Professional Documents
Culture Documents
MGA GINAWA,
AT MGA ISINULAT
NI RIZAL
Maritess T. Valdez
Tarlac Agricultural University
Recommending Approval:
Assessment Strategies
Faculty shall be flexible but must be objective and fair in the choice
of instruments or strategies to be used; competency-based
Suggested Readings (optional) Maritess T. Valdez
Mjtantingco77@yahoo.com
Materials must be made available in media formats accessible to fb: Maritess
students; APA format TantingcoValdez
0928 551 9400
Grading System
Gawain / Pagsasanay 30%
Panahunang Pagsusulit 30%
Sulating Papel 40%
Kabuuan 100%
Class Policies
To be agreed upon with the class.
Appendix
Learning Resource Materials
I – Pagsilang ng Pambansang Bayani
Target Outcomes
Abstraction
Si Dr. Jose Rizal ay katangi-tanging halimbawa ng isang henyo ng maraming larangan na naging
pinakadakilang bayani ng isang nasyon. Biniyayaan ng Diyos ng maraming talino, maihahanay siya sa
ibang mga henyo sa buong daigdig. Siya ay isang doktor (siruhano sa mata), makata, mandudula,
mananalaysay, manunulat, arkitekto, pintor, eskultor, edukador, linggwista, musiko, naturalista,
etnolohista, agremensor, inhinyero, magsasakang negosyante, ekonomista, heograpo, kartograpo,
pilolohista, folkorista, pilosopo, tagapagsalin, imbentor, mahikero, humorista, satirista, polemisista,
manlalaro, manlalakbay, at propeta. Higit sa lahat, siya ay isang bayani at politikong martir na naglaan
ng kanyang buhay para sa katubusan ng mga inaaping kababayan. Hindi kataka-takang siya ang
itinanghal na pambansang bayani ng Pilipinas.
Pagsilang ng Isang Bayani. Si Jose Rizal ay isinilang sa gabing maliwanag ang buwan,
Miyerkoles, Hunyo 19, 1861, sa baybaying bayan ng Calamba, Laguna, Pilipinas. Muntik nang mamatay
ang kanyang ina sa panganganak dahil malaki ang kanyang ulo. Gaya ng isinalaysay niya kinalaunan:
“Isinilang ako sa Calamba noong Hunyo 19, 1861, sa pagitan ng ika-11 at hatinggabi, ilang araw bago
ang kabilugan ng buwan. Miyerkoles noon at ang pagdating ko sa lambak na ito ng luha ay muntik nang
ikamatay ng aking ina, mabuti na lamang at namanata siya sa Birhen ng Antipolo, sinabi niyang isasama
ako sa peregrinasyon.”
Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko ng kanyang bayan noong Hunyo 22, edad tatlong araw,
ng kura paroko, si Padre Rufino Collantes, na isang Batangueño. Ang kanyang ninong ay si Padre Pedro
Casanas, taga-Calamba at kaibigang matalik ng mag-anak na Rizal. Ang ngalang “Jose” ay pinili ng
kanyang ina na deboto kay San Jose.
Nang bininyagan siya, pinuna ni Padre Collantes ang malaking ulo ng sanggol, at sinabi sa mga
miyembro ng pamilyang naroon: “Alagaan ninyo ang batang ito, balang araw ay magiging dakila siya.”
Nagkatotoo ang sinabi niya, gaya ng matutunghayang pangyayari sa hinaharap.
Mga Magulang ni Rizal. Si Jose Rizal ang ikapito sa labing-isang anak nina Francisco Mercado
Rizal at Teodora Alonso Realonda. Ang ama ng bayani, si Francisco (1818-1898) ay isinilang sa Biñan,
Laguna, noong Mayo 11, 1818. Nag-aral siya ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila.
Noong bata pa, pagkaraang mamatay ng mga magulang, lumipat siya sa Calamba at naging kasamang
magsasaka sa asyendang pag-aari ng mga Dominiko. Masipag siya, bihirang magsalita, ngunit mas
maraming nagagawa, malakas ang pangangatawan, at maayos ang pag-iisip. Namatay siya sa Maynila
noong Enero 5, 1898 sa edad na 80. Sa tala ng kanyang buhay, tinawag ni Rizal ang kanyang ama na
“huwaran ng mga ama.”
Si Doña Teodora (1826-1911), ang ina ng bayani, ay isinilang sa Maynila noong Nobyembre 8,
1826, at nakapag-aral sa Kolehiyo ng Santa Rosa, isang kilalang kolehiyo para sa kababaihan sa lungsod.
Kahanga-hanga siyang babae, mabini kung kumilos, may talino sa panitikan, negosyo, at katatagan ng
isang babaing Sparta. Masuyo siyang inilarawan ni Rizal: “Ang aking nanay ay katangi-tangi; maalam
siya sa panitikan at mahusay mag-Espanyol kaysa akin. Siya ang nagwawasto ng aking mga tula at
binibigyan niya ako ng magagandang payo nang nag-aaral ako ng retorika. Siya ay mahusay sa
matematika at maraming aklat na nabasa.” Namatay si Doña Teodora sa Maynila noong Agosto 16,
1911 sa edad na 85. Bago siya namatay, nag-alay sa kanya ng pensiyon ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Ngunit magalang niyang tinanggihan ito. Sabi niya, “Ang aking pamilya ay hindi naging makabayan dahil
sa pera. Kung maraming pondo ang pamahalaan at hindi alam kung saan ito ilalaan, mabuti pang
babaan na lamang nila ang buwis.” Sa ganitong pananalita, pinatunayan niyang karapat-dapat siyang
maging ina ng pambansang bayani.
Ang mga Batang Rizal. Biniyayaan ng Diyos ang mag-asawang Francisco Mercado Rizal at
Teodora Alonso Realonda ng labing isang anak – dalawang lalaki at siyam na babae. Sila ang mga anak:
1. Saturnina (1850-1913) – panganay sa magkakapatid na Rizal, ang palayaw niya’y
Neneng; ikinasal siya kay Manuel T. Hidalgo ng Tanawan, Batangas.
2. Paciano (1851-1930) – nakatatandang kapatid na lalaki at katapatang-loob ni Jose
Rizal; pagkaraang bitayin ang nakababatang kapatid, sumapi siya sa Rebolusyon,
nagretiro siya sa kanyang bukid sa Los Baños, kung saan siya naging magsasaka at
namatay noong Abril 13, 1930, isang matandang binata sa edad na 79. May dalawa
siyang anak sa kanyang kinakasama (Severina Decena) - isang lalaki at isang babae.
3. Narcisa (1852-1939) – palayaw niya ay Sisa at ikinasal siya kay Antonio Lopez
(pamangkin ni Padre Leoncio Lopez), isang guro sa Morong.
4. Olimpia (1855-1919) – palayaw niya ay Ypia; ikinasal siya kay Silvestre Ubaldo,
isang operator ng telegrapo mula Maynila.
5. Lucia (1857-1919) – ikinasal siya kay Mariano Herbosa ng Calamba, na pamangkin
ni Padre Casanas. Namatay sa kolera si Herbosa noong 1889 at itinanggi sa kanya ang
isang Kristiyanong libing dahil bayaw siya ni Dr. Rizal.
6. Maria (1859-1945) – Biang ang kanyang palayaw; ikinasal siya kay Daniel Faustino
Cruz ng Binan, Laguna.
7. JOSE (1861-1896) – ang pinakadakilang bayaning Pilipino at henyo; ang kanyang
palayaw ay Pepe; habang desterado sa Dapitan, nakisama siya kay Josephine Bracken,
isang Irlandes mula Hongkong; nagkaanak siya rito ng lalaki ngunit ilang oras lamang
nabuhay ang sanggol pagkapanganak; pinangalanan siyang “Francisco” ni Rizal, sunod
sa ngalan ng ama, at inilibing siya sa Dapitan.
8. Concepcion (1862-1865) – ang kanyang palayaw ay Concha; namatay siya sa sakit
sa edad na 3; ang kanyang pagkamatay ay unang kalungkutang naranasan ni Rizal.
9. Josefa (1865-1945) – ang kanyang palayaw ay Panggoy; namatay siyang
matandang dalaga sa edad na 80.
10. Trinidad (1868-1951) – Trining ang kanyang palayaw; namatay rin siyang isang
matandang dalaga noong 1951 sa edad na 83.
11. Soledad (1870-1929) – bunso sa magkakapatid na Rizal; ang kanyang palayaw ay
Choleng; ikinasal siya kay Pantaleon Quintero ng Calamba.
Nagmamahalan ang magkakapatid. Noong bata, laging kalaro ni Rizal ang mga kapatid niyang
mga babae. Tulad ng ibang magkakapatid, nag-aaway din sila ngunit ng tumanda’y nanatili pa rin ang
paggalang ni Rizal sa kanyang nakatatandang kapatid na babae. Tinatawag niya silang Doña o Señora
(kung may-asawa) at Señorita (kung dalaga). Halimbawa, ang tawag niya sa kanyang nakatatandang
kapatid na si Olimpia ay “Doña Ypia,” sa panganay ay “Señora Saturnina,” at sa mga kapatid na dalaga
ay “Señorita Josefa” at “Señorita Trinidad.”
Sampung taon ang tanda ni Paciano, nag-iisang kapatid na lalaki, kay Rizal. Hindi lamang
nakatatandang kapatid na lalaki ang turing sa kanya kundi para na rin siyang pangalawang ama ni Rizal.
Sa buong buhay niya, lagi siyang iginagalang, hinihingan ng payo ni Rizal. Sa kanyang nobelang Noli
Me Tangere, binibigyang-buhay ni Rizal ang kanyang kapatid sa katauhan ni Pilosopo Tasio. Sa kanyang
liham kay Blumentritt, isinulat sa London noong Hunyo 23, 1888, sinabi ni Rizal na si Paciano ang
“pinakamaginoong Pilipino” at “kahit na isang indio, mas mapagbigay at maginoo siya kaysa mga
Espanyol, kahit pa pagsama-samahin silang lahat.” Sa susunod na liham para kay Blumentritt, isinulat
sa London noong Oktubre 12, 1888, ganito naman ang sinabi ni Rizal sa kanyang pinakamamahal na
kapatid na lalaki. “Mas mabini siyang kumilos kaysa sa akin; mas seryoso; mas malaki at mas
balingkinitan, hindi naman ganoong kayumanggi ang kulay; maganda at matangos ang ilong; ngunit
sakang.”
Ang mga Ninuno ni Rizal. Gaya ng karaniwang Pilipino, si Rizal ay produkto ng pinaghalo-
halong lahi. Sa kanyang mga ugat ay nananalaytay ang dugo ng Silangan at Kanluran – Negrito,
Indones, Malay, Tsino, Hapon, at Espanyol. Ngunit mas nakalalamang ang pagiging Malay niya at isa
siyang mahusay na ispesimen ng kalalakihan. Sa partido ng kanyang ama, ang kanunununuan niya ay
si Domingo Laméo, isang Tsinong imigrante mula Changchow, lungsod ng Fukien, na dumating sa
Maynila noong mga taong 1690. Naging Kristiyano siya, nakapangasawa si Ines de la Rosa, mayamang
Tsinong Kristiyano sa Maynila. Ginawa niyang Mercado ang kanyang apelyido na akmang-akma naman
sa kanya dahil siya ay isang mangangalakal. Sa Filipino, ang Espanyol na mercado ay “palengke”.
Nagkaanak sina Domingo Mercado at Ines de la Rosa, si Francisco Mercado. Si Francisco Mercado ay
nanirahan sa Biñan, nakapangasawa ng isang mestisang Tsinong Pilipino, si Cirila Bernacha, at nahalal
na gobernadorcillo (alcalde ng bayan). Isa sa mga anak nila, si Juan Mercado (lolo ni Rizal) ang
napangasawa ni Cirila Alejandro, isang mestisang Tsinong Pilipino. Gaya ng kanyang ama, nahalal din
siyang gobernadorcillo ng Biñan. Nagkaroon ng labintatlong anak sina Kapitan Juan at Kapitan Cirila,
ang bunso ay si Francisco Mercado, ang ama ni Rizal.
Namatay ang ama ni Francisco Mercado nang siya ay walong taong gulang, at lumaki siya sa
pag-aaruga ng kanyang nanay. Nag-aral siya ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila.
Habang nag-aaral ay nakilala niya’t umibig siya kay Teodora Alonso Realonda, isang estudyante sa
Kolehiyo ng Santa Rosa. Ikinasal sila noong Hunyo 28, 1848, at pagkaraa’y nanirahan sa Calamba, kung
saan pagsasaka at negosyo ang ibinuhay nila sa malaki nilang pamilya.
Sinasabing ang pamilya ni Doña Teodora ay nagmula kay Lakandula, ang huling katutubong
hari ng Tondo. Ang kanyang kanunu-nunuan (lolo sa tuhod ni Rizal) ay si Eugenio Ursua (may lahing
Hapon) ay nakapangasawa ng isang Pilipino, si Benigna (walang nakakaalam ng apelyido). Ang kanilang
anak na si Regina ay ikinasal kay Manuel de Quintos, isang abogadong Tsinong-Pilipino mula
Pangasinan. Isa sa mga anak nina Abogado Quintos at Regina ay si Brigida, na napangasawa ni Lorenzo
Alberto Alonso, isang kilalang mestisong Espanyol-Pilipino ng Biñan. Ang kanilang mga anak ay sina
Narcisa, Teodora (ina ni Rizal), Gregorio, Manuel, at Jose.
Ang Apelyidong Rizal. Ang tunay na apelyido ng mag-anak na Rizal ay Mercado, na ginamit
noong 1731 ni Domingo Lameo (kanunu-nunuan ni Rizal sa partido ng kanyang ama) na isang Tsino.
Ginamit ng mag-anak “Rizal”- na ibinigay ng isang Espanyol na alcalde mayor (gobernador ng lalawigan)
ng Laguna, na kaibigan ng pamilya. Kaya sabi ni Rizal sa sulat niya kay Blumentritt (walang petsa ng
pagkakasulat ni lugar kung saan isinulat):
Ako lamang ang Rizal dahil sa aming bahay, ang mga magulang ko’t
kapatid, pati na ang ibang kamag-anak ay tinatawag sa dati naming apelyido,
ang Mercado, ngunit napakaraming Mercado sa Pilipinas na hindi naman
naming kamag-anak. Sinasabing isang kaibigan ng pamilya ang nagbigay sa
amin ng apelyidong Rizal. Hindi naman ito gaanong pinapansin ng aking
pamilya, ngunit ngayon ay kailangan kong gamitin iyon sa ganitong paraan,
nagmumukhang anak ako sa labas.
“Sinumang alcalde mayor iyon,” puna ni Embahador Leon Ma. Guerrero, na naging diplomata
at kilalang Rizalista, “naging mahusay ang pagkakapili niya sa apelyidong Rizal. Sa Espanyol, ito ay
isang bukid na tinatamnan ng trigo, inaani habang lunti pa, at muling tutubo.”
Ang Tahanan ng mga Rizal. Ang tahanan ng mga Rizal, kung saan isinilang ang bayani, ay
isang katangi-tanging bahay-na-bato sa Calamba noong Panahon ng Espanyol. May dalawa itong
palapag, parihaba ang hugis, gawa sa batong adobe at matigas na kahoy, at may bubong na pulang
tisa. Ganito ang paglalarawan ni Dr. Rafael Palma, mananalambuhay ni Rizal.
Mataas at malaki ang bahay, matatag at may laban sa lindol, may mga
bintanang kapis. Malalapad ang mga pader sa unang palapag, gawa sa apog at
bato; ang ikalawang palapag ay gawa sa kahoy, liban sa bubong na pulang tisa;
ang estilo ay tulad ng mga gusali sa Maynila nang panahong iyon. . . Sa likod ay
may azotea at malapad at malalim na imbakan ng tubig-ulan para magamit sa
bahay.
Isa itong masayang tahanan kung saan naghahari ang pagmamahal ng mga magulang at
tawanan ng mga bata. Sa umaga, maririnig dito ang pag-iingay ng mga batang naglalaro at awitan ng
mga ibon sa hardin. Sa gabi, maririnig naman ang malumanay na himig ng isang pamilyang nagdarasal.
Ito ang masayang tahanan ng mga Rizal. Ito ang masayang tahanang kinalakhan ni Rizal.
Patunay ng pagiging mayaman nila, nakabili at nakapagpatayo ng malaking bahay ang mga
magulang ni Rizal sa tabi ng simbahan at nakabili pa sila ng isang bahay. Mayroon silang karwahe na
simbolo ng mga ilustrados ng panahong iyon, at isang pribadong aklatan (pinakamalaki sa Calamba) na
may mahigit 1,000 tomo. Napag-aral nila ang mga anak sa mga kolehiyo sa Maynila. Mayaman at
edukado, magalang at mapagbigay, nakikibahagi sila sa mga gawaing pansibiko at panrelihiyon ng
kanilang komunidad. Mabubuti silang maybahay sa mga panauhin – mga prayle, Espanyol na opisyal,
at kaibigang Pilipino – kapag pista ng bayan at iba pang pista. Sa kanilang tahanan, lahat ng panauhin,
anuman ang kanilang kulay at katayuan sa lipunan, ay malugod na tinatanggap.
Ang Buhay ng mga Rizal. Payak ngunit masaya ang buhay-pamilya ng mga Rizal. Tulad ng
ibang mag-anak na Pilipino, malapit sa isa’t isa ang mag-anak na Rizal. Bagaman mahal na mahal nina
Don Francisco at Doña Teodora ang mga anak nila, hindi naman nila pinalaki ang mga ito sa layaw.
Istrikto silang magulang at tinuturan nila ang mga anak na magmahal sa Diyos, kumilos nang ayon sa
kagandahang asal, maging masunurin, at maging magalang sa lahat, lalo na sa mga nakatatanda sa
kanila. Noong bata pa, kapag may ginawang kalokohan, pinapalo nila ang mga anak, kasama na si Jose
Rizal. Naniniwala sila sa kasabihang “Kundi papaluin ang bata, lalaki ito sa layaw.”
Araw-araw ay nakikinig sa misa ang mga Rizal (mga magulang at anak) sa simbahan ng kanilang
bayan, lalo na kapag Linggo at pista opisyal. Sama-sama silang nagdarasal sa bahay – Orasyon kapag
takip-silim at Rosaryo bago matulog sa gabi. Pagkatapos magdasal, nagmamano ang mga anak sa mga
magulang.
Ngunit hindi naman dasal at pagsisimba lamang ang buhay ng mga batang Rizal. Mayroon din
silang panahon para maglaro. Masaya silang naglalaro sa azotea o hardin. Ang mga nakatatandang
kapatid ay pinapayagang makipaglaro sa mga bata buhat sa ibang pamilya.
Utilization of Learning
Supplementary Materials
II – Kabataan sa Calamba
Target Outcomes
Abstraction
Masasaya ang mga alaala ni Jose Rizal sa kanyang kabataan sa Calamba. Naging masaya ang
kanyang tahanang pinamumunuan ng butihin nilang magulang, umaapaw sa tuwa’t ligaya, at
binabasbasan ng Diyos. Ang bayang sinilangan na Calamba, na ang ngalan ay nagmula sa salitang
“banga”, ay magandang kanlungan ng isang bayani. Ang magagandang tanawin nito, pati na ang
masisipag at mabubuting naninirahan dito ay nakatulong nang malaki sa paghubog ng pag-iisip at ugali
ni Rizal. Ang pinakamasayang bahagi ng buhay ni Rizal ay nangyari sa baybaying bayang ito, isang
karapat-dapat na panimula sa kanyang mala-Hamlet na trahedyang pagbibinata.
Minahal ni Rizal ang Calamba nang buong puso niya’t kaluluwa. Noong 1876, nang siya ay
labinlimang taong gulang at estudyante sa Ateneo Municipal de Manila, naalala niya ang bayang
sinilangan. Bunga nito, nakasulat siya ng isang tula, “Un Recuerdo A Mi Pueblo” (Isang Alaala sa Aking
Bayan). Ito ang nilalaman ng tula:
Mga Alaala ng Kabataan. Ang unang alaala ni Rizal, sa kanyang kamusmusan, ay ang
masasayang araw niya sa hardin ng kanilang tahanan nang siya ay tatlong taong gulang. Dahil siya ay
masakitin at maliit na bata, siya ay alagang-alaga ng kanyang mga magulang. Ipinagpatayo siya ng
kanyang ama sa kanilang hardin ng maliit na bahay kubo na mapaglalaruan niya sa araw. Isang mabuti
at matandang babae ang inupahan para maging yaya niya. Minsan, kapag naiiwan siyang mag-isa,
naglalaro siyang mag-isa o kaya’y pinagmumuni-munihan niya ang kagandahan ng kalikasan. Naisulat
niya sa kanyang talaarawan na noong tatlong taong gulang siya, pinanonood niya sa kanyang bahay
kubo ang paglalaro ng mga ibong kilyawan, maya, maria kapra, martines, at pipit, pinakikinggan nang
“buong paghanga” ang matimyas na huni ng mga ibon.
Isa pang magandang alaala ni Rizal ay ang araw-araw na pagdarasal nila tuwing Orasyon.
Pagdumilim na, kuwento ni Rizal, tinitipon ng kanyang ina ang mga anak para makapagdasal na sa
Orasyon.
Naalala niya ang pagrorosaryo ng pamilya sa mga gabing iniilawang ng mabilog na buwan ang
kanilang azotea. Pagkatapos ng rosaryo, nagkukuwento ang yaya sa mga batang Rizal (kasama si Jose)
ng mga kuwento tungkol sa mga engkantada, kuwento ng mga nabaong yaman at punong namumunga
ng brilyante, at iba pang kuwento ng kababalaghan. Ang mga malikhaing kuwentong ito ang pumukaw
sa interes ni Rizal sa mga alamat at kuwentong-bayan. May mga gabing ayaw kumain ng hapunan si
Rizal kaya tinatakot siya ng kanyang yaya sa mga aswang, nuno sa punso, tikbalang, at balbas-saradong
Bombay na kukuha sa kanya kung hindi siya maghahapunan.
Isa pang alaala niya’y paglalakad sa bayan, lalo na kapag maliwanag ang gabi. Kapag kabilugan
ng buwan, isinasama siya ng kanyang yaya sa may ilog, kung saan nakatatakot na imahen ang
inihuhubog ng mga anino ng puno rito. Sabi ni Rizal: “Dahil ang aking puso ay maraming malulungkot
na kaisipan kahit pa musmos ako, natuto akong lumipad sa mga bagwis ng pantasiya sa matataas na
rehiyon ng kababalaghan.”
Ang Unang Kalungkutan ng Bayani. Malapit sa isa’t isa ang magkakapatid na Rizal.
Tinuruan sila ng kanilang magulang kung paano magmahalan at magtulungan.
Sa mga kapatid na babae, pinakamamahal ni Rizal si Concha (Concenpcion). Isang taon ang
tanda niya kay Concha. Siya ang kala-kalaro ni Concha at mula sa kapatid ay natutunan niya ang
pagmamahal.
Ngunit sa kasamaang-palad, namatay si Concha sanhi ng sakit noong 1865 nang siya ay tatlong
taong gulang. Si Jose, na tunay na natutuwa sa kapatid, ay labis na nalungkot sa pagkamatay nito.
“Nang ako ay apat na taong gulang,” sabi niya, “namatay ang aking nakababatang kapatid na si Concha,
at iyon ang unang pagkakataong lumuha ako dahil sa lungkot at pagmamahal …” Ang pagkamatay ni
Concha ang unang kalungkutan niya.
Sa edad na 3, kasama na siya sa pagdarasal ng pamilya. Ang kanyang ina, na isang debotong
Katoliko, ang nagturo sa kanya ng mga dasal. Nang siya ay limang taong gulang, marunong na siyang
magbasa ng Bibliya ng pamilya na nasa wikang Espanyol.
Palasimba si Rizal. Doon siya nagdarasal, sumasama sa mga nobena, at sumasama rin sa mga
prusiyon. Sinasabing napakarelihiyoso niya kaya tinutukso siyang “Manong Jose” ng mga Hermanos at
Hermanas Terceras.
Isa sa mga iginagalang at pinagpipitaganan ni Rizal sa Calamba noong siya’y bata pa ay si Padre
Leoncio Lopez, ang kura ng bayan. Madalas binibisita siya ni Rizal para pakinggan ang mga
makabuluhan nitong opinyon sa mga nangyayari sa paligid. Hinahangaan din niya ang pilosopiya nito
sa buhay.
Ito ang unang pagtawid ni Jose sa Lawa ng Laguna at unang peregrinasyon sa Antipolo. Siya’t
kanyang ama ay sumakay sa isang kasko. Tulad ng ibang bata, tuwang-tuwa si Rizal sa una niyang
paglalakbay. Hindi siya nakatulog ng buong gabi habang tinatawid ng kasko ang Ilog Pasig dahil totoong
namangha siya sa “kagandahan ng lawa at katahimikan ng gabi.” Isinulat niya ang karanasang ito
kinalaunan, “Kay sayang panoorin ang pagsikat ng araw; at sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko
ang pagpulandit ng silahis ng araw at paglatag ng liwanag sa buong lawa.”
Isang gabi, ang buong pamilya, liban sa akin at aking ina, ay maagang natulog.
Hindi ko alam kung bakit kami na lamang ng aking ina ang gising noon. Pinatay na naming
ang ningas ng kandila. Pinatay na namin ang ningas sa globo sa pamamagitan ng isang
kurbadang tubong gawa sa lata. Ang buong silid ay inilawan lamang ng isang lamparang
pinagniningas ng langis ng niyog. Ganito ang ilaw sa maraming bahay ng mga Pilipino.
Sinisindihan ito kapag nagtatakipsilim na.
Nang gabing iyon, hindi na alam ng aking ina kung ano ang gagawin sa akin
dahil nakikita niyang nahihirapan ako sa pagbasa. Hindi ko maunawaan ang Espanyol
kaya hindi ako makabasa nang may damdamin. Kinuha niya ang aklat sa akin. Una,
pinagsabihan niya ako dahil ginuhitan ko ito ng mga nakatatawang larawan. Pagkatapos
ay sinabi niya sa akin na making ako at siya ang magbabasa. Noong malinaw pa ang
kanyang paningin, nakababasa siya nang mahusay. Mahusay din siyang bumigkas ng tula,
at nakauunawa sa paggawa ng berso. Sa maraming pagkakataon, tuwing bakasyon ng
Kapaskuhan, iniwawasto niya ang mga isinulat kong tula, at lagi na lamang siyang may
magagandang puna.
Nang marinig ko ang salitang “kuwento”, mabilis na nagdilat ang aking mata.
Para sa akin, ang salitang “kuwento” ay pangako ng mga bago’t magagandang bagay.
Pinanood ko ang aking ina habang binubuklat niya ang aklat, na parang may hinahanap.
Punong-puno ako ng katanungan, ni sa hinagap ko’y di ko naisip na may mga kuwento sa
lumang aklat na binabasa ko kahit di ko naiintindihan. Sinimulan ng aking ina ang
pagbasa ng pabula tungkol sa batang gamugamo at inang gamugamo. Isinalin niya sa
Tagalog.
Nagsimulang umigting ang aking interes sa unang pangungusap pa lamang.
Binalingan ko ang ningas at napatitig sa mga gamugamong lumilipad nang paikot dito.
Parang pinagtiyap na panahon sa kuwento ni Ina. Inulit-ulit ng aking ina ang babala ng
inang gamugamo. Ito ang pinagtuunan niya ng pansin at patungkol ito sa akin. Narinig ko
siya, ngunit mas pinag-iisip ako ng ningas na lalong gumaganda habang tinititigan ko.
Talaga namang kinaiinggitan ko ang mga kulisap. Masaya silang nakikipaglaro sa ningas,
kung kaya’t ang mga nadarang ng apoy at nalaglag sa langis ay di man lamang nakatigatig
sa akin.
Patuloy sa pagbabasa ang aking ina at nakinig naman ako. Masyado akong
naging interesado sa magigimg kapalaran ng dalawang kulisap. Gumulong ang
ginintuang dila ng ningas sa isang gilid, at nadarang nito ang gamugamo, nalaglag sa
langis, saglit gumalaw, at pagkaraa’y naging tahimik. Parang mahalagang pangyayari
iyon sa akin. May naramdaman akong pagbabago sa sarili. Pakiramdam ko’y lumalayo
ang ningas at mga gamugamo habang ang boses ng aking ina ay kakaiba na. Hindi ko nga
napunang natapos na ang aking ina sa pagkukuwento ng pabula. Ang buong atensiyon
ko’y nakatuon sa mukha ng kulisap. Pinagmasdan ko ito nang buong kaluluwa … Namatay
itong martir sa sariling ilusyon.
Habang pinatutulog ako ng aking ina, sinabi niya: “Sikapin mong huwag tularan
ang batang gamugamo. Huwag kang suwail nang di ka masunog.” Hindi ko alam ang
aking isinagot …. Maraming bagay na di ko alam ang ibinunyag ng kuwento sa akin. Mula
noon, ang mga gamugamo, para sa akin, ay di na walang kuwentang kulisap. Nagsasalita
ang gamugamo, marunong silang magbabala. Pinayuhan nila ako, gaya ng ginagawa ng
aking ina. At ang ningas ay lalong naging mas maganda para sa akin. Naging mas
makinang at kaakit-akit ito. Alam ko na ngayon kung bakit iniikutan ito ng mga gamugamo.
Mga Talinong Pansining. Mula pagkabata, naipakita na ni Rizal ang mga talino niya sa sining
na biyaya sa kanya ng Diyos. Sa edad na 5, gumuguhit na siya sa tulong ng kanyang lapis, humuhubog
ng magagandang bagay sa luwad o wax.
Sinasabing isang araw, nang si Jose ay bata pa, ang bandilang panrelihiyong ginagamit tuwing
pista ng Calamba ay lagi na lamang nadudumihan. Bilang tugon sa kahilingan ng alkalde, pininturahan
ni Rizal ang bagong bandila ng mga kulay de-langis. Tuwang-tuwa ang taumbayan dahil mas maganda
ito kaysa orihinal.
Nasa kaluluwa ni Rizal ang pagiging tunay na artista. Sa halip na maging di-palaimik na bata,
may payat at may malulungkot na mata, nakatagpo siya ng ligaya sa pamumukadkad ng bulaklak,
pagkahinog ng mga prutas, pagsasayaw ng alon sa lawa, at malagatas na ulap sa kalangitan, at
pakikinig sa awitan ng mga ibon, hunihan ng mga kuliglig, at bulungan ng hangin. Gusting-gusto niyang
sakyan ang kabayong binili para sa kanya ng kanyang ama at maglakad sa kaparangan at tabing-lawa,
kasama ang kanyang itim na asong nagngangalang Usman.
Isang interesanteng kuwento tungkol kay Rizal ay ang insidente tungkol sa kanyang eskulturang
luwad. Isang araw nang siya ay anim na taong gulang, pinagtatawanan siya ng mga kapatid dahil mas
mahabang oras pa ang inilalaan niya sa eskultura kaysa paglalaro. Hindi siya kumikibo habang
nagtatawanan ang mga kapatid. Ngunit nang papalayo na ang mga kapatid, sinabi niya: “Sige,
pagtawanan ninyo ako nang pagtawanan ngayon! Balang araw, kapag patay na ako, ang taumbayan
pa ang gagawa ng mga monumento para sa akin.”
Unang Tula ni Rizal. Bukod sa pagguhit at eskultura, biniyayaan din si Rizal ng Diyos ng talino
sa pagsusulat. Mula pagkabata, nagsusulat na siya ng mga berso sa papel at sa mga aklat ng kanyang
mga kapatid na babae. Ang kanyang ina, na may pagmamahal sa panitikan, ang nakapuna ng kanyang
talino sa pagsulat ng tula at hinihikayat niya ang anak na sumulat ng mga tula.
Sa edad 8, isinulat ni Rizal ang una niyang tulang isinulat sa katutubong wika at pinamagatang
“Sa Aking Mga Kababata”
Sa tulang ito, ipinakita ni Rizal ang pagiging makabayan. Sa mga makabayang berso, ipinahayag
niya na ang taumbayan na tunay na nagmamahal sa sariling wika ang siyang makikipaglaban para sa
kalayaan tulad ng “ibong lumilipad nang pagkataas-taas para sa mas malawak na liliparan,” at ang
Tagalog nga ay wikang maitatapat sa Latin, Ingles, Espanyol, at iba pang wika.
Unang Drama ni Rizal. Pagkatapos maisulat ang tulang “Sa aking Mga Kababata,” isinulat ni
Rizal noo’y walong taong gulang, ang una niyang dula na isang komedyag Tagalog. Sinasabing
itinanghal ito sa isang pista sa Calamba at kinaluguran ng mga manonood.
Isang gobernadorcillo mula Paete, isang bayan sa Laguna na kilala sa lansones at mga lilok sa
kahoy, ang nakapanood ng komedya. Nagustuhan niya ito at binili ang manuskrito sa halagang
dalawang piso. Itinanghal ang komedya sa pista ng bayan ng Paete.
Nang magbinata, ipinagpatuloy pa rin niya ang interes sa salamangka. Nagbasa siya ng
maraming aklat tungkol sa mahika at nanood ng mga palabas ng mga kilalang salamangkero sa buong
mundo. Sa mga Kabanata XVII at XVIII ng kanyang pangalawang nobela, El Filibusterismo, ipinakita
niya ang kanyang kaalaman sa mahika.
Maraming oras ko noong aking kabataan ang inilagi ko sa tabi ng lawa, Lawa ng
Laguna. Pinag-iisipan ko kung anong mga bagay ang nasa hinaharap. Napapanaginipan
ko ang lugar sa kabila ng mga alon. Halos araw-araw, sa aming bayan, nakikita naming
ang tenyente ng Guardias Civiles na namamalo at nananakit ng mga di-armado at walang
kasalanang taumbayan. Ang tanging kasalanan ng aking kababayan ay ang di-
pagtatanggal ng kanyang sumbrero at yumukod. Hindi rin maganda ang pagtrato ng
alkalde sa mahihirap kong kababayan.
Wala akong nakitang pumipigil sa mga kalupitang ito. Mga gawaing marahas at
iba pang pang-aabuso na araw-araw na ginagawa … tinanong ko ang aking sarili kung
sa lupain sa kabila ng lawa’y ganito rin ang nararanasan ng mga naninirahan doon.
Naisip ko kung doon ay pinahihirapan at pinagpapapalo ang isang taumbayan dahil
lamang sa mga suspetsa. Iginagalang ba doon ang tahanan? O sa dako ring yao’y may
kapayapaan kapalit ng suhol sa mga tirano?
Kahit bata pa, ikinalulungkot na niya ang aping kalagayan ng kanyang pinakamamahal na
bayan. Ginising ng mga kalupitan ng mga Espanyol ang mura niyang puso kaya nagkaroon ito ng
determinasyon para labanan ang tirano. Nang maging binata, isinulat niya sa kanyang kaibigang si
Mariano Ponce: “Dahil sa kawalang katarungan at kalupitan, kahit na bata pa, ang aking imahinasyon
ay ginising, at isinumpa kong balang araw ay maipaghihiganti ko ang maraming biktima, ito ang nasa
sa isip, nag-aral ako, at ito ay makikita ngayon sa lahat ng naisulat ko. Balang araw ay bibigyan ako ng
Diyos ng pagkakataon para maisakatuparan ko ang aking pangako.”
Mga Impluwensiya sa Kabataan ng Bayani. Noong gabing isinilang si Jose Rizal, may ibang
bata ang isinilang sa Calamba at maraming ibang bata ang isinilang sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.
Ngunit bakit sa mga batang ito, isang batang lalaki lamang – si JOSE RIZAL – ang naging tanyag at
dakila?
Sa buhay ng tao, may mga impluwensiyang nagiging sanhi para maging dakila siya o hindi. Sa
kaso ni Rizal, nagkaroon siya ng magagandang impluwensiya na hindi naranasan ng ibang kapanabay
niya. Ito ang mga impluwensiya: (1) impluwensiyang namana, (2) impluwensiya ng kapaligiran, at (3)
tulong Maykapal.
1. Impluwensiyang Namana: Ayon sa siyensiyang biyolohikal, may mga katangian ang isang tao na
sandyang minana mula sa mga nuno niya’t magulang. Mula sa mga nunong Malaya, kitang-kitang
namana ni Rizal ang pag-ibig sa Kalayaan, bukas na pagnanasang maglakbay, at katapangan. Mula
sa mga nunong Tsino, nakuha niya ang pagiging seryoso, masinop, pasensiyoso, at mapagmahal
sa mga bata. Mula sa mga nunong Espanyol, nakuha niya ang pagiging elegante, maramdamin sa
mga insulto, at galante sa kababaihan. Mula sa kanyang ama, minana niya ang tunay na
pagpapahalaga sa sarili, pagmamahal sa gawa, at pagiging malaya sa pag-iisip. At mula sa kanyang
ina, namana niya ang pagiging relihiyoso, diwa ng pagmamalasakit, at pagmamahal sa sining at
literatura.
2. Impluwensiya ng Kapaligiran: Ayon sa mga sikolohista, ang kapaligiran, gaya rin ng pagmamana,
ay nakaaapekto sa katauhan ng isang tao. Kabilang sa mga impluwensiya sa kapaligiran ang mga
lugar, kakilala, at pangyayari. Ang magagandang tanawin sa Calamba at magandang hardin ng mga
Rizal ang nagpasigla sa talino niya sa sining at literatura. Ang relihiyosong kapaligiran sa kanyang
tahanan ang nagpatibay sa kanyang pagiging relihiyoso. Ang kanyang kapatid na Paciano ang
nagkintal sa kanyang isip ng pagmamahal sa kalayaan at katarungan. Mula sa mga kapatid na
babae, natuto siyang maging magalang at mabuti sa kababaihan. Ang mga kuwentong isinalaysay
sa kanya ng kanyang yaya noong siya’y bata pa ang gumising sa interes niya sa kuwentong-bayan
at alamat.
Ang tatlo niyang tiyo, mga kapatid ng kanyang ina, ay may magaganda ring impluwensiya sa
kanya. Si Tiyo Jose Alberto, na nag-aral ng labing-isang taon sa isang paaralang Ingles sa Calcutta,
Indiya at nakapaglakbay sa Europa ang naging insipirasyon niya para mapanday ang kanyang talino
sa sining. Si Tiyo Manuel, na isang lalaking mahilig sa palakasan, ang humikayat sa kanya na
magpalakas at magpalaki ng katawan sa pamamagitan ng mga pisikal na ehersisyo, kasama na ang
pangangabayo, paglalakad, at pagbubuno. At si Tiyo Gregorio, na palabasa, ang nagpatingkad sa
hilig niyang pagbabasa ng magagandang aklat.
Si Padre Leoncio Lopez, ang matanda’t maalam na kura paroko ng Calamba, ay isa sa mga
impluwensiya na tumulong kay Rizal sa pagpapayaman ng kanyang pagmamahal sa pag-aaral at
katapatang intelektuwal.
Ang mga kalungkutang dinanas ng pamilya, gaya ng pagkamatay ni Concha noong 1865 at
pagkakapiit ng kanyang ina noong 1871-74, ang nakatulong nang malaki sa pagpapatatag ng
kanyang katauhan, na tumulong sa kanya para labanan ang mga hamon sa buhay. Ang mga pang-
aabuso at kalupitan ng teniente ng mga Guardias Civiles at alkalde, ang walang-katarungang
pagmamalupit sa mga inosenteng Pilipino, at pagbitay kina Padre Gomez, Burgos, at Zamora noong
1872, ang gumising sa kanyang diwa ng pagiging Makabayan at naging inspirasyon para isakripisyo
ang buhay at talino para sa katubusan ng mga inaaping kababayan.
3. Tulong ng Maykapal: Higit sa minana at kapaligiran, ang tulong ng Maykapal ang siya ring
humuhubog sa kapalaran ng tao. Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng lahat sa kanyang buhay
--- talino, yaman, at kapangyarihan --- ngunit kung walang tulong ng Maykapal, hindi niya
makakamit ang kadakilaan sa kasaysayan ng nasyon. Si Rizal ay inilaan ng Diyos para sa
pagpapahalaga at kadakilaan ng kanyang bansa. Ang Diyos ay nagbiyaya sa kanya ng maraming
regalo ng isang henyo, ang buhay na diwa ng pagiging makabayan, at matapang na puso para
makapagsakripisyo para sa isang dakilang simulain.
Utilization of Learning
Supplementary Materials
Target Outcomes
Abstraction
Unang nag-aral si Rizal sa Calamba at Biñan. Nang panahong iyon, ganoon ang karaniwang
edukasyon para sa isang anak ng isang pamilyang ilustrado, na binubuo ng apat na aralin – pagbasa,
pagsulat, aritmetika at relihiyon. Ang pagtuturo ay mahigpit at istrikto. Ang pagbibigay ng kaalaman ay
ipinipilit sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng walang katapusang pagmememorya ng mga aralin na
may kasamang hagupit ng guro sa bata kapag nagkakamali. Ganito man ang kamalian sa sistema ng
edukasyon ng mga Espanyol, nakapagtapos din si Rizal ng pag-aaral na siyang paghahanda niya para
sa kolehiyo sa Maynila at ibang bansa. Masasabing si Rizal, na ipinanganak na masakitin, ay naging
higanteng intelektwal kahit na sinauna pa ang sistema ng pagtuturo sa Pilipinas noong mga huling
dekada ng Panahon ng Espanyol.
Ang Unang Guro ng Bayani. Ang unang guro ni Rizal ay ang kanyang ina na katangi-tangi
dahil sa kanyang magandang ugali at mabining pagkilos. Sa kanyang kandungan sa edad na 3,
natutunan niya ang alpabeto at mga dasal. “Ang aking ina,” sabi ni Rizal, “ang nagturo sa akin ng
pagbasa at magdasal.”
Bilang guro si Doña Teodora ay pasensiyosa, tapat, at maunawain. Siya ang unang nakakita ng
talino ng anak sa pagkakatha ng tula. Kaya lagi niyang hinihikayat itong magsulat ng tula. Para naman
di mabagot sa pagmememorya ng alpabeto, ng ina ang imahinasyon ng anak sa pamamagitan ng
pagkukuwento.
Habang lumalaki si Jose, umuupa ang kanyang magulang ng gurong magtuturo sa kanya sa
kanilang bahay. Ang una ay si Maestro Celestino, at ang pangalawa’y si Maestro Lucas Padua.
Kinalaunan, isang matandang lalaki, si Leon Monroy na dating kaklase ng kanyang ama, ang naging
guro ni Rizal. Ang matandang guro ay nanirahan sa tahanan ni Rizal at tinuruan si Jose ng Espanyol at
Latin. Sa kasamaang-palad, hindi nagtagal ang kanyang buhay. Namatay siya pagkaraan ng limang
buwan.
Pagkamatay ni Monroy, nagpasiya ang mga magulang niya na ipadala siya sa isang pribadong
paaralan ng Biñan.
Ang paaralan ay nasa bahay ng guro, na isang bahay kubo, at di kalayuan, mga 30 kilometro,
mula sa bahay ng tiya ni Rizal.
Kilala ni Paciano ang guro dahil siya rin ay naging estudyante niya noon. Ipinakilala niya si Jose
sa guro. At pagkaraa’y bumalik na siya sa Calamba.
Kaagad na binigyan ng sariling puwesto si Rizal sa kanilang klase. Tinanong siya ng guro:
Ito ang paglalarawan ni Jose sa kanyang guro sa Biñan: “Matangkad siya, payat, mahaba ang
leeg, matangos ang ilong, at ang katawan ay medyo pakuba. Suot niya ay kamisang yari sa sinamay,
na hinabi ng mahuhusay na kamay ng kababaihan ng Batangas. Kabisado niya ang gramatika nina
Nebrija at Gainza. Mabagsik siya bagaman maaaring labis lamang ang aking paghusga sa kanya, at ito
ay paglalarawan ko sa kanya kahit na may kalabuan.”
Hinamon ni Jose si Pedro sa isang away. Hindi naman nagdalawang isip si Pedro at tinanggap
ang hamon. Marahil ay naisip nito na madali niyang matatalo ang taga-Calamba na mas bata at mas
maliit sa kanya.
Nagsuntukan ang dalawang bata sa silid-aralan, na ikinatuwa ng kanilang mga kaklase. Si Jose,
na tinuruan ng kanyang Tiyo Manuel ng sining ng pakikipaglaban, ang siyang tumalo sa mas malaking
batang ito. Dahil dito, naging popular na siya sa kanyang mga kaklase.
Pagkatapos ng klase sa hapon, isa pang kamag-aral, si Andres Salandanan, ang humamon sa
kanya sa bunong-braso. Nagtungo sila sa bangketa ng isang bahay at nagbunong-braso. Dahil mahina
ang braso ni Rizal, natalo si Rizal at muntik nang mabasag ang kanyang ulo sa bangketa.
Sa mga sumunod na araw, laging napapaaway si Rizal sa mga batang lalaki ng Biñan. Hindi
naman siya palaaway ngunit hindi niya tinatakbuhan ang anumang away.
Si Jose at ang kanyang kaklaseng si Jose Guevarra, na mahilig ding magpinta, ay naging mag-
aaral ng matandang pintor. Humusay sila sa sining na ito kaya kinalaunan, sila ang naging “paboritong
pintor ng klase.”
Araw-araw na Buhay sa Biñan. Payak at may maayos na iskedyul ang buhay ni Jose sa
Biñan. At nakatulong ito nang malaki sa kanyang kinabukasan. Pinatibay nito ang kanyang katawan at
kaluluwa.
Ito ang aking buhay dito. Nakikinig ako ng misa tuwing alas kuwatro ng umaga,
kung mayroon, o nag-aaral ako ng aking aralin sa oras na iyon at saka ako makikinig ng
misa. Uuwi ako sa bahay at pupunta sa hardin para maghanap ng mabolong makakain.
Pagkatapos ay mag-aagahan ako ng kadalasa’y kanin at dalawang tuyo. Saka ako papasok
sa paaralan hanggang alas diyes. Umuuwi ako kaagad. Kapag may espesyal na putahe,
nagdadala kami ni Leandro sa bahay ng kanyang mga anak (na hindi ko ginagawa kung
nasa bahay ako ni hindi ko gagawin kailanman), at babalik ako nang walang anumang
sinasabi. Babalik ako sa paaralan ng alas dos at lalabas ng alas singko. Magdadasal ako
sandali, kasama ang ilang pinsan, bago ako uuwi. Mag-aaral ako ng aralin. Guguhit nang
kaunti, at pagkatapos ay maghahapunan ng isa o dalawang silbihang kanin at ayungin.
Magdarasal kami, at kung may buwan, inaanyayahan ako ng aking mga pamangkin na
makipaglaro sa ibang bata sa kalsada. Salamat sa Diyos at hindi ako nagkasakit habang
malayo sa aking mga magulang.
May ilang kaklase ang naiinggit sa kanyang talino. Lagi nilang isinusumbong si Rizal sa guro
tuwing nakikipag-away siya. Kung ano-ano ring kasinugalingan tungkol kay Rizal ang sinasabi nila sa
guro. Kaya napipilitan ang guro na parusahan si Jose. Kaya nasabi ni Rizal na “kahit mabait na bata ang
reputasyon ko, bibihira ang araw na hindi ako nabibigyan ng lima o anim na palo.”
Umalis siya sa Biñan ng Sabado ng hapon Disyembre 17, 1870, pagkaraan ng isa’t kalahating
taon ng pag-aaral sa bayang iyon. Tuwang-tuwang lumulan sa barkong Talim dahil ito ang kauna-
unahang pagkakataon niyang makasakay sa isang barko. Lulan din ng barko ang Pranses na si Arturo
Camps, kaibigan ng kanyang ama, na siyang nag-alaga sa kanya.
Ang Pagkamartir ng Gom-Bur-Za. Noong gabi ng Enero 20, 1872, mga 200 sundalong
Pilipino at manggagawa ng arsenal ng Cavite, sa pamumuno ng sarhentong Pilipinong si Francisco
Lamadrid, ang nag-alsa dahil sa abolisyon ng kanilang mga pribilehiyo, kasama rito ang di-pagbabayad
ng tributo at di-pagsama sa polo (sapilitang paggawa) ng reaksiyonaryong Gobernador Rafael de
Izquierdo. Sa kasamaang-palad, ang pag-aalsa sa Cavite ay nasupil pagkaraan lamang ng dalawang
araw nang dumating ang tulong na puwersang Espanyol mula Maynila. Pinalaki ng mga awtoridad na
Espanyol ang pangyayari at sinabing ang pag-aalsa ay rebolusyon para sa kasarinlan ng Pilipinas. Sa
gayon, maisasangkot dito bago maipabitay sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora,
mga lider ng kilusang sekularisasyon ng mga paroko, at kanilang mga tagataguyod (Jose M. Base,
Joaquin Pardon de Tavera, at Antonio Ma. Regidor, atbp.).
Kaya kahit na mismo ang arsobispo ang humihingi ng kapatawaran dahil alam niyang inosente
ang tatlong pari, ipinatibay ang Gom-Bur-Za (Gomez, Burgos, at Zamora) noong bukangliwayway ng
Pebrero 17, 1872, sunod sa utos ni Gobernador Heneral Izquierdo. Ang kanilang pagkamartir ay
ipinagluksa ng mag-anak na Rizal at maraming makabayang pamilya sa Pilipinas.
Galit na galit si Paciano sa pagbitay kay Burgos na kanyang kaibigan, guro at kasama sa bahay.
Sa tindi ng kanyang galit, tumigil siya ng pag-aaral sa Kolehiyo ng San Jose at nagbalik sa Calamba.
Noon niya ikinuwento ang buhay ni Burgos sa nakababatang kapatid na si Rizal, na noo’y malapit nang
maglabing-isang taong gulang.
Ang pagkamartir ng Gom-Bur-Za noong 1872 ay naging inspirasyon ni Rizal para labanan ang
kasamaan ng tiraniya ng Espanya at matubos ang mga inaaping kababayan. Pagkaraan ng labimpitong
taon, sa kanyang liham kay Mariano Ponce sa Paris noong Abril 18, 1889, Sinabi niya:
Kung wala ang 1872, wala ngayong Plaridel o Jaena o Sanciangco ni matatapang
na kolonya ng mga Pilipino sa Europa: kung wala ang 1872, si Rizal ay isa nang Heswita
ngayon, at sa halip na isinusulat ang Noli Me Tangere, ay yaong kabaligtaran ang
isinusulat. Sa harap ng mga kawalang-kataraungan at kalupitan noong ako’y bata pa, ang
aking diwa ay nagising at isinumpa sa sariling maipaghihiganti ko balang araw ang
maraming biktima, at dahil ito ang nasasa isip, nag-aral ako nang mabuti, at mababasa
ito sa lahat ng aking mga ginawa at isinulat. Balang araw, bibigyan ako ng Diyos ng
pagkakataong maisakatuparan ang aking pangako.”
At kinalaunan, noong 1891, inihandog niya ang kanyang pangalawang nobela, ang El
Filibusterismo, sa Gom-Bur-Za.
Kawalang-Katarungan sa Ina ng Bayani. Bago ang Hunyo, 1872, isang trahedya ang
dumagok sa mag-anak na Rizal. Dinakip si Doña Teodora dahil diumano’y siya at ang kanyang kapatid
na si Jose Alberto ay nagtangkang lasunin ang taksil na asawa ng huli. Si Jose Alberto, isang mayamang
taga-Biñan, ay kararating lamang mula sa paglalakbay sa Europa. Sa kanyang pagkawala, inabandona
ng kanyang asawa ang kanilang tahanan at mga anak. Pagbalik niya sa Biñan, natuklasan niyang may
kinakasama na itong ibang lalaki. Sa galit niya, nagplano siyang idiborsiyo ang asawa. Para naman
maiwasan ang iskandalo para sa pamilya, pinakiusapan ni Doña Teodora ang kapatid na patawarin ang
asawa. Naayos naman ang sigalot sa pamilya, at si Jose Alberto ay muling pumisan sa kanyang asawa.
Ngunit ang masamang babae, sa pakikipagsabwatan ng isang tenyenteng Espanyol ng Guardias Civiles,
ay nagsampa ng kaso laban sa kanyang asawa at kay Doña Teodora. Ayon dito, pinagtangkaan siyang
lasunin ng magkapatid.
Nagkataong may sama ng loob ang tenyenteng ito sa mag-anak na Rizal dahil minsa’y hindi
siya binigyan ni Don Francisco (ama ni Rizal) ng pagkain para sa kanyang kabayo. Pagkakataong
makapaghiganti, ipinadakip niya si Doña Teodora, sa tulong ng gobernadorcillo ng Calamba, si Antonio
Vivencio del Rosario, isang sunud-sunuran ng mga prayle. Ang mga walang-utang-na-loob ay madalas
na panauhin sa tahanan ng mga Rizal.
Pagkaraang dapkin si Doña Teodora, pinaglakad ng sadistang teniente si Doña Teodora mula
Calamba hanggang Santa Cruz (kabisera ng Laguna) na may distansiyang 50 kilometro. Pagdating sa
Santa Cruz ay napiit siya sa kulungang probinsiyal. Nakulong siya ng dalawa’t kalahating taon bago siya
napawalang-sala ng Manila Royal Audencia (Korete Suprema) sa diumano’y krimeng nagawa niya.
Utilization of Learning
Supplementary Materials
IV – Mga Gantimpalang Natamo sa Ateneo de Manila
Target Outcomes
Abstraction
Pumasok si Rizal sa Ateneo. Noong Hunyo 10, 1872, si Jose, na sinamahan ni Paciano, ay
nagpunta sa Maynila. Kumuha siya ng eksamen sa doktrinang Kristiyano, aritmatika, at pagbasa para
makapasok sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Naipasa niya ang eksamen. Nagbalik siya sa Calamba
para makapiling ang kanyang pamilya at nang makibahagi sa pistang bayan. Ang kanyang ama, na
siyang may gustong mag-aral ang anak sa Letran, ay nagbago ang isip at nagpasiyang pag-aralin ito sa
Ateneo.
Kaya pagbalik niya sa Maynila, si Jose, na sinamahan muli ni Paciano, ay nagmatrikula sa Ateneo
Municipal. Noong una, ayaw siyang tanggapin ni Padre Magin Ferrando, na tagapagtala sa kolehiyo,
dahil (1) huli na si Rizal sa pagpapatala, at (2) masakitin siya at maliit para sa kanyang edad. Si Rizal
noo’y labing-isang taong gulang. Ngunit sa tulong ni Manuel Xerez Burgos, pamangkin ni Padre Burgos,
tinanggap na rin siya sa Ateneo.
Sa kanilang pamilya, si Jose ang unang gumamit ng apelyidong “Rizal”. Ito ang ginamit niyang
ngalan nang nagpatala siya sa Ateneo dahil ang kanilang apelyidong “Mercado” ay pinagsususpetsahan
na ng mga awtoridad na Espanyol. “Mercado” ang ginagamit na apelyido ni Paciano sa Kolehiyo ng San
Jose, at kilala siya ng mga awtoridad bilang paboritong estudyante at mapagkakatiwalaan ni Padre
Burgos.
Nang nag-aaral si Rizal sa Ateneo, ang kolehiyo ay nasa Intramuros, sa loob ng mga pader ng
Maynila. Noong una’y nangupahan siya sa isang bahay sa labas ng mga pader, sa Kalye Caraballo, mga
25 minutong paglalakad mula sa kolehiyo. Ang bahay paupahan ay pag-aari ng isang matandang
dalagang nagngangalang Titay na nagkakautang ng P300 sa mga Rizal. Sa kanya nangupahan si Rizal
bilang bahagi ng pambayad-utang niya.
Bago magsimula ang klase sa umaga ay nakikinig ng misa ang mga estudyante. Bawat
asignatura ay sinisimulan at winawakasan sa pagdarasal.
Ang mga estudyante ay nahahati sa dalawang pangkat: ang “Imperyo Romano,” na binubuo
ng mga internos (sa loob ng kolehiyo nangangasera), at ang “Imperyo Carthagena,” na binubuo ng
mga externos (sa labas ng kolehiyo nangangasera). Ang pinakamahusay na estudyante sa bawat
“imperyo” ay tinatawag na emperador; ang pangalawang pinakamahusay, tribuna; ang pangatlo,
dekuryon; ang pang-apat, senturyon, at ang panlima, ang tagapagpadala ng bandila. Sa mismong
imperyo, ang mga estudyante ay maaaring humamon sa sinumang opisyal ng imperyo sa pamamagitan
ng pagsagot sa mga tanong tungkol sa aralin ng naturang araw. Naaalis sa posisyon ang isang opisyal
kapag tatlong beses siyang nagkamali sa pagsagot sa mga tanong. Ang estudyanteng nasa dulo ng
linya, kung mag-aaral siya nang mabuti, ay maaaring pumalit sa sinumang opisyal, kasama na rito ang
pagiging emperador.
Ang dalawang pangkat, ang Imperyo Romano at Imperyo Carthagena, ay lagi na lamang
naglalaban sa pangunguna sa klase. Bawat pangkat ay may kanya-kanyang bandila: pula para sa mga
Romano, at asul para sa mga Carthagena. Sa simula ng pasukan, parehong ginagamit ng mga pangkat
ang dalawang bandila. “Sa unang pagkatalo, ang bandila ng natalong pagkat ay inililipat sa kaliwang
bahagi ng silid. Sa pangalawang pagkatalo, inilalagay ito sa mababang posisyon sa kanang bahagi. Sa
pangatlong pagkatalo, ang nakatagilid na bandila ay inilalagay sa kaliwa. Sa pang-apat, ang bandila ay
ibinabaligtad at inilalagay sa kanan. Sa panlima, ang nakabaligtad na bandila ay inilalagay sa kaliwa. Sa
pang-anim, ang bandila ay pinapalitan ng pigura ng isang asno.”
Ang mga mag-aaral sa Ateneo noong panahon ni Rizal ay may unipormeng binubuo ng
“pantalong mula sa mga hinabing hibla ng abaka” at guhit-guhit na bulak na amerikana.” Ang materyal
ng amerikana ay tinawag na rayadillo, na naging kilala dahil ito ang ginawang uniporme ng mga
sundalong Pilipino noong mga unang araw ng Unang Republika ng Pilipinas.
Ang Unang Taon ni Rizal sa Ateneo (1872-73). Noong unang araw ng klase sa Ateneo,
noong Hunyo, 1872, nakinig ng misa si Rizal sa kapilya ng kolehiyo at taimtim na nagdasal at humingi
ng patnubay sa Diyos. Pagkatapos ng misa, pumasok na siya sa kanyang klase, at nakita niyang marami
siyang kamag-aral na Espanyol, mestiso, at Pilipino.
Ang unang propesor ni Rizal sa Ateneo ay si Padre Jose Bech, na sa paglalarawan niya ay
matangkad at payat na lalaki, medyo nakukuba, matulin maglakad, mukhang asetiko, seryoso at
inspirado, maliliit at malalalim ang kanyang mga mata, matangos ang ilong na parang sa Griyego, at
manipis ang labing hugis arkong pababa sa baba.”
Dahil bago sa paaralan at di gaanong mahusay sa Espanyol, si Rizal ay inilagay sa dulo ng klase.
Isa siyang externo, kaya napabilang siya sa mga Carthagena, na nakaposisyon sa dulo ng linya.
Pagkaraan ng unang lingo, ang masakiting batang taga-Calamba ay nagpakita ng mabilis na
pag-unlad. Sa pagtatapos ng buwan, naging “emperador” na siya. Siya ang pinakamatalinong mag-
aaral sa klase, at binigyan siya ng gantimpala. “Tuwang-tuwa ako,” sabi niya, “nang mapanalunan ko
ang una kong premyo, isang larawang relihiyoso!” Ipinagmalaki niya ang naging unang gantimpalang
napanalunan niya sa Ateneo.
Para humusay sa Espanyol, kumuha siya ng pribadong aralin sa Kolehiyo ng Santa Isabel kapag
bakanateng oras sa tanghali, habang ang ibang mag-aaral ay naglalaro at nagkukuwentuhan. Nagbayad
siya ng tatlong piso para sa mga aralin sa wikang Espanyol ngunit sulit naman ang perang iyon.
Sa ikalawang hati ng unang taon niya sa Ateneo, hindi masyadong nagpursige si Rizal para
mapanatili ang pangunguna niya sa klase. Ang dahilan nito ay ang di-magandang puna ng kanyang
propesor. Nang magtapos ang taon, nakuha niya ang pangalawang puwesto bagaman ang mga marka
niya ay “Pinakamahusay.”
Bakasyon sa Tag-araw (1873). Pagkasara ng eskuwela noong Marso 1873, umuwi si Rizal
sa Calamba para magbakasyon. Hindi siya gaanong nagsaya sa bakasyon niya dahil nakapiit pa rin ang
kanyang ina. Para maaliw siya, isinama siya ng kanyang kapatid na si Neneng (Saturnina) sa Tanawan.
Gayunman, hindi pa rin nito nalunasan ang kanyang kalungkutan. Hindi nagpaalam sa ama, nagpunta
siya sa Santa Cruz at dinalaw ang ina. Ikinuwento niya ang matataas niyang grado sa Ateneo. Tuwang-
tuwa yinakap siya ng ina ang paborito niyang anak na lalaki.
Nang matapos ang bakasyon, nagbalik si Rizal sa Maynila para sa ikalawang taon niya sa
Ateneo. Sa pagkakataong ito, nangasera siya sa loob ng Intramuros sa Blg. 6 Kalye Magallanes. Ang
kanyang kasera ay isang matandang biyudang nagngangalang Doña Pepay, na may biyudang anak at
apat na anak na lalaki.
Ilan sa mga kamag-aral niya ay bago. Kabilang dito ang tatlong batang taga-Biñan na naging
kaklase niya sa paaralan ni Maestro Justiniano.
Sa kanilang pag-uusap, naikuwento ni Doña Teodora ang napanaginipan nang nakaraang gabi.
Ipinaliwanag ni Rizal ang panaginip. Aniya, makalalaya na ang ina sa loob ng tatlong buwan. Napangiti
si Doña Teodora dahil nasasaisip niya’y bunga lamang ng pagnanasa ng anak na mapaligaya siya kaya
nasabi niya ang ganoong hula.
Ngunit nagkatotoo ang hula ni Rizal. Wala pang tatlong buwan at si Doña Teodora ay napalaya.
Nang mangyari iyon ay nasa Maynila na si Rizal para sa kanyang klase sa Ateneo.
Hilig sa Pagbabasa. Noong bakasyon ng 1874, nahilig si Rizal sa pagbabasa ng mga nobelang
romantiko. Gaya ng ibang tinedyer, interesado siyang magbasa ng mga kuwento ng pag-ibig at
romansa.
Ang una niyang paboritong nobela ay ang The Count of Monte Cristo ni Alexander Dumas.
Malaki ang naging impluwensiya sa kanya ng nobelang ito. Kinikiliti ng kapana-panabik na nobelang ito
ang kanyang imahinasyon – ang mga pagdurusa ni Edmond Dantes (ang bida) sa kulungan, pagkatas
nito sa bartolina ng Chateu d ‘If, pagkatuklas niya sa nabaong yaman sa mabatong isla ng Monte Cristo,
at paghihiganti sa mga kaaway na nagkasala sa kanya.
Nakabasa rin si Rizal ng maraming romantikong nobela. Ang pagbabasa niyang ito ay
nakatulong sa pagpapayaman ng kanyang malikhaing isip.
Totoong palabasa si Rizal. Di lamang kuwentong-katha ang binabasa niya, nagbabasa rin siya
ng di-kathambuhay. Napakiusapan niya ang ama na ibili siya – bagaman may kamahalan – ng
kompletong tomo ng isinulat ni Cesar Catnu, ang Universal History. Ayon kay Rizal, ang aklat na ito ay
makatutulong nang malaki sa kanyang pag-aaral. Maaari ring manalo siya ng mas maraming gantimpala
sa Ateneo dahil sa naturang aklat.
Kinalaunan, binasa ni Rizal ang Travels in the Philippines ni Dr. Feodor Jagor, isang Alemang
siyentipiko-manlalakbay na bumisita sa Pilipinas noong 1859-1860. Hinangaan niya ang (1) matalas na
obserbasyon ni Jagor sa mga pagkukulang ng kolonisasyon ng Espanya, at (2) ang hula nitong balang
araw ay mawawala sa Espanya ang Pilipinas at ang papalit na kolonisador ay ang Amerika.
Pangatlong Taon sa Ateneo (1874-1875). Noong Hunyo 1874, bumalik si Rizal sa Ateneo
para sa kanyang ikatlong taon. Kabubukas pa lamang ng klase ay dumating ang kanyang ina at
masayang ibinalita sa anak na nakalaya na siya, gaya ng hula nito. Si Rizal ay masayang-masaya rin sa
pagkakalaya ng kanyang ina.
Ngunit kahit masaya na ang kanilang pamilya, hindi naging maganda ang ipinakita ni Rizal sa
kanyang pag-aaral, di tulad noong nakaraang taon. Nananatili namang matataas ang grado niya sa
lahat ng asignatura ngunit isang medalya (sa Latin) lamang ang kanyang napanalunan. Hindi siya nanalo
ng medalya sa Espanyol dahil hindi pa siya bihasa sa pagsasalita ng naturang wika. Siyempre pa, tinalo
siya ng isang Espanyol, na mahusay sa pagsasalita ng wikang Espanyol at pagbigkas sa mga salitang
Espanyol.
Pagkatapos ng eskuwela noong Marso 1875, bumalik si Rizal sa Calamba para magbakasyon.
Siya mismo ay hindi natuwa sa kanyang ipinakita sa pag-aaral ng katatapos na taon.
Sa kanyang talaarawan, pinuri ni Rizal si Padre Sanchez. Ipinakita niya ang kanyang
pagmamahal at pasasalamat sa pari. Inilarawan niya ang Heswitang pari bilang “huwaran ng
pagkamakatwiran, pagkamaagap, at pagmamahal para sa pag-unlad ng kanyang mga mag-aaral.”
Naging inspirasyon ni Rizal si Padre Sanchez para magkaroon ng panibagong sigla sa pag-aaral.
Nanguna siya sa mga kaklase niya sa lahat ng asignatura at nanalo siya ng limang medalya sa
pagtatapos ng eskuwela. Nagbalik siya sa Calamba noong Marso 1876 at buong pagmamalaki niyang
inihandog sa mga magulang ang kanyang limang medalya at matataas na grado. Masayang-masaya
siya dahil nabayaran niya kahit papaano ang “mga sakripisyo ng kanyang ama.”
Nagtapos nang matagumpay si Rizal sa Ateneo. Siya ang nagkamit ng pinakamataas na grado
sa lahat ng asignatura – pilosopiya, pisika, biyolohiya, kimika, wika, mineralohiya, atbp.
Noong Araw ng Pagtatapos, Marso 23, 1877, si Rizal na noo’y 16 na taong gulang, ay nagkamit
mula sa kanyang Alma Mater, ang Ateneo Municipal, ng digri ng Batsilyer sa Sining na may pinakamataas
na karangalan. Ito ay araw na tunay na ipinagmalaki ng kanyang pamilya. Ngunit para kay Rizal, gaya
ng lahat na magsisipagtapos, ang Araw ng Pagtatapos ay isang panahon ng pait, tamis, saya’t lungkot.
Noong gabi bago ang Pagtatapos, ang huling gabi niya sa dormitoryo ng kolehiyo, hindi siya makatulog.
Maagang-maaga kinabukasan, ang Araw ng Pagtatapos, nagdasal siya nang taimtim sa kapilya ng
kolehiyo at “ipinagkatiwala ko na ang buhay,” sabi niya, “para sa Birhen nang sa gayo’y maprotektahan
niya ako pagyapak ko sa mundong alam ko’y puno ng karahasan.”
Iba pang Gawain sa Ateneo. Sa kabila ng mga tagumpay sa akademika, hindi naman subsob
sa libro si Rizal. Aktibo rin siya sa ibang gawain. Isang “emperador” sa loob ng silid-aralan; lider pa rin
siya sa labas ng silid-aralan. Aktibo siyang kasapi, kalauna’y kalihim, ng isang samahang relihiyoso, ang
Kongregasyon ni Maria. Tinanggap siyang kasapi ng samahang ito hindi lamang sa siya’y matalino kundi
dahil sa kanyang debosyon sa Immaculada Concepcion, ang Patron ng kolehiyo. Si Rizal ay kasapi rin
ng Akademya ng Literaturang Espanyol at Akademya ng mga Likas na Agham. Ang mga “akademyang”
ito ay eksklusibong samahan sa Ateneo, kung saan tanging mga Atenistang may talino sa literatura at
agham ang maaaring maging kasapi.
Sa kanyang bakanteng oras, hinahasa ni Rizal ang kanyang talino sa panitikan sa patnubay ni
Padre Sanchez. Isa pang propesor, si Padre Jose Villaclara, ang nagpayo sa kanyang tumigil nang
makipag-usap sa mga Musa, at sa halip ay pagtuunan ng pansin ang mga asignaturang praktikal, gaya
ng pilosopiya at likas na agham. Hindi sinunod ni Rizal ang payong ito. Nagpatuloy siya sa pagpapahusay
ng kanyang pagkakatha ng tula sa tulong ni Padre Sanchez.
Bukod sa pagsulat ng tula, naglaan din si Rizal ng panahon para sa sining ng pagpinta at
eskultura. Nag-aral siya ng pagpinta sa kilalang pintor na Espanyol, si Agustin Saez, at ng eskultura sa
bantog na eskultor na si Romualdo de Jesus. Ang dalawang maestro ay napahanga ni Rizal dahil sa
kanyang husay sa mga larangang ito.
Mga Istatwang Ginawa sa Ateneo. Napahanga ni Rizal ang mga Heswitang propesor sa
Ateneo dahil sa kanyang talino sa sining. Isang araw, inukit niya ang isang imahen ng Birheng Maria
mula sa kahoy ng batikuling. Talaga namang hinahangaan ng mga Heswitang pari ang ganda at rikit ng
imahen.
Mga Anekdota tungkol kay Rizal, ang Atenista. Isa sa mga kapanahon ni Rizal sa Ateneo
ay si Felix M. Roxas. Naikuwento niya ang isang insidenteng nagpakita sa pagiging mapagpatawad ng
bayani. Isang araw, maraming Atenista, kabilang na si Rizal, ang nag-aral sa bulwagang-aralan.
Dalawang Atenista, sina Manzano at Lesaca, ang nag-away at nagbatuhan ng mga aklat. Si Rizal, na
abala sa kanyang mesa, ay tinamaan ng aklat sa mukha. Hindi siya nagalit sa mga nag-aaway kahit na
nagdurugo na ang kanyang mukha. Dinala siya ng mga kaklase sa klinika para mabigyan ng pangunang
lunas. Pagkaraan, nagpatuloy siya sa pagpasok at ni minsan ay di nagpakita ng galit sa mga nakasakit
sa kanya.
Isa pang anekdota tungkol kay Rizal ay ikinuwento ni Manuel Xeres Burgos, na maybahay sa
inuupahan ni Rizal bago naging interno sa Ateneo. Ang anekdotang ito ay nagpapakita naman ng
pagiging matulungin ni Rizal kahit isalang pa ang sarili sa panganib. Isang hapon ng Huwebes, dahil
walang aral ang araw na ito, nagpalipad ng saranggola ang mga batang lalaki sa azotea. Si Rizal noo’y
nasa may bintana at nagbabasa ng isang aklat ng mga pabulang nasa wikang Espanyol. Di nagtagal,
narinig niya si Julio Meliza ng Iloilo, isa sa pinakamaliit na estudyante, na umiiyak dahil ang kanyang
saranggola ay sumabit sa mga baging na gumagapang sa kampanaryo ng Katedral ng Maynila na
malapit sa kanilang tinitirhan. Dahil pinagtatawanan ng malalaking lalaki ang kamalasan ni Julio,
binitawan ni Rizal ang kanyang aklat at sinabihan si Julio na huminto na sa pag-iyak dahil kukunin niya
ang saranggola nito. Buong tapang na inakyat ni Rizal ang mataas na kampanaryo at nakuha naman
niya ang sumabit na saranggola.
Mga Tulang Isinulat sa Ateneo. Si Doña Teodora ang unang nakatuklas sa talino ng anak
sa pagsulat ng tula. Ngunit si Padre Sanchez ang nagbigay ng inspirasyon kay Rizal para gamitin niya
nang lubos ang biyayang ito ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagbukas sa isip ni Rizal sa mayamang
impluwensiya ng pandaigdigang literatura, nahikayat ni Padre Sanchez si Rizal para pandayin ang
kanyang talino.
Ang unang tula na maaaring naisulat ni Rizal noong siya’y nasa Ateneo ay ang “Mi Primera
Inspiracion” (Aking Unang Inspirasyon) na inihandog niya sa kanyang ina noong kaarawan nito.
Sinasabing isinulat niya ito bago siya naglabing-apat na taong gulang, ibig sabihi’y noong taong 1874.
Bago ang taong ito, hindi siya sumulat ng tula dahil nalulumbay ang puso niya sa pagkakapiit ng ina.
Nang makalaya ang ina, nag-umapaw sa tuwa’t ligaya ang kanyang puso.
Noong 1875, dahil na rin sa inpirasyong bigay ni Padre sanchez, sumulat si Rizal ng marami
pang tula, gaya ng mga sumusunod:
1. Felicitacion (Pagbati)
2. El Embarque: Himno a la Flota de Magallanes (Ang Paglisan: Himno para sa Plota ni Magellan)
3. Y Es Español: Elcano, el Primero en dar la Vuelta al Mundo (At siya ay Espanyol: Elcano, ang
Unang Nakaikot sa Mundo)
4. El Combate: Urbiztondo, Terror de Jolo (Ang Labanan: Urbiztondo, Kilaboy ng Jolo)
Noong 1876, sumulat ng tula si Rizal tungkol sa iba’t ibang paksa --- relihiyon, edukasyon, alaala
ng kanyang kabataan, at digmaan. Ito ang mga tula:
Pagkaraan ng isang taon, noong 1877, sumulat siya ng marami pang tula. Ito ang huli niyang
taon sa Ateneo. Kabilang sa mga tulang naisulat niya ng taong iyon ay:
“Aking Unang Inspirasyon.” Ito ang karapat-dapat na maging unang tulang naisulat ni Rizal
bilang isang Atenista dahil tungkol ito sa kanyang ina. Sa kanyang tula, binati ni Rizal ang ina sa
kaarawan nito at ipinahayag niya ang kanyang pagmamahal.
Bakit nga ba
nagpapaligsahan
sa bango ang mga bulaklak
sa masayang araw na ito?
Bakit nga ba
may bubulung-bulong
na matamis at malamyos na himig
sa lambak na ito?
Bakit nga ba
umaawit ang mga ibon,
lumilipad nang paroo’t parito
sabay ihip ng hangin?
Bakit nga ba
ang malinaw na batis
ay ipinaghehele
ang mga namumukadkad na bulaklak?
Bumubulong sa batis
Walang humpay ngayong araw,
Binubulong-bulong na
Lumigaya ka tuwina.
Mga Tula ni Rizal tungkol sa Edukasyon. Bagaman tinedyer pa lamang si Rizal, mataas na
ang pagpapahalaga niya para sa edukasyon. Naniniwala siya sa mahalagang papel nito sa kaunlaran at
kalagayan ng isang bansa. Inilahad niya ito sa kanyang tula:
Mga Relihiyosong Tula ni Rizal. Noong estudyante pa, ipinahayag ni Rizal ang kanyang
debosyon sa pananampalatayang Katoliko sa kanyang mga tula. Isa sa mga relihiyoso niyang tula ay
ang maikling oda pinamagatang “Al Niño Jesus” (Sa Sanggol na si Hesus). Ito ang tula.
Sa Sanggol na si Hesus
Ang tula ay isinulat niya noong 1875 nang siya ay 14 na taong gulang.
Isa pang relihiyosong tula niya ay pinamagatang “A La Virgen Maria” (Para sa Birheng Maria).
Walang petsa kung kailan isinulat ang tula. Maaaring isinulat ito ni Rizal pagkaraan ng kanyang oda
para sa Sanggol na si Hesus. Ito ang tula:
Sa pagbubukas ng klase sa Ateneo noong Hunyo 1876 – huling taon niya sa kolehiyong Heswita
– ipinakita niya kay Padre Sanchez ang natapos na dulang pinamagatang San Eustacio, Martir. Binasa
ito ng guro at pinuri ang batang estudyante para sa magandang pagkakasulat.
Isang araw ng Linggo, binisita ni Rizal ang kanyang lola (sa panig ng kanyang ina) na
naninirahan sa Trozo, Maynila. Sinamahan siya ng kanyang kaibigang si Mariano Katigbak. Ang kanyang
lola ay kaibigan ng mag-anak na Katigbak ng Lipa. Pagdating sa bahay ng lola, nakita niyang marami
palang panauhin. Isa rito ay napakagandang babae, na biglang nagpatibok ng kanyang puso. Siya pala’y
kapatid ni Mariano, at ang ngalan niya’y Segunda.
Huli silang nag-usap noong Huwebes ng Disyembre 1877, at papalapit na ang Pasko. Binisita
niya si Segunda sa Kolehiyo ng La Concordia para magpaalam dahil uuwi na siya ng Calamba sa susunod
na araw. Sinabi naman ni Segunda kay Rizal na uuwi rin siya ng Lipa sa kamakalawa. Tumahimik ang
dalagita, naghihintay na sabihin ni Rizal ang hinihingi ng kanyang puso.
Ngunit walang sinabi ang binata, bagkus ay nagpaalam ito: “Paalam. Kung sabagay magkikita
tayo kapag napadaan ka ng Calamba sa iyong pag-uwi sa Lipa.”
Nang sumunod na araw, dumating si Rizal sa kanyang bayan. Hindi siya kaagad na nakilala ng
kanyang inang nanlalabo na ang mga mata. Ikinalulungkot ni Rizal ang kalagayan ng mga mata ng ina.
Ngunit masaya siyang sinalubong ng mga kapatid na babae, panay ang tukso sa kanya kay Segunda,
lalo pa’t naikuwento na ni Olympia ang tungkol sa dalawa.
Nang gabing iyon, ipinakita ni Rizal sa kanyang pamilya ang husay niya sa pag-eeskrima.
Nakipag-eskrima siya at nanalo sa pinakamahusay sa Calamba.
Nang sumunod na araw (Sabado), nalaman ni Rizal na hindi dadaong sa Calamba ang barkong
naglululan kay Segunda at kanyang pamilya dahil malakas ang hangin; sa halip, ay titigil ito sa Biñan.
Sumakay si Rizal sa kanyang puting kabayo at naghintay sa may kalsada. Isang parada ng mga
karomata mula Biñan ang nagdaan. Isa roon ang sakay na si Segunda na nakangiti at nagwawagayway
sa kanya ng isang panyolito. Tila naumid ang dila, itinaas lamang ni Rizal ang kanyang sombrero.
Nagpatuloy lamang sa pagbiyahe ang mga karomata hanggang sa mawala ang mga ito, gaya ng “isang
mabilis na anino.” Umuwi si Rizal, malungkot sa kinasapitan ng kanyang pag-ibig na “naudlot dahil sa
aking pagiging mahiyain.” Ang unang babaing nagpatibok ng kanyang puso ay tuluyan nang nawala sa
kanya. Nagbalik ito sa Lipa, at kinalauna’y nagpakasal kay Manuel Luz. Samantala, si Rizal ay nanatili
sa Calamba na bigong mangingibig na nagnanamnam lamang sa mga alaala ng isang nawalang mahal.
Pagkaraan ng tatlong taon, ito ang nasabi ni Rizal sa kanyang una ngunit bigong pag-ibig:
“Nagwakas nang maaga ang aking unang pag-ibig! Laging magluluksa ang aking puso sa nangyaring
ito. Oo’t magbabalik ang aking mga ilusyon, ngunit iba na ang mga ito at di na sigurado sa mga
mangyayari, hindi na handa dahil sa unang pagkabigo nito sa larangan ng pag-ibig.”
Utilization of Learning
Supplementary Materials
Target Outcomes
Abstraction
Sa kabutihang palad, kahit bigo at naging mapait ang unang pag-ibig ni Rizal, hindi naman ito
nakaapekto sa kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Pagkaraan ng unang taon sa kursong
Pilosopiya at Sulat (1877-78), lumipat siya sa kursong medisina. Kahit na nag-aaral ng medisina sa
unibersidad na pinamamahalaan ng mga Dominiko, kalaban ng mga Heswita sa edukasyon, nanatiling
tapat si Rizal sa Ateneo, kung saan marami siyang sinalihang gawain at nagpatuloy ng pag-aaral ng
kurso sa pagsasarbey. Bilang isang Tomasino, nanalo siya ng maraming gantimpala sa literatura,
nagkaroon ng ibang pag-ibig, at nakipaglaban sa mga estudyanteng Espanyol na mapang-insulto sa
kakayahan ng mga estudyanteng Pilipino.
Maging si Rizal ay nagulat sa pagtutol ng kanyang ina dahil alam niya ang pagpapahalaga nito
sa edukasyon. Pagkaraan ng ilang taon, isinulat niya sa kanyang dyornal: “Kinutuban na kaya noon ang
aking ina sa kahihinatnan ko? Lagi nga kayang batid ng ina ang mangyayari sa anak?
Nang sumunod na taon (1878-79), natanggap ni Rizal ang payo ng Rektor ng Ateneo na
nagmumungkahing medisina ang mainam na kurso para sa kanya. Kaya noon di’y nag-enrol siya sa
mga kursong paghahanda para sa medisina. Gusto ni Rizal na kumuha ng medisina dahil ninanais niyang
magamot ang pagkabulag ng kanyang ina.
Tinapos ang Kurso ng Pagsasarbey sa Ateneo (1878). Noong unang taon sa Unibersidad
ng Santo Tomas (1877-78), nag-aral din si Rizal sa Ateneo. Kumuha siya ng kursong bokasyonal na
nagbigay sa kanya ng titulong perito agrimensor (dalubhasang agrimensor). Nang panahong iyon, ang
mga kolehiyong panlalaki sa Maynila ay may mga kursong bokasyonal sa agrikultura, komersiyo,
mekaniko, at pagsasarbey.
Bagaman Tomasino, madalas pa ring dinadalaw ni Rizal ang Ateneo. Hindi lamang dahil ito sa
kursong pagsasarbey, kundi dahil sa kanyang katapatan sa Ateneo, kung saan marami siyang
magagandang alaala, at kung saan ang mga Heswitang propesor, di tulad ng mga Dominiko ay
nagmamahal sa kanya at nagbibigay ng inspirasyon sa kanya para mapagbuti niyang lalo ang kanyang
pag-aaral. Patuloy siyang naging aktibo sa mga gawain sa Ateneo. Naging pangulo siya ng Akademya
ng Literaturang Espanyol at kalihim ng Akademya ng mga Likas na Agham. Ipinagpatuloy pa rin niya
ang pagiging miyembro ng Kongregasyon ni Maria, at kung saan nag-kalihim.
Mga Pag-ibig ni Rizal. Masipag sa pag-aaral niya sa Unibersidad ng Santo Tomas at marami
pang gawain sa Ateneo, ngunit may panahon pa rin si Rizal para sa pag-ibig. Isa siyang pangaraping
romantiko na gusto ring “makatikim ng pag-ibig”. Ang malungkot niyang karanasan sa unang pag-ibig
ay nakatulong para matutunan niyang maging mas matalino sa larangan ng pag-ibig.
Pagkaraang mawala sa kanya si Segunda Katigbak, niligawan niya ang isang dalagang taga-
Calamba. Sa kanyang talaarawan, tinawag niya itong “Binibining L,” at inilarawan niyang “maganda at
may kahali-halinang mga mata.” Ilang beses din niyang dinalaw ang dalaga sa tahanan nito, ngunit
biglang inihinto ang kanyang panliligaw, at tuluyan nang namatay ang pag-iibigan. Walang nakaaalam
kung sino ang dalagang ito. Hindi sinabi ni Rizal ang kanyang ngalan kaya hindi nalaman ng kasaysayan
kung sino ang dalagang ito. Gayunman, sinabi ni Rizal ang dalawang dahilan bakit nagbago ang isip
niya: (1) iniibig pa rin niya si Segunda, at (2) hindi gusto ng kanyang ama ang pamilya ni “Binibining
L.”
Pagkaraan ng ilang buwan, noong ikalawang taon niya sa Unibersidad ng Santo Tomas,
nangupahan si Rizal sa bahay ni Doña Concha Leyba sa Intramuros. Ang kapitbahay ni Doña Concha ay
sina Kapitan Juan at Kapitana Sanday Valenzuela ng Pansanjan, Laguna, na may magandang anak na
babae, si Leonor. Laging bukas ang tahanan ng mga Valenzuela kay Rizal, na isang estudyante ng
medisina mula Calamba, dahil sa husay nito sa salamangka. Niligawan niya si Leonor Valenzuela, na
isang matangkad na babaing maganda ang tindig. Pinadalhan niya ito ng liham ng pag-ibig na nakasulat
sa tintang di-nakikita. Ang tinta ay gawa sa ordinaryong asin at tubig. Hindi ito nakikita sa papel. Si
Rizal, na mahusay sa kimika, ang nagturo kay Orang (palayaw ni Leonor Valenzuela) ng lihim sa pagbasa
ng anumang talang nakasulat sa tintang di-nakikita. Pinapainit ito sa ibabaw ng kandila o lampara upang
lumitaw ang mga salita. Ngunit, tulad ng kay Segunda, tumigil siya sa panliligaw kay Orang.
Ang sumunod na pag-ibig ni Rizal ay sa isa pang Leonor—Leonor Rivera na pinsan niyang taga-
Camiling. Noong 1879, noong simula ng ikatlo niyang taon sa Unibersidad, tumira siya sa Casa
Tomasima sa Blg. 6 Kalye Santo Tomas, Intramuros. Ang may-ari ng bahay at tiyuhin niyang si Antonio
Rivera ay may magandang anak na babae, si Leonor, na estudyante sa Kolehiyo ng La Concordia, kung
saan nag-aaral din si Soledad (bunsong kapatid na babae ni Rizal), si Leonor ay tubong-Camiling, Tarlac
at isinilang noong Abril 11, 1867. Maganda siya, “mayumi gaya ng namumukadkad na bulaklak, na may
mabubuting mata.” Nabuo ang isang pag-ibig kina Jose at Leonor. Nagkasundo sila. Sa kanyang liham
kay Rizal, “Taimis” ang inilalagdang ngalan ni Leonor nang sa gayon ay maitago nila ang kanilang
relasyon sa mga magulang at kaibigan.
Hindi naman malubha ang naging sugat ni Rizal ngunit naging masakit ito sa kanya. Isinumbong
ni Rizal ang insidente kay Heneral Primo de Rivera, ang Espanyol na gobernador-heneral ng Pilipinas ng
panahong iyon. Ngunit walang nangyari sa kanyang reklamo dahil siya ay isang indio at Espanyol ang
mapang-abusong tenyente. Kinalaunan, sa isang liham kay Blumentritt, isinulat noong Marso 21, 1887,
sinabi niyang “nagpunta siya sa Kapitan-Heneral ngunit wala siyang natamong katarungan; gumaling
ang aking sugat sa loob ng dalawang linggo.”
Ang Inampalan, na binubuo ng mga Espanyol, ay humanga sa tula ni Rizal at iginawad dito ang
unang gantimpala na isang pilak na panulat, hugis pakpak at may dekorasyon na gintong laso.
Masayang-masaya ang batang si Rizal sa pagkapanalo niya sa timpalak ng pagsulat ng tula. Taos sa
puso siyang binati ng mga dati niyang propesor sa Ateneo, mga kaibigan at kamag-anak. Ang nagwaging
tula, ang “A La Juventud Filipina” (Para sa Kabataang Pilipino) ay tulang nagbibigay ng inspirasyon. Sa
pamamagitan ng magagandang berso, hiniling ni Rizal sa kabataang Pilipino na imulat na ang mga mata
sa mga nangyayari sa kanilang paligid, na hayaang pumailanlang ang kanilang talino sa sining at agham,
at lagutin ang tanikalang pumipigil sa diwa nila bilang tao. Ito ang tula:
Ang nagwaging tulang ito ni Rizal ay isang klasiko sa panitikang Filipino. Una, isa itong
napakagandang tula sa Espanyol na isinulat ng isang Pilipino, na kinilala ng mga Espanyol na awtoridad
sa panitikan, at pangalawa, ipinahahayag ng tula sa kauna-unahang pagkakataon ng isang Pilipino –
hindi mga dayuhan – ang konsepto ng pagiging makabayan, na ang kabataan ang siyang “pag-asa ng
bayan.”
“Ang Konseho ng mga Diyos” (1880). Nang sumunod na taon (1881), nagkaroon muli ng
panibagong paligsahan sa panitikan ang Liceo Artistico-Literario para sa ikaapat na sentenaryo ng
kamatayan ni Cervantes, dakilang Espanyol na manunulat at awtor ng Don Quixote. Sa pagkakataong
ito, ang paligsahan ay bukas sa kapwa Pilipino at Espanyol.
Ang nagwaging alegorya ni Rizal ay isang obra maestrang batay sa mga klasikong Griyego. Sa
pagsulat nito, si Rizal, bagaman estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas, ay tinulungan ng mabait
na Padre Rektor ng Ateneo sa pangangalap ng kinakailangang materyales. Nagtatag ang alegorya ng
pagkakatulad nina Homer, Virgil, at Cervantes. Tinalakay ng mga diyos ang mga merito ng mga dakilang
manunulat na ito, at nagpasyang igawad ang trumpeta kay Homer, ang lira kay Virgil, at lawrel kay
Cervantes. Ang alegorya ay masayang nagtapos sa pagsasaya ng mga ada, Diwata, at iba pang tauhang
mitolohikal.
Kung pagbabatayan ang gandang pampanitikan, hindi naman ganoon katampok ang Junto al
Pasig. Ngunit may mga bahagi rito na nagpapahayag ng satirika ng mga makabayang ideya ng awtor.
Halimbawa, pinasalita ni Rizal si Satanas nang ganito hinggil sa Pilipinas –
Nang taong iyon (1880), sumulat siya ng isang sonatang pinamagatang A Filipinas para sa
album ng Samahan ng mga Iskultor. Sa sonatang ito, hinikayat niya ang mga artistang Pilipino na
magbigay-dangal sa Pilipinas.
Noong nakaraang taon, noong 1879, nilikha niya ang tulang Abd-el-Azis y Mahoma, na binigkas
ng isang Atenista, si Manuel Fernandez, noong gabi ng Disyembre 8, 1879 bilang parangal sa Patron ng
Ateneo.
Kinalaunan, noong 1881, isinulat niya ang Al M.R.P. Pablo Ramon, isang tulang nagpapakita ng
pagmamahal kay Padre Pablo Ramon, ang rector ng Ateneo, na naging mabuti at matulungin sa kanya.
Pagbisita ni Rizal sa Pakil at Pagsanjan. Noong Mayo 1881, nang siya ay estudyante ng
medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas, sumama si Rizal sa peregrinasyon sa bayan ng Pakil, kilalang
dambana ng Birhen Maria delos Dolores. Kasama niya ang mga kapatid na sina Saturnina, Maria,
Trinidad, at kanilang mga kaibigang babae. Sumakay siya sa kasko mula Calamba papuntang Pakil,
Laguna, at tumuloy sila sa bahay nina G. at Gng. Manuel Regalado, na ang anak na si Nicolas ay kaibigan
ni Rizal sa Maynila.
Nabighani si Rizal at kanyang mga kasama sa tinatawag na turumba, kung saan ang mga tao
ay nagsasayaw sa kalsada habang ipinuprusisyon ang istatwa ng milagrosang Birhen Maria de los
Dolores. Habang nagsasayaw sila ay umaawit sila:
Pagkaraan ng ilang taon, binanggit ni Rizal ang turumba sa Kabanata VI ng Noli Me Tangere at
Talon ng Pagsanjan sa kanyang talaarawan niya (Estados Unidos – Sabado, Mayo 12, 1888), kung saan
sinabi niya napakaganda nga ng Talon ng Niagra ngunit “hindi kasingganda ng Talon ng Los Banos,
(sic) Pagsanjan.
Sa kanyang nobelang El Filibusterismo, inilarawan niya kung paano hiyain at insultuhin ng mga
Dominikong propesor ang mga estudyanteng Pilipino. Ipinakita rin niya ang sinaunang sistemang
pagtuturo rito, lalo na sa larangan ng pagtuturo ng mga likas na agham. Ikinuwento niya sa Kabanata
XIII, “Ang Klase sa Pisika,” na ang asignaturang agham ay itinuro nang walang ginagawang
eksperimento sa laboratoryo. Ang mikroskopyo at iba pang aparato sa laboratoryo ay nakatago lamang
sa eskaparate para makita ng mga panauhin, ngunit di para gamitin ni hawakan ng mga estudyante.
Dahil sa ganitong ugali ng kanyang mga propesor, si Rizal ang pinakamahusay na estudyante
ng Ateneo, ay hindi nagkamit ng mataas na karangalan. Bagaman ang mga grado niya noong unang
taon niya sa kursong pilosopiya ay “pinakamahusay,: hindi kahanga-hanga ang mga nakuha niya sa
apat na taon niya sa kursong medisina.
Utilization of Learning
Supplementary Materials