad din tayo ng mga kapwa natin Asyano sa paniniwalang hindi
natin kayang patakbuhin ang isang industriyalisadong ekonomya. Ito ang dahilan kaya noong bago
magkadigma ay hinahamak natin ang mga produktong Hapones kahit na kasing husay namang talaga ng
mga produkto ng Kanluran ang mga produktong ginagawa nito. Hindi tayo makapaniwala na ang isang
bansang Asyano gaya ng Bansang Hapon ay magiging kasing-unlad ng Estados Unidos, Alemanya at
Inglatera. Pero mga eroplano, barko at mga sandatang gawa ng bansang Hapon ang nagpatalsik sa mga
Amerikano at Ingles sa kapangyarihan noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ang
paniniwalang naglalayo sa atin sa mga kalapit na bansang Asyano na napagtanto na ngayon ang
pangangailangang durugin ang kolonyalismo kung gustong mabuhay ng malaya, masagana at maligaya.

Pagtatanim ng mga Amerikanong Institusyong Pampulitika


Ang edukasyong Amerikano ay naghasik ng mga Amerikanong kaisipang pampulitika at nagbunga
ng pagtayo ng mga Amerikanong institusyong pampulitika sa Pilipinas. Sa huling talumpati ni Claro M.
Recto sa Pamantasan ng Pilipinas ay ipinaliwanag niya ang mga dahilan nito. Tungkol sa mga partidong
pampulitika ay sinabi niya:

Nakalulungkot ang pangyayaring ang ating mga pangunahing partidong pampulitika ay


isinilang at yumabong bago natin nakamtan ang kalayaang pampulitika. Dahil dito’y

15
naging katawa-tawang kopya ang mga partidong pampulitika natin na taglay ang
matingkad na katangian ng banyagang modelo tulad ng paggamit ng impluwensiya,
pangungurakot, palakasan, pagtanaw sa mga mahalagang usaping pambansa batay sa
interes ng kinabibilangang partido. Sinabi kong katawa-tawa dahil hindi nila taglay ang
tunay na simulaing mahalaga sa pagtatamo ng tunay na panghabang panahong kalayaan.
Sa buong panahon ng kolonyalismong Amerikano, lalo at lalo silang naging kasangkapan
ng kolonyalismo sa halip maging tagapagpaliwanag ng mga kagustuhan at mithiin ng
mamamayan. Dahil sa kanilang pagwawalang-bahala, nagawa ng kolonyalistang
Amerikano na mapatatag ang rehimeng kolonyal at maisulong ang mga pansariling
hangarin at interes. Ang tanging naging kapalit nito ay ang konsuwelo-debobong pagdinig
ng mga makabagbag damdaming talumpati nila na nagsusumamo ng kalayaan at
pagbibigay sa kanila ng puwesto de gobyerno.

Hindi naging madali sa mga Amerikano ang pagtatanim ng kanilang mga institusyong pampulitika
sa bansa. Sapagkat samantalang gusto nila itong gawin ay gusto naman nilang mapanatili ang
pagkakasakal sa mga Pilipino. Hindi nakapagtataka kung ang mga pinuno ng gobyernong Amerikano ay
walang ibang pakahulugan sa demokrasya maliban sa kanilang sistema ng demokrasya. Dahil dito, iginiit
nila sa mga Pilipino ang mga institusyong pampulitikang nakabuti sa mamamayang Amerikano. Ang mga
katutubong institusyon na sana’y sinibulan ng mga katutubong demokratikong kaisipan at balangkas
panlipunan ay nasupil. Kaya naman nasusuklam tuloy tayo sa mga bansang nagpupunyaging mapaunlad
ang sarili nilang mga institusyong pampulitika ayon sa mga pangangailangan ng kanilang mamamayan na
hindi sumusunod sa mga pamamaraang pampulitika ng Kanluran. Pinapaniwala tayo na may ilang
pandaigdigang doktrinang pampulitika na dapat pairalin sa lahat ng bansa. Isang halimbawa nito ang
paniniwala sa kalayaan ng pamamahayag. Maraming naniniwala na hindi maaaring mapasa-Pilipino
lamang ang pamamahayag sapagkat ipagkakait natin sa mga dayuhan ang kalayaan sa pamamahayag.
Maaaring ito ay mabuti sa mga malakas na bansang walang panganib na masakop ng mga dayuhan, tulad
ng Estados Unidos, pero, mapanganib ito sa mga bansang kalalaya pa lamang, tulad ng Pilipinas, kung
saan malakas pa ang kapangyarihan ng dayuhang mananakop.

Pangangailangan ng Muling Pagsusuri


Ang mga bagong paghiling ng kalayaang pangkabuhayan at ang paggiit ng karapatan nating
magpasiya sa sarili ay nagtutulak sa ating mga pinuno sa edukasyon na muling suriin ang kanilang
pilosopiya, ang kanilang kaisipan at ang kanilang pangkalahatang oryentasyon sa paghubog ng mga
Pilipinong magtatatag, magtataguyod at mangangalaga ng makabayang layunin. Ang patuloy na
pagpapanatili ng sistema ng edukasyong kinasangkapan ng kolonyalista, ang pagkakimi sa tradisyunal na
oposisyon ay magbubunga lamang sa patuloy na pag-iral ng sistemang ito ng edukasyong hindi angkop sa
nagaganap na malalaking pagbabagong pangkabuhayan at pampulitika ng bansa. Maitatanong natin
hinggil sa usaping ito kung ano ang mga tungkulin ng isang makabayang edukasyong Pilipino.

Ang edukasyon ay hindi dapat tingnan na isa lamang pangangalap ng impormasyon kundi bilang
paraan ng paghubog sa tao para mahusay niyang magampanan ang papel niya sa lipunan at maging
kapakipakinabang sa lipunang yaon na kanyang kinabibilangan. Samakatuwid, ang edukasyon ay hindi
maaaring ihiwalay sa lipunan. At hindi ito maaaring ihiwalay sa tiyak na kalagayan ng isang bansa sa isang
tiyak na panahon. Kalokohan ang palagay na dapat maging pare-pareho ang tunguhin ng edukasyon sa
lahat ng panig ng daigdig na nangangahulugang kung ano ang mga katangian ng isang Amerikanong
edukado ay gayundin dapat ang maging katangian ng Pilipinong nakatapos ng pagaaral. Puwede lamang
itong mangyari kung ang antas ng pag-unlad ng ekonomya, pulitika at kultura ng dalawang bansa ay pareho
at kung magkapareho ang kanilang mga mithiing pampulitika, pangkultura at pang-ekonomya.

Ganito tuloy ang nangyayari sa ating bansa. Hindi lamang natin ginagaya ang Kanluraning
edukasyon kundi ginawa nating huwaran ang edukasyon ng Kanluraning bansang ito na may

16
pinakamaunlad na teknolohiya. Napakalaki ng agwat ng lipunang Amerikano at lipunang Pilipino. Sa
katunayan, ganap na magkaiba ang kanilang mga adhikain.

Pagtataglay ng Kanluraning Pananaw


Ang Estados Unidos ay isang bansang ang ekonomya ay nakabatay sa industriya. Ito ay isang
bansang ganap nang maunlad. Kolonyal ang ekonomya ng ating bansa. Sa madaling sabi, atrasado ang
ating ekonomya at hindi pa maunlad. Ang pulitika ng Estados Unidos ay hindi lamang sa sariling bansa
nito nakapangyayari kundi nakapangibabaw sa maraming bansa sa buong daigdig. Kamakailan lamang
nakaalpas sa kolonyalismo ang Pilipinas at kailangan pa nitong patuloy na makibaka para sa ganap na
kalayaang pampulitika at pang-ekonomya.

May masigla at matingkad na kultura ang Estados Unidos. Ito’y isang bansa na ang mga
institusyong pangkultura ay malayang umunlad nang walang balakid mula sa ibang bansa. At ang bigkis
nito sa kanyang katutubong kultura ay malinaw at ipinagmamalaki sapagkat walang dayuhang lakas na
sumapaw dito na sumira at nagpalabo sa kanilang nakaraan at naglayo sa mamamayan sa kanilang
minanang kalinangan.

Anu-ano ang mga katangian ng kasalukuyang edukasyong Amerikano sang-ayon sa kalagayang


pangkabuhayan, pampulitika at pangkultura ng bansang ito. Anu-ano naman ang dapat maging mga
katangian ng ating edukasyon sang-ayon sa mga kalagayang pangkabuhayan, pampulitika at pangkultura
ng ating bansa? Kapag nakita natin ang pagkakaiba ng dalawang bansang ito makikita natin kung gaano
kasalungat sa ating mga interes at sa pag-unlad ng ating bayan ang pagtataglay natin ng ilan sa mga
saligang katangian at pananaw ng edukasyong Amerikano.

Dahil sa pagiging pinakamakapangyarihang bansa at dahil sa pagkakaroon ng mga


pangkabuhayang interes sa maraming panig ng daigdig ay pandaigdigan ang oryentasyon ng Estados
Unidos na nakabatay sa isang matatag na makabansang pananaw na malaon nang kinaugalian. Hindi
kailangan ng edukasyon ng Estados Unidos na paunlarin ang pangmakabayan ng kabataang Amerikano.
Ang Estados Unidos ay panginoon sa kanyang bansa sa lahat ng larangan: pangkabuhayan, pampulitika,
at pangkultura. Dahil dito, natural lang na hindi bigyang diin ng edukasyong Amerikano ang uri ng
nasyonalismong kailangan nating mga Pilipino. Sa halip, ang internasyonalismo ang higit nitong
pinagtuunan ng pansin. Walang masama sa internasyonalismo. Ito ay isang wasto at dakilang kaisipan.
Subali’t kapag itinanim ang kaisipang ito sa mga mamamayang walang damdaming makabayan o
nakalimutan na ang sariling kabansaan, ito’y magbubunga ng hindi masusukat na mga pinsala. Ang
pagbibigay-diin sa pandaigdigang pagkakapatiran ng tao, sa pagiging magkaibigan ng mga bansa, na
walang matatag na pundasyon ng nasyonalismo na nagbibigay sa ating mamamayan ng pagmamalaki sa
ating sariling mga produkto at pangangalaga sa ating mga likas na kayamanan, ay hindi maganda ang mga
idinulot sa atin. Isang matingkad na halimbawa ang ating pambansang katangiang tayo’y bukas-palad sa
mga dayuhan na nagagamit nilang kasangkapan upang tayo’y linlangin at pagsamantalahan.

Mga Pilipinong Maka-dayuhan


Ito ang dahilan kaya hinayaan nating makontrol ng dayuhan ang ating ekonomya. Ipinagmamalaki
pa natin ang mga dayuhang nagkamal ng kayamanan sa ating bansa at ipinagkakapuri ang kanilang
tagumpay. Ikinalulugod nating marinig sa mga dayuhan na ang ating bayan ay isang paraiso ngunit hindi
man lamang sumagi sa ating isip na ito’y paraiso para lamang sa kanila at hindi para sa nakararami sa
ating mamamayan. Nang pamunuan ng ilan nating kababayang may malayang pag-iisip ang mga pagkilos
para sa nasyonalismo, marami ba sa mga kababayan natin ang sumuporta sa mga pagkilos na ito? Hindi.
Walang pakialam ang marami sapagkat wala silang damdaming makabayang mag-uudyok sa kanilang
tulungan at ipagtanggol ang ating mga kababayan. Masakit pa nito, may ilang Pilipinong mas inalala ang
dayuhan na baka masaling ang damdamin at mag-isip na sila’y ating inaaglahi. Ngunit ang pinakamasakit
sa lahat ay ang pagtutol ng maraming Pilipino sa mga makabayang batas na sa isang banda ay dahil sa
pagiging kasangkapan nila ng mga dayuhang interes at sa kabilang banda, dahil sa kanilang maling

17
paniniwala na tayong mga Pilipino ay hindi uunlad nang walang tulong ng dayuhang puhunan at ng
dayuhang mangangalakal.

Ang ating bansa ay bukod-tangi sa lupalop na ito ng mundo na walang makabayang pananaw.
Ano ang pinagmulan ng nakakahiyang katangian nating ito? Isang hindi mapasusubaliang ugat nito ang
mga paaralan. Halos hindi itinuturo sa mga paaralan ang pagkamakabansa. Oo nga’t itinuturo ang
pagkamakabayan subali’t humahangga lamang ito sa makitid at mababaw na pagmamahal sa bayan tulad
ng paggalang sa watawat, pagpuri sa kagandahan ng kabukiran at iba pang mga walang saysay na
pagpapakita ng kabansaan.

Ang masaklaw na bunga ng pagkabigo ng edukasyon ng Pilipinas ay ang pagkakaroon natin ng


mamamayang larawan ng kawalang malay at nakasandig sa mga pakikitungo sa mga dayuhan, isang
mamamayang manhid sa pag-aalipusta ng ibang bansa, bukas-palad sa mga dayuhan at tumutulong pa
sa kanila sa pagdambong sa ating likas na kayamanan. Bakit hindi man lang nababahala ang karamihan
ng ating mamamayan sa pagkontrol ng dayuhan sa ating ekonomya? Karamihan ng sisi ay maibabagsak
natin sa kolonyal na edukasyon. Hindi sa atin itinuturo ng kolonyal na edukasyon ang wastong pakikitungo
sa ibang bansa lalo na sa Espanya at Estados Unidos. Ang binibigyang diin sa pag-aaral ng ating
kasaysayan ay ang mga nagawang tulong sa atin ng mga kolonyalista. Ang mga kalupitan at katiwaliang
nagawa ng mga Amerikano sa mga unang araw ng kanilang pananakop ay ikinubli ng paimbabaw na
kabaitan. Binigyang-diin ang mga magagandang pananalita ni McKinley sa halip na ang tunay na motibo
ng kolonyalismong Amerikano. Hanggang ngayon ay ipinalalaganap ang alamat ng pagkakaibigan at
natatanging pag-uugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos para maikubli ang mga di-makatarungang
ugnayan ng dalawang bansa. Sa pagkahubog sa ganitong klase ng edukasyon itinuring ng Pilipino na
isang biyaya ng maykapal ang pagiging kolonya ng ating bayan sa loob ng maraming daang taon. Kaya,
hindi na dapat ipagtaka na matapos nating makamit ang kalayaan ay nakalimutan itong ipagtanggol. Hindi
na dapat ipagtaka kung noong ituro ng ating mga lider tulad ni Claro M. Recto ang paraan ng ating paglaya
ay marami sa ating mamamayan ang nahirapang unawain ang mga makabayang alituntuning malalim na
nakatanim sa ibang bansang Asyano. Ang mga pasimuno ng edukasyong Amerikano ay talagang ganap
na nagtagumpay.

Ang Suliranin ng Wika


Ang pinakamalaking problemang rumirindi sa sistema ng edukasyon ng Pilipinas ay ang usapin ng
wika. Hanggang ngayon, patuloy ang mga eksperimento para matiyak kung higit na mahusay ang paggamit
ng wikang katutubo. Talagang masyado itong katawa-tawa dahil walang ibang wikang higit na gamay ng
isang tao maliban sa kanyang sariling wika. Sa alinmang malayang bansa, likas ang paggamit ng
katutubong wika sa edukasyon. Pero dito sa atin, masyadong malalim ang pagkagumon natin sa kolonyal
na edukasyon na hindi mapagkasunduan ang paggamit ng ating sariling wika na mas maraming Pilipino
ang tutol kaysa pabor na gamitin ito. Tulad ng pangkabuhayang pananaw na hindi mabubuhay ang mga
Pilipino kung wala ang Estados Unidos, gayundin ang pananaw sa edukasyon na hindi ito maaaring maging
tunay na edukasyon kung hindi ito nakabatay sa kahusayan sa paggamit ng Ingles.

Matagal nang nakikinikinita ni Rizal ang nakalulunos na bunga ng kolonyal na edukasyon at sa


pamamagitan ni Simon, sinabi niyang:

Hinihingi ninyo ang pantay na karapatang mapa-Kastila, ang inyong mga kaugalian, at
hindi ninyo nakikita na ang inyong ipinaninikluhod ay isang pagpapatiwakal, isang
pagdurog sa inyong kabansaan, ang pagpuksa sa inyong Inang Bayan, ang pagdakila sa
paniniil! Ano ang kahihinatnan ninyo sa araw ng bukas? Isang bansang walang
kakanyahan, isang bayang walang kalayaan—lahat ng taglay ninyo’y pawang hiram
lamang, pati na ang inyong mga kapintasan!...Anong paggagamitan ninyo sa wikang
Kastila, kayong iilan na nakapagsasalita nito? Maglalaho ang sarili ninyong pagkatao,

18
paaalipin kayo sa utak ng iba, at sa halip na palayain ang inyong sarili ay masasadlak kayo
sa ganap na pagkaalipin! Siyam sa bawat sampu sa inyo na nagkukunwaring mulat ay
mga taksil sa inyong bayan! Siya na nagsasalita sa wikang iyon ay malilimutan ang
kanyang sariling wika hanggang sa hindi na niya alam kung paano ito gagamitin sa
pagsulat at hindi na niya ito nauunawaan, at ilan na ang nakikita kong nagkukunwaring
hindi nila alam kahit isang kataga man lamang nito!

Talagang nakalulungkot na ang katutubong wika ay itinuturo hanggang sa ikalawang baytang


lamang. At hanggang ngayon ay hindi pa nalulutas ang usapin kung ito ay gagamitin sa mas mataas na
mga baytang ng pag-aaral. Marami na rin tayong eksperto sa edukasyon ang sumulat hinggil sa suliranin
ng wika. Ngunit parang nakikimi ang mga ekspertong ito na hayagang igiit ang pagsasaisang-tabi ng
dayuhang wika sa kabila ng mga ipinakikitang bentahe ng paggamit ng sariling wika. Malawak at malubha
na ngayon ang mga masamang epekto ng paggamit ng wikang Ingles. Napatunayang totoo rin sa wikang
Ingles ang sinabi ni Rizal tungkol sa wikang Kastila.

Hadlang sa Demokrasya
Napakakitid ng pagkakataong mag-aral sa panahon ng kolonyalismong Espanyol. Dahil dito,
kakaunti lamang sa mga Pilipino ang nakapag-aral. Ang mga nakapag-aral na ito ay tinaguriang ilustrado.
Sila ang bumubuo ng piling uri. Karamihan sa kanila ay galing sa uring nakaririwasa dahil ito lamang ang
uring may kakayahang itaguyod ang pag-aaral sa kolehiyo ng kanilang mga anak sa ibang bansa. Kaya,
ang edukasyon ay naging isang pribilehiyo. Nagkaroon ng malaking agwat ang ilustrado at ang masa.
Bagaman maraming ilustrado ang namuno sa kilusang propaganda, karamihan sa kanila’y mga repormista
na ang layunin ay magkaroon ng reporma ang kolonyal na pamamalakad ng Kastila. Sa isang banda ay
masasabing alipin sila ng edukasyong Kastila. Marami sa mga ilustradong ito ang mga unang sumuko at
nakipagsabwatan sa mga Amerikano na naging mga unang lider ng mga Pilipino sa maagang bahagi ng
kolonyalismong Amerikano. Sa paglaon, hinalilihan sila ng mga produkto ng edukasyong Amerikano.

Isa sa pinalalabas na dahilan ng paggigiit ng wikang Ingles bilang wikang panturo ay ang pagiging
wika ng demokrasya nito umano. Sa pamamagitan umano ng wikang ito ay matutuntunan ng mga Pilipino
ang kalakaran ng buhay-Amerikano na pareho ang pagtrato sa mahirap at mayaman at pantay ang
karapatan ng bawat tao. Sinasabi ng pilosopiyang ito na kusang malulusaw ang uring ilustrado sapagkat
sa paglaon ay mamumulat at makapag-aaral ang lahat ng Pilipino. Ang uring may-pribilehiwo ay
maglalaho. Ngunit kabaligtaran nito ang nangyari. Patuloy na umiral ang uring ilustrado. Kaya lang, mga
maka-Amerikanong ilustrado na sila ngayon. Subalit, tulad ng mga maka-Kastilang ilustrado, sila’y naging
matibay na tagapagtaguyod ng bagong kalakaran sa bansa.

Ngayon may mangilan-ilang sa wikang Ingles bihirang mag-isip, marami-rami ang medyo
nakakabasa at nakapagsasalita ng wikang ito at nakararaming masang hirap na hirap mangusap sa Ingles.
Pero lahat sila ay hirap mangusap sa sarili nilang wika sapagkat kung hindi man napabayaan ang
katutubong wika ay tuwirang hinadlangan ang pag-unlad nito.

Ang kalagayang ito ay nagbunga ng isang liderato at masang hindi magkaunawaan na ang mga
lider ay nangungusap sa malalawak at hindi mawawaang pananalita. Ito ay isang dahilan kung bakit
nananatiling hungkag ang lideratong pampulitika. Ito ang dahilan kung bakit hindi puspusang natatalakay
ang mga usaping pambansa. Ito ang dahilan kung bakit ang napipiling lider ay yaong mga batikang orador
na nanggagalaiti ang talumpati, pasuntok-suntok sa hangin o pahampas-hampas sa lamesa. Ang wikang
Ingles ay lumikha ng agwat sa pagitan ng mga nasa poder at ng masa. Naging simbolo ito ng mataas na
katayuang panlipunan at ang katutubong wika ay itinuring na mababang klaseng wika. Nagbunga ang
wikang Ingles sa pagkabahagdan ng lipunan sa dalawa; sa itaas ay ang mga nakapag-aral at sa ilalim ay
ang masa na umiindak sa kanilang kumpas. Isang malinaw na katibayan ng kahungkagan ng edukasyong
Ingles ang wikang panturo ay ang pangyayaring ang wikang katutubo ang gamit ng mga pulitika sa
pakikipag-usap sa masa. Dahil sa kamangmangan sa katutubong wika hirap magpaliwanag sa masa ang
mga pulitiko.

19
Dahil sa kakulangan ng masa ng pag-unawa sa wikang Ingles ay bahagya na nila itong
maunawaan. Nadadala sila sa mga magagandang salita ngunit hindi alam ang kahulugan ng mga iyon.
Ito ay isang hadlang sa demokrasya. Hindi man lamang sumasagi sa isip ng masa na tungkulin nilang
unawain ang mga suliraning pambansa sapagkat wala sa kanilang hinagap na kaya nilang unawain ang
mga suliraning kinakaharap ng bayan. Dahil sa problema ng wika, kontento na ang masa na ipaubaya sa
mga lider ang pangangasiwa sa lahat ng bagay. Ito ay isa sa mga ugat ng pagwawalang bahala,
rehiyonalismo at parokyalismo ng masa. Kaya, ang Ingles na tinitingnang wika ng demokrasya ay siya
mismong hadlang sa pag-unlad ng demokrasya sa ating bayan.

Noong 1924, ang kilalang iskolar na si Najib Saleeby ay sumulat tungkol sa wika ng edukasyon sa
Pilipinas. Ikinalungkot niya ang paggigiit ng paggamit ng Ingles bilang wikang panturo. Si Saleeby na
isang eksperto sa wikang Malayo-Polynesia ang nagsabing ang Tagalog, Bisaya, Ilokano at iba pang wika
sa Pilipinas ay kabilang sa isang pamilya ng wika. Aniya:

Ang relasyon ng Tagalog sa Bisaya o sa Sulu ay katulad o mas malapit ka kaysa relasyon
ng wikang Kastila sa wikang Italyano. Sa maigsing panahon ang isang Batangueño at ang
isang Bisaya na kapwa nakapag-aral ay magkakaintindihan agad.

Maiintindihan at makapagsasalita ng Tagalog ang isang Bisayang estudyante sa loob


lamang ng wala pang tatlong buwang paninirahan sa Maynila. Ang relasyon ng wikang
Tagalog at wikang Malay ay tulad halos ng relasyon ng wikang Kastila at wikang Pranses.

Ito ay sinabi ni Saleeby apatnapu’t dalawang taon na ang nakaraan noong hindi pa malaganap sa
bansa ang pelikula, pahayagan at programang pangradyo sa wikang Tagalog.

Dagdag pa ni Saleeby:

Kung ibabatay sa gamit, hindi angkop na wikang panturo sa Pilipinas ang Ingles man o
Kastila. Alinman sa mga wikang ito ay tila hindi pupuwedeng maging wika ng buong
kapuluan. Sa kabila ng tatlong daang taong paghahari at paghahasik ng edukasyong
Kastila ay hindi napigil ang paggamit ng katutubong wika. Noong 1898 ilang Pilipino
lamang ang nakapagsasalita ng Kastila at ang nakararami ay hindi maalam magsalita sa
wikang ito ni naiintindihan kaya ang wikang ito. Wala ring gaanong nagawa ang
dalawampu’t limang taong pagsisikhay ng edukasyong Amerikano. Bagaman mas marami
ngayon ang nakapagsasalita ng Ingles kaysa Kastila, mas marami pa rin ang nangungusap
sa katutubong wika. Kahit paano’y masasabing gayon ang sistema ng edukasyong Kastila
tulak ng mga kolonyal at pinansyal na pangangailangan nito, ngunit hindi madaling
maikakatwiran ang mga dahilang ito sa Amerikanong sistema ng edukasyon. Dapat
kusang ipinatanggap sa masa ang edukasyong ito, o kaya naman ay dapat ipinakita ng
mga tunay na pangyayari at magagandang resulta ang kabuluhan nito. Hanggang ngayon
ay hindi magkaroon ang masa ng pagkakataong magpahayag ng kanilang pasiya, kaya
dapat husgahan ang kasalukuyang sistema ng edukasyon batay sa mga katangian nito at
mga talagang nagawa nito…Ngunit isang usapin ang pagtuturo ng wikang Ingles sa
pamamagitan ng radyo at ang pagpapatupad nito bilang opisyal na wika. Lalo nang
naiibang usapin ang paggamit nito bilang batayan ng edukasyon at bilang tanging wikang
panturo. Ang usaping ito ay hindi ganap na mauunawaan nang walang malalim na pag-
unawa at karanasan sa kolonyal na edukasyon at palakad. Masyadong matayog at
ambisyoso ang patakarang ito. May isang bagay na gusto itong patunayan na kailanman
ay hindi pa nangyayari sa kasaysayan ng sangkatauhan. Gusto nitong maisakatuparan
ang mga hindi nagawa ng lumang Persia at Roma, ni Alexander the Great at ni Napoleon.
Hangad nitong pawiin ang pagkakaiba-iba ng mga tribo ng mga Pilipino, ihalili ang Ingles
sa wikang katutubo at palaganapin sa buong kapuluan bilang wikang pambansa.

20
Ang bagay na ito ay hindi na mapapansin ngayon. Ilan lamang sa mga nagsisipag-aral sa kolehiyo
ang matatas sa Ingles. Karamihan ay garil at gumagamit ng katutubong wika. Lalo pang nadagdagan ang
pagkalito ng mga mag-aaral nang iutos ng Kongreso na isama sa asignatura ang pag-aaral ng wikang
Kastila na may 24 na yunits.

Mga Balakid sa Pag-iisip


Ang paggamit ng dayuhang wika ay sagabal sa pagtuturo. Sa halip na tuwirang matuto ang bata
sa pamamagitan ng katutubong wika, kailangan muna niyang matutuhan ang wikang banyaga, isaulo ang
talasalitaan, mabihasa sa tunog, indayog at banghay ng mga salita na pagkatapos ay isinasaisantabi
lamang paglabas ng paaralan. Hindi naman ibig sabihin na hindi dapat pag-aralan ang dayuhang wika.
Pero, dapat itong ituro matapos mabihasa sa sariling wika. Bibilis pa ang pagkatuto ng ibang wika.

Sabihin mang ang nagtulak sa mga Amerikano na ipagamit ang Ingles bilang wikang panturo ay
ang dalisay na hangaring bigkisin ang bansaa sa pamamagitan ng isang wika, ang anim na dekada ng
edukasyong Amerikano ay sapat na para mapagtanto ng mga guro ang mga masamang epekto ng
dayuhang wika na talaga namang nakasasagabal sa pagkatuto. Kahit na noong matatag ang Surian ng
Wikang Pambansa noong 1935 ay wala rin halos mga pagtatangkang iwaksi ang Ingles bilang wikang
panturo. Mandi’y iniiwasan ng mga guro ang usapin ng wika sa kabila ng katotohanang karamihan sa
produkto ng kasalukuyang sistema ng edukasyon ay wala halos natutuhan. Ito’y nangahulugan ng
pagkakait ng edukasyon sa napakaraming bata na humihinto ng pag-aaral pagkatapos ng mababang
paaralan. Sa kabila ng katotohanang ang wikang pambansa ay nauunawaan na ngayon sa buong
kapuluan walang nagkalakas ng loob na igiit ang paggamit nito bilang wikang panturo. Palagi na lang
ikinakatuwiran na ang pagpapatupad nito ay mangangahulugan ng mga bagong gastos at ng paggawa ng
mga bagong aklat-aralin. May mga nagsasabi pang kapos at mabuway ang pambansang wika. Ngunit
mababaw ang mga argumentong ito ng ating mga pinuno sa edukasyon para mapagtakpan ang talagang
pagtutol nila sa katutubong wika. Kaya, maliban lamang sa iilan, ang mga produkto ng sistema ng
edukasyon ng Pilipinas ay mga Pilipinong bantilawan kapwa sa Ingles sapagka’t ito’y banyagang wika at
sa katutubong wika dahil sa sadyang pagsupil dito ng mga nangangasiwa ng pag-aaral ng mga
mamamayan.

Ang wikang banyaga bilang wikang panturo ay sagabal sa pagkatuto at sa pag-iisip dahil dapat
munang masanay ang mag-aaral sa bagong mga tunog, tono, at mga bagong balangkas ng pangungusap.
Nahihirapan siyang ipahayag ang kanyang mga saloobin at ito’y bumabaog sa kanyang pag-iisip. Kaya,
makikita natin na marami sa ating mga kababayan ang hindi sanay mag-isip ng malalim. Hindi natin ganap
na nauunawaan ang mga aklat at peryodikong nakasulat sa Ingles. Hirap na hirap tayong mag-usap sa
wikang Ingles pero hindi rin tayo makapag-usap nang mahusay sa sarili nating wika dahil ganap natin itong
napabayaan.

Ang wika ay kasangkapan ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng wika ay umuunlad ang kaisipan. Sa


pagunlad naman ng kaisipan ay umuunlad ang wika. Ngunit kapag ang wika ay naging sagabal sa pagiisip
ang pag-iisip ay nabubunsol o nababaog na magbunga naman ng pagkabunsol na kultura. Ang malikhain,
mapanuri at mapagbuod na kaisipan ay hindi uunlad sapagkat ang mga mag-aaral ay nahihirati sa
pagsasaulo ng dayuhang wika. Dahil sa mekanikal na paraan ng pag-aaral, pangkalahatang ideya lamang
ang natututuhan ng mga mag-aaral at hindi nagkakaroon ng malalim na pag-unawa. Kaya naging ugali ng
mga mag-aaral ang mag-aral lamang para makasagot ng tama at pumasa sa pagsusulit para makatapos
ng kurso. Nabubunsol ang malayang pag-iisip sapagkat ang wikang panturo ay iba sa wikang ginagamit
sa pakikipagtalastasan sa labas ng silid-aralan. Ang isang mag-aaral ay nagkakasya na lamang sa
pangangalap ng impormasyon. Ngunit bihira niyang magamit ang mga impormasyong ito para mapalalim
ang kanyang pag-unawa sa mga suliranin ng kanyang lipunan.

Totoong napabayaan ang ating Surian ng Wikang Pambansa na dapat sanang maging isang
pangunahing haligi ng isang malayang bansa. Nagdadalawang-isip ang ating mga guro na ipanukala ang
kagyat na paggamit ng pambansang wika bilang wikang panturo dahil ipinangangamba nila ang

21
pagsalungat sa panukalang ito ng mga nangungusap sa ibang katutubong wika. Ito ay malinaw na
halimbawa ng pagkakaroon natin ng kolonyal na kaisipan. Hindi nakikita ng ating mga guro ang mga
pagsalungat sa dayuhang wika ngunit kinatatakutan nila ang pagsalungat sa pambansang wika dahil anila’y
isa lamang sa mga pangunahing wika sa bansa ang batayang ito. Ngunit ang katotohanang sinumang
nangungusap sa pambansang wika ay mauunawaan saanmang panig ng Pilipinas, ang katunayang ang
mga babasahin at pelikulang Pilipino ay tinatangkilik ng masa sa lahat ng panig ng kapuluan, ay
nagpapakita na, kung sapat lamang na itataguyod, magagampanan ng pambansang wika ang dapat nitong
maging papel.

Samakatuwid ay wika ang pangunahing suliranin. Ipinakikita ng karanasan na mas madaling


matuto ang mga bata sa pamamagitan ng katutubong wika kaysa Ingles. Mapatutunayan ito ng tala ng
Kawanihan ng Paaralang Pampubliko. Gayunman, hindi sapat na maging wikang panturo lamang ang
pambansang wika. Maraming iba pang usapin na dapat nating pagtuunan ng pansin.

Ang kasaysayan ng Pilipinas ay kailangang isulat muli batay sa pananaw ng isang Pilipino. Ang
ating pagpapakita ng mga suliraning pangkabuhayan ay dapat ikawing sa adhikaing makabayan at sa
paglaya ng bayan. Ang mga ito’y ilan lamang sa mga suliraning kinakaharap ng paglikha ng makabayang
edukasyon. Mahalaga rin ang pamumuno at pangangasiwa ng gobyerno sa layuning ito. Kailangan ng
ating mga tagapagturo ang suporta ng mga mambabatas. Kaugnay nito, kailangan ding mahigpit na
pangasiwaan ang mga pribadong paaralan.

Ang Pribadong Sektor


Bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mababa ang tingin ng mga nagsipagtapos
sa paaralang publiko sa mga nagtapos sa mga pribadong paaralan. Itinuturing ng marami na mas mahusay
ang mga nagsipagtapos sa paaralang publiko kaysa pribado. Bagaman may mga exclusive private
institutions, para lamang ito sa mga nakaririwasa. Ang mga paaralang ito ay hindi salamin ng mas mahusay
na pagtuturo kundi sumasalamin ito ng mas mataas ng katayuang panlipunan.

Kahit paano’y kinakikitaan pa rin ang mga mag-aaral sa mga paaralang publiko ng pagsangkot sa
mga usaping pambansa. Ang mga bakas ng makabayang tradisyon ay nananatili sa kamalayan ng mga
magulang na naging kalahok ng rebolusyon na kanilang naipamana sa kabataan. Sa kabilang banda,
matingkad sa mga mag-aaral sa mga pribadong paaralan ang pagwawalang bahala sa mga suliranin ng
bansa na ang mga magulang ay bukas-palad na kumalinga sa kolonyalismong Amerikano.

Nangyari na naging hamak ang mga paaralang publiko. Naging paaralan na lamang ito ng
mahihirap na estudyante. Iyong mga may-kaya, o iyong mga nagkukunwaring may-kaya, ay sa mga
paaralang pribado pinag-aaral ang kanilang mga anak. Nagbunga ito ng paglakas ng priban=dong
edukasyon na dahil sa pagiging malakas na negosyo ay sinibulan ng diploma mill. May dalawang
pangyayaring agad na ibinunga ang paglakas ng pribadong edukasyon: Una ay ang komersiyalisasyon o
pagiging negosyo na lamang ng edukasyon. Nauwi ito sa pagbagsak ng kalidad ng edukasyon dahil sa
kakulangan ng pasilidad ng mga paaralang publiko at komersiyalisasyon naman ng mga paaralang pribado.
Isang katotohanang hindi maikukubli ang pagkakaroon ng saksakan ng daming mag-aaral sa bawat
silidaralan ng mga paaralang pribado at sobra-sobra ang trabaho ng mga guro para magkamal ng malaking
tubo ang naturang mga pribadong paaralan. Pangalawa, lumaki ang ilang paaralang pribado na pagaari
at pinatatakbo ng mga dayuhan na ang mga kursong agham panlipunan ay hawak ng mga dayuhan.
Bagaman maaaring hindi kontra-Pilipino ang mga dayuhan, talagang hindi naman sila maaaring magkaroon
ng makabayang pagtingin. Nag-iisip sila bilang mga dayuhan na may pansariling mga interes. Kaya ang
pagdami ng mga paaralang pribado at kasabay nitong pagbagsak ng kalidad ng pagtuturo sa mga
paaralang publiko ay hindi lamang nagbunga ng mababang klaseng edukasyon kundi ng isang edukasyon
tiyak na hindi para sa Pilipino.

Nitong nakalipas na ilang taon, nagkaroon ng hakbang na pagkalooban ng kalayaan sa paggawa


ng kurikulum at gayundin nang malaking luwag sa pangangasiwa ang ilang pribadong paaralang papasa

22
sa pamantayan ng gobyerno. Iyon ay isang paurong na hakbang. Totoong ang hakbang na ito ng gobyerno
ay sagot sa mga paratang dito na nagbubunga ang mga pakikialam ng estado sa pagiging de-kahon ng
edukasyon. Pero, sa bansang namumulat pa lamang sa mga makabayang adhikain, tungkulin ng isang
makabayang administrasyon na tiyakin ang pagkahubog ng kamalayan ng kanyang mamamayan patungo
sa makabayang landasin. Ang awtonomya ng mga pribadong institusyon ay maaaring gamitin para
wasakin ang mga makabayang adhikain lalo na kapag ang pag-aari ng paaralan at ng mga kursong agham
panlipunan ay hawak ng dayuhan. Palalabuin lamang ng awtonomya ng mga pribadong paaralan ang mga
makabayang adhikain sa pamamagitan ng paninira ng dayuhan o sa komersiyalisasyon ng edukasyon.

Iba pang mga Daluyan ng Edukasyon


Samantalang ang mga kahinaan ng sistemang pang-edukasyon ang naging dahilan ng pagkawala
ng mga makabayang adhikain, winawasak naman ng mass media at ng mga instrumentong pangkultura
ang anumang natatamo ng ibang larangang pang-edukasyon. Ang pananaw ng mga Pilipino ay sinisira ng
mga balita, pelikula at iba pang mga kagamitang pangkultura na halos galing lahat sa Estados Unidos. Ang
mga Amerikanong pelikula at komiks, mga pahayagang Amerikano, ang pag-aaral ng libre (fellowship) sa
Estados Unidos, ay nakatulong sa pagiging halos Amerikano ng ating pananaw. Hindi makapangingibabaw
ang kulturang Pilipino kapag hinayaan ang pagbaba ng mga pangkulturang babasahin at panooring galing
Kanluran na tumatabon sa mga maliit nating pagsisikhay na maisagawa ito.

Kailangan: Mga Pilipino


Ang edukasyon ng Pilipino ay dapat maging isang Pilipinong edukasyon. Dapat itong ibatay sa
mga pangangailangan at adhikain ng bansa. Ang layunin ng edukasyon ay hindi lamang ang makalikha
ng mga lalake at babaeng marunong bumasa at sumulat at marunong magkuwenta. Pangunahing layunin
nito ang mahubog ang isang mamamayang may malasakit sa bayan at nauunawaan ang kanilang pagiging
bansa. Isang mamamayang binibigkis ng layuning paunlarin ang buong lipunan hindi lamang ang kani-
kanilang mga sarili. Oo nga’t itinuturo sa mga mag-aaral ang buhay nina Rizal at Bonifacio. Ngunit hindi
iniaakma ang kanilang mga aral sa kasalukuyang suliranin ng ating bayan at itinuturo ang kanilang buhay
bilang mga maikling kuwento tungkol sa mga nakalipas na pangyayari na ikinasisiyang pakinggan ng mga
bata.

Natutuhan nating gamitin ang mga pamantayang Amerikano sa ating mga suliranin at tinitingnan
natin ang maagang bahagi ng ating kasaysayan mula sa pananaw ng mga dayuhan. Marami tayong
natutuhang bagay ngunit hindi umunlad ang ating mga pananaw. Hindi halos tumanim sa kamalayan ng
mga mag-aaral ang wastong pagmamalasakit sa mga bagay na likas sa Pilipinas at ang pagmamalasakit
sa kinabukasan ng ating bayan. Nag-aaral ang mga bata upang makakuha lamang ng diploma. Maraming
bagay silang natututuhan ngunit hindi nila nasasapol ang makabayang pananaw dahil mababaw lamang
ang kanilang pagkatuto na kadalasan ay mga anyo at hugis lamang ng mga bagay at hindi ang mga diwa
at katuturan ng mga iyon.

Ano ang dapat maging pangunahing layunin ng edukasyon sa Pilipinas? Para lamang ba tayo
matutong sumulat at bumasa? Kung ito lamang ang layunin, walang patutunguhan ang edukasyon. Una
sa lahat, kailangang tiyakin ng edukasyon ang kaligtasan ng bansa. Walang anumang patakarang
pangkabuhayan at pampulitika ang magtatagumpay kapag hindi itinanim ng edukasyon sa kabataan ang
tamang pananaw na magtitiyak ng pagsasakatuparan ng mga layunin at patakarang ito. Dapat ituon ang
mga patakarang pang-edukasyon ng Pilipinas sa paghubog ng mga Pilipino. Dapat tiyakin ng mga
patakarang ito na ang mga paaralan ay humuhubog ng mga lalake at babaeng ang pananaw ay ayon sa
mga pangangailangan ng bayan.

Sa nakalipas na mga rehimeng kolonyal, naging kasangkapan ang edukasyon sa paghubog ng


mga Pilipinong naninikluhod sa mga mananakop. Dinakila nila ang mga dayuhang mananakop na ito.
Hindi sa atin itinuro ang obhetibong pagtingin sa kanila para sana nakita natin ang kanilang mga mabuting
katangian at kapintasan. Ito ang dahilan ng pagkahubog ng maling pananaw ng mga Pilipino sa mga

23
dayuhang mananakop at sa kanilang sarili. Ang tungkulin ngayon ng edukasyon ay iwasto ang maling
pananaw na ito. Dapat na natin ngayong isipin ang ating mga sarili, ang ating kaligtasan, at ang ating
kinabukasan. At hanggang hindi natin inihahanda ang kaisipan ng mga kabataan sa pagpupunyaging ito,
mananatili tayong mamamayang walang pakialam sa ating bayan na walang tiyak na patutunguhan at hindi
tiyak kung ano ang kasasapitan sa araw ng bukas.

Makikita sa mga talakay saisinasaad sa itaas at sa Lisyang na Edukasyon ng Pilipino ang


kahalagahan ng pagkakaroon ng isang kamalayang nakalapat at may pagpapahalaga sa sariling
kultura at karanasan ng bansa. Bagamat hindi maikakailang hindi na basta maihihiwalay o
maaalis ang impluwensya ng mga banyaga sa ating mga Filipino, nararapat pa rin na kilalanin at
pahalagahan ang taal na karanasan na bansa. Ang sariling wika, kalinangang bayan,
kasaysayan, kabihasnan, lipunan at kultura sa kabuuan ang bumubuo sa karanasang ito. Sa
pagdaan ng mahabang panahon, inunawa, pinag-aralan at itinala ng mga dayuhan ang mga
Filipino batay sa kanilang mga pamantayan at talino. Dahil sila ay nanggagaling sa ibang kultura,
ang kanilang unawang nabuo ay nakatikal at mayroong mababang pagpapahalaga sa totoong
kahulugan ng mga karanasang ito sa mga Filipino. Kung kaya’t kung babasahin ang mga unang
tala tungkol sa mga Filipino, hindi maiiwasan na makita ang mga paglalarawan na tayo ay mga
barbaro, walang talino, pagano, at iba pang taguri na nagpapababa sa ating identidad at
pagkatao.
Kung kaya’t nararapat lamang na Filipino ang manguna sa pag-aaral ng kanyang sarili.
Ang katuparan ng pagtatampok ng sariling kultura at pagkakakilanlan ay magaganap lamang
kung kabahagi sa itatampok na kultura ang mangunguna. Sa madaling salita, tanging Filipino
lamang ang makapagbibigay ng lapat ang ankop na unawa sa mga katuturan ng mga nangyayari
sa lipunang Filipino dahil kabahagi siya nito. Alam niya ang wikang ginagamit, bahagi ng kanyang
karanasan ang kultura at hinubog ang kanyang pagkatao ng lipunang kanyang ginagalawan.
Ngunit hindi sapat ang pagiging kabahagi ng karanasan, kailangan ng isang tamang kaisipang
gagabay sa pagproseso at pag-unawa ng mga nabanggit na salik. Isang kaisipan o pilosopiyang
kumikilala, nagpapahalaga at nagmumula sa batis ng talino at karanasan ng sariling bayan, isa
na rito – ang Filipinolohiya.

Gawain 2:
Mula sa mga talakay sa itaas, pumili sa mga sumusunod na ideya sa ibaba at gumawa ng
isang tula. Maaaring kombinasyon ng mga nakalahad na paksa. Huwag kalimutan na maglagay
ng pamagat. Malayang pumili kung malayang taludturan o may sukat at tugma.
a. Wikang Filipino at pambansang pag-unlad e. Kulturang Filipino
b. Kalinangang bayan f. Edukasyong may katuturan
c. Pagmamahal sa sariling bayan g. Paglilingkod
d. Pagpapalaya ng kamalayan h. Pagpapahalaga at Pagkakakilanlan

24
Pangalawang Talakay
Nabanggit sa mga unang talakay sa itaas ang pagkakaroon ng mga pagbabago sa kultura
at kamalayan ng mga Filipino. Dahil sa epekto ng mga pananakop na pinagdaanan ng bansa,
ang mga pagbabagong ito ay nagdulot ng maraming negatibong epekto sa kabuuang unawa ng
Filipino tungkol sa kanyang sarili at kultura. Ngunit kasabay ng mga paglalahad ng mga ito ay
ang paglalatag ng solusyon sa muling pagpapalakas nito. Isang kaisipan o pilosopiyang lapat sa
pambansang karanasan at kabihasnan – ang Filipinolohiya. Sa bahaging ito ng talakay ay
kikilalanin kung ano nga ba ang Filipinolohiya bilang kaisipan at kung papaano ito makakatulong
sa pambansang pag-unlad. Isang uri ng pag-unlad na hindi lamang kultural bagkus maging sa
salik na pulitikal at ekonomikal.

Araling Pilipino, Philippine Studies at Filipinolohiya bilang Programang Akademiko


Nauna ng ipahayag ni Rizal noong 1887 na dapat ang maging tunguhin ng pag-aaral sa
Pilipinas ay tungkol sa mga Pilipino at para sa mga Pilipino (Rodriguez-Tatel, 2015). Bagamat
hindi niya naisakatuparan ang kanyang pangarap na magkaroon ng isang pandaigdigang
samahan ng mga Pilipinista, ang Association Internationale des Philippinestes (AIP), nagkaroon
pa rin naman ito ng materyalisasyon isang siglo matapos niya itong unang ipahayag.
Ayon kay Gabriel sa kanyang borador ng Kasaysayan ng Philippine Studies sa DFPP,
naging kakabit na ng kasaysayan ng pag-unlad ng PS bilang isang larangan ang Departamento
ng Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa pagkakatatag ng Departamento ng Filipino at
Philippine Literature sa College of Arts and Sciences noong Enero 27, 1966, kasama na sa mga
layunin nito ang magturo ng Philippine Institutions (PI 100) at Philippine Studies (PS). Sa
parehong panahon, nakahain din ang Bachelor of Arts at Master of Arts sa Filipino, Philippine
Literature at Philippine Studies (Gabriel, 2014). Taong 1974 naman ay iniangkat ng UP College
of Arts and Sciences (CAS) ang PS dahil sa layuning mapatapos ng doktorado ang mga
dalubguro nito sapagkat naging mahirap na ang pag-aaral sa ibang bansa dahil sa batas militar.
Sa mga panahon na ito, na mataas ang pagmamahal sa bansa, sariling wika at kultura na
tumagos sa pagsasawikang Filipino ng edukasyon lalo na sa UP, taong 1987 lamang nagkaroon
ng bilinguwal na patakaran sa wika ng maupo si Presidente Abueva. Sa pag-upo naman ni Dr.
Covar bilang Tagapangulo ng Departamento ng Antropolohiya ay binago niya ang direksyon ng
PS at ginawa itong Pilipinolohiya (Gabriel, 2014).
Katulad ng karanasan ng CAL at CSSP, mayroon din kasaysayan ng pag-unlad ang PS
sa iba pang unit sa ilalim ng UP. Sa kalagitnaan pa lang ng dekada 50’ ay itinuturo na ang PS sa
antas gradwado dahil sa pagkakatatag ng Institute of Asian Studies (IAS) sa College of Liberal
Arts (Sobritchea, 2002). Hindi kalaunan, sa taong 1968 ang IAS ay sumailalim sa muling
pagbabalangkas at kinilala bilang Asian Center sa pamamagitan ng isang batas (Republic Act
5334) na may layuning mag-aral ng higit na may lawak at lapit sa kabihasnan ng iba pang karatig
bansa sa Asya. Sa pagdedeklara naman ng batas militar ng taong 1972, ang Asian Center ay
muling sumailalim sa pagbabalangkas upang tugunan ang mga pangangailangan ng pamahalaan
ng Pilipinas sa pagbuo ng mga polisiya at mga programang pangkaunlaran. Sa pamamagitan ng
proklamasyon ng pangulo ay nagi itong Philippine Center for Advance Studies (PCAS), dito ang
mga pasilidad at program ay lumawak sa mga museong etnograpiko, laboratoryo sa pag-aaral
ng ilang mga wika sa Pilipinas at bansa sa Asya at silid-aklatan na naglalaman ng mga
pangunahing dyornal sa Asya (Sobritchea, 2002). Dagdag pa rito ay ang pagbubukas ng Ph.D.

25
in Philippine Studies at M.A. in Islamic Studies na karagdagan sa M.A. in Philippine at Asian
Studies na dati ng programa ng Asian Center. Sa pagkawala ng PCAS ng 1979 ay naibalik ang
Asian Center sa dati nitong istatus bilang isa sa mga kolehiyo sa ilalim ng UP.
Sa kabuuan ay may tatlong kolehiyong naghahain ng PS bilang isang programa ng pag-
aaral sa UP. Bamagat may ilang kaibahan sa ilang aspekto, malinaw ang layunin ng mga
programa na mapag-aralan ang mga kalinangang Pilipino sampu ng iba’t ibang etnolinggistikong
kultura; pagproblematisa ng ating identidad bilang mga Pilipino; pagpapalitaw ng mga eksperto o
espesyalista na may kakayahang tukuyin ang mga problema’t usapin sa Pilipinas at sa ating
pagkaPilipino gamit ang multi o interdisiplinaryong lapit at metodolohiya; mailantad ang mga mag-
aaral sa iba’t ibang perspektibang disiplinal; at makapagpaubya ng holistikong lapit sa mga
problema ng bansa (Grabriel, 2014 – Proposed Merger, 2001, 1).
Sa bahagi naman ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas bagamat dati ng may program
ana nakatuon sa pagpapaunlad ng wikang Filipino, ang programang Batsilyer ng Artes sa
Filipinolohiya ay naisulong sa tulong ni Prop. Bayani Abadilla at iniharap ni Prop. Gandhi G.
Cardenas, (tagapangulo noon ng Dept. Ng Filipino na nasa ilalim ng kolehiyo ng mga Wika at
Linggwistika) sa pulong ng Pang-unibersidad na Komite sa kurikulum na ebalwasyon (University
Curriculum Evaluation Committee) noong ika-28 ng Pebrero, 2001. Inaprubahan ito ng nabanggit
na komite bilang pang-akademikong programang batsilyer para sa unang semestre TA 2001-
2002. Sa panahong ito napalitan rin mula sa dating Kagawaran ng Filipino ay naging Kagawaran
ng Filipinolohiya ang pangalan ng kagawaran (Apigo, 2002). Ayon rin kay Apigo, bilang programa
ay inilarawan ito bilang isang apat na taong akademikong programa na papanday sa potensyal
na talino ng mga estudyante sa mga karunungang makakamit sa Filipinolohiya. Sinasaklaw ng
kurso ang wika, panitikan at kultura o pambansang kabihasnan sa pangkalahatan. Nakatuon sa
pagkamalikhain (creativity) at sikhayan (scholarly works) ang lalim at lawak ng mga
pagpapakadalubhasa sa Filipinolohiya na napakahalaga sa propesyon/disiplinang pagtuturo o
pedagohiya at kahusayan sa industriyang komunikasyon.
Mayroon mang mga maliiit na pagkakaiba sa tuon o pokus ang mga disiplinang nabanggit,
hinahabi ang mga ito ng layuning pagyamanin ang talino at kalinangang bayan ng Pilipinas gamit
ang isang kaisipang higit na may pagpapahalaga sa sariling danas or karanasan ng bansa.
Taliwas ito sa kaisipang pinalaganap ng maka-kanluraning edukasyong dinala ng mga dayuhan
sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, higit pang maraming institusyon ang nagsusulong ng parehong
layunin. Nadagdagan na rin ang mga programang nakatuon sa pagpapaunlad at pagpapalaganap
nito.

26
KABANATA 2
Filipinolohiya: Pagpapahalaga sa
Sitwasyong Pangkultura, Pampulitika, at
Pang-ekonomiya

27
Pangatlong Talakay
Ang Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya, Pantayong Pananaw at Filipinolohiya

Sa proseso ng pagsasarili’t paglaya sa matagal nang namamayaning impluwensyang


kanluranin sa iba’t ibang larangan partikular sa edukasyon, malaking papel ang ginampanan ng
mga perspektibong inihain nina Virgilio G. Enriquez (Sikolohiyang Pilipino), Prospero R. Covar
(Pilipinolohiya) at Zeus A. Salazar (Pantayong Pananaw) sa pagtataas ng diskursong nagmumula
at may pagpapahalaga sa karanasan ng bansang Pilipinas.

Isa sa mga natatanging ambag sa talastasang naka-ugat sa karanasan ng bansa ay ang


Sikolohiyang Pilipino (SP) na ipinakilala ni Virgilio G. Enriquez. Ayon kay Mendoza sa kanyang
mga panimulang talakay sa Theoretical Advances in the Discourse of Indigenization, taong 1963
ng magsimulang magturo si Enriquez ng sikolohiya sa UP at sa taong 1965 ay Filipino na ang
kanyang ginagamit bilang wika ng pagtuturo sa halip na Ingles na siyang nakamandato sa mga
panahon na iyon (Navaro at Bolante, 2007). Bagamat tapos ng kanyang masterado at doktorado
sa Estados Unidos, bitbit niya sa kanyang pagbalik sa UP ang kamalayan na dapat magkaroon
ng isang paraan ng pag-aaral ng sikolohiya sa bansa na higit na angkop kumpara sa sikolohiyang
ipinakilala ng mga Amerikano. Ayon kay Pe-pua, ang SP ay ipinanganak mula sa karanasan,
kamalayan at oryentasyon ng mga Filipino na nakabatay, nakakabit sa pagkakaugat sa wika at
kulturang Filipino. Ito rin ay ang pag-aaral ng diwa (Enriquez, 1985). Sa mahabang panahon
inunawa at pinag-aral ang sikolohiya ng mga Filipino sa perspektibong kanlarunin. Inanak ng
karanasang ito ang paglalapat ng mga hindi angkop na teorya na nagresulta sa mga hindi angkop
na tala sa sikolohiya ng mga Filipino. Ang SP bilang isang pamamaraang pangsikolohiya ay may
kalipunan ng mga metodolohiyang higit na angkop at may pagkilala sa karanasang panloob ng
mga komunidad sa Pilipinas. Ang pakapa-kapa, patingin-tingin, pagdalaw-dalaw at iba pang mga
katutubong metodolohiya sa SP na nakabatay sa pakiramdam ang ilan sa mga pamamaraang
angkop sa pag-aaral ng sikolohiya sa Pilipinas (Pe-pua, 1982). Taliwas sa pananaw na inilalatag
ng mga Amerikano hinggil sa sikolohiya nilang unibersal, ang SP ay higit na tumatalakay sa punto
ng partikularidad. Hindi maikakaila ang pagkakaroon ng talino at katotohanang panlahat, ngunit
sa larangan ng pag-aaral ng sikolohiya, kailangan at nararapat na kilala ang partikular na
karanasang pangwika, pangkultura at panglipunan. May papel ang SP sa dekolonisasyon ng
kamalayan ng mga Filipino (Mendoza, 2002). Sa pagiging popular ng oryentasyong isinusulong
ng SP, nahikayat nito ang iba pang mga iskolar mula sa ibang larangan na may katulad na
layuning bumuo ng isang oryentasyon maka-Filipino – ang antropolohista-sosyolohista Dr.
Prospero Covar at ang historyador-antropolohista-etnolohista Dr. Zeus A. Salazar.

Katulad ng SP, ang Pilipinolohiya ay isa ring diskursong nagmumula sa naratibo ng


indihenisasyon na naglalayong maging isang disiplinang nanggagaling at kumikilala sa
pambansa/panloob/pansariling talino at karanasan. Ang paglikha at pagbalangkas ng kaalaman
tungkol sa bansa na mula sa loob na taliwas sa pagbasa ng mga kanluranin na mula sa labas
ang isa sa pinaka punto ng Pilipinolohiya (Mendoza, 2002.) Ayon kay Salazar, naiiba ito sa sa
higit na popular na “Philippine Studies” sapagkat ang huling nabanggit – bagamat isang malawak
na diskurso tungkol sa bansa – ay nakatuon lamang sa Pilipinas bilang bahagi ng “area studies”
na pangangailangan ng mga kanluranin. Taliwas sa istilong-Amerikanong pagbasa sa bansa, ang
Pilipinolohiya ay naghahain ng pagpapa-unlad ng isang kamalayang nagmumula sa loob bilang
isang paraan ng pagtingin at pag-unawa sa mga kaalaman sa Pilipinas. Bagamat hindi gaanong
nagsulat si Covar ng mga talakay tungkol sa nasabing konsepto, malaki ang katugmaan at ambag
nito sa higit na pagpapalakas ng diskurso at paglilinaw ng direksyon ng intelktuwal na tradisyong
maka-Filipino sa bansa. Katulad ng SP, tinatapyas nito ang kolonyal na kamalayan at naghahain
ng alternatibong daan sa pag-unawa ng bansa.

28
Isang paraan ng pag-aaral ng sikolohiyang nakaugat at kumikilala sa karanasang
pambansa, isang kamalayang naglalayong dumiskurso mula sa pagka-Filipino at para sa mga
Filipino - ang pagbalangkas na ito at paghakbang sa pagkakaroon ng diskursong nagmumula sa
pag-unawa ng sariling wika, kultura, lipunan at kaisipan ay higit pang pinagtibay ng ambag ng
Pantayong Pananaw (PP) ni Dr. Zeus Salazar.

Ayon kay Salazar, panloob na ugnayan ng katangian, halagahin, kaalaman, karunungan,


hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan na
ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika ang sinasabing pangkalahatang larawan ng PP
(Bautista at Pe-pua, 1991). Isa sa mga simulain ng PP ay ang naging analisis ni Salazar sa
pundamental na punto-de-bistang pangkasaysayan ng ating bansa (Navarro at Bolante, 2007).
Nakita niya na higit na pangkami at hindi pantayo ang mga pananaw na inihahain ng mga
ensayklopedya, nakita ito sa kalagayang pangwika na kung saan ang wika ay banyaga at hindi
naiintindihan ng nakararami sa lipunang Filipino. Batid ang pagkakataon na tingnan lamang ang
bansa bilang isang obheto o paksain ng pag-aaral na nagpapaunaw ng isang pagtingin na hindi
nagmumula sa loob at hindi rin para sa mga taga loob. Dagdag pa rito ang hindi pagpapahalaga
sa mga konsepto, pandama at diwa ng kalinangang Filipino. Bilang isang pananaw sa umiikot sa
konsepto ng “tayo”, ayon kay Salazar ang isang lipunan at kalinangan ay may PP lamang kung
ang lahat ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam ng lahat ang kahulugan pati na ang
relasyon ng mga kahulugan nito sa isa’t isa. Sa kalagayan ng Pilipinas na binubuo ng maraming
grupong etnolingguwistiko, ang katuparan ng pambansang PP ay hindi madali sapagkat bawat
kalinangan ay mayroong sariling ugnayang panloob, kultura at sistemang panlipunan at maging
wika. Ang mga pagkakaiba-iba na ito ay ang layuning mahabi ng PP sa pambansang konsepto,
para sa akin - upang lumikha ng pag-iisa at hindi pag-iiba-iba ang larawan ng PP. Kasama sa
pagkamit ng larawang ito ang pagpapalakas ng wikang pambasa, ang wikang Filipino - hindi
lamang bilang isang wikang kakatawan sa kabuuan ng kulturang Filipino kundi wikang humahabi
sa mga pagtatagpo at paghihiwalay ng iba’t ibang kultura.

Hindi rin nalalayo rito ang esensya ng Filipinolohiya, kung bibigyan ng pagpapakahulugan,
ito ay isang disiplina ng karunungan na nakasalig sa maka-agham na pag-aaral sa pinagmulan,
kalikasan at ugnayan ng wika, panitikan, kultura, lipunan, kasaysayan, komunikasyon at iba pang
batis ng karunungang Pilipino, gayundin ay nililinang nito ang mga karunungang ambag ng mga
Pilipino sa daigdig ng mga karunungan (nasa tesis ni MV Apigo-2001 batay sa panayam kay
Prop. Gandhi G. Cardenas). Ayon sa papel ni Abadilla na pinamagatang Wisyo ng Konseptong
Filipinolohiya, mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na kaisipan sa pagpoproseso ng mga
karanasang bayan upang ito ay maging talinng bayan. Ang talinong mapapaunlad ang magiging
gabay sa paglikha ng mga pangangailangan sa lipunan. Sa isang panayam naman kay Prop.
Marvin G. Lai (kasalukuyang tagapangulo ng Kagawaran ng Filipinolohiya), ang Filipinolohiya ay
nagtataglay ng makamasa, siyentipiko at makabayang edukasyon.

Pang-apat na Talakay

Paghahabi ng mga Pagkakatulad at Pagkakaiba

Kung titingnan, nagtatagpo sa maraming aspeto ang apat na konseptong nabanggit sa


taas na masasabing mga pangunahing diskursong dapat nauunawaan sa pagpapaunlad ng
kalinangang Filipino. Lahat ito ay nagsusulong ng pag-unawa na nanggagaling sa loob at
bumabangga sa malalim na nakaugat na impluwensyang kanluranin. Malinaw ang pagsusulong
ng pagpapa-unlad ng kamalayang makabansa sa punto-de-bistang nagmumula sa pag-unawa
sa ugnayan ng sariling wika, kultura, lipunan at sarili – at para sa kapwa Filipino. Bagamat

29
malakas ang pagsusulong ng pag-unawang panloob at may pagtatatwa sa impluwensyang
panlabas, hindi naman ito nangangahulugan ng ganap na pagsasara. Kung ang maidudulot ay
totoong pag-unlad, ang pag-unawa sa mga banyaga at panlabas konsepto ay binibigyan ng
espasyo ngunit sa isang proseso ng indihenisasyon at maayos na paglalapat nito sa
pangangailangan bansa.

Malaki ang naging problema sa lebel ng oryentasyon/kamalayan ng mga Filipino dahil sa


naging sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Sa isang bansang mayaman sa kalinangan, maraming
mga karanasang bayan na ilang henerasyon nang nagpasalin-salin ang hindi nasinop o hindi
naman kaya’y naproseso sa paraang walang pagpapahalaga sa totoong pambansang pag-unlad.
Sa unawa ko sa katas ng mga nabanggit na konsepto, ang mga karanasang bayan na ito ay
dapat masinop at maiproseso ng isang sistemang pang-edukasyon / intelektuwal na may
pagpapahalaga sa panloob na karanasan at hindi sa pagtinging panlabas o banyaga. Malaki ang
naging problema sa kamalayan ng mga Filipino sapagkat sa mahabang panahon ay hindi
napapahalagan ang mga karanasang bayan na ito at naipoproseso upang maging talinong bayan
na sanay gagabay sa paglikha ng mga pangagailangan sa ating lipunan. Nakaugnay sa kung
papaano naiproseso ang karanasan natin sa mga mananakop, ang sakripisyo ng mga bayani,
ang yaman ng bansa, ang kultura, lipunan, industriya at sarili - ang naging takbo ng kamalayan
ng bayan. Matagal itong pinanghawakan ng kolonyal na sistema na ngayo’y binabasag ng mga
diskursong nabanggit. Sapagkat nabanggit na malaki ang papel ng pagsisinop ng sistema ng
edukasyon sa karanasan ng bayan upang ito ay maging isang ganap na talino, marapat na ang
proseso ng pagsisinop ay kargado ng oryentasyon ng ideolohiyang inilalatag hindi lamang nina
Enriquez, Covar, Salazar at Abadilla kundi ng iba pang mga makabayang edukador at
indibiduwal. Isang uri ng pag-unawang may pagpapahalaga sa hindi lamang sa karanasan at
ugnayang panloob – kundi sa totoong pambansang kaunlaran. Hindi nga maikakailang may
kakulangan ang mga perspektibong nabanggit, ngunit sa aking pag-unawa ay patuloy itong
mapupunan kung sa larawan ng totoong pag-unlad ng bansa nakatingin. Sa isang palagay, sa
kabila man ng masalimuot at iba’t ibang landasin ng kulturang intelektuwal sa Pilipinas, patuloy
pa rin itong pagtatapuin ng iisang layunin at pangarap ng totoong pag-unlad. Patuloy pa rin itong
babanigin ng pangangailangan ng pagkakaisa at katulad ng iba’t ibang dinadaluyan ng mga ilog,
likas at patuloy pa rin itong masisitagpo sa karagatan kung saan pare-pareho na lamang tubig.
Maaaring ditto unawain ang mga kaibihan at pagkakatulad sa mga nabanggit na kamalayan sa
pag-aaral ng pagka-Filipino, patuloy dapat itong pinagtatagpo ng isang layunin – ang pagkamit
ng totoong pambansang kaunlaran.

Gawain 3:
Bigyan ng maayos pagpapakahulugan ang mga sumusunod na kaisipan:
1. Pilipinohiya
2. Pantayong Pananaw
3. Sikolohiyang Pilipino
4. Filipinolohiya

30
Gawain 4:
Basahin ang papel na Wisyo ng Konseptong Filipinolohiya ni Bayani Abadilla:
WISYO NG KONSEPTONG FILIPINOLOHIYA
(2002)

Bayani S. Abadilla
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Kapangyarihan ang Karunungan


--Francis Bacon

Ang Makinig sa Sabi-sabi ay walang bait sa sarili


--Wisyo Pinoy

PANIMULA

SIPAT-SURI sa dinamismo ng kultura ng bayan o lipunang Pilipino ang likhahuwaran ng


sulating pansikhayan. Ang sulatin ay bahagi ng sinusulat na aklat Ganda sa Buhay Pinoy. Isang
mapanuring pagtalakay ng pamabansang praxis sa pamantayang estetikal.

Iniugnay natin sa konseptong talino—na katawagang sosyo-kultural at may partikular na


kabuluhang pedagohikal—ang sulatin para sa kapakanang pagtuturo at pag-aaral sa
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP).

Katotohanan at karunungan ang bukal at daloy ng teksto sa konteksto ng pambansang


karanasan at kamalayan. Sabihin pa, kilatis ng isip ng bayan, na may tatak o kulay ng makauring
ideolohiya na salasalabat sa kamalayang panlipunan o kultura, ang sentro ng tematikong
paglalahad.

Hindi mapasusubaliang katotohanan na saligan ng matinong karunungan, na timbulan ng


agham at sining, ang nagsusulong (ideomotor o pwersa ng talino) sa kaunlaran ng anumang
bayan at alinmang bansa sa ibabaw ng mundo. Sinisihop ng Agham at Sining ang katotohanan
na pinahahalagahan ng talino.

Kaakibat ng katotohanan ang katarungan sa batas ng buhay. Kaipala, ang totoo sa


matalisik na pag-unawa ay may kintal ng kagalingang panlipunan. Etikal na teknolohiya ng
sosyedad ang timbulan ng katarungan—damdamin ng bayan sa magaang sabi.

Sa buhay tandisang nagaganap ang hidwaan ng mga bayan. Hatid ito ng inter-aktibong
sibilisasyon. Sa epistemolohiya, ang kabatiran sa sigalot ng mga bayan ay heopulitika. Sa
sigalutan—kalayaan at kasarinlan/soberanya—ang usapin/isyu na nasa hapag ng
konsiderasyong hinaharap ng mga lider at/o ng buong bayan.

31
REALIDAD NG LIPUNANG PILIPINO

Sa Pilipinas tandisan/obhetibong umiral ng 333 taon (1565-1898) ang rehimeng kolonyal


na itinaguyod ng mga lider ng bansang Espanya. Ang realidad na ito ay tahasang bumalewala sa
konseptong pagkatao at pagkabayan ng mga Pilipinong tinaguriang Indio o Katutubo. Nawalang
saysay ang katagang bansa na timbulan ng patrimonya o pambansang komunidad. Walang
kabuluhan ang kalayaan sapagkat hindi ito nakatutugon sa mga pangangailangan (ng mga
Pilipino noon) na tahasang humihinga lamang at hindi namumuhay. Walang katuturan ang buhay.
Alipin ang mga Indiyo: busabos.

Gobyernong Praylokrasya (pawang mga prayle o kagustuhan ng mga prayle) ang


panuntunan sa pamamahala ng mga bagay-bagay na pantao sa buong kapuluan—liban sa
dulong silangan ng Mindanaw na matibay ang komunidad ng Muslim sa bisa ng relihiyong Islam.

Habang dumadaloy sa kasaysayan ang gobyernong praylokrasya, walang habas namang


pinagsasamantalahan ng mga mananakop ang likas na yaman sa Heograpiya ng Pilipinas. (hindi
pa Pilipinas ang ngalan sa mapa ng bansa sa buong mundo. Sa sinaunang mapa ng mundo Islas
Maniolas ang pangalan ng lupaing Pilipinas. Si Claudio Ptolemy, griyegong topograpista ang
naglapat sa pangalan ng bansa sa globo.)

Malupit sa mga Indiyo ang gobyernong Praylokrasya. Sapagkat hindi mamamayan ang
mga Indiyo: Alipin. Walang karapatan ang alipin. Hindi siya tao sa turing ng mga namamanginoon
sa pamumuhay. Taong pisikal lamang ang mga alipin. Dugo o lahing awtranesyano ang mga
katutubo o indiyo.

Noong 1896, sumiklab ang giyerang Pilipino-Espanyol. Nakilala ito sa kasaysayan ng


bayan na “sigaw sa Pugadlawin.” Nagtagumpay ang Katipunan (kilusang mapagpalaya) sa
himagsikang nilahukan ng mga alipin. Idineklara sa Kawit, Kabite ang kalayaan ng mga Indiyo—
1898.

Sa kabuluhang sosyo-pulitikal ang deklarasyon ng kalayaan ay nagbigay buhay sa


konseptong bansa ng Pilipinas at pagkabayan ng mga Pilipino. Bukod pa sa katangiang
mamamayan ng mga naninirahan sa kapuluan. Kahit pa may mga kapintasan, sa punto ng
kapakinabangan ng pinakamalawak na populasyon o karaniwang mamamayan, ang
Konstitusyong Malolos sa kabuluhang pulitikal ay malinaw na panandang bato sa kasaysayan na
nagtampok sa katangiang estado ng Pilipinas. Ang mga elemento ng estado ay taumbayan,
teritoryo, gobyerno at kasarinlan.

Sa paglikwad ng kasaysayan, inagaw ng Amerika ang tagumpay na nakamit ng mga


Katipunero. Sumiklab ang gerang Pilipino-Amerikano.

(Nasa mga aklat ng kasaysayan ang mga datos hinggil sa mapanakop na pakana ng
Amerika sa Pilipinas. Pangunahing datos ang tratado ng Paris...)

Humupa ang giyerang Pilipino-Amerikano. Gayunman, matagumpay na naitanim ng


Amerika ang pangkabuhayan at pampulitikang interes nito sa Pilipinas. Sa maagang yugto ng
pananakop ng Amerika sa Pilipinas, edukasyon ang armas kultural ng Estados Unidos para
maiwaksi ang katinuan ng madla ang talinong magpapaunlad sa bansa at magdudulot ng
katiwasayan sa lipunan.

32
Samantalang nilupig ng kolonyalismong Espanyol ang bait sa isip ng mga katutubo sa
pamamagitan ng relihiyon, edukasyon naman ang bumitag sa katinuan ng sambayanang Pilipino
sa iskema ng pananakop ng Amerika sa Pilipinas.

Diwang kolonyal ang naipunla at nalinang ng edukasyong mga kano ang titser sa
maagang yugto na nang lumaon ay mga gurong Pilipino na. Ingles ang midyum ng pagtuturo sa
edukasyong itinataguyod ng Amerika sa
Pilipinas. Bunga nito, naging pamantayan ng karunungan ang kabihasaan sa pagsasalita sa
wikang Ingles. Edukado o marunong ang turing ng lipunan sa mga Pilipinong bihasa mag-Ingles.
Sa pamantayang Ingles, ang katalinuhan ay tahasang natiwalag sa kamalayang panlipunan
kaipala ding tumitipon sa pambayan at pambansang katuturan.

Nagpasalin-salin sa ibat-ibang katauhan ang tatlong larangan ng gobyerno: ehekutibo,


lehislatura at hudikatura. Sa halip na bakahin ng mga umuugit sa gobyerno/pamahalaan ang
imperyalismo o pananakop ng Amerika sa Pilipinas, sa antas man lang nang kultura, pinatatag
pa ng kolektibong aksyon/disposisyon ng mga nasa poder ng estado o nagmamaneho ng
Gobyerno ang lansakang etnosidyo o pagwawasak sa kaangkinan/identidad ng madla sa
pamamagitan ng wikang Ingles at komersyal na edukasyong pormalismo. Sa pormalismong
karunungan ang talino ay nakatuon lamang sa ano ito? At paano ito? Ng mga ideya o bagay sa
mga asignatura ng mga kurso. Hindi binubusisi/sinusuri sa pedagohiya ang esensyal o ontolohikal
na katangian ng mga ideya, teorya at konseptong hango sa mga karanasan ng sibilisasyong
Amerikano at Europiyano. Sabihin pa, tiwalag sa realidad ng lipunan o kapamuhayang Pilipino
ang talino ng mga edukado kuno.

(sa mga dyornal o aklat maraming diskurso ng progresibo na naglalahad sa maling


edukasyon na balakid sa kamulatan ng mga kabataan sa kapaligirang panlipunan—tiwalag ang
isip sa reyalidad ng pamumuhay ng sambayanan. Sa kabuluhan ng tama at makatuturang
Pilipino, ayon sa kagalingan ng lipunan at kaunlaran ng bansa, lumilitaw na mga intelektwal na
idyot yaong nakapagkamit ng mga diploma sa tersiyaryong antas ng edukasyon sapagkat
marurunong sila sa napiling disiplina na walang kamuwangan sa tunay na kalagayan ng lipunang
Pilipino—batay sa siyentipikong pananaw.)

Sa umiiral na gobyernong papet (inutil ang konstitusyon at walang silbi ang kalayaan)
malaya’t walang habas na nakakamkam ng malalaking dayuhang imbestor/kapitalista ang
masaganang likas na yaman ng bansa. Nakikinabang nang mabuti ang mga dayuhang kapitalista
sa murang halaga ng lakas paggawa ng lipunang Pilipino.

Higit pa rito, kasangkapan o kakutsaba ng mga dayuhan ang mga taong umuugit sa
gobyerno sa pandarayukdok sa mga produktibong elemento ng lipunan. Dahil sa mahigpit na
dayuhang kontrol sa kabuhayang bansa, nanatiling atrasado ang ekonomiya: lumalaon bumubuti
na sumasama pa sa dati. May lukemya ang ekonomiya. Habang nalulubog naman sa utang
panlabas ang buong bayan sa kagagawan ng mga namamahala sa kapakanan ng lipunan o
bayan.

Ang diwang materyal o kaisipang pera-pera ay nakasigid o malalim ang baon sa kultura
ng bayan. Kaipala, salapi ang mahalaga sa kapamuhayang sosyal. Unti-unti hanggang maglaho
ang diwang damayan at bayanihan na naisalin ng sinaunang sibilisasyon sa kasalukuyang
pamumuhay ng mga Pilipino. Dulot ito ng henosidyo sa kultura na kinasasangkutan ng mga
institusyong sosyal na lumulumpo sa katinuan ng bayan.

33
Habang naduduhagi ang pagkatao sa kulturang materyalista, sumibol at bumulas sa
kamalayang panlipunan ang diwang anarkistang mapanganib sa katinuan. Sanhi ng kanya-
kanyang pag-atupag sa tawag ng pangangailangan, nalikha ng lipunan yaong “angkan ng Diyos”
sa ekonomiya, pulitika at kultura.

Sinasalabusab ng mga “angkan ng Diyos” ang yamang sosyal habang iginugumon ang
bait ng bayan sa mga kapalaluan at kabulastugan. Bunga nito, nagkawindang-windang sa kultura
ang pagpapahalagang pantao, pambayan, pambansa at panlipunan.

Habang napipilas ang mga taon sa kasaysayan, parawal nang parawal ang pamumuhay
sa lipunan, palagim nang palagim ang kaayusang nagpapalakas sa pagkahayop na nasa mga
tao o mamamayang Pilipino.

Ang pagkatao ng mga nilalang sa lipunang Pilipino ay may dalawang sangkap: katauhang
bayalohikal at katauhang kutural. Sa una, pagkain ang nagpapanatili sa pisikal na anyo ng tao.
Sa ikalawa, talino ang sumusustento sa kalikasang tao (rasyonal) –ang talino ay may hibo ng
mga kauring kamalayan o class consciousness.

ANG BAIT/KATINUAN SA KAMALAYANG PANLIPUNAN

Sama-samang diwa o pag-iisip ng mga mamamayan sa lipunan ang kamalayang


panlipunan. Mabuti at masama ang kilatis ng kamalayang sosyal, ayon sa kagalingang
panlipunan. Mabuti ang diwang nakalilinang sa pagkatao o katauhang kultural. Masama ang
isipang nakapipinsala sa pag-unlad ng pagkatao.

Sa sosyedad nalilinang ang pagkatao. Sa araw-araw na salimuhaan ng talino ng mga


Pilipino, sa hatak ng pangangailangang mabuhay na ibat-iba ang sitwasyon. Napupulpol ng bait
ang nakasusing sensibilidad sa sarili ng pagkatao. Ito ang dinamismo ng kultura. Ang
bait/katinuan na angkin ng isip ay nasasalang sa komprontasyon sa mga akitan, pingkian at
pagbabago ng kalidad ng talino—sa salimuhaan ng mga Pilipino sa lipunan.

Sa kapamuhayang makauri ng lipunang Pilipino, tandisang may hibo ng mga uri ng


pagkatao ang sensibilidad. Ang mga uring sensibilidad ay nababago sa tagisan ng talino na
nagaganap sa dinamismo ng kultura.

Sa diskurso ni Amilcar Cabral “The role of culture in the liberation struggle,” inilahad:
“culture is the dynamic synthesis, at the level of individual or community consciousness, of the
material and spiritual historical reality of a society or a human group, with the relations existing
between man and nature as well as among men, and among social classes and sectors.”

Isinilang ang mga Pilipino sa isang sistemang kultural na umiinog sa kasaysayan.


Nakatimo sa isip ng sambayanan ang sagisag, mga tradisyon, kaugalian, pananaw sa buhay at
mga pagpapahalagang pantao. Ito ang kalinangan ng bayan. Sa kalinangan ng bayan
masasalamin ang angking katauhan o identidad ng mga mamamayang namumuhay sa lipunan.

Wikang Filipino ang pangunahing sumasalamin sa pagkataong Pilipino. Sa wika ng bayan


sumisibol at nalilinang ang talino ng sambayanang nakabigkis sa pambansang patrimonya.

Sa biyaya ng edukasyon, pormal at di-pormal, nasisinop ang karunungan ng bayang


tumatahak sa kasaysayan. Talino ng bayan ang nagtatakda sa kapalaran ng lipunan. Totoo ito
kung natatamasa ng sambayanan ang kalayaan at masiglang gumigiling ang soberanyang

34
lumilikha at tumutugon sa mga kahingian ng lipunan sa antas-antas na pagsulong ng
sibilisasyong Pilipino.

Anumang mabubuti, totoo at magandang kamanyang sa kasaysayan ng bayan, kongkreto


o abstrakto, ay pawang nagmula at sinisinop ng bait o matinong kaisipan ng sambayanan.

Sa sosyolohiya, may kasabihan: walang taong isang pulo. Samantala sa wisyo ng bayan
isinasaad naman na ang sakit ng kalingkingan ay iniinda ng buong katawan. Ang dalawang
pilosopiyang sosyolohikal ay maganda sa teorya (larangan ng mga ideya) ngunit paandap-andap
na liwanag na lamang, kung baga sa ilaw, kapag iniugnay sa buhay ng lipunang Pilipino sa
kasalukuyan. Dulot ito ng kaisipang makasarili na nakabaon sa kamalayang panlipunang
nakukulapulan ng oryentasyon at simulaing kapitalismo at pyudalismo. Bago iba ako muna. Ito
ang nangingibabaw na diwa sa kamalayang panlipunan. Ang nabanggit na diwa ay sinusuhayan
pa ng paano naman ako?.

Kaipala, sa kapamuhayang sosyal na kontrolado ng mga angkan ng Diyos, na pera-pera


ang kalakaran, matindi ang inseguridad sa kalooban ng mga mamamayan. Ang pagkahumaling
ng madla sa salapi ay nagbubulid sa pagkatao ng karaniwang mamamayan sa pagiging paninda
na lamang na kung saan tinutumbasan ang talino ng kaukulang dami ng pera.

Namumuni ang mga angkan ng Diyos sa kulturang pera-pera. Ang serbisyo sa lipunan ay
pay. Wika nga, mukhang pera ang mga tao sa lipunan.

Ang lipunang sahol sa makataong sensibilidad ay sadyang kalipunan lamang ng mga


hayop. Ang tao ay hayop. Walang makapagpapasubali rito.

Tandisang dalawa, na magkasalungat, ang kilatis ng kaisipan sa umiiral na kultura ng


lipunang Pilipino: una, diwang burgis at ikalawa, diwang masa. Ang kamalayang burgis o “utak
burgis” ay nangingibabaw o dominante sa kamalayang panlipunan. Supil na nakapailalim sa
kamalayang sosyal o social psyche ang diwa ng masa na tinatawag na collective unconscious o
supil na kamalayan.

Sa diyalektikal na reyalidad ng kultura, na kinasasangkutan ng magkasalungat na


makauring talino, nagtutunggalian ang diwang burgis at progresibong diwa ng masa. Umiigting at
humuhupa ang tunggalian ng makahidwang diwa ayon sa kalagayan ng kabuhayang bansa at
kapamaraanan ng pamamahala sa kapakanang pambayan o panlipunan ng mga umuungit sa
gobyerno.

Sapagkat mahinang-mahina ang bait/katinuan sa kamalayang panlipunan ginigiyagis ang


kalooban ng madla ng krisis sa ekonomiya, krisis sa pulitika na tumatagos sa kultura. Liban sa
napakaliit na progresibong elemento ng lipunan, na di nababalisa sa krisis, sa pangkalahatan
sadyang ikinababahala ng madla ang krisis. Sa pananaw o sipat-suri ng matinong isip ng mga
progresibo, sa lipunan ang krisis ay palatandaan lamang ng pagbuwelo ng pagbabago sa buong
himaymay ng buhay ng lipunang Pilipino. Matitino ang mga progresibong elemento ng lipunan
sapagkat nakasalig sa agham ang karunungan nilang gabay sa sistematikong pagtuturo.

Sa matinong pagkukuro, na pinagsikhayan ng matalisik na pag-aaral, ideomotor o


pwersang kultural ang talinong makatao, makabayan at mapagpalaya na maghahatid sa lipunan
sa inaasam na matiwasay na pamumuhay na idinudulot ng industriyalisasyon at modernisasyon
ng agrikultura sa ilalim ng makalipunang oryentasyon o simulain ng pamumuhay.

35
Tanging sa wisyo ng bayang malaya, sa kilatis na maka-agham, makalipunan at
mapagpaunlad, masusumpungan ng lipunang Pilipino ang pagkawala ng pagkahayop sa
pagkatao. Tatalas ang sensibilidad ng bayan na lumilikha sa kanyang kapalaran.

Sa antas ng epistemolohiya, lipunan ang bukal ng karunungan at lunduan ng katalinuhang


umaayon sa kahingian ng pagbabago. Perpetuwal ang pagbabago. Ang hindi lang nagbabago ay
pagbabago. Sa pambansang prexis (aksiyon at repleksiyon ng bayan), na nagtitika sa mga
panlabas na salik, alinsunod sa diwang makatao hahangaan at igagalang ng ibang lahi ng
sangkatauhan ang lahing kayumanggi.

Sa dimensyon ng sosyedad na ginagalawan ng talino o bait ng bayan, mamamayan ang


lumilikha ng kasaysayan ng bayan at hindi yaong mga lider. Ang tunay na mga lider ay
masasabing sikohenesis, ubod ng kolektibong kamalayang angkin ng indibidwal, epitomya ang
lider ng damdamin at adhikain ng bayan. Si Gat. Andres Bonifacio, suprema ng katipunan ay
halimbawa ng sikohenesis. Ulirang katauhan ang sikohenesis sa sikohistorya.

Walang talinong makapagpapasimula sa batas ng kasaysayan. Ang buhay ng lipunan ay


natatakdaan ng batas ng kasaysayan. Soberanya/kapangyarihan ng buong bayan, na ibinubugso
ng kalayaan, ang susulong sa batas ng kasaysayan. Ang soberanya/kasarinlan ay malayang
aksiyon at repleksiyon o gawa at isip ng sambayanang lumilikha ng kanyang kapalaran. Ito ang
pambansang praxis o praktika at teorya ng nagbabagong pamumuhay sa lipunan. Ang batas ng
kasaysayan ay organikong nakapangyayari sa batas ng kontradiksyon na kinatatampukan ng
diyalektika: nag-aakitan, nagsasaniban, nagpipingkian at nagbabago ang mga bagay na may
buhay.

ANG TALINO NG BAYAN

Produkto o bunga ng karunungan ang talino. Wisyo ang pinong anyo ng talino. Gumagana
ang wisyo sa hamon ng mga pangangailangan sa pamumuhay ng lipunan. Diyalektikal ang
kalikasan ng talino: likha ng karunungan at nababago ng karunungan: umuunlad ang karunungan
sa tumatalas na talino.

Ayon sa mga kaalaman at impormasyon sa antropolohiya, napukaw ang talino ng mga


mababangis na taong-bundok o taong-gubat, na ninuno ng lahing kayumanggi, nang pagkiskisin
nila ang dalawang batong lumikha ng apoy. Ang sitwasyon ng pagkiskisan sa dalawang bato ay
akto ng paggawa: apoy ang nalikha.

Sa antropolohiyang pag-aaral hinggil sa tao, malinaw ang kabatirang naging tao ang
bakulaw sa pamamagitan ng paggawa. Naghunos ang hayop sa pagiging tao. Tinatayang
250,000 hanggang 500,00 taon, sumaklaw sa panahong Paleolitiko, ang nilakaran sa kasaysayan
sa antas-antas na pag-unlad o pagbabago sa anyo’t katangian ng Homo Erectus Pilipinensis.
Ninuno ng lahing kayumanggi na namuhay sa Islas Maniolas, sinauna o orihinal na pangalan o
tatak sa heograpiya ng kapuluan sa sinauang mapa ng mundo o globo. Si Claudio Ptolemy,
griyegong topograpista o gumagawa ng mapa ang naglapat sa pangalan ng bansa sa sinaunang
mapa ng mundo.

Magala ang mga bakulaw, sa maliit na pulutong, naglalakad sila sa kabundukan o


kagubatan na nanginginain ng mga bungang kahoy, nanghuhuli ng hayop para kainin at
nagtatago sa yungib/kuweba para magkanlong sa malakas at matagal na pagbuhos ng ulan at
matinding lamig ng kapaligiran.

36
Sa lalawigan ng Kagayan natagpuan ang ilang labi ng sinaunang kagamitan sa
pamumuhay ng mga Pilipino. Kasangkapan iyon ng Homo Erectus Pilipinensis, ayon sa mga
arkiyologo.

Mapapansin sa kasaysayan o sibilisasyon ang diyalektikal na realidad ng paggawa at


talino na luminang/lumilinang sa kalikasan ng tao. Habang patuloy na nakikipagtunggali ang tao
sa kalikasan (natural na kapaligiran) umunlad nang umunlad ang talino sa kanyang isip. Sa batas
ng kalikasan na kinasasangkutan ng tao at natural na kapaligiran, makapangyarihan ang tao
(pinakamataas na anyo ng kalikasan) dahil nabiyayaan siya ng talino. Ang angking talino ng tao
ay tumatalas sa paggawa—na nakalilikha sa gusto o pangangailangan ng tao sa pamumuhay sa
ibabaw ng mundo.

Ang pinagmulan o etimolohiya ng talino at katangian o kalikasan nito (ontolohiya) ay may


ganitong pangitain:

Ang galaw ng mga kamay sa pagkikiskisan ng dalawang bato ay sitwasyon ng paggawa—


apoy ang nalikha. Sa bisa ng paglikha ng apoy sa paggawa, nabago nang nabago ang
pamumuhay ng sinaunang mga nilalang sa Islas Maniolas. Sa patuloy o walang humpay na
katangian ng paggawa, naghunos ang hayop (bakulaw) na naging tao. Sa tugunan ng paggawa
at natural na kapaligiran, may nalilikha, nalilinang naman ng lakas ng katawan ang talino sa isip.
Ang pagtugon ng talino sa paggawa sa udyok ng gusto o naisin ay bugso ng kalayaan sa akit ng
pangangailangan. Ideomotor o pwersa ng kalayaan ang talinong gumagawa/lumilikha. Ang
paggawa ay gintong mohon sa kasaysayan ng sibilisasyong Pilipino. Walang sibilisasyon kung
walang paggawa.

PAGGAWA

Sa pawis ng dugo
Isip ang narahuyo
Umiglap ang talino
Sa paggawa natuto
Nakamit ang gusto
Sa pagpapakatao

Isip na lumilikha
Totoo ang pita
Ginto ang totoo
Kagandahan sa tao

Nakasapit ang paggawa at talino sa kasalukuyang kabihasnan na malakolonyal at


malapyudal. Kaugnay nito, nalikha ng paggawa at talino ang mga uri ng pagkatao sa lipunang
Pilipino. Habang sumusulong ang sibilisasyong Pilipino obhetibo/tandisang nakasangkot ang
mga uri ng pagkatao sa hatak ng buhay na kinasasangkutan ng makauring talino o ideolohiya.

Kinategorya ng mga sosyologo ang talino sa kaisipang burgis at kaisipang proletaryo o


anakpawis. Ang kaisipan o talino ng mga uring burgis: kapitalista-komprador, burukrasiya-
kapitalista at petiburgis ay nasasapian ng pilosopiyang idealismo at metapisikal. Sa kaisipang
idealista, ideya ang saligan ng katotohanan kaugnay ng mga bagay-bagay na may buhay o
walang buhay. Sa kabilang banda, ang kaisipan ng uring proletaryo o anakpawis ay nakabatay
sa materyal na realidad ng buhay na sinasalamin lamang ng mga ideya. Sa pagsipat ng talinong

37
proletaryo sa mga abstrakto o kongkretong mga bagay pawang historikal--diyalektikal—
historikal—materyalismo ang pilosopiyang nakatanglaw sa katalinuhan.

Permanente sa talinong burgis ang mga bagay-bagay kaugnay ng buhay. Sa talinong


proletaryo, nagbabago sa esensiya at anyo ang mga bagay-bagay sampu ng talino o karunungan.
Ang reyalidad ng nagbabagong mga bagay ay tandisang kumikilos sa diyalektikal na proseso:
nag-aakitan, nagsasanib, nagpipingkian at nagbabago.

DINAMISMO NG TALINO SA LIPUNAN

Sa hatak ng pangangailangan nagkakaugnayan ang mga makauring talino sa lipunang


Pilipino. May pamamaraan ang talino na tumutugon sa akit ng pangangailangan, gusto at layunin
na pawang kaakibat ng pamumuhay sa lipunan. Ang kilatis ng talino na humalubilo at umaatupag
sa mga bagay-bagay kaugnay ng pamumuhay ay tinatawag na ideolohiya.

Ang ideolohiya na kapamaraanan ng isip na saligan ng talinong umaatupag o lumulutas


sa mga usaping pangkaranungan ay makikilatis sa uri sa pamamagitan ng katanungang para
kangino ang talino? Natutukoy samakatwid ang talino ng uri ng pagkatao sa disposisyon o
pagpapasya na umaayon sa kapakanan o kabutihan ng uri ng mga pagkatao sa lipunan. Ang
talinong burgis ay nakaayon at nangangalaga sa interes at kagalingan ng uring burgesya.
Gayundin sa talinong proletaryado na kumakalinga sa kapakanan ng uring anakpawis.

Ang makauring talino ay matatagpuan sa mga batas, patakaran, sulating pansikhayan o


diskurso, literatura at ibang likhang sining at sa karaniwang araw-araw na mga gawain sa ibat-
ibang larangan ng pamumuhay sa lipunan. Nag-aakitan at nagpipingkian ang mga makauring
talino sa pabrika (kapitalista vs. Manggagawa), pagsasaka (propitaryo vs. Magsasaka) sa
gobyerno (namumuno vs. Mamamayan) at iba pa.

Sa tagisan ng talino o tunggaliang ideolohikal—hatid ng kapakanan o kagalingang


makauri—karaniwang nagbubundulan ang mga emosyon. May mga pagkakataong
nakukubabawan ng pagkahayop ang pagkatao—lalo na sa pingkian ng kapangyarihan na iginigiit
ng karapatan—sa gayon, humahantong sa karahasan ang gilgilan ng mga makauring talino.

Sapagkat istratehikong magkasalungat sa kapakanan at karapatan, mistulang langis at


tubig, kung baga, ang uring anakpawis at burgis kaya lagi at laging kinatatampukan ng dahas ang
kanilang kusang pagtugon sa mga kabuluhan at katuturan ng buhay sa lipunan.

Ang tunggalian ng mga uri ng mga pagkatao, sa antas ng diwa o interes sa pamumuhay,
ay tahasang nakukulapulan ng mga motibo at intensyon. Ito ang reyalidad ng sikolohiya. Sa siko-
sosyolohikal na dimensyon umiinog ang makauring kamalayang ibinubugso ng makauring
disposisyong tumutugon sa makauring kapakanan o kagalingan.

Samantala, sa dimensyong sosyo-pulitikal obhetibo/tandisang nakasangkot ang gobyerno


sa tunggalian ng mga uri ng mga mamamayan sa lipunang sibil. Pawang mga batas, patakaran
at alituntunin ang anyo ng pagkakasangkot ng gobyerno sa tunggalian ng mga uri ng pagkatao
sa lipunan. Burukrasya ang institusyonal na mekanismong umaatupag/umaasikaso sa mga
suliraning pinagbabangayan ng mga uri ng mga pagkatao sa katakdaan ng interes at kagalingang
makauri.

38
Ang kontradiksyon, sa pamumuhay, ng mga uri ng mga tao sa lipunan ay may katangiang
antagonistiko at di-antagonistiko. Sa prebilihiyadong pedestal/ kinaroroonan ng iilang angkan ng
Diyos (10% ng 85 milyong populasyon) at marawal na pamumuhay ng masa (katawagan sa lahat
ng uri sa lipunan na api at napagsasamantalahan) tahasang antagonistiko ang mga suliraning
kinasasangkutan ng magkahidwang mga uri. Sa hanay ng masa di-antagonistiko (madaling
ayusin ang karaniwang hinampuhan o di-pagkakaunawaan) ang mga suliranin.

Sa agham ng karunungan o epistemolohiya ang walang humpay na dinamikong galaw ng


talino ay tinatawag na sikohistorya, nakakulapol sa talino ang mga motibo at intensyon. May anyo
at kulay ang mga talino ayon sa makauring pananaw at paninindigan.

ANG MGA APARATO NG IDEOLOIHYA

Lingid sa kaalaman ng mga karaniwang tao sa lipunang Pilipino na ang kanilang asal ,
ugali, gusto, hilig, pananaw sa buhay, paninindigan ay pawang hinuhutok ng mga aparatong
ideolohikal: pamilya, paaralan, simbahan, gobyerno at mas midya. Ang mga aparato ng
ideolohiya ay pawang mga institusyong panlipunang nagdidirehe sa mga kagawian o aktitud
(kusang reaksyon ng isip sa mga bagay-bagay na may buhay o wala.)

Ang mga kagawian ay likas na nasasaniban ng motibo at intensiyon. Sabihin pa, mga
aparato ng ideolohiya ang obhetibong lunsaran, daluyan at buweltahan ng umiiral na talino sa
antas ng kultura ng bayan. Mayroong tagapaghatid at may tagatanggap sa mga produktong
pangkultura (mga ideya, batas, aliwan...) na pinaiinog ng mga isip sa dinamismo ng kultura.

Liban sa pamilya, pinagkakaitan ang operasyon ng mga aparato ng ideolohiya. Sa gayon,


industriya ng utak ang pagtingin ng mga pantas sa komunikasyong panlipunan sa tahasang
negosyong katuturan ng operasyon ng mga aparato ng ideolohiya. Samantala, sa dimensyong
kultural, isang lambat-bitag ng kamalayang panlipunan ang mga aparato ng ideolohiya—lalo na
ang mas midya. Kapitalista-komprador ang taguri ng mga pantas sa komunikasyong sosyal sa
mga taong nagkakamali ng limpak-limpak na salapi sa industriya ng utak na itinataguyod ng mga
aparato ng ideolohiya.

Inihahasik at nillinang ng mga aparato ng ideolohiya sa kamalayang panlipunan ang


kaisipang palasuko, palatakas, patalo, palasisi, kabalastugan at walang bahala sa mga
parokyano (publiko/madla). Kaugnay nito, tahasang paninda, ang pagtingin ng uring kapitalista,
sa mga taong binabayaran nila ang serbisyo para wasakin o lasunin ang bait/katinuan ng mga
mamamayan sa lipunan upang mamumini sila sa kaayusang sosyal na di-makatao.

ANG FILIPINOLOHIYA SA EPISTEMOLOHIYA

Sistema ng paglinang sa talino ang edukasyon. Isa itong unti-unti at antas-antas na


proseso sa pedagohiya o pagtuturo at pag-aaral. Nakaprograma sa paaralan o akademya ang
paglinang sa talino, agham at sining ang timbulan ng pedagohiya. Isip ang pinagtutuunan ng
pedagohiya. Sa diwang ito ang sistema ng edukasyon ng lipunang Pilipino—sa simulain. Layunin
at gawain—ay dapat na mabulas na tumutugon sa adhikain ng lipunan, layunin ng mga
mamamayan at kagustuhan ng bayan sa pamumuhay na matiwasay at maunlad.

Malusog at malikhain kamalayang panlipunan ang pinagsisikhayang linangin ng mga


iskolar o pantas ng buhay ng lipunan.

39
Taliwas sa nabanggit ang katotohanang umiiral sa sistema ng edukasyon. Marurunong
ang produkto ng umiiral na sistema ng edukasyon.

Marurunong ang produkto ng umiiral na sistema ng edukasyon. Marurunong na tanga o


intelektwal idyot ang mga tituladong nakalatag sa ibat-ibang propesyon. Marunong ang taong
may mga kaalaman sa isip. Idyot ang walang kamuwangan sa realidad ng buhay. Ang kabuluhan
ng karunungan ay laging nasa kapakinabangan at kabutihan ng lipunan. Lipunan ay may-ari ng
karunungan. Prangkisa, sa anyo ng lisensya, ang pahintulot na ipinagkakaloob ng lipunan sa mga
propesyunal—guro, doktor, inhenyero atbp.—sa paggamit ng kanilang karunungan na may
kabayaran ang serbisyo sa lipunan.

Hindi, kailanman sa pangkalahatan, inaalintana ng mga propesyunal ang kagalingang


panlipunan sa kanilang opisyo o paghahanapbuhay. Mahina o tahasang wala sa talino ng mga
propesyonal yaong pagpapahalagang pantao, panlipunan, pambayan at pambansa. Makasarili
ang mga propesyonal. Hatid ito ng napakasamang sistemang sosyal na malakolonyal at
malapyudal na tahasang siklo sa reyalidad ng ekonomiya, pulitika at hanggang sa antas ng
kultura.

Sa pagkatao, napupukaw ang pagkamakasarili dahil tandisang nakasanib sa kamalayang


panlipunan ang kalikasang hayop at nakatining ito sa kultura ng bayan. Matira-matibay ang
pilosopiya ng buhay sa lipunang Pilipino. Sapagkat nabuo na ng kabihasnan ang kolektibong sarili
sa kilatis ng katauhan ng mga uri ng pagkatao sa lipunan. Nagmamalasakitan ang iwing
kolektibong sarili sa kauri na kapinsalaan o kapahamakan naman ng ibang uri. Nagagatungan pa
ang pansariling tendensya ng magkakahidwaang kolektibong sarili sa mga uri ng mga tao sa
lipunang Pilipino ng kaisipang rehiyonalismo. Isang anyo ng kulturang pyudal ang
rehiyonalismo—makitid sa pananaw ng katuturan ng salimuhaang panlipunan na balakid sa
pambayan at pambansang kagalingan.

Ang mapaminsalang talino ng mga Pilipino, sa punto ng kabutihang panlipunan at


kagalingang pambansa, ay dulot ng dispalinghadong edukasyong itinataguyod ng paaralan o
akademya. Katunayan, tinutulan nga ng mga kabataang estudyante ang edukasyong komersyal,
kolonyal at pormalistiko.

Aktibong mawawasak ang pagkamakasarili sa kolektibong sarili ng mga uri ng pagkatao


sa lipunan sa pamamagitan lamang ng karunungang Pilipino, na mula sa mga karanasan ng
sambayanang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanaw—sinisinop ng akademya—para sa
kaunlaran ng bansa at kabutihan ng sambayanang Pilipino. Wikang Filipino, na bigkis ng iba-
ibang wikang lalawiganin o bernakular, ang tanging makalilinang sa talino ng sambayanan na
makatao, makalipunan, makabayan at may pandaigdigang pananaw.

Sa dinamismo ng talinong makalipunan mapaghuhunos sa katauhan ang makasariling


tendensya. Ang uri ng pagkatao na pangunahing itinatakda sa relasyon sa produksyon ng
yamang panlipunan ay gradwal na mapupurga (itatakwil ang kahayupan sa sarili) sa radikal na
paglilinis sa katauhan ng edukasyong makatao. Titining sa kultura ng bayan ang diwang makatao.

Epistemolohiya, agham ng karunungan, ang lunsaran at sinupan ng pambansang


karunungan na Filipinolohiya: pilosopiyang Pilipino, lohikang Pilipino at paninindigang Pilipino. Sa
katuturang akademiko ang Filipinolohiya ay ukol sa mga kursong dapat bukal ng mga
katalinuhang panlipunan na inter-aktibong pinagsisikhayan ng guro at estudyante sa sitwasyong
pedagohikal.

40
Totoo, mabuti at maganda sa pambansang praxis (aksiyon at repleksyon) na sinisihop sa
agham at sining na sasalamin sa kabutihan ng lipunan ang tungkulin ng akademya na
Filipinolohiya ang oryentasyon.

May pananagutan ang mga guro sa akademya sa pananatili ng mapaminsalang talinong


nakasanib sa kamalayang panlipunan ng kabihasnang Pilipino. Dapat magtika ang kaguruan at
magiting na harapin ang marawal at malagim na reyalidad sa lipunan. Mababago nila ang
reyalidad kung babaguhin muna ng kaguruan ang angking talinong hinubog ng pormal na maling
edukasyon. Inuuk-ok ng mapaminsalang talino ang bait/katinuan ng kaguruan sa partikular at sa
pangkalahatan ang diwang makabayan at progresibo na maghahatid sa lipunan sa kaluwalhatian.

Masakit ilahad ngunit ito ang totoo: sa mapanuring pagkukuro, mistulang punerarya ng
utak ang akademya at ang mga guro ay embalsamador ng talino.

Masakit ang katotohanan ngunit nagtuturo. ###

(ibinahagi ng manunulat ang mga kabatiran sa ginanap na talamitan-diwa ng mga estudyante at


guro ng kagawaran ng Filipinolohiya bilang pagpupugay sa buwan ng wikang pambansa na
ginanap sa bulwagang Amado V. Hernandez ng PUP. Agosto 20, 2004.)

TALASANGGUNIAN

1. Richard Pierre Claude, Eduating For Human Rights, “The Philippines and Beyond,”
University of the Philippines Press, Quezon City, 1996

2. Robin Blackburn, Ideology in Social Science (Collection of 14 critical discourses by 14


essayists.), Vintage Books, New York, 1973

3. Hans Magnus Enzenberger, The Consciousness Industry, Seabury Press, New York 1976

4. Alice G. Guillermo, Phd., Ideology and Consciousness, Gapas Series, 1990

5. Pedrino A. Guareschi, A Critical Sociology, (National Pastoral Commission on Youth,


Uruguay, 1987)

6. David Ingram, Critical Theory and Philosophy, (Paragon House, New York, 1990)

7. Renato Constantino, Insight and Foresight, (Foundation for nationalist Studies, Quezon
City 1896)

8. Arnold Molina Agurin, Reinventing the Filipino, “Sense of Being and


Becoming”, UP Press, 1995

9. Paulo Freire, The Politics of Education, Bergin and Garvey Publishers, Inc.,
Massachusettes, 1985

10. Mina M. Ramirez, Reflection on Culture, (Monograph, Asian Social Institute, 1993)

11. Jaime B. Veneracion, Phd. , Agos ng Dugong Kayumanggi, (Education Forum, 1987)

41
12. Stephen Frosh, The Politics of Psychoanalysis, (Macmillan Education)

13. George Luckas, History and Class Consciousness, MIT Press Combridge,
Masachussettes, 1971)’

14. John V. Pavlik, Everette E. Dennis, Demystifying Media technology, Mayfield Publishing
Company, London, 1993

Panglimang Talakay
Sa bahaging ito ay tatalakayin ang pinaka esensya ng nilalaman ng Wisyo ng Konseptong
Filipinolohiya ni Abadilla at kung papaanong ang Filipinolohiya ay nakatutugon at makatutulong
sa pagkamit ng totoong pambansang pag-unlad. Mahahati ang talaga sa tatlong bahagi, una ay
ang pagbubuod sa papel ni Abadilla hinggil sa konseptong Filipinolohiya, pangalawa ay ang kung
papaano magagamit ang Filipinolohiya bilang isang kaisipang lapat sa pambansang pag-unlad at
ang huli ay ang pagbibigay ng mga halimbawa ng pagpapaunlad gamit ang konseptong
Filipinolohiya.

Wisyo ng Konseptong Filipinolohiya

Sa talakay na ito ni Abadilla ay binigyan ng tuon ang kahalagahan ng pagkilala sa angking


kasaysayan, kalinangan at pangkalahatang panlipunang karanasan ng isang bayan/bansa sa
paglikha ng talino at pag-unlad. Tinukoy niya ang ilan sa mga pangunahing dahilan ng pagkaligaw
ng kamalayan ng mga Filipino katulad ng mga pananakop ng banyaga na nakapagpabago sa
kultura ng bansa, mga polisyang politikal at ekonomikal at maging ang sistemang pang-
edukasyon. Hindi rin nawala sa kanyang pagtalakay ang tunggalian sa pagitan ng uri na
mayroong malaking epekto sa kabuuang danas ng mga Filipino. Sa unahang bahagi ng papel ay
agad niyang binanggit ang heopulitika na isa rin sa mga pangunahing dahilan ng mga tunggaliang
ito. Ang heopulitika bilang isang bahagi ng kaalaman ng tumutukoy sa kung papaano
naapektuhan ng heograpiya ng isang partikular ng lugar ang takbo ng pulitika at ugnayang
pandaigdig ay kaikitaan ng malaking koneksyon sa mga pananakop na pinagdaanan ng bansang
Pilipinas. Dahil sa yaman na taglay ng bansa, o sa posisyon niyo sa pasipiko o sa kung ano pa
mang kadahilanan, naging mainit sa mata ng mga dayuhang mananakop ang bansa, mula sa
gobyernong praylokrasya ng Espanya, kolonyal na pamahalaang Amerikano at maging sa mga
Hapones.
Malaki ang ikinintal sa aspetong kultural, ekonomikal at pulitikal ng mga pananakop na
nabanggit. Kung kaya’t kahit natapos na at naisakasaysayan ang mga ito ay patuloy pa rin na
umiiral ang impluwensya ito sa mga Filipino. Sa kultural na aspeto, mababatid ito sa lebel ng
pagpapahalaga ng mga Filipino sa konsepto ng bayan, wika, lipunan at maging sa
pagkakakilanlan o identidad. Maraming pa rin indikasyon ang kolonyal na kamalayan at
pagpapahalaga. Halimbawa sa wika, katulad ng nabanggit na sa itaas, higit na may
pagpapahalaga sa wikang Ingles sa larangan ng talastasan sa agham, matematika, medisina,
korporadong kalagayan at iba pa. Dulot ito ng oryentasyong pulitikal na may malaking kaugnayan
sa ekonomikal na aspeto ng mga namumuno sa bansa. Binanggit ni Abadilla ang kahalagahan
ng pagkilala sa sariling karanasan, kalinangan at talinong bayan sa pagkamit ng kaunlaran.
Binanggit din niya ang kahalagan ng pagkilala sa bawa’t isa (lahat ng bahagi ng lipunang Filipino
mula Luzon, Visayas at Mindanao) bilang bahagi ng kabuuan sa paglikha ng mga polisiya o
programang pangkaunlaran at hindi ang sariling interes lamang bilang batayan ng pag-unlad.

42
Dahil sa kaisipang inihahaiin ng huli, isang kaisipang hindi talaga nakatuon sa kapakanan ng higit
na nakararami kundi ng sarili, hindi makamit ang totoong pambansang kaunlaran. Sapagkat, ang
konsiderasyon sa pulitikal na aspeto ay nagsisilbi pa rin sa ganansya ng iilan na impluwensyado
ng banyagang patakaran. Sa ganitong kaso ay mahihirapan talagang maibalik sa bayan ang
sentro ng pagpapahalaga ng mga Filipino. Sa madaling salita, malakas ang wikang Ingles sa
bansa hindi dahil superyor ang wikang ito sa Filipino, kundi dahil ang mga popular o mga
hanapbuhay na mataas ang sweldo na nililikha para sa mga Filipino ay kailangan ang wikang
Ingles - ito ang isa sa mga halimbawa sa ekonomikal na aspeto. Handa naman ang mga Filipino
na pahalagahan ang kanyang sariling kalingan. Ngunit kailangan niyang kumain at magbigay ng
pantustos sa kanyang pamilya kung kaya’t higit siyang nakatuon dito. Kung makakamtan ang
ekonomikal na pag-unlad ng hindi isinasantabi ang taglay na sariling kalinangang bayan,
makakamit ang totoong pambansang kaunlaran.

Ito ang pinupunto ni Abadilla sa Wisyo ng Konseptong Filipino, aniya;

“Totoo, mabuti at maganda sa pambansang praxis (aksiyon at repleksyon) na sinisihop sa agham


at sining na sasalamin sa kabutihan ng lipunan ang tungkulin ng akademya na Filipinolohiya ang
oryentasyon.”

Kailangan ang oryentasyong Filipinolohiya sa pagsisinop ng mga karanasan ng bayan


upang ito ay maging talinong bayan. Ang proseso ng pagsisinop ay tumutukoy sa sistema ng
edukasyon na meron ang bansa. Sa bahaging ito, dapat ginagabayan ng Filipinolohiya ang
sistemang pang-edukasyon upang maiproseso ng tama ang mga karanasan ng bayan. At dahil
ang nabanggit na kaisipan ay maroong pagpapahalaga sa sariling kalinangan at kasaysayan ng
bansa, higit itong magiging lapat at makakabuo ng isang talino may katuturan sa pambansang
pangagailangan. Pagkatapos nito, ang talinong malilikha ay ang magiging karunungang gagabay
sa paglikha ng mga pangangailangan sa lipunan. Mga pangangailangang naaayon sa mga
kalakasan at kapasidad ng bansa. Tumutukoy ito sa mga polisiya, patakaran, batas, hanapbuhay,
serbisyo, industriya at iba pa. Lalakas ang kultural na pagpapahalaga ng bansa kung kaagapay
nito ang pulitikal at ekonomikal na bahagi. Ngunit makakamtan lamang ito kung ang oryentasyong
gumagabay ay may pagpapahalaga sa bansa katulad ng Filipinolohiya.

Makikita ang mga halimbawang ito sa mga tagumpay ng ibang bansa. Halimba ang
bansang Korea, nagagamit nila ang kanilang wika hanggang sa mataas na diskursong
pampamantasan. Hindi lamang ito natatali sa mga talakayan sa agham palipunan ngunit sa lahat
ng larangan at industriya. Ganito rin ang kalagayan ng iba pang mga bansa sa daigdig katulad
ng bansang Tsina, Hapon, at iba pang bansa sa labas ng Asya katulad ng bansang Pransa at iba
pa. Bagamat wika pa lamang ang aspetong nabanggit, malaking indikasyon ito na magkaagapay
na umuunlad ang aspetong kultural, ekonomikal at pulitikal ng bansa at hindi pamantayan ng
talino o kamangmangan kung nakapagsasalita ng wikang Ingles ang isang indibiduwal.

Sa isang simpleng dayagram sa ibaba ay ipapakita ang mga talakay na nabanggit sa itaas
mula sa mga karanasang bayan tungo sa pagpoproseso nito gamit ang oryentasyong
Filipinolohiya upang maging talinong bayan at maging karunungang gagabay sa paglikha ng
mga pangangailangan sa lipunan para sa pambansang kaunlaran.

43
Filipinolohiya tungo sa Pambansang Kaunlaran

(interpretasyong padayagram ni Leomar P. Requejo, nasa papel na “Pahabing Pag-unawa sa mga Batayang Perspektibong Nakapaloob sa Pag-aaral ng Philippine Studies sa Pilipinas”)

44
Halimbawa ng Pagpapaunlad gamit ang Filipinolohiya

Kailangan lamang ituon sa punto ng pagtingin sa mga kalinangang bayan upang madaling
maunawaan kung papaano ito pauunlarin. Mula sa nakagawiang pagkamangha sa mga
tagumpay at kakayanan ng mga dayuhan ay ilipat ito sa pagtingin sa mga kalakasan ng bansa.
Ang Filipinolohiya ay hindi nangangahulugan ng pagsasara sa talinong ambag ng ibang lahi sa
mga Filipino, ngunit sa prosesong ginagabayan ng oryentasyong ito - higit na nakatuon sa
solusyong nanggagaling sa loob ng bansa. Mula sa sariling kultura, kasaysayan, kalinangan,
talino, yaman, lipunan ay babalangkas ng mga programang pagpapaunlad. Sa kabilang banda,
titingnan kung papaano pinagtatagumpayan ng ibang bayan o bansa ang kanilang mga
programa, ngunit hindi ito gagayahin o tahasang ilalapat sa kalagayan ng sariling bansa. Pag-
aaralan kung papaano ito makatutulong sa pagpapa-unlad ng higit na lapat at naaayon sa
kalagayang kultural, ekonomikal at pulitikal ng bansa.

Maraming mga karanasang bayan ang hindi tuluyang nagiging talino dahil sa oryentasyon
kolonyal. Halimbawa, maraming halamang gamot ang tumutubo sa Pilipinas. Sa kaso ng
medisina, nuon pa man ay ginagamit na ito ng mga Filipino sa panggagamot ng ilang mga
karamandaman. Ganito rin ang kalagayan ng ibang bansa, ngunit kaiba sa atin, ang paggamit ng
mga halamang gamot ay hindi iminumungkahit ng Kagawaran ng Kalusugan dahil sa isang
popular na dahilan, hindi pa ito napapatunayan ng siyensya. Ang siyentipikong prosesong ito ay
pumapaloob sa pagsisinop na prosesong nabanggit sa itaas, kailangan ito upang maitawid mula
sa isang primitibong gawi tungo sa isang siyentipikal na proseso katulad na lamang ng nangyari
sa dahoon ng Tawa-tawa na kamakailan lamang ay naiproseso na bilang isang gamot para sa
sakit na dengue. Sa isang aritukulo mula sa Philippine Council for Health Research and
Development – Department of Science and Technology na pinamagatang Tawa-tawa Contains
Active Ingredients that may help Dengue Hemorrhagic Fever (DHF) patients – study, sinabi na;

“Tawa-tawa (Euphorbia hirta), also known as “gatas-gatas,” is a hairy herb grown in open
grasslands, roadsides and pathways. This indigenous plant is considered as one of the most popular
folkloric treatment for dengue in the Philippines”

Sa artikulong dito, mula sa pagiging bahagi lamang ng katutubong panggagamot ay


iprinoseso ng mga mag-aaral ng medesina ng Unibersidad ng Sto. Tomas - Faculty of Pharmacy
ang kakayanan ng Tawa-tawa sa pagpapagaling ng dengue at nakitang mayroon itong mga
tinataglay na nagiging dahilan sa pagtaas ng bilang platelet. Dahil sa kanilang mga natukalasan
nagkamit ng unang gantimpala ang pag-aaral sa PCHRD – Grupo Medical Awards. Sa
kasalukuyan ay mayroon ng mga gamot na ginawa mula sa dahon ng Tawa-tawa na aprubado
ng FDA (Food and Drug Administration). Nagpapatunay lamang ito na maaaring gawin ang
parehong proseso sa iba pang halamang gamot sa Pilipinas. Ngunit hindi lamang sa mga
halamang gamot maaaring gawin ang mga pagpapaunlad, maaari itong gawin sa lahat ng
larangan hanggang sa mapagyaman ang lahat ng kalinangang bayan na mayroon ang bansa.
Habang pinauunlad ang mga kalinangang bayan ay lumilikha rin ng isang pambansang
industriya kayang panatilihin dahil sa mayroon at likas ang mga materyales sa bansa. Ilan pa sa
mga halimawa ay sa industriya ng pagkain. Bagamat naging dominante na ang impluwensya ng
mga banyaga sa industriya ng pagkain sa bansa, maraming pa rin sa mga Filipino ang piniling
paunlarin ang taal at orihinal na pagkaing Filipino. Bukod pa rito, higit ngayong nakikilala ang mga
pagkaing Filipino dahil paggiging malakas ng vlogging culture kung saan higit na madaling
naitatampok sa mas malaking bilang ng manunuod ang mga pagkain na mayroon sa Pilipinas.
Kasabay ng mga pagbabago sa kultura ay ang mga pagbabago o pagpapa-unlad sa mga
tradisyunal na pagkaing Filipino katulad ng paglalagay ng Malunggay sa pandesal, strawberry sa

45
taho, higit na pagdami ng sangkap ng halo-halo at iba pa. Ang hamon ng pagpapaunlad ng mga
mga delikasiya na mayroon sa Pilipinas at pagsisikap na ihanay ito o ihigit pa sa mga popular na
pagkaing banyaga na higit na tinatangkilik sa bansa ay posibleng mapagtagumapayan. Kailangan
lamang itong mapagyaman at mapaglaanan ng panahon.
Makatutulong naman ang malalim na pag-aaral ng kasaysayan at kultura sa pagbuo ng
mga polisiya ang programang pambansa. Halimbawa, ang malalim na pag-aaral ng sa mga
pamamaraan ng pamamalakad ng mga katutubo sa kanilang mga komunidad ay maaaring
gawing batayan sa pagbuo ng mga pamamaraan ng pamamalakad sa kasalukuyan. Dahil sa
sistemang higit na nakabalangkas sa kulturang banyaga, may mga bahaging hindi nakalapat sa
kalagayan ng bawat lipunan kung kaya’t mainam din na tingnan ang kultura at kasaysayan.
Sa bahagi naman ng agrikultura, ang isang uri ng pagsasaka na hindi naka depende sa
abono o pataba sa lupa (organic farming) ay magdudulot ng higit na magandang epekto sa mga
magsasaka. Marami ng sakahan sa bansa ang nakadepende sa paggamit ng kemikal pataba na
nagdudulot ng pagkamatay sa lupa sa matagal na panahon ng paggamit nito. Dagdag pa rito ay
ang mahal na presyo ng pataba na nagbabaon sa mga magsasaka sa utang lalo na kapag
binagyo o hindi naging maganda ang ani. Kung babalikan ang prosesong Filipinolohiya, maaaring
pag-aralan ang proseso ng mga katutubo sa pagtatanim dahil wala pa naming sistema ng
paggamit ng kemikal na pataba noon. Bukod dito, maaari din na sumangguni sa kasalukuyang
pananaliksik hinggil sa organic farming upang higit na maging epektibo ang mga pamamaraan.
Sa pamamagitan nito, maaaring makalaya ang mga magsasaka sa paggamit ng kemikal na
pataba na nagdudulot ng pinsala sa lupa, nagbabaon sa kanila sa utang ngunit higit sa lahat,
dahil walang kemikal at higit na may sustansya ang kanilang palay na maaaani.
Ilan lamang ito sa mga posibilidad at kalinangang maaaring paunlarin. Sa tulong ng
kasalukuyang antas ng edukasyon sa bansa ay hindi na imposible ang pagkamit ng ganitong uri
ng tagumpay. Ngunit upang ganap itong maisakatuparan, kailangan higit na mabatid ang
oryentasyong may pagpapahalaga sa kabuuang karanasan ng bansa – katulad ng Filipinolohiya
upang makalikha ng mga programang nakabatay sa siyensya at may katuturan sa mga
mamamayan ng Pilipinas.

46
Panggitnang Pagsusulit
I. Bigyan ng pagpapakahulugan ang mga sumusunod na konsepto (hindi lalagpas sa
limang pangungusap sa bawat pagpapakahulugan):
a. Filipinolohiya
b. Kalinangang Bayan
c. Talinong Bayan
d. Sikolohiyang Pilipino
e. Pilipinolohiya
f. Pantayong Pananaw
g. Pambansang Kaunlaran
II. Punan ang dayagram ng Filipinolohiya at Pambasang Kaunlaran at bigyan ng
maikling paliwanag (hindi lalagpas ng 15 pangungusap).

III. Mula sa talakay, tumukoy ng iba pang karanasang bayan at isaad paano mo ito ipo-
proseso upang maging talinong bayan. Magbigay ng limang halimbawa.
Halimbawa:

1. Karanasang Bayan: Pagsusuob bilang paraan ng panggagamot

Talinong Bayan: Pag-aaralan ang siyentipikal ng batayan ng suob


sa medikal na aspeto.

47
KABANATA 3
Filipinolohiya at/sa
Pambansang Kaunlaran

48
Pang-anim na Talakay
Ang Pambansang Industriya
Sa bahaging ito ng talakay ay ipapakita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
pambansang industriya sa pagkamit ng kaunlaran gamit ang oryentasyong nakasalig sa
Filipinolohiya. Dito ay sasagutin rin ang mga katanungan higinggil sa kung ano ang pambansang
industriyalisasyon, bakit ito mahalaga sa maunlad na ekonomiya, kakayanan ng bansa sa
pagkamit ng industriya, paano ito mapapaunlad at kung papaano ito maisusulong.
Gawain 5
Basahin ang Primer sa Pambansang Industriyalisasyon ng AGHAM (Advocates of Science and
Technology for the People).

49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
Gawain 6
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang kahulugan ng Pambansang Industriyalisyon?
2. Magbigay ng mga halimbawa ng mga pangunahing industriya na mayroon sa Pilipinas.
a. Tukuyin ito mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit
3. Batay sa talakay sa itaas, sa iyong palagay bakit mahalaga ang pagkakaroon ng
pambansang industriya sa ekonomiya ng bansa?
4. Ano-ano pa ang mga industriya sa bansa ang dapat paunlarin?

Pangpitong Talakay

Filipinolohiya tungo sa Pambansang Kaunlaran

Maaalalang nagsimula ang talakay ng asignatura sa pagtukoy sa mga pagbabagong


naganap sa kultura at kabuuang pagpapahalaga ng mga Filipino dahil sa mga pananakop. Ang
mga pagbabagong ito ay mag epekto hanggang sa kasalukuyan at patuloy pa rin namamayani
sa maraming Filipino. Ngunit sa kabila ng katotohanang ito ay ang pagpapakilala sa isang
konseptong muling nag-uugat, nagbabalik at nag-uugnay sa Filipino sa kanyang bayan o bansa
– ang Filipinolohiya. Bagamat madaling mabatid ang suliranin ng kolonyal na kalamayang
namamayani sa bansa, hindi ito nangangahulugan ng tuluyang pagkawala ng identidad o
pagkakakilanlan ng isang Filipino. Kailangan lamang itong muling pagyamanin, patatagin at
palaganapin sa pamamagitan ng siyentipakal na prosesong kumikilala at nagpapahalaga sa
karanasan, kasaysayan, kultura at kalinangang bayan. Sa pamamagitan ng isang Makabayan,
Siyentipiko at Makamasang Edukasyon, higit na malaki ang ang posibilidad ng pagsasakatuparan
ng ganitong hangarin. At katulad ng nabanggit sa itaas ito ay hindi lamang tumutukoy sa kultural
na pag-unlad kundi maging sa ekonomikal at pulitikal. Ang pag-unlad na inaasam at
pinahahalagahan ng oryentasyon nakasalig sa Filipinolohiya ay totoong pag-unlad ng bansa at
hindi ng iilan lamang. Hindi matatawag na ganap na pag-unlad ang pag-unlad na nakasentro sa
iilan lamang. Postibo ang pagkakaroon ng matatag na industriya kung ito ay mayroong
pagpapahalaga sa karanasan ng bansa, sa kabaliktaran – ito ay negatibo kung wala itong
pagpapahalaga. Halimbawa, sagana sa likas na yaman ang bansa, kung ito ay miminahin sa
isang prosesong may konsiderasyon sa kalagayan ng bansa ito ay makatutulong sa mga Filipino.
Kung Filipino ang magmimina sa sariling yaman, maunlad ang Pilipinas. Ngunit kung
magpapatuloy na banyaga ang makikinabang sa yaman ng bansa, iilan lamang ang
makikinabang at uunlad. Indikasyon nito ang mga nasisirang kabundukan, mga Filipinong
nawawalan ng tirahan at pinupwersang maghanapbuhay. Ito ay hindi pag-unlad dahil hindi
nakalapat at nakatingin sa kapakanan at kalagayan ng nakararami kundi ng iilan lamang.

Hindi man magiging madali ang proseso ng pagkikintal ng isang uri ng oryentasyong
nakasalig sa Filipinolohiya hindi ito nangangahulugan na hindi ito magtagumpay. Hanggat
natutukoy ng isang Filipino ang kanyang kaugnayan sa kanyang bansa o bayang sinilangan ay
lagging mayroong pagkakataon na muli itong maipaunawa at mapalaganap. Higit itong magiging
posible sa paglikha ng mga panitikan, pananaliksik, programa, batas at iba pang likha na
nagsusulong ng ganitong uri ng kamalayan. At kapag ito ay naging matagumpay, matatamasa ng
Filipino ang totoong pag-unlad ispirituwal man o materyal na aspeto. Sa Filipinolohiya, nakahihigit
sa pagmamahal sa sarili ang pagmamahal sa bayan at kay Bathala. Kung kaya’t ang hamon ng
higit pang pagpapaunlad sa mga kalinangang bayan ng bansa ang isa mga dapat pagtunuunan
ng pansin ng mga Filipino. Hindi basta ipagkakaloob ang pambansang pag-unlad, kailangan itong
paglaanan ng panahon, paggawa at pagmamahal.

61
KABANATA 4
Pagsulat ng Pinal na Kahingian

62
Pinal na Kahingian

Mula sa talakay ng Filipinolohiya tungo sa Pambansang Kaunlaran, pumili ng isang karanasang


bayan at talakayin ang nakikita mong proseso paaano ito magiging talinong bayan gamit ang
Filipinolohiya. Maaaring pumili mula sa larangan na may kaugnayan sa kursong kinukuha. Isulat
ang iyong talakay sa pormang sanaysay na naaayon sa sumusunod na pormat:

• Font Style: Arial


• Font Size: 12
• Spacing: 1.5
• Paper Size: Short
• Bilang ng Pahina:
o Min. – 3
o Max. – 7
• Kailangang mayroong pamagat ang sanaysay
• Ilagay rin ang ang batayang ginamit sa dulo ng sanaysay

Juan Dela Cruz ABF 1-1


Student Number Subject Code

Pamagat ng Sanaysay

63

You might also like